Kabanata 31 : Ang Bakas na Hindi Mabubura

Kabanata 31 : Ang Bakas na Hindi Mabubura

Kinabukasan

Isla Verde


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Steven sa apo sa tuhod na si Amon.

"Nalaman kong naririto ang anak ni Katara kaya hihiramin ko sana ang bata." sabi ni Amon sabay tingin sa paligid

Dumeretso si Amon sa bahay ng lolo Steven nito ng malaman mula sa tauhan na doon natulog ang bata.

"Nagkaroon ng oras dahil walang abala." sabi ni Amon sa isip na napatiim ng bagang ng maalala ang pagtatalik nila Jamal at Katara na napanood niya.

Pinagmasdan naman ni Steven ang apo, kakaiba ang awra nito o siguro nadevelop lang dahil ang awra nito ay nakuha ni Amon sa mga Valiente, maangas. Kapag nakikita nga niya ito naaalala niya ang lolo nitong yumao na si Ramon Valiente noong panahon na nag-aaral sila sa SVU kung saan si Ramon ang troublemaker ng eskuwelahan nila.

Sa tindig ni Amon hindi mo ito basta-basta mapapasunod, at dala ng apat malalakas na genes sa katauhan nito kaya siguro kakaiba ang naging resulta kay Amon.

"Puwede ko bang makuha ang anak ni Katara?" sabi muli ni Amon na ikinatitig ni Steven sa apo.

Napatingin si Amon sa matandang lalaki, na kung tutuusin sa edad nito dapat nakawheelchair na ito pero hindi kasi malakas pa ang matandang lalaki. Ang awra nito ay halatang hindi kung sino-sino lamang ito.

"Mukhang close kayo ng anak ng dati kong asawa." sabi pa ni Amon ng titigan lang siya ng matandang lalaki na nakaupo sa tumba-tumba nito ng abutan niya sa balcony ng unang palapag ng bahay nito.

"Hindi mo mahihiram ang ANAK NI KATARA." seryosong sabi ni Steven na ikinangisi ng lihim ni Amon sa diin ng bigkas ng lolo niya sa kanina pa niya winiwika.

"Bakit naman?" sabi ni Amon habang nakatayo ito ilang hakbang mula sa upuan ng matandang lalaki.


"Dahil ikaw na rin nagsabi ANAK ni KATARA, ng ex-wife mo so hindi mo anak kaya bakit mo hihiramin ang sanggol na hindi naman iyo."
seryosong sabi ni Steven.

Napangiti si Amon sabay tingin sa paligid kung saan nagkalat sa labas ng bahay ang tauhan ng lolo niya. Si Steven Tuazon lang naman kasi ang may-ari ng Ground Zero ang elite group na mga Secret Agent sa bansa.

"Umalis ka na Amon, baka hinahanap ka sa Palasyo." sabi ni Steveen ng tingnan ni Amon ang paligid at alam niyang pinagmamasdan nito ang galaw ng lahat.

Napatingin si Amon sa matandang lalaki saka nagwika.


"Hindi ka ba nananabik sa apo mo kaya gusto mo na akong paalisin? Wala man lang bang pag-alok ng tubig man lang o maupo man lang sa tabi mo para makipagkuwentuhan?"
sabi ni Amon sa matandang lalaki na ikinatitig ni Steven lalo sa apo.

"Wala akong nababakas na kahit katiting na ugali ng bunsong kapatid ko sayo, bagay na nalulungkot ako kasi mukhang natabunan ng ibang dugo ang busilak na puso ng kapatid ko na dapat naibahagi niya. Nakakalungkot din isipin na mas malakas ang epekto sayo ng pinagsamang dugo ng nanay at tatay mo." sabi ni Steven na ikinangisi ni Amon.

"Apo ako ni Ella Tuazon, kahit yurakan mo ang pagkatao ko hindi mo maaalis na isa akong Tuazon kadugo mo ako, na maaaring ganito ka rin kung hindi ako nagkakamali." sabi ni Amon sabay lapit sa matandang lalaki at bahagyang yumuko saka bumulong.

"Hindi ba, minsan mo ng inangkin ang bagay na hindi sayo. Ang lupang kinatatayuan natin ay hindi sayo kundi kinamkam mo lang.

