Kabanata 22 : Kapalit ng Pagtulong

Kabanata 22 : Kapalit ng Pagtulong

Canmore Palace

Kinabukasan


"King." sabi ng tauhan ni Amon ng bumungad ito sa opisina niya.

"Kamusta ang pinapagawa ko sayo?" sabi ni Amon sa tauhan.


"May masamang balita."
sabi ng tauhan.

"Ano iyon?" sabi ni Amon.

"Kasal na ang dalawa." sabi ng tauhan na ikinakunot noo ni Amon.

"Anong sabi mo?" sabi ni Amon na di makapaniwala.

"Si Maam Katara at si Ministro Jamal, kasal na po at rehistrado na ito kaninang umaga kasabay ng mabilis na paglipat ng mga biniling ari-arian ni Ministro sa bansa natin. At isa pa may prenuptial agreement ang dalawa." sabi ng tauhan na ikinatiim ng bagang ni Amon.

"Sinong nagkasal sa kanila?" sabi ni Amon.

"Ang dummy, ang abogado na naging dummy sa lahat ng ari-arian na binili ni Ministro Jamal." sabi ng tauahn.


"Sinong nakapirma na testigo nila sa kasal?"
nagpipigil sa galit na sabi ni Amon

Napalunok ang tauhan sa nakikitang galit sa mukha ni Amom.

"Sino!???" malakas na sabi ni Amon sa pagalit na tono.

"Si AJ Valiente at ang asawa niyang si Hestia." sabi ng tauhan na ikinatiim ng bagang ni Amon.

"Ganoon ba?" sabi ni Amon.

"Opo King Amon." sabi ng tauhan.

Hindi umimik si Amon na halatang nag-iisip ito na ikinakaba ng tauhan sa ikinikilos ng hari.


Nasa ganoong tagpo ang dalawa ng magambala ang mga ito ng isang tinig,

"Papasok ako, dahil may passes ako." mataray na sabi ng babae habang pinipigilan ito ng mga guwradiyang hindi naman ito maunawaan.


Napatingin naman si Amon at ang tauhan sa babae.

"Tsss! Bakit ka nandito? Pasalamat ka hindi ka nila binaril." sabi ni Amon ng makita si Eye.

"Bakit naman nila ako babarilin?" sabi ni Eye.

"Dahil bawal ka na dito." sabi ni Amon.

"Huh! Amon, kailangan mo pa rin ako dahil ako ang mata mo." sabi ni Eye na ikinakunot noo ni Amon.

Piniksi ni Eye ang mga kamay ng guwardiya na nakahawak sa kanya saka ito lumapit kay Amon.

"Panoorin mo ang tape as live ng kasal ng ex-wife mo." sabi ni Eye sabay kuha ng ipad nito saka iyon inabot kay Amon.

Napatingin si Amon sa ipad ni Eye, kung saan nasa page ito ng HBN Station.

"Pinamudmud ng E-Photography Studio ang isa sa pinagmamalaki nilang kuha at ito ay nakalagay na at may ilang milyon ng likes at views sa page nila." sabi ni Eye.

Hindi kinuha ni Amon ang Ipad kaya lumapit si Eye saka ito muling nagsalita.


"Siyempre hindi ako magpapatalo kay Elis, kaya naman sa sarili kong page gumawa ako ng mas magandang cover."
sabi ni Eye na ikinatalim ng mata ni Amon sa reporter na gahaman.

"Huh! Hindi ako natatakot makulong kasi marami naman kaming gumagawa ng tulad nito." sabi ni Eye sabay pindot sa play button.

Napatingin si Amon sa Ipad at mula doon napapanood niya ang video coverage ng kasal nila Jamal at Katara.

"Ang lokasyon sa Green Island, sa Hacienda ni Margareth at ng asawa nito na Professor dati ni Aj. At in fairness maganda ang pagkakakuha ng mag-asawang Hades at..." napaikot na mata na sabi ni Eye.

"...Elis. Marunong sila mag-edit, at mukhang nag-aral ng photography at video covering. Napaka-solemn ng dating ng kasal nila, wala kang ibang makikitang tao kundi si Jamal at si Katara. Ang first ever wedding video na walang bisita at nakatuon ang lahat ng.... ano bang tawag doon subject ahhmm whatever...

