Prologo 1.2 : My One and Only

Prologo 1.2 : MY One and Only

(Play the song for theme song for this novel)

Days later

La Secretos, N.E

"Ano ba itong napasukan ko. Sabi i-swipe ko lang ang card then bubukas. Bumukas pero... aissst! Saan ako papasok?" inis na sabi ni Elis ng nasa La Secretos na siya kaso kakaiba ang bar na iyon.

(Full description of La Secretos bar read NJOL and and SH novels)

Nasa vicinity na si Elis ng nasabing bar pero hindi niya akalain na ang unang palapag ay parking area ng magagarang sasakyan as in mamahaling sasakyan na ngayon lang niya nakitang may ganoon sa bansa.

"Saan ko ba isusuksuk ito?" sabi ni Elis sa isip alas diyes y media na kasi ng gabi ng makarating siya sa naturang lugar, galing pa siya sa Manila at wala naman siya kasabay dahil wala naman siyang kaibigan. Ayaw din kasi ng mommy niya magkaroon siya ng permanent friends dahil tingin ng mommy niya gagamitin lang siya kaya naman ang mga kaibigan niya may hangganan.

Napatingin si Elis sa card, mahal iyon, milyon ang halaga at muli nalula siya sa presyo ng card dahil ngayon niya nahinuha na may ganoong klaseng lugar sa bansa.

Ang La Secretos ay isang bar ng mayayaman, kung saan may membership fee dito na milyon ang halaga, puwede ka naman makapasok kahit hindi ka miyembro kaso milyon at mas malaki ang babayaran mo tulad ngayon talagang gumastos ang mommy niya para lamang maranasan niya at makapick up siya ng mayamang lalaki na gagawin niyang nobyo.

"Bakit kasi hindi na lang Turkish? British? Italian, pumupunta naman ako sa iba't ibang bansa at mas madali makahanap ng ganoong kaguwapong lalaki at mayaman.

At dito sa Pinas? Nyek! Lalangawin ka dito dahil walang ganoong lalaki. Low class ang lahat ng lalaki dito." sabi ni Elis na sa edad na disi sais anyos mas prefer niya talaga ang foreigner kasi para sa kanya mas class tingnan at feeling niya ang ganda ganda niya kapag banyaga ang nobyo niya na nangyari naman na kaso iyon nga lang hindi niya carry dahil mahilig sa sex ang mga banyagang nagiging nobyo niya.

"Haysss! Saan ba ako papasok?" inis na sabi ni Elis na iniwan nga niya ang kotse niya sa labas dahil para siyang tangang bumaba kanina at sinubukan i-swipe ang card na dala niya at ng bumukas ang gate, ayon sa taranta niya pumasok siya agad at naiwan ang kotse niya sa labas.

Naglakad si Elis sa unang palapag ng mapahinto ito ng makita ang elevator pero hindi iyon pangkaraniwan dahil swipe din iyon.

"Langya! Paano kung mawala ang card ko? Paano ako makakalabas?" sabi ni Elis sabay tingin sa paligid.

Napahingang malalim si Elis dahil pakiramdam niya hindi ligtas doon, at masusukol ang kahit sino.

"Mula sa labas hindi mapapansin ang lugar at aakalain mong tipikal na gusali pero ngayon nandito na ako sa loob... hays! Bakit kinakabahan ako?" sabi ni Elis sa sarili.

Ilang sandali pa ng bumukas ang kaninang entrance at may pumasok na magarang sasakyan kaya bahagyang nagkubli si Elis para hindi siya makita ng kung sino.

"Ohhhh!" ungol ng kung sino ng bumukas ang pintuan ng van na ikinagulat ni Elis ng makita ang tatlong babae na may kasamang hindi bababa sa limang lalaki at halos nagtatalik ang mga iyon sa loob ng van ng buksan iyon ng unang lalaking bumaba ng van.

"Isa lang ang gusto ng birthday celebrant." sabi ng lalaki.

"Ako na lang!" sigaw ng isang babae habang hinahalikan ito sa leeg ng isang lalaki.

"Tsss! Maselan iyon sa babae, amoy laway ka na." sabi ng lalaki na ikinatawa ng ibang babae.

"Ako na lang." sabi ng ikalawang babae.

"Boy, ayaw nun sa El Casa nanggaling ang babae." sabi ng isa pang lalaki sa van na iyon.

"Saan tayo kukuha?" sabi ng naturang lalaki.

