Kabanata 1 : Kalayaan


Kabanata 1 : Kalayaan

Months later


"Ahhhh! Ayoko!" sigaw ni Katara ng humilab ang tiyan niya.


"Hahaha! Bumukaka ka para makuha ko ang anak mo."
natatawang sabi ni Jamal kay Katara.


"Ahhhh! Ayaw ko! Iyong puday ko makikita mo!"
sigaw ni Katara na lalong ikinatawa ni Jamal.

"Hahaha! Alangan naman sa bunganga mo ilabas at kunin ko ang anak mo." natawang sabi ni Jamal habang nag-aalala ito ng lihim kay Katara dahil pinagpapawisan na ang dalaga ng malapot, namumutla at kanina pa ito kinakabahan dahil unang panganganak nito na pangkaraniwan sa nararamdaman ng babae sa unang pagbubuntis pero dahil sa mga naging karanasan ni Katara sa pagdadalangtao mas mahihirapan siya kumbinsihin ito na siya ang magpapaanak dito.

"Hatiin mo na lang ang tiyan ko." sabi ni Katara na halos mabiak ang ulo niya sa sakit ng paghilab ng tiyan niya.


"Relax ka lang."
sabi ni Jamal na sumeryoso.

"Tawagin mo ang babaeng doctor." sabi ni Katara na kahit alam niyang malabo ayaw naman niyang lalaki ang magpapaanak sa kanya.

Napahingang malalim si Jamal, malayo pa ang due date ni Katara iyon ay base sa lab sa Japan kung saan huling nagpacheck-up si Katara pero sa nakikita niya mali ang kalkulasyon ng Lab. Wala naman kasing OB-Gyne roon kundi si Alex lang na hindi na pumupunta sa naturang lugar.

"Ang sakit-sakit na." napaiyak na sabi ni Katara habang nakahiga ito sa sofa na hindi naman magawang hawakan ni Jamal para ilipat sa kama dahil nagwawala si Katara na halatang may phobia ito sa mga naganap dito kamakailan.

"Kailangan ko si Amon!" sigaw ni Katara na ikinatitig ni Jamal sa babae dahil bigla itong nakaramdam ng paghihilab ng tiyan ng mabalitaan nitong nabaril ang ina ni Amon na si Diez at ngayon ay naghihingalo sa hospital ng bansa ng mga Canmore.

"Ahhhh!" sigaw muli ni Katara na ikinalapit ni Jamal sa dalaga.

"Kumalma ka muna at makinig ka." malamyos na sabi ni Jamal na ikinadilat ng mga mata ni Katara.

"Tawagan mo si Amon." lumuluhang sabi ni Katara.

Napatitig si Jamal sa dalaga, hindi niya inaasahan na makikita ito sa bansang iyon kung saan dinala siya ni Peso. Ang akala nga niya mamamatay na ito sa kalagayan nito sa Palasyo.

Ilang araw, linggo o baka buwan na nga mula ng imbitahan niya ito manood ng sine at mula doon naging okay naman sila bilang magkaibigan. O magkaibigan nga ba talaga dahil hindi naman siya kinakausap ni Katara bilang kaibigan. Pormal kasi ito sa kanya o tipong kakilala lang at walang koneksyon.

"Katara, iyong anak mo muna ang unahin mo. Mamamatay iyan kapag hindi mo nalabas. Pinipigilan mo siya masilayan ang mundo na pinagkait at pinagkakait sayo ng ex mo." sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara kay Jamal.

"Umalis ka harap ko." sabi ni Katara.


"Ilalabas ko ang anak mo, wala akong gagawin sayo ng kahit ano na tingin mo masama o ayaw ng katawan mo."
sabi ni Jamal.

Napasigok si Katara saka ito umusal


"Makikita mo ang puday ko."
umiiyak na sabi ni Katara na tila ito bata na ikinangiti ni Jamal.


"Isipin mo na lang iyong anak mo, doctor naman ako tutulungan kitang ilabas siya at tutulungan natin siya makalabas sa tiyan mo."
sabi ni Jamal.


