Kabanata 14 : Utak ni Peso


Kabanata 14 : Utak ni Peso


"Bakit wala pa sila?" sabi ni Won ng makitang nakasara ang bahay ni Jamal.

"Pagod na ako, pumasok na tayo." sabi ni Euro.

Napatingin si Peso sa bahay, madilim pa at walang ilaw kahit na alas sais na ng hapon o gabi.

"Baka nagtsuktsakan na." natatawang sabi ni Won.

"Hihintayin pa ba natin dumating?" sabi ni Euro.

"Pagod na ako." sabi ni Dinar na ikinatingin ni Peso sa mga kapatid.

"Wala pa sila so hindi tayo makakapasok." sabi ni Euro

"Sandali. Ano ba tayo?" sabi ni Dinar ng may maisip.

"Babaeng magaganda." natawang sbai ni Won.

"Tama. Na hindi pinaghihintay." sabi ni Euro.

"Oo nga na hindi pinababalik kasi nandito na tayo." sabi ni Peso.


"Bukod sa babae ano tayo?"
sabi nai Dinar na ikinangisi ni Peso.

"S.A." sabi ni Peso.

"Tumpak. Puwes kong wala pa sila papasok tayo sa loob dahil pagod na ako." sabi ni Dinar na ikinanlaki ng mata nila Euro at Won ng maghubad ng paldang suot si Dinar at naitira na lamang cycling na pang-ilalim nito.

"Aakyat ka sa balcony para makapasok sa loob ng bahay?" sabi ni Won.

"Bakit hindi? Sayang ang pinag-aralan natin kung hindi magagamit." sabi ni Dinar at akmang aalis ito para mauna sa bahay ng mabilis itong harangan ni Peso.

"Alam kong kaya mo at kaya namin umakyat pero ayoko mabisaklat sa bagay na hindi natin trabaho." sabi ani Peso.

"So, paano tayo papasok?" sabi ni Dinar.

"Sa pintuan." sabi ni Peso.

"Paano tayo papasok sa pinto? Eh nakasara nga." sabi ni Dinar.

"Si Jamal lang iyan kaya puwedeng wasakin ang doorknob." sabi ni Peso saka ito naunang maglakad na ikinatingin ng tatlong kapatid nito sa isa't isa.

"Haysss! Itong Peso kapag natuluyan mapugutan ng ulo ito, madadamay pa tayo eh." sabi ni Won.


"Kaya nga. Aissst! Ayoko pa naman mahiwalay ang ulo ko sa katawan ko. Manananggal iyon."
pa-slang na sabi ni Euro na ikinatawa nila Dinar at Won.


"Gaga! Ang manananggal sa baywang ang hati hindi sa leeg."
natawang sabi ni Won kay Euro na ikinatawa ni Dinar.

"Ah ganoon ba? Pero puwede na rin iyon tutal nasa new generation na tayo. Malay mo nagbagong anyo ang manananggal." sabi ani Euro para takpan ang pagkapahiya.


"Hahaha! Sige i-push mo tapos kapag naging manananggal ka lumipad ka tapos iyong ulo mo lang."
natatawang sabi ni Dinar.

"Okay lang maganda naman ang face ko." pilit na sabi ni Euro kahit napapahiya na ito.

"Hahaha! Bahala ka nga diyan. Pagod lang iyan Euro itulog mo." sabi ni Won.

Nasa tawanan ang tatlo ng magulat ang mga ito ng may malakas na kumalabog.

"Pasok na!" sigaw ni Peso na ikinanlaki ng mga mata ng tatlo ng magawa ni Peso wasakin hindi ang door knob kundi ang buong pintuan na halatang luma na.

"Hala! Patay ka talaga! Antigue na ang bahay na iyan." sigaw na kinakabahang sabi ni Won.

"Mapupugutan talaga ito ng ulo sa ginagawa niya." sabi ni Dinar ng proud pa at nakangiti si Peso.

"Mamili na tayo ng kuwarto." masayang sigaw ni Peso na ikinangiti ng mga mata ng tatlong kapatid niti.


