Kabanata 24 : Isang Katibayan ng Pagkakamali


Kabanata 24 : Isang Katibayan ng Pagkakamali

Green Island Jail


"Ahhhhh!" sigaw ng pulis ng masayaran ng mainit na metal ang mukha niya.


"Kahit magsumbong ka sa hepe mo, at ipakulong mo ako babalikan kita. Kahit na bumaliktad ka sa amin, hahanapin kita at sisiguraduhin ko lahat ng luhang pumapatak sa mata ng asawa ko mararamdaman mo at ng pamilya mo."
galit na sabi ni Aj saka nito inialagay ang bakal sa gold bar na natunaw saka iyon idikit sa braso ng lalaki.

"Ahhhhh!" sigaw ng lalaki.


"Pulis ka pero gago ka. Kaya hindi umaasenso ang bansa dahil sa mga tulad mo. Hayaan mo tatanggalin ko kayo kapag naupo ako."
sabi ni Aj saka nito idiin ang bakal na ikinahiyaw ng malakas ng lalaki


"Ahhhh! Tama na!!!"
sigaw ng lalaki na ikinalunok ng mga kasamahan ni Aj dahil ang braso ng lalaki siguradong bali o baka tunaw ang buto nito sa diin ng mainit na bakal sa braso nito.

"Ito ang ginto, ibibigay ko sayo at ilulubog ko sa katawan mo para magtanda ka." sabi ni Aj saka nito kinuha ang mainit na gintong natutunaw na ikinanlaki ng mata ng lahat ng ilagay iyon ni AJ sa hita ng lalaki.

"Ahhhh!" sigaw ng pulis.

"Pinagpalit mo ang serbisyo mo at tsapa mo sa pera." sigaw ni Aj.

"Don, natawagan na namin." sabi ng tauhan ni Aj na ikinatingin ni Aj dito.

..............

Canmore Palace

"Hello?" sagot ni Amon cellphone nito.

"Ibabalik mo o papatayin kita?" sabi ni AJ sa kabilang linya na ikinangisi ni Amon.


"Sino naman ang ibabalik ko?"
sabi ni Amon.


"Bibigyan kita ng isang araw kapag hindi ko nakita ang anak ko sa mismong lugar kung saan siya nakuha ng inutusan mong pulis, papatayin kita ng unti-unti."
sabi ni Aj kay Amon.

"Hahaha! Kailangan ko ba matakot?" sabi ni Amon.

"Hindi mo kailangan matakot dahil ang kailangan mo lang uminom ng maraming gamot." sabi ni Aj.

"Hahaha! Ako ba ang kailangan uminom o ikaw?" sabi ni Amon.


"Hindi ako nakikipagbiruan, Amon. Kada oras na itatagal ng pagkawala ng anak ko, isang tarak iyon sa buhay mo."
sabi ni Aj.

"Tsss! Aj, huwag mo akong takutin. And the first place ikaw ang nakialam sa buhay ko. Hindi ko kayo pinakikialamanan ni Hestia, never akong..." udlot na sabi ni Amon ng magsalita si Aj.

"Hindi? Ohhh! Amon, alam kong binalak mo dati asawahin ang asawa ko para nga naman maging hari kang totoo. Huwag mo akong bilugin dahil kahit baliw ako kaya kong hawakan ang pagkabaliw ko." sabi ni Aj.

"Iyon naman pala, so wala sa akin ang anak mo." sabi ni Amon.

"Isang buong araw at uulitin ko kada oras isang tarak sa buhay mo." sabi ni Aj saka nito binaba ang telepono.

.......................

Valiente Mansion

Kinabukasan

"Ano na nakita niyo ba?" sabi ni Orion .

"Sir, ayon sa report confirmed nasa Canmore Palace si Red." sabi ng tauhan.

"Tawagan mo si Amon." sabi ni Orion kay Autumn.

"Okay." sabi ni Autumn.

