Kabanata 15 : Pikot

Kabanata 15 : Pikot

Isla Verde


"Wala akong ginawa sa kanya." sabi ni Jamal ng tingnan siya ng masama at may pagdududa ni Katara.

"Ang bad mo." sabi ni Euro kay Jamal na ikinatingin ng binata dito.


"Ako? Bad? Kayo nga ang pumasok dito sa bahay ko tapos sinira niyo ang pintuan tapos ako pa ang bad."
sabi ni Jamal kay Euro.

"Ang tagal niyo kasi dumating." sabi ni Won.

"Eh ano ngayon. At sino ba kayo?" sabi ni Jamal na hindi napigilan ang inis na nadarama sa pagbaballiktad ng sitwasyon ng magkakapatid.

"Jamal." sabi ni Katara.

Napatingin si Jamal kay Katara saka ito napahingang malalim.

"Wala naman kasi akong ginagawa sa kanila." sabi ni Jamal


"Hinila mo si Peso, dinala mo sa kuwarto mo so anong susunod doon?"
sabi ni Katara.

"Titikman niya." sabi ni Won na ikinatingin ni Katara at Jamal dito.

"Tama si Won. Ganyan naman ang mga lalaki." sabi ni Euro.

"Kunwari galit-galitan pero gusto lang palang tikman ang babae. Paparusahan o baka paparausan." sabi ni Dinar.

"Uy! Hindi ako ganoon." sabi ni Jamal.


"Hindi daw pero ang sabi ni Peso nakailang asawa ka na."
sabi ni Won.

"Kayong apat umalis nga kayo sa bahay ko." sabi ni Jamal.


"Jamal, bisita sila."
sabi ni Katara.

"Bahay ko ito at hindi ko sila bisita. Pumunta sila dito para manggulo." sabi ni Jamal.


"Okay aalis na rin ako."
sabi ni Katara.


"Katulong kita at hindi bisita."
sabi ni Jamal.

"Tama, katulong mo kaya kung ang bisita mo ay pinapaalis mo ano pa ako na katulong mo lang." sabi ni Katara.


"Aissst! Bakit ba ganyan kayo mag isip mga pinoy?"
sabi ni Jamal.

"Kung kinukuwestiyon mo kung paano kami mag-isip, bakit ka ba nandito sa bansa namin?" sabi ni Katara.

Napatitig si Jamal kay Katara na ikinatingin ng tatlong magkakapatid sa isa't isa.

"Gusto mo umalis ako?" sabi ni Jamal.


"Hindi."
sabay-sabay na sabi ng tatlong magkakapatid.

Napatingin naman si Katara sa tatlong dalaga sa inusal ng mga ito.

"Huwag kang babalik, dito ka lang." sabi ni Won sabay lapit kay Jamal at nilingkis ito sa braso.


"Oo nga naman Jamal, dito ka lang mas masaya dito. Malaya at payapa."
sabi pa ni Euro.

"Bukod diyan maraming magaganda sa bansang ito. No need ng mag-isip kung ano ang nasa likod ng taklob kasi nakatiwangwang na ang mga mukha namin." mapang-akit na sabi ni Dinar sabay haplos sa likod ni Jamal.


"Gusto ni Katara pabalikin ako sa lugar ko."
sabi ni Jamal.

"Hindi ko sinabi iyon. Tinanong ko lang kung bakit ka nandito, dahil kinukuwestiyon mo ang ugali namin at pag-iisip namin mga Pinoy." sabi ni Katara.

"Uyy. Hindi ka naman pala pinababalik. Mag-usap na lang kayo misunderstanding lang iyan." sabi ni Won na ikinatingin nila Jamal at Katara dito.


"Tama uli si Won, kapag kasi bumubuo kayo ng relasyon nagkakaroon ng misunderstanding pero hindi ibig sabihin nun nagkakalabuan I mean nasa proseso kasi kayo ng pagkakaunawaan."
sabi naman ni Euro na ikinamilog ng mga mata ni Jamal at Katara.

"Sa----sandali..." udlot na nautal na sabi ni Jamal ng muling magsalita si Won.

"Iiwan namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos. Doon lang kami sa kuwarto at aaluin namin si Peso." sabi ni Won na ikinatingin ni Euro kay Jamal.

"Sinaktan mo ang kapatid namin kaya huwag mo ng uulitin lalo na babae siya."
dagdag na sabi ni Euro kay Jamal.

"Hindi ko siya sinaktan."
sabi ni Jamal.

"Alam mo Jamal puwede ka naman magpaalam ng maayos kung ang mata mo at atensyon ay na kay Katara na. No need naman mag-ghosting ka tapos kapag nakita mo ang babaeng pinopormahan mo dati parang ikaw ang naagrabyado." sabi ni Dinar.