"Uyyy! Akin sa side ng nakikita ang dagat."
sigaw ni Euro na agad na tumakbo na nawala ang kaninang mga kaba.


"Akin iyon!"
sigaw ni Won na hinabol si Euro.

Napangisi si Dinar, bago kasi nila gawin ang proyekto inalam muna nila ang lahat at siyempre pati ang bahay kung saan nila gagawin ang plano. At nalaman nila ang kung anong posisyon ng bawat kuwarto at silid sa loob ng bahay kung saan ang lahat ay magaganap.

..................

Cheung Mansion, NYC

"Bakit mo sinuntok ang coach mo?" sabi ng matandang lalaki na si Rico Cheung na halos hindi na makatayo sa wheelchair sa katandaan nito.

"Pabalikin niyo si Peso." seryosong sabi ni Shiloh na hindi sinagot ang tanong ng matandang lalaki.

Napatitig si Rico kay Shiloh, dumeretso ang binata sa Cheung Mansion ng hindi ito makauwi ng Pinas. Nakahang kasi ang passport nito na ginawa nila Orion para hindi makauwi si Shiloh sa bansa.

Hindi rin magamit ni Shiloh ang mga chopper dahil mahigpit ito binabantayan.


"Tapusin mo muna ang laban mo tapos puwede ka ng umuwi."
sabi ni Rico sa binatang nasa harap niya na kung tutuusin magiging bayaw niya ito kung makakatuluyan nito si Peso na anak ng nanay ni Rico na si Menchie Cheung.

Hindi umimik si Shiloh dahil mula kay Laurent nalaman niyang nasa Isla Verde ang ate nito na si Peso para sundan si Jamal.

"Shiloh, apo." sabi ni Rico na ikinatingin ni Shiloh ditio.


"Hindi mo ako apo."
sabi ni Shiloh.

Napangisi si Rico dahil mula ng malaman ni Shiloh ang katauhan nito kapag nagagalit ito o wala sa mood humahanay ito sa kanila na tila magkakasing edad lang sila.

"Ganito na lang. Panalunin mo ang laban para hindi ka naman biruin ni Peso na nananalo ka lang dahil sa kanya." sabi ni Rico na ikinakunot noo ni Shiloh.


Napangiti si Rico, nasa conference room sila ng Cheung Mansion kung saan doon siya naabutan ni Shiloh ng hanapin siya nito at alam niyang uutusan siya nito na pahiramin ito ng chopper.

"Shiloh, minsan gumawa ka ng bagay na wala si Peso para naman hindi lang ikaw ang mukhang naghahabol." sabi ni Rico.

"Hindi ko siya hinahabol, may anak kami kaya ako ganito." sabi ni Shiloh.

"Hindi niyo anak ang batang iyon. Pinakargo lang sa inyo ni Autumn para sa utang na loob sa mga magulang ng bata ng ibigay sa inyo ang mga mata ng mga ito ng mapatay niyo ni Peso sa aksidente." sabi ni Rico na ikinatiim ng bagang ni Shiloh.


"Huwag mong talian ang isang tao sa sitwasyon na ayaw niya o napipilitan siya. Subukan mo rin gawin ang ginagawa ni Peso ng sa ganoon balanse niyo malalaman kung okay pa ba kayo sa isa't isa."
sabi ni Rico ng hindi umimik si Shiloh.


Napangisi si Shiloh saka ito tumayo at tinungkod ang kamay sa mesa saka nagsalita

"Walang puwedeng magsabi ng gagawin ko. Hindi ikaw o kahit sino ang puwede magmando sa gusto ko." seryosong sabi ni Shiloh.

"Okay, iyon naman pala. So walang chopper at magtiis ka lumaban ng mag-isa. Tapusin mo ang laban mo para makauwi ka dahil sa ginagawa mo, wala ka pang binatbat sa mga taong humahawak sayo.

Hindi ka si Aj o si Amon, wala kang pangalan Shiloh kaya hanggang ngayon ikaw at ang iba sa grupo niyo ay hawak ni Orion Valiente at puwedeng manduhan ni Autumn Valiente.

