Kabanata 4 : Preacher


Kabanata 4 : Preacher

Isla Verde

Kinabukasan


"Grabe, ang linis niya sa bata pero ang sarili niya hindi siya maayos." sabi ni Katara habang nagliligpit ito sa kuwarto ni Jamal

"Buong araw yata ako maglilinis dito. Tapos ano ito? Ewww." sabi ni Katara ng may makita pang mga damit na ilang araw o buwan na yata na hindi nalalabhan.

Ang araw na ito ang unang araw niya para maging katulong, nakapagligpit naman na siya kahapon sa ibang kuwaro. Ang bahay na iyon ay may apat na kuwarto na malalaki pero ang dalawa ay wala naman laman kaya madali lang sa kanya.

Ang kuwarto naman nila ng anak niyang si Amonia ay madali lang din linisin dahil kaunti lang gamit at hindi makalat ng datnan nila.

Nakapagwalis na rin siya sa ikalawa at unang palapag kanina madaling araw at nakapapunas habang tulog ang baby niya at kanina ngang alas sais pumunta na siya sa kuwarto ni Jamal ng makitang umalis ito ng ganoon kaaga na hindi naman niya tinanong dahil sa isip niya baka nasa farm ang amo niya.

"Matigas na ito ha at saka..." sabi ni Katara sabay amoy sa polo na nakuha s agilid ng drawer.

"Bleurkkk! Amoy anghit." sabi ni Katara na maduwal-duwal.

"Grabe naman arabo ito bakit ganito ang amoy niya." nandidiring sabi ni Katara.


"Hay naku! Sanay naman ako sa amoy ng basura pero ang amoy niya kakaiba. Bakit naman ganoon Lordie?"
sabi ni Katara habang nililinis ang bawat sulok ng kuwarto ni Jamal na may kalakihan din.

"Araw-araw na lang kita lilinisin para hindi pamahayan ng bokbok itong kuwarto mo. Hay naku! Mabuti na lang sementado na dahil kung lawanit ang dingding malamang inanay na dahil sa amoy mo at nanggigitata mong mga nagkalat na damit." sabi ni Katara sa isip habang patuloy na naglilinis.

Bawat sulok ng kuwarto ay sinidiguro ni Katara na malinis at wala siyang maiiwan na kahit anong kalat. Inuna na nga niya ang banyo na ipinagpasalamat niya na hindi naman madumi iyon nga lang makalat si Jamal sa damit nito na kahit nga ang cabinet ng lalaki makalat din at nakabukas pa kanina ng pagpasok niya ng kuwarto nito.

"Uyyy! Grabe naman pati sa ilalim ng kama." sabi ni Katara ng silipin ang ilalim ng kama ni Jamal.


"Para akong nagpupulot ng basura sa kalsada. Mas maganda pa yata magpulot ng kalakal nabebenta ko. Ito lalabhan ko pa."
sabi ni Katara ng pagsilip niya sa ilalim ng kama nakita niya ang mas maraming labahan at nagkalat na gamit ni Jamal.

"Ano ba itong lalaking ito? Ang galing magsalita, malinis at pulido ang sinasabi pero ang gawa ang kalat. Bakit naman ganoon Lord?" sabi ni Katara sabay gapang sa ilalim ng malaking kama ni Jamal para makuha ang mga nagkalat na gamit nito at mga labahan na kakaiba na ang amoy.

Nasa ganoong tagpo si Katara sa ilalim ng kama ni Jamal ng magulat ito.

"Kumain ka na?" sabi ni Jamal habang nakadapa na tila sawa si Katara sa ilalim ng kama niya.

"Ay susmaryosep." sabi ni Katara sa sarili ng magulat kay Jamal.


Sumilip si Katara at nagulat ito ng maghubad ng polo si Jamal at tinapon lang iyon sa sahig. Saka ito nagtungo sa cabinet nito at binuksan iyon.

"Grabe! Ano iyan disposable polo?" sabi ni Katara sa isip ng itapon lang basta ni Jamal sa lapag ang polo nitong pinaghubaran.

"Nagluto ka na ba?" tanong ni Jamal sabay tingin kay Katara na ikinalunok ni Katara ng makita ang malapad na dibdib ng arabo na nasa harapan niya. May pinong buhok ito sa dibdib.


"Langya ka Katara! Isa kang lehitimong malanding Pinay."
sabi ni Katara sa isip sabay iwas ng tingin.

Napakunot noo si Jamal ng makita ang itsura ni Katara. Pawis na pawis kasi ito at nanggigitata na ang damit nito.

