Kabanata 3 : Babae
Kabanata 3 : Babae
One month later
Isla Verde
Isang buwan ang lumipas ng pumisan si Katara sa Cheung Hospital sa El Paradiso para sa panganganak at pagpapagaling nito.
Napatingin si Katara sa lugar kung saan siya dinala ni Jamal. Natagalan siya sa hospital dahil siniguro muna ng lola ni Amon na si Dra Ellie Cheung, isang OB-Gyne at doctor ni Katara na magaling siya at malusog sila ng baby niya bago pauwiin.
Wala din siyang binayad ni singkong duling sa Cheung Hospital, kung saan maayos at maganda ang pag-aalaga sa kanilang mag-ina na hanggang ngayon nahihiya siya dahil iba ang pagtrato sa kanya ng pamilya ni Amon na kabaligtaran sa ginawa ng ex niya sa kanya.
"Okay ba ang bahay ko?" sabi ni Jamal ng nakatayo lang si Katara sa labas ng malaking bahay na iyon na maganda at maaliwalas dahil old style house iyon na tila bahay bakasyunan.
Napangiti lang si Katara pinatos niya ang pagiging katulong sa bahay ni Jamal na may sahod na fifteen thousand pesos. Kuripot si Jamal na parang bombay dahil nakipagtawaran pa ito sa kanya sa gustong niyang sahod na twenty thousand pesos.
"Madali lang linisin iyan." sabi ni Jamal na napakamot ang ulo ng makita ang pagngiti ni Katara na pinagmamasdan ang bahay niyang nabili sa may kalakihan dahil bahay baksyunan iyon na pribado na binili niya sa isang mag-asawang pinay at afam na ngayon nag-migrate na sa Amerika. At iyon ang sabi ng katiwala at abogado na nakausap niya.
Napatingin si Katara kay Jamal, hindi naman ito palagian sa hospital habang naka-confine siya doon. Isa hanggang dalawang beses nga lang sa isang buwan ito magpakita sa kanya sa pananatili niya sa Cheung Hospital, na kung tutuusin inaasahan naman niya at ang nasa isip nga niya hindi na ito magpapakita.
"Hindi ka ba uuwi sa inyo? I mean sa bansa mo?" sabi ni Katara.
"Ang totoo kauuwi ko lang doon kaya hindi kita napuntahan sa hospital nitong mga nakaraan araw." sabi ni Jamal.
"Hindi ka uli uuwi?" sabi ni Katara.
"Ahmm. May business na ako dito nakipagsosyo ako, kaya busy na ako. So, baka matagalan pa bago ako umuwi." sabi ni Jamal.
"Negosyo? Sa isang pinoy? May kakilala ka ba dito?" sabi ni Katara habang bitbit niya ang anak niya na natutulog kahit katirikan na ng araw.
Napangiti si Jamal sabay tingin sa bahay niya na nabili.
"Baka magoyo ka dito. Hindi naman sa paninira pero maraming manlolokong Pinoy mahirap man o mayaman." sabi pa ni Katara ng napangiti lang si Jamal.
"Tama ka doon at alam ko iyon kaya naman nagtanong ako sa mga mapagkakatiwalaan." sabi ni Jamal.
"Tiwala? Wala ka ngang kilala dito." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.
"Concern ka ba sa akin?" sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ni Katara.
"Ahhm. Ang totoo, nag-aalala ako sa mga tulad mong foreigner na kahit marunong ka ng magtagalog puwede ka pa rin maloko ng Pinoy." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal sa kanya.
Nailang naman si Katara sa tingin ng arabo kaya muli siyang umusal sa naiisip niyang nasa isip nito na tipikal na isipin ng mga banyaga sa mga Pinoy na tulad niya.
"Ahhhm! Ano kasi? Ahhmm, baka sabihin mo masyado ko minamaliit ang pinoy o sinisiraan ang mga kalahi ko pero alam mo iyon... ano kasi... ahh... paano ba? Paano ko ba sasabihin sayo na hindi mo ako titingnan sa paraan na masama o..." putol putol na sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Na inggit ka sa pinagkatiwalaan ko?" dugtong na sabi ni Jamal na ikinaiwas ng tingin ni Katara
"Siguro ganoon nga. Kasi ang mga Pinoy kapag nagsalita ka akala nila inggit ka na. Kapag nagsabi ka ng nasa loob mo na hindi tugma sa gusto nila marinig sayo ang iisipin nila, negative kang tao, inggit ka sa kanila o..."sabi ni Katara.
"Pangit ka kabonding." napangiting sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.
