Kabanata 33 : Isang Turo ng Pagmamahal


Kabanata 33 : Isang Turo ng Pagmamahal

El Paradiso

Hours later


"Mukhang malaki na ang tiyan mo, hindi ka pa ba napapagod?" sabi ng matandang babae kay Katara habang namumulot si Katara ng mga bote.

"Hindi naman po." sabi ni Katara na halos hindi makilala sa dungis nito.

"Baka mapaano ka." sabi ng matandang lalaking kasama ng ginang na mukhang asawa nito.

"Hindi po, dahil nag-iingat naman po ako." sabi ni Katara.

"Gusto mo ng trababo?" sabi ng ginang na halatang awang-awa kay Katara.


"Ano pong trabaho?"
sabi ni Katara na kahit ano yatang trabaho ang sabihin papatusin na niya para may pambili ng gamot ni Jamal.


"Baka hindi siya puwede."
sabi ng matandang lalaki ng makitang curious si Katara sa alok.

Napangiti si Katara, nilapitan niya kasi ang dalawang matanda ng makitang itatapon ng mga ito ang boteng dala ng mga ito.

Nasa bayan si Katara ng El Paradiso ng hapon na iyon para mangalakal, wala naman kasi siyang alam na trabaho. Tuwing tanghali naglalako naman siya ng ulam at ang anak niya nasa pangangalaga naman ng lolo nitong si Steven na siyang tulong na tinanggap niya. Kapag gabi binabalik ito sa kanya ng pamilya ni Steven

"Kaysa nandito siya, mabuti ng iisang lugar." sabi ng matandang babae.

"Ano po ba? Baka puwede po ako sa trabahong inaalok niyo." sabi ni Katara.

Napatingin ang dalawang matanda kay Katara saka nagwika ang matandang babae.

"Tagalinis ng kural." sabi ng matandang babae na bahagyang ikinasiko ng matandang lalaki dito.


"Sige po, okay lang."
sabi ni Katara.


"Linis lang naman, hindi na kasi namin kaya. Wala kaming kasama sa bahay."
sabi ng matandang babae.

"Okay lang po." sabi ni Katara pero sa mukha ng matandang lalaki tutol ito.

..................

Kinabukasan

"Si Ate Katara iyon ha." sabi ni Agape ng makita si Katara sa isang maliit na farm na nadaanan nila.

Nasa kotse ang triplets habang minamaneho ng isa sa mga ito, kung saan papunta sana ang tatlo sa Cave House ng mamataan ng mga ito ang isang maliit na farm na nadaanan nilang shortcut na daan.

"Puntahan natin." sabi ni Ashly.

"Huwag na." sabi ni Allie.

"Bakit?" sabi ni Agape.


"Mukhang busy siya, hayaan na lang natin para matapos siya agad."
sabi ni Allie ng makaramdam ng awa ng makitang nagwawalis si Katara ng kural na kahit kakaunti lamang ang mga baboy roon, masangsang pa rin ang amoy.

"Magkakasakit siya niyan." sabi ni Ashly pero pinaandar na ni Allie ang kotse na ikinatingin ng dalawa dito.

.....................

Isla Verde

Hours later

"Wala tayong electricfan anak." sabi ni Katara ng makita si Neeya ng gabing iyon na pawisan.

Tagaktak ang pawis ni Katara, wala naman siya magawa dahil nagtitipid siya ng kuryente. Kahit nga ilaw hindi na niya binubuksan kung meron man paisa-isa lang o kapag gabi lang tulad ng panahong iyon.

Isang electricfan iyon lang ang kaya niyang bayaran sa kuryente kaso heto sira.

"Sandali lang anak." sabi ni Katara na kanina pa ngawit sa pagpapaypay, huminto kasi ang electric fan na bagong bili lang naman pero hindi niya alam kung bakit ito huminto sa pag-andar. Nasa kuwarto ang mag-ina at nakuha ng buksan ni Katara ang mga bintana para pumasok ang hangin kaso ang anak niya pawis pawis pa rin katulad niya.