"Kaya mo? Hindi mo siya sasaktan? Hindi po siya pupugutan ng ulo?"
lumuluhang sabi ni Katara

"Hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Jamal sabay pasimpleng hinaplos ang kamay ni Katara para kumalma ito.

"Baka patayin mo na siya. Baka pugutan mo ng ulo." umiiyak na sabi ni Katara na bumakas ang takot sa mukha nito na ikinalunok ni Jamal ng makaramdam ng habag sa babae.

"Hindi ko gagawin." sabi ni Jamal.

"Huwag mo siyang kunin ha, huwag mong itago." sabi pa ni Katara.

"Hindi. Sa ngayon bumukaka ka na para makalabas na siya, kasi kapag umikot na iyan sa loob ng tiyan mo mahihirapan tayo lalo mailabas siya." sabi ni Jamal.

"Huwag mong dadalhin sa Cheung Hospital baka kunin ni Amon baka itago niya." umiiyak na sabi ni Katara.


"Hindi. Hindi ko siya bibigay at hindi kita dadalhin doon basta makinig ka sa akin. Tulungan mo ako para makalabas ang baby mo."
sabi ni Jamal na ikinatango ni Katara pero umusal ito.

"Iyong puday ko ha. Secret lang natin, si Amon lang nakakita niyan, at..... ikaw." sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal dahil hindi naman nagsagawa ng medical exam sa lab si Katara na pinadaan sa puwerta nito kaya nga nahirapan din sila Aj at Borealis kung paano kukuhan ng check-up si Katara.

Ayaw kasi ni Katara ang lalaking doctor at wala naman babaeng OB sa lab.


"Okay secret lang natin."
sabi ni Jamal.

"Ahhhhh!" napahiyaw na sabi ni Katara ng makaramdam ng matinding sakit at wala sa loob na naibuka nito ang mga hita na agad na ikinapuwesto ni Jamal.

Mabilis na inalis ni Jamal ang panloob ni Katara at napangiti ito ng sa muling paghiyaw ni Katara dumaosdos ng sanggol sa puwerta nito kasabay ng maraming likido na lumabas sa bahay-bata nito.

"Bingo!" sigaw ng kung sino kasabay ng malakas na palahaw ng sanggol kahit hindi pa ito pinapalo.

Napatingin si Jamal at nagulat ito ng makita si Shiloh at Peso.


"Sakto!"
natawang sabi ni Peso sabay lapit kay Jamal.


"Anong ginagwa niyo dito?"
sabi ni Jamal habang hawak na nito ang bata na may pusod pa na nakadugtong kay Katara.

"Hinanap ka namin at sa galing namin bilang S.A natagpuan ka namin at sakto ang pagmulat ni Ammonia ay nasaksihan namin." sabi ni Shiloh.

"Patingin ng baby namin." sabi ni Peso.


"Anong baby niyo?"
sabi ni Jamal na napatingin kay Peso dahil mula ng yayain niya ito sa sinehan iniwasan na siya nito.

Napangiti si Peso kay Jamal saka ni Peso kinurot at pinangigilan ang mukah ng arabo.


"Ang guwapo mo kaso pinamili ako baby o ikaw. Siyempre ang pinili ko si Ammonia."
sabi ni Peso sabay tingin sa sanggol na babae.


"Putulin mo na ang pusod para madala na siya sa hospital."
sabi ni Shiloh habang nakatitig sa sanggol.

Mabilis naman na tinakpan ni Jamal ang pagkababae ni Katara na iknangisi ni Shiloh ng hindi nito nakita ang dapat makita dahil mabilis ang kamay ni Jamal.

Napatingin si Peso kay Jamal ng putulin nito ang pusod at mabilis na binalot ang sanggol


"Doctor ka ba?"
sabi ni Peso na ikinailing ni Jamal.

"Hindi." pagkakaila ni Jamal.


