Kabanata 32 : Ikalawang Taon ng Pagkakamali

Kabanata 32 : Ikalawang Taon na Pagkakamali

Isla Verde

Hours later


"Happy Birthday." bati ng pamilya ni Steven ng bumisita sa kaarawan ni Neeya ng hapon na iyon sa bahay nila Jamal at Katara.

"Salamat po sa pagpunta." nakangiting sabi ni Katara na hanggang ngayon nahihiya siya sa pamilya ni Steven Tuazon at Eric Montemayor na laging kaagapay nila sa pag-aalaga kay Neeya.

"May paparating pa." nakangiting sabi ni Twinkle ng makita ang magarang sasakyan na huminto sa daan sa likuran bahay kung saan dinaraos ang party.

"Neeya!" masayang bati ni Luna kasama ang pamilya nito ng bumukas ang sasakyan.

Nagulat si Katara sa di inaasahang bisita dahil taga Isla Traquilo pa ang pamilya ni Winter Cheung.

"Parating na sila lolo Orion, maraming angkas kaya nasiraan." natawang sabi ni Luna sabay abot ng paper bag kay Katara ng makalapit ito ng mabilis.

"Thank you." sabi ni Katara na nahihiya pang inabot ang paper bag.


"May mga regalo pa sa loob ng van. Mamaya ipapalabas natin sa tauhan. Galing iyon kila kuya, hindi kasi sila makakarating kaya pinadala na lang ang regalo nila. Nasa Manila kasi sila." sabi ni Luna na ikinangiti ni Katara sa haba ng paliwanag ni Luna na parang despensa ang dating sa hindi pagdalo ng mga kapatid nito.


"Okay lang salamat pa rin."
sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal na nagulat din sa di inaasahang bisita dahil ang nasa isip nila ang pamilya lamang ni Steven ang dadalo dahil nga malayo ang Isla Verde.

"Ahhhhh!" hiyawan na ikinatingin ni Katara at Jamal.


"Nandiyan na sila. Mukhang marami naman ang handa niyo sakto iyan sa mga matatakaw niyong bisita."
sabi ni Luna ng marinig ang hiyawan ng sixtuplets.


"Akin ang itlog pugoooo!"
sigaw ni Rollo na hindi pa humihinto ang van binuksan na nito ang pintuan sabay tulak ng mga kapatid nito.

"Ahhhh!"
sigaw ni Katara at Jamal sa gulat ng gumulong si Rollo ng itulak ito ng mga kapatid nito, na ikinatawa lang ng sixtuplets at ikinatingin ng matalim ni Orion sa mga apo na kanina pa magulo sa loob ng van.


"Grabe hindi na nagbago."
sabi ni Luna na kahit na malalaki na ang magkakapatid ganoon pa rin ang kakulitan ng mga ito.

"Hahaha! Buhay ka pa?" natawang sabi ni Laszlo kay Rollo na nakahiga na sa daan.

"Oo, basta ang akin ang itlog pugo." sabi ni Rollo na mabilis na nakabangon at tumakbo sa lokasyon ng party.

Napatingin naman sila Katara at Jamal ng may kasunod ang van na hindi lang isa kundi dalawang mini bus.

"Mauuna ako." sabi ni Ashly na nakipag-unahan bumaba ng makahinto ang mini bus kung saan ito nakasakay.

"Mga kapatid ni Amon at Alex, triplets." sabi ni Luna na ikinatitig ni Katara sa mga kapatid ni Amon at Alex na sila Agape, Ashly at Allie

"Uyyy! ang guwapo." sabi ni Agape ng makita si Jamal, na ikinangisi naman ni Jamal.

"Uy jojowain." sabi naman ni Allie na napangiti kay Jamal.


"Hahaha! Kaya pala napalitan si kuya Amon, may ibubuga."
sabi ni Ashly sabay kindat kay Jamal.

Napatingin si Katara kay Jamal na nakatingin sa tatlong dalagita.

"Guwapong guwapo sayo." mahinang sabi ni Katara kay Jamal.

"Hahaha! Noong umulan siguro ng sama ng loob sinalo lahat ni Amon. Mukha kasing masiyahin ang mga kapatid niyaat siya lang hindi." sabi ni Jamal na natawa sa nakitang kasiyahan ng triplets na hindi niya makita kay Amon.

"Buntis ako." mahinang sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal kay Katara.

Sa pagtingin ni Jamal natawa ito ng makitang nagseselos si katara.

"Grabe! Ang babata pa niyan at saka hindi kita ipagpapalit kahit kaedaran mo iyan." sabi ni Jamal na ikinangisi ni katara.

