Kabanata 27 : Ang Mga Bala
Kabanata 27 : Ang mga Bala
C-Mall El Paradiso
"Iyong one thousand pesos plan na lang." sabi ni Katara habang pinagmamasdan ito ng dalawang lalaki.
Napangiti si Jamal ng lihim, kanina pa kasi nagko-compute si Katara sa mga budget nila sa bahay sa harap mismo ng may hawak ngayon ng Canmore Telecom.
Nakatitig si Amon kay Katara, hindi kasi ito nahiya kunin ang calculator niya sa mesa habang nakaupo ang mag-asawa sa harapan niya at pinamimili ng internet plan na ikakabit sa bahay ng mga ito.
"One thousand lang okay na iyon." sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal.
"Sure ka? Baka mabagal iyon, nasa Pinas tayo." sa bulong ni Jamal.
"Ay, oo nga 'no." sabi ni Katara sabay dutdut uli sa calculator para magbudget.
Napatingin si Katara sa mesa saka ito tumingin kay Amon.
"Pahiram ako nitong ballpen at papel, Sir." sabi ni Katara na ikinatango ni Amon.
"Hahaha! Baka mainip si Sir." sabi ni Jamal na natawa ng magawa talagag humiram ng papel at ballpen ni Katara at nagsimula ito magsulat ng gastusin nila sa buwan-buwan sa bahay.
"Hiram lang naman." sabi ni Katara saka ito nagsimulang magsulat na ikinatingin ng dalawang lalaki dito.
"Kasi nagpakabit ka ng aircon sa kuwarto natin at kay Neeya. So, magkano na iyon monthly. Kuryente pa lang 5k na, tapos kabibili lang natin ng appliances at iyong mga muwebles sa bahay, mahal din iyon." mahinang sabi ni Katara habang nagsusulat ito.
Nakatitig si Amon sa papel na sinusulatan ni Katara, mabilis kasi naisulat ni Katara lahat ng nagastos ng mga ito kasama ng dala ng mga ito na binili ng mga ito sa mall.
"Kailangan kasi iyon kaya need talaga bilhin. Isipin mo, saan uupo ang bisita o kaya tayo. Saka iyong dining set mura na nga iyon." sabi ni Jamal.
"Anong mura, ang mamahal nun. Pati ang aircon split type dalawa nasa 50k each." sabi ni Katara na ikinangisi ni Amon ng buksan ni Katara ang mumurahing bag nito at inilabas ang mga resibong sangkatutak.
"Hahaha! Hon, hindi iyan nagiging pera itapon mo iyan. At saka iyong aircon kailangan natin iyon lalo si Neeya." natawang sabi ni Jamal ng hindi inaasahan na iniipon o naipon ni Katara ang lahat ng resibo ng nabili nila sa bago nilang bahay.
"Baka may papromo ang DTI para sa resibo sayang baka manalo tayo. Pambawi man lang, ang mamahal pa naman ito." sabi ni Katara habang pahapyaw na tinitingnan ang presyo ng mga nabili nito.
"Mura lang iyan." natatawang sabi ni Jamal na hindi niya alam kung mahihiya siya o mabibilib siya sa pagiging totoo ni Katara.
"Anong mura? Itong dining set kinse mil na." sabi ni Katara na ikinangisi ni Amon dahil mura na nga iyon at sigurado siya pipitsugin lamang iyon.
"Hindi pa nga narra iyan na gusto ko sana." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Amon kay Jamal.
"Magna-narra ka pa? Naisip mo pa talaga iyon? Eh, ang mahal nun. Hay naku! Kung buhay lang si tatay, siya na pinagawa ko. Kukuha lang iyon sa gubat ng kahoy tapos siya na gagawa." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal na ikinatingin ni Amon sa lalaki na halatang masaya itong kasama si Katara.
"Hahaha! Kakuripot mo naman." sabi ni Jamal.
"Kailangan natin magtipid kaya okay na ang isang libo na internet plan." sabi ni Katara.
"Baka nga mabagal." sabi ni Jamal.
"Sana kasi iyong ac kay Neeya na lang na room kahit wala na sa atin." sabi ni Katara.
"Kailangan mo iyon at baka mahigh-blood ka sa init ng klima." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara kay Jamal.
"Hahaha!" natawang reaskyon ni Jamal ng mamilog ang mga mata ni Katara.
