Kabanata 11 : Magkatulad


Kabanata 11 :  Magkatulad


"Tsss! Pinakita niya ang susuutin niya sa swimming. Ayos talaga! Hindi daw handa tapos ayaw daw niya mamilit pero heto mukhang magbobold sa waterfalls sa kakapiranggot na trunks na susuutin niya." sabi ni Katara sa isip ng makita ang hawak ni Euro.

"Jamal, naibigay mo ba sa kanya?" sabi naman ni Peso na ikinatingin ni Katara kay Peso ng magawa pa ni Peso hawakan ang mukha ni Jamal para ang mata nito at buong atensyon ay mapunta kay Peso.

"Oo. Nilapag ko sa paanan ng kama niya." nakangiting sabi ni Jamal kay Peso.


"Suntukin ka sana ni Shiloh."
sabi ni Katara sa isip ng makita kung paano titigan ni Jamal si Peso.

"Mabuti." napangiting sabi ni Peso.

"Nang-aakit ba siya?" sabi ni Katara sa isip ng makita ang ginagawang pagngiti at pagtitig ni Peso na ginagawa lang nito sa sixtuplets noong nobyo ni Peso ang anim.

"Baka hindi niya makita." mapang-akit na sabi ni Peso na ikinatitig ni Jamal sa dalaga.

"Makikita niya ang binigay mo." sabi ni Jamal na ikinangiti ni Peso.

"Magbihis ka na!" sigaw naman ni Won kay Katara na ikinaigtad ni Katara habang nakatitig kay Jamal at Peso

"Oo." sabi ni Katara na hindi niya alam kung bakit niya sinabi ang katagang iyon.

"Hala! Hindi dapat ako sasama pero bakit ako umoo." sabi ni Katara sa isip.

"Naiinip na ang baby mo at... ako na rin." sabi ni Dinar na ikinatingin ni Katara dito pero nagulat si Katara ng alisin ni Dinar ang inaakala niya kaninang two-piece swimsuit, dahil sa pag-alis ni Dinar ng sando tumambad ang bra na suot nito o kung bra iyon kasi tingin niya nakasuot na ito ng two-piece swimsuit.

"Whoah." mahinang sabi ni Jamal pero narinig iyon ni Katara kung paano hindi niya alam kung bakit malinaw niyang narinig ang katagang iyon.

Napatingin naman ng pasimple si Peso kay Katara saka ito lihim na napangiti.

"Marupok ka nga, at dahil doon magagamit ko iyon para mainlove kang tuluyan. Madali lang ito." napangiting sabi ni Peso sa isip ng makita ang reaksyon ni Katara habang nakatingin ito kay Jamal.

......................

Umalis si Katara sa harap ng bintana saka ito nagtungo sa kama at ng makita niya ang sinasabi ni Peso kay Jamal agad niya iyon kinuha. Nakalagay iyon sa mamahaling tatak ng paperbag na amoy pa na galing ibang bansa.

"Ano ito?" sabi ni Katara, madalas siyang bigyan ng regalo kay Amon, Hades o kahit kay Aj mamahalin ang mga iyon pero hindi niya tinatanggap.

Binuksan ni Katara ang paperbag at inilabas ang laman ng magulat ito sa laman ng paperbag.

"Uyyy! Gagang Peso iyon." sabi ni Katara na sa gulat naitapon niya sa lapag ang laman ng paperbag.

"Katara! Bilisan mo!" sigaw ni Won.

Napatingin si Katara sa lapag saka ito kinuha muli ang laman ng paperbag.

"Sabagay, dyahe naman kung nakat-shirt lang ako." sabi ni Katara sa isip saka ito pumunta ng banyo para mag-ayos.

......................

Isla Verde, Waterfalls

"Akin na siya, makisali ka na sa kanila." sabi ni Katara habang kanina pa hindi binibitawan ni Jamal si Amonia kahit na nasa kotse sila. Si Won kasi ang nagmaneho ng kotse ni Jamal kaya hindi rin niya makuha ang sanggol kay Jamal.

"Ikaw ang makisali kasi ako lang ang lalaki diyan." sabi ni Jamal.


"So?"
sabi ni Katara.


"Babae ka, kaya ikaw ang sumali sa kanila at makipagbonding."
sabi ni Jamal.


Nakaupo ang dalawa malapit sa waterfalls kung saan nakahanda na ang mga pagkain na pinabaon sa kanila kahapon. Ininit lamang nila iyon.

"Ikaw ang pinunta nila kaya ikaw dapat ang makisama sa kanila." sabi ni Katara at akmang kukunin nito si Amonia ng ilayo iyon ni Jamal.

"Ikaw na." sabi ni Jamal.

