Kabanata 23 : Ang Hari ng Reyna

Kabanata 23 : Ang Hari ng Reyna

Canmore Palace, Middle East


"Iyan po ang top view na kuha ng larawan ng bahay na pinapagawa ni Ministro Jamal sa Isla Verde. Sinabi ng mga construction worker na nakausap namin sa loob ng site na moderno po ang loob ng bahay na may tatlong palapag. Sa labas po ay nirenovate lamang ang dating antigong bahay para daw kay Maam Katara." sabi ng S.A na inutusan ni Amon.

Napatitig si Amon sa bahay, upper view or top view lamang mula sa kuha ng chopper. Hindi mo talaga mapapansin ang pagkakagawa ng mga gilid ng bahay dahil nakataklob ang paligid nito mula sa lupa. Pero sa napapansin niya mukhang hindi nga nabago ang yari ng bahay mula sa labas na ikinangisi ni Amon. Old style na gusto ni Katara.

"King, malapit na po matapos ang bahay na siyang lilipatan ng bagong kasal. Ang bahay ay regalo ng Ministro sa asawa nito, ito ay isang sikreto dahil sabi ng mga tauhan never pa daw pumupunta si Maam Katara sa lugar tanging si Ministro Jamal lamang ang gumagawi roon." sabi ng S.A

Hindi umimik si Amon habang pinagmamasdan ang larawan.

"King, may nakapagsabi pa, na isa sa pinagtuunan ng pansin sa loob ng bahay ay ang theatre room." sabi ng S.A na ikinatingin ni Amon dito.


"....mas malaki ito di hamak sa master's bedroom na pinagawa ni Ministro."
dagdag na sabi ng S.A

"Ano pa?" sabi ni Amon na napatiim ng bagang.

"Ang nursery room ay kasing laki ng master's bedroon kung saan may pasadyang crib na pinagawa. Ito ay kasing laki ng isang king's bed o katumbas ng apat na malalaking crib ng sanggol." sabi ng S.A

"Apat na sanggol?" sabi ni Amon na napakunot noo.

"Nagbiro daw si Ministro sa inhinyerong gumagawa at ang sabi nito tatlo ang balak nilang anak ni Maam Katara plus ang anak ni Maam Katara sa una na si Neeya." sabi ng S.A na umiwas ng tingin kay Amon.

"Huh! Umaasa talaga siya." sabi ni Amon.

"Ang honeymoon ay sinasabing gagawin sa mismong bahay dahil ayaw ni Maam Katara ng gastos kaya naman naisipan ni Ministro na sa dream house nila gagawin ang pulot gata." sabi ng S.A na napatingin sa reaksyon ni Amon.

"Ah! Ganoon?" sarkastikong sabi ni Amon.

"Yes, King." sabi ng S.A

Napatiim ng bagang si Amon at muling tiningnan ang larawan ng bahay mula sa upper view.

Nang hindi na magsalita si Amon muling nagsalita ang S.A

"King, ang apelyedo ng anak ni Maam Katara ay inilalakad ni Ministro para maging Amonia Haram." mahinang sabi ng S.A na ikinakuyom ng kamay ni Amon.

Napatigil sa pag-uulat ang tauhan at ilang sandali lang napangisi si Amon na nagsalita.

"Okay, sunugin mo ito." sabi ni Amon sabay tapon larawan sa lapag na ikinatingin ng Agent sa larawan na nasa lapag.

"King? Ang larawan sunugin ko po?" sabi ng S.A.

"Huh! Hindi ang larawan kundi ang mismong bahay." sabi ni Amon na ikinanlaki ng mata ng S.A

"Ang Dream House ay gagawin natin bangungot." sabi pa ni Amon na ikinalunok ng S.A.

................

Green Island Jail

"Si Red nasaan?" umiyak na sabi ni Hestia ng magising ng tuluyan si AJ.


"Baka naglalaro lang."
sabi ni AJ.

"Wala siya kahit saan." sabi ni Hestia na ikinatingin ni Aj sa paligid.


Nasa isang selda sila at doon na naabutan ng dilim kagabi kaya hindi na sila nakaalis ni Hestia kasama ang anak nilang si Strawberry.

"Hanapin na natin." sabi ni Hestia.

...................

Minutes ago

"Bato bato pick." masayang sabi ni Strawberry habang madungis na ito.