Napahingang malalim si Katara ng makaramdam ng pagod, kung tutuusin kakauwi lang niya galing El Paradiso at domoble ang pagod niya dahil sa pagpatos ng paglilinis ng kural na kahit isa o dalawang oras lang naman nakakapagod pa rin dahil sa kalagayan niya at dahil sa biyaheng araw-araw niyang kinakaya.

"Kaya pa." sabi ni Katara na napangiti.

Napatingin si Katara kay Neeya habang nagpapahinga ng sandali ang mga kamay niya sa kakapaypay ng biglang umungot uli ang bata dahil sa init.

Napahingang malalim muli si Katara saka nito pinaypayan muli ang anak, alas onse na ng gabi hindi pa siya natutulog o wala pa nga siyang magandang tulog mula ng maospital si Jamal. Tuwing gabi salitan niyang pinupuntahan ang asawa at kapag umaga tinitingnan niya muna ito bago maglako ng ulam, kapag hapon naman nangangalakal si Katara plus ang dagdag na trabaho niya sa kural.

"Kaya natin ito baby." sabi ni Katara saka nito niyakap ang anak na agad niyang binitawan sa yakap dala ng init.

Ilang sandali lang ng makatulog muli ang anak na ikinatigil ni Katara sa pagpapaypaysa anak.

Napatingin si Katara sa loob ng madilim na kuwarto na tanging liwanag ng sinag ng buwan na nakatunghay sa bintana ang tanging ilaw nilang mag-ina.

"Mahihirapan ka kapag walang electricfan." sabi ni Katara sababy punas sa pawis ng anak.

Matapos masigurong wala ng pawis si Neeya pinalitan uli ni Katara ang bimbo sa likuran ang anak.

"Hindi tuloy kita mayakap ng matagal, paano ba naman papawisan ka, maiinitan ka." sabi ni Katara sabay tingin sa electricfan.

"Dapat maayos ka." sabi ni Katara na napangiti sa electricfan.

..................

El Paradiso

Kinabukasan

"Late po ako." sabi ni Katara ng maabutan ang matandang lalaki sa maliit ng repair shop nito.

Hindi umimik ang matandang lalaki na ikinalunok ni Katara sa hiya dahil ikalawang araw na sana niya iyon sa paglilinis ng kural.

"Sorry po." sabi ni Katara ng makita ang kural na pinuntahan niya kanina na malinis na.

"Ako na naglinis." sabi ng matandang lalaki.

"Sayang." mahinang sabi ni Katara na napayuko dahil hinanap niya ang mag-asawa para sana humingi ng ibang iuutos ng mga ito na puwede niyang gawin.

"Ibibigay ko ang bayad mo kahapon, at huwag ka ng babalik." sabi ng Matandang lalaki na ikinatango ni Katara dahil seryoso ang matandang lalaki habang nagkukumpuni ito ng sirang appliances.

Napatingin si Katara ng pasimple sa ginagawa ng matandang lalaki sa inaayos nitong appliaces.

"Hindi lahat tayo may suwertenag nakatanim kapag pinapanganak. Karamihan sa atin, magtatanim ng suwerte para suwertihin." sabi bigla ng matandang lalaki na ikinatingin ni Katara dito.

Nagpatuloy sa pag-aayos ang matandang lalaki sa pagkukumpuni at muling nagwika.

"May mga taong yumayaman bigla kahit na wala naman silang ugat. Ang tawag doon suwerte." sabi ng matandang lalaki na ikinatingin muli ni Katara sa ginagawa ng matandang lalaki.

Napangiti ang matandang lalaki ng matuwa sa pakikinig ni Katara.

"Ang bait ay sangkap ng suwerte pero sa buhay kailangan mo itong lagyan ng sahog para suwertihin ka." sabi pa ng matandang lalaki sabay hinto sa ginagawa at napatingin kay Katara.

