Kabanata 9 : Peke

Kabanata 9 : Peke

NLC Building, Makati


"Sandali." sabi ni Elis habang basang-basa ito ng tubig mula sa shower at binubuhat palabas ng dalwang guard na babae.

"Bakit?" sabi ni Hades

"Wala kang alam sa pamamahala. Babagsak ang kompanya at lagot ka sa lolo natin." sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades.

Tumayo si Hades na ikinatingin ni Elis sa binata, nakasuot lang kasi ito ng ng white na long sleeve at dahil basa ito banaag ang malapad na dibdib nito at perpektong abs.

"Hahaha! Lolo ko lang hindi mo lolo Miss Fake Cousin, at huwag kang mag-alala dahil may alam ako sa kompanya dahil kung maitatanong mo, nakatapos ako ng kursong Fashion Design at alam ko at tantyado ko ang sukat ng isang tao kahit na tingnan ko lang katulad ng sayo." sabi ni Hades na ikinapula ng mukha ni Elis sabay tingin sa sarili niya.

Namula ang mukha ni Elis dahil bumakat sa suot niya ang mamahaling panloob na nabasa ng tubig.

"36 cup C, ang underwear mo ay nasa medium size ang baywang mo ay 23." sabi ni Hades saka ito napangiti

"Langya! Nanganak ito sa anak ko pero ang katawan pandalaga pa rin. Sabagay mukhang marunong mag-alaga." sabi ni Hades sa isip ng masipat pa niya ang matambok na puwetan ni Elis ng humakab ang suot nitong skirt sa katawan nito.

"Bastos ka." sabi ni Elis ng sipatin ng lalaki sa harap niya ang katawan niya.

"My dearest cousin, sa kompanyang ito at sa mundo ng fashion walang bastos, lahat ay trabaho lang na kahit..." sabi ni Hades sabay hawak sa dibdib ni Elis kaya napasigaw ito.


"Ahhh! Kakasuhan kita."
sigaw ni Elis na ikinatawa ni Hades dahil hindi naman tuluyan sumayad ang kamay niya.


"Hahaha! Kahit na hawakan ko ang dibdib mo professionalism ang tawag doon dahil kailangan ko tantyahin ang sukat ng dibdib mo sa gagawin kong lingerie."
sabi ni Hades sabay napailing ito.

"Maarte, tama nga ang balita exagerrated ito magreact." sabi ni Hades sa isip ng pagpagin ni Elis ang katawan nito.

"Tingnan natin kung kaya mo." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades.

"Babaguhin ko ang lahat ng ginagawa ng kompanya sa mas maganda at makabagong lingerie na kikilalanin sa buong mundo."sabi ni Hades.

"Babaguhin mo?" sabi ni Elis na kumalma.



"Yes, dear."
sabi ni Hades habang palihim na pinagmamasdan ang babae.

"Babaguhin mo ang gawa ko? Siraulo ka pinaghirapan ko ang lahat at tumaas ang kita at nakilala pa ang NLC ng dahil sa akin." sabi ni Elis na hindi makapaniwala na ang lahat ng hirap niya biglang mawawala sa isang iglap sa loob ng mahabang taon ng dahil sa lalaking biglang sumulpot sa kanyang harapan.

"May iaalok ako sayo para ang pinangangambahan mo ay hindi matuloy." sabi ni Hades.


"Ano?
"sabi ni Elis.

"Collab." sabi ni Hades.

"Anong collab?" sabi ni Elis na napakunot noo.

"Collaboration, ikaw at ako." nakangiting sabi ni Hades sabay lapit kay Elis na ikinatitig ni Elis sa mata ng binata.

"Oh shit, iba ang kulay ng mga mata niya." sabi ni Elis sa isip ng makita ang kulay ng mga mata ni Hades.


"Collaboration kung saan..... ako ang amo at ikaw ang modelo."
pilyong sabi ni Hades habang titig na titig si Elis sa kanya.


"Mukha nito."
sabi ni Elis sabay hawak sa mukha ni Hades na ikinangisi ni Hades.

"Ako gagawa ng damit mo na imomodelo mo." nakangiting sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis habang hawak ang mukha ni Hades.

"Mr Devil, kung baliktarin kaya natin. Ako ang amo at ikaw ang modelo ko." nakangiting sabi ni Elis.

Napatitig si Hades kay Elis, hindi naman ito kahawig ng kapatid niya tulad ng sinasabi ni Aj. Malayo nga ang nakikita niyang pagkakaiba o siguro dahil kapatid niya si Hestia kaya alam niya sa sarili niya ang pagkakaiba ng dalawang babae.

