Kabanata 35 : Kasiyahan
Kabanata 35 : Kasiyahan
Napahingang malalim ang matandang lalaki saka ito nagpatuloy sa ginagawa at muling umusal ng titigan lang siya ni Amon.
"Ang lalaki nagtatrabaho para makita ng lahat na isa siyang haligi, pero ang babae nagtatrabaho para ilawan ang mga mahal niya. Anong pagkakaiba? Pagmamahal.
Magkaiba kasi ang paraan ng pagtatrabaho ng lalaki sa babae kahit saan anggulo mo tingnan." sabi ng matandang lalaki.
"Para mo naman sinabi na nagtatrabaho tayo kasama mo bilang lalaki para makita ng lahat na angat tayo." mapanuyang sabi ni Amon.
"Kahit anong sabihin sayo, wala kang maunawaan kasi may kulang sayo at iyon ang sobrang kapanatagan. Gumising ka, dahil hindi lahat ay nasa kamay mo." sabi ng matandang lalaki sabay tingin kay Amon.
".....natutuwa ako dahil nakakita at nakahanap si Katara ng lalaking bagay sa kanya at hindi ikaw iyon. Mabait na babae ang ex-wife mo, kaya niyang saluin lahat ng sakit at hirap para sa mahal niya na tingin ko hindi mo nakita kaya naman nawala ang taong kayamanan mo na sana, pero tinapon mo pa." sabi ng matandang lalaki.
"Hindi ako pumunta dito para sermunan mo. Nandito ako para sabihin sayo, tigilan mo ang pagtulak kay Katara sa ganitong negosyo. Hindi siya bagay dito." sabi ni Amon.
"Saan siya bagay? Bilang modelo, bilang tagapagsalita ng kompanya, o bilang babae na nasa tabi lang ng asawa niya? Huh! Katulong ang hanap mo kaya naman pala hindi siya nanghinayang na iwan ka." sabi ng matandang lalaki ng biglang ihagis ni Amon ang hawak nitong makina at kinuwelyuhan ang matandang lalaki.
"Huwag mo akong pagsabihan dahil hindi kita lolo, at wala ka sa lugar para sabihan ang tulad ko." sabi ni Amon.
Nnakabawi sa gulat ang matandang lalaki saka ito umusal kahit na nasasaktan ito sa paghawak ni Amon sa kuwelyo niya na ikinasasakal niya
"Hari ka di ba? Pero wala sa awra mo. Ang titulo lang ang nakuha mo hindi ang ugali bilang hari. Umalis ka na Amon, dahil tingin ko hindi ka rin gusto makita ni Katara.
O kung gusto mo siya hintayin, puwede naman para makita natin kung kaya ka niyang tingnan matapos ang mga ginawa mo sa mag-ina mo." sabi ng matandang lalaki.
"Nagkukuwento siya sayo?" sabi ni Amon na napatiin ng bagang.
"Hindi mo nga kilala si Katara bilang transparent na tao. Kahit hindi siya magkuwento nababakas sa awra niya, sa kilos niya, sa paraan ng pananalita niya ang bawat karanasan na naganap sa kanya. Masanay ka sa multo mo Amon, dahil darating ang araw kakainin ka nito ng buo." sabi ng matandang lalaki
"Fuck!" sabi ni Amon saka nito tinulak sa upuan ang matandang lalaki na ikinaigik ng matandang lalaki ng tumama ang ulo nito sa kanto ng mesa.
"Amon!" sigaw ng tinig na ikinatiim ng bagang ni Amon.
"Bastos ka! Kaya hindi na ako magtataka o kahit ang pamilya mo kung anong buhay meron ka. Mataas pero walang kulay. Nasa tuktok pero walang kinang." sabi ng matandang lalaki kay Amon, sabay baling ng tingin nito sa nagsalita kanina.
"Sorry sa ginawa ng anak ko." sabi ni Autumn saka nito dinaluhan ang matandang lalaki na kaedaran na yata ng lolo Steven niya.
"Huwag na, Autumn. Kaya ko ang sarili ko ang akayin mo ang anak mo daig pa niya ang PWD sa inaasal niya." nakangising sabi ng matandang lalaki saka ito paikang tumayo na ikinabaling ng tingin ni Autumn kay Amon.
