Kabanata 36 : Pangarap

Kabanata 36 : Pangarap

El Paradiso


"Ang galing, madali kang matuto." sabi ng Propesor kay Katara ng magawa ni Katara ang troubleshooting sa araw na iyon.

"Kailangan po kasi, Sir." napangiting sabi ni Katara sa Propesor niya na naging kaklase niya noong elementary days niya.

"Sabagay, ako din kasi kumuha ako ng kursong magagamit ko talaga dahil sa panahon ngayon malaki ang gagastusin mo sa pagpapaayos ng appliances. Lalo na ang mga gadgets kaya naman wala akong pinalagpas. Sayang din ang kita, biruin mo makakatulong na sayo makakapagbigay pa ng kita mo." sabi ni Kiel na ikinangiti ni Katara.

"Ngayon ko lang naisip iyan, o siguro kasi naisip ko noon ang basura hindi nawawala at sa pagdaan ng panahon dumadami pa ito kaya hindi ka maghihirap sa basura. Iyon pala hindi ka makakaahon sa basura." natawang sabi ni Katara.

"Hindi pa naman huli ang lahat, sa pag-aaral ko nga at pagbabasa nalaman ko karamihan sa mga naging matagumpay ay mga taong nasa age na hindi mo aakalain. Matatanda na." sabi ni Kiel.

"Ako naman kasi hindi ko hangad na maglagay ng business. Ang totoo wala akong pambayad sa pag-aayos ng electricfan na sira kaya naisipan ko mag-aral na lang." sabi ni Katara na ikinangiti ni Kiel.

"Ayos talaga ang utak mo eh, 'no. Kahit dati ganyan ka na talaga." sabi ni Kiel

Magkaklase ang dalawa noong mga bata pa sila, at si Katara ang tipo ng estudyante na hindi pumapasok sa eskuwela dahil mas gusto nito mangalakal ng basura. Habang ang lahat nagkakantahan sa paaralan si Katara namumulot ng basura sa labas ng paaralan.

"Hindi mo naman kailangan magbago, sapat ng matuto ka kasi kailangan mo." sabi ni Katara.


"Hanep! Ikaw nga si Katara."
sabi ni Kiel sabay tingin sa relo.

"Tapos na ang klase, puwede na kayong umuwi." sabi ni Kiel sa mga estudyante niya.


"Sandali, baka may gusto bumili ng itlog."
sabi ni Katara sa mga kaklase na ikinatawa ng mga ito.

"Hahaha! Magkano ba?" sabi ng isang lalaking tulad ni Katara pinatos ang programa ng gobyerno para magkaroon ng kaunting edukasyon.


"240 na lang isang tray large na iyan."
sabi ni Katara sabay turo sa labas kung nasaan ang pedicab niya na may karga pang ilang tray ng itlog.

"Ako bibili ako, para sa burger business ko." sabi ng isang ginang na isa ring estudyante.

"Sige." sabi ni Katara ng may bumili dito.

"Ako din Katara, pang-agahan mas mura itlog." sabi ng isa pang babae.

"Okay sa labas na tayo." sabi ni Katara na nagpatiuna lumabas.

Mula sa labas ng maliit na eskuwelahan na iyon nakatunghay si Amon mula sa kotse nito.

Lumabas si Katara kasunod ng iba matapos ang tatlong oras na pag-aaral ng mga ito. Dumeretso si Katara kasunod ng iba sa pedicab at nagsibilihan ng itlog na tinda ni Katara.

"Ang laki na ng tiyan mo, kabuwanan mo na ba?" sabi ng isang lalaki kay Katara.


"Hindi pa."
nakangiting sabi ni Katara habang nagbebenta ng itlog.

"Nagpepedicab ka pa? Aba! baka maaksidente ka." sabi pa ng isang lalaki

"Nag-iingat naman ako at saka kailangan ko ito para sa panganganak ko." sabi ni Katara.

"Kailan ba uuwi ang asawa mo?" sabi ng isang babae na alam na nasa ibang bansa ang asawa ni Katara.


"Hindi ko alam, pero sana makauwi."
napangiting sabi ni Katara.

"Sana nga kasi kawawa ka naman." sabi ng ikalawang babae.