"Ayoko." sabi ni Hades na ikinangiti ni Elis.

"Ayaw mo?" nakangiting sabi ni Elis.


"Ayaw ko."
diin na sabi ni Hades.

"Okay. So, lumayas ka sa kompanya ko." sabi ni Elis sabay tulak kay Hades pero dahil malakas ang lalaki siya ang natulak paatras na tila pader ang tinulak ni Elis.

"Hahaha! Ganito dapat ang kompanya matibay, malakas at higit sa lahat hindi basta-basta matutumba ng kahit na sino lalo na kung isang alikabok lang." sabi ni Hades na ikinanlaki ng mga mata ni Elis.

"Ang yabang nito. Ako alikabok? Eh thank you gym ka lang naman." inis na sabi ni Elis.

Napangisi si Hades sabay tingin sa katawan ni Elis.

"Natural pa rin. Eh ikaw mukhang nagpa-lipo ka at mukhang ang dami mong ginawa sa katawan mo para maging sexy uli." sabi ni Hades na ikinatahimik ni Elis ng maalala ang huling pag-uusap niya kay Hades sa telepono.

Nang matahimik si Elis napatitig si Hades sa dalaga saka ito sumeryoso.

"Kung ayaw mong maging kabahagi ng kompanya ko lumayas ka ngayon na." sabi ni Hades na ikinatiim ng bagang ni Elis.

Napakunot noo naman si Hades ng tumahimik lang si Elis dahil ang inaasahan niya ilalabas nito ang anak niya. Mula kasi ng makausap niya ito sa telepono ilang taon na ang nakakalipas hindi na ito nagpakita sa kanila. Isang taon ito nawala sa spotlight ng media kahit na nga ba naririnig at nababalita ang pangalan nito dahil sa kompanya at mga gawa nitong lingerie na minomodelo ng mga sikat na modelo at artista.

Tahimik ang lahat sa mga panahon na inaabangan niya ang panggugulo nito pero hindi naganap. May nakapagsabing nanirahan ito sa Monaco taon kung saan dinadala nito ang anak niya sa sinapupunan nito. Ang lugar na iyon ay walang makapasok na media kaya naman, wala siyang makalap na impormasyon mula sa dalaga dahil mahigpit din ang seguridad sa lugar na iyon para magpadala siya ng agent.

"Nakita ko na siya. Saan ba?" sabi ni Elis sa isip habang nakatitig kay Hades. Matandain siyang tao, ultimo nga stitches ng makina sa bawat gawa niya alam niya kung ilan at kung kailan hihinto kaya imposibleng hindi niya mahanap sa isip niya kung saan niya nakita ang lalaki.

"Kung tititigan mo lang ako puwede ka ng umalis dahil itong opisina ko ay ipaparenovate ko na ora mismo." sabi ni Hades.

Agad naman hinawakan muli si Elis ng dalawang security.

"Ano? Uy! Aking opisina ito." sabi ni Elis na sabay piglas sa mga security na nakahawak sa magkabilaan niyang braso.

"Puwede naman tayo mag-share." sabi ni Hades.

Napaisip si Elis saka ito napangisi.

"Huh! Ganito na lang. Kapag ba binigay ko ba sayo lahat ng ito nang kusang loob may papasok na kita sa account ko?" sabi ni Elis na ikinakunot noo ni Hades.

"Bakit ko naman gagawin iyon? At saka akin ito so bakit kita bibigyan ng akin?" sabi ni Hades.


"Ahhhm. Nicolas din ako."
sabi ni Elis.

"Peke." sabi ni Hades.

"Sa mata ng batas, ang lolo ko ay legal pa rin na Nicolas kahit step brother lang siya ng lolo mo. Namatay ang lolo mo kaya automatic napunta sa lolo ko ang lahat. Ang daloy ng yaman ay sa akin ang bagsak dahil patay na ang mama mo at iyon ang nakasaad sa death certificate na nasa abogado namin." sabi ni Elis na ikinatawa ni Hades.


"Hahaha! So hindi sinabi ng mama mo na buhay ang Mama ko. Wow! Talagang pinatay niyo ang Mama ko para makamkam ang lahat."
sabi ni Hades.

Napahinto si Elis ng mabanggit ang Mama niya kaya tumigil si Hades sa pagsasalita.

"Patay na ang mama ko." mahinang sabi ni Elis na ikinalunok ni Hades.

