Kabanata 6 : Paglilinlang kay Amon


Kabanata 6 : Paglilinlang kay Amon

Flashback years ago

Manila Cathedral


Napatingin si Hades kay Katara nasa mukha nito ang kasiyahan habang nasa harap sila ng pari at nagsasagawa ng seremonyas ng kasal.

Maganda ang preparasyon ng lahat, mula sa kanta, desenyo, mga damit, maraming bisita kabilang ang kamag-anak ni Katara na nasa El Paradiso nakatira, na lahat sinagot ng pamilya niya ang pagpunta sa Manila para makasama nila ang mga ito.

Kompleto ang grupo, lahat masaya, payapa, at higit sa lahat handa at nananabik sa pag-iisang dibdib nila ni Katara.

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong kabiyak sa hirap o ginhawa...." sabi ng pari na halos hindi na madinig ni Hades ang ibang sinasabi ng pari dahil sa bombang bibitawan niya.

......................

Flashback to Flashback

Days ago

Lopez Mansion, N.E

"Oh Shit! Anong ginagawa mo dito?" gulat na sabi ni Hades ng bumungad si Amon sa balcony ng kuwarto ni Hades sa Lopez Mansion

Hindi umimik si Amon at tumingin lang ito sa kama kung saan natutulog si Katara habang yakap ni Hades.

"Umalis ka." sabi ni Hades sabay hila ng kumot para takpan si Katara.

Hindi nakaligtas kay Amon ang itsura ni Katara, nakasuot ito ng t-shirt ni Hades at hindi niya lang alam kung may shorts itong suot dahil kita na ang hita ni Katara sa damit ni Hades.

"Ano ba? Hindi ka ba marunong salitang private? At saka bakit ka nandito?" inis na sabi ni Hades kay Amon na ikinatingin ni Amon sa kanya.

"Ibibigay ko sayo, sa isang kondisyon?' sabi ni Amon.

Napakunot noo si Hades, nasa N.E siya ng araw na iyon at sinama niya si Katara sa bahay nila at ngayon natutulog sila sa kuwarto niya ng hapon na iyon.

Taga El Paradiso si Amon kaya hindi ni Hades inaasahan na pupunta ito at bibisita sa bahay nila, at talagang sa balcony ito nagpakita o pumasok hindi sa pintuan.

"Anong pinagsasabi mo?" sabi ni Hades na kahit alam na niya ang patutunguhan ng usapan tila nagkaroon siya ng interes.

"Lahat ng dokumento na nakuha ni Shiloh at inutos ni Aj lahat ibibigay ko sayo kapalit ng hindi mo pagpapakasal sa kanya." sabi ni Amon sabay tingin kay Katara.

"Huh! Okay ka lang? Sa makalawa na ang kasal namin, nakaprepara na ang lahat." sabi ni Hades.

"Pamimiliin kita ang mana ng Mama mo na makukuha mo para makampante ka sa buhay na tinahak niyang napakapangit, o pagpapakasal kay Katara at mamuhay sa Pabahay ng simple?" sabi ni Amon habang mahina itong nagsasalita at patingin tingin kay Katara na natutulog.

"Si Katara." sabi ni Hades dahil hindi niya magagawang iwan ang nobya sa altar.

"Tutulungan kita makapasok sa Nicolas Lingerie kasabay ng pagbibigay ng lahat ng titulo ng yaman ng Mama mo.

Isang pagkakataon Hades ang ibibigay ko sayo kapalit noon ang sayang madarama ng Mama mo na makuha at maibalik ang ninakaw sa kanya." sabi ni Amon.

"Ayoko." sabi ni Hades na ikinatitig ni Amon dito.

"Abogado ka at alam kong kaya mo kinuha ang kursong iyon para kunin ang lahat ng sayo sa legal na paraan, pero mahihirapan ka kapag pinakasalan ko si Elis dahil hindi ako papayag na makuha mo ang nasa amin na." sabi ni Amon

Natahimik si Hades na ikinangisi ni Amon ng lihim dahil walang nakakaalam na nakahang ang relasyon nila ni Elis dahil kay Aj ng malaman ni Amon na natitipuhan ito ng nobya niya.

"Kailangan ko kumilos para hindi na ako mautakan ni AJ." sabi ni Amon sa isip.

Samantalang napatitig si Hades kay Katara, alam niyang gahaman si Amon at mautak ito. Wala din itong puso, mas malala kay AJ pagdating sa yaman at kapangyarihan kaya nagdadalawag isip siya pero....