"Kawawa kapag nakakulong." birong sabi ni Katara na ikinalunok ni Amon ng marinig mula sa kaunting bukas ng bintana niya ang sinabi ni Katara.

"Sabagay, mukhang masaya ka naman." sabi ng ikatlong babae habang kinukuha na ang pinamili nitong itlog kay Katara.

"Mas masaya ako kapag pinakyaw niyo lahat ang tinda ko." nakangiting sabi ni Katara.


"Ako na papakyaw ng tira."
sabi ni Kiel na ikinangiti ni Katara


"Uyyy! Bagong sahod?"
sabi ni Katara.


"Oo. At tulong ko na rin sayo."
sabi ni Kiel.


"Sir, may asawa na iyan at buntis."
birong sabi ng isang lalaki na estudyante ni Kiel.


"Hahaha! Kayo talaga, tulungan natin si Katara para makauwi na siya."
sabi ni Kiel.

"Nakabili na ako sa uulitin Katara." sabi ng babaeng may negosyong burger house.


"Salamat sa inyo."
sabi ni Katara ng maubos ang natira niyang itlog na benta.

"Walang anuman Katara. Sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo." sabi ng isang lalaki na ikinangiti ni Katara.

"Makakauwi na ako na wala ng bitbit na tinda. Makakauwi na ako ng maaga sa baby ko." nakangiting sabi ni Katara habang mahigpit nitong hawak ang perang napabentahan ng itlog.

"Sige, mag-ingat ka Katara." sabi ng mga kaklase ni Katara na ikinatango ni Katara.

"Maraming Salamat uli." sabi ni Katara.

Nang magsialisan ang mga kaklaseni Katara napangiti ito pero akmang sasakay ito sa pedicab ng magsalita si Kiel.


"Kumain muna tayo, libre kita."
sabi ni Kiel na ikinatingin ni Katara.

Napangiti si Katara saka ito umusal.


"Salamat na lang Sir Kiel. Uuwi na ako sa amin baka gabihin ako, hinhintay ako ng baby ko at saka tatawag pa si AJ." sabi ni Katara.

Napakunot noo si Amon sa sinabi ni Katara.

"Close pala kayo ni Aj." sabi ni Kiel.

"Siya ang nagbabantay sa asawa kong nagpapagamot." masayang sabi ni Katara na ikinangiti ni Kiel.

"Ahhmm! Mabuti hindi mo nakikita si Amon kay Aj? Hindi ba nagseselos ang asawa mo?" birong sabi ni Kiel.


"Maraming nagsasabi niyan kahit ang asawa kong si Jamal tinatanong kung hindi ko ba nakikita si Amon kay Aj, pero isa lang ang sagot ko lagi, malaki ang pagkakaiba ni AJ at Amon at sa paglipas ng mga araw nalaman iyon ni Jamal. Mahal ko si Jamal at alam niyang kahit kasama ko si Aj ng buong taon sa iisang kuwarto hindi ako magloloko."
natawang sabi ni Katara.


"Mukhang masaya ka sa asawa mo?"
sabi ni Kiel.


"Mabait si Jamal, saka guwapo. Magaling din siya."
sabi ni Katara na biglang namula ang mukha sa nasabi.

"Hahaha! Ikaw talaga. Umuwi ka na nga." sabi ni Kiel ng iba ang meaning ng sinabi ni Katara sa huling sinabi nito.

"Hahaha! Magaling siya mag-alaga, iyon ang ibig kong sabihin." sabi ni Katara.


"Bakit ka namula at natigilan?"
pilyong sabi ni Kiel.


"Kasi iba ang bagsak kaya baka iba ang maunawaan mo sa sinabi ko."
sabi ni Katara.

"Na ikaw ang nakaunawa ng ibang maaaring kahulugan." pilyong natatawang sabi ni Kiel.

"Hahaha! Oo nga eh no."
natawang sabi ni Katara sabay sakay sa pedicab nito.

"Mag-ingat ka sa daan, hindi na ako magpipilit na ihatid ka." sabi ni Kiel.

"Kahit magpilit ka hindi rin ako papayag, kasi ayoko ng isyu na baka makarating kay Jamal."
sabi ni Katara na ikinangisi ni Amon ng marinig ang sinabi ni Katara.

.....................

Months Later

Isla Verde

"Nahihirapan na ako kumilos." sabi ni Katara habang nasa ikapitong buwan na ang tiyan nito.

