Kabanata 40 : Paghahanap sa may Sala

Kabanata 40 : Paghahanap sa may Sala

N.E

Kinabukasan


"Nakarating din." sabi ni Elis sa isip ng makarating sa lugar na iyon kung nasaan siya ngayon.

"Akala ko mahuhuli ako, magaling din pala. Ngayon okay na ako. Magagawa ko na ang gusto ko." masayang sabi ni Elis saka ito pumasok sa may kalakihang bahay sa tagong lugar sa N.E.

"Sa wakas, malaya na ako. Pakiramdam ko isa akong trabahador na maagang kumuha ng pensyon at ngayon wala ng problema." sabi pa ni Elis saka ito umupo sa sala at napangiting pinagmasdan ang paligid.

"Napakasaya mabuhay, iisipin ko na lang ang lahat ng naganap ay kasama sa karanasan ko sa pagtanda. Ahmmm!! Tama! Pagtanda. Kunwari matanda na ako iyong tipong sixty na at senior citizen na pensyonado at naghihintay ng kamatayan.

Pero... aissst! Huwag kamatayan doon tayo sa tipong nagpapakasarap na sa buhay." nakangiting sabi ni Elis.

Napahiga si Elis sa sofa saka ito tumingin sa kisame ng biglang maalala nito ang mga magulang niya.

"Haysss! Mommy, daddy sorry sa lahat ng mali kong nagawa, pero siguro naman tapos na rin ako sa pagpapaligaya sa inyo.

Malungkot ako at wala na kayo, pero kahit paano gusto kong isipin na masaya na kayo at tahimik. Nasa mundo na kayo na wala na kayong iisipin. Kahit ako hindi niyo na iisipin dahil kaya ko na ang sarili ko.

At ngayon na tingin ko lahat ng utos niyo ay nagawa ko. Sabi niyo nga mabait akong anak, masunurin kaya may tiwala kayo sa akin, kaya naman bilang regalo sa sarili ko bibigyan ko naman ng oras at panahon ang buhay ko, ang sarili ko.

Oras na para ang kaligayahan ko naman ang gagawin ko at hindi naman masama iyon kasi deserved ko naman maging maligaya sa paraan na nais ko." sabi ni Elis saka ito napapikit habang nakahiga sa sofa.

"Sorry Mommy gusto ko na kalimutan ang lahat at isipin ko na lang karma ang lahat o parusa sa atin." sabi ni Elis na napaluha.

"Pero sana mahinto na iyong karma sa nangyari sayo at sa akin. Sana mahinto na kasi na-give way na ako. Binigay ko na ang dahilan ng karma ng pamilya natin." sabi ni Elis.

.....................

Flashback

Years ago

Stem

"Mommy, uuwi din ako." sabi ni Elis kausap ang ina sa cellpone habang hinihintay si Aj sa kuwarto nito.

"Balikan mo si Amon." sabi ni Mrs Samo.

"Mommy, mas okay si Aj kaysa kay Amon. Tingin ko mas sulit tayo kay Aj at saka mas gusto ko siya kaysa kay Amon." sabi ni Elis habang nakasuot na ito ng sexy lingerie para akitin si Aj na paparating pa lang sabi ng tauhan nito.

"Elis, nasaan ka ba?" sabi ni Mrs Samo.

"Mommy, aakitin ko si AJ para may ihaharap na ako sayong son-in-law." sabi ni Elis.


"Aakitin? Nasaan ka?"
sabi ni Mrs Samo.

Napakunot noo si Elis dahil sa tono ng boses ng mommy niya mukha itong nagpapanic or hindi mapakali.

"Mommy, dinala ako dito ng tauhan ni AJ kasi dito daw sinabi ni AJ na hintayin ko siya." sabi ni Elis.


"Elis, ang sabi ng tauhan natin may kumuha sayo kanina. Saan ka nila dinala?"
sabi ni Mrs Samo.

Hindi umimik si Elis, ilang araw na niyang hindi nakikita ang mommy niya dahil nasa business tour ito at ang daddy niya ay ganoon din. Magkahiwalay na business tour na hindi naman niya inaalam dati pa kung anong pinagkakabalahan ng dalawa dahil ang turo ng mga ito magpokos siya sa NLC.

"Elis anak sumagot ka." sabi ni Mrs Samo.

"Hindi ko po alam. Basta binaba ako sa helipad at hinatid sa kuwarto ni Aj." sabi ni Elis na hindi rin naman kasi siya mausisa kung anong lugar iyon pero sigurado siya ibang bansa na iyon.

