Twenty

Alam mo yung feeling na gulat kang sinalubong ni kamatayan at saka mo lang namalayan na nasa binggit ka na pala ng kamatayan? Yung naglalaro kayo ng tagu-taguan nang may biglang mag 'boo' sa pinagtataguan mo? Yung biglang ang seryoso ng pinanuod mong horror scene nang biglang magjump scare, nakakagulat kasi pakiramdam mo, biglang hinugot ang puso mo at muling binalik. As in, parehas talaga kaming nagulantang sa nangyari. Teka, ano nga bang nangyari?

"Ikaw rin?!" sabay naming singhap parehas. Paano, nang umapak kasi ako sa sahig na mismo, bigla syang nagmura, paglingon ko, saktong may napansin akong itim na parang usok or more like, anino, tumakbo ito sa bandang likuran ko kaya diretso akong napaharap sa kanya. As in, about face kung about face. Napapikit ako sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan yun, sa totoo lang. Naramdaman ko lang sila pero ni minsan, hindi pa ako nakakita, ngayon lang. Nagmistulang toud ako bigla at dumilat ako upang tingnan sana sya since palagi naman akong namamangha at natutuwa sa mga facial expressions nya pero iba ang nakita ko.

Isang pari na nakatayo pero walang ulo sa tapat ko mismo. Yun pala isang mannequin lang yun na nakadamit pampari. Kaya natatawang napamura ako sabay tingin sa gulat at nanlalaki nyang may kasingkitan na mga mata. Literal na nakatunganga siya at nakanganga. Hindi ko alam kung mabahala ako o matawa sa itsura nya e. Kung nakikita lang nya ang sarili nyang pagmumukha sa salamin, panigurado, ibabaon na nya ito sa limot.

Sandali pa kaming nagkatinginan at muling natawa. Hindi ako nakaramdam ng takot talaga, I am actually thrilled. This is my first time seeing a black entity and siya pa ang kasama ko. Akala ko magyaya na syang umalis na kami doon pero ngumisi sya at sinabing, nakita raw nya ang isang repleksyon ng isang itim na anino sa salamin pagka angat nya ng tingin. Nasa gilid raw ito hanggang sa pumunta nga sa likuran ko at biglang nawala.

"Hahaha, tara na nga, itutuloy na natin ito. Imahinasyon lang natin yun." Aniya at diretsong naglakad. Nagpalinga linga pa sya sa paligid at taas noong sinabing, "see? Wala namang ibang tao dito bukod sa atin." Natatawa akong sinundan sya. Talaga lang ha? Panindigan mo yang tapang tapangan mo kunwari. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

Hindi naman ako natakot pero hindi lang kasi ako kumportable sa mga naglalakihang istatuwa kahit pa sabihin nating mga rebolto iyon ng mga santo at may mga sculptures din ng Panginoon. Medyo madilim kasi sa loob, nakapatay ang ilaw. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing ilaw namin sa malawak na silid nito. Tapos makulimlim pa sa labas at dumagdag pa itong kasama ko.

Ang creepy ng ambiance sa totoo lang. Lumang bahay kasi at ang sahig ay yari sa kahoy na sa tuwing inaapakan mo ay may nililikhang tunog na kadalasang naririnig sa mga horror movies. Tho, sanay naman ako sa tunog nito since ganito ang sahig namin dati sa aming bahay sa probinsya.

Abala ako kakatingin sa mga rebolto at inaaninag din ang mga ito since hindi ko masyadong mamukhaan at parang anino lang sila na nakatayo dahil nga madilim. Bigla akong mapapakislot nang maramdaman ang hindi mapakaling galaw ng kasama ko. Segundos lang ang pagitan at bahagya itong maalarma sa hindi ko malamang dahilan. Hindi tuloy ako makafocus sa ginagawa ko kaya panay ang sunod ko sa kanya. Kung saan saan kasi sya pumupunta. Pilit na dinidistract ang sarili.