Napatingin si Katara kay Jamal kanina pa nito karga ang anak niya o tingin nga niya kagabi pa.

"Katara, maligo tayo!" sigaw ni Dinar na sa apat ito ang naghubad ng shorts at tanging two-piece swimsuit ang suot.

"Halika na." sabi ni Won na kahit naman nakasuot itong shorts naka-two-piece din ito kaya parang bra lamang ang suot nito at shorts ganoon din sila Euro at Peso.

"Ikaw Jamal, ilapag mo na si Amonia hindi iyan mawawala." sabi ni Peso.

May dala naman kasi silang crib at may pandong din iyon.

Napatingin si Katara kay Jamal ng mapakunot ang noo ni Katara ng may mapansin sa lalaki.


"Hindi na."
sabi ni Jamal na kanina pa rin napapansin ni Katara na nakatingin lang sa apat na babae na nagtatampisaw sa tubig na tila mga Diyosa sa kagandahan at kaseksihan.

Marami din tao sa lugar at lahat nakatuon ang pansin sa apat na dilag.

"Minsan lang ito." sabi ni Euro.

Sa kaunting paggalaw ni Jamal napangisi si Katara ng makumpirma ang napansin kanina.


"Ayos! Tinatalaban ka pero pinipigilan mo."
sabi ni Katara sa isip ng may maisip na kapilyahan.

Napatingin si Jamal kay Katara ng mapansin na nakatingin ito sa kanya. Sa limang babae kasi si Katara lang ang nakasuot ng mahabang t-shirt at maikling shorts na tumabing naman ang mahabang pang-ibaba nito kaya tila nakasuot lamang ito ng duster.

"Ayaw mo makijoin?" sabi ni Katara kay Jamal.

"Ayaw." sabi ni Jamal


"Ayos ha. Magaling ito sa pagpipigil kaya siguro naging hukom."
sabi ni Katara sa isip.

"Sure ka? Ako ang makiki-join? Tutal init na init na init na ako." nakangiting sabi ni Katara na may kapilyahan.

"Oo." sabi ni Jamal sabay ayos sa pagkakaupo nito at pagkakarga sa sanggol.

"Huh! Ginagamit mo pa ang anak ko sa pagtitimpi mo para pagtakpan ang ebidensya." sabi ni Katara sa isip.

"Okay." sabi ni Katara saka ito tumalikod kay Jamal


"Jamal, halika na!"
sigaw ni Dinar na ikinangisi ni Katara dahil sa apat si Dinar ang halatang nang-aakit kay Jamal at hindi siya magtataka kung ito ang angat sa apat kaya ganoon ang reaksyon ni Jamal na inililihim nito.

"Mamaya na daw siya, ako muna ang makiki-join." sabi ni Katara na ikinatingin ng apat na magkakapatid sa isa't isa.

Naglakad so Katara papalapit sa apat ng biglang nagsalita si Peso.


"Hindi ka maghuhubadng pang-ibabaw mo? Lahat ng nandito nakasuot ng swimsuit."
sabi ni Peso, na ikinatingin ni Katara sa paligid at muli napangiti ng lihim si Katara dahil ngayon lang niya nahinuha na hindi lang pala ang apat na magkakapatid ang puwedeng tinitingnan ni Jamal dahil may ibang tao pa sa waterfalls bukod sa kanila.

May mga foreigner pa na alam niyang kahit limitado lamang ang bilang ng mga dayuhan na bumibisita sa Isla Verde para mapanatili ang ganda at katahimikan ng lugar na para sa kanya magandang pamamalakad ni Steven Tuazon. Dahil makikita ng malaya ang mga mukha ng mga dayo.

"Okay." sabi ni Katara saka ito naghubad ng mahabang t-shirt na ikinangisi ng apat na magakakapatid.

Napatingin naman si Jamal kay Katara at nagulat ito sa hindi inaasahan na suot ng ina ng sanggol na hawak niya.

"Nice, kaya pala siya nagustuhan ni Kuya Amon." bulong na sabi ni Won ng maialis ni Katara ang suot nitong mahabang t-shirt.

Nakasuot si Katara ng one-piece swimsuit pero backless style iyon at at kita kaunting skin sa tiyan. Namumutok ang dibdib nito dala marahil na nagpapa-breastfeed pa ito.

Napalunok naman si Jamal ng makita si Katara.

"Mabigat ang shorts mo, hubarin mo na." sabi ni Peso na ikinatingin ni Katara dito.


"Ano? Ayoko nga."
sabi ni Katara dahil ang two-piece swimsuit na binigay ni Peso ay bikini style kaya ang kaya lang niya dalhin ay ang taas niya na para sa kanya sulit na.

