Seventeen

Nang parehas kaming matapos ay dumiretso agad kami sa canteen ng school. Maulan pa kasi tsaka parang ang bagal ng oras. Alas tres pa naman kasi. "Hindi ka pa ba uuwi" tanong nya nang makaupo kami. Nasa iisang upuan lang kami pero nakakapagtakang nagiging komportable na ako sa kanya. Wala na yung awkward feeling. Siguro kasi casual na kaming nag-uusap na parang magkaibigan lang. Paminsan minsan ding nagtatawanan. "Nope. May bibilhin din kasi akong Samyang kay ate Ja at 5 pa sya available, pupunta akong CEC mamaya." Yung pinsan ko kasi panay ang request sa akin na bumili daw kasi ako ng samyang. Gusto nya kasing tikman kung totoo nga bang super anghang nito. Pati sina mama dinamay sa trip nya.

"Really? Sakto, may dadaanan din kasi ako sa school later. Sabay nalang tayo." Tumango nalang ako bilang tugon. Nag-usap pa kami ng mga random things lang hanggang sa nakaramdam yata sya ng gutom, ako naman giniginaw na. Nanginginig na nga ang labi ko e, pinipigilan ko lang. "Anong gusto mong snacks?" umiling ako dahil hindi naman ako gutom. "Sure ka? Treat ko naman, don't worry." Wala akong problema sa pera, sadyang hindi lang talaga ako gutom. "Okay lang, hindi kasi talaga ako gutom." Hindi na sya namilit pa at bumili nalang sya ng kanya.

Pagbalik nya saglit syang natigilan. Nanginginig na kasi talaga yung bibig ko. Ang tagal naman nya kasi e. Nang dahil naman kasi sa kanya kaya ko nakokontrol ang panginginig ko kanina kasi medyo mainit yung katawan nya, body heat kumbaga. "Napano ka?" nagtatakang tanong nya, nag-aalala pa ang mukha. "Maginaw."

"Ibibili kita ng kape, sandali lang." Pinigilan ko sya, nakakhiya naman sa kanya. Okay na nga lang sa akin e, mawawala din ito basta huwag lang syang umalis sa tabi ko. Sus. "Tsk, kailangan mong uminom ng kape o kahit maligamgam lang na tubig." Ayaw talaga nya paawat. "Okay nga lang ako, huwag ka nalang umalis para may body heat." Sabi ko sabay ngiti. "Pahinging pera, bibilhin kita." Lalo akong napangisi at umirap sabay kinuha ang pouch ko. Natawa na rin sya, "Sus!" aniya nang makitang boung 100 ang binigay ko. Wala kasi akong barya. Sorry naman. "Wala akong barya e." Tiningnan din nya nag wallet nya at wala din syang barya. No choice tumayo nalang sya na nagmamaktol kesyo 5 pesos lang naman daw ang bibilhin nya.

Pagbalik nya ay wala syang dalang kape. "Naubusan daw sila." Nirurub ko yung kamay ko sabay nilingon sya. "Okay nga lang, umupo ka nalang dyan para mainitan ako ng konti." Sinunod naman nya at muling nag-uusap ng kung ano ano. Napunta pa kami sa pagpapahirap daw nya sana sa akin tungkol sa gift. Bago ko raw buksan ay dapat may nilagay syang challenge daw na kailangan i-decipher ko since mahilig akong mang deduce. Lol, sa aming dalawa sya yata ang kinain ng detective things.

Tapos napunta pa kami sa mga pampersonal na bagay. "If you don't mind, nameet mo na ba ang mama at papa mo? Nasaan na sila ngayon?" sa pagkakaalam ko kasi, nakulong na sila pero hinid ko pa nalaman kung nameet na ba nya. Saglit syang natigilan at tumingin sa malayo, "Okay lang kung hindi mo kayang sagutin." Bawi ko. Ikaw kasi Melody e. Akala ko hindi na sya magsasalita pa pero sinagot nya yung tanong ko.

"I met my mom once," Pag-uumpisa nya. Hinanap nya raw kasi ito at nalaman nyang nasa dating tahanan nya ito sa may gilid ng ilog. Okay pa naman daw sila noong una hanggang sa dumating sa punto na nagbanggit na ito ng pera. Palagi daw itong nanghihingi sa kanila. Doon naisip nya na baka naging mabait lang ito sa kanya kasi may pera siyang nakukuha mula sa kanya. Tsaka, purong kasinungalingan daw ang pinagsasabi nito sa kanya, kabaliktaran sa nalalaman nya. "Tapos, yung papa ko naman, kamukhang kamukha ko yun. E ikaw ba, anong nangyari at naging single ka for so long? Hindi kasi ako naniniwalang focus ka lang muna sa priorities mo, I'm sure may ibang dahilan yan."

