Kabanata 8 : Simula ng Pagsakop

https://youtu.be/4RyvOPvLuq4

 PLAGIARISM is a CRIME

Do NOT Copy!!!!!

Original novel by Rose Chua

.......................................

Kabanata 8 : Simula ng Pagsakop

Flashback

Stem Months ago


"Pahiram ng chopper, uuwi na kami." sabi ni Hades ng makita si Borealis sa gusaling iyon na hindi naman niya ipinagtataka dahil tauhan ito ni AJ.

Napatingin si Borealis sa babae at napangisi ito.


"Bago ba iyan? Pahiram."
sabi ni Borealis na ikinasipa ni Hades sa lalaki habang buhat nito si Elis na wala pa rin malay.

"Hahaha! Ang sakit." natawang sabi ni Borealis ng maabot ng paa ni Hades ang binti niya para sipain kahit buhat ni Hades ang babae.

"Siraulo! Pahiram ako ng chopper at baka magising ito lagot ako pati kayo." sabi ni Hades.


"Bakit?"
sabi ni Borealis na nagawa pang kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito saka binuga pataas.

"Tsss! Hindi ka mukhang doctor sa ginagawa mo. Mukha kang...." udlot na sabi ni Hades.

"Mafia doctor ako." nakangiting proud na sabi ni Borealis.

"Aissst! Bilisan mo na at iuuwi ko na ito sa bahay nila o kahit saang hotel habang hindi ako nakikita." sabi ni Hades na ikinatawa ni Borealis.


"Hahahaha! Mukha kang natatakot."
sabi ni Borealis sabay lapit kay Hades at kinapa ang noo nito.


"Ano ba?"
sabi ni Hades ng kapain ni Borealis ang noo niya.

"Ayan, ang ebidensya malamig sa gusaling ito at sa bansang ito pero ikaw pinagpapawisan ng malapot. Anong nangyari diyan?" sabi ni Borealis sabay lahad ng kamay nito na may pawis ni Hades.


"Hay naku! Wala akong oras makipagkuwentuhan sayo. Pahiram na ako ng chopper."
sabi ni Hades ana ikinatawa ni Borealis dahil nasa mukha ni Hades na atat itong umalis sa takot na masilayan ito ng babaeng hawak nito.


"Okay, pero may bayad."
sabi ni Borealis.


"Ano?"
sabi ni Hades.

"Kahit ano puwede ba?" sabi ni Borealis.


"Tangna! bilisan mo ano iyon?"
naiinip na sabi ni Hades na ikinatawa ni Borealis.


"Hahaha! Kahit ano nga, puwede?"
natawang sabi ni Borealis.

Naroroon si Borealis sa Stem dahil siya ang nagbigay ng gamot sa dalawang nasa harapan niya at siyempre pinag-aaralan niya ang epekto ng ibinigay niya habang kausap si Hades na hindi alam ng lalaki sa harap niya na nagsasagawa na siya ng test at interview para malaman ang side effects ng gamot.


"Bullshit! Oo na."
inis na sabi ni Hades ng bahagyang gumalaw si Elis habang karga niya


"Blind date sa kapatid mo, sa asawa ko."
sabi ni Borealis.


"Ano?! Isa ka pang gago! Suntukan na lang tayo gusto mo?"
gulat na sabi ni Hades.

"Hahaha! Asawa ko iyong kapatid mo pero hindi pa kami nagsasama. Kaya gumawa ka ng paraan para maging mag-on muna kami." sabi ni Borealis.


"Langya ka pinakasalan mo na hindi mo pa naging nobya."
inis na sabi ani Hades.


"Bahala ka. Aalis na ako."
sabi ni Borealis saka ito tumalikod.


"Ahhhhh! Oo na."
sabi ni Hades na napasigaw sa tensyon ng gumalaw si Elis dahil hindi niya alam ang gagawin kapag nagising ito na siya ang nakasex.