"Kapag pinakasalan mo si Katara, pakakasalan ko kahit sa civil si Elis at sa pagkakataon na iyon, makakapasok siya sa grupo at mas lalong titindi ang panghihinayang na nasa isip ng Mama mo, na kahit hindi sabihin kahit sino naman manghihinayang sa yaman na nawala sa kanya." sabi ni Amon.

"Hindi mukhang pera ang mama ko." sabi ni Hades na ikinangisi ni Amon.

"Biruin mo Hades, araw-araw maiisip kami ng Mama mo at sa lahat ng gathering makakasama niya kami. Makikita niya si Elis ang babaeng umagaw ng trono niya, ng yaman niya at ng kapangyarihan na dapat ibibigay niya sa inyo. Buong buhay ng mama mo maiisip niya ang yaman na sana nasa kanya. Buong buhay niya pagsisisihan niya na naging TANGA siya." sabi ni Amon na ikinatiim ng bagang ni Hades.

"Hindi tanga ang Mama ko." diin na galit na sabi ni Hades.

"Bibigyan kita ng pagkakataon makapag-isip. Kaya sa ngayon aalis na muna ako, pero isipin mo na sayang ang oportunidad dahil minsan lang ako mag-alok ng kapangyarihan na nasa kamay ko na." sabi ni Amon saka nito tiningnan si Katara na halatang masarap ang tulog nito habang yakap si Hades.


"Gusto mo siya, pero hindi mo mabitawan si Elis."
sabi ni Hades ng makita ang kakaibang tingin ni Amon kay Katara.

"Kasi hindi ako tanga, tulad mo at ng Mama mo. Ginagamit ko ang isip ko tulad ng paggamit ng isip ng Mama ko kaya nga hindi na kami bumalik sa lusak dahil din sa isip ng nanay ko. Isang escort na namuhay bilang reyna sa tabi ng papa ko." sabi ni Amon na ikinangisi ni Hades sa utak at pag-iisip na meron si Amon.

"Masama ang ugali mo, gusto mo ikaw lang ang sumaya." sabi ni Hades.

"Hades, alam kong masisiyahan ka kapag nakuha ang pangarap mo na alam kong para din iyon sa Mama mo." sabi ni Amon saka ito napahingang malalim at biglang umusal.

"Pag-isipan mong mabuti dahil uulitin ko minsan lang ako mamigay ng nasa akin na." sabi ni Amon saka ito umalis at sa balcony doon ito dumaan.

"Buweset." sabi ni Hades sabay tingin kay Katara saka ito napahingang malalim.

..................

Present Day

Emperio Bar. El Paradiso

"Asar! Kinakarma yata ako." sabi ni Hades sabay tungga ng alak saka iyon tuluyang inubos.

"Katara, hindi pa kita nakikita uli o.... nakokonsensya ako kaya ayaw kita makita." sabi ni Hades sa isip.

"Masama ba ako? Hayysss! Mukha naman pero...

...hindi, kasi nilayo lang kita sa taong makakasama sayo. Ako iyon. Nilayo lang kita sa buhay ko, kasi ng lokohin ako ni Amon na-realize ko kaparehas lang pala niya ako.

Oh Shit! Buweset!" sabi ni Hades sabay bato ng bote ng alak.

...............

Flashback

Years ago

Manila Cathedral

"Hades tinatanong ka na." masayang bulong ni Katara kay Hades na ikinatingin ni Hades sa nobya.

"Ha?" sabi ni Hades.

"I do." nakangiting sabi ni Katara.

Napalunok si Hades na ikinawala ng ngiti sa labi ni Katara ng mabasa ang nasa mukha ng matalik na kaibigan at ngayon nobyo niya.

Napalunok muli si Hades, magkababata sila ni Katara parehong namuhay sa mahirap na lugar kaya alam nila ang reaksyon at kilala ang bawat isa.

"Okay lang." mahinang sabi ni Katara na ikinatiim ng bagang ni Hades ng mamuo ang luha sa mata ni Katara.


"Hindi mo kasalanan, narinig ko."
nakangiting mahinang sabi ni Katara saka tumulo ang luha nito na ikinaluha ni Hades

Samantalang nakatingin lamang ang lahat sa dalawa sa inaakalang nagpapalitan ng sweet messages ang mga ito.

"Katara." mahinang sabi ni Hades.


"Okay lang. Nauunawaan kita, kasi alam ko naman na iyan ang pangarap mo at ginagawa mo naman iyan para sa Mama mo."
mahinang umiiyak na sabi ni Katara.


