Kabanata 20 : Ang Testigo at Ang Kasal
Kabanata 20 : Ang Testigo at Ang Kasal
Isla Verde
"Aj!" masayang sigaw ni Katara ng makita si Aj kasama si Hestia at si Strawberry.
Napatingin si Jamal at Hestia kay Katara ng payakap nitong salubungin si AJ.
"Handa na kayo?" nakangiting sabi ni Aj ng kabababa lang ni Katara ng kotse hindi na nito nakuhang isara ang pintuan ng kotse ng salubungin siya ng yakap.
"Oo." sabi ni Katara.
"Nasaan si Neeya?" sabi ni Aj na ginaya ang tawag ni Jamal sa anak ni Katara na si Amonia.
"Ay oo nga pala." masayang sabi ni Katara sabay lingon nito pero sa paglingon ni Katara masamang nakatingin si kanya si Jamal buhat ang anak niya at ang bag na malaki na nagawa ni Jamal buhatin ng sabay sa magkabilaang kamay nito.
"Siya ba?" sabi ni Jamal kay Katara habang nakatitig ito ng masama kay Aj.
"Oo, tinulungan niya ako. Ang akala ko tatanggi siya pero hindi kasi pagkasabi ko agad siyang umoo. Ang bait niya 'no?" masayang sabi ni Katara.
"Hindi mo rin sigurado." nakangising sabi ni Jamal.
"Ikaw talaga." sabi ni Katara.
Pagkalapit ni Jamal agad naman na nagasalita si Hestia.
"Magandang gabi, Ministro." nakangiting sabi ni Hestia na iknatingin ni Jamal sa babae.
"Magandang gabi rin." sabi ni Jamal.
"Sumakay na tayo." sabi ni Aj pero akmang tatalikod ito ng magsalita si Strawberry.
"Ministro Jamal, wala bang shake hands at pagbati sa Papa ko?" sabi ni Strawberry na ikinanlaki ng mga mata nila Katara at Hestia.
Napatingin naman si Jamal sa batang babae.
"Bumati na ako." sabi ni Jamal.
"Si Mama ang bumati sayo na binati mo rin, pero kay Papa hindi mo siya binati kahit na friends sila ni tita Katara. Bakit ganoon? Siguro nakikita mo si Tito Amon sa kanya 'no?" sabi ni Strawberry.
"Hindi naman." sabi ni Jamal sa batang madaldal pero nakakatuwa ang mukha nitong napakaganda.
"Kung ganoon magbatian din kayo, tapos po shake hands kung hindi nga si Tito Amon ang nakikita mo. At saka malayo talaga si Papa kay Tito, kasi si tito laging nakakunot noo si Papa ko, nakangiti iyan lagi." sabi ni Strawberry na halatang proud ito kay Aj.
"Okay." sabi ni Jamal.
"Hindi na." biglang sabi ni Aj.
"Bakit naman po Papa?" sabi ni Strawberry na ikinangiti ni Aj sa anak.
"Dahil ang pagbati ay kusang loob at hindi mo kailangan ituro sa alam mong matanda na. Ang pagbati ay kailangan ng kababaang loob na hindi mo rin puwede ipilit sa tao na gawin iyon, dahil magkakasala siya." sabi ni Aj na ikinatango ni Strawberry
"Okay po." sabi ni Strawberry saka nito niyakap si Aj na ikinangiti ni Aj.
"Okay lang makisali sa usapan pero bata ka pa na kailangan makikinig ka lang muna." sabi ni Aj.
"Sorry Papa." sabi ni Strawberry saka ito tumingin kay Jamal habang yakap ni Strawberry si Aj.
"Sorry Ministro Jamal, hindi na kita pipilitin." sabi ni Strawberry saka ito humilig sa balikat ni Aj habang karga ito ng ama nito.
"Sumakay na tayo." sabi ni Aj saka nito hinawakan sa kamay si Hestia na ikinatingin ni Jamal kay Aj.
"Maalaga siya sa mag-ina niya, nakakainggit pero dati iyon kasi nandiyan ka na." bulong ni Katara kay Jamal habang pinagmamasdan nila si Aj.
"Maalaga? Tsss! Pero nakuha ka niyang nobyahin kahit may asawa na siya." sabi ni Jamal sa mahinang tono.