"Hahaha! Hinaan mo ang boses mo at huwag lang sumigaw at baka mabuking ka." natawang sabi ni Borealis.


"Langya ka! Kakutsaba ka ni AJ. Ako ang brother-in-law mo sa kanya ka talaga pumanig."
sabi ni Hades.

"Mahirap kalaban si Aj, tulad niyang ginawa niya sayo. Haysss! Si Aj ang tipo ng tao na papatayin ka ng unti-unti sa tensyon, kaba at problema. At ayoko mangyari iyon sa akin." sabi ni Borealis na ikinangisi ni Hades.


"Ayos ha. O sige na pahiram na ng chopper."
sabi ni Hades.


"Iyong bayad muna."
sabi ni Borealis.


"Oo na."
sabi ni Hades.


"Hahaha! Segurista ako kaya kukunin ko muna at baka mabudol mo ako. Valiente ka pa naman."
sabi ni Borealis na ikinangisi ni Hades.


"Okay. Kunin mo ang susi sa bulsa ko, susi iyan ng condo ni Fayra. Basta huwag mong gagalawin at tatakutin."
sabi ni Hades.


"Oo naman. Malalagot din ako kay Aj at sabi ko nga ayokong parusahan ng leader namin. Kaya behave ako."
nakangiting sabi ni Borealis.

.....................

Present Day

Cheung Hospital

"Ako si Elis, ang nobya ng pinsan mong si Aj Valiente at future magiging cousin-in-law mo. Plus the fact na magiging katulong ko ang pinsan mo sa kompanya ko." sabi ni Elis.


"Whee?"
sabi ni Hades na nag-make face pa kahit kausap lang naman nito sa cellphone si Elis.

"Hahaha! Mr Hades huwag kang mag-asam na sayo ang akin dahil ang leader ng grupo niyo ay magiging asawa ko.

And take note, alam kong hindi sila kasal ng kapatid mo. Plus the fact na nagsex lang naman kami sa panahon na sila ni Hestia. Meaning hindi talaga sila ni AJ dahil walang lalaking papatos sa ibang babae kung mahal niya ito. At sa pagkakataong iyon na nagsex kami, at NAGBUNGA ANG LAHAT." sabi ni Elis.


"Ano? Ang dami mong sinabi wala akong naunawaan."
napalunok na sabi ni Hades sa sinabi ni Elis dahil ang totoo ang huling sinabi nito ang tila naka BOLD LETTERS sa utak niya

"Nagsex lang naman kami at buntis ako." sabi ni Elis na ikinamutla ni Hades.


"Hindi totoo iyan."
sabi ni Hades.


"Oh my God! Iyong anak ko hindi ako makikilala."
sabi ni Hades sa isip.

"Totoo ito." sabi ni Elis sabay binaba nito ang cellphone.

Pagkababa ng tawag napahingang malalim si Elis.


"My God! Loko iyon, kukunin ang akin. Hindi puwede."
sabi ni Elis sa isip.

Samantalang agad na nagdial si Hades sa cellphone.

...............

Private Room, Cheung Hospital

"Hello." sagot ni Aj ng makita ang number ni Hades agad iyon sinagot ng magring.


"Umalis na kayo ni Hestia, itago mo muna ang kapatid ko dahil si Elis buntis."
sabi ni Hades na ikinangisi ni AJ.

"Talaga?" sabi ni Aj na tila nang-aasar ito.


"Siraulo ka! Umalis muna kayo ng kapatid ko at ako ng bahala."
sabi ni Hades na ikinatawa ni Aj kaya napatingin ng grupo kay Aj.

"Hahahaha!

Anong pakiramdam?" sabi ni AJ ng matapos tumawa sumeryoso ito ng magtanong.

Napatiim ng bagang si Hades sa sinabi ni AJ.

"Hindi ko pinangarap na gayahin ang tatay ko dahil ikaw ang nagplano nito at naglagay sa akin dito." sabi ni Hades na ikinatawa ni Aj.