Ang isla Verde ay HINDI SAYO pero inangkin mong buo bagay na kahit anong sabihin mo ang dugo ko ay dugo mo at nakakalungkot isipin na sa bawat pamilya may isang black sheep tulad mo.

Ikaw ang black sheep sa pamilya niyo. At tulad ko aminado ako isa ako sa blacksheep pero ang kinuha ko ay nag-paangat sa grupo at sa pamilya ko. Hindi tulad mo iniwan mo ang kapatid mo sa panahon na kailangan ka niya." sabi ni Amon na ikinatitig ni Steven dito.

Napangisi si Amon saka ito tumayo ng tuwid at tinitigan ang matandang lalaki saka muling umusal.

"Akala hindi ko alam, yes.... ako si Amon Valiente at ang lahat ng masamang dugo ng angkan ko ay nasa akin. Mula kay Ralph Cheung, papunta sayo. Ikaw na kuya ni Ella Cheung ang nang-iwan sa kanya sa panahon na iniwan din siya ng nobyo niya...

....at sa panahon na.... biktima siya ng pangmomolestiya.

Ngayon sino ang masama? Ako lang ba?" sabi ni Amon sabay tungkod ng mga kamay sa upuan ni Steven

"Kaya proud ka na iniwan mo rin ang mag-ina mo? Magkaiba tayo Amon, dahil minahal ko ang anak ko sa babaeng nabuntis ko, at kaya ko iniwan ang kapatid ko para matuto siya sa mga bagay na hindi niya pinakinggan.

Huh! Meron ka pa lang nakuha kay Ella at iyon ay pareho kayong matigas ang ulo." sabi ni Amon na ikinatiim nag bagang ni Amon.

Napatingin ng seryoso si Steven sa apo saka ito muling umusal.


"Kaya ka naihahambing kay Aj at sa iba, kasi ikaw ang pinupulot mo iyong bagay na mali, at iyong bagay na tinapon at pinagsisihan na ng isang tao.

Ako na nagkamali sa pag-iwan sa kapatid ko, ang lolo Ramon mo na nagkamali sa pagiging trouble maker niya, ang lolo Rod mo na iniwan ang lola mo sa panahon na kailangan siya nito dala ng depression sa pangmomolestiya kay Ella.

Ikaw ang apo namin, na kinuha lahat ng mali at iyon ang sinuksuk mo sa utak mo para gamitin sa buhay mo.

Hindi ako perpekto pero natuto ako sa buhay ko, hindi tulad mo Apo ang lahat ng mali pinipilit mo gawing tama. Bagay na kahit anong gawin mo lalabas kang talunan kapag hindi ka gumising sa katotohanan na ang buhay ay isang pagsusulit na kailangan mong itama ang sagot mong mali."
sabi ni Steven na ikinangisi ni Amon.

"Kaya pala, isa ka sa tumulong para paglaruan ako na isang pagkakamali na gaguhin ako." sabi ni Amon.

"Ako? Anong ginawa ko sayo para masabi mong ginagago kita?" sabi ni Steven.

Hindi umumik si Amon habang nakatitig lang kay Steven.

Nakipagligsahan ng titigan si Steven saka ito umusal ng hindi magsalita si Amon.

"Huwag kang hangal, kung anong nagaganap siyang resulta ng ginawa mo. Huwag mong isisi sa iba ang bagay na IKAW ANG MAY SALA." sabi ni Steven.


"Kaya pala?"
sabi ni Amon na ikinakunot noo ni Steven.


"Kaya pala ano?"
sabi ni Steven.

"Pinapatay mo ang kapatid mo at ang buong grupo niya para matigil ang gulo." sabi ni Amon na ikinangisi ni Steven.


"Hindi ako may gawa nun, at alam ng lahat iyon. Mahal ko si Ella, ang bunsong kapatid ko, at hindi ako tulad mo Amon nakikipagkompetensya ka sa mga kapatid mo.

Mag-ingat ka baka dumating ang araw kamuhian ka nila sa bagay na hindi mo makakaya." sabi ni Steven.

"Okay, huwag kang mag-alala hindi ako tanga. Ngayon nasaan ang bata? Kukunin ko." sabi ni Amon na ikinangiti ni Steven


"Hindi mo makukuha si Neeya dahil hindi ka niya ama. At hindi mo siya magagalaw dahil sa ginawa mo ngayon sinisiguro ko nakabantay ang lahat sa apo ko na si Neeya mula sayo."
sabi ni Steven na ikinatiim ng bagang ni Amon.


