Kabanata 25 : Isang Utos

Kabanata 25 : Isang Utos

Isla Verde


"Ano kayang meron?" sabi ni Katara ng makitang nagkakagulo sa daungan ng Isla Verde.

Lumapit si Katara at nagulat ito ng may mga malalaking truck na pang construction na bumababa mula sa mga lantsang nakadaong sa pantalan.

"Para saan kaya ang mga iyan? Baka sa Ground zero." sabi ni Katara sa isip habang nakikiusyoso sa mga miron na naroroon.

"Alam niyo ba ang latest na balita?" sabi ng isang ginang na ikinatingin ni Katara dito habang kausap nito ang mga kapwa nito mga matatanda na may dala pang mga pinamalengke ng mga ito.

"Ano?" sabi ng kasamahan ng ginang.

"Ang sabi ng pamangkin ko na nagtatrabaho sa Cheung Hotel, nagtungo daw doon ang grupo ni Sir Orion at Sir Autumn, iyong mga engineers at architects. Nandodoon din sila Sen Sata at mga abogado sa grupo, at ang sabi ng tauhan ng mga Cheung na naghain ng pagkain sa loob, pinag-uusapan daw ang pagsisimula ng gusali na gagawin sa nasunog na Farm ni Sir Jamal." sabi ng ginang na ikinakunot noo ni Katara

Ang totoo hindi pa niya nakakausap si Jamal tungkol sa balak nito o kahit nga ang nasunog na bahay na pinapagawa nito hindi pa rin niya nakakausap ang asawa mukha kasing umiiwas ito kaya naman hindi na rin niya pinipilit para hindi sila mag-away. Nahihiya din kasi siya dahil alam naman niyang grupo ni Amon ang gumagawa ng pang-iipit dito.

"Ang narinig pa ng tauhan sisimulan ng gawin ang condo at sinasabi pa na..." udlot na sabi ng ginang ng mula sa kung saan lumitaw bigla ang yate kung saan sakay ang sikat na reporter.

"Nandidito ako ngayon kasi siyempre mauuna tayo makibalita sa gagawing kauna-unahang condominium sa tres islas." masayang sabi ni Eye pero akmang bababa ito ng yate ng harangan ito ng mga tauhan ni StevenTuazon.

"Kailangan po ng permit sa opisina ng Isla Verde bago po kumuha o gumawa ng report sa isla." sabi ng lalaking security.

Napatingin ang lahat ng magsilapitan pa ang ibang tauhan ng Ground Zero. Kilala ang isla Verde sa pinakamahigpit na lugar sa bansa na kahit na sakop ito ng Tres Islas ang kilalang namumuno dito ay si Steven Tuazon na siyang may malaking parte na nagmamay-ari ng lupa sa maliit na islang yaon.

"Excuse me, hindi ito bansa dahil sakop ito ng Pilipinas na ang ibig sabihin may karapatan ako bilang Pilipino na tumapak sa lugar ko." sabi ni Eye

"Naisabatas ang mga panukalang ipinapataw at sinasagawa sa isla kaya malugod na dapat mong sundin kahit ikaw ay isang Pilipino dahil ang batas na pinapatupad sa isla ay para sa katahimikan at kapayapaan ng isla. Kaya kailangan muna ng permiso mula sa opisina ng Isla para makita at malaman ang lahat ng taong papasok sa isla Verde" sabi ng isang lalaki na halatang ito ang pinuno ng grupo ng mga Security sa bahaging iyon ng daungan.

"Uy! Huwag mo akong maganyan-ganyan dahil hindi ako tanga. Reporter ako at trabaho ko ito, wala akong kailangan na permiso at puwede ba ilang sunog ang naganap dito? Kung kapayapaan at katahimikan ang hanap niyo eh di sana walang sakunang nangyari. Langya! Ako pa ginagago niyo, ang kapayapaan na sinasabi niyo ay kayo mismo ang nagwawasak." sabi ni Eye.

"Papasukin niyo siya." sabi ng tinig na ikinatingin ng lahat dito.


