Kabanata 28 : Pagtama ng Sibat
Kabanata 28 : Pagtama ng Sibat
C-Mall, El Paradiso
One Hour Later
"Hahaha!"
Napahinto si Amon sa pagsakay ng kotse ng maulinigan ang tawanan.
"Ang dungis mo, ano klase kang ina?" birong tumatawang sabi ni Jamal kay Katara na halos isubo ang kinakain nitong goto. Madungis na si Katara dahil alam niyang gutom na ito at ganoon din naman siya kaya nga ng makita nila ang gotohan paglabas ng mall agad siyang hinatak ni Katara.
At hindi naman siya nagsising sumama at magpatianod sa asawa dahil masarap ang mainit na goto sa sikmurang gutom kahit na mainit sa isla ng oras na iyon.
Napatingin naman si Amon sa isang gotohan na nasa gilid, di kalayuan sa kinatatayuan niya na madalas sa lugar na iyon ng C-Mall. Malapit din kasi ang terminal ng mga tricycle sa lugar na iyon kaya maraming kumakain. Ang gotohan ay nasa malaking kaldero na nakasakay sa motor. Ang tawag nga ng iba doon running business dahil saan-saan puwede magtungo ang negosyo ni Manong.
"Isa pa." sabi ni Katara matapos lagukin ang isang mangkok ng goto.
"Sandali lang, grabe nakatalo ka na." sabi ni Jamal habang nasa lapag ang mga pinamili ng mag-asawa kanina sa loob ng mall.
"Isa na lang." sabi ni Katara.
"Pagod ka?" natatawang sabi ni Jamal.
"Oo at sa pagod ko nagutom ako." natatawang sabi ni Katara.
Napangisi si Amon dahil kapag kasama niya si Katara hindi sila kumakain sa ganoong lugar. At kapag nagde-date sila never nitong sinasabing pagod ito kahit na maghapon din sila naglalakad sa loob ng mall.
"Tsss! Pawisan ka na sa pagkain ng goto." sabi ni Jamal sabay kuha ng panyo nito saka pinunasan ang mukha ni Kaara na ikinatingin ng mga tao sa gotohan.
"Ang sarap." sabi ni Katara ng ibigay muli ang gotong inorder nito.
"Tama na iyan ha. Last na talaga iyan." sabi ni Jamal.
"Oo. Baka matae ako sa daan pag-uwi natin." natawang sabi ni Katara na ikinatawa ng nagtitinda ng gotohan.
Kilala ng mga tao si Katara sa lugar na iyon dahil nga mangangalakal ito noong kabataan nito at natigil lang ng maging nobya nito si Hades na noo'y sinasama ito kahit saan pumunta si Hades.
Si Hades Valiente na kilala din sa lugar dahil tulad ni Katara mangangalakal din ito ng hindi pa ni Hades nakikilala ang ama nito.
"Hahaha! Tama kasi malayo pa tayo, walang banyo sa daan." sabi ni Jamal.
Napangiti si Katara sabay titig kay Jamal.
"Kalayaan, maraming kahulugan pero para sa akin ang pagpapahayag kung sino ako ang siyang higit na kalayaan na nagagawa ko kapag nasa tabi kita. Hindi ko kailangan mahiya na baka mahiya ka o ikahiya mo ako." sabi ni Katara sa isip habang nakatitig kay Jamal.
Napangiti si Jamal ng titigan siya ni Katara sa paraan lagi nitong ginagawa sa kanya.
"Pagmamahal, sa titig mo pa lang sulit na ako. Hindi mo kailangan sabihin araw-araw kung ano ako sa buhay mo kasi sa bawat titig mo sa akin isa iyong katibayan na higit ako sa lahat." nakangiting sabi ni Jamal sa isip habang pinupunasan nito ng panyo ang pawisang mukha ni Katara.
"Lagukin mo na iyan." sabi ni Jamal kay Katara na ikinatawa ni Katara.
"Sandali." sabi ni Katara na bumubuwelo sa pag-ubos ng goto.
Nakatingin lang si Amon kay Katara, ng mapabaling ang tingin nito sa tiyan ng babae.
"Buntis ang asawa ko." ummalingawngaw na sabi ni Jamal sa isip ni Amon na ikinangisi ni Amon.
"Tsss. You and your fucking dream." sabi ni Amon sa isip ng masigurong hindi buntis si Katara base sa buwan kung kailan niya huling nakita si Jamal na sinabi ang katagang iyon.
"Sir, pinatatawag po kayo ng Dr. Ash nasa condo po siya." sabi ng secretary ni Amon ng sundan siya nito.