"Mali, ulit uli."
sabi ng batang babae na kalaro nito.

Kanina pa nasa likuranng bahagi ng kulungan ang dalawa habang nakaupo sa maputik na lupa.

"Bato ako gunting ka, so talo kita." sabi ni Strawberry.

"Sige, one point ka uli." sabi ng batang babae sabay kiskis ng kamay sa lupa.


"Bakit kiskis mo?"
sabi ni Strawberry sa batang kalaro na halos sumiksik ang lupa sa mga kuko nito.


"Para suwerte."
sabi ng batang babae na halos hindi na makilala ang mukha sa putik na nasa mukha nito.

"Ah, ganoon ba iyon. Okay ako din gagayahin kita para suwerte ako." sabi ni Strawberry sabay kiskis ng kamay sa maputik na lupa.

"Hahaha! Natalsikan ka." sabi ng batang babaeng kalaro nito ng sa pagkiskis ng palad ni Strawberry sa lupa tumalsik ang putik sa mukha nito.

"Okay lang iyan." sabi ni Strawberry sabay haplos sa mukha niya ng mangati iyon dala ng putik.

"Ano uli name mo?" sabi ng batang babae.

"Red." sabi ni Strawberry.


"Hindi ba brown kasi brown na ang mukha mo, hahaha."
natawang sabi ng batang babae na ikinatawa ni Red.


"Sige Brown tapos ikaw si Black kasi black na iyong mukha mo."
natawang sabi ni Strawberry na ikinatawa ng dalawang batang babae na nagawa pang umupo sa maputik na taniman ng mga preso.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" sigaw ng pulis na ikinatingin ng dalawa

"Aba't ang mga ito parang mga baka kung tumingin. Paano na naman kayo nakapasok dito?" sigaw ng pulis na hindi na namukhaan si Red dahil sa dungis nito.

"Sa gate po pumasok ako tapos siya hindi ko po alam nakita ko siya dito kanina." sabi ni Strawberry sabay punas ng mukha nito na lalong ikinadumi ng batang babae.

"May dagat bakit sa putikan kayo naglalaro? At talagang dito pa sa loob ng kulungan." sabi ng pulis sabay lapit sa dalawang batang babae.

Alas syete na ng umaga at maganda pa naman ang sikat ng araw pero ang dalawang bata tingin niya alas singko pa lang yata nasa putikan na, na parang mga biik na nakawala sa kural.

"Manong Pulis, masarap kaya lumangoy dito." sabi ni Red sabay dapa pa sa putikan at nagulat ang pulis ng lumangoy langoy ang batang babae roon na hindi makilala sa nanlilimahid na putik na nakakabit sa buong katawan nito at damit, pati buhok meron.

"Opo nga manong. Masarap lumangoy dito kaysa sa dagat." sabi ng batang babae sabay gaya kay Red na lumangoy sa putikan.

"Aissst! Sino ba mga magulang niyo?" sabi ng pulis na sinagot naman ng dalawnag bata.


"Si aling Lumeng at si Mang Pedro."
sabi ng batang babae.


"Si Don at si Queen Hestia."
sabi naman ni REd na ikinatingin ng pulis dito.

"Sino ang magulang mo?" sabi ng pulis na natuon ang tingin kay Red na hindi naman niya makilala dahil mata na lamang nito ang tangi at posible niyang makilala.

"AJ Valiente and Hestia Skadi-Valiente." proud na nakangiting sabi ni Red na ikinatitig ng pulis dito.

....................

Hours Later

"Walang nakakita? Kahit sino sa inyo?" sabi ni Aj sa seryosong tinig habang nakatingin sa mga preso at mga pulis sa kulungan ng Green Island Jail.

Nagkatinginan ang mga preso na tinipon sa malawak na field ng kulungan.

"Imposibleng makalabas ang anak ko." sabi ni Aj sabay baling sa mga pulis.

"Wala po Don, hindi naman dumaan sa main gate o kahit sa exit o sa entrance na puwedeng pagpuslitan." sabi ng pulis.

Napangisi si Aj saka ito bumaling kay Tattoos na nakatingin sa kanya.


"Wala?"
sabi ni Aj na ikinailing ni Tattoos.

"Wala kaming nakita." sabi ni Tattoos.

"Okay, madali akong kausap." sabi ni Aj saka ito tumalikod na ikinasunod ng tingin ng lahat sa leader ng Mafia.