Ikaw na mula sa dugo ni Rafael Valiente ay isa ding anino ng kalahi mo."
sabi ni Rico na ikinatiim ng bagang ni Shiloh.


"Tama ako di ba? Kanang kamay ka lang ni AJ kaya sinasabing angat ka sa iba sa mga kagrupo niyo. Kaya nahahanay ka sa senior ng mga kagrupo mo. Ikaw ang tanging umangat ng dahil kay AJ ng dumikit ka sa kanya. Kaya huwag kang magmalaki kung alam mong tulad ka rin ng iba sa Junior na mga kagrupo mo." sabi ni Rico.

Napangisi si Shiloh dahil kahit dati pa alam niyang taliwas at hindi gusto ni Rico Cheung ang samahan ng kakambal nito na si Rod Cheung na binuo.

"Huwag kang mag-alala lolo Rico. Tatatak ako sa lahat." sabi ni Shiloh saka ito tumalikod na ikinahingang malalim ni Rico.

Pagkalabas ni Shiloh sa conference room sinipa nito ang paso na nasa daanan.

"Arghhh! Lagot ka sa akin ako pupugot sa ulo mo kapag nalaman ko tinaya mo ang sarili mo para sa pisong halaga." nagpupuyos sa galit na sabi ni Shiloh saka ito nagmamadaling umalis sa mansion.

...................

Isla Verde

"Ahhh!" sigaw ni Katara ng magulat ng makitang warak ang pintuan ng bahay ni Jamal.


"Bakit iyon?"
sabi ni Jamal na nagamamdaling isara ang kotse at sinundan si Katara.


"May gorilla ba dito o bear. Parang monster ang sumira ng pinto mo."
sabi ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Jamal ng makitang wasak ang antigong pintuan.


"Hahahaha!"

Isang malakas na tawanan ang narinig nila Jamal at Katara.

"Dito ka lang." sabi ni Jamal ng mabosesan ang apat na magkakapatid.


Mabilis na umakyat si Jamal sa ikalawang palapag ng marinig na doon nagmumula ang tawanan.

Napasunod naman si Katara sa kuryusidad nito.

Pag-akyat ni Jamal naudlot ang kasiyahan ng apat na magkakapatid ng hilahin ni Jamal ang kawad ng tv na ginawang videoke ng magkakapatid.


"Ayy!"
sigaw ng apat ng magulat pa ng mag-spark ang hinilang kawad ni Jamal na ikianasira ng nito.

"Sino nagsira ng pintuan ko?" sabi ni Jamal na ikinalunok ng apat na magkakapatid.


"Sino?!"
malakas na nakakatakot na sigaw ni Jamal na ikinaatras ni Katara sa takot at ikinamutla ng apat na magkakapatid dahil si Jamal nagpakita sa ibang anyo bilang....

"Oh shit. Ang tagahukom." sabi ni Katara ng maalala ang mukhang iyon ni Jamal.

"Fuck! Sino Ang walang pahintulot na pumasok sa bahay ko!" sigaw ni Jamal sa galit na tono.

"A---ako." nautal sa takot na sabi ni Peso at nagulat ang lahat ng mabilis na nakalapit si Jamal sa puwesto ni Peso at hinila ito.

Walang nakaimik o nakapagssalita kahit gumalaw, at ang paghinga ng lahat ay tila nahinto ng mabilis na naglaho ang dalawa sa harapan nila.

..................

"Aray ko!" sigaw ni Peso at malakas nitong binatukan si Jamal ng mahimasmasan ito sa takot na nadarama kanina dahil sa sakit na ngayon ay nararamdaman niya sa pagkakahawak ni Jamal sa braso niya habang hinihila siya papasok sa kuwarto nito.

"Bitch!" sigaw ni Jamal ng masaktan sa pananakit ni Peso kaya naitulak nito si Peso sa kama niya.

"Ano? Sasaktan mo ako? Sige saktan mo ako? Para makulong ka sa bansa namin at maranasan mo naman na ikaw ang nasa katayuan ng mga pinapatay mong asawa!" sigaw ni Peso na ikinagulat ni Jamal.

