Kabanata 8 : Bilang Lalaki
Kabanata 8 : Bilang Lalaki
Naiwan naman si Jamal at ang batang lalaki sa mesa. Ilang segundo lag ng magsalita si Jamal.
"Nahihirapan siya maghimay, bakit hindi mo tulungan?" sabi ni Jamal ng makaalis ang batang babae.
"Bakit ko po tutulungan?" sabi ng batang lalaki.
"Pinapakain mo siya ng ayaw niya tapos nahihirapan siya." sabi ni Jamal.
"Masustansya naman po iyon." sabi ng batang lalaki.
"Tama, pero tingin mo nauunawaan niya ang sinasabi mong masustansiya ang isda kung nahihirapan siya?" sabi ni Jamal na ikinatahimik ng batang lalaki.
Samantalang napalingon naman si Katara ng hindi makita sa upuan nila si Jamal bitbit ang anak niya kaya naman nakaramdam siya ng kaba at mabilis na kumuha ng pagkain at hinanap si Jamal.
"Dapat hanggang bata ka pa matuto kang mangaral sa tamang paraan." sabi ni Jamal saka nito inalagay ang sanggol sa carrier na suot niya na ikinatingin ng batang lalaki.
"Kung gusto mo siya matuto at kung gusto mo maunawaan ka niya sa tama mong katwiran dapat alam mo rin kung paano ito sabihin at gawin ng tama." sabi ni Jamal sabay kuha ng plato ng batang babae at kubyertos na ikinatingin ng batang lalaki dito.
"Kapatid mo ba siya?" sabi ni Jamal ng tingnan lang siya ng batang lalaki.
"Hindi po." sagot ng batang lalaki.
"Hindi. Pero kung utusan mo siya parang kuya ka niya." sabi ni Jamal.
"Kaibigan ko siya, at magkaibigan ang mga magulang namin." sabi ng batang lalaki
"Hindi iyon rason para sa paraan ng pag-uutos mo na sa tingin ng kasama mong bata ay marahas." sabi ni Jamal sabay tingin sa batang lalaki.
"Makakabuti po iyan sa kanya ang kumain ng isda." sabi ng batang lalaki sabay titig kay Jamal
Samantalang ilang saglit na paghahanap ni Katara natagpuan nito si Jamal na may kausap na batang lalaki at napakunot noo ito sa ginagawa ni Jamal
"Tama, pero mas mauunawan niya kung tutulungan mo muna siya kung paano maging madali para sa kanya ang kumain." sabi ni Jamal.
"Paano siya matuto ng sarili niya kung tutulunga ko siya." sabi ng batang lalaki na ikinangiti ni Jamal.
"Paano ka ba natutong mag-isa? Hindi ba natuto ka muna sa iba. Hindi sapat na nakatingin ka lang at ngitian sa reaksyon niyang cute para sayo o masaya dahil mukhang siyang helpless." sabi ni Jamal.
"Gusto ko siya matuto mag-isa para kahit wala po ako kaya niya kumain ng masustansiya." sabi ng batang lalaki.
"Himayan mo muna siya tapos ipatikim mo sa kanya kapag ayaw niya pa rin, sabayan mo kumain para magkaroon siya ng gana. Iyon ang turo na makukuha niya." sabi ni Jamal na ikinatingin ng batang lalaki sa kubyertos na hawak ni Jamal na naghihimay ng isda sa plato ng batang babae.
Nang mapansin ni Jamal na nakatitig ang bata sa ginagawa niya muli siyang umusal.
"Mas maganda kasi kapag nagtuturo ka, gagawa ka at tutulong ka rin para matuto siya. Huwag kang magtuturo kung alam mong makakabigat ka lalo sa kanya."sabi pa ni Jamal saka nito iniurong ang plato ng batang babae sa harap ng batang lalaki.
Napatingin ang batang lalaki kay Jamal ng ilagay nito ang plato ng batang babae sa harapan niya.
