Kabanata 7 : Tamang Pagtuturo


Kabanata 7 : Tamang Pagtuturo


"Hindi na ako magsasalita sayo dahil sobra na ang sakit na naririnig at nilulunok mo, kaya hindi na ako dadagdag." sabi ni Jamal sa isip habang nakatitig kay Katara na nakayukong naglalakad.

Ramdam ni Jamal ang kalungkutan ng dalaga at mga bagay na hindi nararapat maramdaman ng isang babaeng tulad nito.

"Hindi nila ako kilala, pero anong magagawa ko. Isa ako sa mga babaeng..." udlot na sabi ni Katara sa isip saka ito napaluha na ikinahinto ni Jamal sa paglalakad.

Pinunasan ni Katara ang mga mata saka ito yumuko pa lalo ng mapahinto sa paglalakad si Jamal.


"Sorry puwede naman sa kotse lang ako. O kaya mauna ka na lang, huwag mo na lang ako samahan." sabi ni Katara.

Hindi nagsalita si Jamal pero hinawakan nito ang mukha ni Katara at itinaas iyon ng dahan-dahan.

"Nakakahiya, baka sabihin nila kakapanganak ko lang lumalandi na ako. Kawawa ang anak ko, baka tampulan ng tukso. Baka sabihin nila katulad ko siyang malandi." pigil na luha na sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.

Sa pagngiti ni Jamal napaluhang tuluyan si Katara.


"Lahat kayo ganoon ang naiisip sa akin. Ayoko man pero iyon ang kapalaran ko. Pero siguro okay lang marami naman kami, iyon nga lang may anak ako na ayaw kong makita niya at madinig ang katotohanan na isang kasinungalingan. Maraming dumaan sa akin pero lahat nabigo ako. Kasalanan ko ba na iniwan nila akong lahat?" napaluhang sabi ni Katara.

Napangiti lalo si Jamal pero nagulat si Katara ng halikan ni Jamal ang mga mata niyang may luha.

Napatigil si Katara sabay sa pamumula ng mukha nito sa hiya at pagkakgulat.

"Dinagdagan mo ang maling sasabihin nila na masakit sa akin." sabi ni Katara na lumuha uli dahil sa ginawa ni Jamal sigurado madadagdagan ang lalong umiinit na maling ng tingin sa kanya ng lahat.

Pinunasan ni Jamal ang mga luha ni Katara sa pamamagaitan ng masuyong pagpunas ng daliri nito sa mga mata ng dalaga na ikinatigil sa pagluha ni Katara at ikinatitig nito sa lalaki.


"Magsalita ka."
sabi ni Katara ng hindi pa rin nagsalita si Jamal habang pinupunasan nito ang luha niya at alam niyang may mga nakatunghay sa kanila na magiging punyal sa likuran niya sa mga sakit na salitang binabato at tinatarak sa puso at isip niya.

"Mahalin mo ang sarili mo, iyon ang sagot para makapaglakad ka ng maayos kasama ng anak mo, na siyang titingala sayo kung paano hahawakan ang sarili mo sa lahat ng dagok na mangyayari sa buhay mo." nakangiting sabi ni Jamal.

Napalunok si Katara na ikinayakap ni Jamal dito.

"Last na talaga, hindi na ako magsasalita tungkol sa mga naganap sayo. Sapat na ang mga naririnig mo para makabangon ka. At kung hindi mo kaya bumangon para sa sarili mo, bumangon ka para sa anak mo na isa rin babae tulad mo." bulong ni Jamal saka nito hinaplos ang likuran ni Katara habang yakap ito.

Napangiti si Katara saka ito napatangong umusal.

"Okay. Salamat." sabi ni Katara ng makaramdam ng kapanatagan sa haplos at yakap ni Jamal laban sa mapanuring mga mata ng mga tao sa kanya.

...................

"Uy! Okay naman pala, bakit hindi mo ninobyo?" sabi ni Won kay Peso.

Napangiti si Peso ng makita ang eksena nila Katara at Jamal. Nasa isang mesa ang magkakapatid habang simpleng nagmamasid sa kaganapan sa paligid

"Uy! Ayaw mo niyan? Ay naku! Kung ako niligawan niya patusin ko iyan." sabi ni Dinar na kanina pa hinihingi ang number ni Jamal kay Peso.


"Kaya nga bagay sila, at kaya tayo nandito dahil iyon ang utos ni lolo Orion."
sabi ni Peso.


