Twenty Five
Ang sabi ng mga nakakilala sa tunay kong ina, marami daw itong lalaki. Maraming kinakarelasyon at ang sabi pa ay iba iba daw ang ama ng mga anak niya. Pero wala naman akong pake doon, totoo man yan o hindi, Ang importante naman kasi sa akin ay binuhay nya ako kahit papaano. Ang akin lang ngayon, ayaw kong matulad sa kanya. Gusto kong patunayan sa mga taong nagsasabi na gagaya din ako sa tunay kong ina na nagkakamali sila.
"Huwag ka ngang maggalit-galitan dyan." Biglang bulong nya nang bahagya syang lumapit sa akin at lumayo ako agad. Hapon na at naghuhugas ako ng pinggan nang pumasok sya at ginulo na naman ako. Nangingilid na naman ang luha ko pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. Hindi ako umimik at matalim pa ring nakatitig sa hinuhugasan ko. Kutsilyo.
Ang sabi ng isipan ko kanina bago sya dumating, isaksak ko nalang ito sa sarili ko. Oo, ganyan na ako ka irrational dahil ang daming ala-alang nagbalik sa akin. Yung mga pangungutya ng mga tao sa akin. Yung mga pambabastos nila. Yung pagtraydor nya sa akin. Naiingayan ako kaya ini-enjoy ko nalang ang paghagod ng kutsilyo dahil kapag ako nainis, gagawin ko talaga kung anong binubulong ng demonyo sa akin. Saka naman pumasok sya at inistorbo ako.
Kapag hindi ka pa umalis sa gilid ko, isasaksak ko talaga tong kutsilyo sa'yo. Napansin naman nyang wala talaga ako sa mood at tamang pag-iisip kaya umalis na nga siya. Mabuti naman. Biglang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid at tinapos ang paghuhugas. Hindi pwedeng makita ng mga tao ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko naman kasi kailangan ang simpatiya at awa nila.
"Alis na ako." Paalam ko kay ate at kaagad umalis ng bahay. Hindi ko nalang sya hinintay pang sumagot. Natanaw ko si Macky na naghuhugas ng motor nya sa labas. Ngumisi sya nang makita akong papalapit, "Galit ka pa rin ba?". Hindi ako umimik at dinaanan lang siya. Ni isang galaw lang ng ulo ko ay hindi ko ginawa. Alam kong sinusundan nya ako ng tingin pero hindi ako lumingon.
Maggagabi na rin pala. Sinadya ko talagang hindi na mag online. Naisipan ko na nga ring huwag munang gumamit ng cellphone katulad ng palagi kong ginagawa tuwing bakasyon. Gusto ko kasing lumayo sa lahat.
Pagdating ko sa kabilang bahay ay agad bumungad sa akin ang pagmumukha ng pinsan ko. Ngiting ngiti sya nang makita ako. Anong problema nito? "Ate, okay lang daw ba ikaw?" Huh? Nilingon ko sya nang may pagtataka. Ang weird ng babaeng 'to. Hindi nalang ako nagtanong at dumiretso sa kwarto. "May i-sesend ako sa'yo ate." Pahabol nya at dahil sa curious ako kung anong isesend nya, ang lawak din kasi ng ngisi nya e, mukhang ewan lang. Nag online ako just to see a screenshot ng conversation nila ni Ed.
"Hi, ahm, pwedeng magtanong?"
"Yes, sure. Ano yun?"
"Okay lang ba sya?"
"Sino?"
"Yung pinsan mo. Hindi kasi siya nag online mula pa kahapon. Nag-alala lang ako."
"I see, don't worry, okay lang naman siya para sa'yo. Hahaha busy lang yun siguro."
"Magpinsan nga kayo. Anyways, salamat. Huwag mong sabihin na nagtanong ako sa'yo ha?"
"Sure, no problem."
Hindi ko alam na ang lawak na pala ng ngiti ko. Anak ng, may isang tao nga palang nag-alala sa akin. "Sino yan ate?" Aniya sabay tawa at inasar ako. Bwesit na batang 'to. Nabasa ko nga yung chat nya. Nag-alala nga siya dahil hindi ako nag online. Nalulungkot din daw siya at nasasaktan kasi baka raw nakukulitan na ako sa kanya. Grabe naman mag-isip 'tong kumag na 'to.
Ini-screenshot ko yung conversation namin ni Lynlyn at pinasa sa kanya. "Sorry pero loyal ang pinsan ko sa akin Ed. Hahaha." I could imagine his face right now. Panigurado, naglilikot na naman ang mga mata nito at nangamatis ang mukha. Lalo akong natawa, bwesit. Ang kyut niya, jusmiyo naman. "Hindi lang ako nakapag online, miss mo na ako agad? Ikaw ha." Pang-aasar ko sa kanya. Bigla tuloy nawala lahat ng problema ko. Parang na refresh bigla ang utak ko.
Yung nakalimutan ko lahat ng mga masasamang piinagdaanan lately dahil sa kanya at sa nalaman kong hinanap nya talaga ako, nag-alala pa. "Sorry, wala kasi akong mapagtanungan kung nasaan ka na. Kung anong ginagawa mo. Hindi kasi pwedeng si Holi, magkalayo naman kayo ng bahay. Tapos naisip ko yung pinsan mo." Paliwanag naman nya. Marami akong kaibigan, yes. Pero ni isa sa kanila walang nakakaalam sa personal kong buhay. Kahit si Holi na pinaka close ko sa lahat ay walang alam na nagchachat kami ni Ed. Walang nakakaalam.