"Tsss! Ang dami niyo kasing nakikialam kaya ang kulay ng buhay ko nawawala." sabi ni Amon saka ito tumalikod at naglakad, sa pag-alis nito nagawa pa nitong tadyakan ang mga sirang appliancess na nasa daraanan nito.
Napahingang malalim si Autumn sa ginawa ni Amon saka ito bumaling sa matandang lalaki na nakaupo na sa upuan at nagkukumpuni na muli.
"Sorry ho." sabi muli ni Autumn na ikinangiti ng matandang lalaki.
"Ang pagkakamali ng anak ay hindi pagkakamali ng magulang. Kahit anong buti ng magulang nasa anak iyon kung paano niya bubuuin at gagawin ang sarili niya.
Tayong mga magulang ay gabay lamang pero nasa tao o anak natin kung ang gabay na gagawin natin ay susundin niya o itatapon niya. Sa kondisyon ni Amon, siya ang bumuo sa sarili niya na walang sinunod kahit isa. Mahahalata mo iyon sa isang tao lalo na kung wala siyang sariling kasiyahan." sabi ng matandang lalaki.
Hindi nakaimik si Autumn pero napabaling ang tingin nito sa ginagawa ng matandang lalaki.
Nang hindi umimik si Autumn napangiti ang lalaki saka umusal
"May pagkakapareho nga kayo, kaya hindi ako magtataka kung anak mo siya at hindi ni Dr Ash na kapatid mo. Totoo nga ang kasabihan kung sinong puno siyang bunga dahil tulad mo mukhang may sarili siyang batas na sinusunod." sabi ng matandang lalaki sabay tingin kay Autumn.
Hindi lalo nakaimik si Autumn ng makita ang pasa ng matandang lalaki ng maumpog ang noo nito sa mesa kanina ng itulak ito ni Amon.
"Inggit, ugaling mahirap alisin dahil hindi ito namamana ito ay tila kabute na tumutubo na lang basta, daig ito ng damong ligaw na may buhay na kahit na may pagmamahal at alagaan mo tutubo siya sa paraan na gusto niya. Iyon si Amon." sabi ng matandang lalaki.
"Mukhang marami kang nalaman sa pagtuturo mo kay Katara." seryosong sabi ni Autumn na ikinangiti muli ng matandang lalaki.
"Nalaman? Hindi Autumn kundi marami akong natutunan mula sa kilos niya at pananalita ni Katara. Nakakapanghinayang lang dahil pinakawalan ng anak mo ang taong makakatulong sana sa kanya. Pero sa huli naisip ko ng kausapin ako ni Amon kanina, mas mabuti ang paghihiwalay nila dahil mas may matutunan si Amon mula kay Katara, at iyon ang pagmamahal na matutunan niya habang nasasaksihan niya." sabi ng matandang lalaki.
"Hindi ganoon kasama si Amon base sa iniisip mo, nagbago lang siya ng mawala ang El Casa at alam ko na may alam ka rin dahil maliit lang isla." sabi ni Autumn.
"Ang pagkusinti sa kanya ang nagbibigay ng ningas para gawin ang bagay na higit pa. Gabay tayo ng mga anak natin Autumn, huwag mong hayaan na may bagay na masabi ka o may magawa ka dahil ang anak mo, hindi buti ang kinukuha sayo kundi ang samang inilalabas ng kilos at bibig mo. Dalawang uri ang anak, ang kumukuha ng tama para pag-ibayuhin ang tama at ang kumukuha ng mali para gawin niyang tama.
Malaki ka na, pero ang karanasan mo ay tinitingnan ng mga anak mo. Hindi magiging tama ang mali, pero sa pagkaabsuwelto mo o.... ninyong magkakaibigan ay isang katanungan sa lahat. Tingin mo anong iniisip ng grupo ng anak mo at ng mismong anak mo?
Hindi mo ako ama, o lolo pero bilang isang ama din na tulad mo isipin mo ang gagawin mo ay nakikita niya kahit na malaki na siya sa mata mo." sabi ng matandang lalaki na ikinatango ni Autumn.
