Kabanata 5 : Yapak ng Hari
Kabanata 5 : Yapak ng Hari
Hours Later
El Paradiso
"Tao po!" malakas na sigaw na tawag ng kung sino sa labas ng bahay nila Aj.
"May tao, Aj." sabi ni Hestia habang nasa sala ito at naglalaro ng mga manika nito.
Napatingin si Aj kay Hestia, nasa harap siya ng laptop at gumagawa ng assignment niya pero ang batang babaeng kasama niya siya pa talaga ang inutusan.
"Tao po!" sigaw muli ng tao mula sa labas ng bahay.
"Aj, may taooooo." mahina at mahabang sabi ni Hestia kay Aj na ikinangisi ng binata.
"Tao pooooo!!!!!!!" malakas at nakakabulahaw na sabi ng tao mula sa labas ng bahay.
Napatingin si Hestia kay Aj nasa harapan lang naman niya ang binata dahil naglalaro siya sa mismong center table at si Aj nagtitipa ng laptop nito.
"May tao, kuya Aj." nakangiting sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.
"Wala ka bang assignment?" tanong ni Aj.
"Wala." nakangiting sabi ni Hestia.
"Wala ka naman palang gagawin so puwede bang ikaw ang magbukas ng pintuan?" sabi ni Aj.
"Naglalaro ako eh." sabi ni Hestia sabay yakap sa manika nito na nakuha pang padedein.
"Sweetheart, gumagawa ako ng assignment ko at alam mong importante ito." sabi ni Aj.
"Alam ko naman iyon." sabi ni Hestia.
"Iyon naman pala. Nag-usap tayo di ba na magtutulungan kasi dalawa na lang tayo dito. Kapag nalaman nila lolo Orion na walang growth ang ginagawa natin sa buhay natin, kukunin ka nila." sabi ni Aj.
Napatigil sa paghehele ng manika si Hestia saka ito tumingin kay Aj.
"Busy ka?" sabi ni Hestia.
"Oo, kasi kailangan ko rin unahin ang pag-aaral ko para sa atin at kay Laurent. Kailangan natin mag-aral kasi hindi habang buhay nakaalalay ang pamilya ko sa atin." sabi ni AJ.
"Mayaman ka na daw, sabi sa news kaya kahit unting aral okay na iyon." sabi ni Hestia.
"Puwedeng mawala at maubos ang pera kung hindi mo ito hahawakan ng mabuti. Tulad sa isang relasyon kailangan din pag-aralan pangalagaan ang yamang meron ako." sabi ni AJ.
"Okay." sabi ni Hestia.
Napatitig si Aj kay Hestia tila kasi hindi nakukuha ni Hestia ang sinasabi niya. Mula ng makasama niya ito wala ito ginawa kundi maglaro, hindi nga niya pinipilit ito dati na mag-aral sa paaralan dahil nagtatago nga sila para sa pekeng pinagbubuntis nito. Isama pa na walang magbabantay kay Hestia dahil nga busy din ang parents niya at siya na rin kaya hanggat kaya niya siya ang nagtuturo kay Hestia kasama ng home school na pinasukan niya dito na accredited naman ng gobyerno ng bansa.
"Tingnan mo muna kung sino ang nasa labas bago mo buksan at kapag nakita mo na silipin mo kung may ibang kasama. Hindi mo bubuksan ang pintuan hanggat hindi ka sigurado na ligtas ka sa taong pagbubuksan mo. Hindi kita inuutusan dahil gusto ko lang ginagawa ko ito para matuto ka. Kasi hindi habang panahon katabi mo ako." mahabang sabi ni Aj sa batang nakaupo pa rin at naglalaro.
"Aalis ka?" sabi ni Hestia na halatang wala itong pinakinggan kundi ang kung anong pagkaunawa nito sa mahabang sinabi niya.
"Hindi, pero kailangan mong tumayo kahit wala ako. Dapat mo matututunan ang pagtayo sa sarili mong mga paa kahit sa maliit na paraan kung saan tayo magsisimula."sabi ni Aj.
"Okay." sabi ni Hestia saka ito tumayo.
Pagkatayo ni Hestia sinundan ito ng tingin ni Aj saka ito napailing dahil ganoon si Hestia sasang-ayon lang para matapos lang ang sinasabi niya.
