Kabanata 15 : Nakalipas
Kabanata 15 : Nakalipas
Hours later
Aj's House
"Dito na lang, salamat." masayang sabi ni Hestia ng maihatid siya ni Dustin pero ngayon hindi na sa lumang motor nito kundi sa luxury car na sinasabi nito sa kanya.
"Dalhin mo na ito." sabi ni Dustin sabay abot ng paper bag na may lamang tira nila sa handaan.
"Uyyy! Huwag na nakakahiya naman, kayo na nga ang gumastos doon." tangging sabi ni Hestia.
"Nag-uwi din ang iba kaya hindi masama ang gagawin mo. At saka dapat masanay ka na dahil baka bigyan kita lagi ng pabaon." nakangiting sabi ni Dustin.
"Pabaon?" nagtatakang sabi ni Hestia.
"Pabaon... tulad nito." sabi ni Dustin sabay abot ng chocolate at isang boquet ng red roses.
"Wow! Saan galing iyan?" sabi ni Hestia.
Napangiti si Dustin hindi kasi napansin ni Hestia ang bulaklak at chocolate sa likod ng kotse.
"Pinabili ko sa tauahn namin, special iyan galing sa flowershop ni Ciao Montemayor." sabi ni Dustin.
Napatitig si Hestia sa card na nakalagay sa bulaklak may pangalan nga iyon ng negosyo ni Ciao, ang tiyuhin ni Aj na namamahala ng flowershop sa bayan. Mamahalin ang mga bulaklak doon pero ni minsan hindi pa siya binibigyan ni AJ na bulaklak na galing shop ng tiyuhin nito. Kung saan ito bumibili hindi niya alam o kung bumibili ba ito dahil kadalasan isang stem na white rose ang binibigay nito sa kanya na walang card na nakalagay.
"Kukunin ko na ba?" nahihiyang sabi ni Hestia pero halata na masaya ito sa unang pagkakataon na binigyan siya ng bulaklak ng ibang tao na kakikilala lang niya at halatang poporma sa kanya.
"Oo naman." sabi ni Dustin
"Sige na nga." nakangiting sabi ni Hestia sabay abot ng bulaklak, chocolate at paper bag na may lamang pabaon sa handaan.
"Puwede bang manligaw?" sabi ni Dustin.
"Oo naman." nahihiyang sabi ni Hestia.
"Yes! Mabuti naman hindi ako busted agad." masayang sabi ni Dustin na nakuha pang magbiro dahil hindi niya inaasahan na mabilis na mapapayag si Hestia.
"Uuwi na muna ako." sabi ni Hestia habang inaamoy ang bulaklak.
"Okay so bukas na lang uli." sabi ni Dustin saka ito bumaba ng kotse at pinagbuksan si Hestia ng pintuan.
Napangiti si Hestia na sa unang pagkakataon muli may ibang tao na kahit hindi niya lubusang kilala tinarato siyang espesyal.
"Salamat uli ha." sabi ni Hestia ng makababa ng kotse.
"Wala iyon." nakangiting sabi ni Dustin saka nito niyakap si Hestia na ikinamula ng mukha sa gulat ng batang babae
Samantalang nakadungaw si Aj sa bintana sa ikalawang palapag kung saan tanaw niya si Hestia at ang kotseng magara na sakay ang kaklase nito.
"Gusto mo pala maglaro. Sige, pagbibigyan kita." sabi ni Aj sa isip na napangisi habang nakatitig kay Hestia na halata sa mukha ang saya. May dala itong bulaklak, chocolate at paper bag. Nakita pa niya ang pagyakap ng batang lalaki dito.
..............
"Papasok na ako, mag-ingat ka." sabi ni Hestia at wala sa loob na nagbeso ito sa lalaki dahil iyon ang nakagawian niya sa NYC.
"Whoah!" sabi ni Dustin na hindi inaasahan ang ginawa ni Hestia, sumayad kasi ang labi nito sa pisnge niya kahit alam niyang beso lamang iyon.
"Hahaha! Beso lang iyon." natawang sabi ni Hestia na ikinatalim ng mata ni Aj ng makita ang ginawa nito sa batang lalaking kaedaran nito.
Mabilis na bumaba si Aj ng hagdan at lumabas ng bahay.
"Ako lagi maghahatid sayo." sabi ni Dustin.
"Oo ba. O sige, babay na." nakangiting sabi ni Hestia sabay kaway nito na ikinangiti ni Dustin saka nito pinaandar ang kotse palayo.
Sinundan ng tingin ni Hestia ang kotse at ng mawala sa paningin niya ang kotse nawala ang ngiti sa labi niya.