"Ang dami mo ng alam na salita. Magaling ka sa pagpick-up ng mga salita na uso." napangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Isa sa ugali niyong mga pinoy ayaw niyo tumanggap ng pangit na salita. Pero karamihan sa inyo pangit ang lumalabas sa mga bibig niyo." sabi ni Jamal.
"Grabe! Edi kami na uli ang masama." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal.
"Hahaha! Katulad niyan ikaw na nagsabi na maraming manloloko sa inyo pero ikaw na rin ang tila ayaw tanggapin ang sinabi ko.
Ang Pinoy sa pagkakakilala ko ay mga taong masayahin kaya naman ang gusto lang nila marinig masaya, positibo kaya hindi nila alam kung paano hawakan ang mga negatibo. Bakit? Kasi nga sarado ang isip nila." sabi ni Jamal.
"Tsss! Sige na nga. Pero mabalik tayo anong negosyo mo?" sabi ni Katara.
" Hahaha! Tama ako kaya ayaw mo ng pakinggan ang sinasabi ko...
.... na ugali niyo ng mga pinoy segway. " natawang sabi ni Jamal.
"Grabe." sabi ni Katara na may halo naman na totoo dahil ugali na iyon ng mga pinoy iiwas kapag ayaw ng mga naririnig.
Napangiti si Jamal saka nito inakbayan si Katara.
"Binili ko ang alok na Mango Farm ni Atlas Cheung." bulong ni Jamal na ikinanlaki ng mga mata ni Katara.
"Ano? Family business iyon na galing kay lolo Malic. Paano niya nakuhang ibenta sayo?"sabi ni Katara.
"Ang benenta lang naman niya iyong mango farm dito sa Isla Verde at maliit na farm lang. Hindi naman lahat." sabi ni Jamal.
"Kahit na baka magalit ang pamilya kay Tito Atlas." sabi ni Katara
"Si Bronze ang nakausap ko g direkta." sabi ni Jamal.
"Si Bronze, iyong asawa ni Luna?" nagtatakang sabi ni Katara.
"Oo, marami na daw silang hawak na negosyo at dahil hindi sila makapunta dito kaya naisipan nila na hatiin ang farm sa lokasyon ng Isla Verde." sabi ni Jamal.
"Hala! Alam ba nila lolo Orion?" sabi ni Katara dahil alam niyang mahigpit ang pamilya at grupo na makisosyo ng negosyo sa outsider.
"Ang totoo may pirma si Mr Orion Valiente at....
.... Malic Lopez." napakunot noo na sabi ni Jamal sa pagtataka sa reaksyon ni Katara
....................
Cave House, El Paradiso
"Mababntayan ko siya ngayon pati ang apo ko sa tuhod." nakangiting sabi ni Orion habang nagbibilang ng pera si Malic sa harapan nito.
"Malaking halaga ito. Grabe! Ang laki ng benta mo sa kanya. Isa ka ngang tusong negosyante." sabi ni Malic ng hatiin nila ni Orion ang pera ng farm.
"Ang arabong iyon, tinawaran pa ako parang bombay pero... huh! Hindi niya ako maloloko." sabi ni Orion sabay higop ng tsaa nito habang ang dalawang magkaibigan at magbalae ay nasa balcony ng Cave House.
"Mali ang sukat mo sa farm? Tinaasan mo ang halaga ng presyo?" sabi ni Malic.
Napatingin si Orion kay Malic. Si Malic ang nagtayo at nagpalago ng Mango Farm sa isla Verde at naglagay nito sa El Paradiso. Nakilala si Malic Lopez sa larangan ng negosyo dahil mula sa wala nakuha nitong palakihin ang perang namana nito sa ama at nakapagtayo pa ng mango at banana factory na ine-export pa sa ibang bansa.
Yumaman ito sa sariling pawis na hindi inakala ng grupo pero naibenta ang negosyo nito sa pamilya ni Atlas at Winter Cheung ng umalis ang pamilya nito at lumipat ng ibang lugar. (Read 3rd gen novels for complete stories)
Sa pagbabalik ni Malic Lopez, palihim na nakipagtransaksiyon ang anak nitong si Wine Lopez para makuha at maibalik ang pinaghirapan ng mga magulang pero dahil nasa pangangalaga na iyon ni Bronze ang negosyanteng pinagkautangan ng lihim ni Atlas Cheung dahil sa mga naluging negosyo nito kaya naman hindi ito makuha ng anak ni Malic.
Pero dahil sa pag-asam ni Wine kinausap nito ang kapatid na si Chhaya na asawa ni Autumn Valiente, kapatid ni Winter na makuha ang lupa kahit ang kalahati lamang.