....ay sa mag-asawa. Ito ang pinag-uusapan sa bansa ngayon." sabi ni Eye habang nakatutok si Amon sa video mula sa paglalakad ni Elis sa aisle.

"Iyong boses kay Burn." mahinang sabi ni Amon na napangisi ng makilala ang boses ng kumakanta.

"Malay ko, hindi naman kasi pinakita kung sino ang kumakanta kahit nga ang nagkasal sa dalawa blurr ang mukha pero nakuha nila Elis pagandahin ang pagkaka-edit." sabi ni Eye.

Napangisi si Amon ng may mapansin sa video.

"Okay, may dalawang bata." sabi ni Amon na ikinatitig ni Eye sa video.

Mabilis lamang dumaan ang camera sa dalawang bata kaya hindi ito halata tila nga mga anghel lang ang paraan ng pagkakakuha ng kumuha ng video sa mga ito.

"Okay, may talent." napangising sabi ni Amon ng makita sa baba ng video ang maliit na initials.

"V: HV , P : EV

Tsss! Okay, so hindi lang sila Aj at Hestia ang nasa event." sabi ni Amon matapos basahin ang initials na alam niyang sila Hades at Elis Valiente.

"Malamang kasi may kumukuha ng video at nag-pipicture sa kanila." sabi ni Eye.

Napatiim ng bagang si Amon ng nasa parte na ang video ng nakasakay sila Katara at Jamal sa kabayo. Habang ang isang kamay ni Jamal ay nakahawak sa baywang ni Katara at ang isang kamay ay sa tali ng kabayo nakahawak.

Ang mga kamay ni Katara ay nakayakap isang kamay ni Jamal na nakayakap sa baywang nito.

Ang senaryo ay magandang nakuhanan. Nang may napansin si Amon.

"May mga kasama sila nakasakay sa kabayo." sabi ni Amon na ikinatitig ni Eye.

"Iyan din ang pinag-uusapan sa socmed, kasi magada rin ang pagkakakuha ng video parang mga diwata lang iyong dalawang kabayo na may sakay sa likuran kasi walang mukha. Ang kinaganda pa nito hindi pangit ang dating ni wala kang makikitang bad comments sa comsec." sabi ni Eye.

Napangisi si Amon sabay napapikit na ikinatingin ni Eye dito.

"Okay ka lang? Huwag mo akong upakan at papatayin dahil marami pa akong pangarap." sabi ni Eye na ikinangisi lamang uli ni Amon.

"May camera sa unahan, kung kasama ni Aj ang mga bata malamang sila ni Hestia ang nasa unahan nila Katara at Jamal.

Nakasakay sila sa karwahe." sabi ni Amon habang ini-imagine ang mga naganap sa event at kung paano kinuhanan ang mga video at larawan na nakakabuweset sa paningin niya.

"Wow! May ganoon pa pala. Ayos ha! Feeling King and Queen. Alam mo iyong sa Cedie at Princess Sarah na palabas? Naks naman! Dugong bughaw ang mga peg." sabi ni Eye na ikinadilat ng mata ni Amon.

Nagulat naman si Eye sa pagdilat ni Amon sa matalim na tingin nito.

"Uyyy! Joke lang." sabi ni Eye sabay tingin sa video pero muling umusal ang madaldal na reporter.

"True love, iyon ang title na ibinigay ng netizen sa palarong ginawa ng E-Photography na pag-aari ni Elis. Ang babaeng iyon, simpleng buhay ang gusto pero napaka epal talaga." sabi ni Eye na napangisi.

Napangisi si Amon ng makita ang inggit sa mukha ni Eye habang nakatutok ang babae sa video na maganda naman talaga ang pagkakagawa at pagkakakuha kahit saang anggulo.

"Out of the Blue iyon ang kanta sa kasal nila, napakinggan mo ba ang lyrics?" sabi ni Eye na ikinatingin ni Amon sa Ipad kung saan patuloy na pinapalabas ang video ng kasal ni Katara at ang background music ang boses ni Burn na kumakanta.

Nang hindi umimik si Amon muling umusal si Eye.