Nasa kuwarto ng umagang iyon si Katara, ang anak niya ay hiniram kahapon pa ng lolo Steven nito kaya nag-iisa lang siya sa bahay.

Napatingin si Katara sa cellphone na nasa side table kinuha iyon ni Katara at sinimulan tumipa.

"Isang linggo, at ang sabi ni Aj pauwi na si Jamal." sabi ni Katara dahil mula kay AJ nalaman niyang magaling na si Jamal sa ilang buwan na paggamot dito.

Pero mula ng gumaling si Jamal hindi pa ito tumatawag sa kanya at ang sabi ni Aj nasa recovery section pa ito.

"Ito ang binigay na number ni AJ, sana hindi siya busy." sabi ni Katara sabay pindot ng call button at tinapat sa tenga niya.

Ilang sandali lang nagring ang kabilang linya.

"Sana may sumagot." sabi ni Katara sa isip ng marinig ang ilang pagring.

"Lord, sana may sumagot na." sabi ni Katara at ilang saglit lang pamilyar na tinig ang narinig ni Katara.

"Aj." mahinang sabi ni Katara.


"Hello, Katara?"
sabi ni Aj sa kabilang linya na may pagtataka sa tinig sa pagtawag ni Katara.

"Oo. Nandiyan ba si Jamal? Puwede na ba siya makausap?" sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Aj.

"Si Jamal, umuwi siya last month pa. Hindi pa ba umuuwi diyan?" sabi ni Aj.

"Ahhh. Ganoon ba." sabi ni Katara na nakaramdam ng hiya.


"Oo, noong sinabi kong nasa recovery room siya magaling na siya nun. Siya lang nagrequest na gusto niya magpahinga. Kaya iniwan namin sa kuwarto niya."
sabi ni Aj na natahimik.


Natahimik din si Katara sa kabilang linya kaya nakaramdam ng kakaiba si Aj.

"Hindi ka ba niya tinatawagan?" biglang sabi ni Aj matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Ahh. Tinatawagan, niya ako." sabi ni Katara na halatang nagsisinungaling ito dahil sa pagpiyok ng boses.

"Ahmm. Okay." sabi ni Aj.

"Salamat Aj." sabi ni Katara sabay baba ng tawag na hindi man lang naitanong kung nasaan na talaga si Jamal.


Napahawak si Katara sa tiyan niya, ilang buwan din niyang hindi nakita ang asawa. Ilang buwan na ito magaling base sa kalkulasyon niya ngayon.

"Baka natauhan." sabi ni Katara saka ito napahingang malalim sabay haplos sa tiyan niya na dalawang buwan na lang ilalabas na niya.

"Anong oras na ba?" sabi ni Katara sa sarili saka nito tiningnan ang oras sa cellphone niya.

"Alas diyes na puwede pa magtinda." sabi ni Katara saka ito tumayo.

Pagkatayo ni Katara napatingin ito sa tiyan niya.

"Ang bigat mo naman baby, ang laking bulas mo siguro. Pero sabagay malaking tao ang tatay mo. Sino kaya kamukha mo?" sabi ni Katara saka ito napahingang malalim at naglakad papuntang kusina.

Pagdating sa kusina napatigil si Katara at pinagmasdan ang palaigid.

"Ilang buwan na ako nag-iisa. Namimiss ko na si Jamal." sabi ni Katara saka ito napaluha.

"Pero kailangan ko kayanin, dapat handa na ako kapag nawala din siya." sabi ni Katara saka nito pinunasan ang luha at nag-ayos ng mga lutong ulam.

"Hindi na ako nakakapasok. Sayang naman kaunti na lang sana graduate na ako. May certificate na sana ako na katibayan na may alam na ako." napangiting sabi ni Katara.

Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa paaralan dahil hirap na siya magbiyahe. Ayaw naman niya pilitin at natatakot siyang mawala ang anak niya.

Napatingin muli si Katara sa tiyan niya saka iyon hinaplos.

"Kaya ko, kakayanin ko." sabi ni Katara saka ito napahingang malalim muli dahil habang tumatagal kahit ang paraan ng paghinga niya nahihirapan na din siya lalo na kapag magalaw ang anak niya na nasa sinapupunan niya.

