Kabanata 13 : Imbitasyon


Kabanata 13 :  Imbitasyon

STU, El Paradiso Island


"Alam niyo ba may balitang kaya nawala si Sisi dahil kay Hestia." bulong Kate sa mga kaklase ng mag-umpukan ang mga ito isang araw matapos ideklara ng STU na tuluyan ng natanggal si Sisi sa scholarship listing ng paaralan.

"Ang sabi ng nakakita sa kanila kamakailan nagpunta daw si Sisi sa Franxie kasama si Kuya Aj at Hestia tapos inaway daw ni Hestia si Sisi. Tumakbo daw si Sisi umiiyak paalis ng resto kasi pinaalis ni Hestia." bulong na sabi ni Fatima sa mga kaklase na matamang nakikinig sa dalawa.

"Sabi ko na nga ba kakaiba iyan si Hestia kaya nga pinayuhan ko si Sisi na huwag siyang sasama kasi delikado ang scholarship niya. Ayan tuloy nawala kasi hindi siya nakinig sa akin." sabi ni Kate.

"Malakas kasi si Hestia, ang sabi nila kay Kuya Aj iyan nakatira kasi ampon si Hestia ng mga Valiente." sabi ni Fatima.


"Mayabang kasi nakaapak sa kalabaw."
sabi ni Lenlen na kanina pa nakikinig sa mga ito.

"Spoiled pa kamo." sabi naman ni Dina.

"Kaya huwag tayo didikit sa kanya at baka mawala tayo dito, sayang naman ang scholarhip natin." sabi ni Fatima.


"Alam niyo ang taong spoiled kahit anong iwas mo kapag napagtripan ka wala ka rin ligtas."
sabi ni Lenlen.


"Kaya nga itigil niyo na ang kuwentuhan at baka dumating na iyon."
sabi ni Jelai na kanina pa sumusulyap sa pintuan ng classroom nila.

"Prinsesa siya kaya baka mamaya pa iyon darating at saka kahit ma-late iyon excempted siya sa rules ng STU. Hindi nga ba binigyan sila ng chance sa project natin kahit na bawal iyon. Isama pa na hindi niyo ba napansin nawala si Maam Paule na baka tinanggal din ng taas." sabi ni Dina.

"Anong gusto mo palabasin?" sabi ni Fatima.

"Wala naman. Naisip ko lang kasi malas yata kapag nadikit ka kay Hestia at kapag ayaw mo ang gusto niya panigurado na tanggal ka." sabi ni Dina.

"Kaya nga tumigil na kayo kasi baka pagtripan tayo ni Hestia." sabi ni Jelai.


"Sino pagtitripan niya? Tayo? O baka kayo lang."
sabi ni Sofie na ikinatingin ng lahat dito.

Kasama ni Sofie ang mga barkada nito, may kaya ang pamilya ni Sofie at mga kasapi ng grupo nito. Ito ang mga estudyanteng nasa section 1 dahil pinairal ang pera sa STU. Hindi scholar ang mga ito kaya nagbabayad ang grupo ni Sofie na mahigit kalahating milyon kada taon sa tuition ng mga ito hindi pa kasama ang ibang bayarin sa school kaya naman masasabing matapang magsalita ang mga ito.

"Subukan niya." sabi naman ni Hazel isa pa sa grupo ng mayayaman sa section nila.

"Sige game nga tingnan nga natin kung kaya niyo." sabi ni Dina na ikinasiko ni Jelai dito.

"Kaya nga, tingnan natin kung malakas nga kayo sa school." sabi naman ni Lenlen.

Napangiti si Hazel saka ito bumaling sa grupo.

"Uyyy! Ako labas ako diyan." sabi ni Jelai.

"Hahaha! Masyado kayong takot kay Hestia eh bobo naman iyon. Hindi niyo ba napapansin walang alam. Home school kasi, ni hindi nga alam magbasa ng mabilis." sabi ni Hazel na ikinatingin ng lahat dito.

"Tayo ang nauna sa kanya, isama pa na mas may utak naman tayo kaysa sa kanya. Bakit kayo matatakot kung alam niyong tayo ay asset ng paaralan na ito. Kayo... kayong full scholar huwag kayo tatanga-tanga sa isang batang singaw." sabi ni Hazel ng tingnan siya ng lahat.


"Tama si Hazel, bakit kayo matatakot sa kanya kung alam niyong mas angat kayo. Ahhhm, kami pala na kasama niyo."
maangas na sabi ni Jerod.

"Sabagay, may punto ka." sabi ni Fatima.