"Kanina ka pa ba naglilinis?" sabi ni Jamal ng hindi nagsalita si Katara.


Napatingin si Katara sa malaking orasan na nasa kuwarto ni Jamal at nagulat ito dahil alas dies na ng umaga.

"Hala ang baby ko." sabi ni Katara dahil kanina pa siyang alas sais naglilinis at iniwan ang baby niyang natutulog sa kuwarto nila.

"Ako na pupunta tapusin mo na lang iyan paglilinis mo." sabi ni Jamal na ikinaigtad ni Katara at mabilis itong lumabas sa ilalim ng kama.


"Huwag na ako na."
sabi ni Katara na ikinaiwas niya ng tingin kay Jamal na nagsusuot ng t-shirt nito

Napatingin si Jamal sa kuwarto niya na ilang buwan na niyang hindi nalilinis. Wala naman kasi siyang tiwala kung kani-kanino kaya ganoon ang itsura ng kuwarto niya makalat.

At ngayon napangiti siya dahil kahit ang cabinet niya maayos na ang pagkakasalansan ng damit. Aminado siya makalat siya sa damit.

Napabaling naman ang tingin ni Katara sa tinitingnan ni Jamal.

"Iyong kuwarto mo parang Payatas." sabi ni Katara.


"Payatas?"
kunot noo na sabi ni Jamal.

"Payatas lugar iyon na madumi. Ahmmm! Ang ibig kong sabihin madumi ang kuwarto mo parang basurahan." sabi ni Katara ng maguluhan si Jamal sa sinabi niya.


"Ahhh! Alam ko naman iyon, na madumi ang kuwarto ko."
sabi ni Jamal.


"Bakit hindi mo linisin? Pero sa sanggol marunong ka maglinis."
sabi ni Katara.


"Tao kasi iyon, ito bagay, lugar... kuwarto."
sabi ni Jamal


"May bagay na hindi ka pala alam."
sabi ni Katara.

"Maglinis? Marunong ako kaso busy ako. At saka damit lang ang nagkalat."
sabi ni Jamal.


"Edi kung busy ka lagyan mo ng basket diyan sa tabi tapos doon mo i-shoot. Huwag kang magkalat para walang kalat."
sabi ni Katara.


"Edi walang trabaho ang katulong na tulad mo."
sabi ni Jamal na ikinangisi ni Katara.

"Apat na oras na akong naglilinis ng kuwarto mo sa sobrang kalat tapos malaki pa. Hindi naman sa nagrereklamo ako kaso puwede bang matuto kang mag-ayos ng gamit mo ng sa ganoon mababawasan ng unti ang gagawin ko. Huwag kang mag-alala matutoto ka rin sa sinabi ko." sabi ni Katara na napangiti.

Napatitig si Jamal kay Katara, isang buwan mahigit pa lang ito nakakapanganak kaya hindi pa ito masyado magaling kung tutuusin pero heto at nagtatrabaho na.


"Okay sige. Huwag ka ng pupunta sa kuwarto ko para maglinis. Sa labas na lang."
sabi ani Jamal.

"Uyyy! Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. I mean ang gusto ko lang iparating na maging masinop ka.... malinis." sabi ni Katara ng mag-alala na baka na-offend ang amo niya sa sinabi niya.

"Kaya nga." sabi ni Jamal.


"Anong kaya nga?"
sabi ni Katara


"Susundin kita kaya huwag ka ng pumunta sa kuwarto ko para maglinis dahil ako na ang maglilinis."
sabi ni Jamal


"Ah? Ganoon lang iyon? Susundin mo ako?"
sabi ni Katara na nagtataka.

Lalaki kasi si Jamal at alam niyang mahirap pasundin ang lalaki dahil ganoon ang mga nakarelasyon niya.


"Oo. Madali naman ako kausap at malawak naman ang pang-unawa ko."
sabi ni Jamal

"Wow! Sana all ng amo katulad mo."
sabi ni Katara.

"Tsss! Sige na makakaalis ka na, puntahan mo na ang baby mo." sabi ni Jamal.

"Ang bait mong amo." sabi ni Katara sabay tayo nito at lapit kay Jamal habang hawak pa ni Katara ang walis.

"Iwan mo na iyan, ako ng bahala." sabi ni Jamal.

"Hhmm. Ang bait mo. Pero tama iyan kasi isipin mo magaling ka magsalita pero madumi ang lugar mo. Hindi ba dapat kapag magaling ka magsalita marunong ka rin gumawa. Bago ka mangaral dapat sarili mo muna ang pangaralan mo." masayang sabi ni Katara sabay lapag ng walis at dustpan sa harap ni Jamal.