Napatingin si Amon sa C-Mall na pag-aari ng Cheung, ang taas na bahagi ng mall ay condo ng mga may-ari o ng mga Cheung.
"Okay sige aakyat ako." sabi ni Amon saka nito isinara muli ang sasakyan.
.................
Two hours later
C-Mall
"Uyyyy! Bakit ganito?" sigaw ni Katara na ikinatawa ni Jamal ng ilang atm machine na ang napuntahan nila at ang lumalabas sa machine bagong pera na hate na hate ni katara dahil wala itong wallet na pahaba.
"Hahaha! Okay na iyan." sabi ni Jamal.
"Ayoko nito." inis na naiiyak na sabi ni Katara. Pumasok sila uli kanina ng mall ng maalala na mag-wiwidraw sila at doon nga sila napadpad.
"Hahaha!" natawang reaksyon ni Jamal dahil ang winiwidraw lang naman ni Katara sa atm tig iisang libo pero sa hindi niya malaman na dahilan ang niluluwa na ng machine ay bagong pera na kung tutuusin bagong labas pa lamang iyon sa bansa.
"Isa na lang." sabi ni Katara dahil ilang atm machine na ang winindrahan nila at lahat bagong pera ang lumalabas.
Napailing sa pagtawa si Jamal, nag-open sila ng joint account ni Katara at ang atm ibinigay niya kay Katara. May sarili siyang atm na pinagamit niya dito dahil gusto nga ni Katara lumang pera kaya nagbabakasakali sila na baka sa ibang atm machine ng ibang bank lumang pera pa rin ang ilalabas.
"Arghhh!" inis na sigaw ni Katara ng mapindot ang sampung libo at pag-luwa ng pera lahat bago.
"Hahahaha!" natawang reaksyon lalo ni Jamal.
Samantalang saktong palabas ng elevator si Amon ng marinig ang tawa at sigaw ng isang babae.
"Nakakainis. Bakit bago na namn?" sabi ni katara habang takot na takot magusot ang bagong pera na hawak nito na ikinatawa ni Jamal.
"Bumili na lang tayo ng wallet mo tapos doon mo iyan ilagay." sabi ni Jamal.
"Bibili pa ako? Ang halaga ng wallet ngayon dalawang daan ang mababa? Mas malaki pa isusukli sa akin kapag nagbayad ako ng billings. Ano ba iyan, frame na lang kaya para sure hindi magusot." sabi ni Katara.
Napailing si Jamal, sa bansang iyon lang kasi siya nakaranas na masyadong maselan na kung tutuusin sa ibang bansa na napuntahan niya ganoon din naman ang style ng pagkakaimprinta ng pera at puwede naman tupiin ng bahagya huwag lang magusot ng sobra.
"Bumili na tayo kahit sa bangketa ng wallet mo." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara dito.
"Hindi na." sabi ni Katara sabay kalaykay sa bag nito na sira na ikinatitig ni Jamal sa bag ni Katara.
Napahinto naman ng tuluyan si Amon, hindi kalayuan ang elevator sa atm machine ng mall sa kinatatayuan niya na tila sinasadya ng pagkakataon na makita ang inosenteng gawi ng dati niyang asawa.
"Ito na lang luma kong pitaka 45pesos lang ang bili ko. Ilalagay ko ang pera dito kasi ubos din naman iyan sa billings natin. Sa kuryente pa lang, sa health card natin, sa tubig, sa internet mo, sa bayarin sa mga gamit na nakuha natin siguradong ubos iyan at hindi magtatagal mawawala din sila sa akin." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal ng ngumiti si Katara na tila maiisahan nito ang bagong pera.
"Hahaha! Barya ang matitira sa wallet mo." sabi ni Jamal.
"Ang agila na nakaimprinta sa pera ay sakto dahil ito ay simbolo na ang isang libo ngayon ay lumilipad lang sa kamay ng taong hahawak nito." nakangiting sabi ni Katara.
"Hahaha! Babalik din iyan sayo kapag nagwidraw ka uli ng isang libo." sabi ni Jamal na ikinangisi ni Katara.
"Kung ano kasi iniiwasan mo siyang dumarating sa buhay mo." sabi bigla ni Katara na ikinatitig ni Amon lalo sa dating asawa sa sinabi nito.
Napatingin si Katara kay Jamal na hindi napapansin ng mag-asawa si Amon.