"Ahhhmmm. Kung hindi ka madaling kausap at hindi ka magaling sumagot sa mga tanong ko. Ilalapit ko ito sa korte." sabi ni Elis.

"Go dahil sa huli akin pa rin mapupunta ang lahat." sabi ni Hades.

"Okay, pero ayon sa hukuman kapag nakahang ang lahat sa korte at ang proseso ng kaso ay tumatakbo mananatili sa akin ang pamamahala hanggat walang desisyon naibabagsak. So meaning lumayas ka sa opisina ko." sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades dahil mukhang alam ni Elis ang isasagot nito sa kanya.

"May katibayan ako kaya ayon sa hukuman half-half ang magiging pamamahala hanggat dinidinig sa korte ang kaso." sabi ni Hades.


"Excuse me ha! Ano ka abogado?"
inis na sbai ni Elis na ikinangiti ni Hades.


"Ahhmm. Hindi pa pala ako nagpapakila sayo base sa propesyonal na pagpapakilala. Ako nga pala si Atty Hades Lopez ang forte ko mga kaso tungkol sa mga dokumento ng kompanya." sabi ni Hades na ikinagulat ni Elis.

"Ano? Abogado ka?" nanlalaking mata sa gulat na sabi ni Elis dahil wala naman siyang pakialam o hindi hindi naman siya nakikibalita sa step cousin ng Mama niya kaya wala siyang alam tungkol sa mga sanga nito.

"Gusto mo bang humingi ng payong legal sa akin?" mayabang na sabi ni Hades na ikinatitig ni Elis sa binata.

"Oo." sabi ni Elis ng may maisip na kakaiba.

"Okay, ano iyon?" sabi ni Hades sabay lapit pa kay Elis hanggang magkadikit ang katawan ng dalawa.

"Puwede bang kunin kitang abogado para ipakulong ang taong kumukuha ng yaman ko." nakangising sabi ni Elis na ikinangisi ni Hades.


"Puwede naman, pero mahal ang fee ko."
sabi ni Hades na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Okay lang. Basta make sure makukulong ang taong nasa opisina ko ngayon at feeling pogi sa harapan ko." sabi ni Elis na ikinangiti ni Hades saka nito hinawakan ang mukha ni Elis na ikinamilog ng mga mata ng dalaga.

"Okay, makukulong siya habang buhay sa....

...sayo." sabi ni Hades na napangiti sa huling salitang binitawan, na ikinanlaki naman ng mga mata ni Elis ng yumuko si Hades at dumampi ang labi nito sa labi niya.

Sa pagdampi ng labi ni Hades napakunot noo ito dahil wala siyang naramdaman na dati na niyang nahalikan ang babae.

"Imposible. Lahat ng naging babae ko alam ko pagkakaiba sa isa't isa. Hindi ko rin malilimutan ang bawat halik sa bawat labi kahit lango ako sa alak." sabi ni Hades sa isip sabay tanggal ng labi niya kay Elis.

Napapikit naman ng mariin si Elis na lalong ikinalito at gulo ng isip ni Hades.


"Parang may mali."
sabi ni Hades sa isip.

"Grabe, ang lambot ng labi." sabi ni Elis sa isip habang nakapikit ito matapos dumampi ang labi ni Hades sa labi niya.

"Hindi kaya si Aj talaga ang nakatalik niya at pinasa lang sa akin?" nagdududang sabi ni Hades sa isip habang nakatitig sa mukha ni Elis.

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Elis at sakto tumama ang mata niya sa abuhing mata ni Hades.

"Uyyy! Ang ganda talaga ng kulay ng mga mata niya." sabi ni Elis sa isip na tila siya nasa kawalan sa pagtitig ng magandang matang iyon ng binata.

"Palabasin niyo na siya, at huwag niyo papasukin sa kompanya ko." napaseryoong sabi ni Hades na ikinanlaki ng mga mata ni Elis ng hawakan na muli ito ng dalawang security na babae at igiya palabas ng opisina.

Hindi nakahuma si Elis dahil nag-iba ang awra ng lalaki mula sa ngiting binabato nito kanina naging seryoso iyon.

.........................

Kinabukasan

NLC Building, Makati

"Uyyy! Bakit ganito?" sabi ni Elis ng makita ang malaking billboard sa mismong gusali ng NLC.

"Wow ha! Talagang handa siya." sabi ni Elis ng makita at mabasa ang nasa billboard.