"Ang totoong lalaki, tumutulong sa babae. Hindi mo ipapakain ang bagay na gusto mo lang kahit alam mong ikakabuti niya ito. Hindi mauunawaan ng babae ang isang sitwasyon kung nahihirapan siya." nakangiting sabi ni Jamal.
Napangiti naman si Katara ng marinig ang sinabi ni Jamal
"Hindi nga siya magpapayo sa akin. Huh! Sa iba naman niya ginagawa ngayon." sabi ni Katara sa isip saka ito napangiti.
"Sir, ito na po ang tinik recipe." natatawang sabi ng batang babae ng makakuha ng isda at mabilis na nakabalik.
Inilapag ng batang babae ang isda sa mesa na ikinatingin ni Jamal sa bata
"Salamat." sabi ni Jamal sa batang babae.
"Wala ka po makakain diyan puro tinik." natawang sabi ng batang babae.
Napangiti si Jamal saka nito tiningnan ang batang lalaki.
"Subukan mo para hindi ka mahirapan pasunurin siya at hindi rin siya mahirapan sundin ka." nakangiting sabi ni Jamal sa batang lalaki.
Kinuha ng batang lalaki ang plato na ikinamilog ng mata ng batang babae.
"Uyyy! Kay Sir iyan." sabi ng batang babae na ikinatingin ng batang lalaki dito.
"Kakain tayo ng isda, sabay tayo." sabi ng batang lalaki sa batang lalaki.
"Kakain tayo? Tayo?" sabi ng batang babae na hindi makapaniwala.
"Oo." sabi ng batang lalaki.
"Pero di ba kumain ka na. Naunahan mo nga ako." sabi ng batang babae na ikinatingin ng batang lalaki kay Jamal.
Napangiti si Jamal dahil napansin na niya kanina pa ang plato ng batang lalaki na may tinik at tapos na ito kumain.
"Ang pagtuturo at karunungan ay hindi paligsahan o kompetisyon dahil mas masaya kung may kasama kang matututo. Ikaw bilang tagaturo kung paano magturo. At ang tinuturuan mo bilang estudyante mo." sabi ni Jamal
"Guro ka po ba?" napangiting sabi ng batang lalaki kay Jamal.
"Hindi." sabi ni Jamal.
"Para kang si teacher." sabi ng batang lalaki.
"Lahat tayo puwede maging guro pero hindi lahat tayo marunong maging guro kasi nasa atin iyon kung paano tayo sumunod. Kapag marunong ka sumunod magiging mahusay kang tagapayo." nakangiting sabi ni Jamal.
"Okay." sabi ng batang lalaki saka ito tumingin sa batang babae.
"Kainin natin iyan nasa plato mo." sabi ng batang lalaki sa batang baabe.
"Puro nga tinik, anong kakainin ko diyan?" sabi ng batang babae.
"Hihimayan kita tapos sundan mo ako." sabi ng batang lalaki.
"O sige. Basta ikaw muna kasi wala ako makain." sabi ng batang babae na ikinangiti ni Jamal.
"Puwede bang makiupo?" sabi ng tinig na ikinatingin ng tatlo.
"Hello po." sabi ng batang babae ng makita si Katara
"Opo puwede." sabi ng batang lalaki kay Katara.
Napatingin si Katara kay Jamal na umiwas ng tingin.
Napabaling naman ang tingin ni Jamal sa sanggol na hawak nito.
"Kumain na tayo." sabi ni Katara kay Jamal sabay lapag sa mesa ng kinuha niyang pagkain.
"Okay." sabi ni Jamal.
Napangiti si Katara saka ito bumulong kay Jamal.
"Tuturuan kita kuman ng pagkaing pinoy." bulong ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.
"....ako muna ang guro mo at ikaw ang estudyante ko." napangitig dagdag na sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Oo ba." napangiting sabi ni Jamal.
...........
