Kabanata 11 : Michi o akeru
Kabanata 11 : Michi o akeru
Hi Way
Binabagtas ni Autumn ang daan patungo sa STU kung saan ilang kanto na lamang pero sa pagmamaneho nito napansin nito ang isang kotse na mamahalin na walang plaka na dumaan sa harapan niya.
Napakunot noo si Autumn, dahil ang Emperio lang ang nagbebenta ng luxury cars na ganoon kamahal sa bansa partikular sa isla. At dahil negosyo niya iyon na at napasa niya kay Amon, kabisado niya pa rin ang lahat ng kotse pinagbebenta at nabenta na nila.
"Sandali lang." sabi ni Autumn sa sarili sabay kambiyo nito dahil sigurado siya ang ganoong kotse hindi makakabyahe kung hindi si Amon ang may dala pero ngayon kinabahan siya dahil iba ang pagpapatakbo ng kotse kumpara kay Amon.
Mabilis na kinambiyo ni Autumn ang kotse niya saka mabilis na sinundan ang mamahaling sasakyan na nakita. Kinuha ni Autumn ang cellphone at may tinawagan, at ilang saglit lang sumagot ang nasa kabilang linya.
"Valiente Empire, good evening." sabi ng babae.
"Si Amon?" sabi ni Autumn ng secretary nito ang sumagot.
"Nasa meeting po Sir." sabi ng babae sa kabilang linya ng mabosesan si Autumn.
"Saan?" sabi ni Autumn.
"Sa conference lang po Sir." sabi ng babae.
"May kotse bang lumabas diyan ngayon?" sabi ni Autumn.
"Kotse po? Luxury sa casa?" sabi ng babae
"Oo." sabi ni Autumn.
"Yes, Sir tauhan ni Sir Aj ang nagdala." sabi ng babae na ikinangisi ni Autumn saka nito binaba ang tawag at mabilis na pinaharurot ang kotse, at ng masundan ang pakay humarang ang dala nitong kotse sa magarang sasakyan ng maunahan niya ito.
"Oh shit." usal ni Autumn ng mabilis naman nakapreno ang kotse na sinusundan niya kaso nakasanggian ang dalawang magarang kotse na di biro ang halaga.
Pagkahinto ni Autumn hinintay nito magbukas ang kotse na hinarangan niya. Ilang sandali lang bumaba ang dalawang lalaki na ikinakunot noo ni Autumn dahil bago ang mukha ng dalawa sa paningin niya.
Nang palapit ang lalaki kinuha ni Autumn ang baril saka iyon sinukbit sa tagiliran ng pantalon bago bumaba.
"Good evening, Sir." sabi ng isang lalaki ng makilala si Autumn.
Pinagmasdan ni Autumn ang lalaki matangkad ito at aakalain mong bouncer ito ng Bar.
"Gabi na. Si Aj ba ang nasa loob?" sabi ni Autumn kahit alam niyang wala doon si Aj dahil tinawagan niya si Run kanina at sinabing umuwi na si Aj kasama si Hestia. Hindi na nga siya nakarating sa STU para manood ng role play dahil tinawagan siya ng Papa niya para ayusin ang gulo ni Aj sa Skye Hotel.
"Sir, kami lang po." sabi ng ikalawang lalaki, may kataasan pero ang mukha hindi Pinoy. Ang pananalita nito barok pa managalog kaya sigurado si Autumn dayuhan ito.
"Puwedeng tingnan ang loob?" sabi ni Autumn.
"Okay." sabi ng unang lalaki na ikinatingin ng ikalawang lalaki dito.
Lihim na pinagmamasdan ni Autumn ang reaksyon ng dalawa kaya hindi nakaligtas sa kanya ang usapan ng tinginan ng mga ito.
Lumapit si Autumn sa kotse ng buksan iyon ng unang lalaki habang ang ikalawang lalaki nakatingin kay Autumn.
Napangisi naman ng lihim si Autumn alam niya ang ganoong tipo ng tingin at pagtayo. At sigurado siya kabilang ito sa grupo na hindi basta-basta.
"Sir, heto po." sabi ng unang lalaki ng mabuksan ang kotse.
Tiningan ni Autumn ang loob ng kotse, malinis at amoy bago pa nga.
"Pinakuha po sa amin ni Sir Aj ang kotse para matest." sabi ng unang lalaki na ikinangisi nI Autumn.
"Testing?" sabi ni Autumn.
"Yes Sir." sabi ng unang lalaki.
"Patingin ng likod." sabi ni Autumn na ikinatingin ng unang lalaki sa pangalawang lalaki.
"Sir, bilin ni Sir Aj kung walang papel hindi puwedeng tingnan ang kotse." sabi ng ikalawang lalaki.
