Kabanata 12 : Paggalaw ng Lahat

Kabanata 12 : Paggalaw ng Lahat

Isla Verde


Tahimik lang na binabaybay nila Jamal at Katara ang daan pauwi matapos umalis at iwan ang apat na magkakapatid sa waterfalls.

"Tahimik ha. May anghel ba." napangiting sabi ni Katara sa isip na tila nabibinga siya sa katahimikan.

Palihim na nagsusulyapan ang dalawa sa isa't isa wala ni sinuman ang gusto unang magsalita na tila nakaramdam ng pagkailang sa isa't isa sa halik na pinagsaluhan nila kanina sa harap ng lahat.

"Mali yata ang ginawa ko na halikan siya." sabi ni Jamal sa isip ng hindi maalis sa isipan niya ang halik nila ni Katara.

Napatingin si Katara sa baby niya, tulog na tulog na ito habang nakasiksik ang ulo sa dibdib niya. Samantlang si Jamal naman ay napapatingin ng pasimple sa mag-ina.

"Pagod ang baby ko ha." masuyong sabi ni Katara sabay halik sa noo ng sanggol.

Napangisi si Jamal ng makita ang suot ni Katara nakatapis pa rin kasi ito ng telang pinaglalagyanan kanina ng mga pagkain pero hindi alintana ng ina ng sanggol ang itsura nito.

"Kapag kasama niya ang anak niya wala na siyang pakialam. Siguro ganyan din siya kay Amon na hindi niya iniisip ang sarili niya kahit unti kung anong itsura niya sa mata ng iba."sabi ni Jamal sa isip.

"Hindi na gagala si Mama, pangako." nakangiting mahinang sabi ni Katara sabay amoy sa hininga ng sanggol na lagi niyang ginagawa pagkatapos dumede ng sanggol.

Napangiti naman si Jamal sa ginawa ni Katara dahil halos parehas silang ng ginagawa sa baby.

"Ang bango 'no?" nakangiting sabi ni Jamal na ikinaudlot sa muling paglapit ng ilong ni Katara sa bibig ng sanggol para amuyin ang hininga nito.

"Oo, amoy gatas." nakangiting sabi ni Katara.

"Inaamoy ko rin ang bibig niya pati ang leeg niya, kakaiba kasi ang amoy para nakakawala ng stress." sabi ni Jamal.

Napangiti si Katara saka nito muling inamoy ang bibig ng sanggol.

"Hmmmn. Alam mo ba kakaiba ang saya kapag ginagawa ko ito sa kanya. Hindi ko maipaliwanag na kasiyahan kapag naaamoy ko siya." sabi ni Katara.

"Ganyan nga." sabi ni Jamal ng ngumiti si Katara habang tinititgan ang anak nito.

"Anong ganyan nga?" sabi ni Katara sabay tingin kay Jamal.

"Maging masaya ka dahil maraming dahilan para maging masaya." sabi ni Jamal


"Oo tama ka at nalaman ko iyon sa araw-araw kong paggising na nakikita ko ang anak ko."
sabi ni Katara na ikinatingin ni Jamal dito.

"Gusto mo kumain?" sabi ni Jamal.

"Bakit ililibre mo ako?" birong sabi ni Katara na nakakaramdam na rin ng gutom.

"Oo ba." sabi ni Jamal dahil mula pa kahapon pag-uwi nila hindi pa kumakain si Katara na hindi naman ito nagrereklamo.

"Huwag mong iawas sa sahod ko." sabi ni Katara.


"Hahaha! Siyempre hindi. Libre nga di ba?"
natawang sabi ni Jamal.

"Para sigurado." natawang sabi ni Katara.

..................

Samantalang sa parking area matamang nag-uusap ang magkakapatid.

"Anong gagawin natin sa bahay niya?" sabi ni Won kay Peso ng sabihin nito na pupunta sila sa bahay ni Jamal para makipisan.

"Para sure na may spark kailangan gatungan pa natin." sabi ni Peso.

Matapos sila iwan nila Jamal at Katara sa waterfalls agad din nagligpit at umalis ang apat na magkakapatid.

"Anong plano mo?" sabi ni Dinar kay Peso.

"Akitin si Jamal tulad ng ginawa ko sa palasyo kung saan nakaligtas ako sa pagpugot ng ulo ko." sabi ni Peso sabay nakangiting haplos sa leeg niya.