"Alam ko." sabi ni katara.

"Dapat lang na alam mo." sabi ni Jamal sabay akbay kay Katara.

.....................

Canmore Palace

"King, nasa party ang pamilya niyo." sabi ng agent kay Amon na ikinakunot noo ni Amon.

"Ihinto niyo muna." sabi ni Amon.

"King, nailagay na." sabi ng agent na ikinatitig ni Amon sa agent.

................

Isla Verde

"Wow! Apo, mukhang masarap ang handa. Namiss ko ito noong kabataan ko." sabi ni Diez sabay tingin kay Ash habang karga na ni Ash ang apo nilang si Neeya.

"Bananacue lang ang pinunta ni lola mo dito." natawang sabi ni Ash sa apo nito kay Amon at Katara na si Neeya.

"Tinitinda ko ito dati, bata pa lang ako apo sexy na ako kaya ang lolo mo patay na patay sa akin kapag nakapatong ang bilao sa ulo ko at tila ako sumasayaw at kumakanta kapag sumisigaw ng...

"Bananacue."" natawang sabi ni Diez sabay kuha ng bananacue at sinubo iyon.

Napatingin si Ash sa kinakain ni Diez ng may maamoy na kakaiba.

...................

Canmore Palace

"Saan niyo inilagay?" sabi ni Amon sa tauhan.


"Sa saging King."
sabi ng agent na ikinalunok ni Amon.

......................

Isla Verde

"Masarap po ba iyan?" tanong ni Jamal.


"Ah oo naman. Tikman mo."
sabi ni Diez kay Jamal.


Napangiti si Jamal hindi niya kasi akalain na maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang ni Amon. Ngayon nga niya narealize na hindi lahat sa grupo may negatibong enerhiya o vibes kang matatanggap.

"Masarap iyan." sabi ni Katara na natuwa sa masayang awra ng ina ng ex niya sa asawa niya ngayon.

"Tikman mo." sabi ni Diez sabay bigay ng bananacue kay Jamal.


Kinuha ni Jamal ang stick na may bananacue saka iyon tinikman.

"Masarap ba?"
sabi ni Katara ng matikman ni Jamal ang bananacue

"Oo. Dapat banana farm na lang ang pinalit ko sa Mango Farm hindi condo para libre saging pa." sabi ni jamal


"Hahaha! Magaan ka kausap kaya pala nainlove si Katara sayo. Kumain ka pa."
sabi ni Diez kay Jamal na halos makatatlong stick na bananacue na ang ina ni Amon.

"Salamat po sa papuri." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Ash sa lalaki ng makitang lahat ng binibigay ni Diez kinakain din nito.

"Van nila Aj!" sigaw ni Luna na ikinatingin ng lahat ng huminto ang van.

Bumaba ang pamilya ni Aj na ikinangiti ni Katara na hindi lang ang pamilya ni Aj ang kasama nito

"Ohhhh! Hindi kami nahuli." sigaw ni Kale kasama nila Drake, Enzo at Laurent.

"Ang Daddy mo?" sabi ni Autumn ng makita si Drake.


"Nasa Palasyo po kasama si Mommy."
sabi ni Drake.

"Pinaiwan po siya tito." sabi ni Enzo kay Autumn.

"Wow bananacue." sabi ni Laurent ng unang dumapo ang tingin nito sa grupo nila Jamal habang kumakain si Jamal at Diez ng bananacue.


"Halika doon tayo Red."
sabi ni Laurent na agad na kinarga ang kapatid saka ito pumunta sa grupo ni Katara.

"Hello." nakangiting sabi ni Katara kay Strawberry o Red ng mapatingin ito sa kanya.


Hindi kumibo si Red ng may naamoy itong kakaiba.


"May topak?"
mahinang sabi ni Jamal ng hindi kumibo ang magandang batang babae na kahit wala ito sa mood maganda pa rin ito.

Napatingin si Red kay Jamal na ikinasiko ni Katara ng tingnan si Jamal ng batang babae.

"Hahaha! May topak siya bagong gising po kasi." natawang sabi ni Laurent sa ginawa ni Red na pagtingin kay Jamal, sabay tingin ni Laurent sa bananacue


"Gusto mo?"
tanong ni Jamal sa pag-aalok ng bananacue kay Laurent.

"Oo ba." sabi ni Laurent.

Inabot ni Jamal ang bananacue kay Laurent na agad na kinuha ni Laurent kahit karga pa nito ang kapa-kapatid na si Red.


Napatingin si Red sa bananacue na ikinatingin ni Laurent dito.


