Thirteen
Ni minsan hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa kahit na kanino kahit noong high school pa lang ako. Yung mga panahong nag-umpisa akong lumandi. "Pero, para sa akin talaga ate. Bagay na bagay sina Mel at Sir Perru." Biglang sabi ni Mira. I mean, kung ano anong pinagsasabi nila pero hindi naman ako nakinig. Kasalukuyan kaming naglalakad sa activity center, uwian na kasi. "I agree, bagay din talaga sila, parehas slim." Segunda din ni ate Hayley. "Pero hindi ba ang pangit tingnan? Student teacher at student in a relationship?" Umiksena din si Faye.
"So? Hindi pa naman teacher talaga si Sir tsaka, ang sabi di ba, next year sa ibang school na sila?" ani ate Hayley. Hindi ko nalang sila pinansin at akmang iwan sana sila nang tanungin ako ni ate, "What if Mel, manliligaw si Sir sa'yo? May chance ba sya?" natigilan ako at saka hinarap silang ngiting ngiti. "I don't entertain ate, alam nyo yan. Focus ako sa pag-aaral ko, okay? Tigilan nyo na yan." Kalamante kong sabi at nagpaalam na. Bakit ba ang desperada nilang magkalablayf ako ha? Aanhin ko naman kasi yan?
"Please do study sa mga lessons natin dahil may quiz ako sa inyo ngayong byernes." Biglang pahayag ni Sir. Next week na pala yung prelim. "Next week na exam nyo at kailangan mag-aral din kayo ha? Papahirapan ko kayo." Hamon nya sa amin. Baka naman kasi daw akala naming igugrupo na naman kami sa exam. Oh well, lagi naman akong handa. Tss. Tsaka, bangag ako ngayon, ang hirap kaya nang pinagdaanan name sa major exam kanina. Dumugo na ilong ko kaka english at dumugo na din utak ko kakaisip ng sagot. Partida, objective exam yun, walang choices. Kailangan talaga mag essay pa kami. Jusko.
Walang pasok sa major kinabukasan since tapos na naman na kaming mag exam. At yung isang major namin na hinahandle ni Sir Roger ay hindi naman talaga sya nagpa written exam. Bali yung activity na ginawa namin last meeting ay practical exam na yun. Sa isang radio station kasi namin ginawa yun. Nagrerecording.
Si miss natscie ay nagbigay lang ng notes ulit at aaralin nalang daw namin at iniwan kami. May 3 hrs na vacant at natulog lang kami. Yung iba ay pumunta sa mall. Wala talaga sa bokabularyo namin ang mag-aral sa minors noh? Kasi di ba, dapat nag-aaral kami kasi nga yun ang sabi ni Sir. Kaso, kakabuklat ko pa lang ng notebook ko, hinihila naman ang mata ko pababa kaya natulog nalang ako. Nagising lang nung dumating sila at binigay yung mga pinadala naming pagkain.
Kahit noong nasa klasrom na kami wala talagang ni isa sa mga kaibigan ko ang nag-aral. Yung iba naman naming kaklase ay kakabuklat lang din ng mga notebook nila. Yung iba wala lang, abala sa harap ng cellphone. Nagbabasa ako ng wattpad nang dumating si Sir. "Nag-aaral ba kayo?" walang sumagot. "Joke lang yung sinabi ko last meeting. Anyways, get 1/8 sheet of paper, write your name tapos ibigay sa akin, ibang activity ang gagawin natin ngayon." Aniya na sinunod naman namin. Sabi nya magbibigay daw kami ng mga natutunan namin sa klase nya kahit hindi related sa mga lessons at e-expound daw dapat.
Bubunut sya sa mga papel na hawak nya. Nang matawag na ang ibang DevComm, alam kong malapit na ako. Si Jen kasi yung nasa ibabaw ng papel ko at katabi ko sya sa kanan kaso nang matapos na sya ay bigla nyang nilagay sa pinakalikuran ang papel ko at kunwaring naghanap pa sya ng iba. Inasar tuloy sya ng mga kaibigan ko. "Ha? Naghahanap lang naman ako." Aniya. Nakatitig lang ako sa kanya at buti hindi nakita ang nakangisi kong mukha dahil may sout akong face mask na kulay black at may drawing na mustache. Sinipon kasi ako at minsanang ubo.