Pasakay ang apat na magkakapatid sa kotse na nirentahan nila sa isla ng mga oras na iyon.

"Paano mo aakitin? Eh mukha ngang badtrip sa atin." sabi ni Euro.

"Alam niyo iyan si Jamal kahit na hukom iyan at namumugot ng ulo, gentleman iyan. Hindi niya ipapakita sayo kung gaano siya kasama. I mean, para siyang devil sa likod ng anghel. Nag-iisip siya ng kakaiba sayo pero iba ang ginagawa niya." sabi ni Peso.


"Oo tama ka, kaya kapag nabuweset iyan at malaman na ang ginagawa natin ay katumbas ng malaking kabayaran baka mapikon ng tuluyan iyan at ilabas ang latigo niya para hagupitin tayo."
sabi ni Won.

"Hahaha! Isa sa pagiging behave ni Jamal ay nasa Pinas siya na limitado ang galaw o kilos niya kaya naman ito ang tsansa para magawa ang plano at makalayas na tayo dito dahil ang anak ko hinihintay na ako makauwi." sabi ni Peso.


"Anak mo? O baka natatakot ka kay Shiloh?"
nakangising sabi ni Dinar na ikinataas ng kilay ni Peso.


"Excuse me, bakit naman ako matatakot sa kanya?"
sabi ni Peso

"Kasi nobyo mo siya, asawa, live in." sabi ni Dinar.

"Pasintabi sis ex ko siya, at kaya lang kami nagsasama dahil sa anak namin na hindi ko naman puwede ibigay dahil mahal ko iyon, plus sa utang na loob sa bioligical parents ng anak ko na dahilan na nakakakita ako ngayon ng malinaw." sabi ni Peso.


"Okay sabi mo eh."
sabi ni Dinar na nagkibit balikat na ikinangisi naman nila Euro at Won.

"Tsss! Tuloy ang plano bago matapos ang buwan na ito dapat bumabaga na ang dalawa, at sa susunod na buwan dapat lumiliyab na para makuha ko na ang bayad at ang bonus ko na pang-oopen ko ng negosyo ko." sabi ni Peso.


"Ang dugas dapat may bonus din kami."
sabi ni Won.

"Puwede naman kayo makipag-usap kay lolo Orion, kaso depende iyon sa iuutos sa inyo. Kasi ang akin ang bonus work ko ay akitin si Jamal na madali lang naman." sabi ni Peso.


"Wait. Parang lugi naman."
sabi ni Dinar.

"Anong lugi doon?" sabi ni Peso.

"Hindi ba pang-aakit na ito ginagawa natin apat, so papasok ang bonus mo sa ginagawa natin. Parehas lang naman ang gagawin mo so bakit may bonus ka?" sabi ni Dinar na hindi matanggap na may extra money na makukuha si Peso.


"Hindi parehas Sis kasi ang ginagawa nating apat panggugulo lang, at ang akin aakitin ko si Jamal para matuon ang atensyon ni Katara sa amin ni Jamal at mawala sa isip niya si Kuya Amon. So magkaiba iyon."
sabi ni Peso.


"Ahhh ganoon. Okay kakausapin ko si lolo Orion para may bonus din ako."
sabi ni Dinar.


"Okay, go. Tawagan mo ngayon tutal kasama nun si lolo Malic baka nagtotong its lang ang dalawang iyon."
sabi ni Peso.

Napangisi si Dinar saka nito kinuha ang cellphone.


"Sumakay na tayo sa kotse at sundan ang usok na nagmumula sa mag-amo."
sabi ni Peso.

"Ako magmamaneho." sabi ni Won.


"Okay, magpapaganda pa ako."
sabi ni Peso na ikinatingin ni Euro dito.

"Nagriring na." sabi ni Dinar ng magring ang cellphone ni Orion na ikinabaling ng tingin ni Euro dito.


"Huh! Sige tawagan mo si lolo Orion ako ang tatawagan ko si lolo Rico para mas malaki ang bonus ko."
sabi ni Euro na ikinatingin ng tatlo dito.

......................

Cave House, El Paradiso

"Nagriring ang cellphone mo." sabi ni Malic kay Orion na nakatutok sa baraha nito.

"Hayaan mo lang." sabi ni Orion.


