Kabanata 10 : Simula ng Kasiyahan ng Isang Delubyo
El Emperio Bar
"Mukhang kakaiba ngayon." sabi ni Phil sa mga kasamang Prinsipe.
"Ang daming tao." sabi ni Renan.
Napatingin si Jan Carl sa paligid, kakaiba nga gabing iyon at mukhang walang alam ang mga pinsan at kapatid na kasama niya sa magaganap.
"Big Event? Ang sabi sa invitation huling gabi. Anong ibig sabihin nito?" sabi ni Jan Carl sa isip na biglang kinabahan.
"Mukhang naririto nga ang lahat ng escort at kakaiba ang mga suot nila." sabi ni Fredrick
Napabaling ang tingin ni Jan Carl sa mga kasama at tulad ng dati hindi sila bababa ng sampu ang bilang nila. Nasa pribadong puwesto sila ng bar kung saan nakikita nila ang kaganapan sa paligid. Masaya ang ambiance, buhay na buhay, at ang tugtog mas lalong nakakapanabik kaysa sa mga nagdaang mga gabi. Ang stage ay mas lalong kumulay at lumiwanag dala ng nakakaakit at nakakabuhay na mga ilaw.
Ang mga tao sa naturang bar ay masigla, masaya at puno ng buhay. Ang mga tauhan ng bar ay tila maihahambing ang kasiyahan sa isang Kapaskuhan kung saan tila makukuha ng malalaking regalo, sahod, bonus na ihahanda sa isang maganda at masayang piging ng mga Pilipino.
Ang ingay ng kuwentuhan at tawanan ng mga tao ay tila nasa isang fiesta sa barrio na tila walang katapusang kasiyahan.
"Isang magandang gabi sa lahat." sabi ng tinig na ikinaigtad ni Jan Carl sabay baling ng tingin sa entablado na kasingrangya ng tila nagsisimulang negosyo pa lamang.
"Ang aga naman." sabi ni Frederick sabay tingin sa mamahalin nitong relo.
"Alas otso pa lang." nagtatakang sabi naman ni Phil.
Napatitig si Jan Carl sa stage alam niya ang kaganapan sa bar lagi, nagbubukas ito ng alas syete ng gabi at kahit maaga pa lamang dagsa ang mga tao na dinadayo pa ng taga ibang lugar o minsan nga ibang bansa tulad nila na talagang nahumaling sa naturang lugar.
"Dapat alas dose pa ha. Bakit ang aga yata?" sabi ni Renan na nagtataka.
Napatingin si Jan Carl sa paligid, dahil ang sa mga ganoong oras simpleng bar lang ang El Emperio pero kahit ganoon masaya naman, at sa pagtuntong ng alas dose ng gabi doon magsisimula ang pinakabuhay at kasiyahan ng bar na magmumula at pasisimulan ng El Casa.
"Bakit ganito? Wala man lang pasabi na bago na pala ang patakaran." sabi ni Byron na ikinatingin ni Jan Carl sa grupo.
Halos lahat ng Prinsipe ng palasyo ay miyembro ng Emperio kung saan milyon ang binabayaran nila kada isa taon-taon kaya naman sa Palasyo pa lang mabubuhay na ang Emperio dahil ang bayad nila ay gold bar. Hindi pa isama diyan na alam ni Jan Carl na ang ibang parokyano ng bar ay mga tulad nila na maharlika na gold bar din ang binabayad.
Bukod dito lahat ng dayuhan na miyembro at pumapasok sa bar ay dolyares ang binabayad kaya naman ang Valiente Empire ang tinanghal na top one business sa Pilipinas dahil ang tax na binabayaran nito ay triple sa binabayaran ng tax ng tatlong malalaking kompanya sa bansa na naungusan ng Emperio.
Si Orion Valiente at si Autumn Valiente ang kinikilalang mga haligi ng negosyo sa bansa kung nasaan si Jan Carl kaya naman ang buong grupo nito ay hindi lamang sikat kundi ginagalang ng lahat ng mga Pilipino.
"Baka surprise." sabi ni Frederick.
"Nagulat ba kayong lahat?" malamyos na sabi ni tinig.
"Si Astraea." sabi ni Byron ng makilala ang tinig.
"Ang aga niya lumabas, hindi ba dapat finale siya lagi." sabi ni Renan.