"Mabait na bata kaso may pagkasutil din." napangising sabi ni Aj sa isip.
"Sisi! Bakit ka nandito?" gulat na sabi ni Hestia ng masilip sa butas kung sino ang nasa labas.
Napakunot noo si Aj sa sinabi ni Hestia pero napangiti ang binata ng matagal na buksan ni Hestia ang pintuan dahil nakuha pa ni Hestia tingnan sa kalapit bintana kung may ibang kasama ang sinabi nitong pangalan.
"Buksan mo bilis!" sigaw ni Sisi na ikinangiti ni Hestia saka ito nagmamadaling binuksan ang pintuan.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Hestia habang papasok si Sisi ng bahay nila ni Aj.
"Kasi gagawin na natin ang project natin." sabi ni Sisi na ikinalunok ni Hestia.
"Ahhhm." sabi ni Hestia sabay tulak kay Sisi palabas ng bahay.
"Uyyy! Bakit?" sabi ni Sisi ng palabasin siya ni Hestia at naudlot ang pagpasok niya sa bahay nito.
"Ano kasi.... ahmmm. Sa school na lang tayo mag-usap." sabi ni Hestia na nautal pa.
Samantalang napakunot noo si Aj ng marinig ang usapan ng dalawang batang babae.
"Nabalitaan ko nagsisimula na ang mga kaklase natin gumawa ng project kaya pinuntahan kita kasi baka mahuli tayo." sabi ni Sisi.
"Ganoon ba? Paano iyan ayoko pa gumawa." sabi ni Hestia sabay hele sa manika nito.
"Gumawa na tayo kasi magkagrupo tayong dalawa." sabi ni Sisi.
"Ano ba iyan tinatamad pa ako eh. Sabi ko kasi sayo huwag ka ng sumama sa akin." sabi ni Hestia.
"Eh, paano ka?" sabi ni Sisi.
"Homeschool na lang ako. Okay ako doon kahit na bumagsak ako sa school." mahinang sabi ni Hestia pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni AJ kaya napasandal ito sa sofa at tuluyang nakinig sa pag-uusap ng dalawang batang babae.
"Eh, paano ako?" sabi ni Sisi na bahagyang natakot at bumakas iyon sa mukha ng batang babae.
"Kasalanan mo naman kasi." sabi ni Hestia.
Napakunot noo si Aj habang nakikinig sa dalawang bata sa pinapatunguhan ng pag-uusap ng mga ito.
"Hestia naman, naisip nga kita kasi sayang naman kung mawawala ka sa University. Alam mo bang maraming gusto lumagay sa katayuan natin. Imulat mo ang mata mo, kasi hindi lahat suwerte at ako gusto ko ibahagi ang suwerte ko kaya kita sinamahan para okay at hindi ka matanggal sa scholarship program ng STU, at kahit half scholar ka lang, okay na rin iyon at least hindi lahat inaasa mo sa parents mo. Malaking tulong iyon sa pamilya natin." sabi ni Sisi
"Ayoko naman mag-aral sa STU pinilit lang ako, at saka babae ako pagdating ng araw sa bahay lang naman din ako kaya hindi ko rin iyan magagamit. Kasi ang mama ko sa bahay lang din nung nag-asawa. Ikaw ang mama mo ganoon din di ba, housewife lang din so bakit pa ako papasok kung sa paglaki ko hindi ko naman magagamit ang diploma ko." sabi ni Hestia.
"Hestia, sa panahon ngayon dapat parehong nagtatrabaho ang lalaki at babae. Hindi na kailangan umasa sa isa lang dahil sa hirap ng buhay ngayon. Paano pa sa susunod na mga taon kapag malaki na tayo sigurado mas hihirap ang buhay. Dapat tayong mga babae, hindi na umasa sa mga lalaki lalo na at maraming nagloloko ngayon." sabi ni Sisi.
"Matagal pa naman iyon, basta mag-eenjoy muna ako." sabi ni Hestia.
"Hindi ka gagawa ng project?" sabi ni Sisi
"Saka na lang." sabi ni Hestia.