"Malakas ang current ng tubig baka mahirapan ka." sabi ni Peso.

"Kaya nga Katara mabigat iyan shorts mo, hindi tulad sa amin na beach shorts talaga kaya magaan.." sabi ni Euro.

"Ayoko nga." sabi ni Katara.


"Hindi ka naman mapapansin kasi tubig na. Kahit dito ka na maghubad para ma-enjoy mo naman."
sabi ni Dinar.

"Ayaw." sabi ni Katara.


"Okay bahala ka."
sabi ni Peso.

Napangiti si Katara ng hindi na siya kulitin ng apat pero sa paglubog niya sa tubig nagulat siya ng malakas nga ang puwersa ng tubig kung nasaan sila.


Napangisi si Peso dahil ang parte ng ng waterfalls kung nasaan sila ay malakas ang current ng tubig na sinadya niyang doon sila pumuwesto.


"Ayos ka lang?"
sabi ni Peso na hindi nagpahalata sa nakikitang paghihirap ni Katara.

"Tsss. Ignorante nga ito. Laking dagat pero maong ang isinuot." mahinang sabi ni Dinar kay Won.

"Okay lang iyan para matapos na ang trabaho natin. Ang pagkaignorante niya ay magagamit natin." sabi ni Won sa mahinang tinig.

"Sa---sandali. Maghuhubad na ako tutal nasa tubig na ako." sabi ni Katara na ikinangiti ng lihim ng apat na magkakapatid.


Hinubad ni Katara ang maong na shorts saka iyon malakas na hinagis sa puwesto ni Jamal.


Napatingin naman si Jamal sa shorts na nasa lupa na itinapon ni Katara.

"Okay na?" sabi ni Peso.


"Oo, ang galing. Okay nga."
sabi ni Katara na napangiti.

Nagsimula maghuntahan ang limang babae habang nakamasid lang si Jamal, pero ilang sandali lang ng umungot si Amonia na ikinatingin ni Katara

Mabilis naman na hinanap ni Jamal ang baby bag pero wala ito roon.

Napangisi si Peso dahil ng ipasok ni Jamal ang baby bag ni Amonia agad niya inalis sa kotse nito ng palihim.

"Sandali pupunta lang ako sa kotse." sabi ni Jamal.


"Bakit?"
sabi ni Won.


"Kukunin ko ang baby bag."
sabi ni Jamal


"Wala ng gamit doon iyan na lahat."
sabi ni Won.

"Ano? Imposible." nagtakang sabi ni Jamal.


"Tama si Won kami nagbitbit at nagpasok ng lahat ng gamit sa kotse mo, at wala ka naman nilagay doon na baby bag."
sabi ni Euro.

Napatingin si Katara sa anak na malakas ng umiiyak dala ng gutom at halatang naiinip na ito dala ng maalinsangang panahon kahit na nga ba mahangin sa lugar na iyon.

"Imposible." mahinang sabi ni Jamal saka ito napatingin kay Katara na nakatunghay sa anak nito, at ilang sandali pa ng pumalahaw ng malakas ang sanggol na ikinaigtad ni Katara at mabilis itong humango sa tubig.

"Ohhh." usal ni Jamal ng makita ang suot ni Katara.

Napangisi naman ang apat na magkakapatid ng hindi lang si Jamal ang napatingin kay Katara na ganoon ang reaksyon.

Dahil ang kaninang mga lalaking nakuhanan ng atensyon ng apat na magkakapatid ay ngayon nakabaling na kay Katara.

"Ma nawe almalabis alati tartadiha?! (Anong klaseng suot iyan?)" sigaw ni Jamal sa ibang lengguwahe na ikinahinto ng lahat pero hindi si Katara na mabilis na kinuha ang bata kay Jamal.

"Gutom na ikaw? Dito na si Mama." masuyong sabi ni Kataraa anak na lalong ikinanlaki ng mga mata ng lahat at ikinagulat ng apat na magkakapatid ng mabilis na ilabas ni Katara ang kanang dibdib nito at isinalampak sa bibig ng sanggol

"Fuck." mahinang pagalit na sabi ni Jamal na mabilis na hinarang ang katawan sa mag-ina

Napamura pa muli si Jamal ng makita ang likuran ni Katara dahil kita na ang buong pisnge ng puwetan nito na tila wala ng pakialam ang babae kung makitaan ito dahil nakapokos na ito sa pagpapadede sa anak nito.

"Tapos." nakangising mahinang sabi ni Peso sa mga kapatid ng ang sumunod na gawin ni Jamal ay kunin ang tela na pinaglalagyan ng pagkain at mabilis iyon tinapis sa likuran ni Katara.