"Under New Management." napangising sabi ni Elis at napataas ang kilay nito ng makita ang nakangiting picture ni Hades.


"Ayos ha! Ako nagpakahirap tapos ganoon-ganoon lang iyon. Kukunin niya na parang hiniram lang na washing machine sa kapitbahay." sabi ni Elis saka ito napababa ng kotse at nagmamadaling pumasok sa gusali pero nasa entranda pa lamang siya ng harangan siya ng mga bagong security.

"Ah! Hahahah! Talagang pati ang security ko pinalitan." mapanuyang tawa ni Elis ng makita ang logo ng Security at hindi basta-basta iyon dahil galing iyon sa Ground Zero ang pinakakilala at pinagkakatiwalaang Security Agency sa bansa.

"Excuse me, paraanin niyo ako dahil akin ang kompanyang ito." sabi ni Elis.

"Maam, sa ngayon mga trabahador lang ng kompanya ang pinapapasok dahil nagsasagawa po ng clearing ang buong gusali." sabi ng guard na ikinataas ng kilay ni Elis.

"Clearing? Ano ito criminal site?" sabi ni Elis sa sarkastikong tono.

"Maam, ang lahat ng aplikante ay mamayang alas tres pa puwede pumasok." sabi ng isa pang guard na ikinapanteng ng tenga ni Elis.

"Anong aplikante? Ako ang may-ari nito kaya paraanin niyo ako dahil mali itong ginagawa niyo." sabi ni Elis sa malakas at mataray na tono.

"Maam, ang sabi ni Chairman Lopez...." udlot na sabi ni gurad ng sumigaw si Elis.


"Chairman?! Whoah! Talagang Chairman agad? Janitor pa lang ang posisyon na ibibigay ko sa kanya." sigaw ni Elis na ikinatingin ng mga empleyado dito.

Napatingin si Elis sa mga empleyado saka pinagtuturo ang mga ito.

"Kayo! Anong titingin-tingin niyo?" sigaw ni Elis na ikinayuko ng mga empleyadong papasok sa buildinag.

"Huh! Pumasok na tayo. Karma niya iyan." bulong ng isang empleyado.

"Hoy! Lagot ka sa akin mamaya." sigaw ni Elis ng marinig ang sinabi ng isang empleyado.

....................

Hades Office

"Chairman, nasa baba na po si Madame Elis." sabi ng secretary dati ni Elis.

Napatingin si Hades sa babae kaya muling nagsalita ang babae sa harapan niya.


"Chairman, nagwawala po siya at kapag ganoon po hindi siya mapapahinto. At saka po iba po siya magalit, namamahiya talaga siya."
sabi ng secretary.

Napahinto sa ginagawa si Hades sa pagbabasa ng mga dokumento. Alam niya ang ugali ni Elis sa mga tauhan, istrikto ito istriktong na nagiging matapobre ito sa lahat. Kaya naman ilag ang lahat ng tauhan dito.

At kahit naman ganoon ang dalaga, napatunyan nito ang pag-angat ng negosyo ng lolo niya. Iyon nga lang sa nakikita at nababasa niya ngayon maraming kaso sa labor ang kompanya dahil sa mga illegal na termination na ginagawa ni Elis. Bukod doon hindi nagbabayad ng tamang sahod ang dalaga tulad ng overtime pay.

Natanggal sa kompanya ang dating regularization rules ng empleyado at ngayon sa nababasa niya lahat ng empleyado nila halos lahat ay under agency na hindi saklaw ng kompanya at madaling tanggalin kapag inayawan na ito ni Elis.

"Bumaba ka at kapag nagpumilit pumasok sabihin mo mag-apply siya kung gusto niya uli makapasok dito." seryosong sabi ni Hades.

"Chairman, hindi ko yata kaya kasi mataray si Madame at iyong taray niya nakakasakit." mahinang sabi ng secretary.

"Akong bahala sayo." sabi ni Hades.


"Chairman, baka mawalan ako ng trabaho."
sabi ng secretary.

"Ako ang may-ari nakikita mo naman di ba?" sabi ni Hades.

"Aaaaa okay Chairman." sabi ng Secretary pero bakas ang takot sa mukha nito na ikinakunot ni Hades.


Umalis ang secretary sa opisina niya na agad na ikinatayo ni Hades.


"Okay, tingnan natin ang ugali mo."
sabi ni Hades sa isip dahil kailangan niya ng ebidensya sa mga nakasulat na kaso kung totoo ba o hindi. Ang ibang kaso ay nakahang dahil binabayaran ni Elis ang pag-usad ng kaso nito at ang iba naman ay tuluyan ng huminto sa pagdedemanda sa kupad na batas sa employment cases sa bansa.