"Pero, paano ako? Paano kung mahuli tayo? Paano kung bumagsak tayo? Hindi lang ikaw ang mawawala sa scholarship kundi ako din." sabi ni Sisi.
"Kaya nga sabi ko sayo kanina ikaw ang nagsabi kay teacher na sumama ka sa akin. Hindi naman kita pinilit, dahil nagkusa ka. Tapos sabi mo nga di ba dapat hindi ka aasa sa iba, so bakit kailangan mo ako?" sabi ni Hestia na ikinatitig ni Sisi kay Hestia na tila maiiyak ito.
"Grabe! Ganyan ka pala! Kung alam ko lang sana hindi na kita tinulungan. Bad ka pala kaya pala ayaw ka nila kasama kasi totoo pala iyong nakikita nila sa unang ekspresyon nila sayo." sabi ni Sisi.
"Uyyy! Ikaw naman ang nagsabi hindi ako kaya bakit mo ako sinisisi. Hindi naman kita pinilit." sabi ni Hestia.
"Hindi kita sinisisi ang sinasabi ko lang tutulungan na nga kita kaya kita sinamahan kaso ayaw mo pala. Sige, hindi ako galit. Ako na ang may kasalanan, kaya ako na lang ang gagawa mag-isa." sabi ni Sisi saka ito umiyak at na ikinatigil ni Hestia.
"Bakit ka umiiyak? Hindi kita inaaway ha." sabi ni Hestia na makaramdam ng takot.
"Akala ko okay ka, tamad ka pala. Pero sana magbago ka kasi hindi habang buhay bata tayo. Dapat habang maaga matutunan natin ang salitang responsilidad na magsisimula sa bahay. sa paaralan at sa kapwa mo lalo na kung tiwala siya sayo." sabi ni Sisi.
"Alam ko naman iyon, pero wala naman akong pinangako sayo." sabi ni Hestia sabay yakap sa manika nitong babae.
Napatingin si Sisi sa manika ni Hestia. Maganda iyon at halatang mamahalin na ikinangiti ni Sisi.
"Darating ang araw, paglaki natin magkakaanak ka rin sana maturuan mo siya ng maayos para maging magaling siyang leader pero dapat maging magaling ka muna para may sundan siyang yapak." umiiyak na sabi ni Sisi.
"Laruan ko ito." sabi ni Hestia sabay yakap sa manika.
"Hindi habang buhay naglalaro tayo kaya dapat alam mo iyon. Dapat lumabas ka sa lungga mo kasi marami ka pang hindi alam. Ang totoong mundo hindi mo pa napapasok at natutunghayan bagay na dapat mo matutunan at dapat mong buksan ang mga mata mo sa paligid mo kasi ang mundo malupit kapag hindi ka marunong lumaban at kapag wala kang alam." sabi ni Sisi.
"Grabe ka naman, para kang artista. Nag-eensayo ka ba? Mag-aartista ka ba? Sobra ang luha mo, hindi naman kita pinapaiyak tapos ang sinasabi mo parang scripted." sabi ni Hestia.
"Uuwi na ako Hestia, kahit kasi magsalita ako ng iba pa wala naman mangyayari kung hindi nauunawaan. Sayang lang ang effort ng mga taong tumutulong sayo, at sige sabi mo nga ako naman ang may choice ng pagsama sayo. Kaya hindi ako galit sayo. Uuwi na lang ako, at gagawa ng sarili kong project." sabi ni Sisi.
"Sandali, puwede ka naman sa iba sumama." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Sisi
"Sa buhay ng tao kailangan mo ng pride, kahit na malaki ang pangangailangan mo. Pinili kita samahan kaysa sa mga kagrupo ko, barkada ko at mga alam kong tulad ko kasi akala ko okay ka pero mukhang ang buhay sayo ay laro lang.
Nakita ko ang files mo sa Admin ang sabi doon wala kang magulang at ampon ka ng mga Valiente kaya ang akala ko tulad ng mga kagaya ko may pangarap ka dahil lumaki kang salat sa pagmamahal ng pamilya na kahalintulad ng salat sa kayamanan na wala kaming mga dukha, pero muli nagkamali ako kasi mukhang wala kang pakialam sa iba kasi nga naman mukhang wala ka rin pakialam sa kinabuksan mo." sabi ni Sisi saka ito yumuko.