"Hahaha! Ama ako ni Aj at saka sa dulo ng daan na tinatahak niyo may checkpoint." sabi ni Autumn na ikinatingin ng dalawang lalaki sa isa't isa.
"Ipapakita niyo o aalis ako, at ang mga pulis sa dulo ng daan na ito ang titingin. At kapag may nakita diyan hindi ko kayo sagot at sisiguraduhin ko bibitawan kayo ng anak ko kasi hindi ako papayag na kaladkarin niyo siya sa isang eskandalo." sabi ni Autumn.
Napatingin ang ikalawang lalaki kay Autumn ng mahagip nito ang baril ni Autumm na nakasukbit sa pantalon nito.
Napangisi naman si Autumn ng makita na napatingin ang lalaki sa baril niya na nasa baywang.
"Teritoryo ko ito at hindi ni AJ, huwag kang magkakamali kasi sa hilatsa ng mukha mo naaamoy kita." sabi ni Autumn sa ikalawang lalaki na ikinatingin nito kay Autumn.
"Hisoki!" sabi ng unang lalaki na ikinatingin ni Autumn.
Pagkabaling ni Autumn nakita nito si Hisoki na ipinagtaka niya.
"Sinusundan ba niya ako?" sabi ni Autumn sa isip.
"Sir good evening." sabi ni Hisoki kay Autumn.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Autumn na ikinatingin ng dalawang lalaki kay Hisoki.
"Hinihintay sila." sabi ni Hisoki.
"Bakit?" sabi ni Autumn.
"Sir, okay lang ba umalis na tayo at hayaan sila." sabi ni Hisoki.
"Sino ka para utusan ako?" sabi ni Autumn.
"Ibibigay ko ang sagot sayo, pero pakawalan mo sila." bulong ni Hisoki na ikinatingin ni Autumn sa dalawang lalaki ng biglang may narinig ito sa likuran ng kotse.
"Ano iyon?" sabi ni Autumn na may kumalabog sa loob ng kotse.
"Sir, kapag hindi sila nakaalis mapapahamak si Aj." sabi ni Hisoki.
"Anong ginagawa niya o niyo?" sabi ni Autumn.
"Sir, ahhhmm." sabi ni Hisoki pero nagulat ito at si Autumn ng buksan ng ikalawang lalaki ang likuran ng sasakyan at sabay kuha ng baril nito at pinaputok iyon.
"Oh fuck! Sino iyon?" sabi ni Autumn ng magulat ito.
"Sir, umalis na tayo kasi delikado." sabi ni Hisoki saka nito hinila si Autumn na kahit na mabigat ito nakuha nitong sapilitan isakay si Autumn sa kotse nito.
Napatingin si Autumn sa kotse at ilang sandali lang sumakay ang dalawang lalaki at mabilis ng mga ito pinatakbo ang kotse.
Samantalang nagawa ni Hisoki paandarin ang kotse ni Autumn palayo sa lugar na ikinatingin ni Autumn dito.
"Anong ginagawa ni Aj?" sabi ni Autumn.
"Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo basta sa isang kondisyon." sabi ni Hisoki.
"Aba! Nakikipagnegosyo ka ba? At bakit ikaw nagmamaneho ng kotse ko." inis na sabi ni Autumn.
"May mga nakatingin sayo, at kahit tatay ka ni Don papatayin ka nila kapag humarang ka sa daan ng lahat na nasa isip at gagawin ng anak mo." sabi ni Hisoki.
"Ano?" sabi ni Autumn na may kalituhan sa sinabi ni Hisoki.
"Sasagutin kita, kung ipapangako mong akin si Suri." sabi ni Hisoki na ikinanlaki ng mata ni Autumn.
"Gago ka ba? Ano ang anak ko hipon na pinagbebenta ko." sabi ni Autumn.
"Hahaha! Mr Valiente, hindi hipon si Suri at kahit bulag ang anak mo hindi ko itatapon ang ulo niya tulad sa hipon." natawang sabi ni Hisoki.
Napatitig si Autumn sa lalaki, alam niyang kaibigan ito ni Aj, kaklase nga ito ng anak niya noong elementary days ng mga ito pero sigurado din siya na hindi nalalayo ang edad ni Hisoki sa kanya kahit sabihin na baby face ang mukha ng lalaking nagmamaneho ng kotse niya ngayon. Bakit? Dahil ang built ng katawan nito ay malayo sa edad ni AJ at maihahambing sa edad niya at kay Jan Carl na patay na patay sa anak niya.
"Akin si Suri, at sayo ang loyalty ko. Lahat ng tanong mo sasagutin ko iyon ang usapan kung papayag ka." sabi ni Hisoki.
"Huh! Alam ba ni Aj na gusto mo ang kapatid niya?" sabi ni Autumn.