...............

"Papasukin mo ako dahil mali ang ginagawa niyo. Ano ito basta-basta ako papaalisin? Tanga ka ba? Simpleng batas hindi mo alam." Sabi ni Elis sa guard.

"Miss iyon ang utos sa taas na sinusunod lang namin." sabi lamang ng guard sa mahinahong tono kahit na halatang napipikon na ito s babaeng kaharap.

"Taas? Ano Diyos? Bastard! Ako may-ari ng tinutuntungan mo. At kung kilala mo ako hindi ka ganyan mag-isip." sabi ni Elis.

"Iyon ang protocol." sabi ng isang guard.

"Protocol? Shit ba iyang utak mo." sabi ni Elis na ikinatitig ng mga security kay Elis dahil sa paraan ng pananalita nito.

"Excuse me po." sabi ng isang babae na nagpahinto kay Elis.

Napatingin si Elis sa babae at napangiti ito ng makita ang secretary.

"Gelai, sabihin mo sa kanila kung sino ako." sabi ni Elis.

"Madame, sabi po ni Chairman kung gusto niyo po daw makapasok sa loob mag-apply daw po muna kayo." sabi ng Gelai.

Nagpanteng ang tenga ang Elis at sa galit nito sa nadinig mabilis na nahablot nito ang buhok ng secretary na ikinagulat ng Security at dahil hindi nila akalain na nananakit ang babae sa harapan nila hindi nila naagapan ang bigat ng kamay nito na dumapo sa ulo ng empleyada.


"Langya ka! Matapos kitang bigyan ng trabaho at tulugan pag-aralin ang mga kapatid mo iyan ang sasabihin mo sa akin."
inis na sabi ni Elis habang sinasabunutan ang babae.


"Madame, iyon po ang utos ni Chairman na sabihin sa inyo."
sabi ng babae na namimilipit sa sakit ng sabunot ni Elis.

"Gaga! Ako ang amo mo, traydor ka! Magkano tinapal na pera sayo, hampas lupa ka." sabi ni Elis na ikinatingin ng lahat dito.

"Itigil mo iyan o idedemanda kita." dumagondong na sabi ni Hades na ikinatingin ng lahat.

Napatigil si Elis saka nito tinitigan si Hades.

"Ikaw ang idedemanda ko." sabi ni Elis.

"Hinihintay nga kita. Di ba ako nga ang kukunin mong abogado?" sabi ni Hades.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" sigaw na sabi ni Elis.

"Wala kang magagawa dahil akin ang kompanya." sabi ni Hades na sumeryoso ng makita ang galit sa mukha ni Elis.

"Pinaghirapan ko ang lahat ng nakikita mo." sabi ni Elis kay Hades sabay pagbitaw ni Elis sa pagsabunot sa babae.

"Puwede ka naman lumapit sa abogado mo. Handa naman ako kung kukunin mo." sabi ni Hades.

"Lalapit talaga ako." sabi ni Elis saka nito sinipa ang babae na ikinagulat ni Hades

"Aray!" sigaw ng secretary ng masaktan na ikinangisi ni Elis.

"Patay gutom!" sigaw ni Elis na ikinakunot noo ni Hades sa nakikitang ugali ni Elis na ngayon lang niya nakikita.

"Grabe naman kayo Madame. Nagtatrabaho naman po ako at kumakain kami ng maayos ng pamilya ko." napahiyang naiiyak na sabi ng secretary.

"Kapag nakabalik ako sa kompanya ko, una kitang aalisin." sabi ni Elis saka ito tumingin kay Hades sabay duro sa binata.

"....at ikaw, hindi mo madali makukuha ang pinaghirapan ng lolo ko at ng Mama ko. Baliw ang nanay mo kaya sa batas sa Mama ko talaga mapupunta ang lahat at....

Huh! hindi ko alam kung anak ka niya talaga dahil namatay ang step cousin ng mama ko ng magahasa siya.

Hahaha! Hindi pala dahil namatay siya sa kaharutan niya. Biruin nagputa kaya namatay ang tatay niya. Gaga di ba? Bobita!" mahabang gigil at galit na sabi ni Elis na ikinapanteng ng tenga ni Hades kaya naitaas nito ang kamay na ikinapikit ni Elis sa inaasahang pagsampal sa kanya ni Hades ng itaas nito ang kamay.