"Anong lugar? Anong itsura?" sabi ni Mrs Samo.

"Itsura? Gusali. Ahhhmm! Hindi ko alam mommy basta sabi ng tauhan ni AJ secret place. Hindi ko madescribe ang lugar basta kanina paglapag namin may nakita akong dalawang buwan sa langit. Kaya for sure nasa ibang bansa ako." sabi ni Elis na bahagyang natuwa dahil hindi niya akalain na sa ibang bansa sila magde-date ni Aj at sa mismong bed nito.

"Elis, anak umalis ka na diyan. Tumakas ka habang may oras. Alam mo naman magmaneho ng chopper. Bumalik ka na dito." sabi ni Mrs Samo.

"Mommy, pagkakataon ko na para maging matatag ang NLC sa kamay natin. Kapag nakuha ko si Aj tiyak hindi makukuha ng pinsan mong peke ang NLC sa atin kasi sigurado naman na hindi papayag si Aj na apihin tayo." sabi ni Elis.

"Anak, ang sabi ko sayo okay ng si Amon ang piliin mo." sabi ni Mrs Samo.

"Ayoko kay Amon, okay siya pero walang spark. Guwapo siya pero walang dating sa akin. Mukhang mabait at gentleman siya kaya walang thrill. Gusto ko mommy iyong tulad ni AJ, parang kinikiiti ako kapag nakikita ko at kapag tinititigan ako iba iyong nararamdaman ko." sabi ni Elis sabay hawak sa lingerie niya pang-ibaba at inipit iyon sa pagitan ng kaselanan niya.

"Anak, umalis ka na diyan. Iyong iba na lang sa grupo." sabi ni Mrs Samo.

"Mommy, may asawa ni si Alex at tingin ko si Burn may asawa na rin iyon. Wala na akong kasing edad sa kanila at ayoko sa bata. Si Aj na lang, siya ang puntirya ko. Siya ang gusto ko, siya ang..." pigil na sabi ni Elis ng mapaungol ito para hindi mapansin ng mommy niya ang ginagawa niya.

"Elis..." sabi ni Mrs Samo.

"Mommy babay na, huwag kang mag-alala bibigyan na kita ng apo." sabi ni Elis ng biglang magbukas ang pintuan ng kuwarto ni AJ ang tanging kuwarto sa lugar na iyon na may pinto.

"Elis, inumin mo muna ito dahil parating na si AJ." sabi ng lalaki na ikinangiti ni Elis.

................

Present Day

"Doctor. Mukha siyang doctor.... sandali si Borealis iyong lalaki sa Stem." napamulat na mga mata na sabi ni Elis ng mahinuha ang nakaraan.

"Oh shit." sabi ni Elis saka ito napapikit at pilit inaalala ang lahat.

....................

Flashback

Years Ago, Stem

"Anak huwag mong iinumin." sabi ni Mrs Samo.

"Mommy tatawagan na lang kita uli, busy ako." sabi ni Elis at bago pa niya naibaba ang tawag narinig pa niya ang sigaw ng ina.


"Elis, huwag mong iinumin!"
sigaw ng ina ni Elis pero tuluyang naputol ang linya.

Napatingin si Elis sa telepono ng may magsalita.


"Inumin mo na, para okay ang lahat."
napangiting sabi ng lalaki na kinilala ni Elis sa kasalukuyan bilang si Dr Borealis.

"Okay." sabi ni Elis saka nito nilagok ang isang basong juice.

"Strawberry na hinaluan ng blueberry, masarap iyan walang kasing sarap." sabi ni Borealis.

Pagkainom ni Elis nakaramdam siya ng kakaiba pero sa isip niya alam niya pa ang nagaganap.

"Iiwan muna kita." sabi ng lalaki saka ito umalis

.................

Present Day

Napamulat si Elis ng mga mata ng magring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at napakunot ang noo ng makita ang numero ni Hades.

..................

Nicolas Mansion

"Nasaan si Elis nahanap niyo ba?" sabi ni Hades sa mga tauhan na nasa harapan niya habang pinapakinggan ang ring ng numero ni Elis sa kabilang linya.

"Chairman, wala po." sabi ng tauhan na ikinatiim ng bagang ni Hades dahil sa laki ng mansion posible na may nilabasan si Elis dahil hindi naman nila kabisado ang mansion na iyon.

"Hanapin niyo." sabi ni Hades.

"Yes Chairman." sabi ng mga tauhan ni Hades at mabilis ang mga ito umalis.

..................