"Tama, sayo na lang ako magpapahatid tutal mukhang mas maganda iyon." sabi ni Hestia sa sarili sabay napangiti ito, pero sa pagbaling nito sa pagpasok ng gate nagulat ito ng hindi namalayan na nasa likuran na niya si Aj.
"Saan ka galing?" seryosong sabi ni Aj.
"Ahhhm. Sa bahay ng kaklase ko, gumawa ng project." sabi ni Hestia sabay yakap sa bulaklak na dala nito na ikinangisi ni Aj ng lihim.
"Bakit hindi ka nagpaalam kanina?" sabi ni Aj.
"Nalimutan ko." sabi ni Hestia na pilit kinakalma ang kaba sa seryosong tinig ni Aj.
"Bakit hindi ka tumawag para magpaalam?" sabi ni Aj.
"Kuya naman hindi naman kita tatay at saka alam ko naman na busy ka at alam ko rin naman na may tiwala ka sa akin. Di ba?" sabi ni Hestia na nagawa pang sumagot kahit kabado siya.
"Meron nga." seryosong sabi ni Aj.
"Kumain ka na ba?" sabi ni Hestia na pilit na hindi pinansin ang seryosong mukha nI Aj.
"Oo." sabi ni AJ.
"Kumain na rin ako, busog nga ako." sabi ni Hestia na napangiti pa.
"Mabuti." seryosong sabi ni Aj na pinipigilan ang galit at selos na nararamdaman.
"Papasok na ako kuya, magpapahinga na ako." sabi ni Hestia pero akmang papasok ito ng magsalita muli si Aj.
"Mabango ba?" sabi ni Aj sa seryosong tinig.
"Ang alin?" sabi ni Hestia pero inamoy nito ng hindi sinasadya ang bulaklak na hawak nito.
"Matamis ba iyan?" sabi pa ni Aj na ikinatingin ni Hestia sa dalang chocolate na mamahalin.
"Ahhhhm. Mabango? Oo itong bulaklak saka mapula at itong chocaolate naman mukhang matamis kasi mamahalin ito at saka galing sa Flowershop ni tito Ciao." sabi ni Hestia na hindi naitago ang kilig ng batang puso nito
"Mabuti naman." sabi ni Aj sa seryosong tinig pero sa isip nito nagtitimpi ito itapon ang dala ni Hestia.
"Gusto mo amuyin, at gusto mo tumikim?" masayang sabi ni Hestia na kahit hindi naman ito nang-aasar ang dating kay AJ nang-iinis ito, na kailangan ni Aj magptimpi dahil napipikon na siya.
"Hindi na." sabi ni AJ.
"Ahhhm. Okay, papasok na ako."s abi ni Hestia saka ito nagmamadaling pumasok na ikinangisi ni Aj.
"Okay, gusto mo ng kaedaran mo pagbibigyan din kita." nakangising sabi ni Aj sa isip pero naikuyom nito ang kamao sa pinipigilang galit.
...................
Kinabukasan
Linggo ng Umaga
"Nasaan na naman kaya iyon?" sabi ni Hestia sa sarili ng hindi makita si Aj sa bahay nila.
"Umalis na hindi nagpaalam." sabi ni Hestia habang papunta sa kusina.
"Namimihasa siya na hindi nagpapaalam. Huh! Pero sabagay nagbibinata." sarkastikong sabi Hestia sabay punta sa ref pero nahinto ito ng may makita sa mesa.
"Ano ito?" sabi ni Hestia sabay lapit sa mesa pero nagulat ito ng makita ang nasa mesa at mabasa ang nakasulat na note roon.
Kinuha ni Hestia ang papel saka iyon binasa ng malakas.
"Kapag binibigyan ka ng maraming bulaklak dapat may ugat ng sa ganoon hindi malanta. Matatanim mo, para naman makakuha ang iba at matuwa kagaya mo. At iyong chocolate mo siguraduhin mo na kapag tatanggap ka hindi puro asukal, dapat pure chocolate. Alam mo iyon? Cocoa, cacao alamin mo ha." basa ni Hestia na tila nagboses Aj siya habang binabasa ang note ng malakas.
"Loko iyon ha." sabi ni Hestia ng mabasa ang sangkatutak na salita na sa mismong grade six paper pa talaga niya nagsulat si AJ, at malalaking mga letra na tila pang grade one ang sulat nito sa laki na pantay pantay, at ang penmanship halatang sinadyang tila nagsisimulang magsulat pero maganda naman.
"Uy! Meron pa, himala ginanahan magsulat." sabi ni Hestia ng may nakasulat pa sa likuran ng papel ng baliktarin niya iyon.
