Twelve

"Bakit di nalang kasi kayo magkabalikan e para tapos na ang laban kesa yung may napupurweso kayong tao." Sabi ko nalang sa sarili ko. Kasi sa totoo lang, ako yung napagod sa inyo e. Kung may feelings pa rin naman kayo sa isa't isa aba, pag-usapan nyo yan, hindi yung mandamay pa kayo ng inosenteng tao. Allergic pa naman ako dyan sa pag-ibig na yan. Char lang. Hindi ko napigilan at nakapagpost ako na ang gugulo nyong mag ex kayo.

"Mel, ano yang post mo na yan ha?" biglang chat sa akin ni Ish. Natawa ako, nakita nya pala. Kakapost ko lang e. "Na ano ba?" kunwari hindi ko alam yung sinasabi nya. "Yang tungkol sa ex." Napailing ako. "Bakit kayo lang ba ang mag-ex?" Hindi agad sya nakapag reply.

"Tumulo tuloy yung sipon ko sa'yo Mel."

"Sipon na galing sa mata?" Biro ko pa.

"Oh sige, sipon nalang na galing sa bibig. Tumulo yung laway ko sa'yo e." Tuleg, napaiyak ko pa yata 'to. Naku naman.

"I'm sorry for dragging you into this mess. Hindi ko intention yun pero ang daming pakialamera e. Kaya mas maiging manahimik nalang muna ako para hindi ka na madamay pa Ms Caro." Biglang chat din sa akin ni Sir matapos ang isang oras din yatang pananahimik nya. Teka lang naman, umiiyak na naman ba 'to? Emotional yun e. Luh. Pero baka feeling ko lang naman siguro yun.

Saka ko lang nalaman na nag deactivate pala ang loko. Paktay na. Affected na sya nun? Sabagay, sino ba namang hindi. Wala ka na ngang ginagawa tapos ang dami pang mangingialam sa buhay mo. Gusto lang naman nyang makapag focus sa pag-o-ojt nya. Pero ang daming nanggugulo.

Malapit na ang last subject namin at nagtanungan kami kung nagawa ba namin yung assignment ni Sir. So far, nagawa naman namin lahat. "Bakit naka ¼ ka? Di ba ½ yun?" tanong ko kay Holi. Nakita ko kasi yung assignment nya at ¼ yung sinulatan nya. "1/4 naman talaga Mel. Bakit, ½ ba yung iyo?" Rinig kong sabi ni Jen. Nilingon ko sya at ¼ din yung sa kanya.

"Huwag mong sabihing, nag-eessay ka na naman Mel, 500 words ba? Kaya naka ½ ka." Pabirong sigaw ni Ate Hayley. "Hay naku Mel. Sa'yo pa nga nanggaling sa group chat kagabi na ¼ ito isusulat." Ani Holi. Napatanga ako. Talaga bang ¼ iyon? Tiningnan ko yung group chat namin at nakita ko nga doon yung pinost ko. Kinunan ko kasi ng litrato yung sinulat ni Sir sa pisara noong nakaraan. Instructions yun para sa assignment. "Ay oo!" Natatawang sabi ko nalang nang mapagtanto ang lahat.

"Hintayin nyo ako ha? Itatransfer ko lang 'to. Hoy Jen! Pahingi ako ng ¼!" Inasar pa ako ni Holi kesyo nage-essay na naman ako. Back to back kasi yung akin. Sinummarize ko lang yun lahat at pilit niliitan yung font ng pagsusulat. May nilagay din kasi ako sa pinakadulo ng assignment ko since nag deactivate sya. "Love letter na yang sinulat mo Mel." Sarkastikong ani ate Hayley. "Mga sira, nag explain lang ako sa assignment ko."

Kumbaga, opinion kasi yung tinanong nya sa amin. Tungkol yun sa treaty. Kaya kailangan ko ring mag explain base sa mga facts na nakuha ko. Sus.

Napansin kong matamlay sya at tahimik lang. Nagsasalita naman sya pero para kunin yung assignment namin. Since ako na naman ang dakilang utusan ng mga magagaling kong kaklase, ako na yung tumayo para ibigay sa kanya yung mga papel namin. Sinadya kong baliktarin ang papel ko dahil nandun yung sinulat ko. Mga echosera kasi itong mga kaibigan ko kaya hindi ko na ginawang back to back.

"Sorry. Don't let if affects you. Stay focus." Yun ang sinulat ko na hindi ko alam kung nakita o nabasa nya dahil tumalikod ako agad. Maya maya pa, nagtanong sya regarding sa ginawang assignment namin. Siguro tiningnan nya kung talagang kami nga ba ang ang nagsulat nun at hindi lang copy paste mula sa internet. Walang nag-atubiling magtaas ng kamay hanggang sa may tinawag nalang sya. Nakasagot naman pero kulang. Hindi daw nya kabisado yung sinulat nya. Yung iba din ay ganun. Hanggang sa may sumagot na medyo relate sa sinabi ko.

