Nineteen
Abala ako sa kakatingin ng mga naglalaro ng volleyball sa game area ng Plaza Independencia nang muli na naman nya akong kinunan ng litrato. Akala nya siguro hindi ko sya nakita sa peripheral vision ko. Hindi muna ako gumalaw at hinintay lang na matapos sya. "Gusto mong mag silfie tayo para naman hindi ka nangstostolen dyan. Wala namang problema sa akin Sir." Pang-aalaska ko sa kanya, nagkunwai naman syang nanalamin sa phone nya at may paayos-ayos pa ng buhok. Bistado ka na sir, tigilan mo na yan.
Napailing ako at nilapitan sya, "Selfie tayo, dali." Umiwas naman sya, pulang pula ang mukha. "Huwag na." Aniya at muling naglakad. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya. May nakita syang bulaklak at nilapitan nya yun. Pinitas pa nya at sininghot. "Pwe!" tinawanan ko lang sya. "Ayan kasi, nangingialam pa e, bawal nga pumitas ng bulaklak oh." Natatawang pahayag ko. Paano kasi, ang ganda kasi ng bulaklak, rare yata yan, tapos sininghot nya e ang pangit naman ng amoy.
"Akala ko pa naman mabango, ang ganda kasi nya tapos kulay purple pa." Sa pagkakaalam ko, pink ang favorite nyang kulay, anong nasinghot nya at nagandahan sa purple ha? Well, purple kasi ang favorite kong kulay. "Looks can be deceiving ika nga Sir." Nakangiting sabi ko.
Umupo ako sa ibabaw ng pader at ganun din sya sa kabila. Walang ni isang nagsalita. Ngayon ko lang din naramdaman ang pakiramdam na kahit tahimik kaming dalawa ay sobrang peaceful sa feeling. Nakakarelax at parang nawala ang lahat ng mga iniisip ko. Ang sarap sa pakiramdam na kalmadong kalmado ka lang.
Ni minsan hindi ko pa naranasan ang ganitong feeling na kahit wala akong iniisip ay ang kalma naman ng damdamin ko. Kahit naman kasi piliin kong manahimik minsan, hindi naman ako nakakaramdam ng pagiging kalmado since maraming tumatakbo sa isipan ko. Kahit pilit kong binabaliwala ang mga yun, ayaw naman nilang tumigil. Magulo kasi akong tao. Mas marami ngang mga namumuong salita sa utak ko kesa sa lumabas mismo sa bibig ko. Kaya nakakapanibagong nawala silang lahat bigla ngayon at pakiramdam ko hinehele ako ng katahimikan at gusto kong matulog nalang.
Nilingon ko sya na nakatingin na din pala sa akin. "Saan na tayo ngayon?" Tanong nya at nag-iwas ng tingin. Tumingin naman ako sa paligid at muling bumaling sa kanya, "Nasa Fort San Pedro pa naman Sir." Sabi ko at napangisi naman sya sabay bumuntong hininga. "I mean, saan ang susunod nating puntahan?" Pag-iiba nya ng tanong. "Literalistang pilosopa mo talaga." Dugtong pa nya. Ngumisi ako at bumaba na sa pader, "Well." Sabi ko nalang at nakangiting nagkibit ng balikat.
"May pupuntahan tayo, alam mo yung sa Cathedral Museum? Doon tayo pupunta." Curious kasi ako kung anong meron doon. Bumaba naman kami at nadaanan pa namin ang mga nakahilerang tents sa gitna ng plaza. Kanina ko pa tinatanong sa sarili ko kung ano kayang meron dito? Naghanap sya ng tent na may nagtitindang pagkain ngunit wala namang nagbabantay. Gutom na naman sya? Yung totoo, gaano ba kalaki ang bulati nya sa tyan?