"Ayyiiee, sinadya nya talagang ihuli si Mel!"
"Ayyiiee, save the best for the last ika nga."
"Hahaha ikaw sir ah!"
"Hindi talaga, promise, kayo talaga." Sinong niloloko mo Sir? I saw what you did. Nabasa mo yung pangalan ko kaya nilagay mo sa pinakadulo. Sus, partida ang pula pula mo na oh.
Nagbunot ulit sya hanggang sa yung 1/8 ko na mismo ang hawak nya. "And last but not the least, Miss Caro." Hinubad ko muna yung mask ko at tumayo mula sa pagkakadekwatro. Nagsigawan ang mga kaibigan ko at nang-aasar na naman. Umirap nalang ako pero natawa na rin sa mg aka kornyhan nila. "So, tell me kung ano yung mga natutunan mo Miss Caro," Aniya sabay tingin sa mga mata ko. Nakangiti siya.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa nakikita ko. Tangina, nakakalunod. Bakit ang intense? Pero may halo iyong lungkot. Hindi pa ako makapag concentrate masyado kasi nga sa pang-aasar nila na hindi pa rin tumigil. "Ayyiiee, matutunaw na yan si Mel, Sir!" kailangan kong kumalma dahil pakiramdam ko, para akong maiihi na ewan. Bakit ba ang sikip sikip ng klasrom na 'to?
"Tumahimik na nga lang kayo, hindi ako makafocus sa sabihin ko e." saway ko sa kanila, tumahimik naman. Muli akong tumingin kay Sir na nanatili pa rin ang mga malalim nyang titig sa akin, naghihintay sa sasabihin ko. Unti unting nawawala ang ngiti ko dahil nasisilawan ako sa kanya at pakiramdam ko natuyuan yata ako ng lalamunan. Nauutal pa ako at nawala ako sa dapat ko sanang sasabihin. Sila kasi e. Titig na titig sya at hindi ko kinaya yun. Nag iwas ako ng tingin sa kanya para masabi ko yung mga dapat kong sasabihin sana. Sa bintana nalang ako tumingin at inulit ko lang naman ang mga sinabi ng lahat. Nakakainis.
Nagsigawan naman ang mga lalaki nang purihin ko rin sila kasi nagpaparticipate din sila sa klase. Hindi ko alam kung bakit ganun ang sinabi ko, wala naman yun sa naisip ko kanina. Ito kasi sana yun, salamat sa mga estratehiya mo Sir kasi dahil doon, napagsalita mo kaming lahat. Pasasalamatan ko sana sya dapat pero iba ang lumabas ng bibig ko. Bahala na nga lang, tinapos ko nalang yun at umupo. Nahahalata kong may hinihintay pa talaga si Sir na sasabihin ko. Mamaya ko nalang siguro sabihin sa chat. Bahala sya.
Matapos nun ay nag-alok sya ng picture taking daw kasama sya. Agad kong binalik ang mask ko kasi trip ko lang. Para hindi ako makilala sa picture, hihi. Pumasok yung babaeng tahimik na lagi kong nakikitang kasama nya. "Girlfriend nya ba yan?" bulong ni Mira sa akin. "Bakit ako ang tinatanong mo?" pinalo nya ako saka sinamaan kunwari ng tingin. "Bestfriend daw nya yan, sabi nya." Sabi ko nalang para manahimik sya. Nagform naman kami ng linya sa likod ni sir, bali naka upo sya sa upuan at yung iba din.
Trip ko kasing tumayo, kaya tumayo ako sa gilid. Kaso, ang gugulo ng mga kasama ko, dinutdot ako at napunta mismo sa likuran nya. Umiwas ako at hinayaang si Joy ang mapunta doon at bumalik ako sa dati kong pwesto.