"Alam niya at boto siya sa akin dahil boto ako sa kanya para sa apo ko." sabi ni Hisoki na ikinakunot noo ni Autumn.
"Ano?" nalilitong sabi ni Autumn.
"Sasagutin ko basta may kasunduan tayo na akin si Suri." sabi ni Hisoki.
Hindi umimik si Autumn dahil pakiramdam niya pinagbebenta niya ang anak niya.
"Hindi ko siya pababayaan kaya huwag kang mag-alala at ang totoo kailangan ako ni Suri para sa proteksyon niya dahil hinahunting siya ng Mafia na hawak ni Aj." sabi ni Hisoki.
"Ano uli? Sandali hina-hunting ang anak ko ng Mafia na hawak ni Aj? Hawak ni Aj pero hina- hunting ang kapatid niya?Ginagago mo ba ako?"" sabi ni Autumn.
Napatingin si Hisoki kay Autumn saka ito nagsalita.
"Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo basta AKIN SI SURI." sabi ni Hisoki na ikinaseryoso ni Autumn saka ito umayos ng upo at nag-isip.
"Ibibigay ko ang loyalty ko sayo, basta tulungan mo ako kay Suri." sabi ni Hisoki na ikinangisi ni Autumn ng makapag-isip ito agad ng desisyon.
"Okay, lahat ng report kay Aj ibibigay mo sa akin kahit hindi ako magtanong, kapalit na ibibigay ko sayo si Suri. Akin ang loyalty mo at kapag may isa kang bagay na hindi mo nasabi tungkol sa ginagawa ni AJ. Si Suri ay ipapakasal ko sa iba." sabi ni Autumn na ikinatiim ng bagang ni Hisoki.
Napangisi si Autumn, ang nasa harapan niya ay halatang ibang lahi, iba din ito kumilos, maliksi at halatang hasa sa labanan.
"Okay. Sa Stem doon ipupunta ni Aj ang guro ni Hestia. Ito ang sakay ng kotse." sabi ni Hisoki.
"Anong Stem? Sinong guro at bakit niya gagawin iyon?" sabi ni Autumn na sunod-sunod ang tanong sa gulat sa sinabi ni Hisoki.
"Isang Casa na mga babae kung saan dito kumukuha ng babae ang Canmore Palace at ibang bansa." sabi ni Hisoki.
"Bakit dadalhin doon ang teacher ni Hestia?" sabi ni Autumn.
"Dahil harang siya sa relasyon ng susunod reyna ng Canmore na pinapangalagaan ni AJ." sabi ni Hisoki sabay tingin kay Autumn.
".....si AJ Valiente ang susunod na uupo na hari at siya rin ang leader ng Mafia na gumawa sa reyna. Ang plano ng uupuan ni AJ ay pag-isahin ang Canmore at ang Mafia. Lahat ng harang tatanggalin kasama ang Emperio na tinayo mo." sabi ni Hisoki na ikinalunok ni Autumn sa gulat.
"Ang guro ay magiging babae sa Stem, lahat ng babaeng haharang ay dadalhin sa Stem at doon paparusahan siya ng leader ng Mafia at iyon ay si Don." sabi pa ni Hisoki na ikinatahimik ni Autumn.
"Ang anak mo na si Aj Valiente ay hindi uupo sa puwesto mo dahil siya ay uupo sa pinakamataas na posisyon na higit sa inupuan mo at ng ama mong si Orion Valiente." sabi pa ni Hisoki.
"Ako si Hisoki ang lolo ng magiging reyna ng Canmore Palace kung saan si Camora ay anak ko." sabi pa ni Hisoki.
"Si Hestia ay anak ni Camora." mahinang sabi ni Autumn.
"Tama, at alam kong dati pa nanghihinala ka na pero dahil sa kasunduan natin ibibigay ko sayo ang sagot ng mabilis, madali at walang hirap." sabi ni Hisoki na ikinangiti ni Autumn.
"Okay. DEAL." sabi ni Autumn na ikinangiti ni Hisoki.
......................
STU
Kinabukasan
"Kanina pa kayo?" sabi ni Aj ng makita si Hestia at Sisi sa labas ng classroom ng mga ito.
"Hindi naman." sabi ni Hestia ng kunin ni Aj ang bag niya at buhatin iyon.
Napatingin si Aj sa classroom nila Hestia, nakasara iyon na ikinangisi niya ng lihim.
"Kuya Aj, nawawala si Maam Paule." sabi ni Sisi na ikinanlaki ng mata ni Aj.
"Owwws. Talaga?" gulat na sabi ni Aj na ikinakunot ni Hestia dahil halatang hindi naman nagulat si Aj.
"Oo, hindi siya pumasok tapos usapan sa Admin hindi daw umuwi ng bahay." sabi ni Hestia na pinagmamasdan ang reaksyon ni AJ.
