Kabanata 34 : Edukasyon
Kabanata 34 : Edukasyon
Cheung Hospital, El Paradiso
Helipad
"Hindi ka sasama?" nagtatakang tanong ni Aj kay Katara ng sabihin nito na magpapaiwan ito sa isla.
"Alam kong iuuwi mo siya sa akin." sabi ni Katara.
"Pero bakit hindi ka nga sasama?" sabi ni Aj habang naisakay na si Jamal sa chopper papuntang Japan kung saan ito gagamutin.
"Aj, nag-aaral kasi ako." sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Aj.
"Nag-aaral? Anong nag-aaral?" sabi ni Aj ng maguluhan.
Napangiti si Katara saka ito hinawakan ang kamay ni Aj.
"Naisip ko si Jamal, at sa mga nagaganap ngayon sa amin naunawaan ko na hindi ko kailangan umasa sa lalaking magmamahal sa akin. Inspirasyon, dapat iyon ang papel nila sa buhay ko para matutong bumangon at lumaban kahit wala sila." sabi ni Katara na ikinatitig ni Aj dito.
"....kaya naman nag-enrol ako sa isang government program para sa mahihirap. Nag-aaral ako maging technician at sa ilang buwan na dumaan may natutunan naman ako. Bukod doon, tinuturuan ako ni Lolo Felipe iyong nakilala ko sa bayan na may-ari ng babuyan.
Imbes na naglilinis ako ng kural nila, doon ako sa repair shop niya nakatambay para mag-aral kapag wala akong pasok sa school." sabi ni Katara na ikinangiti ni Aj
"Matutuwa si Jamal at ang anak mo." sabi ni Aj.
"Iyon din ang naisip ko, bukod doon makakatulong ako sa asawa ko at hindi na siya mag-aalala kapag ganitong sitwasyon." sabi ni Katara na ikinahawak ni Aj sa kamay ni Katara na hawak nito.
"Magaling ka, mabait ka, at higit sa lahat matalino at matibay ka." sabi ni Aj na ikinangiti ni Katara.
"Matibay oo pero matalino? Parang hindi naman, line of 7 nga parati ang grades ko kaya tinamad na rin ako mag-aral." sabi ni Katara na bahagyang natawa.
"Ang talino ay hindi sa akademiko lang. Maraming klase ang katalinuhan ng tao. At ikaw ay magaling sa paraan na nakakaya mong hawakan ang mga sitwasyon na mahirap, bagay na iilan lang kayong nakakaya ito." sabi ni Aj.
"Kasi kailangan. Siguro kasi galing ako sa hirap." sabi ni Katara.
"Tingin ko dahil malakas ang puso mo kaysa sa utak mo na minsan mas mainam para makausad ka sa buhay na walang sama ng loob." sabi ni Aj na ikinangiti ni Katara.
"Siguro nga. Hmmmn! Aj, alagaan mo si Jamal. May tiwala ako sayo, at kung hindi mo man siya maiuwi huwag kang mag-alala hindi ako magagalit sayo. Kasi alam ko ginawa mo ang lahat para tulungan kami." sabi ni Katara sabay yakap kay Aj.
"Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sayo." sabi ni AJ na napangiti sabay yakap kay Katara.
...............
Cave House, El Paradiso
Kinabukasan
"Kamusta ang mag-ina?" sabi ni Orion sa tauhan na nakatoka sa pagbabantay sa mag-inang Katara at Neeya.
"Nag-aaral na po si Katara sa isang programa ng gobyerno," sabi ng tauhan.
"Iyong anak niya, nasaan?" sabi ni Orion
"Dala po niya madalas sa training school at kung minsan iniiwan niya kay Sir Steven." sabi ng tauhan.
"Okay, bantayan niyo lang at huwag kayo magpapakita o magpapahalata. Puwede ka ng umalis." sabi ni Orion.
"Yes Sir." napatangong sabi ng tauhan saka ito umalis.
"Matibay siya, bilib ako." sabi ni Ellie ng makaalis ang tauhan ni Orion.
Napatingin si Orion sa asawa na ikinangiti ni Ellie saka umusal muli.
