Kabanata 26 : Sunod na Pagtarak

Kabanata 26 : Sunod na Pagtarak

Canmore Palace


"Saan kayo pupunta?" sabi ng tinig habang papalabas ng kuwarto si Red karga ng tauhan nito.

"Ahhhm. King, gu---gusto niya daw magpahangin." nautal na sabi ng tauhan na ikinatingin ni Amon kay Red.


"Pupuntahan talaga kita at iyon ang inutos ko sa kanya."
sabi ni Red sa tiyuhin na ikinatingin ni Amon sa tauhan na halos mamutla sa sinabi ni Red.


"Nauto ka ng isang bata?"
sabi ni Amon sa tauhan.

"Hindi lang ako bata at alam mo iyon." sabi ni Red kay Amon habang nakatingin ang tiyuhin sa tauhan nito.

"Ano pang inutos niya sayo?" sabi ni Amon sa tauhan na hindi pinansin si Red.


"Ipunta ako sa Ministry Palace kung nasaan ka at ang mga Ministro."
sabi ni Red na siyang sumagot kahit hindi siya tinatanong nito.

"Loyalty, salitang mahirap talagang gawin." sabi ni Amon

"Aanhin ang isang loyalty kung ang kabayaran nito ay iyong pagkatao at dangal." sagot muli ni Red.

Napatingin si Amon kay Red saka ito seryosong nagsalita.

"Nasa harap mo na ako, anong kailangan mo?" sabi ni Amon sa pamangkin.

"Gusto ko makita si Black." sabi ni Red.

"Makulit kang bata ka." sabi ni Amon.

"Kalahi mo ako kaya siguro ganoon." sabi ni Red.

"Okay sige para maputol iyang katabilan ng dila mo at kasuwailan mo ipapakita ko sayo ang kaibigan mo." sabi ni Amon.

"Mabuti." sabi ni Red na ikinangisi ni Amon sabay baling ng tingin ni Amon sa tauhan.

...................

Isla Verde

One Week later

"Lolo Steven!" sigaw ni Kale habang tumatakbo ito palapit kay Steven.

"Bakit?" tanong ni Steven sa apo.

"Nakauwi na si Red." hinihingal na sabi ni Kale ng huminto ito sa harapan ni Steven.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ni Steven.

"Nasa Cheung Hospital po." sabi ni Kale.

.................

One Month Later

Isla Verde

"Saan tayo pupunta?" sabi ni Katara ng ibang ruta ang tinutungo ng minamanehong kotse ni Jamal.

"Basta." sabi ni Jamal na bakas ang excitement na ikinakunot noo ni Katara

"Basta?" sabi ni Katara sabay ayos sa isang taon at ilang buwan ng gulang na sanggol.

"Oo basta." sabi ni Jamal.

"May bonus ka bang natanggap dahil nakuha at naiuwi mo si Red?" sabi ni Katara kay Jamal.

"Bonus? Wala." sabi ni Jamal.

"Hindi ba may kapalit, at nakuha mo na?" sabi ni Katara.

Napatingin si Jamal kay Katara at sumeryoso ito.

"May trabaho ako na hindi ko puwedeng iwan, nasa angkan ko ang pagiging ministro ng Palasyo at bilang tagahukom hindi dapat ako magsawalang bahala." seryosong sabi ni Jamal.

"May kapalit?" ulit na tanong ni Katara.

"Wala." sabi ni Jamal

................

Flashback

One Month ago

Canmore Palace

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Amon ng makita si Jamal sa palasyo.

"Kukunin ang anak ng reyna." sabi ni Jamal.

"Ang anak ng reyna at ang reyna ay nasa poder mo." sabi ni Amon.

"Kapag hindi mo binigay si Red, ang Ministry Palace ay magdedesisyon na tanggalin ka sa puwesto at alam mong madali lang iyon dahil hindi ka Hari." sabi ni Jamal na ikinangisi ni Amon.

"Tinatakot mo ako?" sabi ni Amon.

"Mamili ka Amon, ang posisyon mo o ang pagbigay ng bata sa akin kapalit ng pagboto ko sayo." sabi ni Jamal.

"Pagboto?" sabi ni Amon.

"Maraming tutol sa pag-upo mo, at gagawin ang isang botohan kung papayagan ng Ministry of Palace kung magpapatuloy ka. Kaya kung ako sayo ibigay mo ang bata, para ang boto ng totoong reyna ay mapunta sayo." sabi ni Jamal.


"Si Hestia?"
sabi ni Amon


"Tama, boboto siya at makukuha mo iyon kung ibibigay mo si Red."
sabi ni Jamal


"Inutusan ka nila na kunin si Red sa akin?"
sabi ni Amon.