....................

El Paradiso

"King, nakauwi na po siya." sabi ng tauhan kay Amon.


"Talaga?"
sabi ni Amon.

"Yes King, confirmed base sa mga dumating kaninang madaling araw." sabi ng tauhan.


Napangisi si Amon, lingid sa kaalaman ng lahat gumawa siya ng paraan para makita ni Jamal ang mga larawan ni Katara kasama ang professor nito bukod doon pinalabas niya na may ibang nanliligaw kay Katara at kung sinusuwerte nga naman si Amon nasaktuhan pa ng tauhan niya na may pinapasok si Katara sa bahay ng mga ito na lalaki.

"King, may kasamang babae si Ministro." sabi ng tauhan.

"Okay, hayaan natin siya." sabi ni Amon dahil mula sa tauhan niya ng makita ni Jamal ang mga larawan nagalit ito ng hindi alam ni Aj.

Napatingin ang tauhan kay Amon, magaling ang amo niya at nakahanap ito ng espiya sa loob ng lab kung saan nagpapagamot si Jamal.

....................

Hours Later

Isla Verde

"Natapos din." sabi ni Katara ng maibenta ng mabilis ang mga lutong ulam.

"Suwerte ka talaga." sabi ni Katara sa anak, dahil alam niyang kaya mabilis na nabili ang mga lutong ulam dahil naaawa sa kanya ang mga customer niya. Ayaw naman kasi niyang magtinda lamang sa labas ng bahay nila dahil totoo ang sinabi ni Amon, walang masyadong bumibili dahil tinatamad ang mga tao lumabas sa init ng araw sa isla.

"Pupunta na tayo sa poultry para makakuha ng itlog na maibebenta. Dito lang tayo Isla Verde maglalako para hindi tayo matagtag." sabi ni Katara saka ito inayos ang sarili para magpedal ng pedicab papunta sa poultry farm.

...................

El Paradiso.


"King, nakakonekta na po."
sabi ng tauhan kay Amon sabay bigay ng laptop ni Amon matapos ikonekta ang spy cam na nakakabit sa Secret Agent nito na nasa Isla Verde.

"Okay akin na. Manmanan natin ang asawa ng Ministro." sabi ni Amon na halatang tuwang tuwa ito sa nagaganap sa hindi pagpapakita ni Jamal kay Katara mula ng gumaling ito.

................

Isla Verde

Poultry Farm

One Hour Later

"Hindi ako puwede kumuha? Pero bakit? Nabebenta ko naman at nauubos." sabi ni Katara sa pinagkukuhanan niya ng itlog na ipagbebenta.


"Bawal ka daw kumuha."
sabi ng tauhan.


"Ako? Pero matagal na ako kumukuha sa inyo, at saka buo naman ang bayad ko. Wala rin basag."
sabi ni Katara na sa pagod niya tila gusto niya umiyak ng malaman hindi rin pala siya makakabenta ng itlog na pandagdag sana sa panggastos sa panganganak niya.

"Iyon kasi ang utos, o baka kasi buntis ka kaya hindi puwede kasi baka mapaano ka at sisihin pa kami." sabi ng tauhan na napaiwas ng tingin sa awang naramdaman kay Katara.

Madalas si Katara sa poultry at sa lahat ng naglalako ito lang ang maganda magtrabaho para sa kanya dahil buo ang binibigay nitong pera at walang basag ang itlog na binabalik nito kung merong natitira sa tinda nito, na kadalasan wala rin naman natitira dito.

"Kahit sampung tray lang." sabi ni Katara na dala ng pagod niya hindi niya napigilan lumuha.

"Pasensya ka na, wala ako maibibigay." sabi ng tauhan na ikinaluha nga tuluyan ni Katara.

"Kahit limang tray lang." sabi ni Katara habang lumuluha kahit alam niyang wala naman kita sa limang tray.

"Umuwi ka na lang baka pagod ka na, kawawa ang baby mo." sabi ng tauhan ng poultry.

"Please kahit limang tray lang." pagmamakawang sabi ni Katara.

....................

El Paradiso

Napatiim ng bagang si Amon habang napapanood ang tauhan ng poutry at si Katara na umiiyak sa pagmamakaawa nito.

"Alamin niyo kung sino ang may-ari ng poultry," sabi ni Amon sa tauhan.