"Ghosting?"
sabi ni Jamal.

"Oo, minulto mo dahil hindi ka nagpakita kay Peso." saba ni Dinar.


"Uyyy. Alam niyo..."
udlot na sabi uli ni Jamal ng sumingit uli si Won.


"Ikaw, kung may mahal ka ng iba at si Katara iyon okay lang naman iyon kay Peso sanay siya doon lalo na at nasa rocky road ang relasyon nila ni Shiloh pero huwag mo siyang alalahanin dahil kaya niya iyon, unlike kay Katara sobra-sobra na, dadagdag ka pa."
sabi ni Won na ikinamula ng mukha ni Katara at ikinanlaki ng mga mata ni Jamal.


"O, paano. Mag-usap muna kayo."
sabi ni Euro saka nito hinila ang mga kapatid at nagmamadaling umalis.

Napasunod ng tingin sila Katara at Jamal sa magkakapatid hanggang mawala sa paningin nila.


"Valiente din ba sila?"
mahinang usal ni Jamal.


"Oo."
mahinang sabi ni Katara


"Ahhh. Kaya pala may mga sayad din 'no. Malalala na."
sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara dito.

"Grabe ka." sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.

"Hahaha!" natawang reaksyon ni Jamal sabay lapit kay Katara.

"Parang sinabi mong may sayad din ang anak ko." sabi ni Katara.

"Hahaha! Biro lang iyon, minsan kasi nagbabase ang utak ng tao depende sa kasama niya parati." sabi ni Jamal sabay akbay kay Katara na ikinatingin ni Katara sa kamay ni Jamal.


"Ayos ha! Matapos mong saktan si Peso tingin mo biro lang din iyon?"
sabi ni Katara.

"Tsss! Hindi ko siya sinaktan. Bigla na lang siya umiyak." sabi ni Jamal.

"Talaga? Pero pinunta mo sa kuwarto mo." sabi ni Katara na hindi alintana sa pagbabago ng boses.

"Kakausapin ko sana siya." sabi ni Jamal.

"Kakausapin mo? Pero sa kuwarto mo dinala? Ayos ha! May sala naman, may kitchen, puwede naman sa first floor pero bakit sa kuwarto?." sabi ni Katara.

"Kasi iyon ang malapit, alangan sa kuwarto mo?" sabi ni Jamal na napataas ang boses.


"Bakit tumataas ang boses mo? Kasi siguro guilty ka, at may balak kang masama kay Peso."
sabi ni Katara.


"Wala 'no!"
sabi ni Jamal.

"Wala? Pero ng umiyak gusto mo amuin." sabi ni Katara


"Siyempre nagulat ako, ako ang galit tapos siya ang umiyak na may galit sa akin. Siya may kasalanan tapos ako pa nadehado."
sabi ni Jamal.

"Anong nadehado? Eh, lalaki ka. Kung hindi siya umiyak siguro gagalawin mo siya." sabi ni Katara


"Uyyy! Hindi."
sabi ni Jamal na todo iling.

"Gusto mo pa?" sabi ni Katara.


"Anong gusto mo pa?"
sabi ni Jamal na naguguluhan sa reaksyon niya at ni Katara.

"Hindi mo rin matanggap na hindi ka niya pinansin after ng ipasalo ka niya sa akin sa sinehan?" sabi ni Katara


"Ano bang pinagsasabi niyong lahat?"
sabi ni Jamal.


"Siguro, kaya ka naiinis, hindi dahil sinira ni Peso ang pintuan mo kundi dahil pakiramdam mo niloko ka niya."
sabi ni Katara.


"Hindi ah."
sabi ni Jamal.

Napatitig si Katara kay Jamal saka ito napahingang malalim

"Hindi naman masama ipakita kung sino ka dahil kahit na ang isang guro may maling ginagawa. At tulad mo na tagahukom o magaling na tagapayo ay may karapatan na ipakita kung sino ka at ano ang nararamdaman mo." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"May gusto ka ba sa akin?"
sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ni Katara sa tahasang at deretsahang pahayag ni Jamal.

"Ano? Bakit mo naman naitanong?" sabi ni Katara.


"Kakaiba ka kasi, parang may selos akong natutunugan."
sabi ni Jamal

Naumid ang dila ni Katara na ikinatawa ng malakas ni Jamal.

"Hahaha! Biro lang. Ito naman."
sabi ni Jamal saka ito niyakap si Katara na ikinalunok ni Katara.

.....................

Samantalang naabutan ng tatlo si Peso sa likod bahay ni Jamal.

"Hindi pa ba tayo aalis?" sabi ni Won kay Peso ng makita nila ito sa maliit na garden sa likod bahay.