"Wala silang alam. Sino kaya ang pinagbigyan niya ng sulat bukod sa akin?" sabi ni Jan Carl sa isip.
"Baka may big event." sabi ni Byron na ikinatingin ni Jan Carl kay Byron.
"Sisimulan natin ng maaga ang event na ito para masulit ang gabing ito sa ating lahat." sabi ni Astraea at imbes mamatay ang ilaw tulad ng inaasahan ng lahat kabaligtaran iyon dahil nagliwanag ang buong Emperio Bar na ikinagulat ng lahat.
"Whoah!!" reaksyon ng lahat ng makita ang buong lugar sa unang pagkakataon.
"Grabe, ganito pala ito kalawak." sabi ni Frederick ng makita ng buong demensyon ng bar dahil kadalasan nasa iisang puwesto lang naman sila at ang ibang parokyana dahil ang mga puwesto nila ay bayad.
Napatingin si Jan Carl sa paligid hindi naitago ang pagkamangha nito sa laki ng lugar.
"Ngayon alam ko na kung bakit tinawag na Emperio dahil sa bar na ito pa lamang makikita na ang rangya at laki ng kaharian ni Orion Valiente na naipasa niya sa kanyang anak at mga apo." sabi ni Renan.
"Mas malaki sa La Secretos tingin ko doble pa ang laki." sabi ni Byron habang pinagmamasdan ng lahat ang paligid.
Nakapunta na ang mga Prinsipe sa La Secretos kaya alam nila ang lawak nito ay tila isang malaking gym pero ang Emperio isang malaking dome ang sakop na hindi mo mahahalata dahil lagi itong madilim na ngayon lang lumiwanag at nasilayan ng lahat.
"Sa gabing ito hayaan natin magliwanag ang lahat sa ating mga mata upang masilayan ang isa't isa. Ang Emperio ay inyong matutunghayan mula sa kalinawagan. Ang Kadiliman ng aming kaharian ay tatapusin namin ngayon gabi." makahulugang sabi ni Astraea na ikinakunot noo ni Jan Carl sabay hanap sa tinig kung nasaan si Astraea.
"Maliwanag pero nasaan siya." sabi ni Jan Carl sa isip ng hindi makita si Astraea sa paligid.
Napatingin si Jan Carl sa elevated tower na nasa kabilang bahagi ng main stage kung saan sinasabi naroroon ang Infinity Room ang tagpuan at ang puwesto ng mga may-ari ng Valiente Empire.
"Ngayon gabi, isang magandang kaganapan ang inyong matutunghayan. Isang gabi at isang ligaya mula sa reyna ng Emperio." sabi ni Astraea.
Mula stage bumukas ang malaking telon na ikinatingin ng lahat sa stage at mula sa paghawi ng telon nagulat ang lahat sabay ng pagtilian ng mga kababaihan ng bumungad ang grupo ni Astraea.
"Whoahhh!" sigawan ng lahat na tila nasilihan.
"Wow! Sila talaga ang pambungad." sabi ni Renan.
Napatitig si Jan Carl dahil ngayon lang iyon naganap ang simpleng gabi ay bubuksan ng grupo ni Astraea.
"Himala. Ang sabi ng isang escort sa akin dati, ginagawa lang ng grupo ang magsama-sama kapag may mahalagang okasyon at ang mahalagang okasyon na iyon ay ginaganap ng pribado kasama lamang ang mga piling bisita na kasama sa negosyo ng grupo." sabi ni Phil.
"Baka kaarawan ng isa sa kanila." sabi ni Frederick
"Imposible dahil ang grupo nila ay hindi basta-basta nagsasagawa ng party na kung sino-sino lang at sa nakikita naman natin pangkaraniwang bar day lamang ito. Ang ibig kung sabihin hindi nila bisita o hindi nila kilala ng lahat." sabi ni Phil
"Tama si Phil, ang mga tao na naririto ngayon ay halo-halo. Parokyano, kliyente at mga pangkaraniwan lang na pumunta." sabi ni Clyde.
"Whoahhh!" sigawan ng lahat na nagpahinto sa pag-uusap ng mga Prinsipe.