"Yes king." sabi ng tauhan pero akmang na kikilos ito para tumawag ng mahinto ito ng makita ang susunod na pangyayari sa pinapanood ni Amon.

.................

Isla Verde

"Sinong nagpaiyak sayo?" sabi ng tinig na ikinasigok lalo ni Katara.


"Nagugutom na yata ako, iba na iyong tono ng boses ng naririnig ko."
mahinang sabi ni Katara.

"Sino?" sabi ng tinig na ikinatingin ng tauhan dito habang si Katara nakatalikod sa may-ari ng tinig dahil nakaharap ito sa tauhan ng farm.

"Limang tray lang ibebenta ko lang." sabi ni Katara.


"Ang baba nun."
sabi ng tinig habang hindi pa rin humaharap si Katara dito.


"Okay lang para hindi sayang ang pagpunta ko. Ang layo ko pa kasi. Pakuhanin niyo na ako kahit limang tray lang para sana pagbalik ko o pag-uwi may dala ako na ibebenta ko sa daan."
lumuluhang sabi ni Katara pero nagulat ito ng may humawak sa braso niya at bigla siyang hinarap.


"Sayo na ang farm no need na para magbenta ka dahil may gagawa na nun."
sabi ng may-ari ng tinig na ikinagulat ni Katara.

..........

Infinity Island

Days Ago

"Bakit ka nandito?' sabi ni Red ng makita si Jamal sa Heather Island

"Nagpapalamig." sabi ni Jamal ng hindi inaasahang makikita ang batang babae. Ang alam niya kasi nasa Heather Island ito nag-aaral.

"Bakit hindi ka umuwi sa asawa mo?" sabi ni Red na ikinatingin ni Jamal kay Red.

Nilapitan siya ng batang babae sa isang beach resto sa islang iyon at nakuha pa ng batang babae umupo sa harapan niya sa mismong mesa niya.

"Kung magsalita ka para ka ng matanda." sabi ni Jamal na natawa sa batang babae na napakaganda sa paningin, namumula pa kasi ang pisnge nito at ang mga mata nakakaakit. Ang mukha nito o kabuuang itsura ay tila human doll. Ang buhok na bahagyang wavy o kulot ba iyon tulad sa manika ay nagpadagdag sa ganda ng batang babae.

"Hinihintay ka niya." sabi ni Red na ikinaseryoso ni Jamal.


"Hindi siguro."
sabi ni Jamal na ikinangiti ni Red.


"Huwag mong ulitin ang pagkakamali, para hindi ka magsisi."
sabi ni Red na ikinangisi ni Jamal.


"Anong alam mo bata?"
sabi ni Jamal.


"Bata pa nga ako, pero sa nakikita ko mas bata ka mag-isip. Nalason ka lang tila nawala ka sa tamang pag-iisip ministro. Hindi puwede iyan bilang tagahukom."
sabi ni Red na ikinatahimik ni Jamal.

Napangiti si Red saka ito tumayo at muling nagsalita.


"Mabuti nakita kita, siguro tadhana ang nagdala sa mga paa ko para pumunta sa restaurant na ito. Magkaiba tayo ng paniniwala, iba man ang katawagan sa sinasamba mo sa sinasamba ko tandaan mo ang sinasamba natin ay kabutihan at katotohanan na dapat natin isipin at gawin ang aral na tinuturo ng koran at ng bibliya."
sabi ni Red saka ito kinuha ang juice ni Jamal.


Ang akala ni Jamal iinumin iyon ni Red ng iangat iyon ng batang babae pero hindi, dahil ginalaw lang nito ang straw at tila hinalo ang juice ng paikutin ang straw sa loob ng baso.


"Bilang tagahukom, kailangan mo maging pantay sa lahat at ganoon din sa juice na kailangan haluin mo para pantay at masarap. Hindi ko alam kung anong naisip mo bakit ka nag-iisa dito, kahit na may asawa ka na, na naghihintay sayo.

Ministro, huwag kang hangal sa pagkakataon na binigay sayo ng Maykapal." sabi ni Red saka ito tumalikod at patakbong umalis.

.....

Isla Verde

Napangiti si Jamal saka nito niyakap si Katara.