"Nakalimutan ka na niya." sabi ni Eye na saktong nasa bahaging nasa kabayo si Jamal at Katara at hinalikan ni Jamal si Katara na ikinatiim ng bagang ni Amon.

".....mukhang ang pangarap ng ex mo ay nakamit na niya. Sad reality pero sa iba napakasaya." sabi ni Eye na ikinatalim ng mata ni Amon ng hawakan ni Katara ang mukha ni Jamal at masuyo itong halikan.

Napatingin si Eye sa screen ng Ipad saka napahingang malalim.

"Dapat maging masaya ka na, kasi masaya na ang taong mahal mo. At siguro masaya na rin siya kung nasaan ka.

Kasi sa mga nababasa ko sa comsec karamihan ang sinasabi, na ang video na ito na ginawa ng E-Photography Studio ay nagpapakita na ang pagmamahal hindi mo kailangan ng maraming tauhan kasi sa pagmamahal dalawa lang ang tauhan.

Si Jamal at si Katara.

At iyon ang kabuuan na ipinapakita ng video, dalawa lang sila." sabi ni Eye.

"Tingnan natin kung pagmamahal nga iyan." sabi ni Amon saka nito hinablot ang Ipad ni Eye at binato iyon sa pader na ikinabasag nito.

......................

Hours later

"Hello Papa!" nagmamadaling sabi ni Laurent sa cellphone ng makontak ang numero ng ama-amahan na si AJ.

"Si Mama ito." sabi ni Hestia ng makilala ang boses ni Laurent.

"Mama." sabi ni Laurent.


"Ano iyon anak? May problema ba? Bakit mukhang aligaga ka."
sabi ni Hestia.

"Mama, pakisabi kay Papa iyong farm sa Isla Verde nasusunog." sabi ni Laurent ng araw na iyon saktong nasa Isla Verde para bisitahin si Kale.

Nagulat si Hestia at malakas nitong tinawag si AJ.

"Aj! Bilis!" sigaw ni Hestia habang nasa loob na ng bahay sa hacienda ang mag-asawa.

"Bakit?" sabi ni Aj na nagmamdaling pinuntahan si Hestia.

Kakaalis lang nila Burn at Numa at hinatid pa niya ito makasakay ng chopper samantalang sila Elis at Hades matapos nila kumain kagabi umuwi din ang mga ito. At ngayon umaga nga hindi niya inaasahan na nagawa ng mag-asawa ang video coverage ng kasal nila Katara at Jamal na pinagkakaguluhan sa social media.

"Ang mango farm sa Isla verde nasusunog." sabi ni Hestia na ikinagulat ni Aj.

...................

Isla Verde

"Ahhhh!" sigaw ni Katara ng saktong kauuwi lang nila ni Jamal ng bumungad sa kanila ang malaking apoy sa manggahan na pag-aari ni Jamal.


Hindi naman nakapagsalita si Jamal habang pinagmamasdan ang manggahan na pinakakakitaan niya.

........................

Ground Zero, Isla Verde

"Sino ang may gawa?" galit na sigaw ni Steven sa mga tauhan.

"Sir, wala pong nakakaalam." sabi ng tauhan ni Steven.

"Alamin niyo kung sino?"
sabi ni Steven sabay tingin sa pamilya nito.

"Baka naman aksidente." sabi ni Kloud na ikinatingin ng lahat dito.


"Aksidente? Manggahan iyon, paano magkakasunog? Kung iyong barn lang maniniwala pa ako kaso buong manggahan."
sabi ni Steven.

"Baka iyon ang sagot kasi di ba namumublema sila kung paano patakbuhin ang farm." sabi ni Kloud na ikinakunot noo ni Steven sa son-in-law.

"May kinalaman ka ba?" sabi ni Eric na siyang nagtanong at inunahan ang kaibigan na si Steven ng bumakas din ang pagdududa niya sa anak niya.

"Dad, wala akong alam. Ang sinasabi ko lang baka kapalaran iyon." sabi ni Kloud.

"Anong pag-iisip meron ka? Nandiyan ang anak mo at apo pero bakit ganyan ka magsalita?" sabi ni Steven kay Kloud.

Napatingin si Ciao sa ama ganoon din si Kale sa lolo niyang si Kloud.