Napatingin ang grupo ng mula sa malaking screen sa malawak na stage sumilay isa-isa ang mukha ng grupo mula sa magkakaibigang Rod Cheung, Ramon Valiente, Dennis Lopez Jr at Lukaz Jeremy Gonzalez papunta sa grupo ni Orion hanggang sa grupo ni Autumn at...
"Ohhhhh!!!" sigawan ng lahat ng mabilis na sumilay ang mukha ng ikaapat na henerasyon.
"Ano bang nangyayari?" sabi ni Renan na naguguluhan.
"Fans day ba ito?" sabi ni Frederick dahil ang mga tao sa dance floor tila nanonood ng concert.
Hindi umimik si Jan Carl at nanatiling nakatitig sa malawak at glamorosong stage kung saan makikita ang pinapakitang mukha ng bawat kasapi ng grupo na nagmamay-ari ng Emperio sa screen na nasisilayan ng lahat.
"Ito ang Emperio, ang lugar kung saan ang kasiyahan ay nasa inyong mga puso." sabi ni Astraea na nasa gitna ng grupo.
"Whoahhh!" muling hiyawan ng lahat ng mula sa screen ipakita ang bawat isa sa grupo na nasa stage.
"Uno!!!!" sigawan ng mga fans ni Uno na ikinangiti ng binata kaya halos hindi mapatid ang tilian ng mga kababaihan, at ng ipakita ang sixtuplets at ang ibang miyembro sa grupo lalong dumagondong ang ingay.
"Captain!" sigawan ng mga kababaihan ng tumutok ang camera at bumungad sa screen ang mukha ni Laszlo na nagpakulay ng buhok kaya alam ng fans nito kung sino ang binata sa anim.
"Pahinging isa sa kanila!" tawanan at tilian ng mga babae ng masilayan sa screen ang mga lalaki sa grupo.
"At ngayong gabi ihahatid namin sa inyo ang kakaibang kasiyahan bilang pasasalamat sa walang sawang pagtangkilik at pagbibigay ng tiwala." sabi ni Amon.
Natahimik ang lahat ng magsara muli ang telon.
"Oh, anong nangyari?" sabi ng mga tao ng magsara muli ang telon.
"Ganoon lang iyon?" sabi pa ng iba.
"Hindi natin papatayin ang liwanag dahil ang dilim ay sasakupin natin, at buong puso namin ipapakita ang bawat isa sa inyong lahat." sabi ng tinig mula sa kung saan.
"Ipapakita daw? Sinara nga nila." sabi ng isang customer na ikinatawa ng lahat pero ilang sandali lang ng maputol ang tawanan ng magbukas uli ang telon na ikinagulat ng lahat.
"Ito ang buhay na nasilayan namin, pinasa ng aming mga ninuno. Ito ang grupo na nagbigay ng ningning sa bawat gabi ninyo." sabi ni Astraea sabay simula ng tugtog habang ang lahat sa grupo ay may hawak na instrumento na ikinamangha ng lahat.
"Ohhh!" reaksyon ng lahat ng sabay sabay tumugtog ang buong grupo na kahit marami ang mga ito nagawa ng buong grupo sumabay sa bawat nota at tono ng bawat instrumentong hawak ng mga ito.
https://youtu.be/QzpXDtVhAaQ
Story of My Life by One Direction
Aj : Written in these walls are the stories that I can't explain
"Whoahhhh!" sigawan ng lahat ng tumutok ang camera kay Aj na napangiti sa camera at tumambad ito sa big screen na nasa likuran ng stage kung saan nakikita ang mukha ni Aj na ikinatili ng lahat habang naggigitara si Aj at kumakanta.
AJ : I leave my heart open but it stays right here empty for days
She told me in the morning she don't feel the same about us in her bones
It seems to me that when I die, these words will be written on my stone
"AJ Valiente." bigkas ni Renan ng mag-appear ang pangalan ni AJ sa screen na nasa stage.
Napatingin si Aj sa paligid puno ang bar at hindi naman siya nagulat dahil hindi pa nawawalan ng tao ang bar na iyon kada gabi, pero ngayon mas nasisilayan niya ang mga tao na dumudugtong sa grupo nila sa liwanag ng mga ilaw na ngayon lang binuksan.