"Gusto mo?"
napangiting sabi ni Laurent sa kapatid na ikinakunot noo ni Red

"Hahaha! Wala talaga sa mood." natawang sabi ni Laurent na ikinatingin ni Ash sa apong si Red.

"Baka kasi ginising niyo." sabi ni Katara ng tahimik lang si Red na namumula pa ang pisnge na marahil sa hinigaan nito nagmula

"Iinggitin ko." sabi ni Laurent pero akmang kakainin nito ang saging ng kunin iyon ni Red.


"Ayyy! Bad iyon."
sabi ni Laurent sa kapatid ng hablutin nito ang bananacue na isusubo na niya dapat.

Hindi pinansin ni Red ang sinabi ni Laurent na ikinakunot noo ng grupo kung nasaan ang magkapatid.


Pagkahablot ni Red ng Bananacue inamoy iyon ng batang babae na ikinahinto ni Jamal at Diez sa akmang pagsubo.

Kinagat ni Red ang saging at tinikman iyon pero wala pang ilang segundo ng sumigaw ito.


"Papa! Poison."
sigaw ni Red na ikinanlaki ng mga mata ng lahat lalo na ni Ash sabay tingin sa asawa.

Napalunok naman si Katara sabay tingin kay Jamal.

Napatingin naman si Aj sa puwesto na pinuntahan ng grupo ng anak habang kausap ni Aj si Burn at Numa na kararating lang.

"Diez!!!!!" malakas na sigaw ni Ash na ikinaiyak ng malakas ng Neeya na karga ni Ash ng bumulagta si Diez kasunod nun ang pagtingin ni Jamal kay Katara na ikinaluha ni Katara.

"Ako una, gitna at huli." napaluhang sabi ni Jamal saka ito nabuwal na ikinahawak ni Katara sa tiyan nito ng bumula ang bibig ni Jamal sa mismong harapan niya.

"Amon!!!!" sigaw na pagalit ni Ash ng makitang iba ang epekto ng lason kay Diez kaysa kay Jamal base sa reaksyon ng pangingisay ng dalawa.

Agad na kinuha ni Luna ang sanggol sa tiyuhin na si Ash ng daluhan nito ang asawa.

Natulala naman ang triplets nila Ash at Diez ng makita ang ina nila na nangingisay.

"Papa!" umiiyak na tawag ni Red na agad na pinuntahan ni Aj ang anak at kinuha ito kay Laurent.

Naihulog naman ni Laurent ang bananacue na dapat kakainin nito sa shocked na nasasaksihan.

"Tatay." napaluhang sabi ni Laurent saka ito tumingin kay Aj na ikinatiim ng bagang ni Aj ng makita ang takot sa mata ni Laurent na nakita na ni AJ dati sa ama nito sa panahon na hindi masabi ni Shadow ang nakita nitong krimen.

..................

Canmore Palace

"King, nagkakagulo na sa party." sabi ng agent na ikinatiim ng bagang ni Amon.

"Ano pong gagawin?" sabi ng tauhan nito.


"Ipadala mo ang gamot pero kay Mama lang."
napangising sabi ni Amon na ikinatitig ng tauhan kay Amon.

...............

Days later

Cheung Hospital, El Paradiso

"Gagaling siya." sabi ni Aj kay Katara.

"Alam ko, alam kong gagaling siya." sabi ni Katara habang nasa kuwarto ito Jamal.

Napahingang malalim si Aj, nasa public ward lang ang pasyenteng si Jamal dahil hindi pumayag si Katara na ilagay ito sa private room. Hindi rin tumatanggap si Katara ng tulong mula sa pamilya nila. Pero ang maganda doon pumayag si Katara na dalhin sa Cheung Hospital si Jamal para mapagamot dahil wala naman kagamitan sa Isla Verde na makakatulong kay Jamal.


"AJ, salamat pero huwag kang mag-alala kaya ko."
sabi ni Katara na napangiti ng makita ang pag-aalala sa mukha ni Aj na araw-araw silang kinakamusta ni Jamal at ang anak niya na si Neeya.

Napatitig si Aj kay Katara, dahil hindi niya nakitaan ng panghihina ang babaeng nasa harapan niya. Katunayan mula ng maospital si Jamal nagtrabaho ito para tustusan ang pangangailangan ni Jamal sa hospital.

"Puwede naman kami tumulong, o kahit ako lang." sabi ni Aj.

"Sapat na ang ginawa ng anak mo, kung hindi niya napansin baka natuluyan na si Jamal. Ang totoo masaya ako kasi naturuan mo siya ng maayos. Ang talino niya, at ang galing niya ay kakaiba.