"Okay hindi na ako magsasalita pero clear ako, kahit na mag-imbestiga pa kayo." sabi ni Kloud na ikinatitig ng lahat dito

...................

Manggahan, Isla Verde

"Jamal, anomg gagawin natin?" sabi ni Katara na matapos ang saya heto malaking problema agad ang sumalubong sa kanila ni Jamal bilang mag-asawa.

"Hahayaan." sabi ni Jamal.


"Ano? Bakit? Paano tayo?"
sabi ni Katara na napaluha.

"Wala naman namatay, mangga lang naman na natusta at mga puno." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara dito.

"Bakit ganyan ka mag-isip? Hindi ka ba naaawa sa mga taong nawalan ng trabaho?" sabi ni Katara.


"Walang magagawa ang awa."
sabi ni Jamal.


"Anong gagawin natin?"
sabi ni Katara na lalong napaiyak na ikinatiim ng bagang ni Jamal saka nito niyakap ang asawa.

.................

Canmore Palace, Middle East

Kinabukasan

"Tama po ang ulat. Naikasal na po sila at mabilis na narehistro ang mga lupa ni Ministro. Mabilis din nailagay sa pangalan niya.

Isama pa sa ulat na may prenup ang dalawa nagawa ng mga ito maisara ang pag-aari ni Ministro sa sarili nito kahit na dayuhan ito sa bansa. Kinatigan ng korte ang prenup kahit na si Maam Katara ang naging daan para magkaroon ng kayamanan si Ministro sa bansa." sabi ng Secret Agent na kinuha ni Amon.

"Sino ang testigo?" napatiim na bagang na sabi ni Amon.

"Ayon din sa paunang ulat, tama na si Aj Valiente ang testigo at tumayong sponsor ng kasal. Ang lugar ng kasal ay sa Green Island at ang nagkasal ang mismong dummy na abogado. Kaya mabilis ang proseso ng pagliipat ng lahat kay Ministro.

Ayon sa files ang kasal ay rehistrado na, kaya pormal na mag-asawa na si Ministro Jamal Haram at si Miss Katara Roque." sabi ng tauhan na ikinatingin ni Amon dito na napatiim ng bagang.

"Alamin mo kung nasaan ang anak ni AJ." sabi ni Amon.

"Si Red po?" sabi ng tauhan na kinabahan sa naiisip na iutos ni Amon.

"Oo, ang prinsesa na susunod na reyna." nakangising sabi ni Amon.

.............

N.E

"Bakit ang daming bodyguard?" sabi ni Elis kay Hades ng makitang maraming bodyguard na nagkalat sa paligid ng bahay nila.


"Para sure."
sabi ni Hades na napangiti.

"Anong sure?" sabi ni Elis.


"Hindi natin inaasahan na ang video ng kasal nila Katara ay magkakaroon ng views na malaki sa socmed. At nakita mo naman ang karibal mong si Eye ay nakuhang nakawin ang coverage ng kasal. Kaya for sure nakita na ito ni Amon."
sabi ni Hades.


"And so?"
sabi ni Elis.


"Kilala ko si Amon, iba ang utak nun kaya mas mabuti ng unahan ko siya."
sabi ni Hades na ikinatitig ni Elis sa asawa.

..................

Lab, Japan

"Hindi ka ba kinakabahan?" sabi ni Numa.


"Saan?"
sabi ni Burn habang nasa opisina ang dalawa ng huli.

"Sinunog ang farm, at naaalala ko na noong nasunog ang squatter's area sa ikalawang bayan ng El Paradiso sinasabing kagagawan iyon ng grupo ng tatay mo." sabi ni Numa.

"Na puwedeng kagrupo ko rin ang gumawa ng pagsunog sa Mango Farm ni Jamal? Bakit? Dahil kasal na si Jamal sa ex ni Amon na kagrupo namin?" sabi ni Burn


"Oo. Iyon nga."
sabi ni Numa.

"So, kami talaga? Sa grupo namin?" sabi ni Burn.

"Burn, siguro hindi ka kasali kasi sa una pa lang alam kong mula ng makilala mo ako sa akin na ang pokos mo pero ang mga kagrupo mo kakaiba sila." sabi ni Numa.