Napatingin din si Eye sa nagsalita pero naumid bigla ang dila nito ng makita si Steven Tuazon na mailap sa camera at media.

"Pasensya ka na ginagawa lang nila ang trabaho nila. Huwag mo silang sigawan at pagalitan, tulad mo trabahador din sila." sabi ng isa pang tinig na ikinatingin ni Eye dito.


"Si Tara Cheung, isa pa sa mailap sa Cheung Clan. Kung sinusuwerte ka nga naman, Eye."
sabi ni Eye sa isip ng makilala ang mukha ng matandang babae base sa mga larawan nitong kuha kapag may gathering ang Cheung Clan.

"Puwede kang pumasok pero ang security ay susundan ka hindi para ipitin ka o mainis ka kundi para sa kaligtasan mo." sabi pa ni Tara na ikinangiti ni Eye.


"Wow! May security ako feeling in."
sabi ni Eye sa isip.

Samantalang nagkubli si Katara sa mga taong naroroon ng makita ang mag-asawang Tuazon.

"Ang balita sa Cheung Hotel, ang gagawa ng condo at bahay ni Sir Jamal ay ang grupo ni Orion Valiente. Libre itong gagawin base sa plano na inilatag ni Sir jamal." sabi ng ginang na ikinatingin muli ni Katara dito.


Hindi siya makilala ng lahat dahil nasanay siyang nakataklob ang ulo tulad sa palasyo, pero kailangan niya magkubli dahil alam niyang tulad ni Orion Valiente mabilis ang mata ni Steven Tuazon.

"Talaga? Bakit naman nila gagawin iyon?" sabi ng kausap ng ginang.

"Dahil sinasabing ang sumunog sa farm at sa bahay nitong pinapagawa ay si Sir Amon." sabi ng ginang na ikinahingang malalim ni Katara dahil inaasahan naman niya na si Amon ang gagawa nito.

..................

Green Island

"Aj, ano na? Iyong anak natin matatapos na ang araw." sabi ni Hesia kay AJ.

"May oras pa." sabi ni Aj habang nakatitig lang sa relo na ikinaluha ni Hestia sa pag-aalala sa mag-ama niya. Sa pagkawala ni Strawberry at sa ikinikilos ni Aj.

....................

Ground Zero

"Bakit niyo po pinapasok si Eye?" sabi ni Ciao sa lolo at lola nito.

"Dahil siya ang lente natin papunta kay Amon." sabi ni Steven ng makabalik ito sa Ground Zero matapos utusan ang mga tauhan sa pagbabantay kay Eye.


"Pinabantayan niyo pa? Aba suwerte."
sabi ni Kale na ikinangisi ni Twinkle sa reaksyon nito.

"Kailangan iyon apo, dahil delikado siya at tayo kapag may nangyari sa kanya sa paghahatid ng ulat kay Amon." sabi ni T ara.

"Lola, bakit niyo po tutulungan si Mr Jamal?"sabi ni Kale.

"Kasi ang tito mo ang sanhi kung bakit nawala ang lahat sa kanya dito sa isla verde." sabi ni Tara


"Lola, hindi po ba masyadong marami ng maitutulong kung libre ang lahat na ang grupo ang gagawa. Tulad ngayon ang sabi ni Enzo kakatapos lang ng meeting nila lolo Orion pero heto ang bilis naipadala ang mga machine na gagawin sa construction site."
sabi ni Kale.

"Mas malaki ang damage apo ang nagawa natin kay Jamal." sabi ni Tara.


"Natin? Eh si Tito Amon ang gumawa bakit natin?"
sabi ni Kale na ikinangiti ni Tara.


"Kasi grupo kayo, ang ginawa ng isa kailangan sagutin ng lahat."
sabi ni Tara.


"Sabagay kapag may kaaway si Enzo inaaway din namin ni Laurent."
natawang sabi ng binata na ikinatingin ni Ciao sa anak.

.....................

