Seven
Hindi ko namalayan, umabot na pala kami ng hating gabi sa pagkukwentuhan ng kung ano ano. Tinanong pa nya kanina kung nagawa ko na ba yung assignment nya. Ang totoo nyan, bukas pa talaga ako mag-eencode nun. Sinave ko lang yung link ng na research ko. 10:30 pa naman first class ko at may time pa ako para mag copy paste. Easy.
Sinabi ko nalang sa kanya tapos na. Baka naman kasi isipin nitong pasaway akong estudyante, bait bait ko kaya. Hmm. Tsaka tapos naman talaga akong magresearch. Natawa ako sa sariling rason.
"And another assignment mo Miss Caro."
"Ano yun Sir?" woi, bait-baitan ang lola mo. Hahaha
"Pwede bang matulog ka ng maaga simula bukas. Practice to sleep early para naman hindi ka magmukhang maputla sa klase." Woi, nang iinsulto ba 'tong kumag na 'to? Anong akala nya sa akin, susunod sa sinabi nya kasi student teacher ko sya?
"Sir, student teacher kita sir, oo. Pero paalala lang po, wala tayo sa klasrom kaya hindi ko yan gagawin at susundin." Reply ko sa kanya. I wonder, ano kaya ang itsura nun ngayon? Hindi ko man kita pero tawang tawa na ako. Don't me sir. Wag ako, okay?
"Okay, ikaw ang bahala. Concern lang naman ako. Nakakadistract ka kasi sa klase. Maputi ka pero maputla naman." Ohoooyy, napapansin mo din pala ako sa klase, akala ko pa naman deadma mo na beauty ko. Napangiti ako sa sinabi nya at muling nagtipa ng reply.
"Thanks sa concern Sir, pero nasanay na akong matagal matulog kasi."
"Speaking of, magtatatlong oras na pala tayong magkachat. This is new." Natigilan ako sa sinabi nya at napasimangot. May naalala akong ganito din yung sinabi. Binilang yung oras na nag-uusap kami at kung ano-ano na ang iniisip. Nagbalak pa yung ligawan ako at naisipan pang kuntsabahin mga kaibigan ko. Hindi naman nila yun kilala kay tinanong nila ako bakit sila ina-add nun at minissage pa si Joy. Pambihira ang isang yun. Natakot tuloy ako bigla dahil sa ginawa nya. Buti nalang wala na kaming kumunikasyon ngayon since kinumpronta ko.
"Sir, will you please stop counting? May gumanito din sa akin dati at hindi ko iyon nagustuhan. My God! Bakit ba ang hilig hilig nyong magbilang? Why don't you enjoy the movie while it's still showing?" Sinabi ko sa kanya ang katotohanang iyon at nagsorry naman sya.
"Sorry, ngayon lang kasi ulit ako nagtagal sa harap ng gadget since hindi ako pwedeng magtagal masyado dito. Yun ang sabi ng doctor ko sa akin. May limitasyon kasi ako sa mga gadgets." Bigla akong natauhan sa inasta ko kanina. Siguro gamer 'to noong high school nya at masyadong nai–expose sa gadget noong nasa murang edad pa lang. Kaya naapektuhan na ang paningin nya.
Nakaramdam ako ng konsensya at pinatulog ko na sya. Matutulog na din ako since magwawan na din ng madaling araw.
Kinaumagahan ay ginawa ko na agad ang assignment ko at naghanda na papuntang school.
Mabilis lang lumipas ang oras at uwian na. may last subject pa pala kami. Inaantok pa ako e. Hindi kasi kami nagklase kanina sa major kaya natulog nalang kami at nagising ako na malapit na palang mag 3:30. Dali dali ko silang ginising baka malate na naman kasi kami. Makwestyon na naman kami ni Miss nito. Tho, wala naman sya kaya ayos lang.
