Kabanata 5 : Pagpasok sa Palasyo

Kabanata 5 : Pagpasok sa Palasyo

Banner Tower

Days Later


"AJ!" sigaw ni Amon mula sa baba ng building ng gusali kung saan nakatingala naman ito at tinatawag si AJ na nagpipinta sa taas o kung nagpipinta ba ito dahil nakaupo lang naman si AJ sa beam.

"AJ!!!!!" malakas na sigaw ni Amon na halos nasa military ito na nagtatawag ng mga kasamahan para magmartsa.

"Ajjjjjjj!!!!!" malakas muli na sigaw ni Amon ng hindi pa rin siya marinig ng pinsan o..... kapatid, at kakambal nga yata dahil magkamukha sila.

Samantalang sa taas ng gusali nakatitig lang si AJ sa buwan na obra ni Luna kanina pa habang nag-iisip dahil hindi pa siya tinatawagan ni Hestia.

Sa panahon na iyon, mas lalo pang nangungulit si Elis at palagian siyang pinapadalhan ng litrato sa cellphone niya.

"Sweetheart, kahawig mo talaga siya. Mababaliw na ako, dahil kapag nakikita ko ang mga larawan na isini-send niya naaalala kita, pakiramdam o ikaw siya." sabi ni Aj na napabuntung hininga dahil malapit na niyang patusin si Elis kapag hindi siya nakapagtimpi.

"Sweetheart, sana dumating ka na. Bumalik ka na habang kaya ko pa pigilan at sana... sana ang plano ko umokey iyon ang pinapanalangin ko ngayon sa maliwanag na buwan ni Luna." sabi ni Aj habang nakatitig sa 3d na buwan sa Banner Tower na iyon.

"Aj!" sigaw ni Amon.

"Sir, may tumatawag sa inyo. Kakambal niyo yata." sabi ng isang tauhan sa ginagawang obra ni Luna.

Napakunot noo si Aj sa sinabi ng lalaki, busy kasi ang utak niya kay Hestia at sa ilang malamig na gabi na hinahanap niya ang init ng asawa.

"AJ! Ilabas mo si Katara!" sigaw pa ni Amon na ikinaikot ng mga mata ni Aj ng tumagos sa utak niya ang tinig ni Amon kaya tumingin siya sa baba ng gusali para makita ang taong, ilang taon siyang hindi pinansin mula ng magsara ang El Casa.

"Nasaan si Katara?!" sigaw ni Amon na ikinangisi ni Aj hindi dahil sa saya kundi dahil sa inis dahil sa lalaking sinisigawan siya at dahilan ng mga plano niyang naantala kabilang doon pagkorner kay Jan Carl sa pamamagitan ni Astraea.

"Binahay ko! Single ako di ba?" balik sigaw na inis na sabi ni AJ na ikinamula ng mukha sa galit ni Amon.

"Papatayin kita! Susunugin ko ang grupo mo!" sigaw ni Amon.

"Gawin mo habang nandoon si Katara at pinupulutan!" sigaw ni Aj na ikinatingin ng mga tao kay Amon at AJ.

"Arghhhhh! Nilagay mo siya doon! Ahhhhh!" sigaw ni Amon na sa unang pagkakataon wala itong pakialam kung mukha itong gago at baliw nagsisisigaw

"Masaya ka naman di ba? Ay dapat lang dahil ngayon mas malaya ka na lalo." sigaw ni Aj

"Arggghh! Anong gusto mo ibibigay ko? Ibalik mo lang si Katara!" sigaw ni Amon.


Napangisi si Aj sa sinabi ng pinsan dahil hindi niya inaasahan na magwawala ito ng ganoon at magsasabi ng bagay na hindi niya akalain dahil sakim ito. O hindi rin siya naniniwala dahil niloko din nito si Hades sa kasakiman nito kaya duda siya sa sinasabi ni Amon.

"Wala akong gusto! Akin na si Katara!" sigaw ni Aj na ikinamula sa galit ni Amon sa inis.

"Ano ka ngayon edi napikon kita. Akala mo ikaw lang ang magaling mamikon." sabi ni Aj sa isip ng makita ang mukha ni Amon.

"Gago ka! Buburahin ko ang mukha ko sayo!" sigaw ni Amon.

"Gago ka rin! Nauna ako sayo ilabas sa mundo! Kaya ikaw ang buburahin ko! PEKE!" sigaw ni AJ na lalong ikinamula sa inis ni Amon.

Samantalang napatigil naman ang sixtuplets ng mamataan ang dalawang lalaking nagsisigawan.