"Sabi ni Sky iyong maganda daw iregalo natin sa anak niya." sabi ng unang lalaking bumaba ng van.

"Marami diyan sa loob, dating gawi na lang." sabi ng lalaki saka bumaba ang lahat sa van.

"Sky? Sino iyon?" napakunot noo sa kuryusidad na sabi ni Elis sa isip saka ito nanatiling nagkubli at nakuha pa nitong pasimpleng pumunta sa likuran ng sasakyan na malapit sa naturang elevator para sure na hindi siya makikita ng grupo.

"Bilisan niyo at baka mainip ang anak ni Sky." sabi ng isang lalaki habang papasok ang lahat sa elevator.

Nakamasid lang si Elis hanggang makapasok ang mga sakay ng van sa elevator.

"Huh! Eye scan." napangising sabi ni Elis sa isip ng makitang hindi gumamit ng card ang grupo kundi isa-isa ang mga ito nagregister sa pagpasok sa pamamagitang ng pag scan ng mga mata ng mga ito sa screen na nasa naturang elevator.

Nang mawala sa paningin ni Elis ang grupo umalis si Elis mula sa pinagkukublihan at pumunta ito sa tapat ng elevator, kinuha nito ang card at inilagay sa scanner at sa pagscan ng naturang card bumukas ang elevator.

Pumasok si Elis sa loob at ng tingnan niya ang button napakunot noo siya dahil walang nakalagay na button o numero.

"Hala! Nag-elevator pa kung... Aissst! Bakit ganito?" sabi ni Elis sa isip saka ito napasandal sa elevator.

"Baka kusang tataas." sabi ni Elis saka ito naghintay nang magaganap.

Pero ilang sandali pa nagtaka ito dahil matagal huminto ang elevator.

"Aissst! Bakit hindi umaandar? O baka hindi umaandar." sabi ni Elis saka nito tinitigan ang panel kung saan dapat nakalagay ang mga button.

"Buweset naman hi-tech, hindi ko alam kung may pindutan ba ito?" sabi ni Elis na naiinis na dahil feeling niya ang tanga niya.

"Bahala na. Baka touchscreen." sabi pa ni Elis saka ito nag tap sa naturang button panel kahit wala namang button na nakalagay roon.

"Asar!" inis na sabi ni Elis ng walang nangyaring kakaiba sa pagtap niya.

"Nakakatanga ang lugar na ito and I hate it." naiinis na sabi ni Elis, ng biglang magbukas ang likurang bahagi ng elevator na ikinagulat ng dalaga.

"Late." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Elis sa repleksiyon ng nagsalita sa salaming elevator.

Nakatalikod lang si Elis at kinalma nito ang sarili para hindi magmukhang tanga. Nakakita naman na siya ng elevator na ganoon ang pintuan, kabilaan, hindi lang siya handa ngayon na ganoon ang nasakyan niya kaya bahagya siyang nagulat.

"Alas onse." sabi ng lalaki habang nakatingin sa relo nito.

Lihim na pinagmamasdan ni Elis ang lalaki nakasuot ito ng shades, matangkad, at halatang may lahi ito dahil sa hindi tipikal na taas ng height nito at build ng katawan. Bahagya din may kulay ang buhok ng lalaki na halatang hindi dahil sa kinulayan ang buhok, dahil alam niya ang natural na kulay ng buhok sa kinulayan lang. Pero iyon lang ang pagsasalita matatas magtagalog o halatang laki ito sa bansa.

Napatingala ang lalaki at napatingin sa harapan ng mamilog ang mga mata nito ng mapansin na may kasama pala siya sa loob.

Pinagmasdan ng lalaki ang babae, matangkad ito, makinis, maputi, mahaba ang buhok na makintab, at ang damit halatang mamahalin pati ang sapatos at bag na dala nito lahat may tatak na alam niyang hindi fake. Nakasuot ng shades ang babae na ikinangisi niya dahil mamahalin din iyon.

"Expensive creature." napangising sabi ng lalaki sa isip.

Hindi niya masipat ng maayos ang itsura ng babae dahil bahagyang nakayuko ito at nakatabing ang mahabang buhok.

"Hmmmn. Mabango." pilyong sabi ng lalaki sa isip ng masamyo ang pabango ng babae na tiyak din siya mamahalin dahil ang pinsan niya ay mahilig sa mamahalin na lagi nitong pinagmamalaki sa kanilang magpipinsan.