"Hahahaha!" natawang reaksyon ni Aj habang nakatingin ang lahat dito na nasa private room.

"Uminom ba siya ng gamot?" bulong ni Viggo kay Shiloh ng tumawa si Aj na tila baliw ito.

"Okay ba siya?" bulong naman na tanong ni Shiloh kay Alex na ikinakibit balikat ni Alex.

Napatingin si Alex kay Rio habang nakatitig si Rio kay Aj na tila baliw na tumatawa. Nitong mga nakaraang ilang buwan nalaman ni Alex na hindi na si Rio ang nagbibigay ng gamot ni Aj. Kung bakit? Iyon ay hindi niya alam hindi niya kasi matanong ang asawa dahil alam naman niya na hindi siya nito sasagutin.

Nalaman lang ni Alex ang bagay na iyon ng umalis si Hestia at nagtataka siya dahil ni minsan hindi lumapit si Rio kay Aj para ibigay ang gamot nito kaya sure siya na wala na sa kamay ni Rio ang pagiging doctor ni Aj na para kay Alex malaking katanungan iyon na kailangan niya malaman ng lihim.

"Tumigil ka sa pagtawa mo." inis na sabi ni Hades sa kabilang linya.

"Ngayon tutulungan kita kahit na ginago mo ako." sabi ni Aj na ikinakunot noo ng lahat at ikinatitig ni Hestia kay Aj dahil hindi nila alam sino ang kausap nito.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Hades


"Bibigyan kita ng pagkakataon ayusin ang kompanya mo sa panahon na wala ako. Pagbalik ko dapat okay ka na, tulad ni Burn dahil kung hindi matutulad ka kay Amon."
seryosong sabi ni Aj na ikinatahaimik ng lahat dahil banta iyon at nakakatakot ang pagbitaw ng salita ni AJ.

Napatingin naman si Bronze kay Luna dahil mula ng makasal sila, hindi sila bumalik sa Banner Tower na una nilang napagdesisyunan. Sa Isla Traquilo tumira ang dalawa kung saan si Bronze ang namamahala ngayon ng minahan ng ama ni Luna, at ang kompanya naman ni Bronze ay pinamamahalaan ng mga kapatid ni Luna.

Sa panahon na hindi tumigil ang pagbabanta kay Luna at Bronze, sinunod nila si Aj na umiwas muna sa mata ng media at sa Banner Tower kung saan naganap ang paglason sa dalawa. (Read TSP novel)

"Hindi mo ako tauhan, pinsan mo ako." sabi ni Hades na bakas ang sama ng loob sa boses dahil pakiramdam niya minamanduhan siya ni AJ at gayundin iyon ang tingin niya sa ibang kasamahan nila na si AJ nagmamanipula.

"Alam ko, na pinsan kita kaya ilalagay kita sa tama." sabi ni Aj na ikinatingin ng grupo sa isa't isa habang nakikinig kay AJ na kahit ito lang ang naririnig nila seryosong usapan iyon.

"Si Kuya ang kausap niya." nagdadalawang isip na sabi ni Fayra na hindi sigurado.

"Siguro." bulong ni Lisica.


"Tama uli si Amon, naghanda ka lang pero sa huli mas masahol ka pa sa kanya."
sabi ni Hades.

"Wala akong pake sa sasabihin mo o ninyo ni Amon o kahit sino sa inyo. Ako ang masusunod at kapag hindi kayo sumunod magagaya kayo kay Amon na ngayon nakakulong sa Palasyo ng hari." sabi ni AJ na ikinaiwas ng tingin ng lahat kay AJ ng tingnan sila nito.

"Umalis na kayo ng kapatid ko." sabi ni Hades na kahit naiinis siya kay Aj kailangan niya pangalagaan ang madarama ni Hestia lalo na at babalikan niya si Katara kaya hindi niya alam ang gagawin kay Elis.