"Ibalik mo si Katara! Walanghiya ka! Sinulot mo na ang nobya ko at nakuha mo pang saluin si Katara mula kay Hades!" sigaw ni Amon.

"Uyyyy! Wala akong sinusulot. Aba! Sa guwapo kong ito! Ako ang nilalapitan at alam mo iyan! Mas mabait kasi ako sayo." inis na sabi ni Aj na kung nasa mood lang siya hindi niya magagawang makipagsagutan ng ganoon kalayo at kalakas ang boses. Kaso ilang araw na niyang namimiss si Hestia at ni tawag hindi nito magawa at alam niyang nasa condo ito ni Raven at puwede may nagaganap.

"May away." sabi ni Laszlo ng mapatigil ang magkakapatid.

"Pigilan natin nakakatawag na sila ng pansin." sabi ni Shiloh dahil delikado kapag natuon ang media sa kanila.

"Halika na kayo." sabi ni Otto saka ng mga ito nilapitan si Amon na tila nag-aamok ito sa itsura nito kaso napatigil ang anim ng makita ang galit sa mukha ni Amon.

"Binahay mo si Katara! Tapos iyong nobya ko noon at ex ko ngayon ko kinakalantari mo ng palihim. Mabait ka pa sa lagay na iyan?" mapanuyang sabi ni Amon.

"Uyyyy! Sila ang lumalapit sa akin. Kasalanan ko ba ng bumagyo ng sex appeal ako sumalo lahat!?" sigaw ni Aj na ikinahinto ng sixtuplets sa paglalakad.

"Sandali, kay Shiloh yatang pananaw iyon ha." sabi ni Viggo ng marinig ang boses ni Aj na hindi naman kasi kalayuan ang taas nito dahil mukhang sinisipat lang nito mula sa kinatatayuan ng beam ang obra ni Luna.

"Delikado ito, naiinis na iyan dahil hindi pa umuuwi si Hestia." sabi ni Shiloh.

"Iwan ka sana ng asawa mo!" sigaw ni Amon kay AJ.

"Hahahaha! Iniwan na ako, huli ka na sa balita!" sigaw na naiinis sa tawang sabi ni Aj na tila ito nababaliw.

"Mabuti nga sayo! Huwag na sana bumalik! Hahaha!" sigaw na sabi ni Amon.

Napailing ang sixtuplets kabaliktaran kasi ang samahan ni Burn at Aj sa samahan ni AJ at Amon ng kung tutuusin kambal ni Aj ang dalawa sa ibang paraan si Burn sa parehong punlaan at si Amon sa hiwalay na punlaan.

"Ahhh! Ganoon! Sandali tatawagan ko ang baby Katara ko!" sigaw na nang-iinis na sabi ni AJ.

"Arghhhhh! Saan mo binahay?" sigaw ni Amon sabay tingin sa paligid at ng makita ang pakay kinuha iyon at binato kay AJ pero sablay ni Amon tamaan si Aj.

"Hahahaha! Malayo ako hindi mo abot! Buti nga!" sabi ni Aj sabay dila kay Amon.

"Arghhhh! Isusumbong kita kila Lolo Orion!" sigaw ni Amon na ikinatawa ng pigil ng sixtuplets ng makita kung paano mag-away ang magkamukha na tila mga bata.

"Isumbong mo, kakalmahin naman ako ni Katara! Sarap pa naman magmasahe nun.

Huh! Kaya nga si Hades nanghinayang. Paano nauto mong ibibigay sa kanya kaya ayon hiniwalayan at umatras sa kasal! Pero ako hindi mo ako mauuto. Mukha mo!" sigaw ni Aj na ikinailing ng sixtuplets.

"Hindi ko talaga sa inyo ibibigay, lalo na sayo!" sigaw ni Amon.

"Edi huwag! Nasa akin naman si Katara! Biruin mo mga rosas ang lumalapit sa bubuyog." sabi ni Aj sabay tingin sa buwan na obra ni Luna sa gusali.

"Huh! Bida bida! Ako yata si Jollibee kasi pati buwan niyakap ang kaguwapuhan ko." sabi ni AJ na ikainatawa ng sixtuplets at lalong ikinainis ni Amon.


"Ang yabang mong manyak ka! Pinsan mo si Luna!"
sabi ni Amon tukoy kay Luna.

"Hoy! Sigaw ka ng sigaw!" sigaw ni Aj na ikinatawa lalo ng sixtuplets.