"Anong bayad ang ginawa ni Jamal sayo?"
sabi ni Amon na ikinangiti ni Steven.

"Matanda na ako Amon, hindi ko kailangan ng suhol. Isama pa na, hindi ako tauhan ng kahit sino. Hindi ba nasa dugo mo rin iyon? Ang ayaw na maging tauhan ng kahit sino?" mapanuyang sabi ni Steven.

"Okay." sabi ni Amon saka ito tumayo ng tuwid at tumalikod kay Steven.

Napasunod ng tingin si Steven kay Amon ng pagmasdan muli ni Amon ang paligid mula sa balcony.

Mahabang sandali ng katahimikan ang lumipas ng muling umusal si Amon.

"Ano kaya masasabi ng pamilya natin kapag nalaman nilang nagkagusto ka sa kapatid mo?" sabi ni Amon sabay tingin kay Steven na ikinatitig ni Steven sa mga mata ni Amon.

"Wala ka talagang kakuntentuhan." sabi ni Steven na ikinangisi ni Amon.

"Huwag kang makikialam sa relasyon ng ex-wife ko sa bago niyang asawa dahil gagawin ko ang lahat para masira ka sa mata ng lahat." sabi ni Amon.

"Bakit ako ang pinupuntirya mo?" tanong ni Steven.

"Dahil ikaw ang hari ng isla Verde, at ang ex-wife ko ay nasa teritoryo mo." nakangising sabi ni Amon.

......................

Isla Verde

Haram's House

"Ano ba iyan binili mo?" sabi ni Katara habang nasa theatre room ito ng maabutan ni Jamal.


"Lumabas ako ng marinig ko si Manong na nagtitinda ng fishball at heto napabili ako ng marami."
sabi ni Jamal sabay pakita ng fishball, kikiam at kuwek kwek na nakalagay na sa malaking mangkok.

"Ang dami naman niyan." sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal dahil mula ng ipatikim niya kay Jamal ang mga streetfoods naadik ito doon.

"Masarap kasi." sabi ni Jamal sabay dala ng tray sa kama na nasa theatre room.

"Hindi mo talaga ako palalabasin?" sabi ni Katara kay Jamal dahil kagabi pa siya nasa loob ng theatre room.

"Hindi." sabi ni Jamal sabay hawi sa comforter sa katawan ni Katara na ikinangisi ni Katara.

"Bakit?" sabi ni Katara saka ito pilyang ngumiti.

Napangiti ng pilyo si Jamal saka nito kinuha ang platito na may lamang sauce ng fishball.

Lumapit si Jamal at naupo sa tabi ni Katara.

"Kasi, titikman pa kita ng may sauce." sabi ni Jamal sabay dukduk ng daliri nito sa sauce at pinahidi iyon sa tiyan ni Katara.

"Masarap ako kahit walang sauce." sabi ni Katara.

"Oo naman. Pero hindi masamang mag-try." pilyong sabi ni Jamal saka nto dinilaan ang pinahid na sauce sa tiyan ni Katara na ikinapikit ng babae.

"Hmmmn." ungol ni Katara ng lumapat ang mainit na dila ni Jamal sa balat niya.

"Tumawag si lolo, sa kanila muna si Neeya at mukhang sakto iyon sa balak ko sayo." sabi ni Jamal saka ito pumaibabaw kay Katara

"Anong plano?" pilyang sabi ni Katara dahil kung tutuusin wala pa silang tulog ni Jamal sa mainit na tagpo na pinagsasaluhan nila mula kagabi.

"Secret." sabi ni Jamal saka nito hinigop ang sauce na ikinabuka ng bibig ni Katara.

Napangiti si Jamal saka nito isinalin ang sauce na nasa bibig sa bibig ni Katara saka pinagsaluhan ng dalawa ang kakaibang sarap ng araw na iyon.

...................

Heather Academy, Heather Island

Days Later

Napatingin ang lahat sa hallway habang naglalakad si Aj buhat si Red sa hallway ng eskuwelahan kung saan pumapasok si Laurent.

"Si kuya Aj."sabi ni Champagne ng makita si AJ na ikinatingin ng kakambal nitong si Eliseo.

"Ang ganda Ely, pamangkin niyo?" sabi ng lalaki kay Eliseo.