N.E

"Magpapalit ako ng numero, hindi puwede na makita niya ako at baka ibalik niya si Airess sa akin." sabi ni Elis saka nito pinatay ang tawag.

................

Nicolas Mansion

"Fuck! Bakit mo pinatay? Asar, iniinis mo na naman ako." sabi ni Hades ng maputol ang ring sa kabilang linya. Muling dinayal ni hades ang cellphone pero hindi na makontak ang numero ni Elis.

"Oh shit!" sabi ni Hades saka ito napatingin sa cellphone.

................

N.E

"Tantanan mo na ako, binigay ko na sayo lahat. Langya ito! Sa inyo na si Airess para naman maganda ang buhay niya." sabi ni Elis ng maalis ang sim na gamit niya.

"Bibili ako ng bagong sim para manahimik na tayong lahat." sabi ni Elis saka ito tumayo at muling tumingin sa paligid.

..............

Nicolas Mansion

"Saan ka pumunta? Bakit mo iniwan ang kapatid mo? O kapatid mo nga ba talaga?" sabi ni Hades saka ito napatingin sa paligid ng buong sala ng mansion.

"Nasaan ka na? Ano bang nangyari ng gabing iyon na kasama kita." sabi ni Hades saka ito napapikit.

....................

N.E

"Sa inyo na si Airess, hindi ko na kukunin ang kapatid ko." mahinang sabi ni Elis.

...................

Nicolas Mansion

"Si Aj, siya lang ang magsasabi ng lahat kung ano nga ba ang naganap ng gabing iyon sa Stem." sabi ni Hades saka ito nagmamadaling umalis

..................

N.E

"Gusto ko na kalimutan ang lahat at mamuhay sa paraan na pangarap lang dati. Nasa exciting part na ako." napangiting sabi ni Elis.

..........................

One week later

Tube Factory, Japan

"Si Aj nasaan?" sabi ni Hades ng makilala ang isang tauhan ni Aj sa may entrance ng factory.

"Wala po dito." sabi ng tauhan.


"Papasukin mo ako at titingnan ko sa loob."
sabi ni Hades dahil hindi siya naniniwala na wala doon si AJ.


"Sir, bawal po pumasok ang hindi empleyado."
sabi ng tauhan.


"Hindi nga ako empleyado dahil bisita ako ng pinsan ko."
sabi ni Hades na halatang napipikon na ito. Paano ba naman hindi, isang linggo na niya hinahanap si AJ pero wala itong bakas. Pumunta siya sa Stem pero hindi binababa ang chopper niya sa helipad ng Stem. Nakuha pa siyang paputukan ng baril sa ere ng mga tauhan ni AJ kaya umalis na lang siya.

Hinahanap at kinokontak niya rin si Hestia kaso ang kapatid niya putol lahat ng linya nito. Kahit ang bahay ng mga ito sa Infinity Island sarado at bantay lamang ang naroroon.

"Nasaan si AJ?" sabi ni Hades


"Hindi po namin alam."
sabi ng tauhan.


"Imposible kasi tauhan ka niya."
sabi ni Hades.


"Sir, imposible din po na hindi niyo alam kung nasaan si Don kasi pinsan ka niya."
sabi ng tauhan na ikinapanteng ng tenga ni Hades kaya mabilis nitong kinuwelyuhan ang lalaki na ikinatutok naman ng baril sa kanya ng mga kasamahan nito.

"Nasaan si AJ?" sabi ni Hades na hindi nagpasindak sa mga baril na nakatutok sa kanya.

"Sir, kung ikaw nga na pinsan hindi mo alam ako pa kaya na tauhan lang. Kaya siguro naman po na posible din na hindi ko alam kung nasaan si Don." sabi ng tauhan na ikinapikit ni Hades para timpiin ang galit niya at pandidilim ng isip na baka mapatay niya ang tauhan ni AJ.

"Papasukin mo ako, nandiyan si Burn di ba?" sabi ni Hades.

"Sir, ayon sa mga nababasa ko na alam kong nakikita niyo at marunong naman kayo magbasa nakalagay po ay...

AUTHORIZED PERSONNEL ONLY. NO ID NO ENTRY. VISITORS NOT ALLOWED. EMPLOYEES MUST WEAR ID'S WITHIN THE COMPANY PREMISES. NO TRESSPASSING." basa ng tauhan ni Aj sa mga nakasulat sa pintuan ng factory na ikinatiim ng bagang ni Hades.

"Iniinis mo ba talaga ako?" napipikong sabi ni Hades.