Dahil sa naging tanong nya ay natahimik ako. Hindi ko alam kung handa ko bang sabihin ito sa kanya. Yes, alam nyang ampon lang ako pero ito yung parte ng pagkatao ko na takot akong sabihin dahil ayaw kong kaawaan ako at ayaw ko nang maalala ulit ang nangyaring iyon. "Woah, this is the first time I saw Ms Caro's eyes sank." Kitang kita na din nya siguro sa pagmumukha ko. Nalulungkot kasi talaga ako, naawa ako sa sarili ko mismo. Siguro, tulad nya, pinaparusahan ko rin ang sarili ko sa naging katangahan ko noon.

Ngumiti ako ng mapakla. "I had a boyfriend before, two years and three months din kami nun. Tapos hindi ko namalayan na nawala na pala yung respito ko sa sarili ko mismo." At yun yung pinakamasakit, yung huli mo ng marealize na, hindi ka na nga nirespito, hindi mo na rin nirespito ang sarili mo mismo. Nakalimutan mo yung worth mo bilang babae. "May nangyari sa inyo?" Dahil sa naging tanong nya, diretsahan talaga e noh? Dahan dahan akong napaiwas ng tingin.

Bwesit kang lalaki ka, nakalimutan mo bang babae ang kausap mo? Open minded ako pero hindi naman ako basta basta nalang nagshishare ng kwento ko sa kahit na kanino. Kahit nga mga kaibigan ko walang alam sa kwento kong ito. I mean, alam naman na nila na hindi na ako virgin, pero hindi nila alam ang boung katotohanan. Hindi naman na yun big deal sa akin.

"Ahm, sorry. That was a bit personal. Sorry." Natawa ako sa kanya. Nilingon ko sya at talagang pinamulahan sya ng mukha. Ngayon mo lang na realize? Hindi pa nga natin masyadong kilala ang isa't isa, tapos gumaganyan ka pa. "Okay lang, sorry din kasi hindi ko kayang sabihin sa'yo. Pero, nasa story ko naman yan. Bibigyan kita ng link mamaya." Sabi ko nalang para hindi na sya makonsensya. Handa naman talaga akong sabihin yun pero doon nalang nya basahin sa kwento, mas detailed kasi doon at baka kapag kinuwento ko, hindi ko masyadong ma detalye at baka kulang kulang. Naiimagine ko kasi ang pangyayaring yun sa utak ko at baka hindi na naman ako makatulog dahil sa imaheng tumatak na sa isipan ko.

"Alam mo bang, habang kausap kita, face to face ah, pakiramdam ko unti unti ko na ring nakikilala ang totoong Melody." Aniya bigla. Wala namang pinagkaiba ang treatment ko sa kanya sa chat at sa personal, ganun pa rin naman. "Wala namang kaibihan, same lang naman, mapa chat o personal, binabara at namimilosopa ako sa'yo." Natatawang pahayag ko. Totoo naman, napangisi din sya. "Oo nga naman, pero basta. Mas gusto ko kasing mag-uusap tayo sa personal, mas makilala kita." Sabagay, nakikita mo din naman kasi ang totoong reaksyon ng tao kapag face to face.

"Pero kung papipiliin ka, bibigyan ka ng sapatos o bibigyan ka ng pera?" aniya bigla sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin. Madali lang naman ang sagot, "Mas gusto ko yung sapatos." Hindi pa yata sya makapaniwala. Aba, mukha ba akong pera? Ha? "Bakit naman? Kung ako, mas gusto ko yung pera nalang, makakabili pa ako ng maraming sapatos."

"Aanhin mo naman yang pera mo kung wala kang sapatos sa paa at nakaapak ka ng matulis na bagay at matitano ka? Edi, hindi ka na makakabili ng marami kasi ginastos mo sa pampa-ospital at gamot mo." Tawang tawa kami parehas sa naging sagot ko. Naubos yata ang oras namin sa pagdedebate patungkol sa sapatos at pera. Mas prefer ko kasi talaga yung sapatos mismo. Hindi naman ako materialistic na tao at hindi rin ako mukhang pera pero kasi, pag binigyan ako ng isang bagay, mas maappreciate ko yun. Ibig sabihin kasi nun, pinag-iisipan yan. Tsaka, fan na fan kaya ako sa mga sapatos kesa sa mga sandals at heels. Lamigin kasi ako at gusto kong yung paa ko naiinitan lagi.

"Oh, malapit nang mag 5, tara na." aniya, tumila na rin kasi ang ulan kaya umalis na kami doon. Since walking distance lang naman ang CEC sa pinanggalingan namin ay naisipan naming lalakarin nalang ito. Sanay naman ako sa lakaran, ewan ko lang sa kanya.