Napakunot noo si Malic saka ito dinungaw ang cellphone ni Orion na madalas nasa mesa kapag naglalaro sila ng baraha.


"Uyyy! Si Dinar."
sabi ni Malic ng magulat dahil ilang missed na iyon na kanina pa nagriring.


Napatingin si Malic kay Orion ng hindi nagreact si Orion.


"Ikaw ha! Kaya tanda mo na mahilig ka pa rin sa bata. Lagot ka kay Garlic."
sabi ni Malic na ikinanlaki ng mga mata ni Orion.


"Siraulo! Hindi ako katulad mo. At puwede ba pamangkin ko iyan."
sabi ni Orion na napataas ang boses na tila galit ito.

Hindi naman nagpatinag si Malic sa galit na bumakas sa boses ni Orion.


"Ilang missed calls na iyan. Hindi mo sinasagot siguro kasi nandito ako 'no."
sabi ni Malic na ikinangisi ni Orion.


"Hindi ko sinasagot para mag-umapaw ang kagustuhan niya na makalamang o makapantay ang kapatid niya."
sabi ni Orion.


"Ano?"
sabi ni Malic.


"Alam kong alam na ng tatlo na may bonus na makukuha si Peso. Knowing Peso madaldal iyon walang lihim doon pagdating sa pera proud at dignified sa pagsasabi kung anong meron siya o makukuha niya mula sa pawis niya."
sabi ni Orion.


"So?"
sabi ni Malic.


"Kompetisyon, iyon ang magaganap sa apat na magkakapatid na kailangan ko para mapabilis ang lahat." sabi ni Orion na ikinababa ng baraha ni Malic saka ito sumeryoso.


"Ano ba talaga ang plano mo?"
sabi ani Malic.


Tumingin ng seryoso si Orion kay Malic saka nito binaba ang baraha na ikinatingin ni Malic sa baraha dahil muli panalo si Orion.

"Iligtas si Amon at magagawa ko iyon kung babalik siya sa atin. Hindi siya puwede tumagal sa palasyo kasi mamamatay siya. Hindi kanya ang puwesto at naniniwala ako may mga taong papatayin siya kapag hindi siya bumaba." sabi ni Orion.

"Kaya gagamitin mo si Jamal para pagselosin ang apo natin ng sa ganoon bumaba at puntahan si Katara?" sabi ni Malic.

"Hindi." sabi ni Orion.


"Eh, ano?"
sabi ni Malic.


"Gusto ko maibaling ni Katara ang atensyon kay Jamal. Tulad ng naganap sa inyo ni Venus. Ang pagkakaiba nga lang patay na ang ex ni Venus kaya no choice siya sayo."
sabi ni Orion na ikinanlaki ng mata ni Malic.

"Uy! Ang tibay mo. Pogi naman ako, matalino, plus mayaman din ako. Parang sinasabi mong panabla ako kaya ako pinakasalan ni Venus." sabi ni Malic na ikinangisi ni Orion.


"Tama. Panabla, magiging panabla si Jamal pero tulad mo magwawagi siya bilang panabla."
sabi ni Orion.


"Wait, sabi mo para kay Amon pero bakit para kay Jamal ang pinatutunguhan mo."
sabi ni Maic.


"Ang totoo wala akong alam tungkol sa palasyo pero ng makita ko si Jamal at malaman kay Peso kung sino ito nagkaroon ako ng pagdududa, at ang pagdududa na iyon gusto ko maalis para sa kaligtasan ng mga apo ko."
sabi ni Orion.

"Anong ibig mongsabihin?" sabi ni Malic


"May malaking parte si Jamal sa palasyo bilang ministro at puputulin ko ang negatibong naiisip ko para sa kanya sa pamamagitan ng pagdugtong niya sa grupo natin ng walang kawala."
sabi ni Orion.


"Walang kawala so ang balak mo pagpartnerin sila Jamal at Katara? Paano si Amon?"
sabi ni Malic.


"Matututo siya sa gagawin ko o sa.... magaganap base sa gagawin ng mga taong nakapalibot ngayon kay Jamal at Katara."
sabi ni Orion.

"Tingin mo magiging okay ang lahat?" sabi ni Malic.

"Depende." sabi ni Orion.


"Depende? So hindi ka sure so bakit mo gagawin ang plano mo? O anong puwedeng resulta?"
sabi ni Malic.