"Hindi ako sa init ng klima maha-highblood kundi sa binibili natin." sabi ni Katara.
"Na kailangan natin at ni Neeya," nakangiting sabi ni Jamal dahil si Katara ang tipo ng babae na kailangan matiyaga kang magpaliwanag ng mahinahon para maunawaan nito ang bagay na kahit ayaw nito kailangan naman gawin.
Katulad ng mga binibili niya na matiyaga niyang pinapaliwanag kay Katara kaya napapa-oo niya ito sa bagay na ayaw nito pero dahil kailangan ayon sa paliwanag niya at totoo naman kaya umookey kay Katara.
"Arhhmm." tikhim ni Amon na ikinatingin ng mag-asawa dito.
Napatingin si Katara kay Amon saka ito tumingin sa mesa na ikinanlaki ng mata ni Katara ng mahinuha ang ginagawa na nagkalat sa mesa ng may-ari ang mga resibo niya.
"Ay sorry, nagkalat ako." nahihiyang sabi ni Katara sabay ayos ng mga resibo.
"Ano bang pinakakakitaan niyo? "sabi ni Amon na tila wala itong narinig.
"Uy, pinagkakakitaan daw natin?" mahinang sabi ni Katara kay Jamal na siniko nito ng bahagya.
"May junkshop kami at saka may gulayan kami sa tabi ng bahay namin." sabi ni Jamal.
"Bukod doon?" sabi ni Amon.
"Ahhhm. Hindi pa kasi gawa iyong condo kaya..." sabi ni Jamal na naudlot ng mapangisi si Amon.
"Sa sinabi ng asawa mo mukhang magiging deliguent kayo at baka isang taon pa lang hindi niyo matapos ang kontrata." sabi ni Amon na ikinatingin ni Katara kay Jamal.
"Sabi ko sayo, pagtiyagaan na lang natin ang line mo. Okay naman ako sa bahay. Marami naman akong ginagawa at saka may tv naman." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal sa asawa.
"Wala ngang antena iyon, malabo ang signal baka lumabo mata mo." mahinang sabi ni Jamal habang nakayuko si Amon at binabasa ang application ng mag-asawa pero ang tenga nito nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
"Hindi na lang ako magbubukas ng tv kapag wala ka sa bahay para tipid na rin." mahinang sabi ni Katara.
"Paano si Neeya?" sabi ni Jamal sa mahinang tono na ikinakunot noo ni Amon dahil ilang buwan na niya hindi nakikita ang bata mula ng huling kita dito noong kasal nila Rio at Burn.
"Ako na muna magtuturo kahit naman walang pambatang palabas." sabi ni Katara
"Iiwan ko na lang iyong cellphone ko para makanood siya sa youtube." sabi ni Jamal.
"Hindi na, mas kailangan mo iyan." sabi ni Katara.
"So, huwag na? Sige ikaw na magdesisyon." sabi ni Jamal na nasa boses ang hinihinging opinyon kay Katara.
Napangiti si Katara dahil ganoon si Jamal, kapag regarding sa bahay siya ang pinagdedesisyon nito at kapag tungkol naman sa negosyo humihingi ito ng payo sa kanya, at dalawa silang nagdedesisyon kapag hindi sila nagkasundo ipagpapaliban nila para pag-aralan. Bagay na para kay Katara nakakaboost ng kahalagahan niya bilang babae.
Nanatili naman nakikinig si Amon sa pag-uusap ng mag-asawa ng biglang magsalita si Katara.
"Sir, puwede bang idagdag sa business namin iyong pagluluto ko ng ulam. May karinderia kasi akong bubuksan pa lang sa tapat ng bahay namin." sabi ni Katara na ikinatingin ni Amon dito.
Sa pagtingin ni Amon kay Katara napalunok ito ng makitang hindi man lang nahiya si Katara o walang bahid na naiilang ito sa kanya.
"Naglalako ako ng mga ulam tuwing alas nueve ng umaga sa isla, iyon ang trabaho ko. Pero ngayon kasi wala na mapag-iiwan sa baby namin kasi nakalipat na kami sa bago namin bahay kaya naisip namin mag-asawa sa tapat ng bahay na lang ako magtinda.
Okay po bang isama iyon sa negosyo namin kahit mag-oopen pa lang. May mga costumer naman na ako na bumibili sa akin kapag naglalako ako." sabi ni Katara ng hindi sumagot si Amon at tingnan uli ang source of income nila na sinulat nila ni Jamal kanina sa application form.
