Sixteen
Byernes na ngayon at gaya ng inaasahan kapag desyembre, palaging umuulan. "Its okay kung hindi ka tutuloy." Aniya nang mapansin naming parehas ang panahon, makulimlim kasi. Kaso, nakokonsensya naman ako, wala na nga akong Christmas gift sa kanya tapos hindi pa ako sisipot sa usapan namin. "No, this is the only thing that I can give to you ngayong pasko. Don't worry, malapit na ako." Reply ko sa kanya. Totoo, bago sa akin ang gawin 'to. Ni minsan kasi hindi ako lumabas kasama ang isang lalaki kahit kaibigan ko pa yan, pwera nalang kung may kasamang mga kaibigan. Pero, lalabas lang naman ako kung kinakailangan.
Bali, ako at oras ko mismo ang Christmas gift ko sa kanya. Corny pakinggan at parang walang kaeffort effort pero ito lang talaga ang naisip kong paraan para pasalamatan sya at kukunin ko rin yung gift ko noh, akin kaya yun. "You'll laugh at me kapag nakita mo na ako. I looked like a delivery boy sa itsura ko." Sus, kahit naman noong student teacher pa kita palagi akong palihim na natatawa sa'yo.
Habang binabaktas ko ang kahabaan ng sidewalk ng Cebu Normal University, walang tigil naman ang dagundong ng puso ko. Tangina, bakit ba ako nagkakaganito? Wala naman syang ginawa para maging ganito ako sa kanya. Biglang umambon kaya kinuha ko yung payong ko at na nasa back pack. Palapit na ako nang palapit hanggang sa nasa harapan na ako ng gate. Ang sabi nya nasa may waiting shed daw sya. Ang waiting shed na katapat mismo ng gate. Para akong tanga kasi hindi agad ako lumapit sa kanya. Tho, hindi ko pa naman sya nakikita pero nararamdaman kong kanina pa sya naghihintay.
Mga ilang minuto din akong nakatayo doon at pilit pinapakalma ang sarili. Nanginginig na ewan. Parang gusto kong maihi, bwesit. "Kaya mo 'to Melody. Harapin mo na sya, ito naman. Kailan ka pa nahihiya ha?" tangina, naghihintay nga pala sya. Aba, kumilos ka na nga dyan! Dahan dahan akong lumapit doon sa gilid ng waiting shed pilit nilalabanan ang pangangatog ng binti. Bwesit ka talagang lalaki ka.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim. Pakiramdam ko kasi, kinakapos ako ng hangin e, hindi ako makahinga ng maayos. Aba, wala naman akong history ng hipa ah! Hindi rin ako asthmatic, nakakainis na ha. Unti unti ko na syang nakikita na ang lungkot lungkot ng mukha. Tulala itong nakatitig sa simento. Iniisip siguro nitong nagbago na ang isip ko. Tumutupad naman ako sa usapan. "Hi, Sir!" tawag ko sa kanya habang nakangiti. Bwesit, bakit ba ako ngiting ngiti? Tinikom ko nalang ang bibig ko at tumalikod. Agad naman syang tumayo nang makita ako. Tuleg, ang laki naman yata ng regalo nya.
Panay ang salita nya patungkol sa gift pero wala talaga akong naiintindihan. Kahit nagbiro pa sya ay hindi ko talaga masyadong nakuha. Nangingibabaw kasi yung malakas na tambol ng puso ko at ang cliché pakinggan pero baka marinig nya yun kaya medyo dumistansya ako ng konti. "Hmm, samahan mo nalang ako sa loob Sir." Sabi ko nang hindi makatingin sa kanya ng diretso. Pupunta kasi ako sa museum nila dahil may kailangan akong tingnan doon para sa thesis ko. Alam naman nya yun kaya pinili ko ring ngayong araw ko gawin ang pagpunta dito at para isabay nalang yung pagkuha ng regalo ko. "Sigurado ka?" aniya na parang hindi makapaniwala. "Yes oh yes!" sagot ko sabay ngiti at nag-iwas agad ng tingin.
