Kabanata 12 : Tagpuan ng mga Hadlang

Kabanata 12 : Tagpuan ng mga Hadlang

STU, El Paradiso


"Okay, tara na." sabi ni Aj sabay tingin muli kay Hestia.

"Hindi ako gutom." sabi ni Hestia na ikinangiti ni Aj.

"Uyyy! Magutom ka, sayang ang libre." sabi ni Sisi na hindi napapansin na napahigpit ang pag-angkla ng kamay niya sa braso ni AJ.

"Hindi ako nagugutom." ulit ni Hestia.

Pinagmasdan ni Hestia si Sisi, mas maliit ito sa kanya kaya nagmukhang mas kapatid ito ni AJ kaya tila walang malisya ang pagyakap ni Sisi sa braso ni AJ pero hindi para sa tingin niya dala ng kakaibang selos na nadarama niya.

Napatingin naman si Sisi kay Aj, matangkad ang binata bukod doon malakas ang sex appeal nito, hindi pa kasama na guwapo ito. Iba din ang feature ni AJ. Nakita na niya si Amon na kamukha nito, pero si AJ soft ang dating ng awra nito siguro dahil lagi itong nakangiti at walang pinipiling tao kumpara kay Amon na kapag nakikita niya sa mall seryoso at madamot sa pagngiti.

"Pumunta na tayo sa Franxie, sayang din iyon. Si Katara dinala doon ni Kuya Amon ang dami ngang naiingit sa kanya kasi siyempre kahit sinong mahirap gusto rin makatikim ng pagkain ng Franxie resto." sabi ni Sisi.

Hindi sumagot si Hestia. Ang Franxie Restaurant na tinutukoy ni Sisi ay pag-aari ng mga Valiente. Minana ni Ramon Valiente sa ama nito. Si Aj ay apo sa tuhod ni Ramon Valiente, pero ang naturang restaurant ay sinasabing mapupunta sa side ni Aquila Valiente, anak ni Ramon.

"Dali na Hestia magutom ka na." sabi ni Sisi.

"Hindi ako gutom." sabi ni Hestia.


"Aissst! Kausapin mo ang tiyan mo na magutom."
sabi ni Sisi.


Napangisi si Hestia, ang restaurant din na binabanggit ni Sisi ay hindi biro. Mamahalin kasi ang mga putahe sa naturang resto, kaya hindi ka basta basta makakapasok at makakaorder. Isang putahe lang sa kainan na iyon nagkakahalaga na ng libo na para sa kanya worth it naman dahil world class ang lasa iyong tipong pang hari nga daw.

"Pagbigyan mo na, magutom ka daw." natawang sabi ni Aj kay Hestia.


"Sige pero puwede bang.."
udlot na sabi ni Hestia ng tumili si Sisi sa saya nito at nagawa pang yakapin si Aj.

"Ahhhh! Pumayag na siya."masaya at excited na sigaw ni Sisi.

Napatingin si Aj kay Sisi na ikinalunok ni Hestia ng mamula ang mukha nito sa selos na nadama.

"Ahhhm." sabi ni Aj ng makita ang reaksyon ni Hestia na tila gusto nito manabunot ng kaibigan nito.

"Yehey! Pumayag na si Hestia." masayang sabi ni Sisi.

"Ahhhm. Tutuloy tayo basta maglalaro tayo." sabi ni Aj na ikinatigil ni Sisi sa pagtili at ikinatalim ng tingin ni Hestia kay AJ.

Napalunok si Aj ng tingnan siya ni Hestia ng kakaiba kaya muli siyang napausal ng mabilis para unahan ang masamang iniisip nito sa kanya.


"Maglalaro tayo ako tatay, si Hestia nanay, at ikaw ang anak namin."
sabi ni Aj sabay tingin kay Sisi.

".....ANAK KA NAMIN." madiin na sabi ni AJ kay Sisi.

"Anak? Oh sigeeeee!" masayang sabi ni Sisi na ikinangisi ni Hestia.

"Makuha ka sa tingin." sabi ni Hestia sa isip ng makitang pinagpawisan si Aj.

"Langyang bata ito, grabe makatingin." sabi ni Aj sa isip ng makitang nag-iba na ang reaksyon ni Hestia.

.................

Franxie resto

"Subo pa Papa." natatawang sabi ni Sisi na kanina pa ikinamumula ng mukha ni Hestia sa selos habang si Aj natatawa ng lihim dahil si Sisi mautak nga at nagpapasubo bilang anak nila ni Hestia .