"Paano mo nasisiguro na pupunta pa "sila" sayo para bumili? "Sila", as in ang mga bumibili sayo sa paglalako mo."sabi ni Amon sabay tingin kay Katara at muling umusal.
"Kung ikaw ang pumupunta sa kanila para dalhan sila ng benebenta mo. Ikaw na rin nagsabi naglalako ka. So, hindi mo ba naisip na kaya sila bumibili sayo kasi tinatamad sila maglakad para maghanap ng ulam." sabi ni Amon na ikinatahimik ni Katara.
Napatiim naman ng bagang si Jamal sa paghatak ni Amon pababa sa confidence ni Katara.
Napatingin si Amon sa application form at muling nagsalita.
"Ang nakalagay dito na source of income niyo, ay iyong maliit na junkshop na kumikita ng kinse mil hanggang bente mil. Hindi pa fixed iyon, at saka iyong taniman sa tabi ng bahay niyo na gulayan na kumikita ng isang libo kada araw sa paglalako ng mga... hindi niyo tauhan kasi sabi niyo dito bumibili sa inyo para ilako nila.
So, paano kung wala ng bumili para maglako?" sabi ni Amon habang nakatitig si Katara dito.
Napangisi si Amon saka tumingin uli kay Katara.
"In total ang kinikita niyo ay sakto sa billings niyo, at sa inilapag mo kanina mukhang hulugan ang ibang appliances na kinuha niyo sa bagong bahay niyo. Hindi pa isama na may pinapagatas kayong anak." sabi ni Amon na ikinangisi ni Jamal.
Napangiti si Katara sa sinabi ni Amon kaya napatitig si Amon kay Katara.
"Iyon ang compute ko kanina, kaya nga po tinatanong ko lang naman kung puwede iyong karinderia ko kasi doon ko sana kukunin iyon pambayad na isang libo sa internet pero kung hindi puwede okay lang." nakangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
Napatingin si Katara kay Jamal saka nito kinuha ang mga pinamili na inilapag niya sa lapag kanina.
"Hindi puwede, declined tayo. Hahaha!." natatawang sabi ni katara na ikinangiti ni Jamal ng makitang walang bakas na sama ng loob si Katara na isa sa nagustuhan niya dito wala itong tinatanim na sama ng loob kahit tinatapakan na ang kakayahan nito.
"Halika na. Mag prepaid na lang ako." sabi ni Katara kay Jamal sabay tingin ni Katara kay Amon.
"Pasensya na po at naabala pa namin kayo." sabi ni Katara kay Amon sabay ayos ni Katara sa mga hiniram niya kay Amon na calculator, ballpen at papel
"Salamat sa mga hiniram ko. Pero akin na itong computation ko saka mga resibo ko, baka manalo pa ako." sabi ni Katara sabay ligpit ng mga papel at resibo sa bag niya.
Binuksan ni Katara ang bag pero napakunot noo si Amon ng masira ang zipper ng bag pero tinago iyon ni Katara kaya hindi iyon nakita ni jJamal na nakatingin kay Amon na nakatingin naman kay Katara.
"Halika na hon." sabi ni Katara kay Jamal sabay tayo nito.
"Mauna ka na." sabi ni Jamal.
"Huwag ka ng magpilit." sabi ni Katara na ikinatango ni Jamal.
Umalis si Katara dala ang mga plastic bag na binili nila ni Jamal.
Napatingin si Amon kay Jamal ng hindi ito umalis saka ito umusal.
"Hindi mo man bilhan ng bag, inuna mo pa ang luho niyo." sabi ni Amon na ikinangiti ni Jamal.
"Hindi ka pa rin nagbabago kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit mabilis nawala ang pagmamahal sayo ni Katara, o kung bakit ikaw ang una sa buhay niya pero ang daming nakasingit sayo. Ikaw ang huli bago ako pero mabilis ka pa rin nawala sa isip niya." sabi ni Jamal na ikinatiim ng bagang ni Amon.
Tumayo si Jamal saka nito kinuha ang ibang plastic bags na pinamili nila ni Katara.
Pagkatayo ni Jamal saka nito tiningnan ang application nila ni Katara na nasa harap pa rin ni Amon.
Napangiti si Jamal ng makitang nakatitig sa kanya si Amon saka ito umusal.