Hindi ito makuha ng lahat dahil kay Bronze kaya naman ng sabihin ni Bronze na gusto nito si Luna doon gumawa ng aksyon si Autumn ng pailalim nitong bilhin ang lupa ng biyenan nito na nasa isla Verde kapalit ng pagpayag at pagboto kay Bronzea para kay Luna.
Kaya naman akala ng lahat si Bronze ang may-ari ng lupa pero ang lahat nasa pangalan ng magkaibigang Orion at Malic dahil iyon ang isa sa nakasaad sa kasunduan ni Bronze ng pakawalan nito ang ibang ari-arian. Pero dahil si Bronze ang kilala ng lahat bilang may-ari ng mga negosyong nabanggit kaya ito ang humaharap sa mga tao at tagapirma lamang sila Malic at Orion.
"Tama naman." sabi ni Orion sa tanong ni Malic.
"Eh ano? Bakit sabi mo hindi ka niya nautakan?" sabi ni Malic.
"Dahil, siya ang ilalagay ko para matuto ang apo nating si Amon." sabi ni Orion na ikinaamoy ni Malic sa perang binibilang nito.
"Hmmmn. Ang bango ng pera, pero bakit mo naman nasabi iyan. Eh mukhang sa mga apo natin si Amon ang hinayaan ko na kasi mas matanda pa mag-isip sayo at.... mautak." sabi ni Malic sabay paypay ng pera nito.
Napangisi si Orion dahil habang tumatanda sila, lalo nakuha ni Malic ang ugali ng ama nitong si Dennis Lopez Jr. na hindi mo mauutakan sa pera. Isama pa na naki-share pa ang kapatid nitong si Matias na siyang naghanap ng buyer.
"Oras na para makialam ako bago tayo mawala sa mundo. Tuturuan natin ng magandang leksyon ang apo natin." sabi ni Orion.
"Sus! Si Autumn nga walang magawa." sabi ni Malic sabay amoy uli sa pera na binibilang nito paulit-ulit kanina pa.
"Kaya nga kasi wala tayo magagawa kapag sumakop na ang pagmamahal parang ikaw mukha kang timang sa ginagawa mo." sabi ni Orioan kay Malic habang inaamoy ni Malic ang lilibuhing pera.
"Mabango ang pera, at nagpapasalamat ako kay AJ dahil nadugtungan ang buhay ko sa magaling na puso ng ex niya. Maraming pera pa ang maaamoy ko." birong sabi ni Malic sabay amoy sa mga bagong lilibuhing pera.
"Tama, ang pagmamahal ay idinudugtong at iyon ang ginawa ni Aj na gagawin ko." sabi ni Orion sabay inom ng tsaa, na ikinatingin naman ni Malic dito sabay pamimilog ng mga mata ni Malic ng may maisip sa gusto ipakahulugan ni Orion.
"Aasawahin mo si Katara?" biglang sabi ani Malic na ikinabuga ng tsaang iniinom ni Orion sa mukha ni Malic.
"Aisssst! Buweset ka. Huwag mo akong duruan kay Ellie mo gawin iyan. Hindi ako nakikipagsex sa lalaking gurang." sabi ni Malic ng bugahan siya ni Orion ng tsaa.
"Gago ka! Ang halay ng isip mo. Paano mo naisip na aasawahin ko ang batang iyon na apo ko na?" di makapaniwalang nasasamid pang sabi ni Orion sa pag-iisip meron si Malic, na ikinangisi naman ni Malic.
"Wheee! Si Ellie nga disi otso anyos niratrat mo na. At saka si Orion Valiente ka, na matulis kaya naisip ko baka naiinggit ka kay Amon isa ng muslim na puwede mag-asawa ng marami." sabi ni Malic.
"Siraulo." sabi ni Orion habang pinupunasan ang bibig niya.
"Hahaha! Alam kong iniisip mo kasi iniisip ko rin na sana nagpaconvert ka na lang para madami kang asawahin." sabi ni Malic na natatawa habang pinupunasan ang mukha niya.
"Siraulo ka!" natatawamg sabi ni Orion.
"Hahaha! Aminin mo, sa lahat sa grupo kay Amon ka bilib kasi legal ang pagiging chickboy niya na hindi natin magawa." sabi ni Malic.
Hindi nakapagsalita si Orion habang tumatawa lang, dahil kapag si Malic ang kasama niya pakiramdam niya bumabalik sila sa pagkabata sa kalokohan meron ang isip nito.
......................