"Ang galing mo, pero sabagay hindi malabo dahil sa poging mong iyan."
sabi ni Peso.


"Tsss! Halika na. Kunin mo na ang baby."
sabi ni Shiloh ng balak pang makipagharutan ni Peso kay Jamal.

"Okay." sabi ni Peso na agad na kinuha ang sanggol.

"Saan niyo dadalhin ang sanggol?" sabi ni Jamal.


"Sa hospital lang, nandoon si lola Ellie."
sabi ni Peso.

"Ano? Hindi puwede nangako ako kay Katara na hindi dadalhin ang sanggol sa hospital na iyon at baka nandoon si Amon at kunin ang sanggol." sabi ni Jamal

"Hahaha! Si Kuya Amon? Tsss! imposible kasi busy iyon." sabi ni Shiloh saka nito inalalayan si Peso habang karga na ang sanggol.

"Anong sasabihin ko kay Katara kapag hinanap niya ang anak niya?" sabi pa ni Jamal


"Ikaw na magdala kay Katara sa Cheung Hospital nakahanda na ang private room niya mula ng umuwi kayo ng bansa. Hinihintay na lang manganak siya." sabi ni Shiloh saka nito inayos ang sanggol at si Peso hawak ang baby.

"Sandali, hahanapin ni Katara ang bata." sabi ni Jamal.

Napangiti si Peso sa sinabi ni Jamal.


"Hindi namin itatago, alagaan mo muna siya. Mas kailangan niya ngayon ang taong uunawa sa kanya." sabi ni Peso kay Jamal na napatingin kay Katara.

"Aalis na kami, huwag mo siyang pupugutan ng ulo kung gusto mo masilayan ang ganda ng babaeng nasa sofa mo." sabi ni Shiloh saka nito hinawakan sa baywang si Peso habang hawak ng dalaga ang sanggol.


"Babay Jamal. May baby na ako."
sabi ni Peso na ikinangisi ni Shiloh.

"Sandali." sabi ni Jamal ng nasa pintuan na ang dalawa.

"Bakit?" sabi ni Shiloh na napalingon.

"Anong gagawin ko kapag hinanap niya sa akin?" sabi ni Jamal.


"Punan mo ang bagay na nawala sa kanya, huwag kang mag-alala naririto lang ang baby."
sabi ni Peso at tuluyang umalis sila Shiloh at Peso.

Napatingin si Jamal kay Katara na pawis na pawis at namumutla. Walang malay pero halata ang pagod sa katawan nito.

"Grabe! Ano kaya gagawin mo kapag nagising ka?" sabi ni Jamal na nakaramdam ng pagod saka nito inayos si Katara at binuhat.

.......................

Hours Later

Cheung Hospital

"Ahhhh!" sigaw ni Katara na ikinaigtad nila Ellie, dalawang nurse at ni Jamal ng magulat sa sigaw ni Katara

"Huwag mong patayin!" sigaw ni Katara na agad nilapitan ni Ellie.

"Shhh. Relax." sabi ni Ellie sabay hawak sa kamay ni Katara na halatang nananaginip ito.

Napamulat ng mga mata si Katara at sa pagmulat niya naaninagan niya ang may katandaang babae. Nakangiti ito na ikinatitig niya dito.

"Okay ka na at ang baby mo pero siyempre dito ka muna mga one-week habang nagpapalakas ka." sabi ni Ellie.


"Doctora."
sabi ni Katara.

"Ito naman, lola ang itawag mo sa akin. Nakita ko na ang baby mo, ang cute. Kamukha ng asawa mo. Nakakunot noo pero ng makita ang lola niya at ako iyon ngumiti na naging kamukha mo." sabi ni Ellie.

Napangiti si Katara sa sinabi ng lola ni Amon, isa itong OB-Gyne.

"Magpahinga ka muna at mamaya dadalhin namin ang baby mo sa tabi mo." sabi ni Ellie na ikinatango ni Katara.

Napatingin si Ellie kay Jamal na nakatingin naman kay Katara.