"Noong kinuha ako nila Daddy at Mommy at inilayo sayo, nandiyan sila para tulungan ako. Masuwerte ako kasi may kaagapay ako sa twins natin. Pero si Katara, grabe magaling siya na hindi nakikita ni Amon. Sayang, nasa kanya na ang ginto tinapon pa niya." sabi ni Ellie.
"Matatauhan din iyan." sabi ni Malic na ikinatingin ni Ellie dito.
Nasa sala ang magulang at biyenan ni Autumn ng mga sandaling iyon. Pabalik balik na kasi ang apat sa NYC at isla.
"Kailan pa?" sabi naman ni Venus.
"Ano ka ba babe? Ako nga natauhan." sabi ni Malic.
"Kasi naawa ka sa akin ng mamatay si Louie. Magkaiba kayo ni Amon, na di hamak na wala yatang puso." sabi ni Venus na napatigil saka napangisi.
"...ay sorry. Haysss! Kahit apo ko si Amon o ni Malic, mas nakapanig ako sa side ni Katara hindi dahil babae siya o nakikita ko ang sarili ko sa kanya kundi dahil sabi nga ni Ellie nakakabilib si Katara, na totoo naman.
Ang pagmamahal ni Katara ay solid, tipong..." udlot na sabi ni Venus.
"...ikaw?" napangising sabi ni Malic na ikinangiti ni Venus.
"Mas solid pa sa akin, na sayang kasi hindi nakita ni Amon dahil sa tayog ng pangarap niya. Kaya ngayon na-realize ko, na ikinatutuwa ko kasi ang asawa ko walang pangarap sa buhay kaya nakita niya ako." nakangiting sabi ni Venus na ikinangiti ni Malic.
"Mahirap kasi ang sobrang mataas, minsan nakakatamad abutin."sabi ni Malic.
"Tama, kaya tingnan niyo si Burn, tinamad na rin at ayon sumuko at binakuran si Numa." sabi ni Venus habang nakatingin sila Ellie at Orion sa mag-asawa.
"May pros and cons ang pagbitaw sa tayog ng pangarap, pero kapag marunong kang bumaba mas madali mong makukuha ang kasiyahan, mahirap sa una pero sulit naman." sabi ni Malic
"Naks! Mukhang proud ka sa sarili mo?" sabi ni Ellie kay Malic.
"Oo naman. Kasi hindi rin naman ako gahaman. Gusto ko lang kasiyahan at ang kasalanan ko lang nasobrahan ako." sabi ni Malic.
"Apo mo si Amon kaya dapat isa ka sa tumulong para magbago siya." sabi ni Orion na ikinatingin ni Malic dito.
"Alam mo Onion..." sabi ni Malic na ikinangiti nila Ellie at Venus sa tawag ni Malic kay Orion.
"Ano?" sabi ni Orion.
"Ang apo natin na si Amon ay kakaiba. Siya iyong taong hindi nakikinig kundi sa karanasan lang niya, kaya para sa akin hayaan natin matuto base sa kung anong ginagawa niya.
Alam mo uli Orion, sa una gusto ko siyang tulungan sa pamamagitan ng bigyan siya ng leksyon pero ngayon na nakikita ko sila Jamal at Katara sa paraan ng pagsasama nila at pagmamahalan, naisip ko na hindi tayo ang magbibigay ng magandang leksyon sa kanya kundi ang sarili niya." sabi ni Malic kay Orion.
"Siguro ngayon tama si Malic para sa akin, kahit asawa kita Onion. Alam ko na mahal na mahal mo ang mga apo natin, pero sabi ko nga bilib ako kay Katara dahil nakakaya niyang mag-isa dahil sa pagmamahal niya kay Jamal at sa pangarap niya para sa pamilya niya.
Ako kasi hindi ko iyon kaya kasi alam kong nandiyan ka dati kahit magkahiwalay tayo kaya siguro panatag ako.
And for me, ngayon sa nakikita ko oras na siguro para hayaan natin si Katara sa gusto niya at sa pagmamahal na karapatan naman niya siguro makamtan." sabi ni Ellie na ikinatango nila Venus at Malic at ikinatitig ni Orion sa asawa.
"Siguro kung may nakita kang iba dati iiwan mo rin ako?" sabi ni Orion na ikinangiti ni Ellie.