Canmore Palace

"King, ang mga tauhan ng lolo Orion niyo ay nakialam na sa nasunog na Farm at bahay ni Ministro. Ayon sa ulat, ang grupo niyo ang gagawa ng bahay ni Ministro sa loob ng isang buwan.

Ang trabaho ay tatakbo ng bente kuwatro oras, at ang mga kagamitan at mga trabahador ay nasa Isla Verde na. Isama pa po ang security sa site ay pinababantayan ng maigi ng Ground Zero." sabi ng S.A ni Amon.

Tahimik lang si Amon dahil kanina pa siya nanonood sa HBN Site kung saan binabalita ni Eye ang kaganapan.

"Kinuha ka niya para makita ko ang ginagawa nila." sabi ni Amon sa isip habang nakatingin kay Eye.

"Huh! Nabaliktad ang lahat ng dahil sayo." sabi ni Amon sa isip sabay tingin sa kama kung saan natutulog si Red na hindi pa rin nagbibihis.

"King, tumawag ang ama niyo at kinakamusta ang pamangkin niyo." sabi ng Agent.

"Sinong ama?" napangising sabi ni Amon.

"Ahhmmm. Si Sir Autumn po." sabi ng Agent na nautal pa sa sinabi.

"Ahhh. Okay." tipid na sabi ni Amon.

Hindi na umimik ang tauhan ni Amon ng hindi na nagsalita si Amon habang nanonood na uli ito sa laptop nito.

"Masakit ang tiyan ko." sabi ng mahinang tinig na ikinatingin ng tauhan sa kama kung saan naroroon ang batang babae sa madungis nitong kinalalagyan.

"Hindi ka kasi kumakain kaya hindi ko kasalanan iyan." mahinang sabi ni Amon.

"Tulog siya." mahinang sabi ng tauhan ng makita si Red na natutulog at umiinda ng sakit, namamaga na rin ang paa nito na ikinaawa ng tauhan sa batang babae.

"Nasaan si Black?" sabi pa ni Red.

Napakunot ang tauhan ng makitang tulog ang batang babae pero patuloy na nagsasalita

"Umalis ka na." sabi ni Amon na ikinaigtad ng tauhan sa gulat ng magsalita si Amon.

"Ye---yes King." sabi ng tauhan pero nakaramdam ito ng habag sa batang babae.

"Sandali pala." sabi ni Amon ng papalabas na ang tauhan sa kuwarto.

Napahinto ang tauhan saka ito lumingon hindi kay Amon kundi sa batang babae.

"Tumawag ba si AJ?" sabi ni Amon.

"Hindi po." sabi ng Agent habang lihim na pinagmamasdan ang batang babae na kung susuriin tila may sakit ito.

"Huwag mo siyang tingnan, kung ayaw mong mamatay." sabi ni Amon na ikinatingin ng tauhan dito.

Nagulat ang tauhan ng nakatitig sa kanya si Amon ng matalim.

"Hindi talaga sayo tatawag si Aj, dahil ako lang ang gusto niyang kausap. Pero babalaan kita, huwag mo siyang tatawagan para iligtas ang bata." sabi ni Amon na ikinalunok ng Tauhan ng mabasa ni Amon ang nararamdaman niyang awa sa kalagayan ng bata


"Ang awa ay kasunod ng pagbaliktad. Huwag mo akong traydorin dahil magagaya ka sa pulis na pinahirapan ni AJ."
bantang sabi ni Amon na ikinalunok ng Agent.


"Yes King."
sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon.

"Si Black nasaan siya?" sabi ni Red na ikinatingin ni Amon at tauhan dito.

Nagulat ang agent ng makitang namumula at namumungay na ang mata ng batang babae, halatang may sakit ito o tila naghahalucinate na ito dala marahil na mataas na lagnat.

"Wala. Patay na." sabi ni Amon na ikinanlisik ng mata ni Red.

"Ayaw mong kumain, ayaw mo maligo, ayaw mo magpagamot? Puwes ang kamatayan mo ay ikaw ang pumili." sabi pa ni Amon na ikinangisi ng batang babae.

