Kabanata 19 : Selos ng Ministro
Kabanata 19 : Selos ng Ministro
Canmore Palace, Middle East
"King, mukhang iniipit ng grupo niyo si Ministro Jamal." sabi ng tauhan ni Amon ng magreport ito ng araw na iyon.
"Paanong iniipit?" tanong ni Amon, kung saan nakaupo ito sa paboritong lugar sa garden ng Canmore Palace habang pinagmamasdan ang mga Prinsipe na masayang naghuhuntahan.
"Isinarado ng Mango Factory ang deal nito sa Mango Farm ng Isla Verde na hawak ngayon ni Ministro." sabi ng tauhan na ikinangiti ni Amon.
"Ang mga mangga, na naani kamakailan ay nabubulok na." sabi pa ng tauhan na ikinangisi ni Amon.
"Iyong bahay na pinapagawa? Anong status?" sabi ni Amon.
"Deretso lang po o continuos ang pagpapagawa at ayon sa nakalap kong impormasyon matatapos na ito bago ang kasal ni Ministro sa ex-wife niyo dahil iyon ang target plan ng mga engineer na gumagawa ng bahay." sabi ng tauhan na ikinatingin ng matalim ni Amon sa tawag ng tauhan kay Katara.
"Ahhhh. Kay Maam Katara po." napakambiyong sabi ng tauhan ng matalim siyang tingnan ni Amon.
"Ituloy mo ang ulat."s eryosong sabi ni Amon.
"Ang kasal ng dalawa ay inusog uli mula sa nausog na petsa. Ito ang ikatlong pag-usog ng araw ng kasal nila." sabi ng tauhan
"Kailan ang susunod na petsa?" sabi ni Amon.
"King, iyon po ang problema walang ng detalye ang kasal dahil ayon sa ulat pinakansela ng mag-asawa ang simpleng kasal ng mga ito sa bahay ng dalawa sa Isla Verde at ang lahat ng imbitado ay sinasabing maaaring secret marriage ang magaganap sa pagitan ng dalawa." sabi ng tauhan.
"Alamin mo kung sino ang abogado at tetestigo sa kasal nila at kapag nalaman mo bayaran mo." sabi ni Amon.
"Yes, King." sabi ng tauhan.
"Anong status ng ibang lupa na binili ni Ministro sa mga kagrupo ko?" sabi ni Amon
"King, ang lupa na tinitirikan ng bahay ng pamilya ni Katara dati ay nabili na ni Jamal." sabi ng tauhan.
"Nabili na niya? Paano? Eh, kay lolo Orion iyon." di makapaniwalang sabi ni Amon.
"Oo nga King, pero pinaunlakan ng lolo niyo ang pagbili ni Jamal sa malaking halaga sa kakapiranggot na espayo ng lupa."sabi ng tauhan.
"Ang lupa mismong ng bahay nila Katara dati?" sabi ni Amon dahil maliit lamang iyon.
"Oo King. Iyon lamang lupa na kinatatayuan ng bahay mismo dati ng pamilya ni Maam Katara ang nabili ni Ministro na lupa. Meaning ang palibot ay iipitin ng lolo niyo para ang daan ay kumitid sa nabiling lupa." sabi ng tauhan na ikinangiti ni Amon.
"Okay, paano ang lupa sa isla Traquilo?" sabi ni Amon.
"Napakalaking halaga ang pagkakabili ni Ministro sa lupa pero nakatiwangwang ito ngayon dahil ang mismong bahay na kinatitirakan sa lupa ay giniba ng tiyuhin niyo kaya naman tila basura lamang iyon ngayon sa Isla Traquilo."sabi ng tauhan na ikinailing sa pagngisi ni Amon.
"Bakit pinagiba ang bahay?" sabi ni Amon dahil alam niyang may maliit na bahay bakasyunan sa lupang binili ni Jamal sa Isal Traquilo
"Ang dahilan LUPA lamang ang binili at hindi bahay." sabi ng tauhan na ikinangisi ni Amon sa kalokohan ng rason ng tiyuhin niya.
"Mahal pa rin nila ako, kaya hayaan niyo hindi ko kayo bibiguin." sabi ni Amon sa isip.
"Pero King mukhang walang pakialam si Ministro, payapa lang at panatag kumilos at gumalaw na tila na sa palasyo lang siya. Hindi nagbabago kung ano siya dito ganoon siya labas. Nadadala niya lahat ng problema na tila espiya lamang ang ginagawan niya ng solusyon." sabi ng tauahn na ikinatiim ng bagang ni Amon.
