Kabanata 6 : Halaga


Kabanata 6 :  Halaga

Isla Verde

Hours later


"Sir." sabi ng mga tao ng makababa si Jamal ng kotse nito.

Mabilis naman na binuksan ni Katara ang pintuan ng kotse na ikinatingin ni Jamal dito.

"Mukhang kilala ka na nga nila. Ang galing ha." sabi ni Katara na hindi hinintay na pabuksan siya ng pintuan ng kotse ni Jamal.

"Jam." sabi ng mga babae sa isla na ikinawala ng ngiti ni Katara

"Hello, Jam." sabi ng isang babae.

"Mabuti nakapunta ka?" sabi pa ng isang babae.

"Nakakahiya naman kung hindi ako makapunta." sabi ni Jamal na napangiti.

Napatingin naman ang unang babae kay Katara at nagulat ito ng makilala si Katara.

"A—asawa mo?" sabi ng babae kay Jamal pero nakatingin ang babae kay Katara na karga ang anak nito.

"Hindi." sabi ni Jamal.

"Nobya?" sabi ng ikalawang babae.


"Hindi rin."
sabi ni Jamal.


"Ano?"
sabi ng babae

"Katulong niya." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal kay Katara.

"Katulong?" nagtatakang sabi ng babae dahil kilala nila si Katara.

"Kaibigan ko." seryosong sabi ni Jamal.


"Ang dami mo pa lang friends na babae."
sabi ng ikalawang babae na ikinatingin ni Katara kay Jamal.

"Marami din naman akong kaibigan na lalaki."sabi ni Jamal.

"Sabagay sa pogi mo lahat kakaibiganin ka." sabi ng ikalawang babae na ikinatitig ni Katara sa mga ito.

"Jam, maupo na kayo." sabi pa ng ikatlong babae na papalapit sa dalawa.

"Jamal!" sigaw ng isang tinig na ikinatingin ng grupo.

Napatingin si Katara hindi naman siya nagtataka kung maraming babae ang tumatawag kay Jamal guwapo kasi ito kaya hindi nakapagtataka kung lapitin ito ng mga babae.

"Sabi ko na nga ba nandito ka." masayang sabi ng tinig na ikinatingin ni Katara kay Jamal.

"Hello." sabi ni Jamal ng makalapit ang babae.

"Inimbitahan ako, sakto nasa Cheung Hotel ako." sabi ng babae na nakasuot ng summer dress at maganda ito tingnan. Ang balingkitan nitong katawan na tila model ay nagbigay ng magandang awra sa babae.

"Kailan ka pa umuwi?" sabi ni Jamal habang titig na titig sa babae.

"Kagabi lang." sabi ng babae na ikinatingin ni Katara sa babae.

"Sino kasama mo?" sabi ni Jamal.


"Mga kapatid ko."
sabi ng babae sabay kaway sa mga kapatid nito na nagsilapitan.

Napatingin si Katara kay Jamal dahil ang mga kapatid ng babae ay ngayon niya lang uli nakita at ang tatlo tila mga swan ng magdalagahan. Literal na magaganda sa iba't iba mga itsura na ganda.


"Meet the four sisters. I'm Peso."
sabi ni Peso.


"Euro."
sabi ng ikalawang babae na may pagka-slang sa pananalita dahil laki ito sa NYC.

"Dinar" sabi ng ikatlo na laki naman sa middle east

"Won." maarteng sabi naman ng ikaapat na lumaki din sa ibang bansa.


"Nice names."
sabi ni Jamal na napangiti pero muli nito ibinalik ang tingin kay Peso dahil sa apat ito lang ang parehong itim ang mga mata, ang tatlo kasi magkakaiba ng kulay ng mata. Kada isang babae may magkaiba ang bawat kulay ng tig isang mata.

"Sinama ko sila para makapagrelax." sabi ni Peso sabay lapit kay Jamal na ikinangiti ng binata.


"Mukhang hiyang ka sa pinuntahan mo."
sabi ni Jamal.

"Oo. Wala akong stress tapos kasama ko pa ang baby namin ni Shiloh...." udlot na sabi ni Peso sabay bulong kay Jamal na ikinakunot noo ni Katara at ikinangiti ng tatlong kapatid ni Peso.


".....pero iniwan ko si Shiloh kasi may laban siya at bawal din kami magkita."
natawang bulong na sabi ni Peso.


"Bawal? Bakit?"
sabi ni Jamal.


"Ewan ko, sabi ni Papa sa akin at iyon daw ang sabi nila lolo Orion kay Shiloh."
sabi ni Peso.


"Ahh! Baka para makapagpokos sa laban niya sa ring."
sabi ni Jamal.


"Puwede."
sabi ni Peso sabay kawit ng kamay sa braso ni Jamal


"Busy ka ba?"
sabi ni Jamal.


