Kabanata 9 : Pabaon


Kabanata 9 : Pabaon

Isla Verde


Kanina pa napapansin ni Jamal ang dalawang aso na nakatunghay sa kanya habang kumakain sila ni Katara. Nakaupo lang ito sa lupa at kinakalabit siya samantalang ang isa nakatingin lang sa kanya.


"Ano bang gusto mo?"
sabi ni Jamal sa mahinang tinig habang nakatingin sa paw ng aso na kumakalabit sa binti niya.


Pinagmasdan ni Jamal ang dalawang aso, isa sa napansin ni Jamal sa bansang iyon maraming nagkalat na asong kalye na hindi magawan ng solusyon ng gobyerno.

"Gutom na kayo?" mahinang usal ni Jamal sa lalaking aso na kumakawag ang buntot.

Napahingang malalim si Jamal, malapit siya sa aso siguro dahil dog lover siya. Iyon nga lang wala talaga siyang oras mag-alaga sa ngayon. Minsan naman siya nag-alaga pero hindi na naulit ng mamatay ang aso sa sakit.

Napatingin si Jamal sa kinakain niya, busog na siya at kung siya ang tatanungin nasarapan naman siya sa lutong Pinoy kaya nga rin siguro naiisip niya na kaya maraming Prinsipe na pumupunta sa lugar na iyon dahil bukod sa klima na tropikal, at magagandang babae. Masasarap din ang mga pagkain.

"Gusto niyo ng pagkain?" usal ni Jamal na ikinatahol ng aso kaya napangiti si Jamal.

Kinuha ni Jamal ang paper plate at inihiwalay ang mga buto at tinik na hinimayan niya.

Kumuha siya ng kanin na hindi nila naubos ni Katara saka iyon hinalo sa sauce.

"Sandali lang, bibigyan ko kayo ng pagkain." sabi ni Jamal sa dalawang aso sa mahinang tinig.

Samantalang kanina pa pinagmamasdan ni Katara ng lihim si Jamal, nanonood siya ng programa na isinasagawa pero ang mata niya hindi niya maiwasan tingnan ang binata na kanina pa pinagmamasdan ang dalawang aso na tinatapik si Jamal.

Napangiti naman si Jamal ng mahalo ang pagkain sa paper plate. Kanina pa nanonood si Katara sa programa, kantahan at sayawan sa naturang event at napatunayan niyang mahilig talaga sa ganoong party ang mga pinoy kaya naman hindi na niya inistorbo si Katara para naman makapaglibang ito.

"Ayan, okay na marami-rami na ito." sabi ni Jamal sa mahinang tinig saka nito nilapag ang plato sa lupa.

Tumahol ang aso na ikinangiti ni Jamal. Marunong siya magbasa ng gesture o ginagawa ng aso dahil nag-aral siya dati para sa aso niya kaya alam niyang masaya ang aso sa ginawa niya.

"Okay na magpakabusog kayo." nakangiting mahinang sabi ni Jamal.

Hinaplos ni Jamal ang ulo ng aso saka ang kasama nitong isang pang aso, ng biglang mapahinto si Jamal at mapakunot noo ng makita ang tiyan ng isang aso.


Napangiti naman ng lihim si Katara ng makita ang asong lalaki na tinawag ang kasama nitong aso na malamang asawa nito.

"May aso ako dati, napulot ko." mahinang sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.

"Talaga?" sabi ni Jamal na bahagyang nagulat dahil hindi niya namalayan na nakatingin sa kanya si Katara.

"Oo." sabi ni Katara

"Nasaan na? I mean... huh! Siguro patay na." natawang sabi ni Jamal ng mahinuha na matagal ng nawala sa Pinas si Katara dahil nagtrabaho ito sa Palasyo kaya malamang patay na ang aso na binabanggit nito.

"Oo patay na, matagal na." sabi ni Katara saka nito tiningnan si Amonia na ikinatitig ni Jamal kay Katara.


"Nagkasakit ba?"
sabi ni Jamal.

"Hindi." sabi ni Katara.

"Eh ano ang ikinamatay?" sabi ni Jamal.