"Kapag nalaman ko pinatay mo si Black, hindi kita mapapatawad." sabi ni Red.

"Patay na nga eh." nakangising sabi ni Amon na ikinatingin ng agent dito.

"Nasaan ang bangkay?" sabi ni Red na ikinangisi ni Amon.

"Okay, ipapakita ko sayo kung magpapagamot ka." sabi ni Amon.


"Ayoko."
sabi ni Red


"So puwes ayoko din."
sabi ni Amon.

"Nasaan si Black?!" sigaw ni Red.

"Tumahimik ka!" ganting sigaw ni Amon na dumagondong sa buong kuwarto na ikinatitig ng matalim ni Red dito at ikinalunok ng tauhan sa tingin ng dalawa sa isa't isa.

"Iyong kaibigan ko nasaaan?" sigaw ni Red.

"Patay na!" sigaw ni Amon.

Napaluha ang nanlilimahid na mukha ni Red na hindi nito alintana kung ilang araw na ito nasa ganoong kalagayan.

"Susunod ako sa kanya!" sigaw ni Red habang umiiyak ito.

Napatiim ng bagang si Amon sa sinabi ng batang babae.

"Matigas ang ulo." sabi ng tauhan sa isip ng makita ang desididong hindi pagsunod ng batang babae sa hari.

"O sige, mamatay ka diyan." sabi ni Amon na ikinatingin ng tauhan dito.

................

Stem

"Nandiyan ba ang Papa mo?"

"Hisoki?" sabi ni Suri ng mabosesan ang lalaki.


"Oo ako nga. Ahhmm ,si Papa mo nandiyan ba?"
sabi ni Hisoki kung saan nasa Stem ito ngayon habang si Suri na tinatawagan nito ay nasa Heather Island.

"Wala si Papa, si mama lang at si Strawberry ang kasama ko." sabi ni Suri, tukoy sa bunsong kapatid na kapangalan ng anak ng kuya nitong si Aj.

"Nasaan siya?" tanong ni Hisoki.

"Bakit mo naitanong?" sabi ni Suri na kahit kilala niya si Hisoki hanggat maaari ang tungkol sa pamilya niya ay hindi niya sinasabi sa iba dahil iyon ang turo ng kuya niya mula noong bata pa sila.

"Ang Ministry ng Canmore Palace nagsasagawa ng lihim na pagpupulong." sabi ni Hisoki na ikinakunot noo ni Suri dahil mahina lamang ang boses ni Hisoki mula sa kabilang linya.


"Suri, kailangan ko makausap ang Papa mo dahil si Amon ay nanganganib sa palasyo sa pagkidnap niya sa anak ng reyna."
mahinang sabi ni Hisoki.

"Bakit hindi si kuya AJ ang kausapin mo?" sabi ni Suri na nagtataka dahil alam niyang kaibigan nito ang kuya niya.


"Si Aj, at ang Mafia kumikilos sa magkaibang paraan, kapag hindi naalis ang pamangkin mo sa palasyo at hindi maibalik ni Amon sa reyna, malaking gulo ito."
sabi ni Hisoki na ikinatahimik ni Suri kaya naman muling umusal si Hisoki.

"Ang pag-upo ni Amon ay base sa desisyon na hindi pakikialam ng reyna at ng asawa nito kaya hinayaan ng Canmore Ministry ang nagaganap, pero ang nangyari kay Ministro Jamal na isang tagahukom ay isang pagtapak sa karapatan ng mga Ministro ng Palasyo.

Ilang araw ng binabalita sa website ng HBN ang nagaganap sa Isla Verde kung saan si Ministro Jamal ang paksa." sabi ni Hisoki.

"Kung kay Kuya Amon mo kaya sabihin tutal siya naman ang concern sa balita mo kay Papa." sabi ni Suri.

"Anak sino iyan?" sabi ni Chhaya ng makitang may kausap ang bulag na anak.

"Mama, si Hisoki." sabi ni Suri sa malamyos na tinig na ikinangiti ni Chhaya.

