Kabanata 19 : Isang Gulo mula sa Reyna
Kabanata 19 : Isang Gulo mula sa Reyna
STU, El Paradiso
"Uuuyyy! Anong milagro ang gagawin niyo?" sabi ni Hazel kay Hestia habang akbay ito ni Raven.
Nakaupo sila Hestia at Raven malapit sa lagoon ng lapitan sila ng mga kamag-aral nila.
"Nagsosolo kayong dalawa baka puwedeng maki-sit in." sabi naman ni Sofie na ikinalingon nila Hestia at Raven.
"Baka istorbo tayo sa ginagawa nilang kakaiba." sabi ni Jerod.
"Nag-uusap lang kami." sabi ni Raven.
"Nag-uusap? O baka ibang pag-uusap." sabi ni Dustin saka ito tumabi sa kabilang bahagi ni Hestia.
"Ano ba sa akala niyo ang ginagawa namin?" sabi ni Raven na bahagyang iniurong si Hestia palayo kay Dustin.
"Hahaha! Siguro kaya kasama mo lagi si Kuya Aj kasi may something." sabi ni Dustin kay Hestia sabay usog ni Dustin palapit muli kay Hestia.
"Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Hestia na nagulat din sa pagbabago ng pakikitungo ni Dustin sa kanya.
"Alam mo kaming mayayaman may reto na tinatawag. Kahit ako nirereto ng daddy ko sa anak ng amigo niya. Kaso ayoko, pero para mapapayag niya ako so sinuhulan niya ako." sabi ni Dustin.
"Anong suhol?" sabi ni Jerod na napangisi.
"Ahhhm. Binigyan niya ako ng kotse, lahat ng luho ko binibigay niya kapalit ng sa tamang edad pakasalan ang babaeng gusto niya para sa akin." sabi ni Dustin na ikinangisi ng mga kaklase ni Dustin na tulad nitong mayaman.
"May inirereto na pala sayo pero nakuha mo pang manligaw sa akin." sabi ni Hestia na ikinatingin ng lahat dito.
"Sumubok lang naman ako eh kaso mabilis ka pa lang mapapayag." sarkastikong sabi ni Dustin na ikinatiim ng bagang ni Raven dahil halata naman na lolokohin lang ni Dustin si Hestia.
"Okay, binigyan lang kita ng chance pero ngayon alam ko na so hindi ka na puwede manligaw." sabi ni Hestia.
"Hindi puwede? O baka naman hindi talaga puwede? Hindi, dahil sa sinabi ko kundi dahil nagsinungaling ka rin." sabi ni Dustin.
"Ako? Nagsinungaling? Hindi ako sinungaling." sabi ni Hestia sabay hawak sa braso ni Raven.
Napatingin si Raven sa kamay ni Hestia, kapag hinawakan siya nito sa braso niya sigurado pinagkakaisahan ang pakiramdam nito.
"Hindi daw. Sus! Ang bata mo pa pero gusto mo may reserba ka." sabi ni Dustin.
"Anong reserba?" naguguluhang inosenteng sabi ni Hestia
Napatitig ng matalim si Raven kay Dustin, alam niyang sa pagsasalita ng mga ito kay Hestia iba ang pagkakakilala ng mga ito sa kababata niya. Hindi alam ng lahat, maliit lamang mundong ginagalawan ni Hestia. Mula ng umuwi ito sa Pinas kila AJ na ito nakatira at si Aj lang naman ang madalas nitong kasama.
"Nagtataka kasi kami Hestia, kasama ka lagi ni Kuya Aj tapos alam naman namin na may nobya siya. At maliit lang ang isla kaya nakarating naman ang balita sa amin na buhat sa mga tsismosa sa kanto na may nobya si Kuya Aj dati kaso namatay. Pero sabi nila kaya daw hindi umuupo si Kuya Aj sa Emperio dahil sa nobya nito." sabi ni Sofie.
"Anong connect?" sabi ni Hestia na ikinatawa ng mga kaklase nito na nakapalibot na sa kanila ni Raven.
"Hahaha! Ang bobo mo naman. Iyong ang ganda mo pero bobo ka." sabi ni Hazel na ikinatiim ng bagang ni Raven sa sinabi nito kay Hestia.
"Pambubully ang ginagawa niyo at alam niyo bang isang kaso iyan." sabi ni Raven na hindi nakatiis.
"Ikaw naman Little Attorney. Paano ka magkakaso kung may ebidensya kaming nakuha sa inyo ni Hestia." sabi ni Hazel na ikinakunot noo ni Raven sa pagtataka.
"Anong ebidensya?" naguguluhang sabi ni Raven.