"Late ako, iba kasi ang epekto ng gamot sa akin hindi ako nakapag-isip ng maayos." sabi ni Jamal na ikinaluha lalo ni Katara habang nakatitig sa mukha ni Jamal.

..............

El Paradiso


"Fuckkkk!"
malakas na sigaw ni Amon na ikinagulat ng tauhan nito na napaatras.


"Bakit hindi niyo nalaman?"
sigaw ni Amon na ikinatahimik ng tauhan nito at ng iba na nasa pintuan ng opisina nito habang nagbabantay.

Walang sumagot kaya mabilis na kinuha ni Amon ang baril nito na ikinagulat lalo ng mga tauhan nito.

"Mga inutil!" sigaw ni Amon pero akmang ikakasa nito ang baril ng magsalita si Katara.

..................

Isla Verde

"Huwag mo akong iiwan Jamal. Huwag ka naman magbabago." umiiyak na sabi ni Katara habang nakatingala ito kay Jamal na nakayakap sa baywang niya ang mga kamay ni Jamal.

...............

El Paradiso

Napatingin si Amon sa pinapanood nito saka nito inilapag ang baril sa mesa ng makitang hinawakan ni Katara ang mukha ni Jamal.

..............

Isla Verde

"Namiss kita. Gabi-gabi nagdadasal ako sana bumalik ka, sana okay ang lahat paggising mo." umiiyak na sabi ni Katara habang nakatitig si Jamal sa asawa.

"....tuwing umaga paggising ko, masaya ako kasi ikaw ang inspirasyon ko na darating ka isang araw at yayakapin mo ako." napasigok na sabi ni Katara.

"Mabait si God sa akin kasi sabi ko sa kanya, sana dumating ka bago ako makapanganak para may katabi ako tulad ng pagtabi mo sa akin sa unang anak ko." humagolhol na sabi ni Katara.


"Bakit ka umiiyak?"
sabi ni Jamal na pinipigilan halikan ang asawa sa pananabik niya dito makita uli.

"Ayoko na kasi managinip lang na kasama kita araw-araw, gabi-gabi. Ayoko na rin bangungunitin na baka bigla ka rin mawala tulad ng iba.

Gusto ko mangarap at ngayon ang pangarap ko ay hindi makakita, makakilala o makasama ang lalaking mamahalin ako sa simpleng gusto ko." sabi ni Katara.


"Ano ng pangarap mo?"
sabi ni Jamal sabay punas ng luha sa mata ni Katara.

"Ang pangarap ko ngayon ay ang mayakap ka na uli. Ang sabi ko kay God magiging mabait ako, hindi ako aangal kung anong hirap, kung gaano kahirap basta sana tuparin niya ang wish ko, ang pangarap ko...

.... ang mayakap ka uli." umiiyak na sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal ng haplusin ng mainit na palad ni Katara ang mukha niya na halatang nanabik ito sa kanya.

.................

El Paradiso

Napahinto ang lahat ng hindi na nagsalita si Amon habang lumuluha ito nakatingin sa pinapanood nito.

................

Isla Verde

"Pero mukhang mayakap lang ang matutupad." sabi ni Katara.


"Bakit naman?"
sabi ni Jamal.

"Hindi ang makasama, kasi ang tagal mo na daw magaling pero hindi ka nagpakita o nagparamdam. Kaya baka makayakap lang ang matupad. Natatakot ako, baka wala iyon makasama." napaiyak na malakas nasabi ni Katara na ikinayakap ng mahigpit ni Jamal dito.


"Jamal, huwag mo akong iwan. Kahit iwan na ako ng lahat huwag ka lang at ang mga anak ko. Kahit hindi ko na matapos ang pag-aaral ko basta matupad lang ang simpleng pangarap ko, at hiling ko. Ang mayakap ka at makasama ka."
sabi ni Katara sabay yakap ng mahigpit kay Jamal at nagawa pa ni Katara isubsub o isiksik ang ulo nito sa dibdib ni Jamal.

.................

El Paradiso

"Sinong nakialam sa plano ko? Hanapin niyo." madiin na sabi ni Amon habang lumuluha ito.

Napatingin ang mga tauhan nito sa isa't isa ng makita ang galit sa mukha ng amo habang lumuluha ito.

.......................