"Ano nga palang nangyari sa'yo? Hindi kasi ako mapakali simula pa kahapon. Pakiramdam ko kasi may hindi magandang nangyari sa'yo, kaya nag-alala ako." Malakas talaga ang pakiramdam mo. Kinuwento ko sa kanya yung mga maikling detalye lang. Wala akong balak sabihin sa kanya ang boung kwento. Hindi dahil sa ayaw kong mag-iba ang tingin nya sa akin kundi he doesn't have to know every details of me. Open ako sa kanya, yes. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Basta ang alam nya, muntikan na naman akong pagsamantalahan.
Hindi nya alam na naisipan ko nang patayin ang sarili just to get rid of my unwanted thoughts. "Don't worry, I am here na Em, hindi na mangyayari ulit yun sa'yo, okay?" hindi mo rin masabi. "Nah, I can handle myself naman. You don't have to worry." Totoo naman kasi yun. Basta sa susunod, maging alerto at alisto na ako. Hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yun kahit pa sabihing kapatid sya sa asawa ng kuya ko at kaibigan ko pa. I've had enough.
"Bakit hindi ka man lang nagsumbong?" Kung magsusumbong ako, baka hindi rin nya aminin yun. At ayaw kong masira ang samahan ng mga magulang ko at magulang ng ate ko nang dahil lang sa kaartehan ko. Hindi ko gustong manira ng magagandang relasyon. Tsaka, may girlfriend naman yun sya at kaibigan ko pa. Kapag sumabog ang nangyari, magugulo ang lahat. Wala namang malalang nangyari kaya ipagpaliban ko nalang at hayaan na.
"Sorry ah, pero nangiginig ako sa galit dahil sa ginawa nya sa'yo. I need to calm myself." Kumalma lang naman sya kapag nakainom. Parang reliever nya kasi ang alak. Ang weird pero ganun nga siguro. "Just one bottle of beer then I'll be fine." Aniya at nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Sana kung naging maingat lang ako, hindi mangyayari yun. Pero kasi, ilang beses ko na syang nakasama sa iisang lugar wala namang masamang nangyari unlike kahapon. Hinayaan ko lang sya at sinabing okay lang talaga ako, sa susunod hindi ko na hahayaang mangyari ulit iyon.
Maya maya pa, biglang nagmessage sa akin si Holi. May screenshot iyon ng my day ni Ed. "Ano to?" tanong pa nya. "Don't tell me you have the same stuffed dog." Yung picture kasi, book cover yun sa story ni Ed na ako ang nag edit. That Scene With You ang title ng kwento at picture ni Siby noong nasa Tulay kami ang ginamit ko.
Ang lawak ng ngiti ko. "HAHAHAHA!" Bwesit, wala naman kasi talaga akong balak ipaalam sa lahat na nag-uusap at nagkikita kami ni Ed. Hindi naman kasi importante yun. Kaso, nagpost pala siya at medyo konektado pa sa akin kaya kung marunong kang mag analisa ng mga bagay bagay, mahuhulaan mong may something talaga. At hindi nga ako nagkamali dahil muling nagchat si Holi, "Hoooyyyy you're dating him???"
Ini-screenshot ko yun at pinasa kay Ed, "Shit! I think I'm busted! Hahaha" kaagad naman syang nagreply na natawa din. Nagsorry pa sya kasi baka raw galit ako. Wala namang dapat ikakagalit. "Tinanong ka oh, sagutin mo na yan." Aniya pertaining sa last question ni Holi. Napairap ako habang natatawa. "Are you dating him, Em?"
"Nope, I offered too make a book cover for his story. Tapos yun ang naisip kong concept, fit din naman sya." Pinilit ko talagang hindi obvious na natutuwa ako sa naging spekulasyon nya. Napaisip tuloy ako, maganda pala yung ganito. Yung hinuhulaan ng mga tao kung sino itong anonymous girl or boy na kasama niya at kasama ko.
"Ahhh, modus operandi 'to panigurado." Natawa ako lalo. Aware akong alam nya na may hindi ako sinasabi at sinasagot sa tanong nya. Naghihintay lang naman ito na mag-open up ako sa kanya.
Ini-screenshot ko ulit yung convo namin at pinasa kay Ed. "Totoo naman yung sinabi ko. I offered to make a book cover sa story mo." Sabi ko sa kanya. "Genius." Aniya. Hindi kasi pwedeng hindi ko sagutin ang tanong ni Holi sa akin. Magdududa na yun. "Tho, aware akong alam nya na may hindi ako sinasabi sa kanya."
"Sabihin ang alin?"
"That's her way of saying na she'll wait until mag open up ako sa kanya. She won't ask anything. Kasi ganyan din ako sa kanya e."
"Ano ba?"
"The truth." Biglang naningkit ang mga mata ko. Hmm.
"The truth what?" Sabi na nga ba e. Tsk.
"Nangingisda ka ah," akala mo di ko napansin ah. "Wala ka sa dagat Ed, kaya tigilan mo na yan." Natatawang puna ko sa kanya. Hindi mo ako maiisahan, kala mo ah.
"Ehem, cause you didn't answer my question." Yung tanong nya kung dinidate ko nga ba sya? Hahaha, hindi ko nga sinagot yun. Do I really need to answer that? We're just friends, hindi ba pwedeng mag-uusap at magkikita ang dalawang taong magkaibigan? Kapag ba nag-uusap at nagkikita, dating na agad? "Hahahaha!"
"Ang hirap mong ihulog sa patibong. Hindi ka talaga nagkakamali." Sus, masyado naman kasing halata. Sabi naman sa'yo I know how to read between the lines at madali lang din akong makaramdam.
"Hahaha, paano mo naman kasi ako mahuhulog kung hawak ko naman ang patibong?" Wala ka talagang makukuhang sagot sa akin, kaya huwag mo ng pilitin pa.
"Seriously?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top