"Oo." sabi ni Eliseo ng mapangiti ng makita si Red.

"Papa!" sigaw naman ni Laurent ng makita si Aj.

"Kuya!" masayang sabi ni Red ng makita ang kuya-kuyahan nito.

"Anong ginagawa niyo dito?" sabi ni Laurent kay Red.

"Sundan kita." masayang sabi ni Red na ikinatingin ni Laurent kay Aj.

"Ienrol mo nga siya, iba na ang school kompara dati kanina pa ako lakad ng lakad." sabi ni Aj kay Laurent na ikinangiti nito.


"Dito na po ba siya mag-aaral?"
sabi ni Laurent na kinabakasan ng kasiyahan.


"Oo, ayaw niya umuwi sa Japan kaya ieenrol ko muna dito."
sabi ni Aj.

"Kuya, kami na mag-eenrol." sabi ni Drake na ikinakunot noo ni Aj.

"Bakit ka nandito?" sabi ni Aj sa pinsan na kaedaran ni Laurent na pinsan din niya.

"Transferee." sabi ni Drake.


"Tsss. Sino kasama mo?"
sabi ni Aj ng biglang kumaway ang dalawa pa na ikinangisi ni Aj ng makita si Enzo at Kale.


"Pumayag si Papa na dito muna ako kahit ngayong sem."
sabi ni Kale ng makalapit kay Aj.

"Kuya kami na mag-aalaga." sabi ni Enzo sabay tingin kay Red.


Napatingin si Aj kay Enzo na nakatitig kay Red.

"Nagbago isip ko." sabi ni Aj saka yakap sa anak.

"Hala! Bakit naman po Papa?" sabi ni Laurent sa ama-amahan.

Napatingin si Aj sa mga kabataan na nasa harapan niya na nakatingin sa anak niya.


"Papa, dito na lang ako nadodoon si ate Champagne."
sabi ni Red.


"Kuya, ako na mag-eenrol"
sabi ni Champagne ng makalapit ito.


Nasa Junior high na ang mga kabataang lumapit kay Aj at Red sa eskuwelahan na iyon.

"Papa, dito na ako. Baba mo po ako." sabi ni Red na ikinatingin ni Aj sa anak na halatang masaya ito.

"Papa, kami na bahala." sabi ni Laurent.

"Sasamahan ka namin." sabi ni Ely na nakalapit na rin.

Pinagmasdan ni Aj ang mga kabataan na nasa harapan niya. Ang mga bata sa henerasyon ng grupo nila, mga estudyante pa at alam niyang puno ng kalokohan ang mga ito.

"Papa, okay na ako." sabi ni Red ng makitang nagdadalawang isip ang ama niya.

Napatingin si Aj sa anak na ikinangiti ni Aj ng makita ang pagbabalik ng awra ni Red na gusto niya mangyari.

"Okay, ako ang mag-eenrol sayo at may bantay ka." sabi ni Aj na ikinatango ni AJ.

Napangiti naman si Kale at Enzo na ikinasiko ni Drake sa dalawa. Napatingin naman si Laurent sa mga kaibigan, pinsan at kaklase saka ito napangisi.

...................

One and a half month later

Canmore Palace

"Anong balita?" sabi ni Amon.

"Kumpirmado King, buntis ang asawa ni Ministro." sabi ng Agent na inutusan ni Amon na ikinatiim ng bagang ni Amon.

"Okay, tama na ang saya." sabi ni Amon saka ito tumayo sa kinauupuan mula sa paborito nitong tambayan sa palasyo, ang garden.

........................

Isla Verde

Hospital

"Positive." sabi ng doctor kay Katara at Jamal na ikinangiti ng dalawa

"Congrats, Mr and Mrs Haram." sabi pa ng doctor sa mag-asawa.

Napatingin si Jamal kay Katara saka ito niyakap at bumulong.

"Anong gusto mo para sa celebration?" sabi ni Jamal.

"Okay na ang second birthday ni Neeya isabay natin ang announcement." sabi ni Katara.

"Okay, so imbitahan natin sila?" sabi ni Jamal.


"Oo, pero gusto ko sa bahay lang ang pagtitipon."
sabi ni Katara.

"Gusto mo ng simple?" sabi ni Jamal.


"Oo."
sabi ni Katara.

"Okay." nakangiting sabi ni Jamal.

.....................