"Alam naman ni Hestia iyon." mahinang sabi ni Katara.
"Ginamit ka nila at nagpagamit ka naman." sabi ni Jamal habang nagbubulungan ang dalawa.
"Mababait sila, kaya huwag mong bigyan ng kasamaan sa isip mo ang isang tao lalo na at sila ang tumutulong sa atin." sabi ni Katara
"Hindi ka ba nagtataka na baka ginagawa nila ito kasi may hihingiin silang kabayaran." sabi ni Jamal.
"Hindi ko pagtatakhan ang mga taong nasa tabi ko habang umiiyak ako. Silang mag-asawa ang tumulong sa akin sa panahon na iniwan ako ni Hades sa altar. Sa panahon na pinagtatawanan ako ng lahat at sa panahon na naiisip ko na may mali talaga sa akin." sabi ni Katara.
"Kagrupo nila si Amon, o baka naman kaya ka nagtitiwala dahil iniisip mo pa rin na magbabago si Amon o puwedeng iniisip mo si Aj ay si Amon." sabi ni Jamal habang nag-uusap sa mahinang tono ang dalawa.
"Huwag kang magselos sa akin." sabi ni Aj na kahit nagbubulungan ang dalawa naririnig niya ang mga ito dahil tumataas ang boses ng bawat isa sa damdamin na kinikimkim ng mga ito.
Napatingin sila Jamal at Katara kay Aj na nasa baba pa rin ng chopper habang ang mag-ina nito ay nakasakay na.
"Huwag kayo mag-away sa mga dahilan na ginagawa niyo lang palalain. Kapag hindi kayo tumigil maraming matutuwa. Kaya kung ako sa inyo, magpokos kayo sa bawat sarili niyo hindi sa mga taong sinasabit niyo para tuluyan kayo mag-away." sabi ni Aj.
"Hindi kami nag-aaway." sabi ni Katara
"Mabuti naman. Sumakay na kayo, kasi any moment hahanapin kayo ng tauhan ng kung sinuman." sabi ni Aj.
"Bakit mo kami tinutulungan?" hindi nakatiis na tanong ni Jamal.
Napatingin si Aj kay Jamal saka ito napangiti.
"Kasi tinulungan din ako ni Katara, kaya niyang itaya ang buhay niya ng pumasok siya sa palasyo. Kaya naman bilang ganti at utang na loob kaya ko rin itaya ang buhay ko para sa kanya." sabi ni Aj na ikinatingin ni Hestia kay AJ.
"Sinasabi mo iyan sa harap ng asawa mo. Hindi ka ba natatakot na baka magselos siya?" sabi ni Jamal.
"Hindi magseselos ang isang tao kung kilala niya ang taong mahal niya." sabi ni AJ.
"Sabagay, tanggap nga niya na ninobya mo si Katara kahit asawa mo na siya at may anak na kayo." sabi ni Jamal na hindi naitago ang panunuya.
"Jamal." awat ni Katara.
"Hayaan mo siya Katara, ang ginagawa niya ay pagseselos na karaniwan naman sa isang lalaki na nagmamahal sa nobya nito. Kahit ako ganoon ako kay Hestia pero sabi ko nga kung kilala niyo ang isa't isa ang selos ay matutunaw kapalit ng mas matibay na tiwala." sabi ni Aj.
"Ang galing mo nga magpaikot na kahit asawa mo napapaikot mo." sabi ni Jamal.
"Jamal, ano ba? Siya ang tumutulong sa atin kaya tama na." sabi ni Katara.
"Imposible na wala siyang hihilingin tulad ng mga kagrupo niya." sabi ni Jamal.
"Jamal, huwag mong husgahan ang asawa ko dahil higit na may karapatan ako. Isama pa na wala ka rin karapatan na sabihin ang mga ganyang bagay sa kanya kung wala ka naman alam. Isa kang tagahukom, ministro sa palasyo pero mukhang nawawala ka sa katayuan mo." sabi ni Hestia ng hindi makapigil sa pag-uusig ni Jamal kay AJ.
"Sorry. Hestia ako na humihingi ng paumanhin." sabi ni Katara pero hindi nagpapigil si Hestia.
"Mahal mo ba si katara? Ikaw naman uusigin ko, bakit ang dali magbago ng isip mo ng ipain sayo si Peso? Bakit ka sumiksik sa bansa namin kung alam mong wala na ang hinahabol mong espiya.