Napayuko si Katara ng tingnan siya ng matandang lalaki na sa una pa lang alam niyang ayaw nitong maglilinis siya ng kural.

"Wala sa edad ang suwerte, dahil ang tao kapag pursigido para umunlad magagawa niya ang suwerte niya. Ang suwerte hindi basta tumutubo, kahit ang pagkakapanalo sa lotto ay hindi ganoon kadali. Kahit sabihin mong first time niyang tumaya at manalo may proseso pa rin kung paano siya nanalo.

Sa buhay, huwag mong hayaan na maging stagnant ka. Dapat isipin mo isa kang ilog na dumadaloy hindi tubig na nasa putikan na natutuyo lang kapag maaraw at magkakaroon ng tubig kapag tag-ulan." sabi pa ng matandang lalaki.

Napatango si Katara pero ang mata nito nasa ginagawa ng kamay ng matandang lalaki.

"Nakikinig ka, bagay na mabait ka dahil ang ibang kabataan ngayon ang salita ng matanda ay isang walang kuwenta lang. Pero dahil nakikinig ka papayuhan kita." sabi ng matandang lalaki na ikinatingin ni Katara dito.

"Ano po iyon?" mahinang usal ni Katara na ikinangiti ng matandang lalaki.

"Sayo magmumula ang pagbabago sa buhay mo, ang simple ay hindi mahirap kung alam mong hawakan." sabi ng matandang lalaki.


"Ano pong ibig niyong sabihin?"
sabi ni Katara.


"Nakikita na kita, Katara mula noong kabataan mo sa kalye na nangangalakal kasama si Hades. Hindi mo ako kilala kasi tulad mo simple lang ako, nagbababuyan kasama ng pamilya ko. Naglilinis ng kural. Simple, iyon ang gusto ko pero ikaw kilala ka ng lahat bilang mangangalakal.

Isang simpleng babae pero kilala ng lahat. Naunawaan mo?

Kilala ka sa El Paradiso dahil simple ka bilang mangangalakal pero puwede mo iyon gamitin para kahit paano umangat ka hindi para sayo kundi para sa bubuo sayo at iyon ang anak mo at ang asawa mong nasa hospital." sabi ng matandang lalaki.

Napayuko si Katara kaya napangiti ang matandang lalaki.

"Mag-isip ka, huwag mong hayaan na kainin ng kagustuhan mo ang bagay na ikakaunlad mo. Huwag kang matakot harapin ang pagsulong tulad ko." sabi ng matandang lalaki.

"Opo." sabi ni Katara


"Hindi habang buhay kasama mo ang asawa mo lalo na ang mga anak mo. Isipin mo paano ka? Aasa sa kanila? Hindi Katara, huwag mong sayangin ang oras sa bagay na marami ka pang magagawa na hindi paulit-ulit."
sabi ng matandang lalaki sabay baling muli sa inaayos nito na ikinatingin ni Katara dito.

"Ibibigay ko ang sahod mo kahapon, pero uulitin ko huwag ka ng babalik sa kural." sabi ng matandang lalaki na ikinatango ni Katara.

...................

Months later

Hi Way El Paradiso


"Kuya, akin na lang po iyan."
sabi ni Katara na ikinatingin ng grupo ng construction worker sa bahagi na iyon ng isla.

"Gusto mo?" sabi ng lalaki ng makitang buntis ang babae.


"Opo."
sabi ni Katara na ikinangiti ng grupo ng lalaki.

...................

Hi Way, El Paradiso

"Anong sabi niya? Napag-aralan na ba niya?" tanong ni Amon sa tauhan ng ilang buwan ng hindi sumasagot si Autumn Valiente regarding sa plano na pinasa niya dito.

"Wala pa rin po, ang totoo nasa ibang bansa po siya." sabi ng tauhana na kausap ni Amon sa telepono.