"May private nurse na mag-aalaga sa kanya." sabi ni Ellie na ikinatingin ni Jamal sa matandang doctora.

"Okay." sabi ni Jamal.

Tinitigan lang ni Ellie ang arabong ilang araw ng kasama ni Katara, hindi niya alam kung may pagkakaunawaan ang dalawa pero base sa kuwento sa kanya ni Orion. Ministro si Jamal ng palasyo kaya naman nagdadalawang isip si Ellie kung iiwan dito si Katara kaya nga pinakuha niya ang ex-wife ng apo niya ng nurse. Pero ang pinapangamba niya, kapag nakauwi si Katara wala na kasi itong pamilya sa islang iyon dahil ang mga kapatid nito ay nakipagsapalaran na lahat sa Manila at may kanya-kanyang buhay at pamilya.

Napangiti naman si Jamal ng titigan siya ng doctora hindi lingid sa kanya ang pinag-aalala nito dahil iyon din ang iniisip ni Katara kapag nakapanganak ito. Na kahit hindi sabihin sa kanya ni Katara alam niyang nag-aalala ito kung paano magsisimula.

"Hindi ka ba uuwi sa bansa mo?" sabi ni Ellie kay Jamal.

"Hindi po muna." sabi ni Jamal.

"Ahhmm. Okay. Iiwan ko muna si Katara, hayaan muna natin makapagpahinga." sabi ni Ellie.

"Lola." sabi ni Katara na ikinatingin ni Ellie dito.

"Bakit iyon?"sabi ni Ellie.

"Salamat po." sabi ni Katara.

"Wala iyon. Magpahinga ka na muna. Aalis na ako, kung may kailangan ka sabihin mo lang sa nurse." sabi ni Ellie na ikinatango ni Katara.

....................

Kinabukasan.

"Nasaan siya?" sabi ni Ellie sa nurse na nakatoka kay Katara


"Iniwan ko lang po siya diyan."
sabi ng nurse.

"Ang sabi ko bantayan mo at mahina pa siya." sabi ni Ellie sa nurse.



"Doctora, binabantayan ko po siya kaso humingi siya ng makakain. Ang sabi niyo kapag gutom bigyan ng pagkain so binigyan ko po at kumuha ako ng pagkain."
sabi ng nursse.

"Nasaan siya pumunta?" sabi ni Ellie.

"Katara." bungad ni Jamal pero nagulat ito ng maabutan ang lola ng ex-husband ni Katara at nurse.

Napatingin si Ellie kay Jamal may dala itong isang basket na prutas.


"Umalis siya."
sabi ni Ellie.

Napatingin si Jamal sa kama, magulo at wala nga doon si Katara.

"Kapapanganak lang niya, delikado sa kanya." sabi ni Ellie na napahingang malalim.

...................

Ikalawang Bayan ng El Paradiso

"Manong akin na lang iyan kapag naubos mo na po." sabi ni Katara sa lalaki habang umiinom ito ng juice na nasa bottle.

"Okay sige," sabi ng lalaki.

Napatingin si Katara sa paligid, may dala siyang sako na nakuha niya sa labas ng hospital kanina. Mula doon nagpulot na siya ng mga nakikita niyang plastic bottles sa daan at ngayon mapupuno na nga ang sakong dala niya.

Umupo muna si Katara sa sidewalk, umalis siya ng Cheung Hospital dahil wala siyang pambayad sa panganganak niya hindi na nga niya nakita ang anak niya dahil baka mahuli siya.

"Sorry, anak pero kukunin kita. Sandali lang iipon lang ako pambayad sa billings." sabi ni Katara saka ito napahingang malalim.


"Libre ka naman diyan kaso ako naka-isang araw din, magkano din iyon. Siyempre hindi ako libre ikaw lang kasi apo ka."
napangiting sabi ni Katara saka nito hinawakan ang puson na nananakit pa.

"Kamusta na kaya siya? Okay kaya ang tatay mo?" sabi ni Katara saka ito napatingin sa kalangitan.