"Ibibigay ko sayo ang lahat, ayusin mo dahil hindi ako nagbibiro ayokong malamyang pinuno. At sa lahat ng ayoko iyong guguho ang kaharian mo."
sabi ni AJ.

"Bullsshit! Ikaw ang gumuho sa Emperiona hawak ni Amon." inis na sabi ni Hades habang naglalakad na ito sa hallway.


"Tayo ang nagpaguho sa Emperio hindi lang ako dahil pumayag kayo."
sigaw na pagalit na sabi ni Aj na ikinalunok ng lahat ng nasa kuwartong iyon.

"Magaling ka sa taktika pero mag-ingat ka baka makarma ka." sabi ni Hades na bakas ang galit sa tinig.

"Huh! Sana nga, hinihintay ko makarma ako para makuha ang gusto ko." sabi ni Aj na ikinatingin ng lahat kay AJ.


"Nahuli ka rin."
sabi ni Hades sa tonong mapanuya.


"Kapag nakarma ako, makakamtam ko na ang simpleng buhay na gusto ko. Dahil ang magandang gawa may magandang kapalit na karma. At iyon ang hinihintay ko ang good karma na ibibigay sa akin ng Diyos." sabi ni AJ saka nito binaba ang tawag na ikinayuko ng lahat.

Napatiim ng bagang si Hades ng babaan siya ng cellphone ni AJ dahil ngayon nahihinuha niya, puppet lang sila lahat nito.

"Nagplano ka sa mahabang panahon at sinama mo kami sa plano mo sa puntong hahawakan mo kami sa leeg." sabi ni Hades sa isip.

Napatingin naman si AJ kay Hestia saka ito ngumiti ng maibaba nito ang tawag mula kay Hades

"Aalis na tayo." sabi ni Aj.

"Saan tayo pupunta?" sabi ni Hestia.

"Sa malayo, iyong hindi natin sila maririnig." sabi ni Aj saka nito niyakap si Hestia na ikinatingin ng lahat sa dalawa.

"May problema ba?" sabi ni Hestia.


"Pagod na ako, pero marami pang gagawin."
bulong ni Aj na ikinakunot noo ni Hestia ng marinig ang hikbi ni AJ o kung hikbi ba iyon dahil siniksik ni AJ ang ulo nito sa leeg niya.

"Magpahinga ka muna." sabi ni Hestia dahil sa ilang araw na iniwan niya ito hindi uminom ng gamot si AJ dahil wala na itong tiwala sa lahat kahit kay Rio. Ang gamot ni Aj ay siya na ang nangangalaga.

....................

Cheung Hospital Entrance

"Maam, sorry bawal po pumasok at iyon ang bilin." sabi ng security kay Elis.


"Excuse me. Hindi mo ba ako kilala?"
mataray na sabi ni Elis na matapos makausap si Hades sa cellphone nagmamadali itong makapasok sa vicinity ng hospital.


"Maam kilala namin kayo pero hindi kayo ang amo namin."
sabi ng Security na ikinataas ng kilay ni Elis saka ito umatras at napatingin sa entrance.

"Ah ganoon! Puwes akin ang anak ko at sasabog sa mukha niyong lahat ang katotohanan." sabi ni Elis sa isip saka ito napangisi dahil kahit anong pilit niya alam niya ang protocol ng grupo ni AJ kaya nga hindi nagalaw ng mama niya ang step cousin nito na ina ni Hades.

"Maam, nakakaharang kayo sa daanan." sabi ng Security.


"Asar."
sabi ni Elis saka ito bumalik sa kotse nito para umalis.

Napatingin naman sa salaming pader si Hades kung saan tanaw si Elis na pasakay ng kotse nito.


"Anong gagawin ko?"
sabi ni Hades habang nakatitig sa kotse ni Elis.


"Grabe! Daig ko pa nakulong, daig ko pa si Papa. Aissst!"
sabi ni Hades ng biglang may lumapit ditong lalaki.

"Mr Hades Lopez." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Hades.


"Yes?"
sabi ni Hades.