"Oo, naisip ko rin iyan." sabi ni Jamal

"Talaga?" sabi ni Katara.


"Oo, kasi sabi ko nga marunong naman ako makaunawa at malawak ang isip ko sa mga sinasabi ng tao." sabi ni Jamal.


"Wow! Hukom ka nga."
sabi ni Katara.

"Tsss! Hindi kasi ako bossy na lalaki o iyong tipong dapat lagi masunod. Ako ang tipo ng lalaki na pinag-aaralan ko ang sinasabi ng bawat tao at ang kalagayan nila ay pinagtutugma ko sa kung ano ang sitwasyon nila sa buhay." sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara kay Jamal.


"Grabe sana lahat ng lalaki katulad mo, kaso hindi. Mahirap umunawa ang karamihan o sa una lang tapos next sarili nila uli ang pakikinggan nila."
sabi ni Katara sa isip saka ito napahingang malalim.

Napangiti si Jamal ng titigan siya ni Katara habang nakatayo na ito sa harapan niya at napahingang malalim pa.

"Sa lahat ng relasyon kailan magbalanse ang isa, o kayong dalawa para mas mainam. Kahit ano pang relasyon ang papasukin mo dapat malawak ang pang-unawa mo para magclick kayo. Sa trabaho, bubuing pamilya, magkasintahan, o kahit magkaibigan kailan give and take at kung ayaw ng isa magbigay huminto ka at paraanin mo siya para makamove siya na kahit maiwan ka ang mahalaga naunawaan mo siya kahit hindi ka niya naunawaan." sabi ni Jamal na ikinangiti ani Katara


"Alam mo lahat ng sinasabi mo patama talaga sa akin."
sabi ni Katara.

"Hahaha! Hindi ko intensyon iyon, siguro kaya natatamaan ka kasi may mali ka rin nagawa. Ang buhay ng tao ay parang sponge kapag alam mong may tubig sa lalagyanan mo hihigupin mo pero kapag madami ng tubig mapupuno ka na at sa pagkakataon na iyon may mga tubig na hindi mo mahihigop at iyon ang tinatawag sa buhay na pagmamalabis. Kaya kapag hindi mo kaya itapon mo, o iwan mo lalo na kung hindi niya kayang pumaloob sayo." sabi ni Jamal.

"Ay sobra ka! Abogado ka ba o preacher?" sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal

"Tagahukom ako kaya Bilisan mo at baka magbago ang isip ko." sabi ni Jamal.


"Huwag."
sabi ni Katara saka nito binilisan ang kilos

"Bilis at nagbabago na ang isip ko." nakangiting sabi ni Jamal ng makitang aligaga na si Katara.

"Uyyy! Sandali Sir." sabi ni Katara sabay kuha ng laundry basket.

"Oh! Saan mo dadalhin iyan?" sabi ni Jamal ng bitbitin ni Katara ang malaking basket na may labahan.


"Maglalaba ako after ko magpadede."
sabi ni Katara.

"Okay." sabi ni Jamal pero lumapit ito kay Katara na ikinatigil ni Katara sa akmang pag-alis.


"Bakit?"
sabi ni Katara kay Jamal.


Huminto si Jamal sa harapan ni Katara saka nito tinitigan ang mukha ng dalagang ina.

"Alagaan mo ang sarili mo, para maalagaan mo ang iba." sabi ni Jamal saka nito kinuha ang panyo at pinunasan ang noo ni Katara na pawisan at madumi na dala ng alikabok.

Naumid ang dila ni Katara sa ginagawa ni Jamal ng punasan nito ang noo niya.

"Ang kabaitan hindi mo lang ipapakita sa iisang tao, pero ang kabaitan mo ay may hangganan dapat para hindi ka rin makasira ng iba." sabi ni Jamal na ikinangisi ni Katara.


"Na ginawa ko sa ex ko?"
sabi ni Katara.

"Oo sa lahat ng ex mo." sabi ni Jamal na ikinanlaki ng mga mata ni Katara dahil wala siyang kinukuwento kay Jamal pero mukhang nakakalap na ito ng tsismis sa farm.

"Hahaha! Huwag kang magulat kung alam mong tama ang sinasabi ng tao tungkol sayo." sabi ni Jamal.


"Nagulat ako hindi dahil tama ang sinasabi nila kundi dahil tsismoso ka rin pala at talagang pinagtsitsismisan niyo ako sa farm"
sabi ni Katara.