"Alisin mo ang ayaw mo tapos kunin mo ang gusto mo kahit na barya lang iyan kunin mo, basta masaya ka at komportable ka. Iyan ang pakiramdam ng karamihang pinoy sa perang ito." inosenteng sabi ni Katara sabay wagayway ng pera sa palad nito, na wala naman kahulugang personal para dito ang sinabi, pero para kay Amon at Jamal isang hugot iyon sa buhay ni Katara na hindi ng babae napapansin.
Napalunok si Amon, isa sa ugali ni Katara ang pagiging madaldal nito kapag masaya ito at kapag masaya nito kakaiba ang sense of humor ng dating asawa na tingin niya nakuha at natutunan nito sa kalsada noong kabataan nito at ngayon sa karanasan nito.
"May point ka." sabi ni Jamal na napangiti.
"Nahahawa ako sa talino mo." masayang sabi ni Katara ng maipasok ang pera sa lumang pitaka nito saka iyon inilagay o ipinasok sa lumang bag nito.
Napangiti si Jamal saka ito bahagyang yumuko at bumulong kay Katara.
"Ngayon parating iyong kutson." bulong na sabi ni Jamal na ikinanlaki ng mata ni Katara.
"Ha? Next month pa ang kutson mo." napalakas na sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal
"Hahaha! Ang ingay mo." sabi ni Jamal na ikinatakip ng bibig ni Katara.
Napakunot noo si Amon sa sinabi ni Katara.
"Umuwi na nga tayo." sabi ni Katara ng mahiya ng mapalakas ang boses.
"Uuwi na talaga tayo dahil ang lolo Steven dinala na si Neeya sa isla ayon sa message ng lolo Orion ni Neeya." sabi ni Jamal.
"Ay!! Hindi puwede hihiramin niya iyon." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal.
"Ayaw mo hiramin nila?" sabi ni Jamal na natatawa.
"Gusto kaso umaga dapat huwag gabi kasi kapag gabi may tiktik." sabi ni Katara na muling ikinatawa ni Jamal.
"Hahaha!" natawang reaksyon ni Jamal dahil mula ng lumipat sila ayaw ni Katara magsolo sila dahil kinakabahan ito sa kanya.
"Fuck." usal sa isip ni Amon sa ibig ipakahulugan ni Katara.
"Umuwi na tayo, para makuha natin si Neeya." sabi ni Katara sabay hawak sa baso ni Jamal at iginiya ito palabas uli ng mall.
"Dahan-dahan at baka madapa ka." natatawang sabi ni Jamal ng hilahin siya ni Katara.
...............
One hour later
Valiente Empire
"King, iyan po ang nakuha kong blueprint ng bahay na pinagawa ni Ministro." sabi ng tauhan ni Amon.
Pinagmasdan ni Amon ang ang blueprint, ang plano ay ayon sa kagustuhan ni Jamal na natupad. Ang structure ng lugar ay gawa ng Piamonte kaya hi-tech ito na ikinangisi ni Amon.
Nasa Emperio ng oras na iyon si Amon, dahil doon siya sasakay mamayang madaling araw pabalik sa Palasyo sakay ng chopper.
"King, tinakas lang po iyan ng nabayaran ko sa loob ng Piamonte." sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon habang pinagmamasdan ang blueprint at iniimagine nito ang itsura ng lugar.
"Ipatanggal mo ang tauhan na pinagkuhanan mo nito." sabi ni Amon.
"Ho?" sabi ng tauhan.
"Nakuha mo sa loob di ba?" sabi ni Amon.
"Yes King, sa tauhan sa loob ng Piamonte." sabi ng tauhan na ikinaseryoso ni Amon.
Ang Piamonte, ay ang pinagtataguan ng lahat ng blueprint ng gusali na pag-aari ng grupo. Ang lugar na iyon ay pribado at confidential dahil ang lahat ng gusali na ginagawa ng Piamonte ay may sikretong lagusan na wala dapat makaalam.
"Nakuha mo ng ganoon kadali na ang ibig sabihin may anay sa loob na nasisilaw sa pera." sabi ni Amon na ikinalunok ng tauhan.
"....ang anay ang sumisira sa kompanya kaya tanggalin mo ngayon na, huwag mo ng papasukin bukas." sabi ni Amon na ikinanlaki ng mata ng tauhan.
"Pero King sino ng kakausapin ko sa loob para maibalik iyan blueprint sa loob ng Piamonte?" sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon.
"Magbayad ka uli, tapos kapag may nagpabayad ipatanggal mo uli para maubos ang mga anay sa loob." sabi ni Amon na ikinatahimik ng tauhan sa utak at paraan ng pag-iisp meron ang amo niya. Mautak at tuso iyon si Amon Valiente.
Gagamitin ka at ihuhulog ka.