Kinuha ni Autumn ang cellphone mula sa bulsa pero akmang magdadayal ito ng magring ang cellphone.

Napatingin si Autumn sa ama ganoon sa ina na naroroon bago sagutin ang tawag.

"Hello?" sabi ni Autumn.

"Sir, ang pinapagawang bahay ni Jamal nasusunog." sabi ng tauhan na ikinanlaki ng mga mata ni Autumn.

..................

Canmore Palace

"King." humahangos na sabi ng tauhan ni Amon.


"Bakit?"
sabi ni Amon na noo'y nasa garden.

"Ang dream house nasusunog." sabi ng tauhan ni Amon.


"And so?"
sabi ni Amon.

"King, hindi pa namin ginagawa ang pagsunog pero may gumawa na." sabi ng tauhan na ikinakunot noo ni Amon.

................

Isla Verde

Lumuluhang nakatingin si Jamal sa bahay na halos ilang araw na lang mapapakita na sana niya kay Katara.

"Naririto tayo ngayon, sa Isla Verde kung saan nasusunog ang antigong bahay ng Ministro ng Canmore Palace na kakakasal lang kay Katara Roque ang ex wife ng hari." sabi ni Eye na halatang masaya ito sa binabalita kahit na hindi naman dapat.

"Kung napapansin niyo mula sa screen, ang bahay ay naabo ng tuluyan. Nakakapanghinayang." sabi ni Eye.

................

Manila.


"Ay grabe talaga magreport, parang kapitbahay mo lang na tsismosa."
sabi ni Umiko habang kasama nito sila Raven, Lake at Haco kung saan nasa Law firm office ang magpipinsan at nanonood sa HBN Station

"Hula niyo sino ang may gawa?" nakangising sabi ni Haco.

"Tss! Huhulaan pa ba? Siyempre si Kuya Amon." sabi ni Lake habang nakatutok sa tv at napapangisi dahil ang reporter na si Eye talagang nakuha pang maglakad sa natutupok na bahay.

"Madapa sana." sabi ni Lake sa isip at ilang saglit lang naibuga nito ang kinakain ng madapa nga si Eye.


.................

Isala Verde


"Ay! Tinapang napanis."
gulat na sabi ni Eye ng matalisod ito sa kahoy at nasubsub ang mukha sa lupa.

Pigil naman natawa ang mga kasamahang reporter ng babae ng makita ang itsura ni Eye.

.................

Manila

"Hahahaha!" malakas na tawanan ng apat na binata ng itutok pa ng cameraman ni Eye ang mukha nito na ikinabato ni Eye ng microphone sa lente ng camera ng tauhan nito.

"Hahaha! Kaya ayoko gumawa ng pangit, ang bilis ng karma ngayon." sabi ni Haco na halos maiyak sa kakatawa.

"Karma. Ano naman kaya ang karma sa gumawa nito?" sabi ni Raven na sumeryoso na ikinatigil sa pagtawa ng tatlong kapa-kapatid nito.

.................

Valiente Empire Mansion,

El Paradiso

"Orion, saan ka pupunta?" sabi ni Ellie ng mabilis na naglakad si Orion palabas ng mansion.

Napatingin si Orion kay Ellie saka ito seryosong nagsalita.


"Tingin mo manonood lang ako, habang ang mga apo ko nagpapatayan. Hindi ako nabuhay para mapanood at masaksihan ang mga kalahi ko na nagpapataasan."
sabi ni Orion.

"Anong gagawin mo?" may pag-aalalang sabi ni Ellie sa asawa dahil matanda na si Orion at hindi niya kakayanin kapag bumigay ito.

"Kikilos." sabi ni Orion saka ito tinalikuran si Ellie.

"Autumn, sundan mo ang Papa mo." sabi ni Ellie na ikinatango ni Autumn.

"Okay po Mama. Huwag ka ng mag-alala at baka mapaano ka pa." nag-aalalang sabi ni Autumn sa ina.