Isla Verde

"Your wish granted." napangiting sabi ni Jamal saka ito sumenyas na ikinatigil ni Katara ng umingay ang paligid hindi sa mga tao kundi sa ingay ng mga manok.

Hinalikan ni Jamal ang ulo ni Katara habang magkayakap sila saka ito bumulong habang nakalapat ang labi ni Jamal sa ulo ni Katara.

"Pakakasalan kita uli, at sa panahon na ito gagawin ko ang kasal na nararapat para sayo." sabi ni Jamal sabay alis ng kamay sa pagkakayakap kay Katara.


"Huwag mo akong iwan."
sabi ni Katara na mahigpit na niyakap si Jamal ng bumitaw ito sa yakap. Napapikit ng mariin si Katara sa bangungot na ayaw niyang maganap at iyon ang pag-iwan ni Jamal sa pagbitaw ng yakap nito sa kanya.

Napangiti si Jamal saka nito hinawakan ang mukha ni Katara na ikinaangat ng ulo ng asawa.


Napatingala si Katara saka ito napamulat ng mga mata.

Nagsalubong ang mga mata ng dalawa na ikinangiti ni Jamal.


"Pakakasalan kita, after mo manganak. Ako ang kasama mo kapag nilabas ang baby natin. Ipagpapatuloy natin ang pangarap mo, na pangarap ko na rin....."
masuyong sabi ni Jamal na ikinalunok ni Katara.


".....mahal kita. Minsan sa isang relasyon may panahon magkakaroon kayo ng doubt. Tipikal iyon sa lahat pero ang mahalaga doon walang bumitaw kundi sabay niyong pinag-aralan sa magkaibang aspeto kung bakit nagkaroon ng doubt.

Ang doubt minsan akala mo wala ng love kasi ang doubt may galit, may sakit na madarama. Pero salamat sa isang tao, at napatunayan ko sa pagsubok sa buhay kahit sa isang relasyon kailangan mo makinig para maliwanagan ka." sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara sa mga mata ni Jamal.


".....walang perpekto, sa relasyon may away na nagaganap, may tampuhan dahil may pagdududa pero sa huli kailangan mo alamin ano bang pinagmulan ng relasyon?"
sabi ni Jamal.


"Love."
sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"Tama, pagmamahal. Mahal kita, mahal mo ako kaya ang sitwasyon ang bubuo sa atin sa matibay na samahan," sabi ni Jamal sabay lapat ng labi sa labi ni Katara na ikinatingin ng mga tauhan ng poultry sa dalawa.

...............

El Paradiso

"Tama na iyan." sabi ng tinig na ikinatingin ng mga tauhan ni Amon sa may-ari ng tinig.

Hindi tumingin si Amon habang nakatitig lang sa screen ng laptop nito at pinapanood ang dalawang nilalang na ngayon ay humihiwa sa dibdib niya.

"Umalis na kayo, ako ng bahala." sabi ng tinig na ikinatingin ng lahat sa isa't isa.

Napangisi ang may-ari ng tinig ng hindi siya sundin ng mga tauhan ni Amon.

"Okay, ibibigay ko lang ito at ako na lang ang aalis." sabi ng may-ari ng tinig saka ito lumapit sa mesa ni Amon na nakatutok pa rin sa laptop nito at nakatunghay sa halikan ni Jamal at katara


Pagkahinto ng may-ari ng tinig sa harapan ng mesa ni Amon nilapag nito ang card saka umusal.

"Imbitado ka sa kamatayan mo." sabi ng tinig saka ito tumalikod at umalis na tila hangin lamang itong dumaan.

"Will you marry me again, Mrs Katara Haram?" sabi ni Jamal habang nakatutok si Amon sa screen.

"Yes, Mr Jamal Haram. I love you." sabi ni Katara saka nito iniyakap ang kamay sa leeg ni Jamal at ito mismo ang humalik sa asawa.

Napatiim ng bagang si Amon saka nito tiningnan ang card na inilapag ng may-ari ng tinig kanina.

"Hindi lang ako makakaramdam ng kamatayan, AJ." lumuluhang sabi ni Amon habang nakatingin sa card na inilapag ni Aj sa mesa niya. Invitation ng kasal ni Katara at Jamal.

..................

May 8. 2023 7.55pm

Fifth Street

Good Night

Few Chapters Left

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top