"Ako si Atty. Gomez pinadala ako ni Mr Aj Valiente para ibigay sayo ang lahat ng dokumento ng Nicolas Corp."
sabi ng abogado na ikinanlaki ng mga mata ni Hades dahil hindi niya inaasahan iyon.

"Ano uli ang sabi mo?" sabi ni Hades na hindi makapaniwala.


"Dala ko ang lahat ng papeles ng Nicolas Corp kaso may problema sa dokumento at mga titulo na kailangan ayusin."
sabi ng abogado.

"Ano uli?" sabi ni Hades na tila siya naparalisa.

"Isa kang abogado iyon ang sabi ni Mr Valiente sa akin, kaya sigurado mapag-aaralan mo ang mga lapses at mga problema na makikita mo. Pero huwag kang mag-alala may team na pinadala si Mr Valiente para tulungan ka." sabi ng aboagado

"Wait wait wait wait! Papeles ng Nicolas Corp?" sabi ni Hades.

"Yes Mr Lopez. Hindi kasi ito madaling gawin lalo na at ang nakasaad na nagmamay-ari na nasa mga titulo ay sinasabing patay na.

At nakasaad sa mga titulo na kapag hindi kinuha ng nakasaad ang yaman nito o pagmamay-ari, ang lahat ay makukuha ng pinakamalapit na Nicolas kaya iyon ay si Elizabeth Nicolas Samo o ang apo ng step-brother ng lolo mo." sabi ng abogado na ikinatingin ni Hades sa kotseng papaalis sakay si Elis.

"Isang malapit na Nicolas." mahinang sabi ni Hades.


"Yes, Mr Lopez or rather I say Atty Lopez."
sabi ng abogado na ikinangisi ni Hades.

"Kaya ko ayusin." sabi ni Hades.

"Pagbalik ko siguraduhin mo nakatayo ang kompanya mo." umaalingawngaw na sabi ni AJ sa isip ni Hades.

"Ito ang sinabi niya sa amin dati, ang kunin ang amin. Hindi siya huminto hanggat hindi niya nakuha ang.... AKIN." sabi ni Hades sa isip.


................

Three years later

Nicolas Lingerie

"Sino ka?" tanong ng babae ng bumungad ang isang lalaki sa opisina niya at talagang may mga kasama itong alipores.

Napangisi ang lalaki ng makita ang babae na nakaupo sa puwesto na dapat ay sa Mama niya.

"Oras na para umalis ka sa tronong hindi laan sayo at pasintabi.."udlot na sabi ng lalaki ng tumaas ang kilay ng babae.


"Lumayas ka sa harapan ko."
sabi ng babae na ikinangisi ng lalaki.

"Ikaw ang lumayas sa upuan ko at pasintabi uli ako nga pala si Hades...

Hades Nicolas Lopez ang totoong nagmamay-ari ng Nicolas Lingerie at ng buong Nicolas Corporation." sabi ng lalaki na napangiti.

"Puro talaga ssss zzzzz ? At anong pinagsasabi mo diyan?" mataray na sabi ng babae habang kumakain ito ng mamon.

Ilang sandali pa ng pumasok pa ang ilan pang mga tauhan ni Hades at mabilis na binuhat paalis sa upuan ang babae.

"Wait!" sigaw ng babae sabay piksi ng kamay nito sa dalawang babaeng bodyguard.

Napatingin si Hades sa babae, kaya muli nagsalita ang babae na halatang hinihintay nito na sulyapan ni Hades.

"Ako ang may-ari. At nag-iisang apo ni Teodore Nicolas." sabi ng babae.

Napangisi si Hades sabay senyas sa tauhan at mula sa tauhan nito ibinigay sa kanya ang folder.

Napatingin ang babae kay Hades at napataas ang kilay ng babae ng umupo si Hades sa upuan niya at tinaas nito ang mga paa.

"Umalis ka sa upuan ko! At ibaba mo iyang paa mo!" sigaw ng babae.