"Anong pakiramdam na gusto niyo ang isa't isa kaso may hadlang? At iyon ang hari ng grupo niyo?" mapanuyang sabi ni Dustin kay Raven at Hestia.
"Naka drugs ba kayo?" natawang sabi ni Raven dahil ngayon lang siya nakaengkuwentro ng mga bully.
May ganoon sa school nila kaso hindi sila mabully kasi takot sa pamilya nila pero ang mga batang nasa harapan niya mukhang minamaliit kung sino ang pamilya niya at talagang malakas ang loob lapitan sila at bullyihin sila ni Hestia.
"Hahaha! Kami ba ang nakadroga? O iyong tatay mong abogado? Kami? O iyong lolo mong ampon ng druglord? Kami o iyong lolo mong suspect sa ambush? Kami o iyong sarili mo na nahihibang sa babaeng hindi para sayo kundi para sa pinsan mong mas matanda sayo na isa ka lamang bubuwit sa kanya." sarkastikong sabi ni Dustin na ikinamula ng mukha ni Raven hindi sa pagkapahiya kundi sa galit na umuusbong sa dibdib niya sa sinabi nito sa pamilya niya.
"Tsk tsk tsk! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo Raven." sabi ni Jerod.
"Bakit ako maaawa?" sabi ni Raven na pinipigilan masapak ang mga nasa harapan niya.
"Ang pinsan mong si Aj masyadong spoiled. Biruin mo tinago ang pagkamatay ng nobya niya. Huh! bakit kaya?"sabi ni Dustin.
"Hahaha! Si Aj na ilag sa media pero alam ng buong isla na kahit si Amon ang may hawak ng Emperio si AJ pa rin ang leader niyo. Ang grupo niyo ay isang salamin, maganda ang nakikita pero pangit ang katotohanan na maaaninag mo."sabi naman ni Jerod.
"Si Aj, na sentro ng pamilya niyo kaya naman kayong dalawa walang magawa kundi magtago sa dilim, tumakas para magawa ang pagmamahalan na bawal." sabi ni Dustin na halatang nagseselos ito dahil ang tingin nito kay Raven ay tila inagawan ito ng laruan. Matalim, nanlilisik at tila gusto makaganti.
"Ano bang problema niyo sa grupo namin? O baka inggit lang iyan, try niyong maligo at maglumunoy sa lagoon na nasa harapan natin." sabi ni Raven na hindi naman kababakasan ng takot.
"Hahaha! Matapang ka kasi may pangalan ka pero ang totoo hawak ka ni Aj. Na ang totoo tauhan ka lang niya." sabi ni Dustin.
"Tauhan na tagabantay kay Hestia. Hahaha!" sabi ni Jerod.
"Ang gulo niyo kausap." sabi ni Hestia na nahihilo sa takbo ng usapan.
"Ang bobo mo kasi kaya hindi ka makasunod. Ang isa lamang sa ibig namin sabihin, nireto kayo ng pamilya niyo ni Aj sa isa't isa kaso bata ka pa kaya tinatago niyo" sabi ni Fatima na ikinayakap ni Hestia sa braso ni Raven sa pinsalang magiging dala ng mga salitang iyon kay Hestia.
"Hahaha! Pero heto hindi ka makatiis kasi nga naman baka sabihan kang malandi kapag si Aj ang nobyo mo kaya hayan si Dustin at si Raven nagawa mong payagan na ligawan ka at samahan para hindi ka mabakante. Maharot kang bata ka." maarteng sabi ni Hazel na ikinatawa ng mga buong klase.
"Hahaha! Lumaki sa Amerika kaya ganyan ang asal. Nakakahiya naman sa mga Pilipinang may moral." sabi ni Lenlen.
Namula naman ang mukha ni Hestia sa pahayag na iyon na para sa kanya foul ang bagay na iyon na hindi niya sukat maisip na may makakaisip sa kanya ng mga bagay na iyon kahit kakikilala pa lamang ng mga ito sa kanya.
"Alam niyo kayo, mga bata pa kayo pero lahat pinoproblema niyo. Ang drama niyo, para kayong goons sa isang action movie. Ang OA niyo rin para maging kontrabida, na kahit ang agency nila Uno hindi kayo tatanggapin." sabi ni Raven pero nagulat ito ng biglang yakapin ni Dustin si Hestia.
"Raven!" gulat na napasigaw na reaksyon ni Hestia ng mapabitaw kay Raven ng hilahin siya ni Dustin at yakapin bigla.
"Uyyy!" sigaw ni Raven pero mabilis itong hinawakan ng ibang lalaking kaklase nila.