"Hindi, kaya puwede na tayo manood ng sine kasama ang sisters ko."
sabi ni Peso.


"Arhmm."
tikhim ng bahagya ni Katara na ikinatingin ng lahat dito.

"Uy! Katara, sama ka na rin." sabi ni Peso sa palakaibigan nitong tono.

Napatitig si Katara kay Peso, kung tutuusin hindi malayo ang kinalakihan nila kaso si Peso ng nalaman nitong mayaman ang magulang nito kaya sa ayaw at hindi ng dalaga naging maganda ang buhay nito at nakasalamuha ang mga taong ni minsan hindi niya inasam.

"Hindi na." sabi ni Katara.

"Ayaw niya siguro sumama kasi may baby na siya." sabi ni Won.

"Eh! Kung sa kanila na lang kaya tayo matulog." sabi ni Dinar na ikinangiti ng magkakapatid.

Sa pagbaling ni Katara ng tingin kay Jamal napangisi ito ng makitang kuminang ang mata ng binata.


"Tsss! Lalaki nga naman."
sabi ni Katara sa isip.

"Okay lang ba My Aram?" maarteng sabi ni Won na nagawa pang yakapin si Jamal.

"Oo okay lang." sabi ni Jamal.

"Yes! Mag house party tayo sa inyo." masayang tumitili pang sabi ni Euro.


"Party na nga ang pinunatahan niyo, tapos party uli?"
sabi ni Katara sa mahinang tinig.

"Ano?" sabi ni Jamal ng bumulong bulong si Katara sa sarili nito.

"Ah. Wala." sabi ni Katara sabay iwas ng tingin sa mga ito.

"Di ba malapit ang waterfalls sa inyo?" sabi ni Peso.


"Yes."
sabi ni Jamal.


"Sakto, nakaswimsuit kami."
sabi ni Peso na ikinanlaki ng mga mata ni Katara sa pagtataka.


"Wait lang, parang hindi siya si Peso. Hindi ganyan si Peso."
sabi ni Katara sa isip.

"Two-piece ang suot ko." sabi ni Dinar sabay lapit kay Jamal at nagulat si Katara ng ipasilip ni Dinar ang suot nito kay jamal.


"Nakita mo? Red two-piece."
mapang-akit na sabi ni Dinar.


"Grabe naman napaka-liberated."
sabi ni Katara sa isip.

"Oo, ang ganda." sabi ni Jamal na halatang nasisiyahan ito.

"Langyang arabo ito. Mapanglait sa pinoy pero kung maglaway wagas," sabi ni Katara sa isip saka ito napahingang malalim.

"Paano? Mamaya sa bahay niyo." sabi ni Won.


"Sure sure."
sabi ni Jamal.

"Bahala nga kayo diyan." sabi ni Katara sa isip saka ito nauna maglakad na ikinatingin ng grupo dito.


"Sandali lang."
sabi ni Jamal sa grupo na ikinabitaw nila Peso at kapatid nito sa pagkakayakap kay Jamal.


"Katara."
sabi ni Jamal saka sinundan ang babae.

Napatingin si Peso sa mga kapatid saka ito ngumiti.

"Guwapo naman pala, kung ayaw niya akin na lang." sabi ni Dinar.


"Gaga!"
sabi ni Euro sa kapatid.

Napangiti si Dinar saka ito naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon.

"Kung ayaw niyo kay Amon ako." birong sabi ni Dinar.

"Hahaha! Sige patusin mo ang pinsan mo at para makulong ka rin." sabi ni Peso na ikinatawa ng magkakapatid.

Samantalang mabilis na sinundan ni Jamal si Katara.


"Bakit ka nang-iwan?"
sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara.

"Bakit sa sumunod?" sabi ni Katara.


"Siyempre ikaw ang kasama ko."
sabi ni Jamal.


Napatitig si Katara kay Jamal, malayong malayo ito kay Amon at sa paglipas pa ng mga araw napapatunayan niya iyon. May mga ginagawa si Jamal na hindi naman dapat gawin nito sa kanya at isa doon ang pagiging concern nito sa mararamdaman niya.

"Kasama pero amo kita." sabi ni Katara


"So?"
sabi ni Jamal.

"Kailangan mo sila estimahin." sabi ni Katara.

"Hindi ko sila bisita at hindi ko ito party." sabi ni Jamal.

"Lumapit sila sayo at bilang gentleman dapat hindi mo sila iniwan." sabi ni Katara.

"Hindi sila iniwan? Baka dapat sayo ako maging genleman kasi ikaw ang kasama ko na dapat hindi kita iniiwan." sabi ni Jamal na ikinamilog ng mga mata ni Katara.

"Sa akin?" sabi ni Katara.