Napatingin si Ellie sa anak saka ito lumuha.


"Alam mo bang noong kaedaran kami ng mga anak mo, sinabihan kami ni Lolo Ralph na ang anak ni daddy ang pinakapasaway sa mga apo niya. Kami iyon."
sabi ni Ellie


"Na nararamdaman mo ngayon sa mga anak ko, na apo mo?"
sabi ni Autumn sa ina.


"Oo."
sabi ni Ellie.


"Karma ba?"
birong natawang sabi ni Autumn.

"Siguro kasi hindi ako sumunod sa mga magulang ko ng mabuntis ako sa inyo ni Winter." sabi ni Ellie na napaluha.


"So, karma ko rin ba?"
sabi ni Autumn na ikinatitig ni Ellie sa anak.


"Nawawala ang apo ko, at hindi ko alam kung anong uunahin kong mararamdaman. Galit, takot, o awa." sabi pa ni Autumn.

"Si Amon, kapag patuloy mong inudyakan ang anak mo hindi siya hihinto." lumuluhang sabai ni Ellie.


"So, karma ko nga ng asamin ang lahat, at ng hindi ko nakuha si Amon ang naghangad."
sabi ni Autumn.

"Ikaw ang ama, kaya ikaw ang makakatulong sa kanya, at bilang lalaki gawin mo ang nararapat para tumigil siya." sabi ni Ellie na ikinalapit ni Autumn sa ina at niyakap ito.

"Noong bata ako, paulit-ulit mong sinasabi na proud ka sa akin kahit na anak mo kami ni Winter sa pagkadalaga, kahit na anak kami ng isang matigas na ulong disi otso anyos na selfish na anak." sabi ni Autumn saka nito tiningnan ang mukha ng ina na lumuluha.

"Mama, gusto ko maging proud ka uli sa akin tulad ng dati.... noong bata pa ako." sabi ni Autumn sabay halik sa noo ng ina na ikinangiti ni Ellie.

"Ikaw ang little King ko, alam ko kaya mong hawakan kahit kaunti ang mga little King mo." umiiyak na sabi ni Ellie.

"Opo Mama." sabi ni Autumn saka nito niyakap ang ina.

...................

Canmore Palace

"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ni Red saka ito nagpipiglas sa doctor ng palasyo.

Napatingin si Amon sa pamangkin, hindi pa ito nagbibihis. Ang putik sa mukha nito ay natuyo na, hindi pa rin ito kumakain. Mukha nga itong baliw na hindi man lang nakaramdam ng gutom o siguro gutom na ang batang babae kaya mas hyper itong magwala.

"Nasaan ang kaibigan kong si Black?" sabi ni Red sa lalaking tauhan ni Amon na nakilala nitong nagbuhat sa kanya mula sa Isla hanggang sa pagbaba ng chopper.

"Sumagot ka!" sigaw ni Red na ikinanlaki ng mga mata ng mga taong nasa kuwarto nito bukod kay Amon.

"'ant maswuwl tijahi! (Mananagot ka sa akin)." sabi ni Red na ikinangisi ni Amon sa batang babae ng magsalita ito lengguwahe sa palasyo kasabay ng matalim na tingin nito sa tauhan niya at ang diin ng bigkas nito.

"Daena nuealij qadamak. (Gamutin natin ang paa mo.)" sabi ng doctor na ikinangisi ni Red kaya napangiti ng lihim si Amon ng makuha ng batang babae ang mannerism ng mag Valiente.

"Laday tabibi alkhasu, wadawayiy yaemal (May sarili akong doctor at ang gamot ko ay may gumagawa." sabi ni Red na ikinatitig ni Amon sa batang babae sa sinabi nito.

"Magpapagamot ka o lulumpuhin kita lalo." sabi ni Amon na ikinatingin ni Red dito.