Muling napangisi si Hades, ibinaba nito ang mga paa mula sa mesa. Napatitig si Hades sa babae sabay kuha sa kinakaing mamon kanina ng babae na naiwan sa mesa.

Kinain ni Hades ang mamon, at nakuha pa ni Hades uminom sa baso ng babae na ikinapula sa galit ng babae.

Pero nagulat ang lahat sa sumunod na ginawa ni Hades, ng alisin at hawiin ni Hades ang lahat ng laman sa malaking mesa ng babae kung saan ito nakaupo. Nahulog ang lahat ng gamit ng babae sa lapag at nabasag ang laptop nito pati ang baso na nasa mesa at mga picture frames

"Iyong gamit ko!" namumula sa galit na sabi ng babae kay Hades pero napangisi lang uli si Hades na nakakabuweset sa paningin ng babae.

Lumapit ang babae kay Hades at akmang susugurin nito ang binata ng mula sa inabot ni Hades sa tauhan kanina pabagsak ng binata inilagay sa mesa ang folder na ikinatingin ng babae sa naturang papel.

"Ano iyan?" sabi ng babae.

"Ang buo at lahat ng titulo na meron ka, ay akin ... lahat ng iyo ay AKIN." nakangising sabi ni Hades sabay kuha nito ng sigarilyo at sinindihan iyon.

Napalunok ang babae at nanginginig nitong tiningnan ang folder. Napangiti si Hades ng lihim ng makitang pahapyaw na binabasa ng babae ang mga dokumento.

Namutla ang babae ng pahapyaw na nabasa ang dokumento at kahit hindi orihinal ang mga iyon. Alam niyang totoo ang mga nakasaad, dahil ang nasa harapan niya ay anak ni Shimmer Nicolas ang pinsan ng mama niya. At ang lolo niya ay ampon lamang ng mga Nicolas.

Napatingin ang babae kay Hades. Napangiti si Hades ng mamutla ang babae sa nabasa nito.

"Oras na para maibalik sa akin ang lahat.... lahat ng kinuha mo at lahat ng itinago mo."sabi ni Hades

"Gago! Mukha ka lang tauhan ko!" sigaw ng babae na ikinangisi ni Hades.

"Tsss! Ikaw ang tauhan ko at huwag ka mag-alala may puwesto nakalaan para sayo."sabi ni Hades saka ito napangisi.

"Ang pangit mo mukha kang tagalinis ng banyo ko." sabi ng babae na ikinangiti lang ni Hades ng may maalala.

"Miss Elizabeth Samo as known as Elis. Gagawin kitang modelo ng mga bra at panty ng kompanya KO." nakangising sabi ni Hades sabay buga ng usok pataas na ikinatunog ng smoke alarm sabay ng pagbagsak ng tubig sa buong opisinang iyon na ikinatawa ng malakas ni Hades.

"Fuck, devilllll!" sigaw ng babae ng mabasa ito ng tubig na tila nagshower ito.

"Tama dahil ako ang kamatayan mo, little fake cousin!" sigaw ni Hades na ikinatitig ni Elis kay Hades habang ang tubig sa kuwarto iyon ay bumubuhos sa kanilang lahat.

"Parang kilala ko siya."sabi ni Elis sa isip ng matitigan si Hades.

"Si Hades.....

....the death. Hahahaha." natawang sabi ni Hades habang patuloy na bumabagsak ang tubig mula sa ceiling, na tila wala pakialam ang binata kung basang basa na ito ng tubig mula sa ceiling.

"Alam ko na kung sino siya." sabi ni Elis sa isip ng mabuweset sa insultong pagtawa ni Hades.

"Hudassss!" galit na sigaw ni Elis na ikinatawa lalo ni Hades.

"Hahahahaha." nakakalokong tawa ni Hades na lalong ikinainis ni Elis.

......................

(Images are not mine, credit to the owner.)

para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua

..............

February 8, 2023 6.55pm

Fifth Street

Good night



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top