Mas nauna pa akong pumasok sa kanya at nakalimutan ko ngang kailangan pa palang mag log book. Natataranta kasi ako at gusto ko nalang tumakbo palayo sa kanya. Bwesit talaga oo. "Ms Caro." Tawag nya sa akin pero hindi agad ako lumingon, kunwari namangha sa fountain nila na nakapatay naman. "Ms Caro." Nilingon ko sya at saka sumagot, "Yes sir?" hanep ka talaga sa mga damoves mo Melody. Geh, kunwari ka pa. "Kailangan daw mag log book." Aniya at lumapit ako. Nanginginig pa akong nagsulat ng pangalan ko at iniwan din naming ang ID naming kay ateng guard. "Grabe, ang lamig." Talaga lang ah? E naka turtle neck na sweater ka nga e. Nilalamig ka pa? Gusto kong hampasin ang sarili ko. Kung ano ano ng palusot ang ginawa ko hindi lang nya mapansin na kinakabahan ako. Hindi dahil sa lalaki ang kasama ko kundi ay dahil sa kanya mismo! Lintek talaga.
"Ate, alam mo ba ang museum nila dito?"
"Alam ko na, ayan lang oh." Diretso kong sagot sa tanong nya. Tinuro ko yung admin building na nasa harapan lang ng fountain mismo. "Oh? Kabisado mo pala Ms Caro." Aniya na kunwari binibiro ako just to break the awkwardness sa atmosphere. "Syempre, tinanong ko na kanina bago kita lapitan doon." Nabanggit din pala nya na dito sana sya magkokolehiyo kung hindi lang free uniform ang mga government scholar sa CEC. Wala naman akong problema dito sa CNU kasi naman dito ko rin kasi sana naisipang kumuha ng college ulit dati since gusto kong mag shift ng kurso, AB Comm. Dati kasi akong HRM student sa Cebu Institute of Technology-University. Tsaka maganda din talaga ang training nila dito kaso, nasarhan ako e. Ganun din sa Cebu Technological University, kaya sa CEC nalang ako napadpad.
Nagtulakan pa kami kung sinong magtatanong kung saang banda ba ang museum nila dito. Para kaming mga sira. "Ikaw nalang, hindi ako sanay sa mga tao at nahihiya ako. DevComm ka di ba?" Bwesit. Wala kang kwenta sir, alam mo yun? "Tsaka, ang laki ng dala ko e, baka isipin nila na kasali ako sa isang christmas party." Geh, palusot pa. Napairap ako at naghanap ng tao. Nasaan ba kasi ang mga tao dito?
"Excuse me. Ahm kuya, alam mo ba kung saang banda ang museum nila dito?" Tanong ko doon sa kauna-unahang taong nakita ko sa hallway. Instead na ituro nya sa akin kung saan daw ba, binigyan nya ako ng direksyon papuntang accounting kasi baka daw may bayad. Binalikan ko muna yung iniwan kong payat na delivery boy at tinawag. Natatawa talaga ako sa kanya na ewan. Ang gulo ko, jusko. Kani-kanina lang kinakabahan kasi naman, ang lapit lapit nya sa akin, jusmiyo. "Sir, accounting daw muna tayo." Tumango naman sya at pumunta kami sa accounting na nasa likuran lang pala namin.
Lunch break pa pala kaya naghintay muna kami doon sa labas. Nakaupo ako sa kahoy na upuan habang nasa tapat ko naman sya nakatayo. Inusog ko ang mga payong na nakapatong sa gilid ko. May space naman doon para upuan. "Sir, dito ka nalang. Ako yung nangangalay sa'yo e." umiling sya kesyo sanay na naman daw sya. Sinong niloloko nya? E halos matumba na nga sya kung walang cabinet na nasasandalan nya. Siguro iniisip nya na hindi talaga ako komportable na kasama sya kasi kanina pa ako panay distansya sa kanya. Jusko, kung alam nya lang na ginawa ko yun para pakalmahin ang puso ko. Pakiramdam ko kasi aatakihin ako ng wala sa oras e.
Nandito pa naman yung pakiramdam na kinakabahan ako pero kasi, unti unti na din akong naging komportable sa kanya. Siguro, naninibago lang talaga ako noong una. Nang may dumating na sa tingin namin ay kahira ay alisto naman syang sumunod dito papasok at sya na rin ang nagbayad sa akin. Ako nag-aya, ako pa nilibre. Hanep ka Sir ah.
Pagdating namin sa tamang palapag ay pinaghintay pa ulit kami ng halos kalahating oras din. Maulan na sa labas at medyo malamig na rin pero dahil nga nasa loob kami ng building, hindi naman sya ganun ka lamig talaga. Lamigin nga kasi ako. "Ang ganda dito. Gusto ko tuloy mag shooting dito ng isang palabas someday." Basag ko sa katahimikan. "Isang horror movie. Ayos di ba?" Natatawang pahayag ko. Nilingon ko sya na kanina pa pala nakatitig sa akin. Anong nangyari dito?