Ngayon ikaw naman ang sumagot, bakit sa dami ng babae sa bansa namin kay Katara na may anak ka pa sumama? Sa ex-wife ng hari, at sa espiya ng palasyo?" sabi ni Hestia habang nakatitig lang si Aj kay Jamal.
"Kailangan ko ba sagutin? O patunayan na mahal ko si Katara?" sabi ni Jamal.
"Hindi mo naman kailangan patunayan pero kung mahal mo siya, huwag mong hayaan na mag-isip siya ng masama sayo na siya mong ginagawa sa akin para sa asawa ko." sabi ni Hestia na ikinangiti ng lihim ni Aj sa sagot ni Hestia.
Natahimik naman si Jamal sa sinabi ni Hestia na ikinatingin ni Katara dito.
"Tama na. Ayoko ng gulo." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.
"Tutulungan namin kayo ng asawa ko kahit alam kong nanganganib siya o kahit ako lalo na ang anak namin. Kaya sana naman unting respeto lang sa asawa ko." sabi ni Hestia na ikinatingin uli ni Jamal dito.
"Sorry, your highness." sabi ni Jamal na ikinangisi ni Aj ng lihim ng yumuko pa ang ulo ni Jamal na ikinasunod ni Katara.
....................
Isla Verde
"Wala pong tao diyan." sabi ng isang matandang babae kay Ciao na kanina pa kumakatok at sumisigaw sa bahay na tinitirhan nila Jamal at Katara.
"Ahhhmm. Saan po kaya pumunta?" sabi ni Ciao sabay tingin sa oras kung saan magkagabi na.
"Hindi ko alam. Kasi umalis si Jamal ng umaga at pumunta ng farm tapos si Katara umalis kasama ng anak niya, may dalang bag kaninang tanghali naman." sabi ng matandang babae.
"Ahmm! Okay salamat po." sabi ni Ciao.
"Okay." sabi ng matandang babae saka muling pumasok sa loob ng bahay.
Napatingin si Ciao sa paligid, tipikal na probinsyia ang mga kabahayan, malalayo naman ang kinatatayuan ng bahay ng bawat isa pero simple lang iyon kumpara sa bahay nila.
"Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon?" sabi ni Ciao. Napahingang malalim si Ciao nakarating kasi sa kanya mula kay Wine na hindi na tinatanggap ang mga mangga na binabagsak sa factory ng mango farm galing sa isla Verde kaya balak niyang kamustahin ang nagaganap ngayon sa farm ni Jamal na kung tutuusin maliit lamang ang nabili nitong Mango Farm sa lugar nila.
....................
Hours Later
Green Island
"Tumuloy na kayo." sabi ni Hestia kay Jamal at Katara.
Pinagmasdan ng dalawa ang lugar, isa iyong hacienda na hindi mo aakalain na nasa ganoong isla kung saan ang islang iyon ay kulungan.
"Kay Margareth ito sa asawa ng Prof. ko noong college." sabi ni Aj ng makita ang katanungan sa mukha ng dalawa.
"Wala sila ngayon dito, nasa ibang bansa kaya naman sa amin pinagkatiwala ang farm ng magsabi kaming magbabakasyon kami dito ng isang buwan at sakto nga tumawag si Katara kay Aj kaya naman dito mas mainam na gawin ang kasal niyo kasi walang makakahalata." sabi ni Hestia.
"Sigurado bang wala?" sabi ni Katara.
"Oo, kasi alam nila nasa Japan kami ni Aj." sabi ni Hestia.
"May mga nakakakilala sa inyo dito na puwedeng magsabi ng report sa grupo niyo." sabi ni Jamal.
"Huwag kang mag-alala hindi alam nila Papa kung saan talaga ako nakatira, TNT ako, tago ng tago sa paningin nila at saka nakapokos ang mga iyon kay Amon at sa pagbubukas ng casa." sabi ni Aj na napangiti.
"Pinayagan mo?" sabi ni Katara sa huling sinabi ni Aj.
"Ginusto niya iyon, ayoko naman sumalungat kasi nakakastress lang." sabi ni Aj na ikinatawa ni Hestia kaya napatingin ang dalawa sa mag-asawa.