"Siguro... pero magkaiba kayo ni Amon. Hindi mo naman ako sinaktan, ako ang nanakit sayo. Ang kasalanan mo lang naman kinuha mo ako ng maaga na ayaw ng pamilya ko." sabi ni Ellie sabay yakap kay Orion at muling nagsalita.
"Huwag niyong ihambing ni Autumn ang mga sarili niyo kay Amon, dahil lahat tayo magkakaiba at kayong tatlo sobrang layo ng pagkakaiba niyo kahit na nga ba pare-pareho kayong mataas mangarap." sabi ani Ellie na ikinahingang malalim ni Orion.
"Tama si Ellie, Onion. Kakaiba si Amon mas matindi siya pero sabi nga nila may hangganan ang lahat." sabi ni Malic kay Orion sabay tingin ni Malic kay Venus.
"....ang akala ko dati ang pinakamahirap na kalaban ang taong patay na pero ngayon sa nakikita ko kay Amon ang pinakamahirap na kalaban ay ang kasiyahan ng babaeng mahal niya na pinulot ng iba." sabi ng Malic na ikinatango ni Venus.
"Tama. Ang patay kasi hindi mo na maibabalik, pero ang kasiyahang itinanim hindi mo maaalis sa isang tao lalo na kung ang kasiyahan na iyon ang siyang pangarap niya." sabi ni Venus.
"At ang kasiyahan na iyon ay buhay pa." sabi ni Malic na ikinangiti ni Venus at ikinatingin ni Orion at Ellie sa isa't isa.
...................
Hours Later
Cheung Hospital, Parking Lot
"King, nakaalis na po si Sir Aj pero nagpaiwan si Maam Katara." sabi ng tauhan ni Amon.
"Nagpaiwan siya?" nagtakang tanong ni Amon.
Hindi ni Amon nasundan si Katara sa helipad dahil makikita siya doon panigurado kaya naman iniutos niya sa tauhan para malaman ang nagaganap.
"Yes King. Ayon kasi sa informant, nag-aaral si Maam Katara ngayon sa isang government school kaya hindi siya sumama." sabi ng tauhan.
"Talaga?" sabi ni Amon.
"Yes, King. May nakapagsabi na may matandang nag-udyok dito mag-aral at ito rin ang nagtuturo kay Maam Katara sa kinuha nitong six months course." sabi ng tauhan.
"Six-months lang?" di makapaniwalang sabi ni Amon dahil mula ng magtungo siya sa palasyo at makulong wala na siyang alam sa nagaganap sa bansa partikular sa educational system ng gobyerno.
"King, ang naturang batas ay ginawa ng tiyuhin niyong si Sen. Run Valiente at mabilis ito naipasa sa Senado at napirmahan ng pangulo, dumaan sa congress." sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon.
"Anong matututunan niya sa anim na buwan? Ang educational system ng gobyerno ay walang silbi, kumikita lang sila dito ng malaki para ibulsa." sabi ni Amon na ikinatahimik ng tauhan dahil tila hindi tiyuhin ni Amon ang gumawa ng batas.
"Nasaan si Katara ngayon?" sabi ni Amon.
"Pauwi na po siya sa Isla Verde." sabi ng tauhan.
"Wala siyang kasama. Huh! Puwes guguluhin ko ang utak niya." sabi ni Amon na ikinatahimik muli ng tauhan.
"Pagdating ni Jamal, magigising siya sa katotohanan na ang lahat ay panaginip lang niya." sabi ni Amon.
.................
Kinabukasan
El Paradiso
"May ipapagawa ka ba?" sabi ng matandang lalaki ng may lalaking nakatayo sa maliit na repair shop niya.
Napatingin ang lalaki sa lugar, maliit lamang iyon na tila tindahan lamang. May mga lumang appliances at mga piyensang tinitinda na hindi naman ganoon karami.
Napatingin ang matandang lalaki sa taong nasa harapan niya ng mamukhaan niya ito kaya napailing siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Pumasok ang lalaki sa loob ng maliit na repair shop na walang pasubali kaya naman umusal na ang matandang lalaki.
"Kung cellphone ang ipapagawa mo, hindi dito iyon iho. Appliances lang ang alam kong gawin." sabi ng matandang lalaki ng wala naman siyang makitang appliances na dala ng lalaki.