"Salamat sa katangahan mo, at sa pagtapon ng akala mong katangahan mo. Ngayon naisip ko tama si Katara at hindi nga siya nagloloko ng sabihin niyang napakalaki nga ng pagkakaiba natin. You know why?
Kasi hindi ka marunong tumingin ng kahalagahan ng babae, mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ang babae sa buhay mo ay dekorasyon lang. Amon, tandaan mo ang totoong reyna at ang susunod na uupo ay mga babae na siyang ipapalit sayo kahit anong gawin mo.
Kaya huwag kang magyabang, at huwag mong idikdik sa ASAWA KO kung anong hindi niya alam at ang kakulangan niya dahil ang totoo, bago ka maging leader kailangan may puso ka muna. Na hindi mo taglay." sabi ni Jamal saka ito tumalikod ng hindi magsalita si Amon.
Napatingin si Amon sa labas ng opisina kung saan nakikita niya ang mga tao. Natuon ang pansin niya kay Katara na tumitingin ng cellphone na nasa estante, at nagawa pa nitong subukan ioperate ang cellphone.
Napalingon naman si Jamal kay Amon ng hindi ito nagreact sa sinabi niya kaya muli siyang umusal.
"Oo nga pala ang sinasabi mong pinapadede namin ay anak ko na, dahil pumayag na ang pamilya Valiente na isalin sa apelyedo ko ang pangalan ni Neeya.
Neeya Haram iyon ang pangalan ng anak namin ni Katara." sabi ni Jamal saka nito isinara ang pintuan na ikinatiim ng bagang ni Amon.
.................
"Hon, ito na lang." sabi ni Katara ng makalabas si Jamal.
"Saan?" sabi ni Jamal ng makalapit kay Katara.
"May prepaid card na pala sila na internet. Limandaang piso lang unlimited na. Kaso internet lang pero okay na ito sa messenger na lang kita tatawagan, may videocall pa." masayang sabi ni Katara na ikinatitig ni Jamal dito
"Bibili tayo ng sim nila tapos iyong prepaid card." sabi ni Katara habang nakatingin sa estante ng cellphone katabi ng mga phone cards.
Napabaling ang tingin ni Jamal sa bag ni Katara ang isang kamay ng asawa ay nakahawak doon para hindi bumukas ang bag na sira ang zipper.
"No need na ng C.I ito kasi kapag wala kang pera kahit hindi ka magload okay lang. Basta nakaregister ang name natin sa sim." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Sige. Tapos bumili na rin tayo ng bag mo." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara dito.
"Hindi na, tutal hindi naman ako lumalabas. May bag pa naman akong isa doon sa bahay." sabi ni Katara
"Sira na rin iyon." sabi ni Jamal dahil ang bag na iyon ay ginagamit ni Katara kapag naglalako ito ng ulam.
"Hon, mas maganda kung sira ang bag para hindi sabihin may pera." birong natawang sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Sa panahon ngayon hindi mo kailangan pomorma kasi isang saksak lang sa tagiliran mo patay ka tapos mapipikon pa ang magnanakaw kapag nakitang wala ka pa lang pera puro porma lang." natawang biro uli ni Katara.
Napangiti si Jamal, sa ilang taon na magkasama sila ni Katara nalaman niya ang isang ugali nito na kapag masaya ang asawa madaldal ito bagay na hindi niya sinisita, dahil kung sa iba nagger ang tawag sa sobrang daldal ng asawa para sa kanya, musika iyon.
Napangisi si Katara ng titigan lang siya ni Jamal. Ganoon ang asawa niya kapag marami siyang sinasabi hinahayaan lang siya, kaya pakiramdam niya malaya siya kay Jamal bagay na hindi niya nagawa sa mga naunang niyang relasyon na kailangan prim at proper ka sa mata ng mga ito at sa mga kakilala ng mga ito.
"Uy! Ito na lang sim at prepaid card ang bilhin natin kaysa bag." nakangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.
"Yes, ministra." nakangiting sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara sabay yakap kay Jamal.
"Bilisan natin, nagugutom na ako. Tapos si Neeya kukunin pa natin sa Cave House." sabi ni Katara na ikinatango ni Jamal dahil hiniram nila Orion at Ellie Valiente si Neeya.
Samantalang sa loob ng opisina nakatingin lang si Amon sa dalawa habang magkayakap at kanina pa nag-uusap.
...............
May 4. 2023 9.11am
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top