Napangisi si Hades sa pagpikit ni Elis sa inaakalang pagsampal niya dito.

Napatingin naman ang mga naroroong empleyado kay Hades at Elis.

Napadilat ng mata si Elis ng hindi dumampi ang palad ni Hades sa mukha niya.

"Tsk tsk tsk! Mukhang may angry management issue ka." napangising sabi ni Hades sabay haplos sa mukha ni Elis na ikinalunok ni Elis.

"....kumuha ka ng magaling na abogado kasi sa patong-patong na kaso mo sa kompanya na nalusutan mo baka hindi ka na suwertihin sa susunod." seryosong sabi ni Hades na ikinatiim ng bagang ni Elis.

"Mang-aagaw." mataray na sabi ni Elis.

"Magnakakaw ka naman." sabi ni Hades na ikinamula ng mukha ni Elis.

"Humanda ka sa akin, hindi pa tayo tapos." sabi ni Elis saka nito piniksi ang kamay ni Hades na humahaplos sa mukha niya.

"Maghanda ka ng milyones mo dahil mukhang marami kang hindi pinasahod ng tama."sabi ni Hades na ikinangiti lang ni Elis.

"Lumago lalo ang kompanya dahil sa patakaran ko. At hindi mali magtanggal ng trabahador kung alam mong hindi ito makakatulong sa pag-unlad ng kompanya. Ginagawa din ang patakaran na iyon sa ibang kompanya. Hindi ka naman tanga dahil mayaman ang grupo mo." sabi ni Elis.

"Tama ka pero ang hindi sila bayaran ng tama sa pag-alis nila ay mali. At nagkakamali ka dahil wala sa kompanya ng grupo ko ang tulad mo." sabi ni Hades.


"Mali? Paano mong masasabing mali kung alam mong ginamit lang nila ang kompanya para kumita sila pero in the end wala silang binigay sayo bilang kapalit sa mga binabayad mo sa kanila.

At puwede ba alam kong nagsara ang El Casa na pag-aari ng grupo mo na ikinawala ng trabaho ng marami. Saan kaya sila napunta? Hindi ba pagbabawas iyon dahil wala na silang pakinabang sa Emperio." sabi ni Elis.

"Sa husgado mo sabihin ang paliwanag mo hindi sa akin." sabi ni Hades.


"Okay, Hudas huwag kang mag-alala kaya kitang tapatan."
sabi ni Elis saka nito tiningnan ang secretary niya dati.

"Ikaw babae, humanda ka dahil babalik ako at sisipain kita palabas ng kompanya ko. Traydor." sabi ni Elis kay Gelai saka ito umalis.

Napangisi naman si Hades sa tinawag sa kanya ni Elis.

"Sabi ko sayo Chairman, matindi siya." sabi ni Gelai habang hinahaplos ang ulo nito.

.....................

Hours Later

Nicolas Mansion , New Manila

"Mahihirapan tayo bawiin ang lahat, Elis. Nasa kanya ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may-ari at tagapagmana." sabi ng abogado ng mga Samo.

"Asar! Si Amon ang kumuha. Sabi ko na nga ba may hidden agenda siya at ngayon binigay niya sa pinsan niya. Niloko nila ako. Buweset!" sabi ni Elis.

"Nabasa na namin at napag-aralan ang lahat ng ipinakita sayo ni Mr Lopez at sa nakikita namin naayos na niya ang nasabing mga dokumento. Handa siya o naghanda talaga siya bago niya kunin sayo, dahil sa mga petsa na lumabas mukhang tiniyak niyang walang butas ang lahat sa pagbabalik niya at pagkuha ng pag-aari niya." sabi ng isa pang abogado.

Napatingin si Elis sa tatlong abogado ng pamilya Samo, tiwala siya sa mga ito dahil ito nangangalaga ng mga mana niya mula sa ama. Iyon nga lang ang lahat na mana niya dapat sa ina ay biglang nawala sa panahon na busy siya sa mga proyekto ng kompanya.

"Iha, kapag lumaban tayo kaunti lang ang porsyento na mananalo tayo lalo na at hindi basta-bastang tao ang babanggain natin." sabi ng abogado.

Napaisip si Elis ng biglang mapangiti ito.

"Okay, oras na para ipakita ko ang alas ko." sabi ni Elis sabay tingin sa larawan na nasa laptop nito.

......................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

.......................

February 9, 2023 5.11pm

Fifth Street

Good night 

mahaba po itong chapter 9

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top