"Dahil kay Katara. Tsss! Hindi ako kumawala sa kasal, kusa iyon napawalang bisa ng dahil sa pagkakakulong ko sa mental hospital.
Hindi kita pakakawalan Katara, kahit hindi mo man lang ako pinaglaban." sabi ni Amon sa isip.
Napatingin naman ang tauhan kay Amon, kilala niya ito dahil tauhan na siya nito sa Emperio pa lamang at isa siya sa masuwerteng napadala sa Canmore Palace kung saan triple ang sinusuweldo niya sa ibang currency na malaki ang naitutulong sa pamilya niya. Pero sa pagtitig niya kay Amon, nakaramdam siya ng habag hindi dito kundi sa walang muwang na sanggol na iniwan nito sa ina ng dati nitong asawa.
Natahimik sandali si Amon ng may maisip ito.
"Ang farm sunugin mo." biglang sabi ni Amon na ikinanlaki ng mata ng tauhan.
"Ano po King?" di makapaniwalang sabi ng tauhan.
"Tulad ng ginawa ni tito Aqua sa lupa na binili ni Ministro, gawin mong basurahan ang farm sa Isla Verde. At ang bahay na pinapatayuan niya ay isunod mo kapag nakita mo ng abo ang buong farm." sabi ni Amon na ikinalunok ng tauhan.
Napatitig ang tauhan kay Amon, hindi siya masama at alam niyang ganoon din si Amon pero nagbago ito ng magsara ang Casa at dumilim ang lahat sa Emperio kasabay ng pag-usbong ng mga pinsan nitong kaedaran ni Amon. Na sa tingin niya ang nasa utak at iniisip ni Amon ay natalo ito sa laban at naungusan ng mga kaedaran niya. Kung saan may sari-sarili ng kaharian base sa mga kompanyang pinamamahalaan ng mga ito na namamayagpag sa buong mundo.
Dahil ang Emperio ay tila pinagkaisahan ng padilimin ito ng buong grupo sa pagsasara ng liwanag at pagtahimik ng ng kasiyahan ng El Casa.
Napatitig si Amon sa tauhan saka muling umusal
"Babalik siya sa akin, dahil kung hindi ang bawat araw nila ng lalaking pinalit niya sa akin ay magiging impeyerno." sabi ni Amon na matalim nitong mga tingin na ikinatango ng tauhan nito.
"Okay, aalis na po ako." sabi ng tauhan at ng akmang tatalikod ito ng umusal muli si Amon.
"Hindi pa ako tapos." sabi pa ni Amon na ikinatigil ng tauhan sa pag-alis.
"Sorry." sabi ng tauhan saka muling humarap kay Amon.
"Iyong dummy, kunin mo at dalhin sa palasyo." sabi ni Amon na ikinalunok ng tauhan.
"King, abogado ang dummy." sabi ng tauhan.
"Ang pamilya nang abogado, ipitin mo." sabi ni Amon na ikinahingang malalim ng tauhan dahil hindi siya puwedeng hindi sumunod, manganganib ang pamilya niya kapag bumaliktad siya.
.......................
Mango Farm, Isla Verde
"Magpapakasal na tayo?" gulat na sabi ni Jamal kay Katara.
"Oo." nakangiting sabi ni Katara ng puntahan nito si Jamal sa farm para sunduin.
"Sandali, hindi ba next month pa?" sabi ni Jamal sabay tingin sa sanggol na nasa likuran at natutulog at sa bag na may kalakihan na dala ni Katara kanina.
"Magpapakasal tayo sa Green Island." sabi ni Katara
"Bakit doon?" sabi ni Jamal dahil alam niya ang lugar ay isang kulungan.
"Jamal, hindi naman sa loob ng kulungan tayo magpapakasal kundi sa magandang lugar ng isla. Dalawang mukha meron ang isla at kahit na walang bisita ang gusto ko makasal tayo sa lugar na hindi mo pagsisisihan na pinakasalan ako, at hindi mo rin masasabing napilitan ako pakasalan ka." sabi ni Katara.
Na patitig si Jamal kay Katara, hindi niya akalain mabilis ito mag-isip. At ang totoo hindi ito nagrereact sa mga nagaganap sa kanila higit na lalo sa farm kung saan nagpoprotesta na ang mga tauhan niya kung saan ilalagay ang mga mangga na inaani ng mga ito.