"Aray." sabi ni Kale sa mga pinsan at kaibigan
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" sabi ni Drake na natawa ng magulat si Kale sa pagpitik ni Laurent sa tenga nito
"Makikikain." natatawang sabi ni Kale na kanina pa pinagmamasdan ng lahat dahil mahaba ang buhok nito na ang akala ng iba babae si Kale.
"Ang cheap mo talaga, Kale." sabi ni Enzo.
"Hahaha! Sira biro lang. Ang totoo may trabaho kasi ako na pinapagawa ni daddy." natawang sabi ni Kale.
Napatingin ang tatlo kay Kale, nag-iisang anak ito ni Ciao Montemayor ang nagmamay-ari ng halos kabuuang lupa ng Isla verde, ang tinaguriang little Prince ng isla kung nasaan sila.
"Anong trabaho?" sabi ni Laurent na tumakas pa sa mga magulang na sila Aira at Monty dahil sinundan nito ang apat na kapatid na babae na kararating lang mula NYC at doon nga siya napadpad sa Isla Verde kung nasaan siya ngayon.
"Manmanan ang lalaking nakapasok sa isla namin ng ganoong kadali." sabi ni Kale.
"Sino? Iyong arabo?" sabi ni Drake, lehitimong Prinsipe kaya kilala nito si Jamal. Anak si Drake ng gigolo at multi billionaire na si Dim Lopez at ang ina ni Drake ay isang Prinsesa dahil isa itong Canmore.
"Tumpak dahil nakabili siya ng lupa sa bansa sa pamamagitan ng dummy." sabi ni Kale.
"Ang sabi ni tatay si Lolo Orion at lolo Malic ang nagbigay pahintulot sa dummy para gamitin ito ni Jamal." sabi ni Laurent.
"Iyon naman pala so hayaan mo na, Kale." sabi ni Enzo na ikinatingin ni Kale dito.
"Hindi puwede." sabi ni Kale.
"Bakit naman? Kung sila lolo Orion na ang may pahintulot." sabi ni Laurent.
Nasa sulok ang apat na disi sais anyos ng mga binatilyo habang nakamasid sa mga kaganapan sa lugar ng kasalan ng isang tauhan sa farm na pag-aari ngayon ni Jamal buhat sa dating may-ari na si Winter Cheung na galing naman kay Malic Lopez.
"Hindi puwede ang ibang tao sa isla Verde dahil kung sa El Paradiso nga at sa Isla Traquilo mahigpit na pinatutupad ng mga Cheung ang ganoon batas kaya dapat dito rin dahil isang panganib iyon." sabi ni Kale.
"Sa negosyo ng grupo ng mga magulang at lolo natin?" sabi ni Drake.
"Isa lang iyon sa dahilan." sabi ni Kale.
"So, anong gagawin mo? Ang alam ko kay Jamal na ang lupa." sabi ni Laurent
"Ganoon na nga nabenta sa kanya kaya kailangan nasa hanay ng grupo natin mapupunta ang lupa dahil kahit ako hindi ako papayag na simulan ni Jamal ang lihim na pagbili ng lupa na sa kalaunan makikita ko na lang may kahati na ako sa isla." sabi ni Kale na ikinanlaki ng mga mata ng tatlo nitong kasama.
"Wow! Ikaw ba iyan, kuya Amon? Napakasakim mo," napalakas na sabi ni Laurent na ikinatawa nila Enzo at Drake.
"Hahaha! Nakakahawa ba o talagang nasa dugo ng mga Cheung? Ang kaibahan niyo nga lang ni Kuya Amon may Valiente siyang dugong nananalaytay kaya malupit sa pagkagahaman." sabi ni Drake
"Hahaha! Itigil mo iyan Kale habang maaga pa. Nakakasira iyan ng ulo." sabi naman ni Enzo.
"Tsss! Ginagawa ko ito para sa grupo. Ang sabi ni lolo Steven pangalagaan ko ang isla na pinaghirapan nila ni lola Tara kaya bilang tagapagmana..." udlot na sabi ni Kale sabay tingin sa mga pinsan at umusal.