"S.A tayo at hindi artista para guluhin at makigulo sa dalawang iyan na mukhang wala naman."
sabi ni Euro.

"Sabi ni lolo Orion, bantayan si Katara at bayad iyon. Malaki ang binayad niya sa atin." sabi ni Peso.


"Bantayan? Hay naku! Malaki na iyan at saka mas maganda magpunta ng beach at magbabad."
sabi ni Won.


"Kaya nga, mas maganda magliwaliw na gagawin natin habang kasama sila."
sabi ni Peso.


"Ano bang balak mo?"
sabi ni Dinar.


"Kanina pa kayo atat umalis, at ako din naman. Kaya para mapadali ang trabaho natin hahanapan natin si Katara ng bantay at ang arabo na iyan ang sagot."
sabi ni Peso.


"Siya?"
sabi ni Euro sabay nguso sa puwesto ni Jamal.


"Yes. Kinausap ako ni lolo Malic ang sabi niya ibibigay niya ang mga kahilingan natin kung magagawa natin ang project."
sabi ni Peso.


"So, siya ang nakita mong solusyon?"
sabi ni Won sabay nguso din kay Jamal.

"Ayaw niyo bantayan si Katara, at ako din naman kasi mas gusto ko iyong project na isang araw lang, iyong tipong madalian. Kaya naman naisip ko na ipapasa natin ang trabaho kay Jamal." sabi ni Peso.

"Paano? Eh amo nga daw niya iyong arabo." sabi ni Euro.

"Tama amo siya ni Katara kaya magkasama sila lagi na puwedeng ang trabaho natin bilang bantay ni Katara ay ipasa natin kay Jamal." sabi ni Peso.

"And?" sabi ni Euro.

"Kaya nga manggugulo tayo para subukan natin kung magseselos si Katara, at iyon ang unang plano na naisip ko." sabi ni Peso


"Huh! Magseselos? Eh, patay na patay iyan kay Amon kaya nga sabi ko akin na lang si Arabo."
sabi ni Dinar.

"Naisip ko rin kasi, madaling mainlove si Ate Katara. Marupok iyan so gamitin natin ang karupukan niya para madali matapos ang project natin." sabi ni Peso.


Nagakatinginan ang tatlong kapatid ni Peso sa isa't isa saka napangiti.

"Sabagay, may punto ka. Tutal malaki ang ibibigay ni lolo Malic plus kay lolo Orion." sabi ni Won.

"O diba? Mabilis natin makukuha ang bayad, mapapadali pa ang trabaho natin." sabi ni Peso na ikinangiti ng magkakapatid.

...............

Heather Island

Glass House

"Pinabalik niyo ang apat mula NYC papunta dito para bantayan si Katara? Baka bumangon sa hukay si Tita Joyce sa ginagawa niyo." sabi ni Ellie kay Orion at Malic habang naglalaro ng tong its ang magkaibigan.

Napatingin naman si Venus kay Malic at Orion kung dati magkaiba ang pananaw ng dalawa ngayon tila magkasundo ang dalawa at palagi pang magkasama. Feeling pensioner na nga ang dalawa mula ng gumaling ng tuluyan si Malic.

"Oo, pinatos naman." sabi ni Orion habang nakatutok sa baraha nito na ikinangisi ni Malic dahil alam niyang binabasa ni Orion ang ilalapag niyang baraha.

"Pinatos?" sabi ni Venus.

"Malaki ang ibabayad sa kanila na kahit si Mommy sigurado bababa sa lupa mula sa langit at tatayo sa pagkakahimlay kapag nalaman niya ang ibabayad namin sa mga apo nila." sabi ni Malic.


"Kapag nakidnap ang apat na iyon lagot kayo"
sabi ni Venus sa dalawang matandang lalaki na asawa ni Ellie na tila nag-iisip mga binata na.

"Hahaha!" sabay na tawanan nila Orion at Malic ng sabay na binaba ang baraha na ikinatingin ni Ellie at Venus sa isa't isa dahil mukhang paurong na ang mga asawa nila dala ng katandaan.


Napatingin naman si Malic kay Venus matapos akunin ang baraha at muling balasahin.


"Hindi sila makikidnap babe kasi S.A ang mga iyon at kay Peso pa nga lang na natatalo na si Shiloh na isang boksingero, panis ang magtatangka sa apat na iyon."
sabi ni Malic.