"Na ginawa mo kay Tita Rio." sabi ni Red na ikinatitig ni Amon sa batang babae.


"Walang nakakaalam na ang bala na tumama sa binti niya ay may gamot na nakakatunaw ng laman at buto nito na siyang magaganap."
sabi ni Red.

"Nice, so bakit hindi mo sinasabi sa ama mo?" sabi ni Amon.

"Dahil kahit sabihin ko hindi nagpapagamot si Tita Rio, at kalaunan malalaman niyang mapuputulan siya ng paa." sabi ni Red.

"Gusto mo subukan ko sa ama mo?" sabi ni Amon na ikinatahimik ni Red


"Magpagamot ka at huwag mo akong takutin dahil hindi uubra."
sabi pa ni Amon ng nananahimik na ang batang babae.

................

Green Island Jail

"Aj, ibabalik na ba niya?" sabi ni Hestia .

"Oo." napangiting sabi ni Aj na ikinakunot noo ni Hestia


"Bakit wala pa?"
sabi ni Hestia.


"Kasi nasa proseso pa."
sabi ni Aj saka nito kinuha ang cellphone.

...............

Cheung Hotel, El Paradiso


"Bakit niyo ako pinatawag?"
sabi ni Jamal habang kaharap ang grupo ng ex-husband ng asawa niya.

Napatingin ang lahat kay Jamal mula sa report ni Eye, nakita ang pagluha ni Jamal na talagang walang pakundangan na hindi man lang inedit ng reporter para lamang makakuha ng maraming views at siyempre isang malaking kita sa HBN Station na pag-aari nito.

Mula sa report ni Eye, tinuon nito ang paksa kay Jamal na ngayon ay kinakaawaan sa socmed na kahit sila naaawa sa ginawang report ni Eye na tila ginawang pagkakakitaan talaga ang arabo sa harapan nila.

"Haysss! Bakit ba ako pumunta dito?" napailing na napangising sabi ni Jamal at akmang tatalikod ito ng magsalita si Orion.


"Sa ginawa ng apo ko, sasagutin namin ang lahat."
sabi ni Orion na ikinatigil sa paglalakad ni Jamal.


"Kami ang gagawa ng dream house niyo ni Katara base sa pinagawa mo sa engineer mo."
sabi ni Autumn na ikinatingin muli ni Jamal sa buong grupo.

"Ang mga nandidito ay mga architect at engineer na siyang gagawa." sabi ni Orion.


"Mechanical engineer ako, pero sumama na ako para may papel ako."
natawang sabi ni Malic sabay labas ng pliers nito na ikinapigil ng tawa ng mga kaibigan nito.

"Isnag buwan, tatapusin namin ang sinunog ng anak ko." sabi ni Autumn.

Hindi nakapagsalita si Jamal, dahil hindi siya makapaniwala.

"Ang sabi ng engineer mo, dapat ngayon week turnover na ang gawa nila sayo kaso nga nasunog kaya walang turn over na magaganap." nakangising sabi ni Heaven.


"Magaling kasi manunog ang mga kgrupo ko kaya ayon namana ni Amon. Hahaha!"
malakas na natawang sabi ni Malic na ikinasiko ni Ice sa bayaw.

"Ang sabi pa ng engineer mo magpapatayo ka ng condo sa Isla Verde, at naisip namin na kami na maglalakad ng papel." sabi ni Run kay Jamal na ikinagulat ni Jamal dahil alam niyang mahirap maglakad ng papel lalo na at dayuhan siya at may prenup sila ni Katara.

"Huwag kang mag-alala ilan sa amin ay abogado." sabi ni Wine kay Jamal na hindi na nakapagsalita.

"Kaya pala malalakas ang mga ito, pinakyaw lahat." sabi ni Jamal sa isip.

"Senador ako at kaya ko lusutan ang ikukuwestiyon sa ipapatayo mo." sabi ni SatA na ikinatahimik lalo ni Jamal.

...................

