Kabanata 3 : Sisi


Kabanata 3 : Sisi

STU, El Paradiso


"Hestia." tawag ng teacher kay Hestia habang nagsasagawa ng recitation ang buong klase ng section nito.

"Ano po uli ang tanong, Maam?" kinakabahang sabi ni Hestia na first time naranasan ang recitation.

"Hindi ka nakikinig." sabi ng guro.

Hindi umimik si Hestia, ang totoo nakikinig naman siya kaso kakaiba ang kaba niya na pakiramdam niya nilalamig siya, na natatae o naiihi. Hindi niya mawari na dati sa mga libro at socmed lang niya nababasa ang ganoong pakiramdam ng mga estudyanteng sumasabak sa recitation day.

"Dito ka ba lumaki sa bansang ito?" tanong ng guro na ikinailing ni Hestia habang nakatitig ang batang babae sa guro niya na pakiramdam nga niya pinag-iinitan siya mula pa kanina.

"Una, dapat kapag sumasagot ka na hindi ka naman pipi o mute na tinatawag Opo o hindi po ang isasagot mo hindi iling." sabi ng guro.

"Sorry po." sabi ni Hestia.

"Okay, sa Philippine history sinakop ng mga Hapon ang bansa sa mga pagitan ng taon na 1942 hanggang 1945 kung saan nilusob ng mga hapon ang Pilipinas na nasa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos. Ito ay pagsiklab ng panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig na naganap matapos bombahin ang Pearl Harbor, Hawaii at Estados Unidos.

Sa panahon din na iyon ang pangulo ng Pilipinas ay si Manuel L. Quezon. Pinasok ng militar ng Hapon ang Manila Enero 2, 1942. Umatras sina Heneral Douglas McArthur at ang pangulo ng Pilipinas sa panahon na iyon. Makaraan ang ilang buwan sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones at dito nagsimula ang paglalakad ng mga bilanggo ng digmaan na tinatawag ng Martsa ng Kamatayan.

Ang tanong ko, kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas at nasa katayuan ka ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon gagawin mo rin ba ang pagsuko sa mga Hapon?" sabi ng guro na ikinatingin ni Hestia sa mga kamag-aral na kanina pa rin siya pinagmamasdan.

"Sagutin mo batay sa kung anong gusto mo, walang maling sagot magiging mali ka lang kapag wala kang naisagot." bulong ng katabi ni Hestia na ikinatingin niya dito pero ang katabi niya nagkukunwaring nagbabasa ng aklat.

"Hestia." sabi ng guro na ikinatingin ni Hestia dito.

"Opo, isusuko ko." sabi ni Hestia.

"Bakit?" sabi ng guro.

"Hindi dahil duwag ako kundi dahil para matigil ang gulo, kasi kung ipagpapatuloy ko ang laban talo pa rin po ako at ang lahat ng mamamayan ko. Sa pag-atras ko o pagsuko, iisipin ko na lang po na okay ng mahirapan ang iba kaysa mahirapan ang lahat. Mawala ako, kaysa mawala ang bayan ko." sabi ni Hestia na ikinaingay sa buong klase


"Okay maupo ka na."
sabi ng guro na ikinasiko ng katabi ni Hestia sa kanya.

"Ang galing mo sumagot. Ganyan ang recitation sa History Class, para maalala mo kakabahan at ang karanasan mo sa kabang iyon ang magtuturo sayo na hindi mo malilimutan."
sabi ng babaeng kaklase ni Hestia.


"Nakakakaba ka nga."
nakangiting sabi ni Hestia.

"Sa history ng bansa malupit ang mga Hapon pero sa panahon natin maraming gusto pumunta sa Japan." mahinang sabi ng kaklase ni Hestia.

Napangiti si Hestia at walang naiusal dahil ang totoo ngayon lang na-absorb ng utak niya ang mga tinuturo sa kanya noong home school pa lamang siya.