"Tama si Malic at saka kailangan muna humiwalay ni Peso kay Shiloh para makapokos sa laban niya. Kung tutuusin magiging maganda pa nga kasi kapag nakita at nalaman ni Shiloh na si Peso ang lumalapit sa arabong iyon tiyak iinit si Shiloh sa boxing ring na ikakapanalo niya at ikakauwi ng milyones sa bahay na ito." sabi ni Orion sabay tingin kay Venus at Ellie saka muling umusal.

".....ang yaman ng mga apo natin ay unti-unting tumutubo base sa kani-kanilang pawis at hirap at iyon ay isang magandang papel na bubuuin nila para hindi masabing umasa sila sa amin... sa atin. Hayaan natin ang mga bata magtrabaho at makilala sa larangan na gusto nila. Ito ay ambisyon at pangarap na hindi masama bagkus magdadala ito ng kasiyahan sa puso nila." sabi ni Orion.

"Kapag namatay si Shiloh sa karera ng buhay na pinili niya walang magagawa ang pera. Kayong dalawa ang nag-uudyok para tahakin ng mga apo natin ang pangarap na puwede nilang ikamatay." sabi ni Ellie.

"Hindi naman Garlic. Katulad ni Amon, ayoko ng ginagawa niya pero iyon ang gusto niya, lolo ako at ayoko naman ako ang unang magsasabi na bawal iyan. Ang gusto ko matututo siya sa sarili niyang pagkakamali at ang gagawin ko lamang ay tulungan siya malaman kung ano ang mali." sabi ni Orion.

"Tama, at magagawa natin iyon bilang mga lolo at lola kung itatama natin ang daan na tinahak niya. Lilingon iyan kahit anong mangyari dahil kahit anong tayog ng lipad mo titingin ka pa rin sa baba para makita kung gaano na kataas ang naabot mo. Hindi para balikan kundi para makita na kakaiba ka, na magaling ka at lamang ka. Pero sa pagkakataon na iyon sa paglingon mo malalaman mo na nalagpasan mo ang bagay na dapat sinama mo sa taas." sabi ni Malic.


"So, gagamitin niyo si Jamal para mahinuha ni Amon ang lahat na mali siya sa pag-iwan ng mag-ina niya?"
sabi ni Venus.

"Hindi namin gagamitin si Jamal kundi ilalagay namin siya sa puwesto na dapat si Amon. Sa puwesto na hindi mababalikan ni Amon. Sa puwesto na iniwan niya." sabi ni Malic.

"Paano kong hindi tama? Paano kung mali ang naiisip niyo? Paano kung hindi magtugma at maganap ang plano niyo?" sabi ni Ellie.


"Leksyon, aral at karanasan na magtutulak sa ating lahat kung paano nga ba mabuhay. Sa edad natin marami pa tayong hindi alam, marami pa tayong gusto malaman at isa doon kung paano tumanggap ng taong may kamalian."
sabi ni Orion.

"Paano kung hindi maging sila? I mean, wala lang may ganoon naman di ba?" sabi ni Venus.


"Huh! Kaya nga ang apat ang inilagay namin na magbabantay kay Katara dahil ang apat na S.A na iyon ay mainipin. Kaya for sure makakahanap ng paraan si Peso o kahit sino sa kanila para mapadali ang trabaho nila. At sa nakikita namin ni Orion ang pagpasa ng trabaho kay Jamal ang gagawin nila para malustay na ang pera na ibabayad namin sa kanila."
sabi ni Malic.

"Paano kung naging sila Katara at Jamal? Paano kung marealize ni Amon na mali siya pero huli na?" sabi ni Venus.

"Kasama iyon sa pangarap niya na dapat niyang yakapin kahit na masakit." sabi ni Orion na ikinatahimik ng lahat.

..................

Isla Verde

"Sir, ano pong gusto mo?" sabi ng ina ng bride sa amo niyang si Jamal.


Napatingin si Jamal kay Katara na ikinangiti ni Katara.

"Ano bang meron dito? First time ko eh." bulong ni Jamal.

"Ako na po kukuha." sabi ni Katara sa ginang

"Okay sige, mag-enjoy lang kayo at huwag mahiya kumain." sabi ng ginang na ikinangiti nito saka umalis.

"Hindi ko alam ang mga pagkain dito." sabi ni Jamal kay Katara ng umalis ang ginang.

"Ako na kukuha kaso puwede pahawak ang baby ko." sabi ni Katara

"Okay sige." sabi ni Jamal saka nito hinawakan ang sanggol.

"Huwag mong nanakawin ha" nakangiting bulong na sabi ni Katara kay Jamal.