"Huwag kang matakot, malayo tayo at saka hindi naman tayo lumalabas ng lab. Si Maho naman dito lang nag-aaral sa loob. Secured tayo dito at baka nalilimutan mo. Leader ng Mafia ang kakambal ko kaya 100% hindi tayo magagalaw sa loob ng kaharian niya."
sabi ni Burn na ikinahingang malalim ni Numa.

...............

Days Later

Isla Verde

"Aj." sabi ni Katara ng bumungad si Aj sa maliit na bahay nila ni Jamal.

"Kamusta?" sabi ni Aj sabay tingin sa paligid.

"Hindi okay." sabi ni Katara.

Nasa pintuan lang si AJ at hindi ito pumapasok kaya muling nagsalita si Katara.


"Pumasok ka."
sabi ni Katara pero nagtaka siya ng buksan ni Aj ng malaki ang pintuan at kahit pumasok ito tumayo lang ito ilang hakbang malayo sa pintuan.


"Nasaan si Jamal?"
sabi ni Aj.

"Umalis siya, ilang araw na siyang walang tulog. Iniisip niya ang gagawin sa mga taong nawalan ng hanapbuhay." sabi ni Katara.

Napahingang malalim si Aj ng makita ang lungkot sa mata ni Katara.

"Matagal pa ba siya darating?" sabi ni AJ.

"Hindi ko alam. Kinakausap niya ang mga tauhan kung anong gagawin pero mukhang walang tiwala sa kanya ang iba. Nahihirapan siya AJ, kaya naaawa ako sa kanya. Wala siyang alam sa bansa natin." sabi ni Katara.

"Magpahinga ka muna, makakasama sayo ang sobrang pag-iisip. Nagpapasuso ka pa sa anak mo siguradonag maaapektuhan siya kapag problemado ka." sabi ni Aj.

"Gusto ko man kumalma pero hindi ko magawa. Lahat ng binili ni Jamal parang basura na lang." sabi ni Katara na ikinangiti ni AJ.

"Mahal mo?" sabi ni Aj na ikinatingin ni Katara dito.


"Oo naman mahal ko si Jamal."
sabi ni Katara na ikinangiti pa lalo ni Aj.

"Okay, ganito na lang maging masaya ka para sa kanya." sabi ni Aj.

"Paano ko gagawin? Gusto ko siya tulungan pero wala akong pinag-aralan. Ngayon nagsisisi ako hindi ko pinatos ang sinabi mo, ni Hades o ni Amon na mag-aral ako." sabi ni Katara.


"Wala sa diploma para masagot mo ang problema mo ngayon."
sabi ni AJ.

"Aj, pakiramdam ko ang bobo ko. Lahat na lang ng relasyon na pasukin ko pakiramdam ko pinapahirapan ako." sabi ni Katara.


"Hindi totoo 'yan."
sabi ni AJ.

"Bakit mo nasabi? Kung nakikita mo naman kung anong totoong nagaganap sa akin at sa mga nakakarelasyon ko." sabi ni Katara.


"Ikaw ang nagpapahirap sa sitwasyon mo. Tandaan mo hanggat may kakapitan ka makakasurvive ka. Katulad ng naka-survive ka sa pesteng lugar na iyon kung saan ka kinulong ni Amon. Sa lugar na halos mamatay ka pero nabuhay ka pa rin. Bakit?


Kasi ang iniisip mo iyong anak mo na nasa tiyan mo. Iyon ang kinapitan mo, at ngayon siya at si Jamal ang kakapitan mo para hindi ka bumigay. Problema lang iyan na hindi ka puwede magpatalo. Tandaan mo na ang problema darating at aalis din.

Huwag mong itambay sa buhay mo." sabi ni AJ.

"Sana." sabi ni Katara na ikinangiti ni Aj.

"Magpahinga ka muna, hihintayin ko si Jamal sa labas." sabi ni Aj.

"Bakit hindi na lang dito sa loob?" sabi ni Katara na ikinangiti ni Aj sa kainosentehan ni Katara.