May nakita kaming isang tent na nagtitinda ng mga souvenirs, agad naman nya akong inaya papasok doon. "Kuya, anong meron ba dito?" tanong ko doon sa nagbabantay. Mukhang mas bata to sa akin, pero tinawag ko sya ng kuya. Hindi naman sya nagreklamo. "Mga souvenirs po." Napalunok ako ng laway, nilingon naman ako ni Sir habang nakangisi, alam nya kasi ang tinutukoy ko. "I mean, anong ganap dito, may event ba mamayang gabi?" iniba ko nalang sabay tiningnan si Sir na nagpipigil ngumiti. Abala sya kakatingin ng mga kung ano anong pwedeng pang souvenir.
"Hindi ko alam e, kahapon pa kasi kami nandito." Aniya na parang nahihiya. Tiningnan nya si Sir at ina-accommodate. "Nandito na kayo kahapon pero hindi mo alam kung anong event dito?" Agarang sabi ko, hindi ko kasi magets kung anong ginagawa nila dito. Malamang, nagtitinda pero, anong event nga dito sa plaza at may paganito sila. Hindi naman ganito dito dati unless kung may event nga. Curious lang naman.
Hinila ako ni Sir na nakangisi na at may pinakita sya sa aking mga bracelets. "Magandang pang souvenir 'to, what do you think?" Tiningnan ko yung mga pinakita nya pero masyadong maraming nakasabit doon at may isa ding ang korny, yung may pa name ba. "Ang dami mong tanong." Bulong nya sa akin, binulungan ko rin sya, "Bakit ba? Curious lang naman tsaka hindi naman nya sinasagot ang tanong ko." Nasa kalagitnaan pa ako ng pagsasalita nang hilahin nya ulit ako sa kabilang side. "Tama na tama na." aniya na natatawa. Anong problem nito? Masama bang magtanong?
"Pumili ka nalang dyan at sabihin mo sa akin kung anong nagustuhan mo. Treat ko na." Aniya at hinayaan ako, may nilapitan sya sa pinakasulok. Nagtitingin tingin ako doon pero wala namang nakakuha ng interes ko. "Wala bang mas simply nito?" kinausap ko na po ang aking sarili. Nakatitig ako doon sa isang bracelet ulit na may kung ano anong nakaukit na hindi ko naman mapangalanan. Basta mukhang mga ethnic style. Pero ang dami kasing design, naalibadbaran ako. Gusto ko yung simply lang pero may dating. Not too flashy and attention stealer. Yun kasi yung mga taste ko.
Maraming mga pang souvenirs talaga, mga maliliit na wallet, may kwintas din, may bag, may tshirts, may mga keplings at kung ano ano pa. Hindi naman ako interesado sa mga ganyan, aanhin ko rin naman kasi yan. Biglang may nangulbit sa akin, si Sir pala. "Ito nalang kaya?" Sabay pakita nya ng isang bracelet na kailangan mo pang itali para hindi mahulog kapag sinusout. May tatlong kulay na green, yellow at red sa magkabilang gilid ng isang rectangular na sulatan. "Rastafarai!" singhap ko, namamangha. Ang cool kaya nito. "Yes, tapos may FRIEND pang naka engrave. Pwede sa atin 'to." Aniya at doon ko lang din napansin ang nakaukit dito.
Kinuha ko rin yung isa kasi yun ang sabi nya at sya na ang nagbayad. Pagkalabas ay isusout ko n asana nang pigilan nya ako. "Teka lang, may nabasa kasi ako dati. Since friendship bracelet ito, dapat daw yung friend mo ang magsosout at magtatali nyan sa'yo. Parang promise kasi yan, parang pinky promise kumbaga." Nangunot ang noo ko at tiningala sya, matangkad nga kasi sya sa akin. "Sa edad mong yan? Nagpapaniwala ka pa sa mga ganyan?" Ang drama talaga nito kahit kailan. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Wala naman akong nabasang ganyan dati kahit sa mga fictional stories sa wattpad at mga pocket books.