Napangisi si Amon, mula kasi ng maospital ang Mama niya at si Jamal naging mailap ang grupo sa kanya na kahit na ang mga kapatid niya ilag na sa kanya.

Wala na rin siyang makausap sa mga kagrupo, o ni isa walang nagtatangkang tawagan o kamustahin siya.

"Okay, ako ang gagawa." sabi ni Amon. Napangisi muli si Amon, kauuwi lang niya ng Pinas at walang nakakaalam na nasa El Paradiso na siya gusto niya kasi makita ang reaksyon ng makakakita sa kanya na kagrupo niya.

"Ipapahanda ko po ba ang kuwarto niyo?" sabi ng tauhan sa kabilang linya.


"Huwag, gusto ko surpresahin ang Emperio para sa paggising nito."
sabi ni Amon.

"Okay po." sabi ng tauhan.

Pinutol ni Amon ang tawag saka ito nagpokos sa daan ng akmang isasara nito ang bintana ng kotse ng may matanaw siya.

................

"Salamat po." sabi ni Katara habang hila nito ang isang sako na puno ng mga boteng plastic.

"Ito bigay na namin." sabi ng lalaki kay Katara.

"Hindi na po." sabi ni Katara.

"Pangkain mo at saka sa pandagdag sa pambili ng gamot." sabi ng ikalawang lalaki na sa una gusto sana nila lokohin ang babae kaso sinabi nito kung bakit ito nangangalaka at naawa sila dito, at natuwa dahil kahit buntis ito nakuha nitong ipagamot ang asawa nito.

"Hindi na po." todo iling ni Katara.


"Bakit naman? Tulong naman ito?"
sabi ng ikatlong lalaki sa construction site na iyon.


"Pare-pareho po tayong mahirap, nagtatrabaho din kayo para sa mga pamilya niyo kaya mas mainam na unahin niyo sila."
sabi ni Katara.

"Hindi ka ba nahihirapan sa kalagayan mo?" sabi ng ikaapat na lalaki.


"Mahirap pero tulad niyo kailangan natin kumayod para makausad."
sabi ni Katara na ikinatahimik ng grupo ng construction worker.

Napangiti si Katara saka ito malakas na nagsalita.

".... aalis na ako, salamat dito. Malaking tulong na ito. Pakabait kayo sa mga asawa niyo, iyon ang pinakamagandang magagawa natin bilang tao." napangiting sabi ni Katara saka ito umalis na ikinasunod na lamang ng tingin ng grupo ng construction worker dito.

Samantalang napakunot noo si Amon ng narinig ang huling sinabi ni Katara.

Nang maglakad si Katara mabilis na isinara ni Amon ang salamin ng kotse nito at pasimpleng sinundan ang paglalakad ng babae sa kalye sa mainit na temperatura ng araw na iyon.

"Uy! Okay na ito." sabi ni Katara ng may madaanan na bulaklak sa daan. Pinitas iyon ni Katara at inamoy.

"Tapos na ako, pupunta na ako sayo." nakangiting sabi ni Katara.

Mula sa kotse nakita ni Amon ang ginawa ni Katara at ang pagngiti nito.

..................

Cheung Hospital

One Hour later

"Jamal, may dala akong bulaklak pinitas ko sa daan." nakangiting sabi ni Katara.

Nasa public ward paa rin si Jamal kung saan may benteng pasyente kada kuwarto.

Agad na inayos ni Katara ang bulaklak sa basong pinalalagyan nito ng bulaklak kay Jamal tuwing bumibisita siya.


"Ayan, para maamoy mo."
nakangiting sabi ni Katara saka ito umupo sa kama.

Tinitigan ni Katara ang asawa saka ito hinaplos sa mukha.


"Ang sabi ni Aj, nakagawa na siya ng gamot. Sinabihan niya ako na gagawin ito ng lihim sayo, kasi hindi pa aprubado ng gobyerno. Jamal pumayag ako, para gumaling ka na. May tiwala naman ako kay Aj, at kung mag-failed man huwag tayo magagalit." sabi ni Katara habang hinahaplos ang mukha nga asawa.