Pumunta ako sa may bandang binata habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Humangin ng malakas at sumabog ang buhok ko sa boung mukha ko mismo, napangisi ako dinama ang pagdampi ng hangin sa balat ko. "Iba talaga ang taste mo noh? Sabihin ko kaya 'to sa iba na dalhin ka sa mga museum dahil yun ang hilig mo?" Kanina pa kami nag-uusap ng kung ano ano at na-ishare ko din sa kanya kung bakit gusto kong pumunta sa mga museums. Gusto ko kasing malaman ang mga pangyayari sa nakaraan at kung ano anong mga kagamitan nila noon. Tsaka may pakiramdam akong gusto kong maging researcher baling araw. Jusko naman, sa dami ng gusto kong gawin hindi ko alam kung saan ako magsisimula e.
Nilingon ko sya at nadatnang nakangiti na may halong lungkot na nakatingin sa akin. Palagi nalang talaga syang malungkot. Kailan ko ba masisilayan ang totoong ngiti nyan? Sinamaan ko sya ng tingin, "Subukan mo lang, malilintikan ka sa akin." Napatawa naman sya at sinabing nagbibiro lang daw sya. May dumating na isang babae at may dalang isang kumpol ng keys. "Sorry. Wala kasi ang in-charge ngayon dito, may Christmas party kasi ngayon sa baba. Okay lang ba sa inyo kung kayo nalang muna sa loob? Basta bawal mag picture taking ha?" Kapag ganitong bawal ang picture taking ay dalawa lang ang ibig sabihin nyan. Una, bawal talaga, nasa rules. Pangalawa, bukod sa amin, may iba pang nakatira dito.
Sumang-ayon naman kami at pumasok na. Ang lamig lamig sa loob, jusko naman. Malawak din ang museum nila at maraming mga naka display. Mga uniform nila dati at may istatuwa pa ng first president ng CNU sa gitna. Na gulat pa nga kami noong una kasi akala namin may tao sa loob e. May mga gamit pang edukasyon din lalong lalo na sa matematika. Iba't ibang uri ng abacus instrument at kung ano ano pa. May mga booklet din ng kwento ni Dr. Jose Rizal. Meron ding mga lumang pera, papel man o barya. May iba't ibang uri ng style sa paggawa ng puso o hanging rice. Doon ako nagtagal talaga kasi naman, isa lang yung alam ko at kaya kong gawin na style. Tapos, anim pala talaga sila.
Habang abala ako sa pagbabasa ng mga styles at may mga picture pa talagang kasama, abala din sya sa pagkuha ng litrato sa akin. Sabing bawal picture taking e. Hinayaan ko nalang at hindi pinahalatang napansin ko syang kinukunan ako ng litrato. Naghanap pa ako ng mga pictures ng mga tao dati para sa thesis ko. Tungkol kasi sa hairstyles ang thesis ko at kailangan kong makakuha ng basihan na mga style ng buhok dati para mas makita ang pagbabago nito.
Maya maya pa, napunta ako mismo sa history ng digmaan sa Cebu dati sa panahon ng español. Abalang abala ako doon sa binabasa ko at kanina ko pa talaga napapansin ang isang pares ng mata na nakatitig sa akin hindi masyadong kalayuan sa pwesto ko. Napabuntong hininga ako at kunwari tiningnan sya upang i-check kunwari kung anong ginagawa nya at agad naman syang nag-iwas ng tingin. Nagkukunwaring nagbabasa. Tawang tawa akong umirap pero hindi ko pinahalatang natatawa ako sa kanya. Tangina, hindi mawala yung ngiti ko e. Bwesit.
"Hay naku. Mababaliw yata ako sa'yong lalaki ka." Bulong ko sa sarili ko. "By the way Sir, pwedeng mag suggest ka ng mga pangalan na pambabae, yung maganda ah?" Tinanong kasi ako nina kuya at ate dahil babae yung magiging pamangkin ko. Ang totoo nyan, may naisip na talaga akong mga pangalan, sinadya ko lang talagang kausapin sya para hindi naman sya maburyo at para mawala din yung awkwardness na nasa paligid. Nahuli ko kaya syang nakatitig sa akin kani kanina lang. Actually, palagi ko namang naramdaman ang mga pasimpleng tingin nya na hindi ko lang pinansin kaso kanina lang talaga yung medyo nagtagal dahil siguro abala ako sa kakabasa. Ilang minuto din kasi yun.
"I'm not good with names."
"Sus, try mo lang. Ito naman."
"Wait, I'll think muna." Go lang, I won't stareat you hindi katulad mo. Napangisi akong muli sa naisip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top