.................

Canmore Palace

Kinabukasan

"Bakit ganyan ang itsura niyan?" sabi ni Amon ng makita ang dalawang batang babae na karga ng mga tauhan.

Tulog ang dalawang batang babae at nakagapos ang mga kamay.

"Nagwawala King ayaw magpabihis, kinagat ang alipin. At kaya madungis kasi nakuha sila sa putikan sa loob ng kulungan na naglalaro." sabi ng tauhan kay Amon.

"Bakit niyo tinalian?" sabi ni Amon ng nakaramdam ng habag sa mga batang babae.

"Nangangagat iyong pamangkin niyo King." sabi ng tauhan sabay pakita ng ginawa ni Red dito.

Napangisi si Amon ng makita hindi kagat kundi sakmal na tila asong nauulol ang ginawa ni Red sa tauhan niya.

"Bakit hindi niyo binihisan habang natutulog?" sabi ni Amon habang napatitig sa dalawan g batang babae.


"Nagigising po."
sabi ng tauhan.

"At kapag gumigising naninipa na parang may sapi." sabi pa ng isang tauhan.

Napakunot noo si Amon ng umungot ang batang babae na alam niyang si Red dahil kahit madungis ito maganda ang mukha ng batang babae at ang boses nito kahit sa pag-ingit ay malamyos.


"Bakit mukhang may masakit sa kanya?"
sabi ni Amon ng mabakas ang daing sa boses ni Red.


"King, ano kasi...."
udlot na sabi ng tauhan ng lumapit si Amon at tiningnan nito ang inuungot ng natutulog na pamangkin.

"Fuck! Sinong gumawa nito?!" sigaw na pagalit na sabi ni Amon ng makitang namamaga ang paa ng batang babae at alam niyang may pilay iyon dahil kahit madungis ang batang babae hindi maitago ang pamamaga ng parteng paa nito.


"King, nanipa nga po iyan. Malalakas hindi siya tumigil kanina hanggat hindi nasaktan."
sabi ng tauhan na halata ang takot sa matalim na tingin ni Amon.

...............

Green Island Jail

"Iyong baby natin, wala pa rin." umiiyak na sabi ni Hestia kay Aj na kahapon pa tahimik.

"Huh! Okay gusto mong maglaro, maglalaro tayo." sabi ni Aj na ikinatingin ni Hestia sa asawa.

Nakatingin lang si Aj sa labas ng selda kung saan sila nakakuwarto. Sunog na kasi ang gusali para sa pribadong mga kuwarto ng mga mayayamang preso. Ang tanging natira sa kulungan iyon ay mga bilanggong habang buhay ang pagkakakulong.

Unti-unti na ngang sinisira ang kulungan para tuluyan ito maipasara sa kagustuhan na rin gobyerno pero dahil iyon ang kuta ng Mafia sa bansa kaya hindi iyon mabitawan ni Aj at inilalaban ng mga lihim na mga miyembro ng Mafia sa bansa.

"Aj." mahinang humihikbing usal ni Hestia.

"Walang umaamin, ayaw nila akong sundin at mukhang hindi sila natatakot. Dito, sa kuta ko ginagago nila ako." sabi ni Aj na tumalim ang tingin.


"Aj."
umiiyak na sabi ni Hestia dahil mula ng mawala si Red hindi pa umiinom ng gamot si AJ.

"Okay, maglalaro tayo." sabi ni Aj saka ito tumayo.


"Saan ka pupunta?"
sabi ni Hestia kay Aj na ikinatingin ni Aj dito.

"Dito ka lang, hindi ka nila magagalaw." sabi ni Aj na napatitig sa mukha ng asawa. Ilang sandali pa ng mapatiim ng bagang ito saka ito sumigaw ng makita ang mukha ng anak sa mukha ni Hestia

"Oh fuck! Sa teritoryo ko nawala ang anak ko!" sigaw ni Aj na ikinagulat ng mga preso sa ibang kulungan.

Napapikit si Hestia sa takot.

"Don, nakita na ang pulis na naglabas sa mga bata." sabi ni Tattoos na tanging nakakalapit na preso kay AJ.

Napatitig si Tattoos kay Aj, mukha itong sinasapian na ngayon lang uli niya nakita ang ganoong ugali nito.

"Okay, pupuntahan ko." sabi ni Aj ng biglang hawakan ni Hestia ang braso niya.