"Hay naku ineng kapag nagpapaligaw ka huwag kang magpapahalatang kinikilig kasi talo ka. Dapat damihan mo muna na bigyan ka ng flowers, iyong tipong makakatayo ka na ng garden, at dapat makahuthut ka ng sandamakmak na chocolate iyong tipong bungal ka na kakakain ng asukal na chocolate. Mahal ang asukal sa tsokalate at mahal ang rosas na walang ugat at puro tinik, pero tandaan mo mas mahal ka na dapat pure ang lahat ng ibibigay sayo." basa ni Hestia na may smiley drawing pa na labas ngipin.
"Aissst! Ang yabang nito, kaya pala ganoon si Ate Astraea kasi siya ang mentor." sabi ni Hestia sabay basa uli sa huling note.
"Babala! Iyong manliligaw mo sana kasing galing ko kung hindi tapon mo na lang kasi nakakahiya naman si Kuya Aj mo na napakaguwapo at napakagaling, ayan ginawan kita ng chocolate na natural at binigyan kita ng white rose na may ugat. White kasi ibig sabihin purity hindi red agad, dahil red is color of the blood. Ibig sabihin madugo duduguin ka sa problema sa manliligaw mo." basa ni Hestia na nanlalaki ang mga mata.
"Iyong hindi nga siya nagsalita kagabi pag-uwi ka pero sobra ang ratrat ng salita niya sa akin ngayon." sabi ni Hestia saka ito napakunot noo ng may mapansin pa sa papel.
"Langya meron pa." sabi ni Hestia ng makita ang maliit na note sa bandang baba ng papel.
"Uyyy! Alam ko binabasa mo ito, hahaha! Pero tama iyan kinikilatis mo muna dapat ang lahat ng makikilala mo bago mo payagan manligaw sayo. Tulad ng sulat kong maliit na ito dapat minsan may pagkamarites ka tutal uso iyon ngayon. Hahahah! Kitang kita mo ang note na ito,di ba kahit maliit." basa ni Hestia na pati tawa na nakasulat nabasa nito.
"Siraulo!" inis na sabi ni Hestia at akmang lalamukusin nito ang papel ng may mapansin ito.
"Sandali." sabi ni Hestia saka nito tinupi ang papel ng mapansin ang marka ng pagkakatupi.
Sa pagtupi ni Hestia ng papel napangiti ito ng may mabuo sa mga salita.
"Mahal kita." basa ni Hestia sabay kunot noo nito ng sa nabuong salita may nabuo din sa mga katagang nasa papel na nakasulat ng malalaki at ngayon lang niya napansin ang bold letters na bumuo sa mga salita galing sa ibang salita.
"Mahal ka nila, pero mahalin mo ang sarili mo." basa ni Aj na ikinangisi ni Hestia.
"Alam ko iyon." sabi ni Hestia saka nito tinupi ang papel na imbes na lamukusin binulsa iyon ni Hestia.
Napatingin si Hestia sa chocolate na nasa layanera pa nakalagay.
"Patikim nga." napangiting sabi ni Hestia saka nito kinuha ang lanyera at tinikman ang ginawa ni AJ.
"Hmmmn. Masarap." sabi ni Hestia saka ito napatingin sa white rose na may lupa-lupa pa ang ugat nito.
"Doon kita sa kuwarto ko itatanim." sabi ni Hestia saka kinuha ng kabilang kamay nito ang bulaklak at umalis sa kusina bitbit ang chocolate sa lanyera at rosas na may ugat.
.......................
Monday
STU
"Ayieeee!" kinikilig na reaksyon ng mga kabataang babae ng ipakilala ang bago nilang kamag-aral.
Nagulat naman si Hestia dahil hindi niya inaasahan ang nasa harapan nilang lahat. Nakatayo at nakangiti ito kaya kita ang guwapo nitong mukha na kahit bata pa ito malalaman mo na ang itsura nito paglaki. Pinaghalo kasi mukha ng batang lalaki ng magulang nito na kilala sa lipunan.
"Magpakilala ka na iho." sabi ni Miss Cameron, ang pumalit na guro kay Miss Paule.
"Hello. I'm Raven Valencia." napangiting pilyong sabi ni Raven na ikinabungisngis ng mga babae sa buong klase.
"Sana sila Haco dito rin mag-aral." bulong ni Kate kay Lenlen na ikinatingin ng pasimple ni Hestia dito.
"Si Lake ang hinihintay ko dito mag-aral kasi may balitang tatakbo iyon sa pagka-alkalde ng isla." bulong naman na sabi ni Lenlen kay Kate.
"Iboboto ko siya tapos I make sure na sa munisipyo ako makakapasok ng trabaho as secretary niya. Kapag laki namin, kaming dalawa sa iisang kuwarto ng opisina niya na lagi ko siya kasama." sabi ni Fatima na hinampas pa si Dina na katabi nito sa kilig.