"Hindi nila ako inutusan, dahil trabaho ko ito bilang tagahukom. At kapag hindi mo binigay ang anak ng reyna, siguradong matatanggal ka sa puwesto at ang mag-ina mo ay manganganib sa gagawin mo." sabi ni Jamal.


"Tsss. Ikaw ang asawa ni Katara ngayon."
sabi ni Amon na mapanuyang napangisi.


"Tama, ako at ang pamilya ko na sila Katara at Neeya ay ipapakulong sa salang pakikibahagi sa pagnanakaw sa trono."
sabi ni Jamal na ikinakunot noo ni Amon

"Ang pagpapakasal mo sa isang espiya at pagkakaroon ng anak dito ay may karampatang parusa pero dahil binigyan ka ng kapangyarihan ni King Jan Carl ang lahat ay nanahimik sa pag-upo mo, pero ng makulong ka at pumalit sa puwesto mo ang kakambal mo. Nabahiran ng pangit na imahe ang palasyo at ako bilang tagahukom na hindi ka inakusahan ay nangangahulugan na kasabwat mo ako.

Ang pag-alis ko sa palasyo at pagpapakasal sa dating asawa ng hari na isang espiya ay malaking kasalanan sa Palasyo ng mga Ministro, pero dahil ang reyna na si Hestia ay wala pang kaukulangang binababa na hatol kaya ang lahat ay mananatiling inosente.

Kaya naman sa pagkuha mo sa anak ng reyna ang Palasyo ng Ministro kasama ng angkan ng Canmore ay may karapatan na usigin ka, o hindi lang ikaw kundi ako at ang pamilya ko. At ito ay uusad kapag ang reyna ng palasyo ay maupo dahil sa kalungkutan na pagkawala ng anak nito." sabi ni Jamal na ikinatahimik ni Amon.

"Ngayon mamili ka, posisyon mo o ang bata ay ibibigay mo at ibabalik sa reyna?" sabi ni Jamal.

....................

Present Day

"Binigay niya kapalit pa rin ng posisyon niya." sabi ni Katara.

"Oo, ang kahinaan ni Amon ay ang trono niya." sabi ni Jamal.

"Hindi na dapat ako magtaka." sabi ni Katara.

"Malungkot ka ba?" sabi ni Jamal.

"Hindi. Hindi ko na nararamdaman siguro dahil hindi ko na siya mahal. O siguro dahil kampante na ako sayo na hindi mo ako iiwan, na ang pagmamahal ko na ibinibigay ko sayo ay matutumbasan ng higit, hindi tulad ng dati." sabi ni Katara.

.....................

Infinity Island.


"Anak, okay ka lang? May masakit pa ba sayo?"
masuyong sabi ni Hestia sa anak na si Strawberry habang nakaupo ito balcony.

"Walang masakit sa akin Mama. Okay na okay po ako." sabi ni Red sa ina.

"Bukas uuwi na tayo sa Japan." sabi ni Hestia.

"Ayoko pa po Mama."
sabi ni Red.


"Bakit anak? Masakit pa ba ang paa mo?"
sabi ni Hestia.

"Hindi na po." sabi ni Red.

Napatitig si Hestia sa anak mula ng umuwi ito, tahimik lang ang anak niya.

..................

Flashback

Weeks ago

"Nandito na tayo." sabi ni Jamal ng makalapag ang chopper sa Green Island Jail kung saan nabalitaan niyang naroroon sila Aj at Hestia.

Hindi sumagot ang batang babae kaya napatingin na lamang si Jamal sa paligid. Ngayon lang siya nakapasok sa ganoong klaseng kulungan na kung titingnan malayo ito sa mga nakikita at napapanood niyang kulungan na meron ang Piipinas. Malawak kasi ang paligid at maaliwalas.

"Maliligo ka na, mabaho ka na." birong sabi ni Jamal pero hindi pa rin umimik ang batang babae na mula ng kunin niya ito sa kuwarto nito sa Palasyo hindi ito nagsasalita.

"Ang ganda mong bata kaya dapat ngumiti ka na lalo na at nakauwi ka na." sabi pa ni Jamal pero nanatiling tahimik ang batang babae kahit ang mata nito halatang pinagmamasdan lamang ang paligid.

Napahingang malalim si Jamal habang karga ang batang babae. Wala itong kinukuwento sa kanya, kahit ang mga alipin sa palasyo at albaghaya mga tikom ang bibig.

"Anak!" sigaw ni Hestia ng makita si Jamal karga si Strawberry.

Napatingin si Red at Jamal sa magandang babae na papalapit sa kanila kasama nito si Aj na nakatitig sa anak nito.

"Salamat, nabalik mo siya." napaluhang sabi ni Hestia sabay kuha kay Red at niyakap ito.