Pero sa tagal mag-ayos ng iba, nalalate pa rin kami. Tatlong minutos din yun. Buti nalang at nag-cr pa si Sir kaya hindi nya kami nakitang late. Pwe, madatnan pa rin naman nya kami sa klasrom. Nakita ko kasi sya kaninang bumaba sa kabilang hagdan pagkarating ko sa panghuling palapag, may cr kasi doon.
Inadjust ko yung fashion glasses ko kasi nga inaantok ako at ang hapdi ng mata ko. Kakaupo ko lang nang pumasok si Sir. Mahilig talaga sya sa black noh? Hindi nya sout ang coat nya at naka glasses din sya. Napataas ang kilay ko. Seriously?
Siniko ako ng kaibigan kong si Lie, "Ayyiee, parehas kayo ni Sir oh." Asar nya sa akin. Tinawanan ko lang sya at muling tumingin kay Sir. Tinanong nya sa amin yung mga assignments namin na agad din naming kinuha at binigay sa kanya. Kaso, ang tatamad ng mga kahanay ko. Dalawang hanay kaming DevComm since konti lang talaga kami. Sa akin nila pinasa lahat kesyo, ako naman daw yung nasa gitna at katapat lang sa table ni Sir.
Napairap ako sa kawalan. My God! Padabog akong tumayo at lumapit sa table ni Sir. Wala sa sariling napalakas ang paglagay ko nito sa table nya. Naglikha pa yun ng tunog. "Uh, sorry." Hindi ko alam kung narinig nya ba yun o ako lang yung hindi nakarinig sa response nya since tumalikod na akong diretso at umupo sa upuan ko. Nakakayamot talaga sila, inaantok pa naman ako.
Ngiting ngiti pa ang mga loko nang mamataan ko. Jusmiyo. Anong nakakatuwa doon ha?
Maya maya pa ay, gusto ko nang umub-ub sa armchair kaso baka masita ako ni Sir. Pinigilan ko nalang yung antok ko at binaling ang atensyon sa kanya. Ang pino nya talaga kung kumilos. May naalala tuloy akong isang fictional karakter sa storyang nabasa ko sa wattpad. Si Maxwell. Tulad nya, seryoso din yun masyado at pinong pino kung gumalaw. Gustong lahat naayon sa gusto nya.
Abala sya sa kakabutingting sa mga assignments namin. May mga tanong naman sya na sinasagot din naming. Base iyon sa takdang aralin na pinagawa nya. Tiningnan nya siguro kung binasa ba talaga namin yun or diretsong copy paste nalang. Hindi ko mapigilang mapangiti, kapag mapansin nya yung amin, ano kayang magiging reaksyon nya? Sinadya kasi namin yung paghaluin sa unahan atr likurang hanay naming. Para hindi obyos na same kami lahat.
"Ehem, DevComm students, iisa lang ba source nyo?" Napatawa na ako. Busted. Nakangiti naman sya nyan. Yung mga kaklase ko naman agad nag react kesyo at least, nagpasa daw kami. Yung iba tiningnan pa ako, alam kasi nilang sa akin galing yung links na yun. Pero nagpapasama lang din naman ako sa pagpiprint nun at same pa kami ng format. Kaibahan lang yung names namin. What is hokage? What is da moves? What is tamad? DevComm na yan.
"Sus, okay lang yan Sir. Same lang din naman kasi yung assignment na binigay mo." Sabi ko at napailing nalang sya. Nagreklamo pa sya kesyo ang liliit daw ng mga letra sa chart na yun. Kahit daw apat na mata nya, di nya pa rin daw mabasa ng mabuti.
Exaggerated na masyado si Sir. Hindi naman yanmukhang tuldok, ano? Tumawa nalang kami at hinayaan nalang din ni Sir. At leastdaw may pinasa kami. Pasaway talaga kaming mga DevComm, hindi nga lang obvious.Kasi, unang una, wala sa itsura namin. Pangalawa, ang taas kasi ng tingin nilasa kurso namin. Ewan ko talaga kung bakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top