"Sa kalungkutan."
mahinang sabi ni Katara sabay tingin sa dalawang aso.

"Ano?"
sabi ni Jamal na naguluhan sa sinabi ni Katara.


"Matanda na kasi iyong aso ko, nakuha ko pa sa kalye. Kami pa ni Amon ng panahon na iyon, o kung kami ba... kasi nagpaparamdam na siya noon."
sabi ni Katara na ikinawasiwas ng ulo nito ng mabanggit si Amon.

Hindi naman nagsalita si Jamal ng madinig at banggitin na naman ang pangalan ng ex ni Katara, kaya muling nagpatuloy si Katara.

"Iyong napulot kong aso tingin ko ang asong may matagal na buhay sa mundo. Kasi alam mo iyon, pakiramdam ko hindi siya namamatay kasi sinasamahan niya ako...

... kaso umalis ako eh. Pumunta ako sa palasyo." sabi ni Katara na ikinatahimik ni Jamal dahil tila alam na niya ang kuwento.

Napangiti si Katara pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.


"Sabi ng mga kapatid ko na pinag-iwanan ko sa aso ko, hindi na daw kumain ng umalis ako. Hindi naman ako makabalik sa Pinas, kasi nasa Palasyo na ako. Tapos isang araw nakita na lang daw nila patay na habang yakap iyong damit ko na iniwan ko sa kanya bago ako umalis."
napalunok na sabi ni Katara.

"Hayyss! Kaya sabi ko hindi na ako mag-aalaga ng aso kasi parang tao din pala kapag namamatay. Masakit din. And worst dumagdag sa sakit iyong guilt kasi iniwan ko siya sa panahon na alam kong unti na lang ang buhay niya. Isa na naman sa part ng buhay ko na mali ang desisyon ko." napasigok na sabi ni Katara sabay punas sa tumulong luha.

Hindi umimik si Jamal pero napatingin ito sa dalawang aso.

Napatingin naman si Katara kay Jamal saka umusal si Katara


"Ang lungkot ng buhay ko, o mababaw kasi pati aso iniiyakan ko."
sabi ni Katara.

"May aso din ako, namatay din kaya alam ko ang pakiramdam at pareho tayo ng nasa isip. Ayoko na mag-alaga kasi maikli lang ang buhay nila." sabi ni Jamal ng biglang tumahol ang aso.

"...pero mukhang malabo kasi parang gusto ko sila iuwi." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara ng haplusin ni Jamal ang aso kahit na maraming polgas iyon at madumi.

"Grabe! Ibang-iba siya kay Amon." sabi ni Katara ng maalala ang aso niyang napulot ng makita ni Amon. Ni halos ayaw ito hawakan ni Amon.

"Gusto mo iuwi natin?" sabi ni Jamal na biglang napatingin kay Katara.


"Ha?"
sabi ni Katara.

"Iuwi natin kasi mukhang buntis si lady dog." sabi ni Jamal.

Napatingin si Katara sa babaeng aso malaki nga ang tiyan nito. Sa pagtingin ni Katara tumahol ang lalaking aso sa babaeng aso saka ng lalaking aso kinagat ang paper plate at tinabi sa babaeng aso.

Agad naman kumain ang babaeng aso habang nakatingin ang lalaking aso dito habang kumakain.



"Hay naku! Ang bait naman ni boy dog. Sana all aso."
napalakas na sabi bigla ni Katara na ikinatawa ni Jamal.

"Hahaha! Pati aso kinaiinggitan mo?" natawang sabi ni Jamal

"Hala! Narinig mo dapat nasa isip ko lang iyon." sabi ni Katara na namula ang mukha sa hiya ng hindi sinasadyang napalakas ang sinabi niya kanina.

"Hahaha! Minsan kasi ilabas mo ang nararamdaman mo para hindi umapaw at masabi mo ng malakas ng kusa." sabi ni Jamal.

"Tsss. Bahala ka kung kukunin mo sila kasi bahay mo naman iyon." sabi ni Katara na umiwas sa isasagot sa sinabi ni Jamal.

