Six

Muntik pa akong makipagtitigan sa kanya kung hindi ko lang naalala na tinanong nya pala ako at kailangan kong sagutin iyon. Kabadong kabado akong kinuha ang phone ko sabay tayo at binasa ang nakalagay sa constitution na 'yun, yung pinili ko kanina na madaling tandaan. Tsaka sinummarize ko nalang din para madali. Tiningnan ko sya pagkatapos kong magbigay ng sagot. Hindi yata sya makapaniwalang nasagot ko yun ng diretso at may kasama pang eksplinasyon. Akala nya siguro hindi ako nagbabasa nun. Tss.

"When the constitution was change by President Cory Aquino."

"Why it did changed?"

"Kasi di ba Sir, before her, si President Marcos ang pangulo. Tapos may martial law doon, a military law, na may maraming buhay ang nawala. Kaya nga may edsa revolution sa pangunguna ni President Cory dahil para pababain si President Marcos. At dahil doon, nang si President Cory na ang umupo, iniba nya ang constitution. That is why, hindi na basta bastang nagpapatupad ng martial law ang mga pangulong sumunod sa kanya. At kung meron man, may limitasyon at kapag kinakailangan na talaga. Tapos marami pang proseso ang pagdadaanan."

"Okay, thank you Miss Caro." Aniya na agad ko ring sinagot, "You're welcome Sir." Saka nginitian sya ng may pang-aasar. Umupo na ako kahit hindi nya sinasabi. Tumalikod na sya at sa iba naman nagtanong. Napamura si Joy kasi akala nya siya ang susunod na tatawagin wala pa naman daw siyang maisagot. Well, advantage ko rin yun siguro since kahit isang tingin ko lang sa isang sentence, agad ko itong matatandaan. Yun nga lang, nawawala din agad makalipas ang ilang minuto.

Nagpatuloy lamang ang aming diskusyon nang hindi na talaga ako tiningnan ni Sir. Kahit sa gawi ko mismo. Nasa pinaka gitna ako at pansin ko talagang hindi nya hinayaang magtagpo ang mga mata namin. Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. Ano kayang problema nito?

Paminsan minsan ko rin syang lihim na kinokontra. Ewan, parang trip ko talagang asarin sya, natutuwa ako sa pagmumukha nya sa tuwing matitigilan sya dahil sa sinabi ko at walang choice kundi mag-agree. Minsan din naman kasi may sense 'tong mga salitang lumabas sa bibig ko.

Minsan naman kahit walang laman ang mga sinasabi ko, mag-aagree naman siya at i-expound nya pa yun. Luh, expound, sa kanya ko lang yan naririnig e. Kaya hindi ko mapigilang hindi matuwa sa kanya. Ayos ka Sir ah.

"Hoy Mel, grabe ka na ah." Puna sa akin ni Mira isang araw, sya na naman kasi nakatabi ko since wala kaming seating arrangement. "Akala mo hindi ko napapansin yang mga pasimpleng pamimilosopo mo kay Sir." Pagtutuloy nya. Tumawa lang ako at hinayaan sya. Bahala ka dyan. Totoo naman. Naiinis kasi ako sa kanya, bakit hindi nya man lang ako matingnan ng diretso, di ba? Samantalang ang dali nya lang makatingin kung saan saan. May galit ba 'to sa akin?

Isang gabi, habang busy kami sa ginagawang assignments kasi ba naman itong si Sir, every uwian, binabaonan kami ng mga assignments. Nakakaloka na po sya, oo. Maingay kami sa group chat ng DevComm Society, nagshi-share-ran kasi kami ng mga assignments. Para saan pa at same lang naman ang binigay, di ba?

Napunta ako bigla sa facebook account ko at may nakita akong isang friend request. Kapag ito, hindi ko kilala, sorry ka nalang, hindi kita i-co-confirm. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang laman nito. Nag send si Sir ng friend request sa akin! Hindi ko alam pero tuwang tuwa ako. Jusmiyo. May mutuals din pala kami oh. Mga kaklase ko ring DevComm.

Bago ko sya inaccept, nag screenshot ako at sinend sa GC namin. "Hoy! Mira, aba! Sinetch itey na nag-aadd sa akin? Hahahahahahaha!" yan ang naging kapsyon ko. Minention ko talaga si Mira kasi naman, inasar naming sya since wala syang lablayf. At nakitaan namin ng potential itong si Sir PolSci namin.

"Hala ka! Paano na si Sir Roger nyan Mel?"

"Wooyy! Kay kuya OCL pa rin ako!"

"Ayyyiieee, ina-add sya ni Sir Perru! Hahahahaha!"

"Hala Mira! Wala na, kay Mel pala may interes itong si Sir e."

Napaface palm nalang ako sa naging reply ng mga bwesit. May nagreact pa ng heart sa mismong picture na sinend ko. Kung kani kanino nalang talaga nila ako nililink e. Tsaka akala ko pa naman kasama ko sila sa pang-aasar kay Mira. Gayung sila naman itong nag-umpisa ah. Tsk, binabaliktad ako ng mga king ina. Mga kaibigan ko nga ba 'tong mga 'to?

Bumalik nalang ako sa account ko at tinitigan ang profile icon ni Sir sa friend request na section. Naka side view sya pero whole body yung kuha at kita ang malaking wall ng SM. Seaside ata 'to, ewan. Hindi naman ako pamilyar sa mga malls na yan. Nagdadalawang isip tuloy ako kung ico-confirm ko ba sya since inasar na naman ako ng mga kumag na yun.