"Sandali." sabi ng lalaki sa isip ng may napansin.

Napatingin ang lalaki sa button ng mapangisi ito ng mahinuha na hindi marunong ang babae gumamit ng naturang elevator at sa pagbaling ng lalaki sa babae nakita nito ang card na hawak ng babae, VIP card na ang ibig sabihin hindi ito member doon dahil iba ang card ng VIP sa member at sa tipikal na customer.

"Excuse me." sabi ng lalaki na ikinatabi ni Elis ng magsalita ang lalaki sa tonong halatang nagbibinata pa lang ito.

Bahagyang dumukwang ang lalaki para abutin ang button panel ng elevator na ikinalunok ni Elis dahil mabango ang lalaki, at mamahalin ang pabango nito.

Pagkaabot ng lalaki sa button panel tumingin ito sa babae at ngumiti ito na ikinalunok ni Elis ng makita ang mapuputi at magandang ngipin ng lalaki na parang commercial model ito ng isang sikat na toothpaste, maganda din kasi ito ngumiti.

"Iyong card mo itapat mo lang sa scanner para umandar." nakangiting sabi ng lalaki na ikinatitig ni Ellis sa lalaki.

Nang hindi sumagot ang babae napangiti ang lalaki saka ito umusal.

"Isang ngiti naman diyan tutal birthday ko ngayon." sabi ng lalaki sabay tanggal ng shades nito na ikinanganga ni Elis sa pagkamangha ng masilayan ang mga mata ng lalaki dahil kulay gray iyon na nagpadagdag sa guwapong mukha nito at lalaking lalaking awra.

"Hahaha! Sabi ko ngiti hindi nganga." natawang sabi ng lalaki saka ito lumayo sa babae na ikinatikom ng bibig ni Elis sabay talikod nito at amoy sa bibig niya ng palihim.

"Hahaha! Huwag kang mag-alala mabango ka naman at ang hininga mo habang nakanganga kanina. Lumayo lang ako dahil umiiwas lang ako sa babae kapag birthday ko." sabi ng lalaki saka ito napahingang malalim.

Hindi nagsalita si Elis dahil sa isip nito baka nga mabaho ang hininga niya.

"Hahaha! Katunayan uuwi na ako kasi I want to spend my one hour for the most precious person." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Elis dito na ikinangiti ng lalaki.

Sa pagtingin ni Elis umusog uli ang lalaki palayo sa kanya kaya namula ang mukha ni Elis sa pag-aakalang napapangitan ang lalaki sa kanya.

Napangiti ang lalaki saka ito umusal.

"Nabuo kami ng kapatid ko sa mismong kaarawan lagi ng Papa ko. Sa araw na masaya si Papa pero malungkot at nahihirapan ang Mama ko kaya sinabi ko sa sarili ko tuwing darating ang araw ng birthday ko o kung iseselebra ito NO GIRLS ALLOWED sa araw na iyon. Iyon ang rules ko." sabi ng lalaki saka ito tumingin sa screen na nasa button panel na ikinatingin ni Elis ng mabasa ng eye scanner ang mata nito na ikinatitig ni Elis sa ganda ng kulay ng mata ng lalaki.

"Huwag kang pupunta sa El Cielo, isa iyong langit pero hindi para sa Mama ko." sabi ng lalaki at ng magbukas ang elevator nagsalita si Elis bago pa man makaalis ang lalaki.

"Uuwi ka na pero umakyat ka?" sabi ni Elis na ikinalingon ng lalaki.

"May helipad sa taas ng building, tinatamad ako magkotse kaya sa chopper ako sasakay." nakangiting sabi ng lalaki saka ito tuluyang naglakad palayo pero bago pa man ito makalayo ng tuluyan ng sumigaw ito.

"Mama ko iyong precious person ko." sigaw na nakangiting lumingong sabi ng lalaki na ikinangisi ni Elis.

"So?" balik sigaw na sabi ni Elis na ikinatawa ng lalaki.

"Hahaha!" natawang reaksyon lang ng lalaki habang papalayo na ito.

"Hindi ko naman tinatanong. Tsss!" napailing na sabi ni Elis sa isip.

Napangisi si Elis at sa paglabas nito ng elevator nagulat ito ng may tumakip sa mukha niya.

"Hmmnn."  pigil na pagsigaw ni Elis ng buhatin siya ng kung sino habang nakataklob sa kanya ang isang...