"Sugal." sabi ni Orion sabay kuha sa baraha at inayos iyon para balasahin.


"Sugal?"
sabi ni Malic.


"Susugal uli ako, para maiuwi at mailigtas si Amon sa kamay ng mga taong lihim na ipapapatay siya." sabi ni Orion.


"Naroroon si AJ, wala ka bang tiwala na babantayan niya si Amon? O baka sa isip mo si Aj ang magpapapatay sa kapatid niya."
sabi ni Malic.

"Hindi at hindi rin uupo si AJ." sabi ni Orion.

"Ano? Sinabi ba niya sayo? Pero asawa siya ni Hestia, ang totoong reyna." sabi ni Malic.


"Wala siya sinabi sa akin pero iyon ang naiisip ko base sa ginagawa ni Aj."
sabi ni Orion.


"Paano mo naman nasabi?"
sabi ni Malic.

"Hindi pa niya pinapakasalan ng tunay at legal si Hestia na imposible di ba. Ang kasal nila sa ikalawa ay hindi rehistrado at hindi alam ni Hestia." sabi ni Orion.


"Ayos ha. Talagang tiningnan mo at tsinek."
sabi ani Malic.

"Malamang dahil kailangan iyon." sabi ni Orion.

"Baka may balak siyang iba. Ganoon naman si Aj malihim." sabi ni Malic.

"Tama, at sa pagkamalihim niya wala tayong alam kong anong puwedeng mangyari." sabi ni Orion sabay dampot ng cellphone nag magring uli iyon.


Napatingin si Malic kay Orion na ikinatingin ni Orio dito.

"Kaya gagawa ako ng paraan para maprotektahan ang lahat ng apo ko kahit anong mangyari." sabi ni Orion saka nito sinagot ang tawag.


"Hello."
sabi ni Orion.


"Salamat lolo sinagot mo rin."
sabi ni Dinar na ikinangisi ni Orion dahil sa apat na magkakapatid si Dinar ang kakaiba ang kakulitan.

"Bakit ka napatawag?" sabi ni Orion.

"Bonus. Pahingi akong bonus dahil si Peso may bonus kaya dapat ako din." sabi ni Dinar na ikinangiti ni Orion dahil ang ugali ni Dinar ay pinaghalong Shadow at Adira.


"Okay, bibigyan kita pero ikaw ang mag-iisip kung paano magpapakasal ang dalawa sa loob lamang ng walong buwan."
sabi ni Orion na ikinanlaki ng mata ni Malic at ikinatahimik ni Dinar sa kabilang linya.


"Kapag nagawa mo, bibigyan kita ng bonus. Okay?"
sabi pa ni Orion ng manahimik si Dinar.


"Baka magalit si Kuya Amon."
sabi ni Dinar.

"Siya ba talaga ang inaalala mo, o ang sarili mo?" sabi ni Orion na ikinakunot noo ni Malic at ikinatahimik ni Dinar s akabilang linya.

"Manang mana kay Shadow, gusto ng reserba." sabi ni Orion sa isip.

"Okay sige, gagawin ko." sabi ni Dinar na ikinangiti ni Orion.

"Okay. Good luck." sabi ni Orion saka nito binaba ang tawag.

"Pinaglalaruan mo sila." sabi ni Malic ng maibaba ni Orion ang tawag.

"Sila ang naglalaro sa mga sarili nila, hindi ako." sabi ni Orion.

"Lolo!" sigaw ng tinig na ikinatingin ng dalawa.

"Bakit ka nandito?" gulat na sabi ni Malic ng makita si Strawberry.

"Para ikiss ko po kayo." sabi ni Strawberry sabay yakap kay Malic at halik. Matapos nito halikan at yakapin si Malic pumunta ito kay Orion.

Napatingin si Orion sa apo na nakangiting hinalikan siya.


"Kasama ko sila Tito Burn."
sabi ni Strawberry


"Nasaan ang Papa mo?"
tanong ni Orion.


"Wala po siya, umalis."
sabi ni Strawberry.


"Ang Mama mo?"
sabi ni Orion.


"Nasa Infinity."
sabi ni Strawberry na ikinatingin ni Orion kay Malic.

......................

Green Island Jail

"Hindi siya puwede bumalik." sabi ng Tattoos kay AJ.