"Aba't ikaw pa ang matapang? Matapos mong sirain ang pintuan ko." sabi ni Jamal.


"Ang tagal niyo dumating eh. Pagod na kami sa kakahintay kaya sinira ko."
sabi ni Peso na ang totoo tinatago lang niya ang takot mula sa lalaking kaharap niya na hamak na mas malaki sa kanya.

"Sinabi ko bang maghintay kayo?" sabi ni Jamal.

"Hindi. Pero dapat aware ka." sabi ni Peso habang nakatitig sa galit at nakakatakot na mukha ng arabo nasa harapan niya.


"Oh God! Kailangan ma-reverse ko ang sitwasyon kundi patay ako."
sabi ni Peso sa isip.

"Anong aware ako? Tresspasing ang ginawa niyong magkakapatid at kahit naman dayuhan ako may karapatan naman ako kahit paano. At iyon ay privacy ko." sabi ni Jamal.


"Anong privacy? Hindi ba dapat tayong dalawa! Privacy? Eh iyong akin nga sinira at kinuha mo!"
sigaw ni Peso na ikinakunot noo ni Jamal.


"Kailangan ko mabaligtad ang galit niya. Hindi siya puwede magalit dahil patay si Kuya Amon. Patay din ako kila lolo."
sabi ni Peso sa isip ng mabilis na nakaisip ng paraan.

"Anong tayong dalawa?" sabi ni Jamal na kumalma ng kaunti sa kaninang umaapaw na galit niya.

"Ayan ganyan nga Peso, minsan mo ng napaamo ang arabong iyan kaya magagawa mo maikot ang lahat." sabi ni Peso sa isip ng makitang medyo kumalma si Jamal.

"Tayong dalawa. Hindi ba pinahiram lang kita kay Katara noong manood kayo ng sine pero anong ginawa mo hindi ka na nagpakita sa akin." sabi ni Peso sabay lihim na cross finger.


"Anong hindi ako nagpakita? Nagtago ka. Ikaw ang umiwas at iniwan mo ako."
sabi ni Jamal.


"Iyan na Peso kaya mo iyan ibaliktad mo para hindi maputol ang ulo ni Amon at ikaw."
sabi ni Peso sa isip.

"Anong umiwas? Ganyan ka pala talaga. Mabuti na lang nasa Pinas na tayo dahil kung hindi baka pugutan mo ako ng ulo kasi madali ka nagsawa sa akin." sabi ni Peso.


"Anong ako?"
sabi ni Jamal na nalito sa sinasabi ni Peso.


"Malapit na Peso iligtas mo ang ulo ni Amon at ulo mo sa tagahukom."
sabi ni Peso sa isip.


"Ikaw? Ikaw talaga."
sabi ni Peso saka ito dumapa sa kama na ikinagulat ni Jamal.


"Peso, oras na gawin ang plano."
sabi ni Peso sa isip saka ito umiyak ng malakas.


"Ikaw. Pareho lang kayo ni Shiloh. Katawan ko lang ang hanap niyo, ang gusto niyo."
sabi ni Peso habang umiiyak


"Anong pinagsasabi mo?"
sabi ni Jamal na kumalmang tuluyang ng umiyak si Peso at hindi lang iyon dahil ng dumapa si Peso kita ang pisnge ng puwetan nito sa maikli nitong cotton shorts na lumihis.

"Naaksidente kami ni Shiloh dati kasi pinahawak niya ang titi niya. Nashock ako kaya ayon sumirko ang kotse na ikinabulag ko. At ngayon ikaw, ikaw na gusto ako panoorin ng sine." sabi ni Peso sabay baling kay Jamal at nanlilisik na mata na nagsalita.

"....para hipuan sa loob ng madilim na sinehan!" sigaw na umiiyak na sabi ni Peso.


"Ako?"
namimilog na mata na hindi makapaniwalang sabi ni Jamal na tuluyang bumaliktad ang sitwasyon.