"Bakit daw?" sabi ni Chhaya.

"Hinahanap niya po si Papa. Ito po siya sa linya." sabi ni Suri na ikinalapit ni Chhaya.

"Nandito pa ba siya?" sabi ni Chhaya


"Opo, mama. Kausapin mo po siya."
sabi ni Suri sabay abot ng telepono sa ina na ikinangiti muli ni Chhaya ng maramdaman ni Suri kung nasaan siya.

Kinuha ni Chhaya ang telepono saka nagsalita.


"Hello, Hisoki?"
sabi ni Chhaya.


"Kailangan ko kausapin si Autumn."
sabi ni Hisoki.


"Bakit?"
sabi ni Chhaya.

"Ang pag-udyok niya kay Amon sa pagdudugtong ng Emperio sa Palasyo ay nanganganib. Kaya gusto ko siya makausap." sabi ni Hisoki.

"Busy si Autumn at ang grupo niya dahil ginagawa nila ang bahay at gusali sa farm ni Jamal." sabi ni Chhaya.

...............

Isla Verde

"Aalis ka pa? Gabi na." sabi ni Katara kay Jamal ng habulin nito ang lalaki ng palabas na ng pintuan.


Napatingin si Jamal sa asawa, hindi ito nagtatanong sa kanya na ipinagtataka niya kahit naman alam niyang may alam ito sa nagaganap.

"Gabi na." mahinang ulit na sabi ni Katara na napayuko habang pinasususo nito ang anak.

"Mabilis lang ako." sabi ni Jamal na ang totoo gusto niya makita ang pagsisimula ng bente kuwatro oras na paggawa ng bahay nila ni Katara na sisimulan agad ngayon gabi.

"Pero gabi na." mahinang sabi ni Katara habang nakayuko.

Napatitig si Jamal sa asawa, alam niyang may gusto itong itanong dahil nararamdaman niya iyon base sa kilos nito o reaksyon ng katawan pero tila may pumipigil dito at iyon ay takot.

Nababanaag niya sa kilos ng asawa ang takot na baka mag-failed na naman ang relasyon nito.

"Sorry." sabi ni Jamal.

"Para saan?" sabi ni Katara na nanatiling nakatingin sa sanggol na pinasususo nito.

"Sa pag-aalalala at sa....

....sa dapat na paglilipat natin this week sa bagong bahay kaso napurnada." sabi ni jamal na ikinangiti ni Katara saka nito tiningnan si Jamal.


"Wala iyon sa akin, masaya naman ako kasi may bahay pa rin tayo. Kasama kita at si Neeya na ligtas." sabi ni Katara.

Napahingang malalim si Jamal ang totoo kinakabahan siya para sa mag-ina niya dahil ngayon malamang alam na ni Amon ang ginagawang pagtulong ng grupo nito sa kanya.

"Jamal." mahinang usal ni Katara.

"Bakit?" sabi ni Jamal habang nakatitig sa kanya si Katara na para kay Jamal iyon yata ang pinakamagandang larawan para sa kanya, si Katara habang nakatingala sa kanya, karga ang sanggol nito na dumedede dito.

"Huwag kang magalit kay Amon, ganoon lang talaga siya. Masanay na tayo, titigil din iyon kapag nakita niya tayong mamuhay ng simple.

Kaya okay na ako dito sa bahay na ito." sabi ni Katara.

"Alam ko, at alam ko rin na kaya siya nanggugulo kasi mahal ka pa niya." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.


"Hindi niya ako mahal, ang mahal niya ay ang sarili niya. Ego at pride, iyon lang ang rason kaya siya nanggugulo. Gusto niya ako para sa tabi niya, para maging trophy, para masabi ng lahat na mabait siya kasi nakuha niyang pumatol sa basurang tulad ko.

At ngayon, nagpapasalamat ako nakawala ako sa kanya at napunta ako sayo." sabi ni Katara sabay haplos ng isang kamay kay Jamal saka iyon inalis.