Napatingin si Hestia sa mga paligid. Lahat ng kaklase niya naroroon at dahil marami sila hindi nakikita ng ibang estudyante na nasa park na iyon ang nagaganap dahil na rin nakakumpol ang lahat sa kanila na tila tinatakpan ang posibleng krimen.
"Kung si Aj, at ang grupo niyo nakuhang takpan ang lahat ng krimen ng magulang niyo at ni Aj bakit hindi namin puwede gawin. Pero hindi ito krimen na masasabi kasi ginawa niyo ito." sabi ni Dustin habang yakap si Hestia.
"Anong ginawa?" sabi ni Hestia na ikinangisi ni Hazel at mga babae na kaklase ni Hestia.
Kinuha ni Hazel ang cellphone ni Dustin na nasa bulsa ng binatilyo saka iyon binuksan at pinakita kay Hestia.
Napatingin si Raven at nagulat ang dalawa sa nakitang video.
"Hindi." sabi ni Hestia na namutla ang mukha at namuo ang luha ng makita ang video.
"Hahaha! Kay bata mo pa pero kiri ka." sabi ni Dustin sabay akbay ng mahigpit kat Hestia.
Namula ang mukha ni Raven sa galit at sa hindi napigilang damdamin mabilis ito tumayo at hinila si Dustin.
Kumawala ang pagkakayakap ni Dustin kay Hestia na ikinangisi ni Raven saka ito umusal na ikinagulat ng buong klase.
"Hindi ako bubuwit at hindi ako kung sino lang. Lalo na hindi kiri si Hestia. Hindi niyo siya kilala kaya huwag niyo siyang huhusgahan!" sigaw na diin na sabi ni Raven saka nito sinipa si Dustin na ikinahulog nito sa lagoon.
"Ahhhh!" sigawan ng mga babae sa klase nila Hestia.
"Ang yabang nito." sabi ni Jerod sa saka nito sinugod si Raven pero nagulat ang lahat ng pumuwesto si Raven at sa pagsugod ni Jerod isang malakas na flying kick ang ginawa ni Raven dito.
"Huwag! Blackbelter iyan!" sigaw ni Hestia na ikinaatras ng ibang lalaking kaklase ni Hestia pero ang mga mayayamang kaklase nito na lalaki sumugod na ikinangisi ni Raven
"Thanks Dad magagamit ko ngayon ang perang pinuhunan mo para malayo ako sa takot na nangyari sayo." sabi ni Raven sa isip saka ito sumugod ng pagtulungan ng mga kaklase nitong lalaki.
"Raven!" sigaw ni Hestia hindi dahil bugbog sarado si Raven kundi dahil ang taekwandong natutunan nito bilang self defense nagamit nito at ngayon ang mga kaklase niya mukhang bali ang katawan sa gigil na ginagawang pag-atake ni Raven.
"Ahhhhh!" sigawan ng lahat na nagsitakbuhan hindi palayo kundi palapit sa grupo ng section nila Hestia para manood.
"Raven! May mga madadamay!" sigaw ni Hestia pero si Raven parang sinaniban ng atakihin ang mga kalaban nito.
"Sino pa?" sabi ni Raven na ikinasugod ng ibang barkada ni Dustin sa ibang section at grade level na naroroon.
"Makakapatay ka! Tumigil ka na!" sigaw ni Hestia.
"Hahaha! Ang dami mo pa lang tauhan hayop kang Dustin ka. Pero okay lang iyan kaya ko kayo." sabi ni Raven habang sumusugod ito.
"Raven!" sigaw ni Hestia pero si Raven mukhang natutuwa na tila nag-eensayo lang sa taekando tournament.
...................
STU, Admin Building
Office of the President
"Anong sabi mo?" sabi ni Ion na nagulat ng biglang pumasok si Aj at mabilis nitong inilapag ang papel na pahapyaw niyang binasa dahil maikli lamang naman ang sulat pero ang laman direkta ang nakasaad kaya nagulat siya.
"Sasabihin ko pa ba ang nabasa mo?" sabi ni Aj na ikinatitig ni Ion sa pamangkin dahil ang pananalita nito tila kasing edad lamang niya.
"Aj hindi puwede ito. Buong klase ang tatanggalin mo." sabi ni Ion.
"Ayaw mo, o kukunin ko ang puwesto ng Emperio pati ng Cheung Clan at sisiguraduhin ko walang makakaupo sa pamilya mo sa kahit na anong negosyo ng pamilyang dumadaloy sa dugo ko." sabi ni Aj na ikinalunok ni Ion dahil ang pananalita ni AJ tila sinasapian ito at mas malala pa kay Autumn.