"Kasi babae ka at lalaki ako, ayoko ng gulo lalo na at may problema kayo."
sabi ni Aj saka ito lumabas sa nakabukas na pintuan na ikinangiti ni Katara ng masagot ang tanong niya sa isip kung bakit bukas ang pintuan at sinakto ni Aj na nakikita ito sa labas.

.................

Cave House, El Paradiso

"Kamusta ang farm sa Isla Verde may report na ba kung sino nanunog?" sabi ni Orion sa tauhan.


"Sir, ayon sa ulat mula sa tauhan ng Emperio mula sa palasyo ng Canmore ang apo niyo daw po ang nag-utos."
sabi ng tauhan ni Orion na ikinatingin ni Orion sa asawang si Ellie.

"Sigurado ka sa report na nakuha mo?" tanong ni Ellie.

"Sa tauhan mismo na inutusan ni King Amon nanggaling ang report, sa mismong tauhan na kausap niya." sabi ng tauhan ni Orion na ikinatingin ni Ellie kay Orion.

"Anong gagawin natin?" sabi ni Ellie kay Orion.

"Sir, Maam ayon pa sa report na nakuha ko iyong reporter na si Eye Hamilton madalas sa palasyo ng hari. At siya mismo ang nagpakita ng Wedding coverage ng ex wife ng apo niyo at ng ministro. Nakalagay din sa report na mukhang ginigisa ng HBN sa socmed ang E-Photography Studio na pagmamay-ari ni Maam Elis." sabi pa ng tauhan.

Napaisip si Orion sa sinabi ng tauhan niya at ilang sandali lang muli ito nagsalita

"Si Burn kamusta?" sabi ni Orion sa tauhan.


"Sir, hindi naman po lumalabas ng Lab ang apo niyo at ang pamilya nito. Ayon sa S.A na nasa Japan mahirap makapasok sa loob ng factory at Lab tulad ng dati kaya mukhang okay naman sila doon."
sabi ng tauhan.

"Bantayan mo ang mga taong nasa wedding ni Katara kasama ng abogado na nagkasal sa kanila." sabi ni Orion sa tauhan.


"Sir, iyong abogado nag-migrate na sa ibang bansa kasama ng pamilya niya at si Sir Aj daw ang tumulong para makaalis ito ng bansa."
sabi ng tauhan na ikinangisi ni Orion.

"Nasaan ang pamilya ni AJ?" sabi ni Orion.

"Wala pong nakakaalam, pero ang huling lugar na pinuntahan nila ay ang hacienda ng Professor niya kung saan ginawa ng kasal ng dalawa." sabi ng Tauhan.


"Bantayan niyo ang hacienda pati ang pamilya ng Professor."
sabi ni Orion.

"Okay po sir." sabi ng tauhan.

................

Isla Verde

Hours later

"Nabisita ka?" sabi ni Jamal na sa malayo pa lang nakita na niya si Aj na dumating kaso hindi siya nagpakita dito.

Nakita ni Jamal na pumasok sa loob ng bahay si Aj pero agad na lumabas ng bahay nila ni Katara at kung susumahin kanina pa niya pinagmamasdan ito kung muli ito papasok sa loob pero hindi na ginawa ni. Aj.

"Nangangamusta. Kamusta?" sabi ni Aj habang pinagmamasdan ang arabong asawa ni Katara.

"Ito okay naman." sabi ni Jamal na ikinatitig ni Aj kay Jamal.

"Kailangan ko bang problemahin ang sitwasyon na hindi na maibabalik pa?" sabi ni Jamal.

"Hindi naman." sabi ni Aj na ikinangiti ni Jamal.


"Sa pagmamasid ko sa farm sigurado akong sinadya ang sunog na alam kong alam mo pero ayoko ng magtanong sayo o umasa sa imbestigasyon ng gobyerno niyo."
sabi ni Jamal.


"Nag-aalala si Katara, kinakausap mo ba siya?"
sabi ni Aj.

"Oo, pero iniiwasan kong ma-stress siya kaya ang tungkol sa farm ay hindi ko kinukuwento sa kanya." sabi ni Jamal.


"Hindi ba dapat ikuwento mo? Kasi tingin ko lalo siya nag-aalala. Ang sabi niya kanina problemado ka na tingin ko naman ngayon na nakikita kita, malayo sa sinasabi at iniisip niya.