Napahingang malalim ang matandang lalaki at hindi na ito umimik na ikinatitig ni Autumn dito ng magsimula na uli itong magkumpuni ng sirang appliances.
"Okay. Pasensya na po uli kayo sa ginawa ni Amon. Aalis na po ako." sabi ni Autumn saka ito nagmamadaling sinundan si Amon.
.....................
"Umayaw ka sa akin ng sabihin ko mag-aral ka, ayaw mo sa akin ng sabihin ko ititira kita sa mas okay na lugar. Damn it! Tapos ngayon ginagawa mo ang bagay na ayaw mo." inis na pasigaw na sabi ni Amon habang papasok ito ng kotse.
"Dahil pinipilit mo siya kaya hindi ka niya sinunod." malakas na sabi ng tinig na ikinahinto ni Amon sa pagpasok ng kotse ng mabosesan si Autumn.
"Bakit ka nandito?" sabi ni Autumn sa anak ng mapatingin ito sa kanya.
"Hinahanap kita, kaso ang sabi ng tauhan ko nasa ibang bansa ka daw, na lagot sa akin mamaya." sabi ni Amon na ikinangisi ni Autumn.
"Hindi naman lahat ng report ay tama." sabi ni Autumn.
"Alam ko, pero dapat tama ang ibibigay sa akin bago nila sabihin. Katulad niyan nag-aaral si Katara ni hindi nila sinabi agad sa akin." sabi ni Amon na ikinailing ni Autumn sa ugali ng anak.
"Huh! Amon, tigilan mo na ang ex-wife mo. Hindi ka pa ba naaawa? Buntis siya..." udlot na sabi ni Autumn.
"Sa ibang lalaki." sabi ni Amon.
"Ganyan din ang sinabi mo ng mabuntis mo siya at ngayon totoo na, anong pakiramdam? Kaparehas din ba sa una?" sabi ni Autumn.
Hindi umimik si Amon na ikinahingang malalim ni Autumn.
"Hindi ako magtatanong kung bakit ganoon ang trato mo kay Katara noong panahon na asawa mo siya tulad ng hindi nagtanong ang tatay ko ng tinarato kong mali ang mama mo. Pero anak sana base sa naunang karanasan ko pinag-aralan mo sana kung saan ako nagkamali. Hindi iyon ginaya mo ako." sabi ni Autumn na ikinangisi ni Amon.
"Hindi kita ginaya o ginagaya. Iba ako sayo o kahit na kanino." sabi ni Amon na ikinatitig ni Autumn sa anak
"Siguro nga tama ka. Iba ka sa aming lahat, pero tingin ko iba ka kasi ang kamalian mo hindi mo maitama sa natuklasan mo. Tama ba?" sabi ni Autumn na ikinatiim ng bagang ni Amon.
"May nakauna sa kanya, kahit na binantayan ko siya." sabi ni Amon na bumalatay ang galit.
"Anak, hindi mo siya binantayan dahil ang totoo sarili mo ang binabantayan mo. Kung paano ka kikilos, kung paano ka makikita ka ng iba. Gumagawa ka ng mga bagay for your own benefits." sabi ni Autumn.
"So, kaya hindi mo ako tutulungan kahit pinasa ko ang plano ko sayo? Bakit? Kasi mali ako at tama si Katara, ngayon lahat kayo pabor sa ginawa niya. Huh! Pero sabagay napawalang bisa nga ang kasal namin na wala kayong ginawa. Okay lang naman ganyan ka naman, madali kang magbago." sabi ni Amon.
"Anak, ama mo ako. Ikaw ang una kong kinilalang anak, at halos mabaliw ako ng sabihin nilang hindi kita anak. Ikaw na inisip ko na susunod sa akin, binuhos ko ang lahat sayo, lahat ng plano ko kung paano kita palalakihin pero lahat ng iyon pakiramdam ko inagaw ng katotohanan ng sabihin nila na hindi daw kita anak.
Amon, huwag mong isipin na nagbago ako sayo. Kasi kahit si Aj nararamdaman niya na ikaw ang gusto ko kaya nga tumabi siya para sayo." sabi ni Autumn.