"Sorry."
sabi ni Hades.


"Hindi mo kasalanan, anak ka lang na nagmamahal sa nanay mo. May dahilan ka naman at ayoko naman maging sagabal sayo. At ayokong dumating ang araw na kapag mag-asawa na tayo magkaroon ka ng panghihinayang na sa huli magsisisihan tayo."
lumuluhang sabi ni Katara.

"Kapag nakuha ko babalikan kita." sabi ni Hades na ikinangiti ni Katara.

"Okay." napangiting sabi ni Katara.

Samantalang nakatunghay lamang si Amon saka ito napangisi.


"Sinong lolokohin mo? Alam ko ang balak mo."
napangising sabi ni Amon sa isip habang nakatingin kay Hades.

"Sagutin mo na." sabi ni Katara.

"Katara." nakokonsensyang sabi ni Hades.


"Mabait ka naman Hades, okay lang ako. Kilala na kita dati pa, at alam ko naman na kahit na marami kang babae iniiwasan mo makasakit ng babae dahil ayaw mong maramdaman namin ang naramdaman ng Mama mo."
sabi ni Katara.

"Sorry. Pangako, babalikan kita." sabi ni Hades.


"Oo. At kahit hindi mo gawin na balikan ako mauunawaan ko, kasi sabi ko nga ginagawa mo naman iyan para sa Mama mo at para makuha ang sayo. At saka best friend kita at hindi magbabago iyon."
sabi ni Katara.

Napatingin si Hades sa pari na nakatingin lamang sa kanila.

"Sabihin mo na, para makawala ka na rin." napasigok na sabi ni Katara na ikinalunok ni Hades.

Bakas ang kaguluhan at kalituhan sa mukha ni Hades pero kailangan niya magdesisyon.

"Babalikan kita, hintayin mo ako." sabi ni Hades kay Katara.

"Oo." napangiting sabi ni Katara.

Napangisi naman si Amon habang pinagmamasdan ang dalawa at napatiim ng bagang ito ng makita ang ngiti sa labi ni Katara kahit umiiyak ito.

"Hindi mo ako maloloko Hades." nakangising sabi ni Amon sa isip.


"Salamat Padre, pero sorry po sa harap mo at sa harap ng altar kung saan pagtitibayin ang isang samahan umaayaw ako at inuurong ko ang kasal."
sabi ni Hades na ikinagulat ng lahat.

Napatingin naman ang grupo kay Hades sa sinabi nito.


"Ay gago."
sabi ni Heaven at akmang pupuntahan nito si Hades ng biglang yakapin ni Katara si Hades na ikinaluha ni Hades.

"Sa ikalawang pagkakataon pinili ng lalaking minahal ko ang kapalaran niya at hindi ako iyon. Pero sabi ko nga nauunawaan kita dahil magkaiba kayo ng rason." humagolhol na sabi ni Katara na ikinatingin ni Aj kay Amon na walang emosyon habang nakatingin kila Hades at Katara.

"Grabe, kapag kinasal ako tapos ganyanin ako ng lalaki baka..." sabi ni Hestia sabay pigil nito sa pagsasalita ng may mahinuha.


"Ano?"
sabi ni Astraea ng maudlot ang sasabihin ni Hestia.

"Kapatid ko iyong lalaki." napaiyak na sabi ni Hestia na ikinatiim ng bagang ni Aj.

"...paano ako magagalit sa kanya sa ginawa niya? Paano ako magagalit sa lalaking gagawa sa akin ng ganyan kung ang kapatid ko ginawa din ang bagay na maaaring mangyari sa akin." umiiyak na sabi ni Hestia na ikinatahimik ng grupo.

Napatingin si Katara sa lahat saka ito ngumiti.

"Salamat sa pagdalo. Huwag niyo siyang husgahan may mga bagay na nagaganap dahil sa obligasyon na ang tawag pagmamahal na higit sa atin." sabi ni Katara saka ito bumitaw sa pagkakayakap kay Hades.

"Kahit masakit." napahagolhol na sabi ni Katara na ikinaluha ng lahat.


"Oh my God."
sabi ni Jade saka ito napahagolhol na ikinayakap ni Rain dito. (Read The Broken Angel Novel)

"Ayoko ng ganito." sabi ni Denise ng maalala ang nakaraan at pagkakaiba umayaw si Ice sa kasal nito kay Jade ng dahil sa kanya pero si Katara nagbigay ito ng dahil sa hindi nila maipaliwanag na rason. (Read Body Heat Novel)

"Uuwi na tayo." sabi ni Rain saka nito inalis si Jade sa lugar

"Grabe. Baka third party." sabi ni Aqua na ikinakibit balikat ni Blaze.