"Good. Any other answers?" Tanong nyang muli at nagtaas ako ng kamay. Kahit ako, hindi ko kabisado yung sinulat ko pero alam ko naman kung anong ipinupunto ko doon. "I agree with," teka, mister o miss ba itatawag ko sa kanya? "Miss, since like I said dyan sa sinulat ko, I forgot the exact words kasi, pakibasa nga Sir, yung may about change something." Sa daming sinabi ko, yun talagang part na yun ang sinadya kong ipabasa sa kanya kahit alam ko naman talaga kung ano yun. Sinunod naman nya at hinanap ang papel ko.

"If you want change, you must start it with yourself." Basa nya at binaba yung papel. I want him kasi to change. Baguhin nya yung mindset nya na sobrang negative. Nakakalason kasi yan ng isipan. Matalino naman sya pero kapag puro nalang negative ang nasa utak nyan, baka kung saan pa yan mapunta. May kilala kasi akong ganyan. Hindi mo naman mababago ang isang bagay kung hindi mo rin baguhin ang sarili mo mismo. Kasi ang pagbabago, sa'yo yan nagsisimula.

Ganun lang ka simply pero alam kong mahirap yang gawin kapag nakagawian mo nang mag-isip ng mga negatibong bagay at nakalimutan mong may mga positibong pangyayari din sa mundo at sa sarili mo mismo. Sabi ko nga dati, I appreciate negativities pero hindi ko hinahayaang lamunin ako nito.

Ilang araw na rin ang lumipas at malapit na ang preliminary exam namin. Babad kaming mga kaibigan ko sa pag-aaral sa major subjects namin dahil ngayong week ini-schedule ang exams namin. One week before the prelim. Sinadya ito ng Dean namin para daw hindi kami mapagod kakaaral at para na rin daw makafocus sa minors namin.

Nairaos naman naming ang exam na objective, lagi naman, hanggang sa last subject na. Nag-announce si Sir bigla. Nga pala, nag reactivate na sya ulit. Kesyo ang duwag daw nya at nagawa nya pa yun. Nagpapaapekto sya agad. Sabi ko nga mabuti at na realize mo din Sir. Hindi ba nya alam na mukha syang tanga dahil doon? "Class, bad news. Extended yung ojt namin at hanggang prelims kami dito." Alam ko na yan, sinabi nya kaya sa akin noong isang araw.

"Kaya tiis tiis muna ha? Baka kasi naalibadbaran na kayo sa pagmumukha ko." Biro pa nya matapos kaming pumunta sa grupo namin. Since pinag grupo na naman nya kami dahil may pa activity ulit sya. Kagrupo ko ulit si Kuya Jay. Ayos 'to, hindi kami mangungulelat. SWOT yung strategy na napili nya. Strength, Weaknesses, Opportunity and Threat. I-rerefer daw namin yun sa section na napili nya sa Article 3, yung Bill of Rights. May nakalagay naman na statement sa ibaba kung saan kami dapat.

Maraming nagreact at natuwa, ako naman walang pake. "No choice e." Sabi ko. Muntik ko pang matampal ang sarili ko. Napalakas yata at pinuna ako ng katabi ko. Partida, malapit lang sya sa pwesto namin. Natawa lang naman sya at namula din. May nang asar din kasi hindi ko naman pinagtuunan ng pansin since abala ako sa paghahanap sa section nan a naka-assign sa amin.

"Anyways, dito muna ako sa gitna ha? Okay lang ba sa inyo? Hindi ko kasi dala yung eyeglasses ko." Aniya sabya dinala ang upuan nya sa gitna. Sumakto pa talaga sa tapat ko mismo. "Sus, gusto mo lang talaga makatapat si Mel Sir e." rinig kong sigaw sa kabila. Alam kong isa yun sa mga kaibigan ko. "Ikaw Sir haaaa?" Tiningnan ko yung nagsalita at lahat ng DevComm sa akin nakatingin. Si Mira yung huling nang-asar. Ako na naman nakita nila. "Ha? Hindi ah, hindi ko kasi mabasa yung sinusulat nyo kapag masyado nang malayo." Aniya na namumula.

Ang totoo nyan, nakakadistract sya dahil yung kagrupo sana namin na nakaharang sa vision namin parehas, nakapatong ang ulo nito sa armchair at natutulog. Hindi ko alam kung anong itsura ko sa lagay na 'to pero awkward talaga akong nakangiti at pilit dinidirekta ang atensyon sa section namin. Maingay naman ang ibang kaklase namin kaya hindi nila masyadong narinig yung mga pang-aasar nila pero sa lakas ng boses nun, ewan ko nalang. Kaya naawkwardan ako.