Pinatigil na rin niya ang pagtuloy ng pag-ani na lalong ikinabahala ng mga tauhan sa farm.
"Hindi natin puwede ipabukas ang lahat, o ilaan sa ibang araw. Mabilis mag-isip si Amon at ang mga kagrupo niya. Ang lupa na binili mo sa Pabahay na dati namin bahay ay hindi mo magagamit dahil ang bahay namin doon ay nasa gitna kung saan wala ka ng lalabasan" nakangiting sabi ni Katara na ikinalungkot ng mukha ni Jamal.
"Secret sana iyon pero nalaman mo pala." sabi ni Jamal.
"Hindi mo rin maibibigay sa akin ang lupa o hindi natin matitirhan kaya hindi natin mapapakinabangan, kaya sabi ko sayo tutulungan kita gawin ng tama at ayos ang lahat ng sinayang mong pera para mapasaya mo ako." sabi ni Katara.
"Hindi ako makapag-isip ng maayos at kaya nakakaya ko dahil nandiyan ka." sabi ni Jamal na hindi niya inaasahan na mabait talaga si Katara. At katunayan ang mga sinasabi nito sa kanya ay tila mga balabal para iproteksyon sa kanya, sa bansang wala siyang alam.
Kaya hindi rin siya nagtataka maraming lalaking nagkagusto dito, iyon nga lang tingin ni Jamal hindi kaya ng mga lalaking nakarelasyon ni Katara ang ugali nito. Ang kabaitan kasi ni Katara walang pinipili.
"Kaya tutulungan kita, at siyempre gusto ko makasal tayo kasi inlove na ako sayo at pakiramdam ko gusto ka rin ng anak ko. Pero huwag mong isipin na dahil gusto ka ng anak ko kaya nagustuhan kita. O sabihin natin kasama ang anak ko kaya dagdag points ang pagiging mabait mo sa kanya." sabi ni Katara.
"Alam ko naman na kapag nagmahal ang babaeng may anak, ang kalahati ng pagmamahal sa anak niya, at ang kalahati lamang ang maibibigay niya sa lalaking mamahalin siya." sabi ni Jamal
"Tama, totoo iyon. Dahil iyon ang kailangan sa isang single parent na katulad ko. Priority ang anak, pero sabi mo nga ang kalahati ay sa taong magmamahal sa amin ng buo kasama ng anak namin. Kaya naman, sa pagmamahal na iyon nakakaisip ako ng paraan para gumana ang utak ko na maging maayos tayo." sabi ni Katara
"Magaling kang ka-teamate." nakangiting birong sabi ni Jamal.
"Iyon din ang sabi nga mga kaklase ko noong nag-aaral ako kaso tamad ako mag-aral kaya huminto ako. At tingin ko iyon din ang nakikita ng mga nakarelasyon ko kaso ayaw naman nila ako pakinggan sa mga suggestion ko, pakiramdam ko one-sided lang hindi tulad mo pinakikinggan mo ako." sabi ni Katara.
"Tingin mo?" sabi ni Jamal na napangiti.
"Oo." sabi ni Katara.
"Paano mo nasiguro?" sabi ni Jamal.
"Kasi magpapakasal na tayo mamayang gabi." sabi ni Katara
"Ano, mamayang gabi agad?" sabi ni Jamal na literal na nagulat dahil ang inaasahan niya mga next week pa o sa makalawa.
"Oo, may susundo sa atin papuntang Green Island." sabi ni Katara.
"Sino?" sabi ni Jamal.
"Ang testigo sa kasal." sabi ni Katara.
.................
Hours later
"Saan ba tayo pupunta?" sabi ni Jamal ng paikut-ikutin lang siya ni Katara sakay ng kotse sa daan ng isla Verde.
"Ang sabi niya ganito ang gawin ko." sabi ni Katara.
"Sino bang siya?" sabi ni Jamal na nagtataka kanina pa dahil sa loob ng kotse na rin sila kumain ni Katara. Hindi na sila umuwi ng bahay kanina.
"Ang tetestigo sa kasal. Nakausap ko siya at hindi ko nga inaasahan na papayag siya, at ang totoo tinulungan niya ako mag-isip kaya bilib talaga ako sa kanya." nakangiting sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Jamal.
"Kinikilig?" mapanuyang sabi ni Jamal na nakaramdam ng selos dahil ngayon lang niya uli nakitang kinikilig si Katara at kakaiba iyon.