"Ano ako baboy?"  piping sigaw ni Elis ng mahinuhang sako ang nakataklob sa ulo niya.

...................

Half hour Later

"Aissst! Si Papa talaga." napapailing na sabi ng lalaki na imbes na sa helipad siya dumeretso matapos makalabas ng elevator tinawag pa siya ng Papa niya na siyang namamahala ng La Secretos ngayon.

Napahingang malalim ang lalaki, hindi siya makakatagal sa lugar na iyon lalo na at kaarawan niya dahil mas gusto niya kasama ang mama niya at ang kapatid sa kanyang kaarawan na ilang beses na yatang isinelebra ng pamilya niya.

Hindi kasi siya sumabay sa pagdiriwang ng ikalabing walong kaarawan ng apat na pinsan niyang lalaki dahil wala siyang balak ipangalandakan ang araw na sumira sa buhay ng mama niya.

"Makauwi na nga."  sabi ng lalaki habang nasa helipad na ito. Nagtungo ito sa chopper at binuksan iyon pero sa pagbukas nito ng chopper laking gulat nito ng may babaeng natutulog doon at sa paglapit niya para makita ang mukha ng babae napatiim ng bagang ang binata ng makita ang itsura ng babae.

"Fuck!" pagalit na sigaw ng lalaki ng makitang may ribbon ang babae na tila regalo ito at talagang nakatali iyon ng pulang ribbon sa buong katawan.

"Arghhhhh!!!!" malakas na pagalit na sigaw ng lalaki dahil may malaking tarheta ang katawan ng babae na may nakasulat.

"Happy 18th Birthday King Hades!" na may devil na doodle na drawing

"Ahhhhh!" sigaw muli ni Hades sabay tingin sa paligid at sakto nakita nito ang paparating na dalawang lalaki.

"Sir, okay po ba? Regalo namin sa inyo." sabi ng isang lalaki na hindi man lang napansin ang galit sa mukha ng binata.

"Ang sabi ng father niyo, bigyan kayo ng regalo at alam naman namin na ayaw niyo kumuha sa casa kaya kumuha kami ng type niyo." sabi pa ng isang lalaki na ikinamula sa mukha ni Hades sa galit.

Napakuyom ng kamao si Hades ng maalala ang kuwento ng Mama niya huling araw bago ito gahasain ng papa niya.

"Wala akong hinihinging regalo!" sigaw ni Hades na ikinagulat ng dalawang lalaki ng mabilis na kinuha ni Hades ang baril sa loob ng chopper na pag-aari nito at bumaba ito saka tinutok ang baril sa dalawang lalaki.

"Si---sir..." sabi ng lalaki na halos mamutla ito sa gulat.

"Ibalik niyo siya ng tama kung saan niyo nakuha. Kapag hindi niyo ginawa papatayin ko kayo at kapag nalaman kong ginalaw niyo siya idadamay ko ang pamilya niyo." sabi ni Hades na ikinalunok sa pamumutla ng dalawang lalaki.

"Si-sir sige po ibabalik na namin." sabi ng lalaki kay Hades.

"Ibalik niyo sa bahay nila. SA BAHAY NIYA!" galit na sigaw ni Hades na mabilis na kumilos ang dalawa at pinuntahan ang babae pero ilang sandali lang ng mapapikit si Hades saka ito umusal.

"Sandali." sabi ni Hades ng akmang bubuhatin ng dalawang lalaki ang babae

"Sir?" magkasabay na sabi ng dalawang lalaki.

Iminulat ni Hades ang mga mata saka ito napangisi.

Napalunok ang dalawang lalaki ng makita ang kakaibang awra ng binata na tila ito demonyong sinapian.

"Kilala niyo ba si King Hades?" sabi ni Hades na ikinatingin ng dalawang lalaki sa isa't isa.

"....The God of the death." napangising sabi ni Hades.

................

El Cielo, La Secretos N.E

"Sky!" sigaw ni Spark.

"Bakit?" sabi ni Sky ng maulinigan ang tawag ng pinsan niya.

"Iyong anak mo, hinulog iyong dalawang tauhan sa gusali mula sa helipad." sabi ni Spark na ikinanlaki ng mata ni Sky.

.................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

...................

February 4, 2023 5.59pm

Fifth Street

Good night

sana nagustuhan niyo. Gooodddd niggghttttt!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top