"Hahanapin ko si Katara!"
inis na sigaw ni Amon.

"Loko! Noong nandiyan pakipot ka noong nawala hahanapin mo? Gunggong nasa akin na! AJ Private Property na si Katara!" inis na sabi ni Aj habang nakatingin kay Amon na lalo niya ikinaiinis dahil nakikita niya ang inis ng mukha niya na tila nananalamin siya. Inis na hindi pa umuuwi si Hestia.

"Buweset! Loko kang Hades ka, kundi mo tinulungan si Hestia tumakas sana nasukol ko." sabi ni Aj sa isip saka ito napatingin sa paligid at ng mapansin nito ang sixtuplets sa karamihan ng tao na nanonood sa kanila ni Amon na ngayon lang niya napansin napahinto si Aj at napaisip ito.

"Kailangan ko makuha ang titulo kay Amon. Pero mukha hindi niya ibibigay. Tsss! Paano ba?" sabi ni Aj saka ito napapikit habang sumisigaw sa galit si Amon.

"Hoy! Talagang tutulugan mo pa ako. May papikit-pikit ka pa?" sigaw ni Amon sa inis ng pumikit si AJ.

"Nasa akin na si Katara, mukhang nababaliw si Amon. Pero problema ko si Elis. Langya! Natapos ako kay Luna may Elis naman ngayon at mas malupit ito kay Luna. Parang kabute na bigla susulpot at kapag sumulpot nagiging linta. Tsss! Kamukha pa naman ng asawa ko. Kapag hindi talaga ako nakapagtimpi titirahin ko iyon. Pero....

Aissst! Hindi puwede behave na ako, nakuha ko na ang langit ayoko ng ibang langit. Pero paano?

Haysss! Kung....." sabi ni Aj sa isip saka ito napadilat.

"Alam ko na." sabi ni Aj sa isip sabay tingin kay Amon.

"....kailangan ka muna matanggal sa landas ko, masyado kang pahirap sa akin." sabi ni Aj sa isip habang nakatingin kay Amon.

"Nasaan si Katara? Ibalik mo sa El Paradiso dahil doon lang siya kapag gusto ko siyang tingnan." sabi ni Amon na ikinangisi ni Aj.

"Tama, alam ko na. Maghabol ka para maging busy ka. Pero may bayad ang entrance fee sa larong habulan...

.... sa palasyo ng hari." sabi ni Aj sa isip saka ito umalis sa beam na ikinatigil naman sa pagsigaw ni Amon.

"Saan ka pupunta?" sabi ni Amon na ikinatingin ni AJ kay Amon.

"Tatae! Sasama ka?" sigaw na sabi ni Aj na ikinatawa ng sixtuplets.

"Hahahaha! Iyong totoo kanino talagang ugali iyan sayo Shiloh o kay kuya AJ." sabi ni Rollo.

"Nahawa sayo, tol." sabi ni Viggo kay Shiloh sa sagot ni Aj kay Amon.

Napailing ang sixtuplets sa sagutan nila Amon at Aj na ngayon lang nangyari at sa labas pa talaga kung saan nakikita ng lahat.

"Aj!!! Ibalik mo si Katara!" sigaw na sabi ni Amon ng umalis si Aj sa beam.

"Alam kong mautak ka Amon pero papahirapan kita sa lahat ng ginawa mo kay Katara. Langya ka! Selfish ka,  gusto mo maging palamuti na titingnan mo lang ang babae."  napatiim na bagang na sabi ni Aj sa isip habang bumababa na ito sa beam.

...................

El Emperio Bar, Valiente Empire

El Paradiso

Days Later

"Nakakaboring naman." sabi ni Hades sa sarili ng gabing iyon ng makita ang tipikal na lamang na bar ng Emperio.

"Kaya nabuwang din si Amon, dahil ang laki ng pinagbago." sabi ni Hades habang nakaupo siya sa private room ng bar na iyon kung saan tanaw niya ang kaganapan ng bar.

Napahingang malalim si Hades kahit siya ang nasa kalagayan ni Amon mababaliw siya sa naging resulta ng lahat ng pagbuwag nila sa Emperio. Na kahit na El Casa lang ang natanggal isa iyong lamat at dagok sa kompanyang inasam ni Amon.

Malaki ang nawala sa Emperio mula sa mga malalaking kliyente na bilyong halaga ang pinapasok pero kapalit naman nun ang katahimikan at pribadong buhay nila na hindi na makikita ninuman na magbabantang guluhin sila.