"Hindi." sabi ni Jamal.

Tumayo si Katara at umalis ito para kumuha ng pagkain nila ni Jamal.

...............

Pagkaalis ni Katara napatingin naman si Jamal sa paligid, maraming tao, maingay na nagkakasiyahan. May videoke pa na sobrang lakas. Sa mismong labas ng bahay lamang ng ikinasal ginawa ang handaan. Malayong-malayo ang party na iyon sa bansa nila.

May mga nag-iinuman pa na halos mga lasing na kanina pa. May mga palaro na tila fiesta base sa napanood na niyang ganoong eksena sa tv tungkol sa kuwentong pinoy.

Nasa pagmamasid si Jamal pero sa ilang sandali sa pagtingin ni Jamal sa paligid natuon ang pansin niya sa mga bata na nasa kabilang mesa.

"Matinik nga iyan kaya ayaw ko niyan." sabi ng batang babae na ikinangiti ni Jamal dahil mukhang pilit pinapakain ito ng katabi nitong batang lalaki.

"Masustansiya ang isda." sabi ng batang lalaki.

"Matinik." sabi ng batang babae pero mukhang wala itong choice kaya lumuluha itong hinimay ang isda.

"Bawal ka ng pork, fish lang dapat." sabi ng batang lalaki.

"Ang tinik eh. Wala na akong makakain." sabi ng batang babae.

Napatingin si Jamal sa batang lalaki, natatawa lang ang batang lalaki sa reaksyon ng batang babae.

"Kapag inalis ang tinik unti na ang tira." naiiyak na sabi ng batang babae.

"Siyempre, kasi tinik na iyon alangan naman kainin mo." sabi ng batang lalaki.

"Nagugutom na ako, wala ako makuha." naiinis na umiiyak na sabi ng batang babae.

"Kapag hindi ka kumain hindi ka maglalaro." sabi ng batang lalaki dito na ikinaluha lalo ng batang babae.

Hindi nakatiis si Jamal at tumayo ito at lumipat sa mesa ng dalawang bata.

Napatingin naman ang dalawang bata kay Jamal ng lumapit ito.


"Puwedeng makiupo?"
sabi ni Jamal na ikinatingin ng dalawang bata sa isa't isa.

"Puwede ba? Napapagod na ako may karga akong baby." nakagiting sabi ni Jamal.


"Si Sir iyan iyon arabo may-ari ng farm."
bulong batang batang babae sa batang lalaki.

Napatingin ang batang lalaki kay Jamal na ikinangiti ni Jamal ng lihim dahil kakaiba tumingin ang batang lalaki.

"Puwede ba? Makiupo?" ulit na sabi ni Jamal.


"Opo."
sabi ng batang lalaki

"Salamat." sabi ni Jamal saka ito naupo at inayos ang sanggol na buhat nito.

Napatingin si Jamal sa plato ng batang babae saka ito napangiti.

"Ang galing mo naman maghimay." sabi ni Jamal sa batang babae na ikinatingin ng dalawang bata sa plato ng batang babae.

"Anong magaling diyan? May laman pa nga hinalo niya sa tinik." sabi ng batang lalaki na ikinalungkot ng batang babae.


"Hindi ako marunong maghimay. Ayoko ng fish, may tinik wala na ako makain."
sabi ng batang babae na ikinatitig ni Jamal sa batang babae.

"Masustansiya iyan kahit ayaw mo." sabi ng batang lalaki.

"Matinik nga, wala na akong makain." inis na sabi uli ng batang babae .

"Ahhhm. May fish pa ba?" sabi ni Jamal na ikinatingin ng batang babae dito.


"Marami silang fish na handa na ayaw ko kasi matinik."
sabi ng batang nabae.

"Puwede ba akong humingi?" sabi ni Jamal.

"Doon marami." sabi ng batang babae sabay turo sa mesang mahaba na may mga handa na nakasalansan.

"Ahhmm." sabi ni Jamal sabay sulyap sa mahabang mesa.

"Gusto mo po kuhanan kita?" sabi ng batang babae sabay tingin sa sanggol na hawak ni Jamal.


"Puwede ba?"
sabi ni Jamal.

"Opo tutal may baby ka pong karga." sabi ng batang babae na ikinangiti ni Jamal.

"O, sige." sabi ni Jamal.


"Okay, diyan ka lang po kukuhanan kita ng tinik recipe nila."
napabungisngis na sabi ng batang babae saka ito mabilis na umalis.

...

April 24. 2023 7.50am

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top