Napatingin si Jamal sa dalawang aso at akmang hahawakan niya ito ng biglang tumakbo ang dalawang aso, na ikinasunod ng tingin nila Katara at Jamal sa dalawang aso.

"Baka may bahay na sila." sabi ni Katara ng tumakbo ang dalawang aso palayo sa kanila.

"Siguro." sabi ni Jamal.


"Baka masaya sila sa bahay nila."
sabi pa ni Katara.


"Puwede."
sabi ni Jamal habang sinusundan ng tingin ang tumatakbong mga aso palayo.

"Baka kompleto ang masayang bahay nila kahit na mahirap sila." mahinang sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.

"Malamang." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara

"Sana all." napangising sabi ni Katara

"Hahaha!" natawang sabi ni Jamal.

Napatingin si Katara kay Jamal ng tumawa lang ito.

"Hindi na nga siya magsasalita. Magaling nga siya dahil may isang salita." sabi ni Katara sa isip ng ang inaasahan niya magbibigay na naman ng payo at sesermonan siya ni Jamal ay hindi natupad.

.................

Hours Later

"Hindi sila sasama? Akala ko ba makikitulog sila sa bahay mo?" sabi ni Katara kay Jamal ng makitang hindi naman kasama ni Jamal ang apat na magkakapatid.


"Hindi ko alam."
sabi ni Jamal.


"Hindi mo tatanungin?"
sabi ni Katara.

Napatingin si Jamal kay Katara, papasakay na sila ng kotse niya para umuwi at hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng babaeng nasa harap niya.

"Bakit ko naman tatanungin?" sabi ni Jamal.


"Kasi para alamin kung makikitulog sila."
sabi ni Katara


"Kung makikitulog sila pumunta sila tutal sinabi na nila."
sabi ni Jamal.

"Baka nahihiya na sila kaya tanungin mo." sabi ni Katara.

"Katara, kapag ako na ang nagtanong mangangahulugan na ako na ang nagyaya. At ayoko magyaya kasi una, babae sila lalaki ako.

Pangalawa, ang pangit tingnan para sa isang lalaki na magyayaya ng babae sa bahay niya dahil sa pagkakaalam ko dapat ang lalaki ang bumibisita sa babae base sa kultura niyo.

At pangatlo, ayokong mamulat ang anak mo na ang amo ng nanay niya ay nagpapatuloy ng babae sa bahay nito na para sa akin hindi maganda para sa bata na kamulatan ang bagay na iyon." sabi ni Jamal

"Hahaha! Baby pa ang anak ko at bakit siya ang rason mo." sabi ni Katara


"Alam ko na bata pa siya. Pero ikaw na rin nagsabi na wala kang ibang alam na trabaho, at siguro naman sa laki pinapasahod ko sayo hindi ka aalis sa bahay ko bilang katulong at sa pagkakataon na iyon ang anak mo ay lalaki sa bahay ko."
seryosong sabi ni Jamal na ikinatigil sa pagtawa ni Katara.


"Sa bahay ng lalaki? Pero babae ako na nakatira sayo na isang lalaki."
sabi ni Katara.


"Katulong ka sa bahay at hindi bisita. Magkaiba iyon. Iba ang trabaho sa pakikitulog."
sabi ni Jamal na may diin at seryoso kaya napalunok si Katara at tumango na lamang ito.

"Okay." sabi ni Katara.

"Umuwi na tayo." sabi ni Jamal saka nito pinagbuksan ng pintuan ng kotse si Katara.

Napatango na lamang si Katara saka ito pumasok sa kotse.

"Sir!" tawag ng isang tinig na sakto na kakasara lamang ng pintuan ni Jamal para kay Katara.

Napalingon si Jamal at napakunot noo ito ng makita ang ina ng bride.

"Bakit ho?" sabi ni Jamal.

"Sir, ito po iuwi niyo na po." sabi ng ginang sabay abot ng dalawang plastic bag.