"Bravo! Peso ikaw na talaga. Ngayon ituloy ang plano para sa isang milyon."
sabi ni Peso sa isip

"Oo ikaw. Gusto mo lang ang katawan ko. Mga ganyang uri ng lalaki na katulad mo kaparehas kay Shiloh gusto lang tumikim, gusto lang humaplos at gusto lang paligayahin ng palad ko." umiiyak na sabi ni Peso sabay taas ng palad nito.

"Huwag mo akong itulad sa ex mo. Langyang mga ex niyo iyan mga walang silbi." sabi ni Jamal ng biglang umiyak si Peso ng malakas.

"Huwahhhh! Mga ex? Nagkakamabutihan na kayo ni Katara. Lahat naikuwento na ba niya?" sabi ni Peso na napahawak ang mga kamay sa mukha habang umiiyak


"Katulong ko siya."
sabi ni Jamal.

Palihim na sumilip si Peso sa mga daliri niya habang umiiyak at nakasaklob iyon sa mukha niya.

"Mahal mo na? Kaya ba hindi mo na ako..... binalikan." sumisigok pang sabi ni Peso sa pag-iyak


"Ha?"
sabi ni Jamal na tila nagagaya na niya ang reaksyon ng mga Pinoy kapag hindi maunawaan ang lahat ng nagaganap at sitwasyon na kinasasadlakan tulad ngayon.

Inalis ni Peso ang mga kamay sa mukha saka ito tumayo at tumingin kay Jamal.


"Alagaan mo siya, at huwag mo ng ulitin na may masaktan ka pang iba. Tama na ako lang ang sinaktan mo at pinaasa. Kapag inulit mo ang pananakit. Ang ibig sabihin katulad ka rin nila Shiloh at Kuya Amon. Mapanakit, malupit, masakit... dito... dito.."
umiiyak na sabi ni Peso sabay turo sa dibdib bandang puso saka ito tumakbo palabas ng kuwarto ni Jamal.

Samantalang saktong papunta ang mga kapatid ni Peso at si Katara sa kuwarto ni Jamal kung saan dinig ang sigawan ng dalawa ng lumabas si Peso habang tumatakbo na umiiyak.

"Anong ginawa mo?" sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal na naiwang bukas ni Peso ang pintuan ng kuwarto ni Jamal.

"Ako? Wala.... wala akong ginawa." sabi ni Jamal na siya pa ang nakaramdam ng guilt sa tinging ipinukol ng mga kapatid ni Peso at ni Katara.

.............

NYC

"Anong sabi mo?" sabi ng abogado ni Shiloh sa boxing team na kinabibilangan niya.

"Kapag nanalo ako kay Peso niyo ibigay ang pera." sabi ni Shiloh ng puntahan nito ang opisina ng grupo.

"Okay ka lang?" sabi ng manager ni Shiloh.

Napatingin si Shiloh sa manager niya, bukod kasi sa coach niya may mga staff pa siya at ibang tauhan.

"Oo." seryosong sabi ni Shiloh.

"May utang ka ba sa kanya?" tanong ng manager ni Shiloh.

"Wala." sabi ni Shiloh.


"So, bakit sa kanya ipapangalan?"
sabi ng manager na tiyak naman na panalo si Shiloh sa laban.

"Para magkautang siya sa akin." napatiim na bagang na sabi ni Shiloh na ikinatingin ng grupo nito sa isa't isa.

"Makatikim man lang siya ng milyones bago ko siya pugutan ng ulo at sasakalin ko muna siya sa sarap para kapag napunta siya sa langit hindi na siya bababa pa para maghanap ng iba." sabi pa ni Shiloh na ikinakunot noo ng lahat.

"Nasobrahan ka ba ng energy drinks?" sabi ng manager.

"Bakit?" sabi ni Shiloh.

"Mukha ka kasing bangag." sabi ng manager na ikinatingin ni Shiloh ng matalim dito kaya umiwas ng tingin ang manager niya ng makuha pa ni Shiloh ikuyom ang kamao na tila gusto nito manapak.

Sa takot ng lahat na masapak ni Shiloh tulad ng coach nito na nakatulog nanahimik na lang ang lahat.

...............

April 26. 2023 4.40pm

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top