"Ako ng bahala." sabi ni AJ.

"AJ, hindi mo ba kakausapin si Amon?" sabi ni Tattoos.

"Hindi," sabi ni AJ habang nasa loob ng selda ni Tattoos ang dalawa.

"Bakit hindi? Hindi siya puwede doon, hindi siya Canmore malupit ang parusa ang ipapataw sa kanya kapag nagsimula makialam ang mga loyal na kakampi ng mga Canmore." sabi ni Tattoos.

"Walong buwan" sabi ni Aj.

"Anong walong buwan?" sabi ni Tattoos

"Ang hinihintay nila bumalik ay ang hukom na hindi mangyayari kaya walang papatay kay Amon. Sa walong buwan magdedesisyon ang hukom na hindi siya babalik." sabi ni Aj.


"Imposible na hindi bumalik ang hukom."
sabi ni Tattoos.

"Posible." sabi ni Aj.

"Aj, gusto mo ba patayin si Amon?" sabi aani Tattoos na ikinatingin ni Aj dito.


"Oo."
sabi ni Aj.

"Ano? Aj, hindi ikaw iyan." sabi ni Tattoos na ikinangiti ni AJ.

"Mamamatay siya pero hindi ako ang gagawa. Mamamatay siya habang buhay siya."sabi ni Aj.

"Anong ibig mong sabihin?"sabi ni Tattoos.

"Gumagalaw sila kahit hindi ako gumalaw. Ang pagtapak ni Jamal sa Tres Islas ay isang maling hakbang dahil ang lugar na iyon ay pinamamahalaan ng mga ganid na kagrupo ko. Bawal siya doon, kaso pumasok siya sa patibong.

Patibong na hindi siya makakalabas dahil sa paggalaw ng lahat. At sa paggalaw ng lahat makikita ni Jamal ang magiging priority niya. Ang katarungan o pagmamahal na mabubuo kasama ng babaeng marupok." nakangitig sabi ni Aj.

...................

Isla Traquilo.


"Hindi puwede."
sabi ni Umiko sa ama.

"Kailangan natin ibigay ang kapirasong lupa kay Jamal." sabi ni Aqua sa anak

"Pero Dad, kapag pumayag ka na makisosyo siya sa minahan nila tita Winter may posibilidad na pumasok ang iba. Ang ginagawa ni kuya Bronze ay pagsulyap ng iba sa loob ng grupo." sabi ni Umiko.

"Maliit na lupa lamang iyon ng minahan." sabi ni Aqua.

"Maliit na puwedeng lumaki. Si Kuya Bronze ang nag-udyok na ibenta kay Jamal ang lupa. Hindi ba kayo nagtataka?" sabi ni Umiko.

"Anong pagtataka?" sabi ni Aqua.


"Na baka magkakilala talaga ang dalawa. Dad, alam natin na galing si Bronze sa isang magulong pamilya. Nakapunta siya ng Stem at imposible na hindi niya kilala si Jamal na taga Palasyo."
sabi ni Umiko.

"Okay puwede ang sinabi mo kaya nga mas lalo natin bantayan si Jamal at si Bronze ng sa ganoon, ang lupa ng isla Traquilo ay manatili ang lawak na pag-aari natin." sabi ni Aqua.


"Pero papapasukin mo siya sa islang si Lolo Rain ang unang nakakita."
sabi ni Umiko.

"Papasukin natin para sa paglawak natin, dahil si Jamal ay may katungkulan sa palasyo na dapat natin hawakan para sa kapangyarihan na hawak niya." sabi ni Aqua na ikinahingang malalim ni Umiko.


"Okay sige, kung iyan ang tingin mo pero hanggang doon lang iyon dahil hindi ako papayag na ang pinaghirapan ni lolo Rain ay mawala na ganoon kadali."
sabi ni Umiko na ikinangitia ni Aqua.

.........

Isla Verde

"Anong sabi ni lolo Orion sayo?" tanong ni Won kay Dinar.

"Mukhang gusto subukan ni lolo Orion ang galing ko, puwes hindi lang walong buwan kundi paiikliin ko pa." napangising sabi ni Dinar na hindi sinagot ang tanong ni Won

Napatingin naman ang tatlong kapatid ni Dinar sa isa't isa.

.................

April 26. 2023 9.09am

Fifth Street

..........

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top