Pero kasi, baka isipin nito na ang arte ko at ang snob. Although hindi naman talaga kami magkaibigan, student teacher ko sya, kilala ko at kilala nya rin ako. Sige na nga, ico-confirm ko na 'to. Curious ako kung anong laman ng timeline nya kaya pinuntahan ko ito matapos ko syang i-confirm. Nakita ko doon yung picture nina Holiscite, ni Joy at ni Jen. May kasama silang dalawang lalaki.

Teka, nakita ko na 'to dati ah. Si Holiscite pa nga nag-upload nito. Ito yung time na inimbitahan nya akong sumali sa bible study nila. Chinese days pa 'to. Last sem. Hiwalay kasi kami ng klase nun since puno na sa amin so, hinati kami. Kay sir Lim sila, kami naman ni Mira at ate Hayley, kay miss Debbie.

Matagal-tagal din akong napatitig sa mga mukha nila hanggang sa maaninag ko ang mukha nya. Tipid lang syang nakangiti na nakatingin sa camera. Halos hindi ko mamukhaan since natatakpan ang mukha nya sa mahaba nyang bangs at partida, naka itim pa sya lahat. Lalo na at sinadya nya yatang yumuko ng konti o sadyang mahiyain lang talaga sya.

I see, magkaklase pala sila dati sa Chinese subject namin. Now I know. I wonder, ano din kaya ang behavior nya sa klase? Pero bakit nung minsang bumisita kami sa klase nila Holi kasi may ibibigay ako sa kanya noon, hindi ko naman sya nakita doon. Siguro wala lang talaga akong pake sa mga tao sa loob bukod sa mga kaibigan ko lang. Sabagay, mahina din ako sa pagmememorya ng mga mukha ng tao.

Tamo, sya na nga itong kinonfirm, di man lang nag thank you. Tss, bahala ka dyan. Pinagpatuloy ko nalang yung paggawa ko ng assignment para matapos na din ako agad.

Wala namang nagbago sa klase, ganun pa rin lalo na pagsapit ng last subject sa MWF na schedule namin. Hindi pala masyadong active itong si Sir sa social media at paminsan minsan ko lang nakita ang mga post nya sa news feed ko. Madalas pa shared post. Puro naman haha yung reaction ko. Trip lang. Nakakatuwa kasi sya. Masyadong seryoso sa buhay, akala mo naman pasan lahat ng problema sa mundo.

Biglang humangin ng malamig. Na yapos ko yung sarili ko. Malapit na palang mag December. Ano kaya ang matanggap kong regalo this year? Pero isa sa pinaka gusto kong regalo ay isang buhay. Yun talaga ang hinintay din naming lahat sa pamilya namin. Ang magkaroon ng panibagong baby sa pamilya namin. Due month kasi ni ate next month.

Scroll lang ako nang scroll. Di pa naman kasi ako inaantok.

Ano ang gusto mong buhay sa taong 2018?

Yan ang nakalagay sa isang text photo mula sa isang sikat na facebook page. Kapag talaga malapit nang magbabagong taon, maraming naglalabasang ganito. Nahagip ng paningin ko ang caption sa shared post na 'to.

"a whole new world"

Simply lang pero makabuluhan. Napatingin ako sa nagpost nito at humagalpak talaga ako ng tawa. Seriously? Ayan na naman sya sa pagiging seryoso nya. Dali dali akong nagreact ng haha at naglagay din ng comment.

"That is highly impossible Sir because there's no such thing as whole new world Sir! Hahaha!"

Habang tinatype ko yun napansin ko pa yung someone's typing... na nagpop-up bigla. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilang hindi matawa e. Si Sir talaga, patawa. Nagreply naman sya na kesyo ang bilis ko raw magtype, naunahan ko pa sya. Biniro ko lang syang mas mabilis lang talaga akong magtype kesa sayo sa phone.

Biglang may nagpop up na messenger icon kung saan bumalandara sa pagmumukha ko ang profile icon nya. Shutingina! Halos mabitawan ko yung phone ko sa gulat. Jusmiyo, nag explain sya bakit yun ang naging kapsyon nya. Hala sya, halos mapunit na yung labi ko sa kakangiti. Hindi ko akalain na magpapaliwanag pa talaga sya. Ibig daw nyang sabihin dun, mag-aabroad sya next year after daw ng graduation nya.

Tss. As if namang interesado ako sa buhay nya.

"Hindi ako interesado Sir tsaka, hindi ko tinanong, wag kang dipinsib." Yun sana ang i-rereply ko kasi yan naman talaga ang madalas kong irereply kapag trip kong mambasag ng tao. Kaso, student teacher ko pala 'to. Baka naman isipin nitong ang maldita ko at ang bastos kong tao. Hindi ko sya nirespito porket student teacher ko lang sya at hindi talaga teacher.

"I see, oo nga pala, mang-iiwan ka na. iiwan mona nga ang CEC pati ba naman ang Pilipinas? Hahaha, pakikamusta mo nalang akokay snow Sir."

"But you are correct, its impossible." Dugtong nya sa reasoning nya. Napangisi ako, "World peace nga mahirap tuparin, whole new world pa kaya?" Literal yung way ng pagkakasabi ko pero may hidden meaning iyon. "You seem dedicated" reply naman nya. Luh, dedicated saan ba? Totoo naman yung sinabi ko sa kanya. "Understatement yan. What I'm trying to say is that, hindi normal for a millennial girl na aware sa mga ganyang issues, world peace." Sagot nya nang tanungin ko sya.

"Once and for all sir, I don't find myself as a millennial girl. But really, I've been praying for world peace ever since I learned how cruel people are at ang reality din. Sobra na nga masyado kahit na magreflect pa ako. Masakit sa damdamin ang nangyayari sa boung sanlibutan." Biglang hugot ang lola nyo. Char lang pero totoo talaga yun.

"Now I'm speechless." Oh really? Well. Surprised!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top