"Maganda ang paraan ng pagtuturo sa school na ito kaya nga maraming naghahangad na makapag-aral dito. Hindi kasi nalalayo ang turo ng STU sa SVU, ang unang school na pag-aari ng mga Cheung." sabi pa ng kaklase ni Hestia.


"Mukha nga."
napangiting sabi ni Hestia.


"Ako nga pala si Sisi, full scholar ng STU."
nakangiting sabi ng batang babae na ikinangiti ni Hestia.


"Matalino ka pala tapos mabait pa."
mahinang sabi ni Hestia ng maayos ng nakaupo.

"Salamat sa compliment pero alam mo maraming matapobre sa school na ito, mga bully pero nasa sayo iyon kung paano ka mag-susurvive." sabi ni Sisi.


"Talaga?"
sabi ni Hestia


"Pakikisama, iyon ang unang natutunan ko dito. Iyong tipong kahit naiinis ka na dapat marunong kang magtimpi at ilagay ang goal mo sa isip mo para mabuhay ka sa buong isang araw."
sabi ni Sisi sabay tingin sa pisara habang nagsusulat na ang guro nila.


Napangiti si Sisi ng nakatingin pa rin si Hestia sa kanya kaya umusal ito uli.

"Kailangan mo matutunan magpokos sa priority mo, sa goal mo at sa future mo. Ganoon kaming mahihirap na nagsusumikap para umahon sa hirap, tulad kami ng mga future na hari at reyna." napangiting sabi ni Sisi sabay tingin kay Hestia.

"Ang galing naman," sabi ni Hestia.

"Kailangan namin matuto sa buhay para sa mga taong umaasa sa amin." nakangiting sabi ni Sisi habang nakatitig si Hestia kay Sisi.

"Class, ang project niyo sa akin this grading period ay isang role playing." sabi ng guro ng humarap ito.

"Ahhhh! Grabe naman si Maam, unang project mahirap agad." sabi ng mga kaklase ni Hestia na ikinatingin niya sa mga ito dahil hindi niya alam ang sinasabi ng guro.

Napatingin naman ang guro kay Hestia saka umusal.

"Hestia, ngayon ka pa lang nakibahagi sa pag-aaral sa clessroom. Alam mo ba ang sinasabi ko?" sabi ng guro.

"Hindi po." sabi ni Hestia.

"Okay. Magsasagawa kayo ng isang role playing na nagpapakita ng pananakop ng ibang bansa sa bansang Pilipinas. Sa isang mini drama play na magmumulat sa bawat isa sa inyo para malaman niyo at maunawaan ang kasaysayan ng Pilipinas na tingin ko karamihan sa kabataan ngayon ay walang alam." sabi ng guro.


"Okay po."
sabi ni Hestia na ikinatingin ng guro sa mga buong klase.

"Ang gagawin natin ay hindi lamang edukasyon sa pagmumulat ng STU sa mga estudyante nito sa pagpapalaganap at pagsasalin ng kasaysayan natin sa susunod henerasyon kundi para matutunan ang salitang grupo o ang salitang pakikiisa." sabi ng guro.

"Maam, paano po ang pag-gugrupo?" sabi ng isang lalaking estudyante.

"Para madalian naman kayo kahit paano at maisagawa ng tama at maganda ang role play kayo ang papipiliin ko ng grupo na gusto niyo na merong sampung katao na miyembro kada isang grupo." sabi ng guro.

Napatingin si Hestia sa buong klase thirty one sila at singit siya na mukhang nawala sa isip ng guro nila.

"Pssst. Sa amin ka na lang sumama." sabi ni Sisi kay Hestia ng mabilis na mahinuha ang bilang ng klase pero siniko si Sisi ng katabi nito.

"Sampu lang huwag mo ng pasamahin sa atin." sabi naman ng katabi ni Sisi na babae.


"Sobra ng isa so atin na lang siya."
sabi ni Sisi.

Napatingin si Hestia sa buong klase na nag-uusap na tungkol sa groupings.