"Kaya ang lahat nabaling sa good son mo. At akong lumabas na masama sa paningin ng lahat dahil sa pagtabi niya." sabi ni Amon.
"Nagseselos ka, o tama ang matandang nasa loob na naiinggit ka. Anong gusto mo gawin? Ang pangarap mo tulad ng pangarap ko o ng Papa ko na lolo mo? Sige tutulungan kita maikabit ang palasyo sa Emperio at matanggal ang Stem na dumudugtong sa Canmore Palace." sabi ni Autumn na ikinangisi ni Amon.
"Gusto mo rin ang plano ko kasi gusto mo rin ang katayuan ko." sabi ni Amon na ikinahingang malalim muli ni Autumn.
"Mahirap ang ginagawa mo, hindi lang si Aj o kahit sino ang kalaban mo kundi ako, at ang sarili mo. Hanggat ganyan ka, mas malalim na sakit ang mararamdaman mo.
Mas malalim sa naramdaman kong sakit ng makita ko si Suri na walang paningin, ng makita ko si Astraea na halos magmakaawa sa akin na ituring ko siyang anak ng sabihin kong anak siya ni Atlas, at ng makita ko si Aj na kabaliktaran ko." sabi ni Autumn na namuo ang luha.
"Hindi ako matutulad sayo." sabi ni Amon.
"Tama, dahil mas matinding sakit ang tinatanim mo."sabi ni Autumn.
"Hindi ako masasaktan kung ang plano ko ay makukuha ko." sabi ni Amon na ikinahingang malalim ni Autumn.
"Okay sige tutulungan kita sa matayog na pangarap mo basta tantanan mo na si Katara at ang asawa niya." sabi ni Autumn na ikinatitig ni Amon sa ama.
"Ang plano ko ay nasa kamay mo na, at nakahanda na ako." sabi ni Amon na ikinatiim ng bagang ni Autumn.
....................
Days later
El Paradiso
"Aabot pa ako." sabi ni Katara sa isip habang binabaybay niya sakay ng pedicab na napag-ipunan niya at binili ng second hand, ang daan papunta sa paaralan.
"Ilan pa ba ito?" sabi ni Katara sabay tingin sa tray ng mga itlog na nilalako niya.
"Kaunti na lang, siguro naman sa dadaanan ko may bibili." nakangiting sabi ni Katara na kahit alas dos na ng hapon positibo ito sa plano ng araw na iyon, ang pumasok sa paaralan para sa 6-months educational program ng pamahalaan at ang paglalako ng itlog habang binabaybay ang daan papunta sa paaralan kung saan isinasagawa ang libreng pag-aaral.
Samantalang saktong sa daan na iyon napadaan ang kotse ni Amon habang dahan-dahan itong nagpapatakbo ng magarang kotse nito.
Napatingin naman si Katara sa mga kotseng dumaraan kailangan niya ng dobleng pag-iingat dahil malaki na ang tiyan niya.
Nasa ganoong tagpo ang dalawa ng magsalubong ang mga sinasakyan ng mga ito.
"Ang ganda. Yayamanin." nakangiting sabi ni Katara sa dumaang magarang kotse na hindi nito alam na kay Amon iyon. Tipikal na kasi ang ganoong mga kotse sa isla ng Paradiso dahil sa mayamang grupong naroroon.
Samantalang napakunot noo naman si Amon ng makita mula sa tinted na sasakyan nito ang mukha ni Katara. Nakangiti ang babae na tila wala dito ang hirap ng kalagayan nito. Malaki na ang tiyan ni Katara, habang nagtatrabaho pa rin ito sa pagbebenta ng itlog na nakuha pang magbisikleta ng ganoong kalayo mula Isla Verde.
"Bibilisan na natin ng kaunti baby baka mahuli ako sa klase sayang naman." nakangiting sabi ni Katara sabay tingin sa tiyan nito.
Napasunod ng tingin si Amon sa babae habang papalayo, hindi kasi kababakasan ng lungkot sa mukha si Katara, wala rin hirap siyang nakikita di tulad ng nasa palasyo ito.
"Asar!" inis na sabi ni Amon saka nito kinambiyo ang kotse at sinundan ang pedicab na minamaneho ni Katara.
..............
May 8. 2023 11.30am
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top