Kalahating oras na sila sa resto at simula ng umalis sila sakay ng kotse buhat sa STU hindi na mapaawat si Sisi sa kakakuwento kay Aj at sa tipo ni Aj na marunong makisama sa mga tulad ni Sisi wala itong naging problema lalo na at halos pareho ang kinalakihan ng dalawa.

"Hmmmn. Ang sarap maging spoiled na anak." masayang sabi ni Sisi ng subuan siya ni Aj.

"Gusto mo pa, Swettie?" sabi ni Aj habang nakatingin kay Sisi.

Napakuyom ng kamay si Hestia habang nakatingin sa dalawa kanina pa. Kanina pa kasi naglalandian ang dalawa sa harapan niya na ikinapipikon niya. Nagsusubuan ang dalawa sa harapan niya habang kanina pa tinatawag ni Sisi ng Papa si Aj, at si Aj sweetie naman ang tawag kay Sisi. Iyon kasi ang baby endearment ng sweetheart sabi ni Sisi na sinang-ayunan ni AJ dahil nga naman ANAK nila si Sisi sa laro nila.

"Papa pakiss nga po." sabi ni Sisi na kinilig kaya natawa si Aj.

"Hahaha! Sige ba." sabi ni Aj ng biglang magulat ito ng mabilis na tumayo si Sisi at humalik sa kanya. Hindi lang iyon nakuha nitong kumandong sa kanya na ikinatayo ni Hestia at nagmamadaling pumunta ng banyo.

"Hala! Bakit mukhang galit si Mama?" sabi ni Sisi na hindi alam ang nagaganap.

Napatingin si Aj kay Hestia pero hindi niya ito sinundan ng makitang sa banyo ito pumunta.

"Baka magbabawas." sabi ni Aj pero napailing ito ng makitang nagselos si Hestia.

"Topakin din si Hestia minsan ang hirap espelingin." sabi ni Sisi na ikinangiti ni Aj sabay tingin kay Sisi.

.................

Restroom

"Arrggghhhh!" sigaw ni Hestia sa inis sabay napaiyak ito.

"Sa harapan ko talaga." inis na sabi ni Hestia habang nasa harapan siya ng salamin at pinagmamasdan ang sarili.

"Nakakainis! Bakit ba nakikipaglaro siya sa iba." sabi ni Hestia sabay bukas ng gripo at inihilamos sa mukha niya.

"Aissst! Ayoko ng ibang laro." sabi pa ni Hestia na napapadyak pa at hindi alintana kung may tao pa sa mga cubicle ng may kalakihang CR na iyon.

"Sana umuwi na siya para mawala na siya." inis pang sabi ni Hestia.

"Anong problema?" sabi ng tinig na ikinagulat ni Hestia ng bumukas ang cubicle at bumungad ang isang babae.


"Sino ka?"
gulat na sabi ni Hestia sa babaeng tulad niya mukha itong dayuhan sa maputi at ang mata ng babae ay singkit.

"Kanina ka pa nakakabulahaw sa mga nagbabanyo." sabi ng babae sabay lapit sa lababo ng banyo katabi ni Hestia.

Napatingin naman si Hestia sa banyo, may mga umalis nga at tila nagambala niya at ngayon siya at ang babae na lamang ang nasa loob ng restroom na iyon.

"Nakaharang ba?" sabi ng babae na ikinatingin muli ni Hestia dito.

"Sino ka?" ulit na sabi ni Hestia dahil sa kakaibang pagtatanong ng babae.

"Ako si Himeko." sabi ng babae.

"Himeko. Japanese name." sabi ni Hestia na ikinangiti ng babae.


"Oo. Mabalik tayo mukhang naiinis ka bata may problema?"
sabi ni Himeko.

"Hays! Si Aj iyong kasama kong lalaki humaharot sa kalaro namin... kay Sisi." sabi ni Hestia ng maalala ang kinaiinisan kaya kahit hindi nito kilala ang kaharap sa inis nito nasabi niya ang nararamdaman.


"Sisi? Anong nararamdaman mo ngayon?"
sabi ni Himeko na ikinatingin ni Hestia habang nag-aayos ang babae o nareretouch ng make-up nito.

"Mabait siya kaso ayoko siya dumikit kay Aj. Si Aj kasi mahilig sa bata. I mean, malapit siya mga bata kasi siguro namimiss niya ang mga kapatid niya na inalagaan niya. Pero naiinis ako kasi gusto ko ako lang ang nakikita ni Aj." sabi ni Hestia na napayuko na halatang nahiya ito.

"Ganoon ba." sabi ni Himeko.


"Hmmmn. Bakit ba kita kinakausap?"
mahinang sabi ni Hestia.