"Ito naman, sumabay ka nalang para forever yung friendship natin." Napailing ako, ang ewan ng lokong 'to, jusko. "Akin na yang bracelet mo, ako magsosout at pumikit ka ha?" I mentally face palmed myself. Anong kaechosan na naman ito Earl Dion Perru ha? Kahit mukha kaming sira dito na nakatayo sa harapan ng entrada ng Plaza Independencia at nasa gilid pa talaga ng kalsada, sinunod ko nalang. "Hihigpitan ko ha para hindi na makalas pa, just tell me kung sumubra." aniya at tumango nalang ako.
Ang sabi niya, gayahin ko raw yung ginawa nya at yun nga ang ginawa ko. Ang korny nito pero natatawa ako na ewan. May side pala syang ganito, cute. "Ayan, friendship sealed. Forever na tayong friends." Mungkahi nya ulit. Talaga lang ah? Baka mamaya nyan, ikaw ang tumalikod at mang-iwan. Hindi ko nalang yun isinatinig, "Oo na. tara na nga lang."
Pagdating namin sa Cathedral Museum ay agad kaming sinalubong ng babaeng receptionist. Natulala nalang ako sa ganda nya. Hindi makapagsalita. Yung mga mata niya, yung tangos ng ilong nya, ang mga maninipis at mapupula nyang labi, ang kabuuan ng mukha nya nagsusumigaw ng kagandahan. Tangina, isa syang perfection! A master piece! Ang ganda nya! Ang simply ng mukha, walang make up pero ang ganda nya! Shit, ang soothing pa ng boses! Humaygad! Nakakatomboy sya, alam nya ba yun ha?
Bigla akong siniko ni Sir at napabaling ako sa kanya, nakangiti sya sa akin sabay tingin kay ateng receptionist. Napatingin din ako sa kanya at may tinanong sya, hindi ako agad nakapagsalita at nauutal pa kami. Umatras yata ang dila ko. Si Sir na ang sumagot dahil hindi talaga ako makapagsalita ng maayos at wala akong maiintindihan sa mga pinagsasabi nya. Wala sa sarili din akong sumunod sa kanila nang kabigin ako ni Sir papunta sa pupuntahan nila. Sa may exhibit area pala. May mga magagandang drawing at paintings doon.
"Anyway, after niyo dito, daan lang kayo sa left side ng reception area at doon ang way papunta sa museum sa itaas. Should I join you two o kayo kayo nalang?" Sa wakas, narinig ko na rin ng klaro ang sinasabi ni ate ganda. Nadidistract kasi ako sa mga nakadisplay na artworks, kaya nawala sandal ang atensyon ko sa kanya. Nagkatinginan kami ni Sir at parang naiintindihan naming parehas ang nais pinaparating ng mga tinginan namin. Hanep, may instant koneksyon na kami.
"Ah no, thank you miss pero, kami nalang." Sabay naming sabi at nag excuse na din si ate ganda at iniwan kami. Sinundan ko pa yung likuran nya hanggang sa biglang gumalaw din si Sir at iniwan ako sa hamba ng pintuan. Agad ko syang sinundan at hinampas sa balikat, napa aray naman sya at tumingin sa akin na may pagtataka. "Shit! Ang ganda nya! Omg!" Ngumiwi sya at muling tumalikod, "Halata nga, nakanganga ka nga kanina nang makita mo sya." Sinundan ko sya ulit at hinila ang braso. "Lalaki ka naman, puntahan mo nga sya at---" naputol ako sa sasabihin ko sana nang maglakad syang muli palayo sa akin. Hinayaan ko nalang, "tanungin mo ang pangalan nya, isesearch ko sya sa facebook!" Mahina akong umimpit ng sigaw, ang kyut nya kasi talaga. Paulit-ulit sa utak ko ang itsura nya, ang kagandahan nyang taglay!