Isla Verde
Aligaga si Katara sa mabilis na paliligo sa banyo ng marinig ang iyak ni Ammonia.
Nang makapasok sila ng bahay kanina, mabilis siyang pumunta sa kuwarto para maglinis kaso pakiramdam niya ngayon may anak na siya napaikli ng oras sa dami niyang ginagawa.
Pinatulog muna nga niya si Ammonia saka pumunta ng banyo kaso heto alam niyang kakapasok pa lang niya at hindi pa nga siya naghihilod ng umiyak na ang anak niya.
"Hay naku, natatae pa ako." sabi ni Katara na hindi mapigilan ang sakit ng tiyan.
"Sino ba ang uunahin ko?" sabi ni Katara pero sobrang sakit na ng tiyan niya.
"Oh, baby sandali lang mabiis lang ito." sabi ni Katara sabay mabilis na upo sa inidoro
Samantalang napakunot noo si Jamal ng daanan ang kuwarto ni Katara na bahagyang nakabukas kaya dinig niya ang palahaw ng sanggol na nakahiga sa crib.
Lumapit si Jamal at lumapit sa pintuan ng kuwarto ni Katara at sa pagsilip nito napakunot noo siya ng hindi makita si Katara
Binuksan ni Jamal ang pintuan ng biglang may sumigaw.
"Baby! Tumatae lang ako, wait lang anak masakit na tiyan ko hindi ko na matiis." sigaw ni Katara na halatang aligaga ang boses nito.
Napatingin si Jamal sa pintuan ng banyo nakabukas iyon ng bahagya kaya dinig ang boses ni Katara at amoy ng ginagawa nito.
Napangiti si Jamal saka nito nilapitan ang sanggol sa crib. Malalakas na uha ng sanggol ang nabungaran ni Jamal sa sanggol na babae.
"Grabe! Lahat ng iyak ng nanay mo ikaw na gumawa." mahinang sabi ni Jamal ng makita ang sanggol na halos mamula sa kakawala nito sa pag-iyak.
"Ganyan ang nanay mo umiyak panigurado sa pagpapahirap ng tatay mo." mahinang sabi ni Jamal sabay buhat sa sanggol
"Huwag kang gagaya sa nanay mo, para hindi ka umiyak kapag dalaga ka na." sabi pa ni Jamal sabay hele sa sanggol na bahagyang humina ang pag-iyak ng kargahin niya.
"Babae ka kaya ikaw ang may karapatan pumili kung sinong ilalagay mo sa buhay mo at make sure hindi ka papaiyakin ng ganyan kalakas. Ngayon baby ka pa okay lang iyan, kaso kapag malaki ka na at ganyan pa ang iyak mo iba na iyon." nakangiting sabi ni Jamal sabay yakap sa sanggol habang buhat ito at hinehele.
Samantalang mablis na nagtapis si Katara ng tuwalya para daluhan ang sangol kaso napaudlot ito sa paglabas ng marinig ang sinabi ni Jamal at makita ang ginagawa nito sa anak niya.
"Ganyan nga, dapat panatag ka kasi ang babae dapat kalmado lang. Katulad kayo ng bagyo kapag sobra ang iyak bumabaha kapag sobra ang galit namiminsala at nakakasira ng bahay at ari-arian." sabi ni Jamal sa sanggol ng pumayapa ito.
"Wala kang tatay, kaya tuturuan muna kita kung paano magmahal ng sarili mo habang ang nanay mo busy sa pagtatrabaho." napangiting sabi ni Jamal sabay halik sa ulo ng sanggol.
Napangiti si Katara sa sinabi ni Jamal at sa gesture nito sa anak niya kahit wala ang presensya niya.
"Ang baho ni Mama mo at..." udlot na sabi ni Jamal sabay amoy sa diaper ng sanggol.
"Ohhh! Pareho kayo nagpupo. Mag-ina nga kayo." sabi pa ni Jamal sabay tingin sa mesang katabi ng sanggol.
Agad naman umatras si Katara at bumalik sa loob ng banyo pero nakasilip ito sa siwang ng banyo.
"Marunong ako magpalit ng diaper." sabi ni Jamal saka nito kinuha ang diaper.
Inilapag ni Jamal ang sanggol sa kama at nilagyan ang sapin ang likuran nito.
"Marunong siya." sabi ni Katara sa isip habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Jamal sa baby niya.
"Pero sandali, babae ang anak ko at hindi siya ang ama baka may gawin siya." sabi ni Katara sa isip ng kabahan sa naiisip na puwede maganap, pero akmang lalabas siya ng banyo ng mapatigil ito sa susunod na ginawa ni Jamal.