"....uuwi na ako, pasensya at naabala kita." sabi ni Sisi saka ito tumakbo palayo na ikinasunod ng tingin ni Hestia sa papalayong si Sisi habang tumatakbo ito.
"Hindi mo kailangan maging matanda para umastang maging matured at responsable." sabi ni Aj na ikinalingon ni Hestia.
Sa paglingon ni Hestia nagulat ito ng makitang nakasandal si Aj sa sofa at halatang kanina pa ito nakikinig.
"Huwag mong bibitawan ang mga taong naniniwala sayo dahil sila ang mga taong aakay sayo kapag sugatan ka." sabi pa ni Aj saka ito tumayo at tumingin sa isang manikang lalaki na nasa sofa.
Napasunod ng tingin si Hestia habang nakatayo siya sa may pntuan at tila naipako ang mga paa niya roon.
"Huwag kang mananakit ng damdamin lalo sa mga taong minahal ka kahit hindi ka nila kilala ng lubusan. Ang pagmamahal ay makikita sa tiwala, hindi lamang ito salitang "I love you o mahal kita".
Huwag mong hilahin pababa ang mga taong hangad ay tagumpay mo. Huwag mong hayaang lumuha ang mga taong sinamahan ka kapalit ng pag-iwan nila sa iba. Ang mga taong ito ay siyang yaman mo na kailangan mong alagaan kasi una ka na nilang inalagaan. Nang ibinigay nila ang tiwala nila sayo.
Paano?
Pag-aalaga sa pamamagitan ng pagpunta niya dito kahit wala siya kasiguraduhan at pinanghahawakan kundi ang damdamin na nakita niyang mabuti kang tao." sabi ni Aj saka nito kinuha ang manikang lalaki at lumapit kay Hestia.
"Bata ka pa at sabi ko sayo dati gusto ko maranasan mo ang kasiyahan ng isang bata pero sana sa kaligayahang iyon matutunan mo kung paano magmahal sa kapwa mo. Hindi mo kailangan ng pera kasi bata ka pa kundi kaibigan. Totoong mga taong huhubog sa pagkatao mo." sabi ni Aj saka nito inabot ang manika kay Hestia.
Nakatingin lang si Hestia sa manikang lalaki habang yakap nito ang manikang babae.
"Maging responsable ka habang bata ka pa ng sa ganoon kapag ang hawak mo ay totoo na alam mo na kung paano hawakan ang sitwasyon.
May anak na tayo, si Laurent at sana bilang ina niya na titingalain niya makita ka niya bilang maayos na tagapangalaga ng sa ganoon matutunan niya maging responsable kahit bata pa siya tulad mo." sabi ni Aj sabay hawak sa kamay ni Hestia at inilagay doon ang manikang lalaki.
"Marami akong sinabi, kasi marami ka pang hindi alam. Kailangan mo makinig, na hindi mo kailangan sundin kung ayaw mo.
Pero kailangan mo pakinggan at pag-aralan ang lahat ng sasabihin sayo ng ibang tao kahit kasing edad mo lang o kahit mas bata pa sayo dahil ang aral ng reyalidad ng buhay ay nasa paligid mo lang." nakangiting sabi ni Aj saka ito lumuhod kay Hestia.
Napatitig si Hestia sa mukha ni Aj ng magkapantayan na sila ng lumuhod ito sa harapan niya.
"Kailangan mo matuto hindi lang para sayo kundi para sa mga aasa sayo sa hinaharap." sabi ni Aj saka nito hinaplos ang mukha ni Hestia.
"Umiyak siya kanina. Hindi daw siya galit, pero imposible kasi umiyak siya." napaluhang sabi ni Hestia na bakas ang guilt sa ginawa kay Sisi.
"Lahat tayo nakakasakit ng damdamin, hindi natin maiiwasan ang bagay na iyon. Pero alam mo ang mahalaga? Ang tanggapin ang pagkakamali natin kahit pa may mga hindi naniniwala sa paghingi natin ng paumanhin dahil ang importante maglalakbay ka sa buhay mo na alam ang salitang responsibilidad at iyon ang itama ang mali mong nagawa." sabi ni Aj na ikinatango ni Hestia sabay iyak ng malakas at yakap kay Aj.