Mabuti at umatras siya at pumunta sa pinaka dulo pero line of vision ko pa rin. Dapat na ba akong makipagpalitan ng pwesto ni Ice? Babae yan, Maurice talaga full name nyan. Sya yung katabi ko sa left pero nakaharap sya sa ibang kagrupo namin, si Kuya Jay naman sa right side ko. Pabilog kasi yung porma namin. Hindi ko nalang pinansin yung paligid at tumulong. Ang totoo nyan, parang kami lang talagang tatlo ni Ice at kuya Jay yung magkagrupo. Sumasang-ayon lang naman kasi yung iba.

Maya maya pa, parehas na kaming naguguluhang tatlo kung ano ba talaga ang gawin naming example na strength ng isang laborer. "Kasi diba, rights of a worker dapat. Pero kasi kay kuya Jay parang yung mga hindi pa nag-eexist na sana dapat ay meron." Tangina, pati nga ako naguguluhan sa kanilang dalawa e. parehas silang magkaiba ang side. Hindi ko alam kung saan ako papanig.

"Luh, hindi ba pwedeng both nalang? Ilagay natin ang dalawang side. O di kaya ay huwag nalang natin isali yang hindi nag-eexist. Kasi naman, magiging weaknesses na yan." Sabi ko. "Pero, magiging strength din naman yan ng worker." Kontra din ni Kuya. Jusko, ang gugulo nila parehas. "Tama si Mel kuya, magiging weaknesses na yan kung sakali kasi di ba, hindi pa nag-eexist." May point din naman si kuya Jay kung magiging subjective kami. Pero dapat objective kasi. Kaso, ano namang masama kung doon di ba? Tsaka, wala naman specific na instruction si Sir na dapat objective o kahit yun man lang nag-eexist na.

"Ang mas mabuti pa, tanungin mo nalang kaya si Sir Mel?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ice at biglang kumalabog ang puso ko, tangina. Anong nangyari ba? Tiningnan ko si Sir na nakayuko at nagsusulat. Saglit pa itong nag-isip at sulat ulit. "Sige na para ma klaro natin." Pagpipilit nya pa. "E bakit ako? Ikaw nalang kaya?" Hindi ba nya nahahalatang naaawkwardan ako kanina dahil sa mga mapang-asar kong mga kaibigan?

"Sige na inday at nang matapos na tayo." Ani kuya na ngingiti ngiti. Pakiramdam ko umakyat talaga ang dugo ko papunta sa mukha ko. "Nahihiya ako e. Iba nalang. Sila oh." Sabay turo ko doon sa iba pa naming kasamahan. Lahat sila nag-iwas ng tingin at kunwari hindi nakinig. Mga bwesit.

"Sige na Mel."

Nangangatog na yung binti ko. Huminga ako ng malalim, "A-ano bang sasabihin ko?" inulit pa ni Ice yung problema namin at tumayo na ako. Jusko, nasa kalagitnaan pa ako at gusto ko nalang bumalik sa upuan. Nilingon ko sila at nakatingin din sila sa akin. Yung mukha ni Ice parang inaantok na ewan, "Sige na." as if namang may choice ako.

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga at dahan dahang lumapit sa pwesto ni Sir. "Excuse me Sir." Nagulat pa sya nang mag-angat ito ng tingin at namula ng todo. Nag-iwas ito ng tingin at napalunok na may kasamang pagpikit ng mata. "Ipinapatanong kasi ng kagrupo namin kung, ahmm, anong strength ba dapat ang i-fofocus namin." Ang totoo nyan, nakalimutan ko talaga yung dapat kong sabihin. Nag-iwas ako ng tingin at gumilid ng konti. Kasi nararamdaman kong hindi sya komportable kaya sa gilid muna nya ako tumayo. Nakita ko si Holi at sumenyas nang 'I'm watching you'. Natatawa akong umiling at muling tumingin kay Sir.

Nagtagpo ang mga mata namin at lalong pinamulahan sya ng mukha. Teka, wala bang hangin? Bakit ang init bigla? Sira ba ang ceiling fan dito? "Ahm, depende nyan sa inyo. For example blah blah blah." Ang dami nyang sinabi na hindi naman talaga nasagot yung tanong namin, sa totoo lang. Natawa tuloy ako. "I mean, ano ba yung naisip nyo?" Sabi nalang nya. "Hmm, nakuha ko na Sir. Salamat." Hindi ko na hinintay yung sagot nya kasi nangangati na talaga akong umalis. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko na pakiramdam ko lalabas na ito kapag nagtagal pa ako sa harapan nya, jusko. Kailangan ko yata ng tubig.

"Oh, anong sabi?"

"Both nalang talaga." Sabi ko nalang dahil wala naman talaga syang binigay na concrete answer. Hindi ko nga din maiintindihan ang sinasabi nya. Ang layo sa naging tanong ko. Jusko. Pero kailangan ko talagang kumalma. I need water!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top