"Kasi naiinis ka at kailangan mo ilabas ang inis mo."
sabi ni Himeko.

"Hindi kita kilala." sabi ni Hestia.


"Tama, hindi mo ako kilala pero kinausap mo ako kasi sa inis mo. Ngayon tatanungin kita, anong gusto mo mangyari?"
sabi ni Himeko na ikinangiti ni Hestia saka ito inosenteng tumingin sa babae na sa tantya niya matanda ng ilang taon sa kanya pero hindi niya masabi ang pinaka edad nito dahil makapal ang make-up ng babae.

"Genie ka ba? Saan ka galing sa inidoro? Hahaha! Kasi sa cubicle ka lumabas." birong natawang sabi ni Hestia na hindi naman kina-offend ng babae. Natawa pa nga ito sa sinabi ni Hestia.


"Hahaha! Sabihin natin na ganoon nga."
sabi ni Himeko.

"Okay, mabait si Sisi kaso ayoko na siya makita." sabi ni Hestia na ikinaseryoso ni Himeko.

"Sure ka?" sabi ni Himeko.

"Nagseselos ako sa kanya pero gusto ko naman okay siya." sabi ni Hestia na ikinahinto ni Himeko sa paglalagay ng lipstick habang nakatingin sa repleksyon ni Hestia sa salamin na nakatingin naman sa sarili nitong repleksyon.

"So, ano talagang gusto mo?" sabi ni Himeko.

"Masolo ko si Aj." napangiting sabi ni Hestia saka ito napayuko na ikinangiti ng lihim ni Himeko.

...................

"Hahaha! Mali ka naman Papa." masayang sabi ni Sisi kay AJ.

Napahinto si Hestia sa paglapit sa dalawa ng makita ang katuwaan ng mga ito.

"Sweetie, maniwala ka maganda sa bata ang wine. Unti lang naman ang iinumin mo." sabi ni Aj sabay lagay ng wine sa baso ni Sisi.

Napatitig si Sisi kay Aj, hindi niya inaasahan na marunong ito makipaglaro sa bata. Hindi nga ito nahihiya kahit kanina pa sila pinagtitinginan. At siyempre bakas sa mga babaeng nakatingin sa kanila ang inggit at ang mga lalaki naman na nakatunghay ay nakokornihan at pinagtatawanan ng lihim si Aj. Pero wala iyon sa binatang kaharap niya.

"Gusto mo ako pa ang magpainom sayo nitong wine?" sabi ni Aj habang nakatitig kay Sisi dahil ang totoo para itong mga kapatid niya. May pagkakikay at daldal tulad ni Astraea pero kapag kinausap mo ng seryoso naaalala niya ang kapatid na si Suri.

"Sige sige Papa." sabi ni Sisi na kanina pa masaya ang pakiramdam kasama si Aj.

"Okay heto na." sabi ni Aj pero akmang ilalapit nito ang baso kay Sisi ng may tumabig nun.

"Uyyy!" gulat na sabi ni Sisi ng matapunan siya ng wine.

Napatingin naman si Aj kay Hestia ng sadyain nito ang pagtabig sa baso.

"Kanina pa kayo." sabi ni Hestia.


"Mama naman."
sabi ni Sisi na halatang nasa paglalaro pa ang huwisyo nito.

"Uuwi na tayo." inis na sabi ni Hestia.

"Gusto pa niya maglaro." sabi ni Aj kay Hestia.

"Ayoko na." sabi ni Hestia


"Hestia, ibang laro na lang kasi kumakain pa ako."
sabi ni Sisi.

Napatingin si Hestia sa plato si Sisi, marami itong nakain at halatang nag-enjoy sa company ni Aj. Ganoon din naman ngayon lang din niya nakita na may babaeng kasama si Aj na natuwa ito kaya naiinis siya, lalo na at kaparehaas niyang bata ang tingin niya nagustuhan ni AJ.

"Umupo ka na at kumain." sabi ni Aj kay Hestia na ikinatingin niya dito.

"Sana wala na lang siya at sana tayo lang ang magkalaro." sabi ni Hestia na ikinatigil sa akmang pagsubo ni Sisi.


"Hestia, kaibigan mo siya."
sabi ni Aj.

"Wala akong kaibigan kundi ikaw lang. Mabait lang siya kaya ko siya sinasamahan." sabi ni Hestia na ikinayuko ni Sisi sa pagkapahiya.

Napatingin naman si AJ kay Sisi na ikinakunot noo ni Hestia habang nakapokos ito kay Aj na hindi nakikita ang reaksyon o nararamdaman ni Sisi.