"Hahaha! Kapag na-stress iyan malala iyan kay Amon, nauna iyang mabaliw di ba?" birong natawang sabi ni Hestia na ikinatawa ni Aj.
"Hahaha! Kasal nila kaya ayoko ipaalala si Amon baka makasira ako at pugutan ako ng ulo sa harap mo." birong natawang sabi ni Aj.
"Okay. Doon tayo sa bahaging likuran ng hacienda." sabi ani Hestia na bumukas ang saya.
"Okay." sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal.
"Pero sandali." sabi ni Hestia sabay kuha ng bag nito na dala.
"Bakit?" sabi ni Katara
"Tsss! Siympre kasal mo nakasimple dress ka lang. Kailangan naka suot ka ng white dress. At si J amal barong may dala ako okay na ito." sabi ni Hestia sabay kuha ng dress sa loob ng bag na dala nito at barong.
"Sa likuran na kayo ng puno magbihis, hihintayin namin kayo sa bandang punong iyon." sabi ni Aj sabay turo sa puno na paghihinatayan nila ni Hestia.
"Amin na muna si Neeya para laruin ni Red kanina pa kasi ito naiinip." sabi ni Hestia sabay kuha sa sanggol na ikinatingin ni Katara ng may pagdududa dito.
"Hahaha! Hindi namin kukunin, magagalit si Red. Bawal magnakaw." sabi ni Aj na natawa sabay tingin sa anak na karga, na nakatingin kay Neeya.
"Okay." sabi ani Katara habang nakatingin kay AJ.
"Hindi siya si Amon." bulong ni Jamal na ikinangisi ni Katara.
"Alam ko dahil malayo. Malayong-malayo." sabi ni Katara sabay kuha ng damit.
.....................
Glass House, Heather Island
"Nasaan si Aj?" sabi ni Malic kay Otto na kauuwi lang ng isla mula sa Manila.
"Hindi ko po alam lolo." sabi ni Otto sabay higa sa sofa.
"Si Shiloh nagpakita na ba?" sabi ni Malic.
"Hindi pa rin." sabi ni Otto.
"Tawagan mo si Aj." sabi ni Malic sabay upo sa kabilang sofa
"Ayoko po." sabi ni Otto.
"Bakit ayaw mo?" sabi ni Malic
"Umuungol iyon kapag sinasagot iyong cellphone niya at nakakainis lolo." sabi ni Otto na ikinatawa ni Malic.
"Bakit umuungol?" sabi ni Malic na natatawa.
"Hindi ko alam kung lagi may kasex iyon. Minsan nga napapanaginipan ko ng pag-ungol niya kaya ayoko ng tawagan si Kuya." sabi ni Otto na ikinatawa ni Malic
"Hahaha! Mag-asawa ka na kasi, mauunahan ka pa ni Uno." sabi ni Malic.
"Si Uno? Hahaha! Lagi naman napupurnada ang kasal ng siraulong iyon." sabi ni Otto.
"Kapag naunahan ka ni Uno mahihirapan ka na maghanap." sabi ni Malic.
"Bakit naman lolo?" sabi ni Otto na napatingin sa lolo nito.
"Kasi na sa kanya ang "Maine" switch mo. Hahaha!" natawang sabi ni Malic.
"Siraulo." sabi ni Otto na hindi napigilan magreact kaya nabato ito ng unan ni Malic
"Sinong siraulo? Gago! Lolo mo ako." birong sigaw na pagalit ni Malic.
Napailing si Otto saka ito dumapa uli sa sofa na ikinangisi ni Malic.
.................
CTTO : Image by Inspired by This
Credited to the rightful owners for representation of place only.
Green Island
"Okay na." sabi ni Katara ng masiyahan sa damit na tila sinukat sa kanya, simple lang ang pagkakayari na nagustuhan niya.
"Okay na rin ako." sabi ni Jamal na first time nakasuot ng polo barong na mukhang hinabi pa sa pinya, pulido ang pagkakagawa at maganda.
"Okay dito tayo." sabi ni Aj na karga na si Neeya, at si Strawberry ay hawak ni Hestia na sabay naglalakad.
Napasunod sila Jamal at Katara ng naglakad ang mag-asawa. At ilang sandali lang ng huminto ang mga ito na ikinatigil nila Jamal at Katara sabay tingin sa paligid.