Green Island

"Aj, ano na?" sabi ni Hestia habang nakatingin ito sa oras.


"Bente kuwatro oras."
sabi ni Aj.

"Hindi ko na kaya hintayin, baka iyon baby ko umiiyak na." sabi ni Hestia na ikinangisi ni AJ.

..............

Canmore Palace

"Ayaw ko kumain!" sigaw ni Red sabay titig ng matalim kay Amon.

"Makulit ka rin eh no?" sabi ni Amon sa pamangkin dahil akala niya matatakot ito ng sabihin niyang lulumpuhin niya rin ang tatay nito pero natulog lang si Red naging pasaway na naman ito na tila nag-ipon lang ng lakas.


"Baka may lason 'yan, okay ng mamatay na healthy ang body ko kaysa makakain ng alam ko kung anong ipapasok sa bibig ko tapos tatraydorin ng masarap na pagkain na hinahain niyo sa akin."
sabi ni Red na ikinagisi lalo ni Amon.

"Kung mamamatay ka mamamatay ka, kung hindi sa pagkain puwede sa turok o kaya sa bala tulad ng sinabi mo." sabi ni Amon.


"Kapag namatay ako, lagot ka kay lolo Orion."
sabi ni Red sabay wigwig ng daliri nito.


"Lagooottt ka! Sa lolo ko na lolo mo."
sabi ni Red na ikinailing ni Amon.

"Hindi lang iyon, lagot ka kay lolo Autumn kakainin ka nun ng buhay." sabi ni Red saka ito napapikit na ikinangiti ni Amon ng magandahan sa batang babae.

"Hindi lang pala iyon pati kay Papa lagot ka, kasi tahimik iyon pero kumikilos iyon." sabi pa ni Red sabay mulat ng mga mata.

"So ang dami ko naman pala kakatakutan. Pati ba ikaw?" sabi ni Amon.

"Hindi po." sabi ni Red.


"Bakit hindi?"
sabi ni Amon sabay lapit sa pamangkin na hindi pa rin nagpapalit ng damit at ang paa nito namamaga na pero iniinda nito ang sakit.

"Hindi sa akin kundi kay Neeya." sabi ni Red na ikinatigil ni Amon saabay tingin sa mukha ng batang babae.


"Kapag nakikita mo ba ako, hindi mo siya naaalala? Kapag nakatitig ka ba sa akin hindi mo ba naiisip na may anak ka rin?"
sabi ni Red saka ito napangiti na umiiling at muling umusal

"Tsss! Oo nga pala, binasura mo sila kaya bakit ko pala itatanong. Kaso alam mo ba na mas nakakatakot ang basura kasi nakakamatay iyon." sabi pa ni Red saka nito inilayo ang tray na may pagkain na ikinatingin ni Amon sa tray.

"Nakuha mo akong pakainin pero ang mag-ina mo hindi mo pinakain habang ganito ang itsura nila. Titigan mo ako, dinala mo ako sa magandang kuwarto kahit na isa akong basura sa mata ng lahat pero ang mag-ina mo hinayaan mo langawin sa impiyernong lugar.

Pagmamahal ba iyon? O ako pagmamahal ba ginawa mo sa akin? Hindi...

Dahil wala kang alam sa pagmamahal na siya mong matututunan sa pagkuha mo sa akin." sabi ni Red na ikinatingin muli ni Amon sa batang babae.

"Magaling ka rin magsalita, mukhang hinasa ka ni AJ." sabi ni Amon.

"Opo tinuruan ako ng Papa ko, na hindi mo nagawa at magagawa sa anak mo. Ang anak mo ang siyang bakas at katibayan mo na nagsasabing hindi ka nga hari dahil sa pagkakamali mo ng itapon mo ang tagapagmana mo." sabi ni Red na ikinalunok ni Amon ng makita ang kakaibang ngiti ni Red.

.....

May 2. 2023 5.00pm

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top