"Uuwi na ako kuya."
sabi ni Sisi.


"Ihahatid ka na namin."
sabi ni AJ.

"Hindi na po, salamat na lang." sabi ni Sisi saka ito tumayo at napangiting niyuko ang ulo ng bahagya.


"Dalhin mo na ang pagkain ipapabalot ko."
sabi ni Aj.

"Hindi na po sapat na natikman ko ang sarap ng pagkaing mayaman. Maraming salamat po uli." sabi ni Sisi saka nito tiningnan si Hestia na nakatitig kay AJ.

"Salamat Hestia. Kahit hindi mo ako kaibigan, kaibigan ang turing ko sayo. May ganoon naman siguro kasi di ba nga kapag sa isang relasyon minsan ng magkasintahan mayroong isa lang ang nagmamahal, ngayon subukan natin na sa magkaibigan naman isa lang ang magmahal at ako iyon sayo kasi gusto kita maging kaibigan." sabi ni Sisi na ikinatingin ni Hestia dito.

"Mabait ka pero ayoko kasama ka kapag kasama ko si Aj." sabi ni Hestia na ikinakunot noo ni Aj.

"Ganoon ba? Sige, hindi na pero mabait siya gusto ko rin siya maging kaibigan." sabi ni Sisi.

"May kaibigan na siya at ako iyon kaya hindi ka na niya kailangan." sabi ni Hestia na ikinalungkot ni Sisi sabay tingin kay Aj.

"Sayang naman, mabait ka pa naman." sabi ni Sisi kay Aj, na ikinatiim ng bagang ni Aj ng maalala ang kapatid na sila Astraea at Suri sa katauhan ni Sisi, sa panahon na sila-sila lang at walang gustong makipagkaibigan sa mga kapatid niya dahil tinutukso silang putok sa buho o mga batang singaw na walang magulang.

"Umalis ka na, baka hinahanap ka na sa inyo." sabi ni Hestia ng mainis na naman dahil magkatitigan sila Aj at Sisi.

"Ayaw mo na ba ako makasama?" sabi ni Sisi ng bumaling ng tingin kay Hestia.

"Ayoko na makita ka na kasama si Aj." sabi ni Hestia na ikinalungkot lalo ng mukha ni Sisi.

"Okay kung ganoon aalis na ako." sabi ni Sisi saka ito tumalikod at tumakbo palabas ng restaurant na ikinatitig ni AJ kay Hestia habang si Hestia sinundan ng tingin si Sisi.

"Pinakawalan mo ang taong puwedeng tumulong sayo." sabi ni Aj.

"Ikaw lang ang tutulong sa akin, at awala akong ibang kailangan. Nang kunin niyo ako sa poder nila Raven kinalimutan ko siya kaya gusto ko ganoon ka rin. Kalimutan mo ang lahat kapalit ng pagsama ko sayo." sabi ni Hestia sabay tingin kay Aj.

"......ayoko ng may haharang sa atin. Ang sabi ko sayo dati kung ayaw mo na akong kalaro sabihin mo para aalis ako." sabi ni Hestia.

"Sa ginagawa mo tinatapon mo ang mga taong mahirap ng hanapin." sabi ni Aj.

"Nakita ko na Aj ang mahirap hanapin..... ikaw iyon." sabi ni Hestia.

"Hestia, huwag mong pairalin ang makasariling pag-iisip mo." sabi ni Aj.

"Sabi mo kay Raven at kay Shiloh dati sayo lang ako, kapag may lumalapit sa akin na pinsan mo lagi kang galit sa kanila. Pareho lang tayo Aj sa bagay na iyon, ayokong may lalapit sayong iba at kapag nalaman ko na may iba ka, magagalit ako sayo." sabi ni Hestia na ikinahingang malalim ni Aj.

"May mga taong kailangan mo hawakan ng mahigpit at hindi lang iyon iisa. Hestia, sa buhay minsan ka lang makakita ng totoong tao." sabi ni Aj.

"Mawawala sila lahat Aj habang tumatanda tayo, at ang matitira sa tabi natin ay ang makakasama natin habang buhay na pipiliin natin. Isa lang iyon Aj kaya hindi ko kailangan ang mga sinasabi mong tao." sabi ni Hestia.

"Kailangan mo matuto makisama at alamin ang kahalagahan ng bawat taong nakakasalamuha mo." sabi ni AJ.