"Whoah!" magkasabayang sabi nila Jamal at Katara ng makita ang location ng kasal
"Tutal wala kayong ibang bisita kundi tayo-tayo lang kaya ang kasal ay dadaluhan ng mga alaga ni Margareth na madalas namin puntahan ni AJ dito. Farm Wedding ang theme." nakangiting sabi ni Hestia.
Hindi nakapagsalita sila Jamal at Katara dahil mga de kalidad na kabayo ang naroroon, mga aso, mga baka, at iba't ibang hayop sa malaking bahagi ng haciendang iyon.
"Huwag kayo mag-alala dahil madalas kami ni AJ dito kaya alam namin ang gagawin para sumunod sila sa amin. At ang mga aso ay na-train para magpastol ng hindi tupa kundi mga baka, kabayo, kambing at mga manok at pato na de kalidad." sabi ni Hestia.
"Para kakaiba ang wedding niyo, ang mga bisita ay mga hayop na kakatawan sa mga taong dapat naririto." sabi ni AJ.
"Maganda ba? O hindi?" sabi ni Hestia ng hindi makapagsalita sila Jamal at Katara.
Hindi nakaimik sila Katara at Jamal dahil tila sila Adam and Eve sa makabagong panahon sa itsura ng mga hayop.
"Ayaw nila magsalita." sabi ni Hestia na ikinatawa ni Aj.
"Simulan na natin, at ang tatayong abogado ng kasal ay ang dummy na siya rin na magbibigay agad ng mga titulo sa paglipat sa pangalan ni Jamal. Bukas ng umaga ang lahat ay kikilos at bago matapos ang araw ang titulo ay hawak mo." sabi ani Aj kay Jamal na ikinalunok ni Jamal dahil hindi niya iyon inaasahan.
Napangiti naman si Katara dahil hindi niya akalain na magagawa iyon ni AJ.
"Ginamit ko ang posisyon ko bilang Mafia Leader, ang batas sa bansang ito ay mahigpit pero sa tamang proseso at pakikipag-usap sa mga taong sangkot at gagawa ng pagpapatibay ng nararapat ay nakuha ko ang tulong na hinihingi mo." sabi ni Aj na nakatingin kay Katara.
"Salamat." sabi ni Katara.
"Salamat din, kulang pa ito sa kabayaran ng lahat ng hirap mo sa sa palasyo. Sa bawat araw na nakakulong ka ay nakakulong ang utak ko sa mga bangungot kung paano ka ilalabas." sabi ni Aj.
"Bayad ka na." sabi ni Katara na napaluha dahil hindi niya inaasahan ang effort ng mag-asawa sa kasal nila ni Jamal may decoration din kasi ang lugar na kahit simple, maganda iyon sa paningin.
"Hindi ko mababayaran ang hirap mo kahit na anong ibigay ko. Pero sa huli hindi pa rin ako nagsisisi na pinasok kita bilang espiya sa loob ng palasyo." sabi ni AJ na ikinatitig ni Jamal kay Aj habang kausap ni Aj si Katara.
"Salamat, kahit na maraming hindi naniniwala sa akin, nandiyan ka pa rin. Mula ng iwan ako ni Jose ng mamatay ito, makulong si... " udlot na sabi ni Katara ng hindi mabanggit ang nobyo niya na nakulong sa Green Island.
"...ahhmm. Kay Hades na iniwan ako sa altar, tapos kay Amon na wala din nangyari sa relasyon namin pero ikaw nandiyan ka lagi." sabi ni Katara.
"Kasi nandiyan ka rin lagi." nakangiting sabi ni Aj sabay lapit kay Katara habang karga ni Aj si Neeya.
"....gusto ko maging masaya ka. Hindi man tayo pareho ng pinagdadaanan ramdam ko kung paano mabigo at mawalan dahil kay Camora. At dahil doon gusto ko rin makahanap ka ng taong papalit para mapunuan ang pagmamahal na handa mong ialay." sabi ni AJ.
"Ang bait mo, sana hindi ka magbago."sabi ni Katara sabay yakap kay Aj na ikinangiti ni Aj.
"Magbabago lang ang tao kung kinakailangan. At sa pagbabagong iyon may matutunan tayo at iyon ang mahalaga." sabi ni Aj.
.................
April 30. 2023 9.40pm
Fifth Street
Good night
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top