AJ : And I'll be gone, gone tonight
The ground beneath my feet is open wide
The way that I been holdin' on too tight
With nothin' in between
All : The story of my life, I take her home
"Whoahhh!!!!!" sigawan ng lahat ng sabay-sabay kumanta ang mga lalaki sa grupo sa magandang boses ng mga ito sa magandang pagkakablend.
All : I drive all night to keep her warm
And time is frozen (the story of, the story of)
Napatingin si Jan Carl kay Astraea, naggigitara ito, electric guitar ang hawak ni Astraea at nakatutok ang dalaga sa pagtipa roon tulad ng iba sa bawat instrumentong hawak ng mga ito.
All : The story of my life, I give her hope
I spend her love until she's broke inside
The story of my life (the story of, the story of)
Natigil ang lahat ng tumutok ang camera kay Amon na siyang bumungad sa likuran screen ng stage.
Amon: Written on these walls are the colors that I can't change
Leave my heart open, but it stays right here in its cage
"Nice, magagaling talaga sila kaya hindi talaga nalugi ang Emperio dahil bawat isa kayang humalili sa trono." sabi ni Phil ng magsimula kumanta si Amon sa maganda nitong tinig.
Amon : I know that in the morning, I'll see us in the light up on the hill
Although I am broken, my heart is untamed still
And I'll be gone, gone tonight
"Mabuti hindi sila nalilito kay AJ at Amon." sabi ni Byron dahil kahit sila malilito kung walang nakasaad na pangalan sa screen lalo magkasunuran kumanta si AJ at Amon.
"May pagkakaiba sila." sabi ni Jan Carl na ikinatingin ng Prinsipe dito na sa unang pagkakataon nagsalita ang hari nila.
"Ano?" sabi ni Renan na ikinangiti ni Jan Carl.
Amon : The fire beneath my feet is burnin' bright
The way that I've been holdin' on so tight
With nothin' in between
"Ugali, porma, kilos, at ang pananda." sabi ni Jan Carl na ikinatingin ng mga Prinsipe sa stage.
All : The story of my life, I take her home
I drive all night to keep her warm
And time is frozen (the story of, the story of)
Muling napahiyaw ang lahat ng bumungad naman ang mukha ni Burn sa screen na ikinangisi ni Jan Carl
Burn : The story of my life, I give her hope
I spend her love until she's broke inside
"Tulad ni Burn kay Alex madali lang ma-distiguished ang dalawa." sabi pa ni Jan Carl ng magsimula umawit si Burn.
Napangisi si Jan Carl ng may kawayan si Burn at sa pagtingin ni Jan Carl napailing ito.
"Ano?" sabi ni Frederick.
"Kung paano sila mahumaling sa babae." sabi ni Jan Carl ng makita si Numa na kinakawayan si Burn.
Burn : The story of my life (the story of, the story of)
Alex : And I've been waiting for this time to come around
"So hindi ka magkakamali sa bawat isa?" sabi ni Renan ng mapatingin ang mga ito kay Alex.
"Hindi. Hinding hindi." sabi ni Jan Carl na napangisi habang nakatitig ngayon sa screen kung saan mukha naman ni Alex ang ipinapakita habang kumakanta ito.
"Sure?" sabi ni Byron.
"Kahit ang dalawang itlog ng manok na hindi pa napipisa ay may pagkakaiba sila pa kaya." sabi ni Jan Carl sabay tingin kay Rio na nasa gilid ng bar at may hawak na bote ng alak habang sa iba ito nakatingin hindi tulad ni Numa sa stage lang nakapokos kanina pa.
"Sabagay iba iba din sila ng gusto doon natin makikita ang pagkakaiba." sabi ni Phil.
Alex : But, baby, runnin' after you is like chasin' the clouds
Hades : The story of my life, I take her home
"Ang limang kumakanta ay ang mga matatanda sa grupo." sabi ni Phil.
"Tama, kaya hindi malabong sila ang hahawak ng pinakamalalaking kompanya sa grupo." sabi ni Jan Carl na nakatingin naman ngayon kay Hades na nasa screen.
Hades : I drive all night to keep her warm
And time is frozen
All : The story of my life, I give her hope (give her hope)
I spend her love until she's broke inside
"Ang bawat isa ay may katungkulan, ang bawat isa ay may nakalaan. Pinagpaplanuhan pa lamang nila naiisip ko na." sabi ni Jan Carl ng sumilay sa screen ang mukha ng sixtuplets at ni Uno. Kasabay ng pagbaling ng camera sa Cheung Brothers at ang kilala sa bansag na V4 o Valiente four na hinango ng mga fans ng grupo sa kilalang F4.