"Nakaupo na siya, at talagang sa kanya bumabagsak ang posisyon na iyon na baka sa kanya talaga nakatalaga. Dapat maging masaya na ako para sa kanya siguro nga hindi kami para sa isa't isa." sabi ni Katara ng biglang may bumato sa harapan niya ng bote ng mineral water na ikinatingin niya sa lapag.

"Okay na ako. Kailangan tanggapin ko na. siguro masaya na siya kaya dapat maging masaya na rin ako." sabi ni Katara sabay pulot ng bote sa harapan niya na madalas naman gawin sa kanya sa bayan na iyon pero muli may bumato sa kanya ng bote na kinuha niya uli pero sa pagkuha niya at paglagay sa sako muling may bumato sa kanya na ikinapulot niya uli.

"Hahahaha! Kaya ganyan ang buhay mo pulot ka lang ng pulot ng mga basura hindi mo tinitingnan na baka may lamang bomba na ang pinupulot mo." natawang sabi ng tinig na ikinatingin ni Katara.

Napangiti si Jamal ng tumingin si Katara sa kanya.


"Mabibinat ka sa ginagawa mo. Mas lalong problema iyang ginagawa mo kaya huwag mo ng dagdagan."
sabi ni Jamal.

"Wala akong pambayad sa hospital, kailangan ko mangalakal para may pambayad sa billings."
sabi ni katara.


"Kapag nabinat ka, lalaki lalo ang gastos mo."
sabi ni Jamal habang nasa loob ng kotse ito.

Nang sabihin ni Dra Ellie na umalis si Katara mabilis na umalis si Jamal sa Hospital pero nasa hallway na siya ng sundan siya ng Doctora at sabihin nito na baka nasa bayan si Katara.

Tumango lang siya at nagtaka pero iyon nga sa pagbabaybay ng kotse niya sa daan ng madaanan niya si Katara.

"Kapag namatay ako, wala ng gastos. Bayad na ako sa utang ko." sabi ni Katara na napangiti.


"Kapag namatay ka tuloy ang gastos kasi ibuburol ka pa, hindi ka naman puwede itapon basta kaya gagastos din ang gobyerno para ilibing ka na imbes na sa tiyan ng mga batang lansangan mapupunta ang pera sa kamatayan mo pa.

Isama pa na hindi mo na makikita ang baby mo kapag namatay ka. Gusto mo ba iyon?" sabi ni Jamal na ikinaayos ni Katara ng sakong dala nito.

Napatingin si Jamal kay Katara, nakasuot ito ng pambahay na tanging dala nito sa hospital o suot ng isugod niya ito kahapon lang. Namumutla pa ang babae at naginginig pa nga ang katawan nito base sa pagkakahawak nito ng sako.

Napahingang malalim si Katara saka ito napayuko ng tingnan siya ni Jamal.


"Huwag mo akong kaawaan, marami ng naawa sa akin pero nauuwi sa lalo pang kaawa-awa kong sitwasyon."
napangiting sabi ni Katara.


"Hindi kita kakaawaan, kayo lang naman mga pinoy ang madaling maawa pero madali din mawala ang awa. Mababaw ang luha pero kakaiba magsalita ng pananakit sa kapwa."
sabi ni Jamal.

"Talaga?" sabi ni Katara.


"Oo, ganoon kayo. Ugali niyong maawa pero maya-maya iba na ang nasa isip niyo sa taong kinakaawaan niyo."
sabi ni Jamal.

"Tsss! Bakit ka nga pala nandito?" sabi ni Katara.

"Nagugutom ako ng makita kita." sabi ni Jamal.

"Hindi ko sasabihin na hinahanap kita dahil sigurado iba na naman ang iisipin mo." sabi ni Jamal sa isip.


"Kumain ka, maraming resto diyan"
sabi ni Katara.

"Samahan mo ako." sabi ni Jamal.


"Ayoko."
sabi ni Katara.