Napatingin naman si Ice sa paligid, walang ibang tao doon kundi mga imbitado. Ang nagaganap ay isang masakit na katotohanan.

"Okay na." nakangiting sabi ni Katara sabay yakap muli ng mahigpit kay Hades na ikinapikit ni Hades.

................

Present day

El Emperio Bar

"Buhatin niyo." sabi ni Aj sa mga tauhan.

"Yes Sir." sabi ng tauhan ni AJ.


Napangiti si AJ ng makitang nakatulog sa kalasingan si Hades. Kanina pa siya sa Infinity at mula doon pinagmamasdan niya ang pinsan.

"Buhay, kahit anong gawin mo talagang ang tadhana ang gagawa ng paraan para makuha ang gusto mo. Pero bago mo makuha, tutulungan mo ako at tayong dalawa ang haharap sa ginawang mong problema." sabi ni Aj sa pinsan habang binubuhat ito ng mga tauhan.

"Don, tawag mula sa Stem." sabi ng isa pang tauhan ni AJ.

Agad na kinuha ni AJ ang cellphone at sinagot.

"Don, nakatulog na po uli." sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Hayaan mo lang, parating na kami." sabi ni AJ saka ito napangiti at binaba ang tawag.

"Don, sa kabilang chopper po kami sasakay." sabi naman ng tauhan ni AJ habang pinatutulungan ng mga ito si Hades buhatin.

"Okay, dalhin niyo siya sa Stem sa kuwarto ko." sabi ni AJ.

"Don, si Maam Hestia hinahanap ka." sabi pa ng ikalawang tauhan ni AJ na ikinahingang malalim ni AJ.

"Sabihin mo pauwi na ako." sabi ni AJ na ikinatango ng tauhan nito, sabay tingin ni AJ kay Hades


"Loko ka, namumublema ako. Ngayon dalawa tayong mamublema."
inis na sabi ni AJ saka nito hinawakan ang mukha ng pinsan.

"Guwapo ka naman, iyon nga lang mas guwapo ako. Pero huwag kang mag-alala manyak ka naman at saka chikboy mauuto mo rin ang regalo ko sayo."sabi ni Aj saka nito binulungan ang natutulog na pinsan.

"Happy birthday insan. Advance birthday gift ko sayo, tutal mahilig kang magcelebrate ng birthday mo ng solo mo." sabi ni AJ sabay tapik sa mukha ni Hades habang lango sa alak at tulog.

Napatingin si Aj sa paligid saka ito napangiti.

"Pinapahirapan niyo ako lahat ngayon, so magsama-sama tayo maghirap." napangising sabi ni AJ.

..............

Infinity Island

"Sino ito?" sabi ni Hestia ng makita ang cellphone ni Aj sa pinakasulok ng kama habang naglilinis siya at ng buksan iyon nakita niya ang larawan ng babae na kahawig niya.


Ilang araw ng hindi bumabalik si AJ, alam niyang nasa Banner Tower ito pero ilang araw na siya tumatawag doon at ang sabi nandoon si AJ. Pero duda siya kaya kumuha siya ng babayaran para alamin kung nasa tower nga si Aj at sa napag-alaman niya ilang araw na ito wala sa tower.


"Ayos ka ha. Puwes babantayan kita."
sabi ni Hestia na matapos sila magkasundo ni AJ ilang araw siyang sinama nito pero kalaunan hinatid siya nito sa Infinity island sila ng anak niya at ilang tauhan nito para bantayan sila mag-ina at para may katulong siya sa bahay.

Pinagpatuloy ni Hestia tingnan ang picture sa cellphone ni AJ ng biglang magring iyon na agad sinagot ni Hestia.

"Ang tagal mo, nandito na ako." sabi ng babae na ikinangisi ni Hestia.

"Hoy! Babaeng makati, ikadkad mo iyan sa liha baka ibang fungus na kumapit sayo." sabi ni Hestia na ikinaputol ng linya kaya napangisi si Hestia.

...............

Stem

Hours Later

"Oh shit. Nalimutan ko ang cellphone ko." sabi ni Aj ng maalala kung saan niya inilagay ang cellphone na tinagon niya mula ng magkabalikan sila ni Hestia.

"Ang tanga ko talaga." sabi ni Aj sabay hawak sa batok nito.

.............

February 7, 2023 7.34pm

Fifth Street

Good night na talaga....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top