All : The story of my life (the story of)
The story of my life
The story of my life (the story of, the story of)
The story of my life
Napangiting pagtatapos ng grupo na ikinahiyaw ng lahat.
"Whoahhh!" hiyawan ng lahat at hindi pa man humuhupa ang sigawan ng magsimula agad ang ikalawang musika sa pagtugtog ng piano ng isa sa grupo.
"Ohhhh!" nagulat na reaksyon ng lahat ng bumaling ang camera kay Suri habang nasa piano ito at sa big screen nasilayan ang mukha ng dalaga na alam ng lahat na isang bulag.
"Ang galing bulag siya pero kabisado niya." sabi ng mga tao.
https://youtu.be/Itzk9W4YXw4
Wrecking Ball by Miley Cyrus
Astraea : We clawed, we chained, our hearts in vain
"Ang ganda talaga ng boses niya." sabi ni Byron ng magsimulang kumanta si Astraea habang ang mga kagrupo nito nagpapatugtog ng kanya-kanyang instrumento.
Napatitig si Jan Carl kay Astraea ng magsimula itong kumanta pero sa pagtitig niya napalunok ito ng sa dami ng tao nahanap ni Astraea ang pakay nito.
Astraea : We jumped, never asking why
We kissed, I fell under your spell
Napangiti si Astraea habang nakatitig kay Jan Carl habang kumakanta ang dalaga.
Astraea : A love no one could deny
Don't you ever say I just walked away
I will always want you
Inalis ni Astraea ang gitara at nilapag sa stage saka ito nagsimulang maglakad sa unahan ng stage habang kumakanta.
Astraea : I can't live a lie, running for my life
I will always want you
Napangiti si Astraea na ikinangisi ni Jan Carl
"Nang-aakit ka naman. Hindi na uubra ineng." sabi ni Jan Carl sa isip ng kumindat si Astraea na ikinatahimik ng lahat sa nakakaakit na mukha nito na nakatutok at nasisilayan sa big screen.
"Ang suwerte naman ng tinitingnan niya." sabi ni Renan na sa dami ng tao hindi alam ng mga ito na ang paningin niAstraea ay kasama ng grupo nila.
Astraea : I came in like a wrecking ball
"Whoahhhh!!!!" hiyawan ng lahat ng sa maliwanag na paligid hinila ni Astraea ang suot nitong dress at tumambad ang suot nitong short gown kung gown nga ba iyon sa kakapiranggot na suot nito.
"Ohhh! Akin ka ngayon gabi kahit magkano!" sigaw ni Byron.
"Hindi ako magpapatalo!" sigaw naman ni Clyde na kahit matanda na ito nakikiagaw pa rin ito sa kaedaran ni Astraea ng mga Prinsipe.
Astraea : I never hit so hard in love
All I wanted was to break your walls
"Hahaha! Iyan talaga kinanta niya." natawang sabi ni Laszlo habang naggigitara ang mga ito.
"Break ang walls niya mamaya." natawang sabi ni Otto na ikinatawa ng magpipinsan na walang pakialam kahit nasa stage ang mga ito nagbibiruan.
Astraea : All you ever did was wreck me
Yeah, you, you wreck me
"Hahaha! Handang handa mukhang may pasabog ang reyna." natawang sabi ni Brook habang nakatingin ang grupo kay Astraea.
Astraea : I put you high up in the sky
And now, you're not coming down
It slowly
turned, you let me burn
And now, we're ashes on the ground
Naglakad si Astraea sa stage at nagsimula itong sumayaw sa saliw ng kinakanta nito sa seksing steps.
"Hala! Nagperform ng field day demo ang bata sa stage." nakangising sabi ni Jan Carl sa isip na pinipigilan kanina pa sumigaw para inisin si Astraea at ngayon sumasayaw naman ito na tila lang ito batang naglalaro.
Napangisi si Astraea sa isip ng makita ang nagbabadyang pagtawa ni Jan Carl.