"Ano ba? Ang sakit ng hampas mo. Tsss! Ako si Umiko ang type ko, makapunta man lang ng Racing field nila at makasakay sa sports car collection ng lolo niyang si Aquila Cheung." kinikilig na sabi ni Dina.
"Sabagay may pogi ka ng nobyo may magara ka pang kotse na araw-araw iba-iba." sabi ni Jelai na ikinakilig ng mga babae sa likuran ni Hestia.
"Sa panaginip niyo lang iyan makukuha. Isang pangarap kaya sige taasan niyo pa." natawang sabi ni Gary, isang scholar at mahirap.
"Hahaha! Mga babaeng dukha sa STU mataas talaga ang mga pangarap." natawang sabi ni Ryan na ikinairap ng grupo ni Kate sa mga ito.
"Raven may nobya ka na?" sigaw ni Hazel na ikinatawa ng lahat at ikinatigil ng usapan ng mga babae sa likuran ni Hestia.
Napatingin si Hestia sa grupo ni Hazel na tila nasilihan ang mga babae sa grupo nito.
"Wala." nakangiting sabi ni Raven.
"Anong gusto mo paglaki mo?" sabi naman ni Sofie
"Lawyer." sabi ni Raven sabay tingin kay Hestia na halatang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito.
"Puwede ka ba namin kuning abogado soon?" sabi ni Hazel.
"Sure." sabi ni Raven pero nakatingin ito kay Hestia kahit si Hazel ang kausap nito.
.................
Flashback
One day Ago, Sunday
"Anong sabi mo?" gulat na tanong ni Raven ng tawagan siya ni Aj, na hindi niya inaasahan para itanong lang ang sinabi nito.
"Gusto mo si Hestia?" ulit na sabi ni Aj.
"Ahhhhmm. Anong tanong iyan?" sabi ni Raven.
Nasa Manila si Raven ng araw na iyon dahil doon siya nag-aaral kasama ng mga pinsang sila Haco, Umiko at Lake.
Sunday ng umagang iyon at nasa kuwarto siya at nag-iisa dahil mamaya pa siya susunduin ni Lake. Tuwing weekends kasi pumupunta siya sa bahay ni Lake kasama sila Umiko at Haco kung saan bonding nila sa kinilala nilang ama na si Run.
"Pagbibigyan kita, at kapag napasagot mo siya sayo na si Hestia at bibitawan ko siya." sabi ni Aj na ikinagulat lalo ni Raven.
"Joke ba ito?" sabi ni Raven na hindi makapaniwala dahil hindi niya pa nalilimutan ng tutukan siya ng baril ni AJ at halos patayin nito kapag nakadikit siya kay Hestia.
"Kapag pinili ka niya hindi ako magagalit, kapag naging kayo tatanggapin ko." sabi ni AJ.
"Kuya sandali, okay ka lang ba? Uminom ka ba ng gamot mo?" sabi ni Raven dahil alam naman nila na may maintenance na gamot si Aj para sa mental health nito.
"Mas gugustuhin ko mapunta sayo si Hestia kaysa sa iba, iyon ang sabi ng boses sa isip ko. Hindi daw kasi ako puwede mamilit ng tao kung ayaw sa akin, pero sisiguraduhin ko ilalagay ko siya sa alam ko at makikita kong okay ang kalagayan niya." sabi ni Aj na ikinalunok ni Raven sa kalituhan.
"Nag-away ba kayo?" sabi ni Raven.
"Mas matanda ako kay Hestia, at ayoko naman hadlangan ang kasiyahan na gusto niya o hinahanap niya." sabi ni Aj na hindi sinagot ang tanong ni Raven.
"May anak kayo." sabi ni Raven.
"Kapag may anak na ba siya, minus points ba iyon sayo?" tanong ni Aj na ikinatahimik ni Raven.
"Mahal mo ba siya. Kung mahal mo siya tanggap mo siya kahit sino pa siya." sabi ni AJ ng hindi umimik si Raven sa kabilang linya.
"Alam mo ang sagot. Alam mong gusto ko siya." napangiting sabi ni Raven.
"Kunin mo at kapag nakuha mo sayo na." sabi ni Aj.
"Sawa ka na? I mean may nahanap ka na ba? O hindi mo pa rin makalimutan si Camora?" sabi ni Raven na nalilito sa tinatakbo ng usapan nila ni Aj.
"Sabihin natin na gusto ko mag-isip si Hestia ng malaya na walang magdidikta sa kanya, pero gusto ko siya bigyan ng choices bilang tulong." sabi ni Aj.
"Anong gusto mong gawin ko?" sabi ni Raven.
"Lumipat ka ng school, alam kong makakapasa ka sa entrance exam ng STU para maging kaklase siya na hindi ka gagamit ng pangalan na meron ka kundi talinong taglay mo." sabi ni AJ.
...................
July 31, 2023 12.12am
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top