"Kami na nakasama niyo mula grade one, pinahamak ba namin kayo? Hindi. Never kaming nanakit or nambully ng kasection namin kaya bakit kayo matatakot kung nandito kami." sabi ni Dustin, isa sa grupong mayaman ng section nila, hindi rin ito scholar na kaya napunta sa section nila dahil sa pera nitong pinapalakad na siyang sinasabing ginagamit para ibigay sa mga scholar ng naturang paaralan.

"Kaya tingin niyo papayag kami na may sumulpot at makakasira sa section natin. Wala." sabi ni Jerod na ikinatahimik ng lahat.

"Huwag natin hayaan na isa-isa tayo maalis ng parang bula sa section na iningatan natin mabuo ng anim na taon." sabi ni Sofie.

"Kung may aalis si Hestia iyon, at kailangan agahan natin ang pag-alis niya bago pa tayo mawala isa-isa." sabi naman ni Hazel.

..............

Hallway

"Aj, ayoko ng pumasok." sabi ni Hestia ng mapahinto sa paglalakad sa hallway.

"Hindi puwede, wala ka pa ngang isang taon dito at saka mag-eexam na kayo." sabi ni Aj na napahinto rin sa paglalakad.

"Ayoko na Aj." sabi ni Hestia saka ito tumingin kay AJ na ikinahingang malalim ni Aj.

"Hestia, kailangan mo mag-aral sa school. Uulitin ko kailangan mo matuto makihalubilo sa mga tao at masanay sa paligid mo." sabi ni Aj.

"Sa bahay na lang ako mag-aaral." sabi ni Hestia.

"Hindi puwede." sabi ni Aj.

"Bakit pa ako mag-aaral Aj kung darating ang araw na mag-aasawa din naman ako at sa bahay lang ako tulad ni Mama." sabi ni Hestia.

"Hestia, ang kapalaran ng ibang babae ay hindi mo kapalaran. Iba ka at dapat malaman mo na kailangan maging handa ka sa kinabukasan mo. Isama pa na sa panahon ngayon kailangan tumayo sa sariling mga paa ang isang babae kahit sabihin mo pa na kaya kang buhayin ng lalaki o ng mapapangasawa mo." sabi ni Aj.

"Pero wala na si Sisi, kaya hindi ko na kaya pumasok." sabi ni Hestia na bumakas ang lungkot sa mukha.

"Isa lang si Sisi at marami ka pang ibang kasama sa klase niyo." sabi ni Aj

"Si Sisi lang ang lumapit sa akin, si Sisi lang din ang may gusto sa akin. Si Sisi lang ang friend ko." sabi ni Hestia

"Hindi mo naman kailangan lumapit sa iba, ang kailangan mo matuto makisama at maipakita na mabuti kang tao." sabi ni Aj.

"Alam ko ang naiisip nila dahil ako ang huling kasama ni Sisi. Masama ang tingin nila sa akin kahit hindi nila sabihin. Alam mo iyong pakiramdam na nag-iisa ka? Alam mo ba iyong pakiramdam na parang anino ka lang o hangin na hindi nakikita ng iba? Ganoon ako Aj." napaluhang sabi ni Hestia.

Lumapit si Aj sa batang babae sabay lumuhod ito at bahagya itong yumuko para makapantay ang mukha ni Hestia.

Hinawakan ni Aj ang mukha ni Hestia saka nito pinunasan ang luha sa mga mata ng batang babae.

"Hindi ka ganoon. Hindi ka hangin o anino dahil nakikita kita, nararamdaman kita dahil kilala kita at dahil may naniniwala sayo at ako iyon." sabi ni Aj.

"Ikaw lang ang nandiyan sa tabi ko na alam kong napilitan ka lang, na kung bakit? Hindi ko alam. Pero nagpapasalamat ako kasi nandiyan ka para punuin iyong kawalan na nararamdaman ko." sabi ni Hestia.

"Binigay ka nila sa akin na hindi ko puwede tanggihan." sabi ni Aj

"Binigay?" sabi ni Hestia.

"Oo." sabi ni Aj.

"Paanong binigay?" sabi ni Hestia.

"Ako na ang guardian mo simula ng makita kita at makasama mo ako." sabi ni Aj

"Guardian? Anong Guardian?" sabi ni Hestia na nalilito dahil alam niya ampon siya ng mga magulang ni Aj at bilang ampon si AJ ay kapatid niya na inaalagaan siya.

"Guardian angel." nakangiting sabi ni Aj na ikinatitig ni Hestia sa mukha ng binata.