Pagdating doon ay naghintay pa ako ng konti kay ate Ja since sabi nya pababa na raw sya. Si sir naman ay may pinuntahan lang sa kung saan at bumalik din agad. "Thank you ate." Sabi ko nang makuha ang pakay ko at lumabas na ng campus. Nasa labas na rin si Sir at naghihintay sa paglabas ko. Pansin kong gabi na din pala. Ang sabi nya, magtataxi daw kami, yes sasamahan nya po ako, since may kalakihan din talaga yung regalo nya. Sinubukan ko ngang dalhin kanina at natatabunan talaga ang boung mukha ko. Parang kalahati na yata ng katawa ko ay hindi na makikita, tinawanan pa ako ng loko. Hindi naman say mabigat pero malaki talaga. Yan kasi, namimigay ng regalo hindi man lang inisip ang height ng bibigyan nya. Mukha raw akong kawawa kanina, parang pinapalayas daw na ewan.

Sa kasamaang palad, kahit ni isang taxi, sa dinami daming pinara nya, wala talagang huminto. Natatawa nalang ako sa kanya kasi parang sa aming dalawa, mas sya pa yung namomroblema kasi hindi pa ako nakauwi at malapit ng mag alas otso ng gabi. Sabagay, mabilis kasi yun sila mag-alala kapag hindi pa ako nakauwi gayong gabing gabi na. Tinext ko naman na sila na wala kong masasakyan at punuan lahat tapos maulan pa. Wala namang problema as long as iniinform ko sila lagi at sabihing safe lang ako.

"Punta tayo sa bandang doon." Suhestiyon nya hanggang sa napunta kami sa may Taboan public market. Medyo malayo layo din pala yung nilakad namin from CEC. "May masasakyan dito, dito nalang tayo." Kesa naman mapunta pa kami sa high way, di ba? Tsaka, may namataan din kasi akong 42D kanina, madadaanan ng ruta na yun ang lugar namin.

Mga trienta minutos din kaming naghintay ulit doon pero hindi naman ako nakaramdam ng pagod since nagkukwentuhan lang naman kami ng mga kung ano ano. Hindi talaga kami nauubusan ng kwento. "Hindi ka pa ba napapagod?" tanong niya at wala sa sariling humikab ako. Madali kasi akong antukin kapag nasa publikong lugar at may mga tao akong nakikita. "Hindi pa naman." Ngumiti ako sa kanya at may napansin syang sasakyan palapit sa pwesto namin. "Dadaan bay an." Tumango ako at sumakay na. Inaantok na talaga ako.

Napakunot pa ang noo ko nang makitang pumasok din sya at nginitian ako, "Hindi mo kinuha ang regalo, nakalimutan mo yata." Aniya sabay lahad nung regalo. E hindi mo naman binigay. Hindi ko mapigilang mag-alala. Gabi na kasi tapos may kalayuan din yung amin at sumama pa sya. "Tsaka, magmumukha kang kawawa lalo kapag ikaw magdala nito." Aniya at ipinakita ang pwesto niya. Kandong nya kasi yung regalo at natatabunan din ang mukha nya. Sus, gusto mo lang siguro akong ihatid e. Tumawa nalang ako at hinayaan nalang sya sa gusto nyang gawin.

"Thank you so much for today Ms Caro." Aniya na kahit may kadiliman sa pwesto namin ay naaninag ko pa rin ang nakangiti nyang mukha. Pero doon talaga ako sa mata nya nakatingin, malungkot na naman. "Merry Christmas once again." Aniya sabay binigay ang regalo.

Tinanggap ko naman iyon at ngumiti din sa kanya, "Salamat dito Sir at advance Merry Christmas din, enjoy ka sa bakasyon mo ha?"

"I will, thank you."

Pagdating ko sa bahay ay agad kung binuksan ang regalo. Kinuha ko muna yung card kasi parang may sulat yata doon at nilagay sa gilid ko. Pagbukas ko sa karton, isang stuff toy nga! Tama yung hula ko kanina habang nag-uusap kami sa canteen at partida, isang tuta pa! ang kyut nya, sobra! Naikwento ko din kasi sa kanya dati na mahilig ako sa animals lalo na sa pusa at aso. Nabigkas ko rin na may alaga akong aso dati kaso palagi naman silang namamatay. Kinuha ko yung card at binasa. Hindi mapalis ang ngiti sa aking labi nang mabasa ang nakalagay dito. Kahit ang pangit ng penmanship nya, at least readable naman. Ang kyut ng king ina, bwesit. Hindi ba nya alam na mas naattract ako sa mga hand written letters? Kaya itatago ko talaga 'to.

Merry Xmas :)

Hug him when you're sad

Kiss him when you're happy

Name him and he's yours

To: Girl on Fire B-)

From: Mr. Dipinsib

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top