"Iyan na naman tayo eh. May mga bagay kasi at sitwasyon na hindi mo alam kung paano i-handle o kung paano ang tama at dapat gawin. Tulad niyan, ikaw ang kasama ng lalaki kaya dapat hindi ka niya iniiwan.

Haysss! Kaya ka iniwan ni Hades sa altar kasi hinayaan mo ang sitwasyon na maging mali." sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ni Katara.


"May rason si Hades kaya niya ako iniwan."
sabi ni Katara.

"Oo may rason siya pero ikaw hindi ka ba niya rason?" sabi ni Jamal.


"Inalam mo ba ang buong buhay ko para may itira ka sa akin kapag may ginagawa ako na ayaw mo."
sabi ni Katara


"Hindi sa ayaw ko kundi mali ang ginagawa mo at pag-iisip mo sa isang sitwasyon kaya ka nadedehado lagi."
sabi ni Jamal


"Kasi nga marupok ako, mahina, boba."
sabi ni Katara.


"Iyan... ganyan kasi ang thinking mo sa sarili mo. Mahina ka oo pero hindi ka boba at marupok. Mahina ka lang sumagot ng tama na pagdedesisyon."
sabi ni Jamal

"Anong gusto mo magalit ako? Sa lahat ng nakarelasyon ko? Ano bang alam mo sa akin? Na pati si Aj na may asawa ninobyo ko? Mali din iyon di ba? Pero bakit ko ginawa? Tanungin mo naman kung bakit ko ginagawa ang isang bagay sa isang sitwasyon bago mo sabihin na mali ako." sabi ni Katara na halata ang pagkainis kaya napataas ang boses nito kaya naman nagulat si Jamal sa reaksyon ng babae.

"Tsss! Okay sige sorry nasaktan kita hindi ko iyon intensyon." sabi ni Jamal saka nito nilapitan si Katara at niyakap.


"Langya, ang bilis magsorry."
sabi ni Katara sa isip.

"Huwag ka kasi mang-iiwan." sabi ni Jamal.


"Ako? Nang-iiwan? Hahaha! Ako nga ang iniiwan."
sabi ni Katara.

"Ayoko na magsalita para hindi ka masaktan. Sapat na ang mga sinabi ko sayo." sabi ni Jamal.

"Bato na ako. Kailangan maging bato ako, lalo na at alam ko mamaya magsasalita ka na naman ng mga dapat kong ginawa sa mga mali kong desisyon." sabi ni Katara

"Huli na iyon." sabi ni Jamal na ikinatingala ni Katara para tingnan si Jamal.


"Talaga?"
sabi ni Katara.

"Oo." sabi ni Jamal saka ito napangiti.

"Hindi mo na bubulatlatin ang mga mali ko?" sabi pa ni Katara.


"Oo."
sabi ni Jamal.


"Bakit?"
sabi ni Katara.


"Kasi nagalit ka na."
sabi ni Jamal.

"Ha?" sabi ni Katara.

"Ang tao kapag nagalit na sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanya ibig sabihin tumagos na sa isip at puso niya ang sinabi nito kasi nasaktan na siya.

So, dapat tigilan na ng taong nagsasalita sa kanya ang mga bagay na nakasakit sa kanya lalo na kung naipahayag na ng taong ito ang nararapat sa kamalian na nagawa niya." sabi ni Jamal.

"So, ano ng gagawin mo?" sabi ni Katara

"Alalayan ka, para hindi mo na maulit ang lahat ng mali mo. Never na ako magsasalita ng nakaraan mo, at ng mga nagawa mo. Ang gagawin ko ngayon i-guide ka at huwag ng idikdik na mali ka dati kaya ka iniiwan." nakangiting sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara dito.

"Grabe ang diin naman. Kaya ako INIIWAN. Aissst! Sobra." sabi ni Katara sa isip.

"Promise never na kita sasaktan, iyon na ang huli." sabi pa ni Jamal.

"Imposible hindi mo na ako saktan, ang mga lalaki mapanakit iyan. Sa una lang mababait." sabi ni Katara sa isip.


"Bakit?"
sabi ni Katara

"Anong bakit?" sabi ni Jamal.

"Bakit hindi mo na ako sasaktan? Imposible kasi iyon, kahit nga nanay at tatay mo puwede kang saktan." sabi ni Katara

"Hindi na kita sasaktan kasi naka-quota ka na, at ayoko ng makadagdag sayo. At tama ka hindi ako nanay at tatay mo, kaya nga wala akong karapatan saktan ka dahil hindi ako ang magulang mo para kuwestiyunin ka." sabi ni Jamal.


"Bakit ba ganyan ka magsalita?"
sabi ni Katara.