Uyyy! Sayang ang mga food."
sabi ni Euro ng tumaob ang mga lalagyanan ng pagkain sa paghawi ni Jamal sa telang nasa ilalim ng mga pagkain.


"Mauna na kami umuwi."
seryosong sabi ni Jamal na ikinaiwas ang tingin ni Peso.


Napatiim ng bagang si Jamal ng makita ang reaksyon ni Peso na tanging umiwas ng tingin sa magkakapatid sa kanya.


"Bakit kayo uuwi?"
sabi ni Dinar.

"Nalimutan ko ang baby bag." napatiim na bagang na sabi ni Jamal kay Dinar pero kay Peso ito nakatingin.


"Kami na lang ang babalik."
sabi ni Won.

"Hindi na." sabi ni Jamal sabay tingin kay Peso


"Sa lahat ng ayaw ko iyong pagkakatiwalaan ko ang isang tao pero sa huli ilalaglag ako sa bagay na hindi ako."
sabi ni Jamal na ikinatingin ni Pesoat ni Katara kay Jamal.

Pagtingin ni Katara kay Jamal saktong bumaling ang tingin ni Jamal kay Katara.

Napaiwas ng tingin si Katara pero agad hinawakan ni Jamal ang baba nito saka ito pinatingin sa kanya.


"Dapat ako naghanda kasi ako ang nanay."
nakokonsenyang sabi ni Katara sa inaakalang para sa kanya ang sinabi ni Jamal na ikinangiti ng binata.


"Kaya ka naloloko kasi napakainosente mo. Kaya ka nila pinagmamalabisan kasi ignorante ka sa mga bagay na dapat alam mo na, sa edad mo."
sabi ni Jamal na ikinamula ng mukha ni Katara.


"Siguro, kasi may mga bagay na wala akong pakialam kahit na masira ako basta maging okay ang mahal ko, bagay na ginawa ko kay Amon na hindi niya sinuklian kahit alam niyang may bunga ng pagmamahal ko."
napaluhang sabi ni Katara na halatang nasaktan ito sa sinabi ni Jamal.

Napangiti ni Jamal at nagulat ang lahat ng ilapat ni Jamal ang labi nito sa labi ni Katara saka ito hinalikan na ikinasinghap ni Katara.

"Hmmmn." ungol na sabi ni Katara ng sumayad ang labi ni Jamal sa labi niya na nagawa nitong idampi kahit na alam nitong nagpapadede siya ng sanggol na nasa gitna nilang dalawa.

"May One M ako bilang bonus kay lolo Orion." mahinang nakangiting sabi ni Peso na ikinatingin ng tatlong kapatid dito.


"Uyyy! Bakit ikaw lang?"
sabi ni Dinar.

"Kasi, ako ang magbibigay kinang sa nalusaw na pagmamahal." nakangiting sabi ni Peso sa mahinang tinig.

Huminto sa paghalik ng banayad si Jamal kay Katara na ikinamula ng mukha ng babae.

Nagkatitigan ang dalawa na ikinausal ni Jamal.


"Sabi ko kagabi, oras na para maging masaya ka. Hindi ko gagawin na tulungan ka dahil sa awa, kundi tingin ko nagtagpo tayo. Ikaw na niloko, at ako na niloloko."
sabi ni Jamal na ikinakunot noo ni Katara.

Napabaling ang tingin ni Jamal kay Peso na ikinaiwas uli ng tingin ni Peso ng tumingin si Jamal sa kanya.

"Sige lang, lumapit kayo sa akin para makita niyo ang pagbagsak ng hari." sabi ni Jamal sa isip.

"Tulog na siya." sabi ni Katara sa mahinang tinig ng makitang tulog na si Amonia.


Napangiti si Jamal saka nito inayos ang damit ni Katara na ikinamula ng mukha ni Katara.

"Okay lang magpakita ng boobs kung ito ay para sa pagpapa-breastfeed ng sanggol pero huwag mo ng uulitin na gawin ito sa maraming tao dahil hindi lahat ay mauunawaan ka, bagay na makakasakit ulit sayo ang bibitawan nilang salita.

Maraming paraan para magawa mo ang pagmamahal katulad ng pagtabing. Pagmamahal sa sarili mo na hindi ka nila makikita at pagmamahal sa baby mo para pakainin siya." nakangiting sabi ni Jamal na ikinangiti at tango ni Katara.

"Opo, ministro." birong nakangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"One M para kay Peso."
nakangiting sabi ni Peso sa isip.

"Kailangan kami din merong one M." sabi nila Dinar, Euro at Won sa mga isip ng mga ito ng hindi maalis ang bonus na sinabi ni Peso kanina.

...............

April 25. 2023 7.29pm

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top