"Siraulo ito ha. Mukhang hindi sexy ang sayaw ko sa kanya. Wait ka lang diyan, gurang ka na kasi kaya wala kang alam sa latest na sayaw ngayon." sabi ni Astraea sa isip.
Astraea : Don't you ever say I just walked away
I will always want you
I can't live a lie, running for my life
I will always want you (sabay turo sa grupo ni Jan Carl)
Nagkatinginan ang mga Prinsipe at ilang sandali lang nagsigawan ang mga ito na tila nasa palasyo lang habang nagsasagwa ng performance ang mga babae ng palasyo.
"Whoaaah!" sigawan ng mga Prinsipe bukod kay Jan Carl na natigil ang pagsilay ng tawa sa susunod na ginawa ni Astraea.
Napangiti si Astraea habang nakaturo sa grupo nila partikular na alam ni Jan Carl na siya ang tinuturo nito.
Astraea. : I came in like a wrecking ball
I never hit so hard in love
All I wanted was to break your walls
All you ever did was wreck me
Napatitig pa lalo si Astraea sa mga mata ni Jan Carl na nakatitig sa kanya.
"Ahhh! Ayaw mong magreact ah." sabi ni Astraea sa isip ng titigan lang din siya ni Jan Carl.
Astraea : I came in like a wrecking ball
"Whoahhhh!!!! Go Queenie!" sigawang ng mga tao ng hilahin muli ni Astraea ang damit nito at tumambad ang seksing suot nito. Itim na tila lingerie lang sa nipis ng tela at iksi nito.
Napalunok si Jan Carl dahil sa liwanag ng bar kitang kita ang kaluluwa ni Astraea at kaunti na lang ay...
Astraea : Yeah, I just closed my eyes and swung
Left me crashing in a blazing fall
All you ever did was wreck me
"Langit na!" sigawan ng mga lalaki sabay hiyawan ng mga ito na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.
Astraea: Yeah, you, you wreck me
Mapang-akit na kanta ni Astraea sabay hawak sa leeg niya na tila sinasakal niya ito.
"Whoahhh! Ang init." sabi ni Byron na ikinatawa ng mga Prinsipe.
"I will wreck you, later." napatiim na bagang na sabi ni Jan Carl sa isip habang nakatitig kay Astraea.
Astraea : I never meant to start a war
I just wanted you to let me in
And instead of using force
I guess I should've let you win
"Hintay ka lang dahil makukuha kita at mananalo ako." sabi ni Jan Carl sa isip.
"Ako ang mananalo papapasukin lang kita." nakangising sabi ni Astraea sa isip.
Astraea : I never meant to start a war
I just wanted you to let me in
I guess I should've let you win
"Ako ang bida kaya ako ang mananalo." sabi ni Jan Carl sa isip.
Astraea : Don't you ever say I just walked away
"Ako ang pinakabida kaya sa akin ang huling halakhak." sabi ni Astraea sa isip saka ito lalong ginanahan kumanta at hinawakan ang tabing na suot niya.
Astraea : I will always want you
I came in like a wrecking ball
"Hoy! Magpatulog ka! Ang ingay mo! Nakakabulahaw!" malakas na sigaw ni Jan Carl ng hilahin muli ni Astraea ang damit nito at ngayon panty at bra na lang ang suot ng dalaga.
"Hahahaha!" tawanan ng magpipinsan sa stage ng mapatingin ang lahat kay Jan Carl.
Hindi naman nagpatalo si Astraea sa sigaw na iyon at lalo pa nitong ginalingan sa pag-indak ng nakakaakit.
Astraea : I never hit so hard in love
All I wanted was to break your walls
"Hoy! Bawal bansot dito. Palagay ka muna ng hita! Dugtungan mo ng bamboo marami niyan dito sa bansa mo!" sigaw ni Jan Carl ng makuha ni Astraea gumiling pababa na ikinatahimik ng mga lalaking parokyano sa ginagawa ni Astraea dahil lahat ay natatamaan sa indak na iyon ng reyna ng Casa.
"Hahahaha! Parang hindi hari." natawang sabi ni Haco habang tumatawa ang grupo sa stage.
Astraea : All you ever did was wreck me
I came in like a wrecking ball
"May pulis! Raid! Pulis, may kindergarten sa stage!" sigaw ni Jan Carl na ikinatawa ng lahat at ikinangisi ni Astraea.