"Hindi." sabi ni Peso.


"Hays! Baka mapikon na iyon at patayin tayong lahat."
sabi ni Euro.

"Aalis lang tayo kapag okay na sila." sabi ni Peso.


"Eh, kailan pa iyon?"
sabi ni Won.

"Akong bahala." sabi ni Dinar.

"Anong ikaw ang bahala?" sabi ni Euro.

"Hindi tayo puwede tumagal dito kasi makakahalata si Jamal na S.A tayo at baka malaman nun ang Cloud Nine." sabi ni Won.

"Kaya nga akong bahala. Bukas ng umaga aalis na tayo at ngayon gabi sigurado matatanggap natin ang bayad mula kila lolo at ang bonus ko." sabi ni Dinar.

"Anong balak mo?" sabi ni Peso.

"Ang balak at plano ko ay napadali sa ginawa mo." sabi ni Dinar kay Peso.

"Napadali?" sabi ni Peso.

"Ngayon gabi mahuhulog ang dalawa sa isa't isa." sabi ni Dinar.

"Paano?" sabi ni Won.

................

Hours Later

"Ayaw niyang tumahan." sabi ni Katara ng katukin siya ni Jamal na nasa kabilang kuwarto lamang.

Napatingin si Jamal kay Amonia, maligalig ang bata mula ng isilang ito. Iyakin at sa nakikita niya ayaw na naman nito magpababa sa pagkakarga ni Katara kahit na halatang antok na antok na ito pati ang ina ng sanggol.

"Akin na." sabi ni Jamal.

"Nakakahiya." sabi ni Katara.

"Para makatulog ka na rin." sabi ni Jamal saka ito lumapit kay Katara.

"Paano ka?" sabi ni Katara sabay tingin sa oras.

Alas onse na ng gabi pero ang sanggol ayaw magpatulog.

"Matutulog." sabi ni Jamal.

"Umiiyak iyan. Ako na lang." sabi ni Katara.


"Huwag mo kasi sanayin kargahin."
sabi ni Jamal.


"Minsan lang at maikling panahon lang maging baby kaya susulitin ko na lang na kargahin siya."
sabi ni Katara.

"Puwede mo naman sulitin kahit na hindi mo kinakarga." sabi ni Jamal

Kinuha ni Jamal ang sanggol na agad naman binigay ni Katara.

"Matutulog na ako... tayo kasi hindi ako makatulog naririnig ko ang iyak niya." sabi ni Jamal sabay higa nito si kama ni Katara na ikinatingin ni Katara dito.


"Kama ko iyan."
sabi ni Katara.


"Oo nga. Matutulog siya, ikaw at ako. Kasi masakit ang ulo ko sa iyak ng baby na ito."
sabi ni Jamal sabay ayos ng pagkakahiga ng sanggol sa kama na patuloy sa pag-iyak.

"Ayaw nga niya, sinubukan ko na iyan."
sabi ni Katara ng tumagilid sa Jamal sabay tapik ng marahan sa sanggol na nakahiga sa tabi nito.


"Masasanay din iyan."
sabi ni Jamal saka ito tumihaya at pinadapa ang sanggol sa dibdib niya.

Tinapik ni Jamal ang puwetan ng sanggol ng marahan na ikinatigil ng sanggol sa pag-iyak.

"Baka hindi makahinga?" mahinang sabi ni Katara habang nakatitig kay Jamal at sa sanggol.


"Makakahinga iyan, kasi tumahimik na ang ibig sabihin gusto niya iyan."
sabi ni Jamal na nakapikit na ang mata sa antok.

Napahingang malalim si Katara ng pumikit ang sanggol habang tinatapik ng marahan ni Jamal ang puwetan nito.

"Matulog ka na, matutulog na rin ako." sabi ni Jamal.

Ilang sandali pa sa pagkakatitig ni Katara kay Jamal nakatulog ang binata habang ang sanggol nasa dibdib nito at nakatulog na rin.


"Hmmn. Ilang araw na natin siya ginagambala anak. Nakakahiya na."
sabi ni Katara sa isip ng makaramdam ng hiya kay Jamal.

...........

"Ano ng balak mo?" sabi ni Won kay Dinar.

"Alas onse na, at ang sabi mo ngayon gabi gagawin mo ang plano at bukas wala na tayo dito." sabi ni Euro.


"Ano ba, Dinar? Ang One M ko kailangan ko na makuha."
sabi ni Peso.

"Sandali lang." sabi ni Dinar sabay silip mula sa balcony kung saan tanaw nila ang kuwarto ni Katara.