Ilang sandali lang ng katahimikan ng matuon ang pansin ni Amon sa isang kuwarto.
"Theatre room?" napakunot na sabi ni Amon ng makita na malaki nga ang sakop ng kuwartong iyon base sa unang inilatag na report sa kanya sa Palasyo ng tauhan niya.
"Pinagtuunan ng pansin ang kuwartong iyan, kung bakit hindi ko po matukoy ang dahilan? Pero Sir may nakapagsabi na ang nagdesenyo ng theatre room ay ang anak ni Aj Valiente na si Laurent." sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon.
"Kaya pala." sabi ni Amon dahil hindi na dapat siya magtaka ang lolo ni Shadow na si Arthur ay isang magaling na arkitekto na ngayon ay tingin niya namana ng apo nito sa tuhod na si Laurent na kilala ng lahat bilang si Laurent Balyente.
Balyente, dahil ang lokong bata na pinsan niya ay mahina sa spelling kaya ang lahat ng papeles nito na sinusulatan nito ay Balyente imbes Valiente. Kaya nga maraming nagulat ng malaman na isa itong Valiente at hindi ito nagbibiro. Tampulan kasi ng tukso si Laurent noong kabataan nito sa paaralan at binubully na mataas ang pangarap, na ikinatatahimik lang ni Laurent hanggang sa ipapakilala ito sa lahat bilang anak ni AJ.
"Isa pa po pala ang kuwartong iyan ang tanging kuwarto na soundproof." sabi ng tauhan na ikinakunot noo ni Amon sa pagtataka.
...................
Hours Later
Isla Verde
"Ano iyan?" sabi ni Katara ng makita ang hinanda ni Jamal.
"Fries, popcorn, tacos, mango shake, wine." sabi ni Jamal sabay tingin kay Katara.
"Bakit?" sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Manonood tayo ng movie para magamit natin ang magandang kagamitan sa loob ng theatre room." sabi ni Jamal.
"Hindi nga?" sabi ni Katara.
"Hahaha! Anong hindi nga? Manonood nga tayo ng movie." sabi ni Jamal.
"Si Neeya? Hindi talaga nila iuuwi?" sabi pa ni Katara na ikinatawa muli ni Jamal.
Nang makauwi sila ni Katara, agad na sumalubong ang tauhan sa kanila at sinabing hihiramin si Neeya ng lolo nitong si Steven.
"Hahaha! Ayaw ibigay nila Steven Tuazon at Tara Cheung." sabi ni Jamal.
"Wheee! Hindi mo naman tinawagan." sabi ni Katara.
"Hahaha! Tinawagan ko kaya. Pumunta pa nga dito si Kale tapos pinaabot daw ng Mama niya itong wine." sabi ni Jamal.
"Wine? Wheee?" sabi ni Katara.
"Hahaha! Oo nga." sabi ni Jamal.
"Loko ito." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Kinakabahan ka ba?" sabi ni Jamal.
"Saan?" sabi ni Katara.
"Sa panonood ng movie?" natatawang sabi ni Jamal.
"Hindi naman kasi nakasama na kita dati sa sinehan at hindi naman ako si Peso na ilag sa sinehan." sabi ni Katara
"Mabuti, kaya manood na tayo." sabi ni Jamal sabay lagay ng pagkain sa pushcart na ikinatingin ni Katara sa cart dahil kung tutuusin ang theatre room ang lugar na para sa kanya masyadong makabago sa bahay na iyon. O siguro iyon ang side ni Jamal na inilagay nito sa isang kuwarto. Ang buong bahay kasi simple lang na para kay Katara trip niya iyon, na nakuha ni Jamal ang taste niya.
"Naligo ka na ba?" sabi ni Jamal habang inaayos nito ang mga pagkain na may kadamihan para sa dalawang taong manonood ng sine ng dalawang oras.
"Oo. Bakit mo naitanong?" may pagdududang sabi ni Katara.
"Wala naman, kasi di ba mainit sa labas kanina. Buong araw tayo napawisan, naalibukan at nadumihan." sabi ni Jamal.
"Ahhh! Nagshower naman na ako. Hindi ba amoy ang sabon ko?" sabi ni Katara sabay amoy sa katawan nito pati buhok.
"Iyong shampoo mo ang ginamit ko. Hindi ba kumapit sa akin ang bango? Aba mamahalin na iyon." sabi ni Katara na ikinangiti ng lihim ni Jamal.
"Kumapit naman." sabi ni Jamal habang hindi tumitingin kay Katara.
"Mabuti naman, akala ko walang kakapit." sabi ni Katara sabay amoy sa buhok nito at kili-kili.