"Kaya ba mabait ka sa akin? Na sobrang bait. Kaya ba hindi ka na nagsusungit tulad ng dati." sabi ni Hestia.


"Hindi kita sinungitan, never kong ginawa iyon."
sabi ni Aj na napangisi.

"Sinungitan mo ako pero nagtaka ako kasi nagbago ka." sabi ni Hestia.


"Kasi mabait ka."
sabi ni Aj.

"Kung mabait ako bakit ayaw nila sa akin?" sabi ni Hestia.


"Kasi ang nararamdaman nila ay higit ka sa kanila. Tandaan mo maging mabuti ka kahit na sa mga taong ayaw sayo. Kabutihan na, ilulugar mo ng sa ganoon hindi ka rin nila aabusuhin."
sabi ni Aj.

"Aj, walang higit sa taong walang kaibigan. Anong saysay ng pagkatao mo o ng buhay mo kung nag-iisa ka." sabi ni Hestia.

"Huwag mong ipilit ang mga taong mahalin ka at gustuhin ka, dahil tulad ni Sisi may mga taong mamahalin ka at makikita kung ano at sino ka." sabi ni Aj.

"Mahihirapan ako kung paano itama ang pagkakamali ko. Nawala si Sisi ni hindi ko alam kung nasaan siya." sabi ni Hestia


"Kailangan mo magpatuloy kahit wala siya. Tandaan mo magaling ka at kakaiba."
sabi ni Aj sabay yakap kay Hestia.


"Bakit ba napakabait mo?"
sabi ni Hestia.


"Kasi kailangan mo ako, kasi ako nga ang guardian angel mo."
sabi ni Aj na ikinangiti ni Hestia saka nito ginantihan ng yakap si AJ.

............

6-A Classroom

"Guys, nandiyan na siya." mahinang sabi ni Lenlen na ikinatahimik ng lahat ng makitang parating si Hestia.

"Aj, dito na lang. Salamat uli." sabi ni Hestia.

"Susunduin kita mamaya." sabi ni Aj saka nito hinalikan sa pisnge si Hestia.

Napatingin ang lahat sa isa't isa sa ginawa ni AJ pero walang nagsalita.

"Sige, dito kita hihintayin." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Okay. Galingan mo at mag-aral kang mabuti." sabi ni Aj sabay pasimpleng tumingin sa mga kaklase ni Hestia na nakakumpol na halatang may pinag-uusapan ang mga ito kahit na ba tahimik lamang.

"Oo." sabi ni Hestia at akmang kukunin na nito ang bag niya kay Aj ng mapangiti si Aj.

"Ako na maglalagay sa upuan mo ng bag mo." sabi ni Aj.

"Huwag na, kaya ko naman na. At saka baka hindi puwede at baka makita ka ni Maam." sabi ni Hestia

"Wala pa naman ang teacher mo kaya puwede iyan." sabi ni Aj saka ito pumasok sa loob ng classroom nila Hestia at nagtungo sa upuan ni Hestia.

"Okay na AJ. Iwan mo na ako." sabi ni Hestia ng mailagay ni Aj ang bag niya sa upuan niya.

Naupo si Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Enjoyin mo lang." sabi ni Aj dahil sa mga ganoong taon ng buhay niya kahit mahirap nag-enjoy siya sa pag-aaral niya sa Heather Island.

"Okay." sabi ni Hestia saka umalis si Aj.

Pagkaalis ni Aj, tahimik lang si Hestia na kinuha ang bag niya at binuksan iyon. Kinuha niya mula sa loob ang libro at inilapag sa mesa ng upuan niya.

"Lapitan mo na." mahinang sabi ni Hazel kay Sofie na ikinatango ng huli.

Tumayo si Sofie at lumapit kay Hestia.

"Hestia, gusto mo sumama?" sabi ni Sofie na ikinatingin ni Hestia.

"Sumama? Saan?" sabi ni Hestia sa nahihiyang tinig.

"May bonding ang buong klase kapag ganitong month, gusto mo ba maki-join?" sabi pa ni Sofie.

"Ahhmm! Hindi ako puwede." sabi ni Hestia.


"Ikaw naman, hindi ka pa namin nakakabonding at saka kung ayaw mo sa grupo nila Fatima sa amin ka na lang sumama."
sabi ni Jerod sabay upo sa mesa ni Hestia na nakuha pang upuan ang libro niya na inilapag niya roon.

"Uuwi kasi agad, may sundo ako." sabi ni Hestia.