Nagising ako isang umaga na gulantang talaga. As in yung boung diwa ko ang nagising. Kasi naman, may mensahe pala si Sir kaninang madaling araw.
"Girl on fire"
"I can't keep doing this, the more na naattach ako the more din akong nasasakan because I can't express this to you. Though I kept on telling the class na dapat i-express din yung sarili nila but ako mismo hindi ko magawa. I just wanna look at you from a far, I can't stay like this forever. I'm most stupid when I'm in love. So, here I am not sleeping again, wanna express this."
"Keep it up Ms Caro. Pretend you never read this, pretend I never cared for you, pretend I never had these feelings."
"Hindi ko gustong guluhin ang utak mo, sa mga priorities mo. So I will keep these feelings to myself, even though it hurts like hell."
Umagang umaga ito talaga ang bumungad sa akin. Napanganga ako, literal talaga nan ganga. Pero hindi ko rin maalis ang ngiti sa mga labi ko. "Sabi na e. Nahahalata ko naman, hindi ka talaga magaling magtago Sir." Sabi ko nalang.
"Mainly the reason why I couldn't look straight sa mga mata mo kasi iba ang nakikita ko. Kaya siguro inasar nila tayo dahil may napansin sila. Also, you told me that you're good at controlling but no, you're so transparent for them to notice it. Maybe hindi mo sinadya yun o ano pero kahit na, nag conclude pa rin sila which I hated the most. O baka rin, hindi ko lang talaga matanggap kasi hindi ako makapaniwala. I'm a bit uncomfortable and distracted kasi naman di ba, why? Why me? Sa dami nila, bakit ako di ba? Anyway, mawawala din yan Sir, sooner or later. It will eventually fade. Franctly speaking, ngayon ka lang siguro nakatagpo ng isang katulad ko and you seem a bit challenged. And since tinapos mo na, enjoy ka nalang sa journey mo Sir as a teacher and as a young human being. If you need something or kung may problem aka, I'm all ears, okay? I'm still a friend you know. And salamat din sa patience mo sa klase at sa learning na din."
"Also, before I forgot, sorry. I'm sorry for making you feel that way."
Sa totoo lang, ayaw kong itigil 'to. Pero kasi, gusto nya e. Hayaan nalang natin. Mamimiss ko sya, for sure.
"No, don't say sorry, I'm happy I felt this. And felt it for you. I just want you to keep that promise sa sarili mo na priorities muna, that is all."
"Thank you for being so understanding." Napangiti ako at may naisip. As if naman kasing may choice ako di ba? "Hahaha, naalala mo yung sa klase Sir, yung sabi mo extended yung pag-i-ST mo sa amin? Sabi ko, 'no choice e', kaya yun din ang sasabihin ko sa'yo ngayon, no choice Sir e."
"Actually, may choice ka. You should have just ignore this." Lalong lumawak ang ngiti ko. "Plot twist: pinsan nya 'to sir, inutusan lang nya akong mag reply." Ang tanga ko talaga kahit kailan, lumusat pa. Anong klaseng excuse yan Mel ha? Ayaw mo lang talaga tapusin kung anong nasa pagitan nyo e.
"I see. Can you tell her something?"
"Sabihin mo sa akin galing." Aba, nakikiride pa siya oh. Lalo akong napangisi. "Ano daw ba yun? Kunwari ko pa.
"Tell her, I never met anyone like her. I regret not knowing her earlier but like she said, there's a reason for everything. Tell her, I loved every second na magkachat kami. Tell her, she might think my feelings are ordinary but it is not. Tell her, I don't care if I'm gonna live with this one sided feeling, but I'll keep it. Tell her, I am very foolish to dream it but I dream of being that last person she wants for her next relationship and lastly, tell her to ignore this message." Pasok talaga sa sa DevComm, mahilig din mag essay e. Madali naman akong kausap e.
"Asan na daw?"
"Good." Aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top