Napangiti si Katara saka tumingin kay Jamal.
"Selos ka? Hahaha! Love mo na talaga ako." natawang sabi ni Katara ng makita kung paano magselos si Jamal na ngayon lang naganap dahil kapag si Amon naman ang paksa nila galit ang nakikita niya sa mata ni Jamal pero ngayon kakaibang galit.... at selos iyon.
"Ex mo ang testigo? Sino si Hades?" inis na sabi ni Jamal na hindi naitago ang selos sa tinig.
"Hahaha! Hindi ko pa nga siya nakikita mula ng... aissst! Hindi ko maalala kung kailan na last namin nagkita." sabi ni Katara.
"So, namimiss mo?" sabi ni Jamal na hindi lingid sa kanya sa lahat ng ex ni Katara si Hades ang kinaiinggitan niya dahil bata pa lamang ang dalawa magkasama at magkakilala na ang mga ito.
"Hahaha! May asawa na iyon, at ang totoo masaya ako kasi pangarap din ni Hades tumira sa tahimik at simpleng lugar na nakamit niya dahil ang asawa niyang mayaman bumaba sa lupa at ngayon nakatira sa N.E.
Biruin mo ang bff ko na tulad ko na ayaw umalis sa baba ay nakakuha ng mayaman na bumaba at namuhay ng simple." sabi ni Katara.
"So, mapapa-sana all ka na lang. Na sana si Amon ganoon din at kung ganoon masaya sana kayo at wala ako." inis na sabi ni Jamal.
"Hahaha! May pa-sana all ka ng nalalaman ha." natawang sabi ni Katara na natutuwa sa selos na nakikita kay Jamal na ngayon lang niya nakita dito.
"Tawa ka ng tawa para kang kinikiliti sa clitoris mo." inis na sabi ni Jamal.
"Hahaha! Ang baboy mo. Ganyan ka pala magselos nagiging salaula ang pagsalita mo Ministro." sabi ni Katara
"Ang saya mo kasi." sabi ni Jamal na nakaramdam lalo ng inis sa kakaibang kasiyahan na nakikita niya kay Katara.
"Hahaha! Siyempre kasi ikakasal na tayo." sabi ni Katara
"Ikakasal? Huh! Sino kaya ang testigo? Baka sa testigo ka excited." sabi ni Jamal na lalong ikinatawa uli ni Katara.
"Hahaha! Iliko mo na nga para makaalis na tayo." sabi ni Katara sabay sulyap sa daan at napangiti ito ng lihim ng makitang wala na ang sumsunod sa kanila kanina pa.
Hindi na umimik si Jamal pero napapatingin ito kay Katara habang nagmamaneho si Jamal.
"Ang saya mo ha." inis na sabi ni Jamal sa isip dahil iba ang kinang ng mata ni Katara.
"Ipasok mo sa loob ng gubat." nakangiting sabi ni Katara na pigil ang pagtawa ng makita ang itsura ni Jamal na tila mangangain ng buhay. Nakakatakot ito tingnan pero natatawa siya dahil halos magsalubong ang makakapal na kilay nito sa pagkunot ng noo at ang labi nito na mapupula ay gumagalaw na tila pinipigilan magprotesta.
Sinunod ni Jamal ang sinabi ni Katara pero tahimik lang ito na pinapakiramdaman si Katara. Ilang buwan pa lang sila maging magkasintahan at kahit kinilala na niya ito. Ngayon tila naglaho iyon dahil naisip niya at nararamdaman niya may mga ugali pa si Katara na hindi niya alam.
"Langyang tawa iyan abot hanggang mata." inis na sabi ni Jamal sa isip ng makita ang pigil na pagtawa ni Katara sa pamamagitan ng mga mata nitong kumukinang na gusto humalpak sa pagtawa.
"Ngiti ka naman diyan. Ikakasal na tayo para ka naman tinutukan ng baril na parang napilitan magpakasal sa akin." birong nakangiting sabi ni Katara kay Jamal na tahimik lang.
"Mamaya ako tatawa kapag nakita ko ang testigo." nakangising sabi ni Jamal.
"Hahahahaha!" malakas na tawa ni Katara na bumalabog sa mga ibon sa gubat habang nakabukas ang salamin ng kotse na minamanehio ni Jamal.
"Tumigil ka nga sa pagtawa." inis na sabi ni Jamal.