Hindi naman ako lumalayo sa kanya masyado, nababahala ako e. Kailangang hindi sya mawala sa paningin ko kaya sinusundan ko sya. "Oh, bakit ka sunod nang sunod sa akin? Doon ka nga? Huwag mo sabaihing natatakot ka?" Kung alam nya lang na kanina ko lang sya pinagmamasdan at lihim na pinagtawanan. "Di ah, parehas lang na dito din ang punta ko." Sabi ko nalang at tiningnan ang paligid. Napunta na naman kami sa kabilang sulok kung saan ko nakita ang pari na walang ulo kanina. Nakita ko naman ang mannequin nito at tatlo pala talaga sila.

Walang saysay ang pagtitingin ko ng pictures, may mga nakapaskil kasi sa mga board sa bandang ito, kasi naman madilim. Hindi ko maaninag. Ang liliit nila lahat. Muli na naman syang gumalaw ng kasing bilis ng kidlat at pumunta sa kabila. Sinundan ko nalang ulit dahil kanina ko pa napapansin na parang may iniiwasan sya. Hindi talaga sya sanay noh?

Bigla pa akong kinabahan nang hindi ko agad sya nakita. Maraming pasikot sikot kasi ang kabuuan ng silid. Maraming mga nakahilerang boards. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitra ko sya sa bandang bintana. Sa harapan ng isang glass kung saan may painting o drawing yata sa loob nito. Hindi ko masayadong klaro. Mukhang landscape o mga tao? May kalumaan na din kasi.

Maya maya pa. muli na naman syang napasinghap at akmang aalis na naman nang magsalita ako, "Hayaan mo lang kasi siyang sumunod. Huwag mo nalang pansinin. The more mo kasing pansinin, the more kang guguluhin." Sabi ko kahit na nararamdaman kong nasa kabilang gilid ko lang ang kanina nya pa iniiwasan. Tapat nya mismo. "Hindi ko kasi mapigilan e." mahinang sabi nya. Sabi na nga ba.

Tiningala ko sya at nginitian, "Huwag mo lang ipahalata na nakikita mo siya." Alam kong hindi lang basta nararamdaman nya, may pagkakataong nakikita nya rin ito. Sino nga ba kasing hindi matakot kung dalawa lang kaming nandito sa madilim na silid na ito at panay pa ang sunod ng isang hindi mo kilala kung tao ba ito o isang entity.

Aware ako sa ibang presensya na kanina pa naming kasama, sinalubong pa nga kami di ba? "Maging mabait ka naman, ni-welcome na nga tayo kanina oh tapos ganyan ka pa." Biro ko sa kanya. Napalunok sya at muling umalis. "May nakita akong kwarto doon sa kabila, tara puntahan natin." Napailing ako at sinundan nalang siya.

Yung akala mo sa mga palabas at libro mo lang nalalaman pero yung feeling na maeencounter mo sila mismo? Kakaiba sya. Pero sanayan nalang talaga. Ang kaso, hindi talaga sanay itong kasama ko, first time nya e. First time ko rin namang makakita pero nanatili naman akong kalmado. Wala ka kasing mapapala kung magpapadala ka sa takot mo at magpapanic ka. Hindi ka na makapag-isip ng tama dahil pinangunahan ka na ng takot. Baka kung ano pang mangyari sa'yo sa ganuong istado ng pag-iisip.

Nang makarating kami sa kwartong sinasabi nya ay sobrang luma na nga nito. May isang single size na higaan na yari sa rattan. Isang upuan na rocking chair yata, pero sira na. Isang table sa gilid ng kama. May picture frame din na nakasabit sa dingding. Medyo may konting alikabok na ang lahat ng kagamitan, siguro hindi masyadong nalinis ng mga caretaker.

Lumapit ako sa bintana at saka hinarap ang kasama ko na nanatiling nakatayo. Sa palagay ko, mukhang nakahinga sya ng maluwag. Napabaling ang tingin ko sa higaan na nasa gilid nya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-imagine ang isang matandang lalaki, puting puti na ang buhok, nakaupo sa gilid ng higaan nito. Nakatingin ito sa akin tapos sa kanya. Iyong nakita kong larawan ng isang lalaki sa picture frame. Napailing ako at bahagyang nilapitan sya.

