The Queen's King Book 2 : Uhibok
The Queen's King Book 2 : Uhibok
Sa ikalabing walong taong kaarawan ni Hestia Skadi, isang regalo ang kanyang natanggap mula sa lalaking kanyang minamahal. Lalaking sampung taon niyang nakasama sa iisang bahay, at sampung taon siyang inalagaan. Kung bilang kapatid hindi niya alam basta ang alam niya espesyal siya sa buhay nito.
Si Autumn Valiente Jr o mas kilala bilang AJ, anak ng may-ari ng Valiente Empire, ang susunod sa yapak ng bilyonaryong negosyante at dating ex-con na si Autumn Valiente. Si Aj din ang leader ng Cheung Clan kung saan ito ang panganay na apo sa talampakan ng kambal na bilyonaryo na sila Rico at Rod Cheung.
Sa espesyal na araw ng disiotso anyos na dalaga isang sanggol ang inihandog ng bente otso anyos na si Aj na ikinagulat ng lahat dahil ang sanggol nagmula sa isang capsule na ginawa ng binata.
Isang sanggol na hinihinalang pinag-eksperimentuhan ni Aj mula sa itlog ng babaeng una at sinasabing huli na nitong mamahalin, kahit na nga ba ang binata ang mismong nakapatay sa babaeng mahal nito... na si Camora.
Si Camora rin ay ang ina ng pinagmulan ng punlang itinanim ng Mafia kay Shimmer, asawa ni Heaven Lopez na tiyuhin naman ni AJ, na siyang kinilalang ina ni Hestia. Kung saan ang punla na naitanim ay kinilalang si Hestia.
Paano mo hihilumin ang mga sugat ng nakaraan kung may pagdududa sa punlang ipinagkaloob?
............. Soon on E--book.............
1.31.25 3.36pm
Fifth Street
Ang nobelang ito ay mababasa lamang sa e-book!!!
Price and details soon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top