"....sisiguraduhin ko na ang isla na mamanahin ko ay hindi mapapasukan ng kahit sinuman kaya naman ang Jamal na iyan ay dapat makapagpangasawa ng isa sa grupo natin." sabi ni Kale.
"Kanino naman? Kay Ate Peso? Si Ate Peso lang ang gusto niya." sabi ni Laurent.
"Hay naku! Hindi puwede iyan baka suntukin ka ni Kuya Shiloh." sabi ni Drake.
"Hindi siya ang naiisip ko." sabi ni Kale
"Eh sino?" sabi ni Drake.
"Bakit pa ako maghahanap kung puwede naman sila ni Ate Katara." sabi ni Kale na ikinagulat ng tatlo.
"Ano? Okay ka lang? May anak na si Ate Katara kay kuya Amon." sabi ni Laurent
"Kaya nga di ba. May koneksyon, kapag nagkatuluyan sila ang anak nila kapatid ni Amonia na karugtong natin." sabi ni Kale.
"Wait, bakit hindi na lang si Ate Dinar, o kaya si Ate Euro o si Ate Won kung hindi puwede si Ate Peso?" sabi ni Laurent.
"Hindi puwede dahil malalaman ni Jamal ang sikreto ng tatay mo at ang sikreto ng grupo kay Shadow Montemayor kaya para mas safe kay Ate Katara." sabi ni Kale.
"Tingin mo hindi rin magsasalita si Ate Katara tungkol sa magulang ni Laurent?" sabi ni Drake.
"Hindi. Kasi naniniwala ako pangangalagaan ni Ate Katara ang kamag-anak ng anak niya." sabi ni Kale.
"Kung ganoon si ate Dinar na lang mas malapit pa. Secret Agent siya kaya mababantayan niya si jamal kapag naging asawa niya." sabi ni Laurent.
"Hindi puwede dahil kabilang si Jamal sa tiwalag na ministro ng Palasyo. Ayon sa report ng Ground Zero, ang pagkakakilanlan kay Jamal ay nakasulat lamang sa isang libro pero walang patunay. Kapag nagkatuluyan si Ate Dinar o kahit sino sa apat na kapatid mo kay Jamal manganganib ang Cloud Nine." sabi ni Kale na ikinatingin ng apat kay Jamal habang kumakain kasama ni Katara.
"Hindi na ako lalayo, ang dalawang iyan ang kailangan ko para masiguro ko na AKIN ang isla Verde hanggang huli." seryosong sabi ni Kale na ikinatingin ng tatlo kay Kale.
.....................
Ground Zero, Isla Verde
"Nakumbinsi mo?" tanong ni Kloud kay Ciao na anak nito.
"Oo dad." sabi ni Ciao habang nasa opisina ang buong pamilya ni Ciao na madalas naman mangyari dahil bestfriend ang mga lolo niya na mga ama ng magulang niya.
"Makakaisip kaya ng paraan ang anak mo?" sabi ni Kloud na ikinatawa ni Ciao.
"Hahaha! Si daddy talaga, wala kang tiwala sa apo mo kaya minsan ayaw sayo lumapit ng anak ko. Mas close pa siya kay Lolo Steven at lolo Eric." natawang sabi ni Ciao
"Hindi naman sa ganoon, kaso ang anak mo ay naglalaro na tila uhuging bata. Katulad niyan kasama na naman niya ang tatlong iyon." sabi ni Kloud.
"Dad, nagbibinata ang anak ko kaya hayaan na natin. Nagdaan ka rin sa ganyan kahit ako." sabi ni Ciao.
"Tama si Ciao, hayaan mo mag-enjoy ang apo ko sa tuhod sa kabataan niya." sabi ni Steven na nakikinig sa pag-uusap ng son-in-law at apo niya dito.