"Hahaha! Sa ilang buwan natin nagsasama, ngayon lang kita nakitang mainis. Ang cute pala.
Uy! pero huwag mong pupugutan ang ulo ko. Ikaw din mababalo ka kaagad." birong sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal diton.
"Uunahin ko pugutan ng ulo ang testigo, kasi ang saya-ksaya mo eh. Ngayon lang din kita nakitang ganyan kasaya na halos lumabas ang ngala-ngala mo sa pagtawa mo." inis na sabi ni Jamal.
"Hahaha! Ang galing mo na magtagalog talaga. Bilib ako sayo, ang husay mo." sabi ni Katara.
"Pinag-aralan ko talaga kasi baka pinagbebenta mo na ako o baka..." udlot na sabi ni Jamal na ikinahinto sa pagtawa ni Katara.
"Baka niloloko kita?" sabi ni Katara na ikinatitig ni Jamal sa daanan na tinatahak nila.
"Lolokohin mo ba ako?" balik tanong ni Jamal na hindi tumitingin kay Katara.
Napangiti si Katara ng maaninagan ang lalo pang selos sa mukha ni Jamal.
Napatiim ng bagang si Jamal ng makita sa gilid ng mga mata niya ang pagngiti ni Katara.
"Pupugutan kita ng ulo kapag niloko mo ako." mahinang sabi ni Jamal na ikinatawa ng malakas ni Katara.
"Hahahaha! Mahal mo nga ako." sabi ni Katara at nagulat si Jamal ng yakapin siya ng mahigpit ni Katara.
"Ano ba?" sabi ni Jamal na halikan pa ni Katara ang pisnge niya.
"Madali akong mainlove, at pinagpapasalamat ko iyon. Ang pagka-inlove ko hindi naman madaling nawawala dahil ang totoo lahat ng dumaan ng lalaking nakarelasyon ko nasa puso ko pa rin pero siyempre doon ako sa latest. Lalo na sa lalaking handa akong ipaglaban." sabi ni Katara sabay halik sa pisnge uli ni Jamal.
"Owws?" napangising sabi ni Jamal.
"Masaya ako, kasi nagseselos ka pala kahit wala kang nakikita. Masaya ako, kasi sabi nila ang selos daw ay isa sa simbolo ng pagmamahal. Masaya ako, kasi sa muling pagkakataon at sana huli na natuon at nabaling uli ang atensyon ko sa ibang lalaki na ngayon pinagdarasal ko, ikaw na ang gitna at huli ko." sabi ni katara na ikinapreno ni Jamal saka ito tumingin kay Katara.
"Hindi lang ako ang gitna at huli mo dahil ako ang unang lalaking sumeryoso talaga sayo." seryosong sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.
"Salamat Jamal. Sa kada araw na pagsasamahan natin, pangako sayo.... sayo ko ipapakita ang katunayan na mahal kita. Muli sa pagmamahal ko, hindi ko titingnan ang mga tao sa paligid ko dahil tulad ng dati kung paano ako magmahal itutuon ko lamang sa lalaking mahal ako ang buong atensyon ko." sabi ni Katara.
"Ganoon ba ang pagmamahal mo sa akin? Tulad sa iba?" sabi ni Jamal na ikinangiti ni Katara.
"Siguro hindi." sabi ni Katara na ikinakunot noo ni Jamal.
"Hindi?" sabi ni Jamal.
"Hindi, kasi kakaiba ka sa lahat, dahil minahal mo ako at ang anak ko at iyon ay isang malaking puntos na nakuha mo ng malaki sa puso ko. At sasakupin mo iyon sa mga araw na lagi kitang nakikita kung gaano mo kami kamahal ng anak ko.
Mahal kita, wala man maniwala wala akong pakialam. At siguro kung may iilan man na maniniwala for sure iyon ang mga babaeng tulad ko na dumaan sa karanasan ko. At para sa amin, walang sinuman ang magdidikta o makakasira sa relasyon na pinasok namin." sabi ni Katara.
Napatitig si Jamal kay Katara saka ito napangising umusal.
"Okay, love accepted. So, sino ang testigo?" sabi ni Jamal na ikinatawa ni Katara ng malakas.
"Hahahaha! Selos na selos ang putik. Hindi makapag move on sa tanong." humagalpak na tawa ni Katara na ikinangisi ni Jamal.
.................
April 30. 2023 9.30am
Fifth Street
...............
Any amount will be accepted
G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top