"....iyong sabon mo nga kinuskos ko sa kili-kili ko at mabango pala kahit hindi na ako maglagay ng tawas." sabi pa ni Katara na ikinangisi ni Jamal.
Napatingin si Jamal kay Katara at napangiti ito ng lihim ng makita ang suot ni Katara. Pantulog na iyon, na maikling cotton shorts at sando na nakagawian nitong suutin sa isla.
"Dalhin mo itong wine, baka malaglag sa pushcart." sabi ni Jamal.
"Okay." sabi ni Katara sabay kuha ng wine.
"Marathon tayo." sabi ni Jamal.
"Marathon? Wait, ano ba ngayon? Ahhhm! Sabado. Sige okay lang wala naman pasok bukas at baka isama pa sa simbahan nila lolo Steven si Neeya so mga tanghali pa iyon ihahatid." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal sa kainosentehan ng asawa na hindi nakuha ang sinabi niya.
Napatango si Katara dahil okay lang naman na ang inaasahan niyang dalawang oras na panonood ay magiging marathon, masarap din kasi matulog sa theatre room. Ito rin kasi ang kuwarto na totally wala silang inilagay na gamit dahil ang grupo ni Amon ang naglagay ng gamit doon, base kasi sa kontrata na maihahambing ito sa isang totoong sinehan.
"Sabi mo iyan ha? Marathon tayo." sabi ni Jamal.
"OO ba." sabi ni Katara.
...............
Valiente Mansion
Nakatunghay si Amon sa labas ng Emperio kung saan nakatayo siya sa balcony at tanaw sa kinatatayuan niya ang dalawang isla na nasa magkabilaang side ng El Paradiso.
Isa sa nagustuhan ni Amon sa lugar na iyon ay sentro ito ng tres Islas na pakiramdam niya sakop at pag-aari niya ang lahat.
Ang lugar na iyon ay pinagawa ng Papa at lolo niya at alam niyang iyon din ang nararamdaman ng dalawa kapag nakatayo sa lugar na iyon.
"King, mahilig manood ng sine si Ministro kaya siguro sa buong bahay nila ang theatre room ang napagtuunan niya ng pansin. Ang sabi kasi ng mga construction workers na gumawa sa bahay ang tanging theatre room ang nag-iisang desisyon ni Ministro at ang kabuuan sa asawa na niya ibinahagi. Ang theatre room ay ang tangi rin na kuwarto sa bahay na naturn over na kompleto na." sabi ng tauhan na kausap ni Amon kanina.
Napahingang malalim si Amon habang nasa isip pa rin niya ang blueprint ng bahay na nakabisa niya habang tinititigan ito kanina.
"Katara." mahinang sabi ni Amon saka ito napapikit ng humaplos ang sariwang hangin ng isla sa mukha niya.
.................
Isla Verde
"Hindi tayo kakain?" sabi ni Katara habang nanonood na sila ni Jamal ng movie.
Action movie iyon na pinili nila dalawa.
Kinuha ni Jamal ang pagkain at inilagay iyon sa unahan ni Katara.
"Hindi ka ba nilalamig?" sabi ni Jamal na ikinailing ni Katara sabay tingin sa loob ng kuwarto.
Maganda ang naturang lugar, tila nasa loob ka talaga ng sinehan. Ang upuan ay tulad sa sinehan iyon nga lang siyempre may pagkapribado ang pagkakagawa. Bukod doon ang dingding ng buong kuwarto ay soundproof tulad sa nakikita niya sa sinehan. Kung susurpresahin ka nga na nakapiring ang mga mata at doon ka mismo inilagay sa kuwartong iyon maloloko ka na para kang nasa loob ng sinehan talaga.
"Hindi naman." sabi ni Katara na ikinangisi ni Jamal ng lihim saka nito lihim na pinindot ang button ng aircon ng kuwarto.
Napaupo ng maayos si Katara saka nagsimulang kumain ng popcorn habang nanonood.
..............
Valiente Mansion, El Paradiso
"Damn it." napamulat na mata na sabi ni Amon sa repleksyon na nakita niya.
"Amon huwag!" sigaw ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Amon.
...............
Isla Verde
"Buburahin ko ang lahat, lahat ng bangungot mo mula sa dati mong asawa."sabi ni Jamal sa isip habang lihim na pinagmamasdan si Katara.
"Ayoko na!!! Amon!!!" sigaw ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Jamal.
...................
May 4. 2023 11.40am
Fifth Street
Good Night muna mahaba naman ang kabanatang ito...
Try ko isa pa mamaya, pupuntahan po kasi ako.
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top