"Kailangan natin ng water para hindi mamula ang shell mo. Ang pagkababae mo kailangan mo alagaan hindi ito binibigay kahit kanino at pinapahawakan.
Tandaan mo, na sa sarili mo magmumula ang pag-aalaga pero ang magtuturo sayo dapat may alam kung paano mo alagaan ang sarili mo.
At para sa akin, mas maganda ang magturo sayo lalaki kasi para alam mo kung paano ka tatratuhin ng lalaki kapag malaki ka na. Bagay na malalaman mo ang tama sa mali kung paano ka titingnan, hahawakan at tatratuhin ng isang lalaki." sabi ni Jamal na ikinaatras muli ni Katara.
Napatingin si Jamal sa table at napangiti ito ng makita ang bottled mineral water na nasa maliit na bote, agad iyon inabot at kumuha din ito ng bulak saka tiningnan ang sanggol.
"Lilinisan natin ng maayos. Hindi lang dapat punas ng wipes kasi dirty pa rin iyon dahil may bahid ng pupu. Kapag inaalagaan mo ang sarili mo dapat make sure maayos, para maayos ka rin makakagalaw." sabi ni jamal saka nito binasa ng kaunti ang bulak at pinahid iyon sa ari ng bata pababa at papunta sa puwetan.
"Dapat ang dumi malayo sa ari mo para hindi ka maimpeksyon, ganoon din sa totoong buhay kapag malaki ka na dapat ihiwalay mo ang dumi na gulo ang hatid sayo." sabi ni Jamal sabay titig sa sanggol na nakatitig sa kanya at tahimik na tila nakikinig ito.
"Ganyan nga makikinig ka sa may alam para matuto ka at hindi ka maloko." nakangiting sabi ni Jamal na ikinalunok ni Katara.
"Buhusan natin ng kaunti para maalis ang ibang dumi." sabi pa ni Jamal sabay tulo ng tubig mula sa bote papunta sa ari ng bata na ikinahagikhik ng bata ng maginhawaan.
"Hindi ba masarap. Ganoon sa buhay kapag malaki ka na dapat alam mo kung paano maginhawaan ang sarili at iyon ang pagtanggal ng mga taong nagbibigay sayo ng bigat at pag-iwas sa sitwasyon na alam mong ikakadumi mo." sabi ni Jamal saka nito pinunasan ng tuyong lampin ang ari ng sanggol.
"Hay naku! Ang dami ko ng tinuruan sa palasyo na Prinsipe at Prinsesa at lahat sila okay naman kaya ikaw din makikinig ka kay Dada, Princess Ammonia." sabi ni Jamal sabay kuha ng bagong diaper at kinabit sa bata.
"Dada." sabi ni Katara sa isip saka ito napangiti
"Kahit kulang ka may pupuno ng kakulangan mo. Tandaan mo Ammonia, hindi mo masasabing kompleto ka kung nasa pangit kang sitwasyon mas magandang kulang ka pero malaya ka." sabi ni Jamal saka nito inayos ang lumang diaper, pinulupot at inilagay sa papel saka itinapon sa basurahan.
Nakuha pa ni Jamal palitan ang damit ng bata na ikinatitig ni Katara sa lalaki dahil gamay nito mag-alaga ng sanggol o dahil siguro doctor din ito na hindi nito sinasabi sa lahat dahil sa palasyo isa itong tagahukom.
"Sa buhay para ka lang kumakain na hindi importante na magkaparehas ang style ng kutsara at tinidor kung sira naman ang tinidor na kaparehas ng kutsara. Dahil ang mahalaga makakakain ka, kaya kahit na iba ang tinidor basta tiyakin mo maayos ito para makakain ka ng payapa at maayos." sabi pa ni Jamal ng malinis ang kama at makita ang sanggol sa malinis na itsura nito.
"Iyan ang bango mo na. Ganyan ang babae kailangan payapa at masaya." sabi ni Jamal sabay halik sa tiyan ng sanggol na ikinatitig ni Katara kay Jamal habang nakuha pa ni Jamal kunin ang dede ng sanggol at pinadede iyon.
"Ganyan din kaya si Amon. Huh! Ang layo niyo sa isa't isa." sabi ni Katara sa isip ng muling magsalita si Jamal.
"Ang ganda ng babae ay makikita kung masaya siya. Kaya makakapagdala ka ng saya sa iba kung masaya nila makikita ang ganda mo." nakangiting sabi ni Jamal sabay hele sa sanggol.
.................
April 22. 2023 2.12pm
Fifth Street
Try ko pa mag-isang UD
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top