"Hindi ka galit sa akin?" umiiyak na sabi ni Hestia.
"Ang totoo kanina nainis ako sayo kasi hindi ka pala nag-aaral kahit na alam mong mahalaga sa akin ang pag-aaral kasi nakikita mo naman ako kung paano ako kaseryoso sa pag-aaral ko." sabi ni Aj.
"Pero ngayon galit ka pa ba?" sabi ni Hestia.
"Hindi na." sabi ni Aj.
"Bakit?"sabi ni Hestia.
"Kasi kahit hindi ka nagsorry nararamdaman ko na nagsisisi ka sa ginawa mo, nakikita ko naman na may natutunan ka, at higit sa lahat ang mahalaga magpatawad ng sa ganoon makapagmove on tayo at magawa ang bagay na mas importante kaysa sa inis at kaysa sa galit na madarama mo." sabi ni Aj sabay yakap ng mahigpt sa batang babae.
"May project kami, nag-iisa lang ako. Ayaw ako isali ng mga kaklase ko kasi baka daw makasira ako sa grades nila. Sabi ng grupo ni Sisi natatakot sila na baka mawala ang scholarship nila kapag sinali ako. Masakit din naman ang sinabi nila pero anong magagawa ko wala silang tiwala." naluhang sabi ni hestia.
"Kaya nawalan ka ng gana kahit alam mong may isang nagtitiwala sayo?" sabi ni Aj.
"Isa lang. Malungkot kasi isa lang ang nagtitiwala, isa lang." lumuluhang sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj sabay alis ng pagkakayakap kay Hestia saka nito hinawakan ang mukha ni Hestia at hinuli ang tingin nito.
"Ang mahalaga may nagtitiwala sayo. Ang taong iyon ang magsisilbi mong gabay at inspirasyon para lumaban ka. Ang tao habang lumalaki o tumatanda mas lumalaki at lumalawak ang kanilang pagsubok sa buhay pero tandaan mo magpokos ka sa mga taong nagtitiwala sayo na hindi mo hiningi ang tiwala nila kasi sila ang mga taong nakikita ang potensyal mo kung magiging sino ka at ano ka sa buhay nila at sa buhay ng iba." sabi ni Aj.
"Opo. Ngayon, gusto ko magsorry kay Sisi at sabihin na nagsisisi na ako." sabi ni Hestia na ikinatawa ni Aj.
"Sakto sa pangalan ng kaibigan mo ang name niya." sabi ni Aj na pinipigilan tumawa.
"Samahan mo ako sa kanya para humingi ng sorry." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.
"Okay, pero bago natin siya puntahan sabihin mo muna sa akin ang project mo para maturuan kita kung anong ideya ang puwede." sabi ni Aj
"Okay. Pero paano kung may iba siyang kasama? Paano kung sumama siya sa dati niyang grupo at iniwan na niya talaga ako?"sabi ni Hestia.
"Kapag ganoon nga ang nangyari, tanggapin mo. Huwag ka rin magalit, ang isipin mo na lang isa itong aral na dapat matutunan mo. Kaya tandaan mo na ang tiwala ng iba ay mahirap makuha kaya dapat pangalagaan mo dahil isa itong yaman na hindi nabibili ng pera." sabi ni Aj na ikinatango ni Hestia.
"Okay naunawaan ko, dahil na-absorb ng utak ko pero hindi lumusot palabas ng tenga ko." nakangiting sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.
"Gusto ko kasama mo ako sa tatahakin mo at makita ang pagyabong mo." nakangiting sabi ni Aj.
"Salamat, sweetheart." napangiting sabi ni Hestia na ikinangisi ni Aj sa panggagaya ni Hestia sa tawag niya dito.
.....................
July 25, 2025 7.50pm
Fifth Street
Good Night
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Promote ko lang po DM me kung sino magpapareserve ng hard copy
10copies lang po pero dagdagan ko ng 10 para 20copies na.
Sana bumili po kayo at magpa-reserve na.
Kapag umokey po next ko muna sila Marie at Dennis na novel para sunod-sunod at maganda tingnan ang collection.
Follow niyo na rin Rose Chua Novels sa FB Page para sa support.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top