"Jamal, mahal kita. At alam kong lumalaban ka. Pangako ikaw na ang huli." sabi ni Katara sabay halik sa noo ng asawa.

Mula sa pintuan ng public ward napahinto ang isang lalaki ng makita si Katara. Sinundan niya ito mula sa pagpitas nito ng bulaklak hanggang sa junkshop ng magbenta kalakal sa halagang sinkuwenta o isandaang piso at ngayon na gumawi ito sa hospital.

Kinuha ni Katara ang kamay ni Jamal saka iyon inilagay sa tiyan nito.

"Ilang buwan na lang manganganak na ako. Gumising ka na." nakangiting sabi ni Katara saka nito ginalaw ang kamay ni Jamal para haplusin ang tiyan niya.

Napalunok si Amon ng makita ang saya sa mukha ni Katara kahit na nakaratay ang asawa nito sa kama.

"Jamal, sumipa siya gumising ka na daw." nakangiting sabi ni Katara sabay halik sa labi ni Jamal ng maramdaman ang pagsipa ng buhay sa sinapupunan niya.

"I love you, Jamal. Namimiss na kita." nakangiting sabi pa ni Katara habang magkadikit ang mukha nilang mag-asawa at ang kamay nila ay nasa tiyan niya.

"Bumangon ka na, samahan mo kami ng anak mo." sabi ni Katara na nabasa ni Amon sa pagbigkas ng labi nito.

"Magsimula tayo uli kapag nagising ka." sabi ni Katara saka nito niyakap ang asawa.

"Yakapin mo ako, kailangan kita Jamal. Huwag kang mawawala dahil ikaw ang pangarap ko." napaluhang sabi ni Katara na ikinaiwas ng tingin ni Amon ng tila siya tinarakan sa sinabi ni Katara.

"Puwede ba iyon? Wala pa si Doc Alex." sabi ng isang nurse na ikinakubli ni Amon.

"Kung si Sir Burn nga napagaling niya si Sir Jamal pa kaya. Haleer! May kapangyarihan yata si Sir Aj." sabi ng ikalawang nurse habang nagtsetsek ang dalawa ng mga gamot sa cart na ipapasok sa loob ng ward.


"Pupunta daw ang team niya dito mamaya kaya ngayon pa lang hinigpitan na ang hospital."
sabi ng unang nurse.

"Sabagay si Sir Jan Carl nga napagaling niya." sabi ng ikalawang nurse na ikinakunot noo ni Amon dahil wala na siyang balita kay Jan Carl at Astraea mula ng lumayo ang mga ito.

"Ang sabi nila nanggaling ang gamot sa lab na pag-aari ni Sir Aj sa Japan doon kasi nila sinusubukan ang gamot kung okay ba." sabi ng unang nurse.


"Tingnan natin kung mapapagaling niya."
sabi ng ikalawang nurse.

"Ako sure ako mapapagaling ni Sir Aj kasi kung tutuusin same lang naman ang kinain ni Maam Diez at ni Sir Jamal pero tingnan mo gumaling si Maam so baka nakakuha siya ng idea." sabi ng unang nurse na ikinangisi ni Amon.

"Saan niyo siya dadalhin?" sabi ni Katara na ikinabaling ng tingin ni Amon at ng dalawang nurse kay Katara.

"Sumama na lang po kayo." sabi ng lalaki habang inililipat si Jamal sa kabilang bed.

"Saan?" sabi ni Katara pero hindi na siya sinagot ng lalaki.

Napatingin si Amon sa paligid at nagulat ito ng may mga tauhan na si Aj na dumating, kilala niya ang iba na mga miyembro ng Mafia na nakita na niya sa Stem.

.................

May 7. 2023 8.10am

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top