"Aj, huwag mong patayin. Kausapin mo lang baka kailangan lang ng pera kaya niya nagawa."
sabi ni Hestia na umiiyak na ikinatingin ni Aj sa mukha ng asawa.


"Oo, hindi ko papatayin."
nakangiting sabi ni Aj na ikinalunok ni Hestia.

Hinawakan ni Aj ang kamay ni Hestia at inalis iyon sa braso nito ang pagkakahawak.

"Huwag kang gagawa ng ayaw ng anak mo. Pagmamasdan ka niya kung paano ka kumilos. Bilang ama niya, ikaw ang siyang gagawa ng imahe kung paano siya mamumuno." mahinang sabi ni Hestia ng tanggalin ni Aj ang kamay niya sa braso nito.

"Alam ko." sabi ni Aj saka nito niyakap si Hestia na ikinaiyak lalo ni Hestia.

.................

Isla Verde

"Malapit ng matapos Sir." sabi ng engineer kay Jamal ng bisitahin ng huli ang bahay na pinapagawa nito.

Napangiti si Jamal ng makita ang labas ng bahay, wala naman pinagbago bukod siyempre sa renovation na inayos lamang ang mga parteng sira.

"Okay, pero mga kailan kaya ang turnover?" sabi ni Jamal.


"Siguro Sir mga this week puwede na, ipapa-double check ko na lang ang ibang detalye sa loob para pulido po ang gawa kapag nakalipat kayo."
sabi ng engineer.


"Okay."
sabi ni Jamal na nakaramdam ng excitement.

"May ipapagawa pa po kayo?" sabi ng engineer na ikinangiti ni Jamal.


"After nito, gusto ko gumawa ng plano tungkol sa nasunog na farm. Balak ko kasi patayuan ng condominium na swak sa lugar, hindi ganoon karangya pero hindi naman cheap tingnan."
sabi ni Jamal.


"Ahmmm okay Sir. Gusto niyo po ba kumuha ng architect, at ibang tauhan?"
sabi ng engineer.

"Sana. Pero gusto ko muna malaman ang estimated na magagastos kasama ng labor, plano, at construction." sabi ni Jamal.


"Okay po ipapa-quote ko po. At kapag natapos ang quotation agad kong ibibigay sa inyo."
sabi ng engineer.

"Okay." sabi ni Jamal na natuwa habang pinagmamasdan ang dream house niya para kay Katara.

...............

Valiente Empire, El Paradiso

"Anong sabi mo?" kunot noo na sabi ni Orion.

"Mula sa loob ng Green Island Jail, may nakapagsabi po Sir na nawawala ang apo niyong si Red." sabi ng Agent na inutusan ni Orion kamakailan o kausap nito.

"Sa loob talaga nawala?" sabi ni Autumn na nagtataka

Nasa Emperio ang pamilya ni Orion dahil paalis ang mga ito dapat ng bansa ng bumisita ang Secret Agent at nagbigay ng report kaya naantala na naman ang paglipad nila sa NYC.

"Yes, Sir Autumn. Nasa loob din ngayon ang anak niyo at ang asawa nito para alamin kung sino ang naglabas ng bata." sabi ng Agent.


"Kumuha ka ng mga tauhan at hanapin niyo si Red."
sabi ni Orion sa agent na agad na tumalima.

Napatingin naman si Ellie kay Orion na ngayon ay nakatingin kay Autumn na tahimik na rin.

................

Green Island Jail

"Don, nasa palasyo!" sigaw ng pulis habang nasa mainit na lugar ito kasabay ng pagtutunaw ng mga tauhan ni Aj sa gintong nasa mainit na machine.

"Gusto mo ng pera? Bibigyan kita, sana sa akin ka na lang humingi. Hindi ako madamot." sabi ni Aj sabay kuha ng bakal kung saan pinapalambot nito ang gold bar na ikinalunok ng pulis.

"Don, inutusan lang ako ang sabi kasi hihiramin lang ng tiyuhin." sabi ng pulis na ikinangisi ni AJ.

"Gago! Sinong niloloko mo? Ako? Tarantado!" sigaw ni Aj saka nito inilagay ang bakal sa mukha ng lalaki na ikinaiwas ng tingin ng mga preso at ibang pulis na naroroon.

.............

May 2, 2023 4.38pm

Fifth Street

.............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top