Canmore Palace

"King, sa second birthday ng anak ni Maam Katara doon ibabalita ang pagdadalangtao niya." sabi ng Agent na ikinangisi ni Amon.

"Alam niyo na ang gagawin." sabi ni Amon.

"Yes King." sabi ng tauhan.

"Okay, tingnan natin kung makita mo ang anak mo." sabi ni Amon sa isip saka nito inilabas ang nasa bulsa nito na ikinatingin ng tauhan ni Amon dito.

....................

One Month Later

Isla Verde

"Okay ba?" sabi ni Jamal kay Katara ng ipakita ang preperasyon sa ikalawang taong kaarawan ni Neeya na gaganapin sa likuran bahay nila Jamal at Katara.

Napangiti si Katara dahil literal na simple ang handaan.

"Streetfoods Theme." nakangiting sabi ni Jamal.


"Grabe, baka manawa sila niyan at wala pumunta dahil nakakain nila iyan araw-araw."
natawang sabi ni Katara pero sa loob niya masaya siya, kakaibang saya dahil kahit kailan nasasakyan ni Jamal ang kasimplehan niya.

"Dito natin malalaman kung sino ang totoo sa atin. Sabi mo nga sa kasimplehan matutuklasan ang mga taong nasa tabi mo." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.

Pinagmasdan ni Katara ang paligid, may mahabang mesa at sa mesa may mga streetfoods na makikita, mga inihaw na nakikita niyang benebenta dati nila Numa sa isawan na pag-aari nito, may mga palamig, binatog at kung ano-ano pang makikita mo sa kalsada na kahit na balot meron. At ang ikinatuwa niya pa lalo ang itsura ng lugar na tila ginaya sa parke dahil sa ayos ng mga upuan na parang namamasyal ka lang.

"Okay ba?" sabi ni Jamal.


"Oo naman. Ang ganda."
sabi ni Katara habang karga nito si Neeya.

"Ito ang ikalawang taon na kasama ko si Neeya at ikaw. Ang ikalawang taon na ako ang tatay niya at ang ikalawang taon na..." udlot na sabi ni Jamal ng magsalita si Neeya.


"Dada."
sabi ni Neeya sabay kalabit kay Jamal.


Napatingin si Jamal at Katara sa batang babae.

"Dada, nyam nyam." sabi ni Neeya na ikinatawa ni Jamal.

"Yes, ako ang daddy mo. Si dada at mamaya kakain tayo.Nyam-nyam." sabi ni Jamal sabay kuha at karga kay Neeya mula kay Katara.


Napangiti si Katara, hindi kasi nagbabago si Jamal kahit na magkakaanak na sila. Ang pag-aasikaso nito kay Neeya ay ganoon pa rin na tila ito ang tunay na ama ng anak niya.

"Magkakaroon ka na ng kapatid, may kalaro ka na. Pero alam mo ba sana boy para may mag-aalaga sayo." sabi ni Jamal sa batang babae sabay yakap kay Neeya na ikinatingin ni Katara sa asawa.


"Kahit naman babae ang anak natin, may mag-aalaga sa kanila... at iyon ay ako at ikaw."
sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.


"Hindi ko minamaliit ang kakayahan ng babae pero para sa akin kailangan ni Neeya at kailangan mo ng lalaking mamahalin kayo at aalagaan."
sabi ni Jamal


"Ikaw, nandiyan ka naman."
sabi ni Katara

"Gusto ko manigurado na kahit wala ako may katabi kayong lalaki na poprotekta sa inyo." sabi ni Jamal

"Jamal, kung baby boy nga ito matagal pa bago niya kami maalagaan kasi tuturuan mo pa siya kung paano tumarato ng babae." sabi ni Katara.

"Alam ko, pero kahit na wala ako malalaman niya iyon, kasi ang pagpapakasal ko sayo at pagtanggap at lalo na ang pagsilang niya sa mundo ay isang bahagi ng pagmamahal na matutunan niya agad at mauunawaan sa pamilyang meron tayo." sabi ni Jamal.


"Ay grabe! Parang mawawala ka naman."
sabi ni Katara.

"Hindi ako mawawala, at lagi ko sinasabi sayo nasa tabi mo ako at nasa puso mo ako. Ako ang una, gitna at huli. Ako ang bakas na hindi mabubura." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.

..............

May 6, 2023 2.25pm

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top