"Kasi ito ako. Ganito ako, ito ang personalidad ko." sabi ni Jamal


"Lahat ba ng babae ganyan ka pati sa mga naging asawa mo?"
sabi ni Katara.


"Oo."
sabi ni Jamal.


"So, bakit mo sila pinapatay?"
sabi ni Katara


"Kasi hindi sila nakikinig, at ang mga hindi nakikinig sa tamang landas.... namamatay."
sabi ni Jamal na ikinanlaki ng mga mata ni Katara

"Mamamatay? So, papatayin mo talaga ako?" gulat na sabi ani Katara sabay piglas sa pagkakayakap ni Katara

"Tsss Ulit ulit tayo. Hindi nga kita papatayin kasi patay ka na." sabi ni Jamal.

"Ahh. So, bubuhayin mo ako?" sabi ni Katara.

"Oo." sabi ni Jamal


"Hahaha! Loko ito. Ginagago rin ako."
sabi ni Katara na natawa sa inaakalang biro ni Jamal.


"Kailangan mo mabuhay, iyon ang pagiging masaya para sa sarili mo, sa anak mo at para sa mga taong nandiyan sa tabi mo."
sabi ni Jamal na ikinahinto sa pagtawa ni Katara

"Kaya ka nakaka-attract ng babae kasi magaling ka magsalita pero sa likod niyan alam ko, isang malupit na tagahukom." sabi ni Katara.

"Tama, dahil lahat ng mabait ay malupit." sabi ni Jamal


"Parang si Amon."
mahinang sabi ni Katara

"Ang lahat ng tao ay mabait pero ang kalupitan nila ay base sa kung anong ambisyon nila. Nagbabago ang tao base sa kung anong pangarap na gusto nila abutin para sa sarili nila." sabi ni Jamal.


"Ikaw? Anong pangarap mo? Anong gusto mo maabot o ambisyon mo?"
sabi ni Katara.

"Magbigay ng hustisya sa lahat ng tao." nakangiting sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara sa binata.

"Grabe, hindi lang siya guwapo kundi ang galing din niya magsalita kaya madali niyang makuha ang loob ngmga espiya sa palasyo." sabi ni Katara sa isip habang nakatitig sa guwapong mukha ni Jamal.

Nagkatitigan ang dalawa at ilang sandali lang may lumapit sa mga ito.

"Sir, dito na po kayo umupo." sabi ng tatay ng ikinasalna ikinatingin ni Jamal at ng makilala ang lalaki napangiti ito.

"Sige po." sabi ni Jamal.

"Isama mo na si Katara." sabi ng matandang lalaki ng makilala si Katara.

Nakaramdam naman ng hiya si Katara dahil hindi naman lingid sa lahat ng tao sa Tres islas kung sino siya.

"Doon na tayo." sabi ni Jamal saka nito inalalayan si Katara.

Napatango si Katara saka ito nagpatianod sa paglalakad ni Jamal pero sa paglalakad nila hindi nakaligtas kay Katara ang bulungan ng mga tao.

"Siya si Katara, iyong iniwan ni Hades sa simbahan." sabi ng isang baabe.

"Siya din iyong nobya noong namatay na magbobote sa kabilang isla." sabi pa g ikalawa.

"Pero di ba naging nobyo niya iyong anak ng OFW." sabi pa ng isa.

"Uy, bago niya naging nobyo ang lahat kay Amon siya tapos parang pinalaman niya ang iba at sa huli si Amon uli kaso failed daw ang relasyon." sabi pa ng ikatlong babae.

"Baka makati, kasi iba na naman ang kasama." sabi pa ng matandang babae.

"Ang tsismis sa Emperio nakarelasyon niya ang asawa ni Hestia. Nakakadiri di ba." sabi pa ng isang matandang babae.

"Ang daming naging nobyo, bisaklat na iyan. Hahaha!" natatawang sabi ng lalaki.

Napatingin si Jamal kay Katara, tahimik lang ito. Ang akala ng mga tao sa islang iyon hindi si Jamal marunong magtagalog o makaunawa sa salita ng mga ito, pero mali ang mga ito, dahil alam niya ang bulungan na nadidinig ng malinaw ng kanyang mga tenga.

"Mga matatanda na pero walang pinagkatandaan." sabi ni Jamal sa isip ng makita ang umpukan sa isang mesa na pinag-uusapan si Katara.

"Walang seseryoso sa ganyang mga babae. Pinagpasa-pasahan na ng lalaki. Kahit ako baka tirahan ko lang iyan." sabi ng isang lalaki na ikinakunot noo ni Jamal sabay tingin uli kay Katara.

Napayuko si Katara, hindi niya maalis ang ganoong mind set ng mga pinoy kaya kailangan niya masanay sa lahat ng ibabato sa kanya lalo na at may anak na siya.

....................

April 24. 2023 7.35am

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top