Pero Jamal, hindi mo maaalis sa babae na mag-alala at the more na umiiwas ka pag-usapan dahil tingin mo magiging stress sa kanya the more na iisipin ng asawa mo na sinasarili mo ang problema na dapat dalawa kayong lulutas bilang mag-asawa." sabi ni Aj na ikinangisi ni Jamal.


"Alam mo, sa ilang taon na nakasama ko si Amon ngayon ako parang naniniwala kay Katara na magkaibang-magkaiba nga kayo ni Amon kahit na magkamukha kayo.

Alam mo iyong time na kapag nakikita kita si Amon ang nakikita ko na naiinis ako, dahil siguro mahal ko talaga si Katara at nagseselos ako. Pero kapag nagsasalita ka na, hindi na si Amon ang nakikita ko kahit magkapareho kayo ng mukha." sabi ni Jamal.


"Maraming nagsasabi ng sinasabi mo kaya hindi ako magtataka. Pero ang akin lang, gusto ko maging masaya si Katara at sa una binalak ko na bigyan lang ng leksyon si Amon pero noong napanood ko iyong wedding footage niyo na ginawa nila Hades at Elis, isa ako sa naniniwala na may love nga. Pero sana ang pagmamahal mo kay Katara ay pagsali sa kanya sa kung anong kinakaharap mo ngayon."
sabi ni Aj na ikinangisi ni Jamal.

"Huwag kang mag-alala, ang nasunog na farm ay balak kong pagtayuan ng condo." sabi ni Jamal na ikinakunot noo ni Aj at ikinangiti ni Jamal.


"Ang Tres islas ay sinsabing mayabong na probinsya sa Pinas pero nakikita ko kulang pa rin ito tulad ng mausbong na kamaynilaan kaya naman naisip ko ilagay ang isang condominium sa isang magandang isla. Isang hi tech na bahay sa lugar na simple."
sabi ni Jamal.

"Nice. Magaling ka nga." sabi ni AJ.

"Hindi naman ako magiging ministro kung hindi ako magaling mag-isip." sabi ni Jamal na may pagmamalaki.


"So, mukhang hindi mo kailangan ang tulong ko at tingin ko kaya mong protektahan si Katara."
sabi ni Aj.

"Kaya kong protektahan ang asawa ko kahit wala ako sa bansa ko. Ang totoo, malapit na magawa ang dream house ko para sa kanya. At iyon ang unang regalo ko sa kanya." sabi ni Jamal.


"Dream House? Iyon ba ang antigong bahay na nabili mo?"
sabi ni AJ.

"Oo, pinarenovate ko siya sa paraan na magugustuhan ni Katara. Simple pero may class tulad niya." nakangiting sabi ni Jamal na ikinangiti ni Aj.

"Masaya ako, siguro nga bagay kayo at siguro nga kayo ang nararapat sa isa't isa." sabi ni Aj.

"Salamat sa tulong mo... ninyo nila Hades at Burn. Hindi ko man naibigay ang kasal na gusto para kay Katara pero binigay niyo ang kasal na para sa amin. Ang totoo natuwa ako sa kasal, sa video, sa first date namin ni Katara sa mismong wedding namin, sa lugar, sa napaka-solemn na event at marami pang iba."sabi ni Jamal.

"Wala iyon, para kay Katara deserved niya ang kaligayahan." sabi ni Aj.

"Tama, deserved niya kaya hindi ko siya pakakawalan kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya kahit kay kamatayan. Sisiguraduhin ko walang makakakuha sa kanya mula sa akin. Agawin man ako ng kabilang buhay, hindi ko ibibigay si Katara." sabi ni Jamal na ikinatitig ni AJ kay Jamal.

"Delikado." sabi ni Aj sa isip habang nakatitig kay Jamal.

....................

One Month Later

"Si Strawberry nakita mo ba?" sabi ni Hestia ng magising si Aj mula sa pagkakatulog nito.

Napatingin lamang si Aj kay Hestia na halatang wala pa si AJ sa huwisyo.

"AJ, si Strawberry nawawala." sabi ni Hestia na napaiyak na ikinakunot noo ni Aj.

...................


Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top