"Ayaw niyang magpabihis, hindi siya kumakain kaya kapag tulog siya tinuturukan daw ng gamot. Gamot na parang ginagamit nila kay Katara dati." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Hestia sa anak.

Napatingin si Aj kay Jamal, alam niyang kikilos ito dahil kung hindi malalagay ang pamilya nito sa alanganin.


"Ang dungis mo, pero pretty ka pa rin, baby ko."
sabi ni Hesia sabay halik sa noo ng batang babae.

"Hindi siya nagsasalita, kaya hindi ko alam kong anong nangyari. Wala rin gusto magsalita sa palasyo, hindi naman ako puwede tumagal doon kaya wala akong nakuhang impormasyon." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Aj sa anak.

Tumingin si Red kay Aj saka ito lumuha na ikinatiim ng bagang ni Aj ng makita ang iba't ibang damdamin na pumapaloob sa pagtitig nito sa kanya.

"Uuwi na tayo." sabi ni Aj saka nito niyakap ang mag-ina na ikinalunok ni Jamal ng makitang pigil ang pagtulo ng luha ni Aj.

"Masuwerte ako, kasi ikaw ang Papa ko. Masuwerte ako kasi kahit na, may lahi tayong baliw kaya mong hawakan. Masuwerte ako kasi hindi mo inuulit ang lahat ng sakit para ibigay sa iba." sabi ni Red habang lumuluha na ikinatingin ng tatlo sa batang babae.

"Ngayon lang siya nagsalita." sabi ni Jamal sa isip na nakaramdam ng habag nsa batang babae.

"Masuwerte si Neeya kasi inilayo siya sa taong magiging bangungot niya." sabi ni Red at tuluyang napaiyak ng malakas si Red na ikinayakap ni Hestia sa anak na ikinatiim ng bagang ni Aj.

"Ano ba iyan? Ayokong malungkot si Neeya." sabi ni Jamal ng maalala ang anak ni Katara kay Amon ng lalong makaramdam ng habag hindi lang kay Red kundi sa paglaki ni Neeya.

"Hindi puwede, hindi ko kayo ibibigay." sabi ni Jamal sa isip habang nakatingin sa umiiyak na si Red.

"Pinatay niya si Black pati iyong tauhan na magdadala sa akin sa Palasyo ng mga Ministro." malakas na umiiyak na sabi ni Red na ikinatahimik ng tatlo.

"Wala siyang puso kaya bibigyan ko siya at ipapakita ko sa kanya ang sakit ng ginawa niya. Sa akin, at sa pamilya ng inagawan niya ng buhay!" sigaw ni Red na ikinaluha ni Aj at ikinaiwas ng tingin ni Jamal sa batang babae.

.................

Present Day

Infinity island


"Bakit ayaw mo pang umuwi? Hinahanap ka na ni Maho."
sabi ni Hestia sa anak.

"Gusto ko masaksihan kung paano siya mamatay habang nagsasaya tayong lahat." sabi ni Red saka ito napangiti si ina.

"Anak, masama ang gumanti. Mas mainam na ipasa-Diyos ang lahat dahil ang ganti ay resulta ng kinikimkim mong galit. At ang galit kapag tumagal nagiging kasamaan." sabi ni Hestia.

"Alam ko po, kaya gusto kong pakawalan ang galit para bumalik ako sa dati." sabi ni Red.


"Paano mo gagawin kung ang gusto mo ay masaksihan ang kamatayan ng isang tao."
sabi ni Hestia na ikinangiti ni Red.


"Kapag naupo ako kapalit mo, ipapakita ko ang pagmamahal na nakikita ko sa inyo ni Papa. Lahat ng turo at aral na lagi niyong sinasabi ni Papa ay gagawin ko. Pero Mama gusto ko iyon simulan ngayon.

Dahil ang galit kailangan mo ilapag para matunaw at mawala ng sa ganoon lahat tayo maging masaya at lahat ay bumalik sa kasiyahan na pinapangarap ng lahat." sabi ni Red.


"Anong balak mo?"
sabi ni Hestia.


"Maging kabahagi ng pagmamahal na hindi mo maipagpapalit kahit sa anong ginto at posisyon."
sabi ni Red.

..................

Isla Verde

"Wow! Ang ganda." masayang sabi ni Katara ng makapasok ang kotse ni Jamal sa loob ng construction site at ng makita ang pinagawang bahay ni Jamal.

"Nagulat din ako ng makita ko. Sabi nila noong nasa palasyo ako pinarush ng mga engineer sa mga tauhan ang pagpapagawa. Nagdagdag sila ng mga tauhan, at iyon nga kahit na nag-extend sa aktuwal na isang buwan na pagpapagawa, sulit naman. Kasi ang akala ko nga dati aabot ng tatlong buwan dahil start from the zero ang gawa." sabi ni Jamal.