"....gusto ko maging masaya, ayoko ng maramdaman ang bawat araw sa mga nakaraang relasyon ko kaya sana samahan mo ako sa masayang araw na gusto ko."
sabi ni Katara.


"Paano?"
sabi ni Jamal.

"Huwag ka muna umalis, hayaan mo sila doon. Ang ginagawa nila ay isang kabayaran sayo, na hindi mo kailangan makaramdam ng hiya. Gusto ko makita nila na masaya tayo kahit na inabo nila ang lahat ng pangarap mo para sa akin at sa pamilyang bubuuin natin."
sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.

...................

Green Island Jail

"Aj, tapos na ang isang araw." sabi ni Hestia na ikinangisi ni Aj habang nasa selda ang dalawa.

"Uuwi na tayo." sabi ni Aj.

"Ha? Paano ang anak natin?" sabi ni Hestia.

"May magdadala sa atin ng anak natin." sabi ni Aj.

"Sino? May inutusan ka na ba?"
sabi ni Hestia.


"Wala."
sabi ni Aj.

"Wala? So sino magdadala?" sabi ni Hestia.


"Konsensya at awa."
sabi ni Aj.

................

Canmore Palace

"Iyong kaibigan ko, nasaan?" umiiyak na sabi ni Red ng magdala na naman ng pagkain ang tauhan ni Amon, pero ngayon ang nagdala ng pagkain ay iyong lagi ni Amon na kausap na tauhan.

"Patay na siya." sabi ng lalaki na ikinaluha ng batang babae.

"Gusto ko makasiguro, nasaan si Black?" umiiyak na sabi ni Red


Napatingin ang tauhan sa paligid, nakita niya ang hari kanina papunta ng mga Ministry Council kaya alam niyang matatagalan itio.

"Manong, si Black iuwi natin dahil hinihintay siya ng nanay niya" umiiyak na sabi ni Red na ikinatingin ng lalaki dito .

Sa pagtingin ng lalaki kinapa nito ang noo ng batang babae na dugyot pa rin ang itsura at ang paa nito hindi na nito maigalaw.

"May sakit ka, baka mamatay ka rin dito. Delikado kapag namatay ka." sabi ng lalaki sa mahinang tinig.

"Iuwi natin si Black, kahit patay na siya." umiiyak na sabi ni Red.

"Mahihirapan tayo." sabi ng tauhan


"Tulungan mo ako makatakas, pangako ibibigay ko ang kalayaan mo katulad ng pagbibigay mo sa kalayaan ko."
sabi ni Red na ikinatingin ng tauhan dito.


Matagal na siyang tauhan ng Emperio kung tutuusin pangatlong henerasyon na rin siya dahil ang lolo at ama niya naging tauhan sa loob ng Valiente Empire kasagsagagn ng malakas ang kita nito.

"Naaawa ako sayo, may anak din kasi akong babae nasa Pinas." sabi ng lalaki habang nakatingin sa batang babae.

"Si Black may magulang din siya. Ganito na lang kunin mo siya, iyong bangkay niya iuwi mo kahit huwag mo na akong tulungan," sabi ni Red na ikinatitig ng lalaki dito.

"Ang totoo hindi ko alam kung nasaan nila inilagay ang bangkay, mahihirapan ako hanapin dahil malaki ang palasyo. Isama pa na maraming bantay sa labas na hindi ko kalahi." sabi ng lalaki.

Hindi umimik si Red na ikinatitig pa lalo ng lalaki sa batang babae.

"Okay ka lang? Mukhang kahit mainit ka mukhang kaya mo, kaso bata ka pa hindi mo kakayanin ng matagal lalo na namamaga ang paa mo." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Red dito.

"Sa Palasyo ng ministro, ihatid mo ako." sabi ni Red na ikinanlaki ng mga mata ng lalaki.

"Hi—hindi puwede." sabi ng tauhan ni Amon.

"Ihatid mo ako at isa iyong utos mula sa susunod na reyna." sabi ni Red na ikinalunok ng lalaki.

...................

May 3. 2023 10.00am

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top