"Tsss! Mangangapa pa iyan so hindi rin niya madaling magagawa ang project." sabi ng babae.

"Tama siya Sisi ayoko rin naman bumaba ang grades natin at baka mawala ang scholarship ko." sabi ng ikalawang babae.

Napatingin si Hestia sa grupo, sa ilang oras niyang nakaupo roon kasama ang iba nalaman niya na nahahati sa iba't ibang grupo o barkadahan ang section nila o tingin nga niya sa buong school ganoon. At si Sisi kabilang sa grupo ng mga full scholar kaya takot ang mga ito mawala ang oportunidad na iyon dahil sa ikakabagsak ng grades ng mga ito dahil sa kanya.

"Ano ba kayo Fatima at Kate, kawawa naman siya at hindi rin naman siya isasali sa kabilang grupo dahil alam niyo na maarte ang mga iyon, at ang kabilang grupo mga lalaki naman." sabi ni Sisi.


"Ang sa amin lang kasi iyong scholarship natin baka mawala kapag pangit ang maging presentation natin dahil sa kanya."
sabi ni Fatima ang unang babaeng sumalungat kay Hestia.

"Ahhhm. Okay lang, ako na lang mag-isa. Kaya ko iyan." sabi ni Hestia na ikinatingin ng grupo ni Sisi dito.

"Class, thirty one pala tayo nalimutan ko." sabi ng guro at akmang magsasalita ito ng mabilis na nagsalita si Kate.


"Maam, magsosolo na lang daw po si Hestia."
sabi ni Kate na ikinatingin ng buong klase at ng guro dito.

"Magsosolo, pero grupo ito?" sabi ng guro.

"Ayaw niyang sumali sa amin, at sa iba." sabi ni Fatima na ikinatingin ni Sisi sa dalawang kaklase.

"Ayaw mo?" sabi ng guro kay Hestia.

Napalunok si Hestia sabay tingin sa dalawang kaklase na bumakas ang takot na baka magsabi siya ng totoo.

"Nakatutok kami sa scholarship namin na makakaahon sa hirap ng pamilya namin." umaalingawngaw na sabi ni Sisi sa isip ni Hestia.

"Magsosolo ka, iyon ba ang gusto mo?" sabi ng guro kay Hestia ng hindi ito sumagot at halatang natatakot ito o kinakabahan.

"Baka makasira si Hestia sa grades natin at ikawala pa ng scholarship nating lahat." umaalingawngaw na sabi ni Fatima sa isip ni Hestia.

"Magsosolo na lang ako, kaya ko naman siguro na mag-isa." sabi ni Hestia sa isip at akmang magsasalita si Hestia ng mabilis na nagsalita si Sisi.


"Maam, kami na lang dalawa."
sabi ni Sisi na ikinatingin ng lahat kay Sisi.

"Ha?" sabi ni Hestia.


Napangiti si Sisi saka ito tumingin sa guro nila.

"Kami na lang po dalawa ni Hestia, hindi naman po importante ang bilang sa grupo ang mahalaga po di ba ang maisagawa ng maayos at maganda ang role playing? Kasi kung importante ang bilang may isa ng hindi sumunod kung isasama si Hestia sa iba na sampu lang ang grupo." sabi ni Sisi.

Napatingin ang guro kay Hestia na hindi makapagsalita, na tipikal sa estuyanteng nahihiya sa unang pasok sa paaralan kasama ng mga bagong kaklase ng mga ito.

"May grado ang presentasyon, ang eskuwelahan na ito ay hindi pangkaraniwan lalo na sa mga naghahabol ng scholarship. Hindi rin ito foundation na kahit na magkamali ang estudyante sa performance nila o sa entablado parang wala lang. Malaki ang binibigay ng paaralan sa bawat scholar, gayundin naman ang bawat grado na ibibigay ng guro ay nakasalalay sa pananatili ng scholarship ng bawat scholars." sabi ng guro kay Hestia.