"Kaso ang boring, kaya hindi ko masisisi si Amon kung hindi niya pinapansin si AJ. Kahit ako pakiramdam ko niloko ako. Tipong hindi nga ni Aj nakuha ang Emperio pero inutakan nito si Amon ng pabagsakin nito ang Emperio at maging isang tipikal na lamang na kaharian." sabi ni Hades sa isip.

Wala na ang ningning ng bar, wala na ang nagkagandahang mga babae na umaakit sa mga kliyente.

Wala na ang magagaslaw at makukulay na ilaw na kung dati hindi matigil ang pagpapalit-palit ng kulay ng makikinang na ilaw.

"Lahat ng desisyon ko yata mali." napahingang malalim na sabi ni Hades sabay lagok ng bote ng alak. Na hanggang ngayon kahit siya parang nanghinayang sa lugar na itinayo ng mga ama ng miyembro ng grupo nila.

"Asar! Bente otso anyos na ako pero wala pa rin patutunguhan ang buhay ko. Hindi ko pa rin nakukuha ang pangarap ko para kay Mama." sabi ni Hades.

Saka nito inubos ang laman ng boteng iyon.

"Mali lahat, o ako nga ba ang nagkamali o ang maling pagsama ko kay AJ na maging tauhan niya. Mali nga ba ang pinanigan ko? O talagang wala lang ako backbone para tumayo ng sarili ko." sabi ni Hades saka nito binuksan ang bote ng alak at tinungga.

"Si Katara... haysss! Nasaktan ko siya." sabi ni Hades.

...............

Stem

"Sino ka?" sabi ng babae ng makita si Katara na lumabas sa opisina ni Aj.

"Ahhhmm." sabi ni Katara na napakunot noo ng makilala ang babaeng kaharap.


"Wait, kilala kita."
sabi ng babae sabay titig kay Katara na tila inuuri siya mula ulo hanggang paa.

Napatitig si Katara sa babae, maganda ito. Kakaibang ganda, seksi at halatang kakaiba din ito sa mga babaeng naroroon. Makikita kasi iyon sa kilos ng babae na halatang close ito kay Aj o malamang dahil kilala niya ito base sa itsura nitong hindi naman nagbago.

"Tube baby ka rin ba?" sabi ng babae na ikinailing ni Katara.


"Ahhhm. Huling kita ko sayo ganyan pa rin ang itsura mo. Ang akala ko kaparehas kita, karamihan kasi sa tube baby ganoon ang katangian, baby face."
sabi ng babae sabay lapit kay Katara.

Hindi umimik si Katara, iba kasi ang nararamdaman niya sa babae. Isama pa na hindi niya inaasahan na makikita niya doon ang dalaga.

Napangisi ang babae saka nito inakbayan si Katara na ikinalunok ni Katara, dahil dama niya na mapanganib ang babae.

"Anong ginagawa mo sa opisina ng nobyo ko?" sabi ng babae na ikinalunok ni Katara dahil muli hindi niya inaasahan na pinatos pa rin ito ni AJ.

"Wala kasing ibang nakakapasok diyan bukod sa akin at ang puwede lang pumasok diyan ay..." udlot na sabi ng babae ng magsalita si Katara.

"Nobya ako ni Aj." sabi ni Katara na ikinangisi ng babae.


"Obvious naman eh."
sabi ng babae sabay alis ng pagkakaakbay kay Katara


Napahingang malalim si Katara.

"Kapag may nakakita sayo sabihin mo nobyo mo ako para walang makialam sayo. Sa opisina lang kita at huwag kang lalabas." sabi ni Aj na nasa isip pa ni Katara matapos siyang ihatid doon ni AJ kamakailan.

Napatingin ang babae kay Katara saka ito umusal.


"Anong parte mo?"
sabi ng babae.

"Saan?" sabi ni Katara.

"Sa buhay ni AJ." tiim bagang na sabi ng babae na bakas ang selos.

"Ikalawang asawa sa reyna." sabi ni Katara na ikinamula ng mukha ng babae kaya napaatras si Katara ng makita ang galit sa mukha nito.

"Shit! Matapos kong pagbalakan si Luna may iba pa pala. Ilan ba kami?" sabi ng babae sa isip.

Nakaramdam ng takot si Katara kaya mabilis siyang pumasok muli sa opisina ni Aj at isinara iyon.

"Oh God! Ano bang lugar ito?" takot na usal ni Katara sa isip habang nasa pintuan at sinisigurong walang makakapasok maliban kay AJ.

..................

February 7, 2023 7.20pm

Fifth Street

Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top