"Nandoon na ako Papa Steven kaso ang plano ay hinayaan ni Ciao kay Kale." sabi ni Kloud.
"Anak, hayaan mo mag-isip si Kale lalo na at siya ang magmamana ng Ground Zero." sabi ni Eric, ama ni Kloud.
Napatingin naman si Ciao sa ama, mula kasi ng isinilang si Kale ang atensyon ay napunta dito lalo na at nag-iisang apo ito sa tuhod ng magkaibigang Steven Tuazon at Eric Montemayor kay Kloud at Cassie.
Ang lahat ay humakbang mula sa henerasyon ni Kloud at ni Ciao na para kay Ciao okay lang naman dahil anak niya si Kale at ang lahat ng meron sila mag-asawa kay Kale mapupunta pero iba ang ama niya sa nakikita ni Ciao.
Malakas pa si Kloud at para dito kaya niya pang hawakan ang lahat kaso hindi mabitawan ng magkaibigang Eric at Steven ang Ground Zero at buong isla Verde.
"Magaling si Kale, at tingin ko kapag narecruit niya sila Laurent sa Ground Zero lalakas pa tayo lalo." sabi ni Tara, asawa ni Steven.
Hindi umimik si Kloud na ikinatingin ni Ciao sa ama. Si Laurent anak ng apo ng kapatid ni Kloud na si Martein, na namatay sa ambush.
Si Laurent ang sinasabing magmamana ng Cloud Nine ang naitayong Secret Agency ng ama nito na si Shadow Montemayor na ngayon ay nagtatago sa pangalang Monty.
Mula ng mamatay ang mga magulang ni Shadow o Monty, lumayo ito sa pamilya Montemayor kaya naman hindi close si Laurent sa lolo nitong sa tuhod na si Eric at kapatid ng lolo nito na si Kloud. Kahit nga sa kanya na tiyuhin hindi masyado nakikipag-usap si Laurent bukod kay Kale, kaya si Kale ang daan nila para makita si Laurent.
"Hindi niya tatanggapin ang offer kasi naka-stick iyon sa Cloud Nine at saka mula ng umalis sila Aj at Shiloh sa Ground Zero at lumipat sa Cloud Nine mas buo ang loob ni Laurent na ituon ang pansin sa negosyo ng ama niya." sabi ni Kat, ina ni Kloud.
Napatingin si Ciao sa lola niya at ama niya, may pagkakapareho kasi ng ugali ito at alam niya naiisip ng mga ito na ang negosyo ng pinsan niyang si Shadow na mapupunta kay Laurent ay lumalakas lalo na at nakuha ng mga ito ang leader ng Mafia na si Aj Valiente, na para sa Ground Zero pagkalumpo iyon sa samahan.
Kahit apo sa tuhod ni Kat si Laurent, mas lamang ang tingin nito kay Kale kahit na bunsong anak nito si Martein, na lolo ni Laurent.
"Hayaan natin si Kale, alam niya ang ginagawa niya. Tingin ko naman kahit bata pa siya nauunawaan na niya ang salitang negosyo." sabi ni Steven na ikinatahimik ng lahat.
Napangiti naman si Twinkle sa sinabi ng matandang lalaki tungkol sa anak nila ni Ciao dahil hanggat maaari ayaw niyang magkaroon ng inggitan, lamat o kahit na anong negatibong damdamin ang anak niya kaya ginagawa niya ang lahat para maturuan ang anak nila ni Ciao sa mabuting paraan.
Napahingang malalim naman si Ciao, kahit siya noong kabataan niya nahihirapan siya kung sino ang susundin niya, iba-iba kasi ang ugali sa negosyo ng bawat taong nakapaligid sa kanya kaya ang pressure ay alam niyang napunta ngayon sa anak nila ni Twinkle na dapat hindi niya iwan para hindi ito matulad sa ibang negosyanteng tuso.
...................
April 24. 2023 11.00am
Fifth Street
Try ko isa pa para pang-apat na UD ngayon
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top