"Maam, kaya iyan ni Hestia. Naiilang lang siguro siya kasi bago po." sabi ni Sisi.

"Wala akong sinabi na hindi niya kaya." sabi ng guro sabay baling kay Sisi.


"....ang performance niya ay performance mo kaya kapag nagkamali ka hahatakin ka niya. Naunawaan mo ba? Dahil ang gagawin niyo ay grupo kaya ang grado ay nakabase sa kung paano magtutugma ang bawat galaw na gagawin niyo sa performance."
sabi ng guro kay Sisi.


"Maam, dito ako nag-aral mula preparatory with full scholarship at alam ko po iyon. Thirteen years na ako dito sa school at tingin ko naman po lahat ng pumapasok dito at napupunta sa Prime Section ay magagaling kaya nagtitiwala ako na kaya namin ni Hestia makuha ang marka para ang scholarship ko ay manatili sa akin hanggang kolehiyo."
sabi ni Sisi.

Napatingin si Hestia kay Sisi.


"Grabe! Tiwala siya sa akin, kahit ngayon lang niya ako nakilala."
sabi ni Hestia sa isip.

"Okay, bahala ka o kayo ni Hestia. Ang grado sa role playing ay magrereflect para sa unang markahan ngayong taon sa tatlong subject na sakop nito." sabi ng guro sabay tingin sa buong klase.

"Graduating students kayong lahat nasa Prime Section kaya ipakita niyo na karapat-dapat kayo sa lahat ng gagawin niyo sa paaralang ito dahil ang bawat sentimo na binibigay sa mga scholars tulad ng iba dito ay galing sa bulsa ng mga sponsor na nagtitiwala sa galing ng STU students." sabi ng guro.


"Maam, don't worry hindi ka mapapahiya sa amin."
sabi ni Fatima.


"Hindi lang ako ang manonod."
sabi ng guro.

Napatingin si Hestia kay Sisi sa sinabi ng guro.

Napangiti naman si Sisi saka umusal

"Ganito sa paaralan na ito, kada grading period may performance task na malaki ang puntos sa paggagrado ng bawat mag-aaral. Ang bawat performance task ay susuriin at mamarkahan hindi lang ng guro kundi ng piling judge." mahinang sabi ni Sisi.


"Uyyy! Grabe naman."
napalakas na sabi ni Hestia na ikinatingin ng lahat dito.

"Hahaha! Mataas ang tuition fee dito at kung susuriin mo karamihan sa mga mag-aaral ay scholar. So, saan kukuha ng pondo ang paaralan kundi sa mga mayayamang estudyante at sa mga stockholder ng paaralan.

Kaya naman ang bawat scholar na mag-aaral dito ay kinukuha nila at inilalagay sa kanilang mga kompanya bilang asset ng paaralan. Ang eskuwelahan na ito sabi ko nga hindi tipikal dahil nag-aaral kami para sa paaralan na isang kompanya." sabi ni Sisi na ikinalunok ni Hestia dahil pakiramdam niya stress ang mga estudyante sa STU.

"Kaya mo ba Hestia?" sabi ng guro na ikinatingin ng guro dito na kanina pa napapansin ni Hestia na tila sinusukat nito ang kakayahan niya sa lahat.

"Yes maam." sabi ni Hestia.

"Okay let us proceed to the next topic." sabi ng guro saka na ito nagpatuloy sa pagtuturo.

....................

College Building

"Sabi niya alas dose siya pupunta pero bakit ganoon ala-una na kaya." sabi ni Hestia habang nakaupo sa silya niya sa loob ng classroom.


Nakauwi na ang mga kaklase niya ang guro naman niya pumunta ng faculty para magtanghalian. Tinanong siya nito kanina at sinabi niya hihintayin niya si Aj, umokey naman ang guro at umalis.

"Bahala na aalis na ako." sabi ni Hestia saka ito tumayo at lumabas ng classroom.

...............

July 22. 2023 9.02am

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top