Hindi naman sya kumibo at iniba ang usapan, "Ano bang tipo mo sa isang lalaki?" Aniya at nagtitingin ng mga paintings. Nagtitingin tingin na rin ako, binibenta pala ang mga ito. "Hmm, nothing in particular." Sagot ko sa tanong nya na may halong tampo. Dinideadma nya kasi ang hiningi kong pabor kanina. Ang arte nya, oo. "I mean, ideal guy mo ba." pag-iiba nya. Umupo sya sa may upuang kawayan doon at gumaya din ako. Doon ako umupo sa may bandang gilid. "Sabi ko nga noon sa teacher ko sa Literature, my ideal guy doesn't exist." Dahil wala pa naman talaga akong natitipohang lalaki talaga, iyong matatawag ko na ito ang mga qualities na gusto ko. Although, wala din naman kasi akong qualities na hinahanap, kumbaga I don't set standards, pangit kasi yun. Pero sa ngayon siguro, wala pa talaga. Tiningnan ko sya na nakatitig na din pala sa akin. Nag-iwas naman sya ng tingin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya dahil blangko lang naman ang nakikita ko sa mga mata nya at agad din kasi syang umiwas ng tingin.
Tumayo sya at pumunta sa isang sulok kung saan may mga pictures ng mga santo. Sinundan ko sya at kung ano anong pinagsasabi nya doon. Kinukwentuhan din nya ako ng kung ano ano hanggang sa napagdisesyon naming umakyat na sa itaas. Sakto kasing alas tres na at medyo makulimlim pa ang kalangitan.
Nasa hagdanan pa lang kami na may pulang carpet at sabay na tiningala ang madilim na second floor. Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yun pero saglit ko syang nakitaan ng takot sa mata nya. "Natatakot ka ba?" Natatawang puna ko. Agad naman nya akong sinamaan ng tingin, lalong nagsalubong ang kilay nyang makapal. "Hindi ah. Ano, ready ka na ba?" Tumango ako pero mahahalata sa mukha ko ang pag-aalangan. May napanaginipan kasi ako noong isang gabi. Hindi yun magandang panaginip at tingin ko, pwedeng magkatotoo yun dito mismo.
Bumuga sya ng malalim na hininga at bahagyang pinukpok ang dibdib, "Wooh! Bigla akong kinabahan." Parehas kaming natawa. Hindi kasi namin alam kung anong naghihintay sa amin sa itaas, madilim kasi. Mukhang parehas kami ng iniisip. "Akala ko ba hindi ka takot sa mga ghostly thing?" Nabanggit nya kasi dati na minsanan na din silang nag ghost hunting ng mga kaibigan nya pero hindi naman daw sya kailanman nakakita pa ng ghost. Parehas din kaming adik sa horror movies at immune na immune na daw sya since bata pa lang yun na ang interes nya. Gustong gusto nya raw kasing makaranas na makakita man lang ng ghost kung totoong nag-eexist daw ba sila.
"Em," tawag nya sa akin. Nga pala, bigla nalang nya akong tinawag na Em noong isang araw. Hindi ko naman alam kung bakit. Pero napangiti ako sa tuwing huhulaan ko ang ibig sabihin nun. Earl at Melody kasi ang pagkakaintindi ko. Hindi na rin ako nagtanong pa. "Pwedeng next time nalang natin gawin 'to? Iba kasi ang pakiramdam ko dito e."
Doon na ako tuluyang humagalpak ng tawa pero hininaan ko ang boses ko. "Seryoso?" Sabi ko sabay tingin sa itaas at sa kanya. Nasa hamba na kami ng hagdanan tapos biglang maisipan nyang mag retreat? Hindi sya mapakali at panay ang galaw nya. Muli syang huminga ng malalim at natawa. "Tsk, tara na nga lang, sayang naman ang binayad natin dito." Sabi ko nga.
Nagsimula na kaming umakyat at medyo nauna ako sakanya ng konti since sinadya nya yatang magpahuli. Tatawa tawa pa kami sa mgakaewanan naman kanina. Hanggang sa nakarating na nga kami sa ikalawang palapag.Kakaapak ko pa lang sa sahig mismo nang marinig ko syang nagmura, "Oh shit!"nilingon ko sya nang may napansin ako, diretso akong napaharap sa kanya atnapasinghap, mangiyakngiyak, saglit pa akong napapikit at nanigas ang boungkatawan ko. Pagdilat ko ay impit akong napasigaw, "Shettyy!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top