Tiningnan ni Jamal ang plastic may laman itong lalagyanan ng icecream

"Ang dami naman pong icecream niyan." sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ng ginang sa hiya at ikinapigil ng tawa ni Katara sa inaakala ni Jamal na icecream ang laman ng lalagyanan ng icecream.

"Ay, pasenysa na sir wala kasi akong lalagyan, mga ulam po iyan. Ganyan po kasi sa amin may bitbit ang mga bisita kapag umuuwi." nahihiyang sabi ng ginang.

"Ulam?" sabi ni Jamal habang nasa kamay pa ng ginang ang plastic ng isang kilalang grocery store sa bayan.

"Opo, sir. Ulam. Menudo, litson, afritada, nilagang baka at marami pa. Kunin niyo na po." nahihiyang sabi ng ginang.

Napatingin si Jamal sa ginang, ito pa kasi ang nahihiya imbes na siya. Bagay na isa sa mga napansin ni Jamal sa mga Pinoy, mahiyain na wala sa lugar.

"Huwag na po at baka may bisita pa po kayo na darating." sabi ni Jamal sa nahihiyang tono.

"Marami po kaming handa." sabi ng ginang sabay tingin kay Katara.

"Marami po iyan." sabi ni Jamal dahil malaki ang plastic at ilang container din na icecream ang nakalagay roon. May juice pa.

"Katara, sabihin mo naman kunin na." nahihiyang sabi ng ginang.

Napatingin si Jamal kay Katara na ikinangiti ni Katara.


"Kunin mo na, ganyan sa probinsiya. Pero kapag nasa Manila ka limited ang padala. Kaya mas maganda tumira sa probinsiya. Minsan lang naman iyan, at kapag hindi mo kinuha iisipin ng mga tao matapobre ka or ayaw mo kahit hindi naman."
bulong na sabi ni Katara kay Jamal.


Napatingin si Jamal sa plastic kaya napangiti ang ginang.

"Tanggapin mo na Sir." sabi ng ginang sabay hawak sa kamay ni Jamal para ibigay ang plastic.

"Huwag mong tanggihan kasi pamahiin din iyan na kapag binigyan ka sa party ng pabalot suwerte iyon sayo at sa kanila." sabi ni Katara sa pabulong na paraan kay Jamal.

"Okay. Ganoon pala iyon." sabi ni Jamal saka nito kinuha ang plastic.

"Sa wakas tinanggap mo rin, Sir. Sige po salamat sa pagpunta, ingat po kayo sa daan." sabi ng ginang.

"Salamat din po" sabi ni Jamal saka umalis ang ginang.

"Hahaha! Pumasok ka na kasi baka padalhan ka pa ng pananim ng tatay ng kinasal." natataawang sabi ni Katara.

Napangiti naman si Jamal saka ito pumasok sa loob ng kotse.

"Kaya ayoko umalis ng probinsiya kasi kahit na maraming tsismosa, maganda pa rin ang pakikitungo kahit paano. May pabalot pa kapag may party." sabi ni Katara.

"Ang dami nito." sabi ni Jamal habang inilalagay sa likuran ang plastic bag.

"Masanay ka na lalo na kung sa probinsiya mo napili tumira. Kasi kapag sa Manila ka tumira, bago ka umupo sa mesa ng nagpaparty, o kapag dadalo ka ng party sasabihan ka muna ng nagpaparty na....

bawal kumuha ng marami, bawal pabalot, magbehave." sabi ni Katara na bahagyang natawa.


"Talaga?"
sabi ni Jamal na hindi makapaniwala.


"Oo 'no. Minsan na ako nakadalo ng party na ganoon o siguro para sa akin may mga taga Manila kasi na nakikisunod sa uso. Kunwari may kaya, pero nagyayabang lang pala. Magpapaparty sa hotel tapos limited lang ang kakainin mo. Para masabi lang na nagparty sila sa hotel."
sabi ni Katara

Napatingin si Jamal kay Katara saka ito umusal habang binibuksan na nito ang makina ng sasakyan para paandarin.

"Hindi ka pa ba nakakapunta sa class na party? I mean, mayaman naman ang mga naging.... ahmmm.