"Hahaha!" tawanan ng lahat habang ang grupo sa stage nakamasid lang kay Astraea sa gagawin nito.
"Siraulo ito ha. Inaagaw ang gabi ko. Kontrabida ka, so magiging kontrabida din ako na kaaasaran mo."sabi ni Astraea sa isip ng magtawanan ang lahat sa pagsigaw muli ni Jan Carl.
Astraea : Yeah, I just closed my eyes and swung
Left me crashing in a blazing fall
Tinaas ni Astraea ang kamay na ikinatigil sa tawanan ng lahat ng bumaba ang isang bar.
"Oh shit." napatigil sa pagsigaw na sabi ni Jan Carl sa isip ng tumuntong si Astraea sa manipis na bakal na tila bamboo lang ang kapal.
Kinawit ni Astraea ang isang kamay roon na ikinatahimik ng lahat sa takot na baka mahulog ang dalaga sa gagawin nito, at ng tumaas ang bar napatingin ang lahat at napatingala para sundan si Astraea na tumataas.
"Ohhh!!!" sigawan ng lahat ng ikawit ni Astraea ang mga paa sa bar at tumuwad ito habang kumakanta.
"Oh fuck! wala siyang safety harness!" sigaw ni Jan Carl dahil mataas na ang bar at walang suot si Astraea na kahit anong harness.
Napatingin naman ang grupo kay Astraea at natigil sa biruan ang mga ito dahil hindi nila alam na may ganoong palabas na magaganap.
"Mahuhulog siya." sabi ni Aidan na kinabahan.
"Umusog kayo para kapag bumagsak masalo natin." sabi ni Amon sa mga pinsan na agad na ginawa ng mga lalaki sa grupo habang sila Luna napalunok sa kaba habang patuloy na pagtugtog ng instruments na hawak ng mga ito.
Astraea : All you ever did was wreck me
Yeah, you, you wreck me
Yeah, you, you wreck me
Pagtatapos na kanta ni Astraea saka ito umikot sa bar.
"Ohhh!" sigaw ng mga tao sa takot.
"Pulis may manananggal!" sigaw ni Jan Carl na ikinatigil ng lahat at ikinatingin sa binata.
Napangisi si Astraea dahil halatang kabado ang hari na hindi nito magawang ipakita sa lahat.
"Magbobotohan tayo. Ang unang larong sa gabing ito." sabi ni Astraea na ikinatingin ng lahat dito.
"Hoy! Bumaba ka diyan. Anong palagay mo si catwoman ka? Anong version? Pirated." sigaw ni Jan Carl dahil si Astraea nanatiling nakatuwad ang katawan o nakahang pabaliktad na ang paa lamang ang nakahawak sa bar.
"Maliwanag ngayon sa bar kaya makikita natin ang magaganap. Masaya maglaro lalo na at mahaba pa ang gabi." sabi ni Astraea na hindi pinansin si Jan Carl.
"Anong laro ba iyan?" sigaw na sabi ni Jan Carl.
"Unang laro, Close or Open." sabi ni Astraea sabay ikot nito sa bar na ikinasinghap ng lahat sa takot na mahulog ang dalaga.
"Ohhh!" reaksyon ng lahat.
Napangiti si Astraea sabay kawit ng isang kamay sa bar habang nakaupo na ito sa bar mismo.
"Okay, mula dito nakikita ko na kayong lahat. Simulan ang botohan. Close sa pagpatay ng ilaw para sa susunod na performance o Open para sa bukas ng ilaw?" sabi ni Astraea.
"Close!" sigaw ni Jan Carl ng makitang lumihis ang pang-ibabang suot ni Astraea na tila lang panty iyon.
"Open!" sigaw ng iba na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl ng makitang mga lalaki ang sumigaw.
"Bid!" sigaw ni Jan Carl na ikinangiti ni Astraea at ikinatingin ng grupo sa isa't isa.
"Bidding, para sa larong Close Open ang mataas na bid ang siyang masusunod." seryosong sigaw ni Jan Carl na ikinatingin ng lahat dito.
"Okay para mas masaya gawin natin tipikal na laro ng Casa. Bidding." sabi ni Astraea at akmang tatayo ito sa bar ng sumigaw si Jan Carl.