"Ayaw akong samahan ni Peso, tinawagan ko siya kaso busy daw siya sa anak mo." sabi ni Jamal na ikinatingin ni Katara dito.

Napangiti si Jamal saka umusal

"Kumain na tayo, samahan mo ako para makapagbreast feed ka na sa baby mo." sabi ni Jamal ng makitang kuminang ang mata ni Katara ng mabanggit ang baby nito.


"Baka singilin nila ako sa hospital. Wala pa akong pera."
sabi ni Katara.

"Papautangin kita." sabi ni Jamal.


"Wala akong pambayad sayo."
sabi ni Katara.

"Katulong? Gusto mo mag-apply ng katulong sa bahay ko." sabi ni Jamal.


"Bahay mo?"
sabi ni Katara.

"Umupa ako ng bahay malapit sa hospital. Malaki iyong inupahan ko kasi hindi ako sanay sa bahay na maliit. Eh, wala akong katulong baka gusto mo maging katulong ko." sabi ni Jamal.

"Magkano ang suweldo?" sabi ni Katara na ikinangiti ng lihim ni Jamal.

"Apat na libo?" sabi ni jamal


"Ay grabe ang liit naman"
gulat na sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal.


"Maliit ba? Linis lang naman."
sabi ni Jamal.

"Kulang pa iyon sa bayad sa upa ko." sabi ni Katara.


"Stay-in ka naman sa bahay ko. Kung gusto mo paglutuan mo na rin ako o kaya all-around na lang ten thousand monthly."
sabi ni Jamal.


"Grabe! Ang liit naman. Sa palasyo nagsasahod ako ng thirty Thousand walang kaltas iyon libre pa lahat."
sabi uli ni Katara na napapadyak na ikinatawa ni Jamal.


"Hahaha! Anong maliit? Malaki na nga iyon dahil nasa Pinas tayo."
sabi ni Jamal.

Natahimik si Katara sabay tingin sa kamay nito na tila nagkokompyut.

"Maliit?" nakangising sabi ni Jamal ng mapakunot noo si Katara.

"Puwedeng twenty thousand na lang kahit wala ng kaltas ng SSS." sabi ni Katara na ikinatawa ni Jamal.


"Hahaha! Ang laki naman iyon, ano ka empleyado?"
sabi ni Jamal.

"Sige huwag na lang." sabi ni Katara sabay upo sa side walk.


"Papataasan ko muna, sana maawa."
nakangising sabi ni Katara sa isip.

Napatingin si Jamal kay Katara saka ito napangisi dahil alam niya ang ganoong gawain ng mga Pinoy paawa effect.

"Bahala ka kung ayaw mong patusin kukuha na lang ako sa iba." sabi ni Jamal na napangisi ng lihim saka nito pinaandar ang makina ng kotse nito na inarkila lang ng binata.

Napatingin si Katara sa lalaki saka ito napatayo pero sa pagtayo nito nakaramdam ito ng hilo na ikinatigil ni Jamal ng biglang mapaupo si Katara.

"Aray," sabi ni Katara sabay ayos sa sakong dala nito.

"May sakit ka pa, hindi ka pa magaling tapos hihingi ka ng malaking sahod." sabi ni Jamal.

Napatingin si Katara kay Jamal saka ito ngumiti.

"Sige umalis ka na at sa iba mo na lang ibigay." sabi ni Katara.


"Tsss! Mahirap pa sa inyong mga Pinoy, masyado kayo ma-pride kahit na lugmok na kayo. Kaya hindi kayo umaasenso kasi sa ugali niyong mataas.

Minsan matuto kayong bumaba ng kaunti at tanggapin kung anong kalagayan niyo, umayon kung anong dapat gawin o ikilos ng sa ganoon makaangat naman kayo." sabi n Jamal.

"Edi kayo na magaling." sabi ni Katara.


"Hahaha! Siguro nga. Pero alam niyo malaki ang potensyal ng mga Pinoy kung aalamin niyo lang sana kung paano kayo kumilos ng tama. Katulad niyan, nanghihina ka pa pero pilit mong nilalabanan."
sabi ni Jamal.