"What if, let's have a picture?" Sabi ko. Binilinan din kasi kami kanina na bawal daw kumuha ng litrato. Pero since, nasa isang kwarto naman kami at maliwanag, baka pwede. "Kumuha ka dyan mag-isa mo." Aniya at biglang nataranta ulit. "Teka, naririnig mo ba yun?" Sabay tingin sa labas ng kwarto. Doon sa mga hilerang rebolto mismo. Kita lang naman kasi. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Natatakot na talaga sya. "Ang alin ba?"

"Yun!"

"Yung tunog na yun!"

Aniya habang nakaturo ang hintuturo sa itaas, handa ng tumakbo. Tiningnan ko sya at parang maiihi na sya na ewan. Blangko naman ang kabuuan ng mukha nya pero makikita sa mata nito ang matinding takot. Ang bilis pa ng pag angat baba ng dibdib nya. Mabilis na paghinga. Nagbiro pa sya pero nangingibabaw pa rin yung eerie feeling na kanina nya pa nararamdaman.

May narinig naman akong parang isang tunog ng device. Yung kadalasang ginagamit sa mga ghost hunting. Yung tunog na yun ang naririnig ko. I think normal lang yun sa lugar na 'to. Spirit detector yata ang tawag. Ewan. "Yun? Kanina ko pa naman naririnig yun, bakit?" pero napapaisip din ako sa sinabi ko. Wala naman yun kanina pagpasok namin. Hindi ko nalang sinabi sa kanya ang napansin ko. "Hindi. Parang tunog ng sapatos." Aniya at nagdemonstrate pero iba naman ang tunog na nalikha nya.

"Nope. I think it's a device. Yun bang nakakadetect kapag may ibang ispirito sa isang lugar. I think, normal naman yan dito. Tapos kapag bumibilis ang tunog nito, ibig sabihin, meron nga at malapit lang ito." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Pero nababagabag din kasi talaga ako. Wala talaga yung tunog na yun kanina pagdating namin. Kami nga lang yung maingay e. Panay bulungan.

"Hindi talaga e." Ini-insist talaga nya na hindi yun ang narinig nya. Hindi naman tumigil ang tunog at medyo naninindig na din ang balahibo ko. Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko kaya bahagya akong lumayo sa kanya at sinilip ang labasan. Napasinghap pa ako nang makitang may tao doon. "Ikaw lang pala yan kuyang guard. Nananakot ka naman e," may hawak syang flashlight, nakatingin sa itaas at nilingon nya ako sabay ngumiti. Hindi naman sya nagsalita at inalis ko na rin ang tingin ko sa kanya. "Umakyat si kuyang guard. Tara na nga lang sa labas." Sabi ko sa kanya at saktong paglabas namin ay wala na si kuyang guard. Saan kaya yun nagpunta?

I don't want to think differently kaya hindi ko nalang din sinabi sa kanya to avoid confusion. Nang makababa kami ay parehas kaming nagtawanan. "Phew! That was epic!" sambit ko at nilingon sya na natatawang umiling. Napadaan kami sa isang garden at inaya nya akong tumambay muna doon. "See? Worth it din yung pera natin. Finally, nakakita ka na ng ghost, anong feeling?" Nakangiting tugon ko habang naglalakad papasok sa garden. Nakasunod naman sya sa akin.

"I'm happy that I finally found the ghost who understands me." Aniya at ramdam ko ang mga titig nya sa akin. Paano nakaramdam ako ng init sa likuran ko. Hindi nalang ako nagreact pa kasi parang double meaning yung sinabi nya. Although, binanggit naman nya sa akin dati na kung nakakakita ka na raw ng ghost, ibig sabihin nun, naiintindihan ka raw nya. Hindi ko alam kung paano at saan nya nakuha yun, hindi nalang ako nagtanong pa. Ang sabi pa raw nya, gusto daw nyang makakita ng ghost na makakaintindi sa kanya.