Napangiti si Katara may harang pa ang paligid ng bahay na sinadya para hindi niya makita kapag dumadaan siya sa lugar.

"Nagawa nila ang gusto ko, at kahit na siyempre hindi na ito ang original na antigong bahay nagawa nila ang ireplika ang labas." masayang sabi ni Jamal.


"Masaya ako, pero naninibago ako sa kasiyahan ko."
sabi ni Katara.

"Bakit naman?" sabi ni Jamal.

"Kasi pakiramdam ko hindi simple pero bakit ang saya ko?" sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"Kasi mahal mo ako?"
pilyong sabi ni Jamal.


"Oo naman mahal kita o siguro dahil pareho natin gusto, na hindi mo pinilit sa akin. O siguro din dahil nasa lugar ako na komportable ako at makakapamuhay ako kung ano ako."
nakangiting sabi ni Katara.

"Love nga. Hahaha! Excited na ako sa house tour." natawang sabi ni Jamal.

................

C-Mall, El Paradiso

Days later

"Anong ginagawa natin dito?" sabi ni Katara kay Jamal habang bitbit nila ang ibang pinamiling gamit na nabili mula sa mall para sa bahay nila.

"Magpapalinya ako ng internet sa bahay." sabi ni Jamal.

"Baka masyado ng mahal, may line naman ang cellphone mo." sabi ni Katara.

"Ako? Eh ikaw dapat meron ka sa bahay, lalo na at kailangan mo ang libangan." sabi ni Jamal.


"Grabe. Nahihiya na ako."
sabi ni Katara.

"Huwag kang mahiya, kasi wala pa iyong honeymoon natin." sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ni Katara.

"Honeymoon?" sabi ni Katara.

"Oo." sabi ni Jamal.

"Hala! Kapapanganak ko pa lang." sabi ni Katara pero nakaramdam siya ng excitement.


"Ilang taon na si Neeya."
sabi ni Jamal na natawa.

"Isang taon mahigit pa lang." sab ni Katara.


"Magdadalawang taon na siya."
sabi ni Jamal na pilyong napangiti.

"Pass muna." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal.


"Hahaha! Magpapakabit muna tayo ng net, tapos mamaya natin pag-usapan."
natawang sabi ni Jamal saka nito inakbayan si Katara na ikinangiti ni Katara.

"Good afternoon po." sabi ng staff sa internet provider na pinasukan nila Jamal at Katara na hindi namamalayan ng mga ito dahil sa masayang pag-uusap kanina pa.

"Magpapakabit kami ng internet line sa isla Verde." sabi ni Katara.

"Sa isla verde pa po?" sabi ng staff

"Oo." sabi ni Katara.


"May problema ba?"
sabi ni Jamal ng may tingnan ang tauhan

"Sir, Maam kapag sa kabilang isla ang magpapakabit may interview po kasi." sabi ng tauhan.

"Okay lang." sabi ni Jamal.

"Okay, dito po tayo." napangiting sabi ng staff.

Sinundan ng mag-asawa ang tauhan hanggang mapahinto sila sa tapat ng isang kuwarto.

"Bago lang po kasi kami sa mga provinces kaya kailangan ng C.I." sabi ng tauhan na ikinakunot noo ni Katara.

"Sir, maam pasok po kayo." sabi ng staff.

Napakunot noo si Jamal at napatingin naman si Katara sa asawa.

Bumaling ang tingin ng dalawa sa paligid at ilang sandali lang sabay na napatingin ang dalawa sa isa't isa ng makita ang napuntahan nila.

"Sir, may application po ng internet line sa Isla Verde." sabi ng tauhan na ikinatingin ng lalaki kay Jamal at Katara.

Napalunok si Katara ng makita ang lalaki at napahawak naman si Jamal ng mahigpit sa kamay ni Katara ng makita ang lalaki.

"A good choice for your fast internet provider." sabi ni Amon ng makita ang mag-asawa.

Napangiti si Jamal ng makita si Amon na huli niyang nakita noong kasal nila Rio at Alex.

"Good afternoon po, Sir. Mag-aapply po kami ng asawa ko ng line para sa bahay namin." nakabawing napangiting sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Amon at ikinangiti ni Jamal ng natural iyon nasabi ni Katara.

"May Canmore Telecom na pala dito." natawang sabi pa ni Katara na ikinangiti ni Jamal sa kainosentehan nito.

"Akala ko pang social lang itong internet. Lagot ka Jamal baka isang buwan lang hindi tayo makabayad sa bill na napakalaki." natawang sabi pa ni Katara sabay hampas kay Jamal na ikinatawa ni Jamal sabay akbay sa asawa na ikinatitig ni Amon sa mag-asawa dahil natural iyon ni Katara.

.................

May 3. 2023 8.00pm

Fifth Street

Good Night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top