"Malakas kami." sabi ni Katara.


"Tama ka, kaso ang kalakasan niyo ang nagdudulot sa inyo ng kapahamakan."
sabi ni Jamal saka nito hininto ang makina ng kotse at lumabas ng kotse nito na ikinatingin ni Katara sa binata

Pagkalabas ng kotse ni Jamal lumapit ito kay Katara at tumabi sa pagkakaupo ng dalaga sa sidewalk.

"Gusto mo turuan kita?" sabi ni Jamal.

"Saan?"
sabi ni Katara.

"Sa buhay, kung paano mabuhay ng tama, ng sapat, ng masaya at ng totoo." sabi ni Jamal na ikinatitig ni Katara sa binata.


"Bakit mo naman gagawin iyon?"
sabi ni Katara na ikinangiti ni Jamal habang nakatitig din kay Katara.

"Kasi pareho tayo ng kapalaran, gusto ko turuan ka at gusto ko matuto sayo." sabi ni Jamal.


"Hindi ka rin masaya?"
sabi ni Katara.

"Masaya, pero mukhang masaya pasukin ang buhay mo na bibigyan natin ng kulay." sabi ni Jamal.


"Tsss! Nag-iisip ka na ba kung paano mo ako pupugutan ng ulo?"
sabi ni Katara

"Oo." nakangiting sabi ni Jamal.

"Okay. Pero sahuran mo muna ako ng twenty thousand para pumayag ako sa pagiging katulong mo." sabi ni Katara

"Hahaha! Ang laki naman kasi." sabi ni Jamal.

"Mag-iipon kasi ako, para makuha ko ang baby ko. Alam ko kasi hindi nila ibibigay sa akin ang anak ko kapag nakita ng mga Valiente na hindi ko kayang alagaan o bigyan ng magandang buhay ang anak ko." sabi ni Katara saka nito hinawakan ng mahigpit ang sakong dala nito na nanggigitata sa dumi

"Sige, pero kumain muna tayo." sabi ni Jamal ng makitang nanginginig ang kamay ni Katara at kapag hindi niya naialis ito sa kalsada at sa ginagawa nitong mamamasura mamamatay ito sa komplikasyon lalo na at may bakas ng dugo ang suot nito na kanina pa niya napapansin.

"Talaga?" sabi ni Katara.


"Oo."
sabi ni Jamal saka nito inakbayan si Katara


"Huwag mo akong akbayan."
sabi ni Katara.


"Bakit naman?"
sabi ni Jamal pero ang totoo pinapakiramdam niya ang katawan ng dalaga at ngayon akbay niya ito, nararamdaman niya lalo ang panginginig ng katawan ni Katara, mainit din ang katawan nito dala ng lagnat.

"Baka makita tayo ni Amon." sabi ni Katara na ikinangisi ni Jamal.


"Masaya na siya sa kung nasaan siya ngayon kaya dapat maging masaya ka na rin. Tulungan mo ang sarili mo para maalagaan mo ang anak mo. Ngayon may anak ka na, ipokos mo ang sarili mo sa kanya hindi sa ama niya.

Isipin mo na lang binigay sayo ang anak mo para ibaling ang atensyon sa kanya at makawala ka sa atensyon na binibigay mo kay Amon." sabi ni Jamal pero hindi sumagot si Katara ng biglang isandig ng dalaga ang ulo nito sa tagiliran ni Jamal.

Napatingin si Jamal kay Katara at napatiim ng bagang ito ng makitang nahimatay ang babae dala ng kalagayan nito na siguradong kanina pa nito tinitiis.

"Palayain mo ang sarili mo para maging masaya ka."  mahinang usal ni Jamal saka nito binuhat si Katara.

.............

April 15, 2023 3.55pm

Fifth Street

Good night

...............

Any amount will be accepted

G-Cash : 09153205730 -Jai Kim Chua

.......


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top