Naiisip ko tuloy kaya ayaw ni Amon sa anak namin kasi mas nais niya ang tulad ni Red. Hindi ko naman sinasabi na hindi magaling ang baby ko. Bata pa siya at alam ko magaling din siya tulad ni Amon. Pero kilala ko si Amon, gusto niya ang nakikita niya base sa pangarap niya." sabi ni Katara.

"Galit ka sa kanya?" tanong ni Aj.

"Galit? Hindi ko masabi. Kasi ang totoo naaawa ako sa kanya, wala kasi siya kasiyahan. Kaya siguro hindi ako makaramdam ng galit, lalo tuwing naaalala ko ang sabi Jamal.

Walang mabuting maidudulot ang galit kapag tinanim ko ito. Ang sabi niya sa akin, magpokos ako kung anong ikasasaya ko. Kaya naman araw-araw akong tumatayo at nagpapasalamat sa Diyos na buhay si Jamal kasi siya ang kasiyahan ko at sa kanya ako nakapokos. Sa kanya at sa babies namin." sabi ni Katara na ikinangiti ni AJ.

"Iniisip ko kasi buntis ka, baka mapaano ka at ang batang dindala mo." sabi ni AJ.

"Aj, sanay ako sa hirap. Mas mahirap pa ang pinagdaanan ko kay Neeya ng pinagbubuntis ko siya sa palasyo. Ang hirap ngayon ay hindi hirap na dala ng asawa ko, di tulad kay Neeya noon, bawat araw pinapatay ako ni Amon. Ngayon, bawat araw pakiramdam ko binubuhay ko si Jamal na siyang lakas ko." sabi ni Katara saka ito napangiti habang hawak ang dala nitong bag na may lamang sako.

"Makakasama ang ginagawa mo sayo kahit isang tulong lang pagbigyan mo ako." sabi ni Aj ng mapatiim ng bagang dahil alam niyang mahirap ang bumuhay sa pamilya na nag-iisa ka lang dahil naranasan niya iyon. At ngayon alam niya kahit hindi sabihin o tumayo sa katayuan ni Katara na mas mahirap ang pinagdadaanan nito dahil buntis ito at may pinapagamot sa asawa, isama pa na may inaalagaan pa itong anak.


"Wala naman akong dapat ikahiya at hindi naman nakakaramdam ng pagod, kasi tuwing umuuwi ako o binibisita ko si Jamal pakiramdam ko umuuwi ako na may surpresa." sabi pa ni Katara na ikinatitig ni AJ dito.

"Tutulungan kita, pag-isipan mo para sa pamilya mo."sabi ni Aj.

"Marami ka ng itinulong. Okay na ako." sabi ni Katara na ikinahingang malalim ni AJ.

"Okay. Mag-ingat ka. Hindi na kita pipilitin kasi nakikita kong masaya ka kahit mahirap." sabi ni Aj na ikinangiti ni Katara


"Mahal ko kasi si Jamal."
napasigok na sabi ni Katara na ikinatiim g bagang ni Aj sa habag para kay Katara.


"....masaya ako AJ kahit mahirap. Kasi mahal niya ako, lumalaban siya para sa akin."
sabi ni Katara saka ito ngumiting tiningnan si Jamal.

................

One Month later

Isla Verde

"Kukunin niyo po?" sabi ni Katara ng katukin siya ng mga pinagkakautangan nila ng hinuhulugang gamit ni Jamal.


"Wala ka ng pambayad, kaya kukunin na lang namin."
sabi ng lalaki na ikinatango na lamang ni Katara.

Kakukuha lang ng ibang applinaces na hinuhulugan nila ni Jamal tulad ng ref, aircon at ngayon naman ang mga muwebles. Wala na nga yata matitira sa bahay na iyon, na wala naman siya magagawa dahil wala siyang pera. Ang savings nila ni Jamal ubos na, hindi naman siya makawidraw sa account ni Jamal sa bangko at ang atm nito na binigay sa kanya ubos na rin.

...................

Valiente Empire

El Paradiso

"Ano iyan?" sabi ni Autumn sa tauhan ni Amon na pinadala nito.

"Pinabibigay po ni King Amon." sabi ng tauhan kay Autumn ng maabutan ito sa opisina ni Amon sa Emperio.

"Ano nga iyan?" sabi ni Autumn dahil si Amon hindi pa nagpapakita sa kanila mula ng matapos ang dapat na masayang birthday ng anak ni Amon.

"Pagdurugtong ng Palasyo sa Emperio." sabi ng tauhan ni Amon na ikinahingang malalim ni Autumn.

..................

May 7, 2023 8.00am

Fifth Street

............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top