Napatingin ang lalaki sa matandang lalaki saka ito umusal
"Alam mo bang ilan na kaming nag-alok at nagsabing mag-aral siya pero ikaw lang ang sinunod niya." sabi ng lalaki.
Nagpatuloy sa pagkukumpuni ng sirang electricfan ang matandang lalaki.
Napangisi ang lalaking nakatayo sa harap ng matandang lalaki ng hindi ito nagsalita. Naglakad ang lalaki sa loob ng maliit na repair shop saka nito hinawakan ang mga bagay na nasa mesa.
"Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng pag-aralan niya ito ang naisip niya. Ang ayusin ang sirang bagay na puwede ng itapon para palitan ng bago." sabi ng lalaki saka nito kinuha ang makina ng electricfan saka iyon hinipan.
"Bakit hindi ba puwede?" sabi ng matandang lalaki.
"Babae siya at ang trabaho ito ay panlalaki." sabi ni Amon na ikinailing ng matandang lalaki saka nito kinuha ang screwdriver at sinimulan buksan ang appliances na ginagawa nito.
"May trabaho na bagay sa kanya bilang babae." sabi pa ng lalaki.
"Kaya pala." sabi ng matandang lalaki na ikinatingin ng lalaki dito.
"Anong kaya pala?" sabi ng lalaki.
"Ang isang tao nagiging pursigido gawin ang isang bagay dahil sa inspirasyon, dahil sa isang karanasan at dahil sa pagmamahal." sabi ng matandang lalaki sabay alis ng piyesa sa appliances na kinukumpuni nito.
"So?" sabi ng lalaki.
"Walang limitasyon ang pagkatuto kung ito ay kagustuhan ng isang tao tulad mo, tulad nating mga lalaki. Ang mga babae ay may pag-iisip na pumili sa bagay na gusto nila, hindi ito puwedeng idikta sa kanya. Mas mainam na malaya silang makakapag-isip ng sa ganoon malaman nila at makapili sila ng tama." sabi ng matandang lalaki sabay tingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya at muling umusal.
".....sira ang electricfan nila sa bahay, ang sabi niya sa akin ang lahat ng gamit nila ay kinuha ng mga pinagkakautangan nila. At dahil gusto niya bigyan ng kaunting kaginhawaan ang anak niya kaya naman gusto niya matuto gawin ang sirang electricfan.
Amon, walang bagay o tao sa mundo na puwede mong sabihan kung para saan lang siya. Kahit ang tsinelas may ibang puwedeng pagkagamitan, na hindi lang ito panyapak sa paa." sabi ng matandang lalaki ng makilala ang lalaking bumisita sa kanya.
"Hindi kailanman magiging pantay ang dalawang magkaibang nilalang. Kahit ikaw at ang asawa mo ay may pagkakaiba at alam mong mas higit ka sa kanya." sabi ni Amon na ikinangiti ng matandang lalaki.
"Tama ka. Pero ang kahigitan na iyon ay hindi mo kailangan ipamukha sa babae. Kalayaan, ito ang kailangan ng bawat babae, ang pumili at ang magdesisyon ng walang magmamata sa kanila. At bilang asawa ng asawa ko tungkulin ko, suportahan ang bagay na gusto niya dahil ang babae nag-iisip at gumagawa ng isang desisyon hindi para sa kanya kundi para sa mahal niya. At iyon ang madalas na pagkakaiba ng lalaki sa babae na hindi mo alam" sabi ng matandang lalaki.
"Sino ka para husgahan ako?" sabi ni Amon.
"Sino ka rin Amon para sabihin ang bagay na hindi mo alam? Mangmang ka sa sitwasyon na damdamin ang nakapaloob.
Kilala kita iho, dito ako lumaki sa El Paradiso mula sa lolo Rod mo papunta sa ama mo, at ngayon ikaw. Lahat kayo kilala ko, dahil ang grupo niyo ay puro lalaki na dapat angat sa lahat. Ang babae sa inyo ay tila palamuti, na tila ginto na dapat kamkamin. Bagay na nakakapanlumo dahil ang babae sa grupo niyo, walang boses kaya naman ang dati mong asawa ay madaling umibig sa lalaking malayo sayo." sabi ng matandang lalaki na ikinatiim ng bagang ni Amon.
................
May 8. 2023 11.15am
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top