"Aj, mahirap ito." sabi ni Ion.
"Ako ang uupo." sabi ni Aj.
"Aj, makinig ka." sabi ni Ion pero nagulat ito ng ilabas ni Aj ang baril nito kasama ng isang larawan.
"Gagawin mo o ako ang gagawa." sabi ni Aj na ikinalunok ni Ion ng makita ang nasa larawan ng ilapag nito sa harap niya ng mesa niya.
"Alam kong kilala mo sila, dahil nagtrabaho ka sa Casa bilang escort, nakasalamuha mo sila at nakilala kung sino sila." sabi ni Aj na iinatingin ni Ion sa pamangkin.
"Tulad ko lahat kayo may tinatago pero sasabihin ko sayo kung sino ako." sabi ni Aj na ikinatitig ni Ion dito.
Napangisi si Aj saka ito bahagyang yumuko para bumulong sa tiyuhin na nakaupo sa silya nito sa loob ng President's Office ng STU.
"Ako si Aj Valiente, isang Mafia leader na hinahanap mo." sabi ni Aj na ikinalunok ni Ion at namutla ito ng tumawa ng malakas si Aj na tila nababaliw ito.
"Hahaha!" natawang reaksyon ni Aj saka ito tumayo ng tuwid.
"Hindi ko kailangan ng posisyon sa loob ng grupo dahil ako pa rin ang pinakamataas. Ako ito tito Ion ang taong hinahanap mo." sabi ni Aj na ikinalunok ni Ion sa kabang nadama.
"Langya! Iyong puso ko parang gusto akong takbuhan." sabi ni Ion sa isip dahil ang tibok ng puso niya nagririgodon na tila gusto siyang umalis sa kinalalagyan.
"Ibibigay ko sayo ang kailangan mo na hindi mo na kailangan hanapin ako." sabi ni Aj na sumeryoso kaya napailing si Ion sa nagaganap sa pamangkin niya.
"Uminom ka na ba ng gamot mo?" sabi ni Ion sa pag-aalalang tono.
"Ahhhmm. Oo naman." sabi ni Aj.
"Sundin mo ang reseta baka masobrahan ka." sabi ni Ion.
"Gagawin ko ang payo mo basta gawin mo ngayon ang memo na pagtatanggal sa buong section ni Hestia." sabi ni Aj
"Haysss! Lagot ako nito." sabi ni Ion
"Okay lang iyon, huwag kang mag-alala bibigyan kita ng mayayamang estudyante na sasalo sa lahat ng ikakawala ng mga pipitsuging kaklase ni Hestia." sabi ni Aj.
"Pero Aj, scholar karamihan sa mga iyon." sabi ni Ion.
"Ayaw mo nun, mababawasan ang gastos ng University." sabi ni AJ.
"Maraming tutuligsa sa STU." sabi ni Ion.
"Anong ginagawa ng anak mong si Uno." sabi ni AJ.
"Ha? Paano napasok si Uno?" sabi ni Ion.
"Nobya niya si Eye." sabi ni AJ.
"Hahaha! Bata pa ang anak ko at ang babaeng iyon mamasang niya." mapanuyang tawa na sabi ni Ion na ikinangisi ni AJ sa tahasang pag-ayaw ng tiyuhin sa babaeng laging kasama ni Uno sa Entertainmet Industry.
"Lahat ng tao sa paligid mo ay isang asset na puwede mong gamitin. Si Eye ay isang heredera na makakatulong sayo, sa anak mo para sa isang negosyo." sabi ni Aj.
"Bad image ang babaeng iyon." sabi ni Ion.
"Sa bansa natin, o sa panahon ngayon kung sino ang nasa hot seat siya ang sikat at siya ang mas kumikita." sabi ni AJ.
"Okay, gagawin ko ito pero i-revise natin." sabi ni Ion.
"Paanong baguhin?" sabi ni AJ.
"Alisin mo si Eye sa landas ng anak ko." sabi ni Ion na ikinangisi ni AJ.
"Hinahanap mo ang Mafia leader para patayin si Eye tama ba?" sabi ni AJ na ikinatahaimik ni Ion.
"Lumapit ka sa isang client dati ng asawa mo sa Casa para tulungan ka makipag-usap sa leader nila. Hindi mo magalaw si Eye dahil nga naman mayaman at bukod doon nasa media ang negosyo ng pamilya niya. Kaya kapag may nangyari sa kanya si Uno at ang pamilya mo ang suspek kasi si Uno lang naman ang nilalapitan ni Eye ngayon." sabi ni Aj
.................
August 1, 2023 9.36pm
Fifth Street
Good night
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Pakilike po ng page ty
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top