"Hahaha! Makuwento ang mga pinoy pero karamihan walang aral sa mga buka ng bibig nila. Bagay na mali sa mga Pinoy hindi sila pumupulot ng aral sa mga nakikita nila sapaligid bagkus nagkukuwento sila para sabihin sa mga sarili nila na mas lamang sila sa kapwa nila."
sabi ni Jamal na ikinatahimik ni Katara dahil may punto ang lalaki sa harapan niya.

"Umalis ka na baka hinahanap ka na ng baby mo." sabi ni Jamal ng hindi na umimik si Katara.

"Okay, salamat sa pag-preach mo sa umagang ito." sabi ni Katara saka ito napangiting nagmamadaling umalis na ikinangiti ni Jamal ng magsara ang pintuan ng kuwarto niya.

....................

Hours later

"Dito ka lang anak, maglalaba lang ako." sabi ni Katara ng ilapag ang natutulog na anak sa stroller nito na inilagay niya sa may laundry area.

Napatingin si Katara sa oras alas dose na ng tanghali, nakapagluto naman na siya kaya kampante naman na siya na magagawa ang iba pang trabaho kaso sa nakikita niyang labahan niya sigurado na aabutin siya ng gabi sa dami.

Nagpalit pa kasi siya ng lahat ng kubrekama at nagpapasalamat na lamang siya walang kurtina ang bahay. Iyon nga lang kailangan niya maglinis pa uli bukas dahil maalikabok sa buong kabahayan na may kalakihan din.


"Hayss!"
napahingang malalim na reaksyon ni Kataraa.

"Madami pa akong gagawin." sabi ni Katara na nakaramdam ng pagod.

Lumapit si Katara sa washing machine na ikinangiti niya kahit paano dahil dalawa ang washing machine kaya puwede niyang pagsabayin ang tambak na labahan na mukhang hahatiin niya pa rin sa anim. Ganoon kadami ang labahan niya.

"Okay na rin atleast hindi labang kamay." napangiting sabi ni Katara sabay lagay ng labahan sa loob ng washing machine.

"Pero mas gusto ko sana mangalakal, kaso inaalala kita anak." sabi pa ni Katara habang kausap ang sanggol na natutulog.

"Gusto ko naman maging maganda ang kinabukasan mo kaya kahit na namimiss ko ng mangalakal siyempre ikaw na ang priority ka. Mag-iipon ako para naman maibigay ko sayo ang lahat ng pangangailangan mo." sabi pa ni Katara sabay sulyap sa anak.

"Mahihirapan ako itaguyod ka." sabi ni Katara.

Napahingang malalim si Katara habang iniisip ang future ng anak niya, hindi niya kasi tinanggap ang sustento galing sa pamilya ng ama ni Amonia. Iniwan niya ang atm sa kama niya sa hospital. Wala din siya kinuhang pera o cash na iniabot ng lola ni Amon.

"Ayoko umasa sa iba. Kaya magtatrabaho ako at kahit katulong o vendor papasukin ko kasi wala naman akong alam na ibang trabaho. At ngayon ko na-realize na sana nakapagtapos ako ng pag-aaral." sabi ni Katara habang naglalagay na ng powder detergent sa washing machine.


"Mag-aral ka uli."
sabi ng tinig na ikinaigtad ni Katara


"Aysus naman! Puwede bang magparamdam ka muna bago ka magsalita. Nakakagulat ka. Kahit katok lang sana okay na para hindi ako atakihin ng kaba."
sabi ni Katara na muntikan pa niyang malaglag ang hawak na bote ng sabon sa gulat.

"Ang dami mong iniisip, tatanda ka niyan ng maaga. Magkakasakit ka. Ang sobrag pag-iisip nakakahighblood at nakakastress na puwede kumitil sa buhay mo. So, paano ang anak mo?" sabi ni Jamal

"Ito naman kinakausap ko lang ang anak ko sa mga dapat na ginawa ko sa buhay noong bata pa ako, at mga bagay na mali na pinagsisisihan ko. Tulad ng hindi ko pag-aaral kahit na puwede naman. Hindi ko pagpatos sa opurtunidad ng may kumatok at mag-alok na mag-aral ako." sabi ni Katara habang pinapaikot na ang washing machine.

"Sa dami mong hindi nagawa sa buhay mo, magiging dahilan ba iyon ng failure mo sa future?" sabi ni Jamal saka ito sumandal sa sink ng laundry na ikinatingin ni Katara dito.

.........

April 23. 2023 8.42am

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top