Wala." sabi ni Jamal sabay iwas ng tingin kay Katara.

Napatingin naman si Katara sa labas ng bintana saka ito umusal ng hindi na itinuloy ni Jamal ang tanong na alam niyang umiiwas na ito magsalita na ikakasakit niya.


"Nakapunta ako sa magandang party. Hmmmn."
sabi ni Katara saka napangiti na ikinatingin ni Jamal dito.

"...noong 18th birthday nila Amon, Aj, Burn at Alex sa Emperio. Unang party na nadaluhan ko, na sobrang ganda. Kakaibang karanasan para sa akin na isang dukha. Alam mo iyon pakiramdam na nasa langit ka, lahat puwede mong kainin, inumin, puwede kang sumayaw, kumanta na walang pipigil sayo, walang sisita, walang magsasabi na hoy umalis ka pangit ang ginagawa mo.

Hmmmn!

Masaya, kaso ayoko ng ganoon kasi pakiramdam ko walang hinto, walang tigil, nakakapagod." sabi ni Katara.

"Bakit naman nakakapagod?" sabi ni Jamal.

"Kasi pakiramdam ko malaya ka gawin lahat pero may limitasyon ang laya mo." sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal saka muling umusal.

"Ewan ko ba, hindi kami magtugma ni Amon. Kahit naman sinubukan ko, o siguro kasi walang siyang tigil na pakiramdam ko nakakapagod na habulin siya.

Para siyang kasiyahan sa isang marangyang party, habang tumatagal nagiging maingay, nagiging mapaghanap ng mas lalong saya." sabi ni Katara.

"Ahmmm. Okay." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.

"Naiinis ka na ba sa akin? Ayaw kitang magsalita tungkol sa mga kamalian ko pero heto ako, nagkukuwento sayo tungkol sa lalaking mahal ko pero hindi ako maunawaan. Mahal ko pero sinaktan ako. Mahal ko pero hindi ako makaramdam ng galit kahit na hindi niya ako mahal." sabi ni Katara na napatingin sa anak niya.

Napatingin ng pasimple si Jamal kay Katara ng muling magsalita si Katara.


"Bakit ganoon? May mga lalaking pagkatapos ka anakan, pagkatapos kang suyuin, pagkatapos kang sundan pero sa huli iiwan ka lang. Pakiramdam ko tuloy, isa lang akong laro na matapos mapanalunan kakalimutan. Isa na lang tropeo na masasabi mong

"nakuha ko na iyan pandisplay ko na lang." sabi ni Katara.

Napatingin si Katara kay Jamal saka ito ngumiti

"Nakakainis ba ako kausap? Kasama? Madrama ba?" sabi ni Katara.

"Hindi." sabi ni Jamal.


"Hindi?"
sabi ni Katara.


"Hindi, kasi tipikal na lang ang nagaganap sayo na nangyayari sa lipunan hindi lang sa bansa niyo kundi sa buong mundo. Mas pinalawak pa nga dahil sa socialmedia."
sabi ni Jamal.


"Okay."
sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"Ayoko ng payuhan ka o pagsabihan ka, kasi gusto ko maging masaya ka na para sa sarili mo at para sa anak mo. Gusto ko makita ka matuto kung paano maging masaya sa paraan na hindi ka masasaktan sa sasabihin ko."
nakangiting sabi ni Jamal.

"Tsss. Magiging masaya din ako. Haysss! Umuwi na nga tayo, pagod na ang baby ko." sabi ni Katara na napahingang malalim.


"Pagod ka na rin."
nakangiting sabi ni Jamal saka ito tumingin sa harapan ng kotse pero akmang papaandarin na nito ang kotse ng manlaki ang mga mata nito ng makita ang ama ng bride.


Napatingin naman si Katara sa unahan ng kotse ng makita ang reaksyon ni Jamal.


Sa pagtingin ni Katara natawa ito ng makita ang ama ng bride na may dalang mga gulay sa bayong.

"Hahaha! Sabi ko sayo, may kasunod na pabaon." natatawang sabi ni Katara.

.....................

April 25. 2023 1.52pm

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top