"Sa section namin kailangan nagkakaisa kapag may pupuntahan kailangan sumama lahat. Walang mayaman o mahirap dito. Walang excemption sa mga nakaugalian ng section namin." sabi ni Dustin na nakuha pang hawakan ang balikat ni Hestia at bahagya iyon menasahe na ikinatingin ni Hestia dito.

"Crush ka ni Dustin." napangiting sabi ni Hazel ng makita ang reaksyon ni Hestia na bahagyang nagulat ng hawakan ni Dustin ang balikat nito.

"Talaga?" sabi ni Hestia na hindi naman siya nagulat sa bagay na iyon dahil aware naman siya na maganda siya at kahit sa grupo ni Aj maraming nagkakagusto sa kanya.

"Oo, ang ganda mo kasi kaya kita nagustuhan." sabi ni Dustin

"Salamat." sabi ni Hestia na napangiti.

Napangisi sila Hazel at Sofie sa reaksyon ni Hestia na hindi namamalayan ng batang babae ang tinginan ng grupo ng mga ito

"Puro si Aj na lang ang kasama mo, college na iyon. dapat sumama ka sa kaedaran mo para feel mo talaga ang pagiging bata." sabi ni Fatima na nakisali na kaya napangiti ang grupo nila Hazel.

"Saan ba ang party niyo?" sabi ni Hestia na hindi naman bago sa kanya ang dumalo sa mga party kasi gawain iyon ng mga pinsan niya sa NYC na madalas sinasama siya.

"Sa Park lang naman ng University para hindi ka rin pagalitan." sabi ni Hazel.


"Kailan?"
sabi ni Hestia


"Sa Sabado."
sabi ni Sofie.

"Sa Sabado, baka hindi ako puwede kasi weekends iyon." sabi ni Hestia.


"Magpaalam ka na para sa group report. Tiyak papayagan ka."
sabi ni Kate na nakisali na rin.

"Sige na Hestia minsan lang ito." sabi ni Lenlen sabay ngiti sa mga kasama.

"Ahhhm! Okay sige." sabi ni Hestia na nakaramdam ng saya ang batang puso nito ng kausapin ng kaedaran at suyuin para sumama sa grupo ng mga ito o bonding.


"Welcome party namin sayo."
sabi ni Lenlen na napatingin sa labas ng room para masigurong walang nakikinig.

"Sige, friends na ba tayong lahat?" inosenteng sabi ni Hestia na hindi alintana ang tinginan palihim ng bawat kaklase nito.

"Oo, pero sayang wala si Sisi." sabi ni Dina.

"Okay lang iyon, tutal nandito na si Hestia." sabi ni Sofie.

"Sige sasama ako. Tatakas na lang ako." sabi ni Hestia na ikinangiti ng lihim ng grupo ni Hazel.


"Gusto mo sunduin kita?"
sabi ni Dustin.


"May kotse ka ba?"
sabi ni Hestia na ikinangisi ng mga kaklase ni Hestia sa pag-aakalang maarte ito at de kotse talaga ang gusto.

"Oo." sabi ni Dustin.


"Maganda ba?"
sabi ni Hestia na muling ikinataas ng kilay ng mga kaklase ni Hestia sa muling pag-aakalang matapobre ang batang babae.

"Oo, ang totoo nakabili ang daddy ko ng luxury car sa Emperio." sabi ni Dustin.

"Wow! Mahal iyon at maganda. Pasakay ako." inosenteng sabi ni Hestia na ikinangiti ni Dustin.


"Oo ba."
sabi ni Dustin.

"Uyyy! Date na ba iyan?" tudyo ni Jerod na ikinasunod sa pag-iingay ng buong klase sa pagbibiro kay Hestia at Dustin.

"Date? Tanungin niyo si Hestia." sabi ni Dustin na ikinatingin ng lahat kay Hestia.


"Hindi date."
sabi ni Hestia.

"Hestia, okay lang naman iyan sa panahon ngayon hindi ng masama magkanobyo ang onse anyos." sabi ni Kate.

"Ahhhm. Bata pa ako." sabi ni Hestia.

"Bata pa? Okay sige maglaro na lang tayo." sabi ni Dustin.

"Maglaro ng ano?" sabi ni Hestia.

"Dating." sabi ni Jerod na ikinaingay ng klase.

"Ayieee! Iba na iyan." tudyo ng mga kaklase ni Hestia.

Napangiti si Hestia sa nararamdaman na inaakala nitong kasiyahan at hindi ang panganib na naiisip ng mga kaklase nito sa kanya.

....................

July 30, 2023 6.50pm

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top