"Hanggat nandiyan ka hindi ko sila kailangan. Tulad ng hindi ko kinailangan ang nanay ko sa tabi ko. At kahit mawala ka kaya kong mag-isa. Huwag mo akong pilitin sa sitwasyon na ayoko. Hindi ko gusto si Sisi na nakikitang kasama mo kaya huwag mong palunukin sa akin ang mga bagay at sitwasyon na ikaw lang ang may gusto at nasisiyahan. Hindi ako martir Aj kaya kapag sinabi kong hindi okay sa akin. HINDI OKAY." diin na sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Aj.

.................

Kinabukasan

STU

"Bakit ka umiiyak?" sabi ni Aj kay Hestia ng makita ito sa loob ng classroom ng tanghalian na iyon habang nagsiuwian na ang lahat kaya nag-iisa ito.

"Umalis na si Sisi." sabi ni Hestia kay Aj ng sunduin siya nito.

"Anong umalis? Paanong umalis?" sabi ni Aj.

"Sabi ng mga kaklase namin, hindi na daw mag-aaral si Sisi kasi lumipat na sila ng bahay." sabi ni Hestia.

"Di ba iyon naman ang gusto mo?" sabi ni Aj na hindi ikinaimik ni Hestia habang umiiyak ito.

Napangiti si Aj saka nito tinabihan sa upuan si Hestia. Nang makauwi sila kahapon hindi na siya kinausap ni Hestia na hinayaan na lamang niya. Hindi na rin ito kumain ng hapunan at nagkulong sa kuwarto na hinayaan pa rin niya.

"Dapat maging masaya ka kasi ang wish mo natupad na." sabi ni Aj na ikinaluha lalo ni Hestia.

"Ayoko na dito mag-aral, malungkot ako." sabi ni Hestia saka ito humagolhol na ikinayakap ni Aj dito.

"Iyon ang gusto mo, ngayon wala na bakit ka umiiyak?" sabi ni Aj.

"Malungkot ako Aj, parang nawala si Daddy. Ayoko na dito, mamimiss ko si Sisi." umiiyak na sabi ni Aj na ikinatiim ng bagang ni Aj.

"Kailangan mo matuto kung anong mararamdaman mo sa mga binigkas mo. Kailangan mo mapag-aralan ang lahat ng sasabihin mo kapag nasa sitwasyon ka na ng gusto mo mangyari. Pero sana huwag mo hayaan maganap ang gusto mo bago ka matuto kasi masakit iyon, na ngayon alam mo na." sabi ni Aj na ikinatango ni Hestia.

"Nasaan kaya siya." sabi ni Hestia.

"Huwag mo ng hanapin ang taong ayaw mo makita. Hestia, ang salita ay hindi mo kailangan bigkasin ng hindi mo pinag-aaralan kasi hindi mo na ito mababawi. Ang talim ng dila ay mas masakit kaysa sa punyal na tatama sayo. Ang dala nitong sakit ay mahirap hilumin dahil nakaturok ito sa puso at isip ng tao." sabi ni Aj.

"Hindi nga siya natanggal sa STU pero umalis din siya. Nakokonsensya ako baka matulad siya sa iba na hindi nakatapos at nasayang lang." sabi ni Hestia.

"Huwag mong sisihin sarili mo sa magiging kinabukasan niya." sabi ni Aj.

"Pero Aj, nasabi kong sana mawala na siya tapos nagkatotoo." sabi ni Hestia.

"Isang aral na kailangan mo matutunan. Ang aksyon mo ay hindi mababago hanggat hindi ka nagbabago." sabi ni Aj.

..................

Stem, Middle East

"Nasaan ako?" sabi ng Miss Paule ng maalimpungatan ito.

"Dito ka na magtatrabaho at huwag mag-alala malaki ang kitaan dito." sabi ng babae na ikinakunot noo ni Miss Paule ng mamukhaan ito.


"Sandali, kamukha mo iyong nasa likuran ni Aj na tattoo niya."
sabi ni Miss Paule.

"Talaga?" sabi ng babae na napangiti.

"Sino ka?" sabi ni Miss Paule.


"Ako si Camora, ang nobya ni AJ at ang reyna ng Stem"
sabi ni Camora.

"Huh! Si Aj nobya ka? Hahahaha!" natawag sabi ni Miss Paule.


"Oo. Anong nakakatawa?"
sabi ni Camora.


"Ang lalaking iyon mahilig sa bata."
sabi ni Miss Paule.

"Si Hestia ba ang tinutukoy mong bata?" sabi ni Camora.


"Oo."
sabi ni Miss Paule.


"Anak ko siya."
sabi ni Camora na ikinagulat ni Miss Paule na hindi makapaniwala  dahil mukhang kasing edad lang niya ang nasa harapan.

..................

July 29, 2023 9.16pm

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top