"Isang gold bar patayin ang lahat ng ilaw!" seryosong sigaw ni Jan Carl na hindi isang pagtaya sa laro kundi isang utos mula sa hari na ikinatigil ni Astraea sa pagtayo.
"Patayin ang ilaw!" sigaw ni Amon na ikinatingin ng grupo dito.
"Bakit mo inutos?" sabi ni Alex sa kakambal.
"Makikitaan si Astraea kaya niya pinapatay ang ilaw." sabi ni Amon.
Napatingala ang magpipinsan kung nasaan ang bar na nakaupo si Astraea.
"Ibaba ang telon." sabi ni Amon na agad na pinuntahan nila Laszlo ang staff para ibaba ang telon.
"Tsss! One point." napangiting sabi ni Astraea sa isip ng mamatay ang ilaw at binaba ang telon kasabay ng unti-unting pagbaba ng bar kung nasaan siya nakaupo. Nawala ang ingay sa paligid at alam niya pinatay kahit ang sound system.
Napahingang malalim ang buong grupo ng makababa ng maayos si Astraea.
"Baliw ka. Bakit ka umakyat ng walang safety harness." sabi ni Luna kay Astraea.
"Para makadami dahil huling gabi na kaya susulitin ko." nakangiting sabi ni Astraea sa buong grupo.
"Makadami? Nang ano?" sabi ni Lisica.
"May isang gold bar na tayo. Ang kada pagtaya niya ay pagbaon niya sa hukay. At iyon ang plano ni Astraea para mawala ang Emperio. Pagpatay sa hari ng dahan-dahan." makahulugang sabi ni Astraea na ikinatingin ng grupo sa isa't isa.
"Patayin si Jan Carl? Talinghaga ba iyan?" sabi ni Fayra na ikinangiti ni Astraea.
"Sa bawat paglagapak niya ng pera, isa iyong unos para sa kanya na hindi niya hahayaan maging delubyo. Sa ganoon mapipilitan siyang bayaran ang Casa para maipasara ito." nakangiting sabi ni Astraea na ikinangiti ng buong kasapi ng grupo.
"Wow. Ang galing mo mag-isip." sabi ni Umiko.
"Ako ang reyna at nakakahiya naman kung ipapahiya ko ang pagbagsak natin. Limpak limpak na salapi na gagamitin ng Emperio sa kanyang pagtulog at pamamahinga ng matagal na manggagaling sa totoong hari.
Kikita tayo kahit tulog ang Emperio." nakangiting sabi ni Astraea.
"Langya! Tama nga si lolo Malic iba kapag nagsama ang dugo ng Lopez at Valiente." naiiling na sabi ni Rollo.
"Hahaha! Lopez kasi mukhang pera, ang Valiente mautak at ang Cheung may angas. Tatlong dugo na nananalaytay din sa atin." natawang sabi ni Viggo na ikinatawa ng sixtuplets ng malakas.
"Kay Kuya Amon pa lang nakikita naman, mas malupet iyan kay Astraea." nakangising sabi ni Shiloh na ikinatingin ni Amon dito.
"Mabuti alam mo. Ako ang hari kaya asahan mo kakaiba ako." sabi ni Amon saka ito napangisi na ikinatingin ni AJ dito at ikinatawa ng iba.
"Hahahaha!" malakas na tawanan ng magpipinsan na ikinatingin ng lahat sa stage habang nakababa ang telon.
"Mukhang masaya ang mga batang iyan." sabi ni Phil.
"Anong susunod?" sabi ni Frederick
Seryoso lang si Jan Carl habang nakatunghay sa stage.
"Paiikliin ko ang oras." seryosong sabi ni Jan carl sa isip.
....................
"Simulan natin magtrabaho at magpasaya ng lahat. Mahaba pa ang gabi para sa isang laro." sabi ni Astraea.
...........
Tumingin si Aj sa oras alas nueve y media na malayo pa ang oras pero natitiyak niya.
"Ibagsak mo lahat bago ka maunahan Jan Carl." nakangiting sabi ni Aj sa isip.
..............
March 6, 2023 8.24am
Fifth Street
.......
2chapters katumbas hindi ko na pinutol para hindi kayo mabitin.
........
Any amount will be accepted, tnx
G-Cash : 09153205730 - Jai Kim Chua
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top