Hindi naman ako ganun ka bobo para hindi ko makuha ang ibig nyang ipahiwatig. Hinahangad nyang makita ang isang taong makakaintindi sa kanya. Ganun lang ka simply pero sa takbo ng utak nyang sobrang komplikado pa sa komplikado, ewan ko nalang. Ngumisi nalang ako at lumapit doon sa isang fish pond na may mga koi. Nakasunod lang sya at maya maya pa ay huminga ng malalim. Hindi ko alam kung para saan ang pananahimik nya bigla. Siguro hindi pa rin talaga sya makaget over sa nangyari kani kanina lang. Maging ako nga gusto ko pang bumalik sa taas. Wala namang time limit e.

Tumalikod ako sa pond at hinarap ang lumang museum. Tanaw ko mula rito ang bintana kung saan kami nanggaling. Napaangat ang kilay ko sa napansin. "Kung kailan naman bumaba na tayo, saka pa nila binuksan ang ilaw." Sambit ko at bumaling din sya doon. "Oo nga noh? siguro oras talaga natin yun parehas." Napaisip din ako doon. Siguro nga. "Maybe. Baka hindi natin yun siya nakita pagnagkataon noh?" Bumaling ako sa kanya na nakatitig sa kamay nya. Nakalas kasi yung ginawa kong ribbon na tali.

"Paki-ulit." Aniya na sinunod ko naman. "Tsaka, pwedeng higpitan mo masyado, baka makalas na naman kasi." Dagdag nya pa. Pumunta ako sa harapan nya mismo at inabot ang kamay nya. Dinahandahan ko naman at hinigpitan ang pagtatali nito. Kaso mahirap lang sya ng konti since maikli lang yung lubid. Nang matapos ay napatingin din ako sa bracelet ko. "Don't worry, hindi yan makakalas, hinigpitan ko masyado e." sabi nya at binaba ko nalang ang kamay ko.

Tumabi ako sa kanya at bumaling ulit sa museum. May kumpol ng mga estudyante ang nakita kong papasok doon. "Tamo, kung kailan wala na tayo doon saka naman sila dumating." May kasama din silang teachers. Siguro educational tour. May naisip ako, "What if babalik kaya tayo sa taas?" Agad syang napatingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Ayoko na. Tama na yun. Parang atakihin ako sa puso e. kung gusto mo, ikaw nalang mag-isa. Hihintayin nalang kita dito." Napasimangot ako. Ang arte nya. Gusto ko kasing maramdaman ulit yung pakiramdam na yun. Ang exciting kasi. Hahaha

Kinuwento ko naman sa kanya ang napaginipan ko at aniya'y hindi malabong hindi mangyari yun dahil sa naging reaksyon nya. Tinawanan ko nalang dahil alam ko rin namang hindi ko hahayaang mangyari sa kanya yun. Maya maya pa napagdisesyunan na naming umalis at umuwi nalang. Pero ang totoo talaga nyan, gusto ko pang sulitin ang boung araw ko na kasama sya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang pakiramdam ko sa mga oras na yun. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na wala na itong kasunod.

Nanatili lang akong nakasandal sa hamba ngpintuan sa entrada habang nakacross arms at nakatitig sa mahihinang patak ngulan na lumalapat sa lupa. "Alam ko kung bakit ayaw mo pang umalis dito." Aniyabigla na nakangiti. Nasa harapan ko lang sya at gusto ko syang yakapin bigla.Kahit dalawang araw ko lang syang nakakasama, mamimiss ko yung pakiramdam nanagagawa nya sa akin sa tuwing kasama ko sya. Hindi ko alam kung napansin nyabang iba ang asta ko pagdating sa kanya. "Hinihintay mo sya noh?" aniya sabaytingin sa loob. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si ate ganda. Ngumitinalang ako at nag-aya ng umalis sa lugar na yun, "Tara na nga lang." kung alam mo lang sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top