"Pumasok siya sa loob kanina, iyong baby kasi ang ingay kanina pa umiiyak." sabi ni Euro na kahit sila hindi makatulog sa pambubulahaw ng sanggol sa lakas ng pag-iyak nito.

"Tumahimik na ang loob baka napatigil na ni Katara." sabi ni Won.

"Bakit hindi pa lumalabas si Jamal?" sabi ni Euro na nagtataka.


"Baka may nangyayari sa kanila."
sabi ni Peso.


"Uy grabe ka, kakapanganak pa lang ni Katara."
sabi ni Won.


"At saka tingin mo ganoon si Katara?"
sabi ni Euro.

"Malay natin, marupok iyan di ba." sabi ni Peso.


"Wala naman yata nangyari sa kanila ng mga naging ex niya."
sabi ni Won.

"Puwedeng oo. Puwedeng hindi." sabi ni Peso.


"Anong ibig mong sabihin?"
sabi ni Euro.

"Na baka, may nakauna sa kanya kaya hindi rin matanggap ni Kuya Amon ang bata?"
sabi ni Dinar.

"Wala akong sinabi." sabi ni Peso.

"Iyan ka na naman, kumakambiyo ka na naman kahit na iyon ang pakahulugan mo." sabi ni Won kay Peso.

"Tsss. Huwag mo nga sa amin gamitin ang ganyan teknik mo Peso." sabi naman ni Dinar.

"Hay naku Dinar. Ilapag mo na ang alas mo para makuha na natin ang bayad." sabi ni Peso.

"Umiiwas ka na naman." sabi ni Dinar.

"Hindi ako umiiwas gusto ko na kais matapos kasi pupunta pa ako ng Manila." sabi ni Peso.


"Sa Manila ba talaga ang punta mo?"
sabi ni Won.

"OO." diin na sabi ni Peso.

"Tsss! Gusto ko na rin umuwi dahil kakausapin ko pa si lolo Rico." sabi ni Euro.


"Okay. Maghanda kayo."
sabi ni Dinar saka ito pilyang ngumiti.

.....................

Kinabukasan

"Hmmmn." ungol ni Jamal saka nito kinapa ang sandayan sa kama pero sa paggalaw ng kamay niya napahinto siya ng kakaiba ang nadapuan ng kamay niya.

"Ano ito?" sabi ni Jamal sa isip dahil kakaiba ang lambot ng nadapuan ng kamay niya.

Unti-unting nagmulat ng mata si Jamal at sa pagmulat ng mga mata niya nagulat ito at tila nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita.

"Oh fuck!" napalunok na namumutlang sabi ni Jamal sabay tingin sa pagkalalaki niya.


"Oh shit."
tila hindi makahingang sabi ni Jamal dahil ang nasa tabi niya ang hubad na si Katara at ang hubad na sarili niya.

"Hindi puwede." sabi ni Jamal saka ito tumingin sa paligid ng may maaala.


"Sandali, iyong baby nasaan"
sabi ni Jamal sabay tingin sa kama at napalunok siya ng nakadapang natutulog ang sanggol sa gawing paanan nila ni Katara.


Napahilamos sa mukha si Jamal sa nagaganap.

"May naganap ba?" sabi ni Jamal saka ito napapikit para maaalala ang lahat.


"Wala. Wala. Nasa katinuan ako kaya alam ko pero ano ito?"
sabi ni Jamal sabay mulat ng mga mata.

"Pikot? Ito ba ang pikot? Pero imposible gawin ito ni Katara sa akin." sabi ni Jamal sabay tingin sa babae.

Pero isang pagkakamali ang paglingon niya kay Katara ng masilayan ang katawan nito na halatang kapapanganak pa lang. Ang malusog at namimintog nitong dibdib na may gatas pang tumutulo. Ang maumbok na tiyan dala ng panganganak na hindi naman kalakihan. At napapikit si Jamal ng masilayan ang sentro ng babae na kahit na nakasaklob iyon nakapagdala ng kakaibang init sa kanya.

Dumapo ang mga mata ng binata sa hita ni Katara na dala ng kapapanganak lang malaki ang balakang at hita nito pero sapat lang din. May stretch mark pa ang babae na hindi naman ganoon kadami. Isa sa Katara sa mga pinoy na nabiyayaan ng magandang kutis dala marahil sa mga dugong nananalaytay dito na nabahagi ng mga dayuhan sumakop sa bansa noong unang panahon.

"Oh shit. Anong gagawin ko?" usal ni Jamal saka ito napahawak sa batok ng mag-init sa nakikita lalo na at kakaiba para sa kanya ang babaeng kapapanganak lang tulad ito ng babaeng nagdadalaga pa lang para sa kanya.

...............

April 27. 2023 6.46pm

Fifth Street

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top