"Baka naman nandiyan lang." sabi ni Aj sabay ayos ng pagkakasukbit sa balikat ng bag ni hestia.
Hindi umimik si Hestia habang pinagmamasdan si Aj, kilala niya kasi ito sa ilang taon na magkasama sila. Ang lahat ng reaksyon ni Aj alam na niya, bagay na iyon nga lang yata ang napag-aralan niya mula ng umuwi siya ng Pinas. Mas alam pa nga niya ang body expression ni Aj kaysa sa mga subjects niya sa homeschool.
"Wala daw kuya Aj, tinawagan sa bahay nila si Maam kaso hindi daw umuwi. Pinablotter na sa puis kasi wala din daw nakitang umalis sa isla na nakarehistro ang pangalan ni Maam sa pantalan o airport. Nakakatakot kuya kasi baka may nangunguha ng babae sa isla." sabi ni Sisi.
"Tsss! Kayo talaga ang babata niyo pa para isipin ang bagay na para lang sa matanda at hindi totoo." sabi ni Aj.
"Pero kuya Aj, wala na kaming adviser kasi wala na si Maam Paule. Ang totoo nakisit in kami sa ibang classroom." sabi ni Sisi na siyang madaldal habang si Hestia nanahimik ng tuluyan na nakatitig kay AJ na inaayos pa rin ang bag niya sa pagkakasukbit nito kahit alam ni Hestia na hinahawakan lang naman ni AJ ang bag niya sa isang kamay nito at hindi nito sinusukbit.
"Maraming puwedeng pumalit sa kanya kaya huwag niyong isipin iyon." sabi ni Aj.
"Hindi kaya nagtanan?" sabi ni Sisi.
"Nagtanan?" sabi ni Aj.
"Uso iyon di ba, kapag nawawala ang babae puwedeng nagtanan o kaya kinidnap." sabi ni Sisi na ikinatawa ni AJ.
"Hahaha! Ikaw talaga kumain ka na ba? Baka gutom lang iyan." sabi ni Aj.
"Hindi pa po." sabi ni Sisi.
"Okay kumain na tayong tatlo ililibre ko kayo." sabi ni Aj kay Sisi sabay tingin kay Hestia na nakatitig lang sa kanya.
"Sige kuya sama ako." sabi ni Sisi at wala sa loob na sa pagkagalak ni Sisi nayakap nito ang braso ni Aj na tila umangkla doon na ikinagulat ni Aj at ikinakunot noo ni Hestia.
"Umalis na tayo kuya AJ, gutom na ako. Sayang ang libre mo kaya hindi ko tatanggihan." sabi ni Sisi na ikinatingin ni Aj kay Sisi saka ito napangiti.
Napataas ang kilay ni Hestia sa naging reaksyon ni Aj. Ngayon lang kasi ito nagreact ng kakaiba sa isang bata. O sabihin natin na hindi naman kasi lumalapit si Aj sa mga tao. llag nga ito, lalo na sa mga babae. May mga kaibigan ito pero pili lang at katunayan ang mga nakakausap ni AJ na lalaki hindi nito mga kasing edad o iyong tipong magtataka ka kung paano nakikibagayan ni AJ ang mga taong mas matanda dito.
"Saan mo gusto?" sabi ni Aj kay Sisi.
"Sa canteen okay na sa akin." sabi ni Sisi.
"Hmmmn. Canteen lang, di ba nakapasa kayo sa project? So, bakit hindi tayo sa Franxie bilang celebration." sabi ni Aj.
"Sa Franxie? Wow!!! Ang mahal doon. Yayamanin ang presyo ng food pero sabi nila masarap daw." sabi ni Sisi.
"Gusto mo doon?" sabi ni Aj habang nakatitig kay Sisi.
"Oo naman." sabi ni Sisi pero napatitig ito kay Aj ng may paghanga.
Napakunot noo si Hestia, bata pa sila ni Sisi pero sa ganoong edad sa panahon ngayon bukas na ang isip ng mga bata kung sino ang nakakakilig, o iyong tipong kahanga-hanga sa paningin at iyon ang nakikita niya sa mga mata ni Sisi na nakatitig kay AJ.
...............
El Paradiso Airport
"Anata ga sakujo shita subete no borukko, sore ga anata no shigotodesu. (Lahat ng haharang kailangan mo tanggalin, iyon ang trabaho mo.)" sabi ng babae sa sarili nito habang binabaybay nito ang daan palabas ng airport bitbit ang luggage nito.
"Michi o akeru. (Linisin ang daan.)" nakangising sabi ng babae ng makalabas ito ng airport at masamyo ang malamyos na hangin.
.................
July 29, 2023 6.43pm
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top