"Sir, hindi po kasi sumusunod lang po ako sa rules. At nasa Japan tayo na bawal ang padulas, padrino at guwapo."
sabi ng tauhan sabay nagulat ang lalaki ng isang malakas na suntok ang binigay ni Hades na ikinabuwal ng tauhan ni Aj pero panandalian lamang ito nagulat dahil biglang nahimasmasan ang tauhan ni AJ at muling nagsalita.

"Isang babala mula sa akin, kapag gumawa ka pa ng bawal ayon sa batas ng kompanya kung saan ka nakatuntong ikaw ay makukulong sa hindi mo gustong lugar." sabi ng tauhan sabay tumayo ito.

"Gago ka talaga! Hindi ako si Shiloh na nagbibiro." sabi ni Hades at akmang susuntukin muli nito ang tauhan ng mabilis ng lalaki sinangga ang kamay ni Hades.

"Self defense kapag napatay kita, hindi ako sisisihin o ikukulong ni Don dahil ang nasa batas kapag may taong nagpumilit na gawin ang bagay na pinagbabawal ay patayin." sabi ng tauhan na ikinatiim ng bagang ni Hades sabay napaigik si Hades ng pilipitin ng lalaki ang kamay niya.


"Buweset ka! Lagot ka sa akin."
sabi ni Hades.

"Hades." sabi ng tinig mula sa loob ng kotse na tumigil sa harap ng entrance ng factory.

Napatingin si Hades at ng makita si Borealis napangisi ito. Agad na binitawan ng tauhan si Hades na ikinangisi ni Hades sa tauhan ni AJ.

"Mabuti nandito ka, utusan mo sila na papasukin ako sa loob." sabi ni Hades na ikinangiti ni Borealis.

"Hindi ko magagawa iyon bro-in-law." sabi ni Borealis.


"Shit. Diyan ka nagtatarabaho di ba."
sabi ni Hades na halatang inis na inis na ito sa paghahanap kay AJ.

"Oo pero hindi na ako ang may hawak kundi si Burn na, at mahigpit si Burn sa patakaran na kahit ako kailangan ko magsuot ng ID at dumaan sa kapaan." sabi ni Borealis sabay turo sa mga tauhan ng factory na tila nasa airport para sa pagkapa sa katawan ng lahat ng papasok sa kompanya.

"Kailangan ko si AJ? Nasaan na lang siya? Alam mo ba?" sabi ni Hades.


"Hindi. At kahit pumasok ka at tanungin si Burn mukhang hindi niya sasabihin kasi ganito sila ni Aj."
sabi ni Borealis sabay cross finger nito.

"Baka nasa loob si AJ." sabi ni Hades.


"Malabo iyon, kasi kapag nandiyan siya tumatawag iyon sa akin o kaya kay Alex."
sabi ni Borealis

"Nasaan siya?" sabi ni Hades.

"Hindi ko alam kung nasaan si AJ at kahit magwala ka diyan hindi rin nila alam kaya sayang ang effort mo at sayang ang ang oras mo kapag nakulong ka." sabi ni Borealis.

Napatitig si Hades kay Borealis saka ito napakunot noo ng may naisip.

"Teka, hindi ba nasa Stem ka ng gabing magkasama kami ni Elis?" sabi ni Hades.


"Oo. Bakit?"
sabi ni Borealis


"Anong nangyari? Iyong totoo."
sabi ni Hades na ikinakunot noo ni Borealis.

"Hindi ko alam." sabi ni Borealis


"Sinungaling, naroroon ka kaya imposibleng hindi mo alam."
sabi ni Hades.


"Tsss! Wala akong alam."
sabi ni Borealis saka nito pinaandar muli ang kotse.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ni Hades ng umalis muli si Borealis.

"May nalimutan ako sa bahay ko." sigaw ni Borealis mula sa kotse nitong umaandar

"Asar." sabi ni Hades.

"Kay Elis mo lang malalaman ang totoo." sabi ng tinig na ikinalingon ni Hades

Pagkalingon ni Hades napangisi ito ng makita ang pakay na halatang kararating lang nito kaso mukhang naglakad lang ito dahil wala itong dalang kotse o motor.

"Anong ginawa mo?" sabi ni Hades kay AJ.

"Nagpapahinga." nakangiting sabi ni Aj.

"I mean sa Stem noong gabing iyon anong ginawa mo." inis na sabi ni Hades.


"Nagkupido."
natawang sabi ni AJ ng biglang mabilis na lumapit si Hades at kinuwelyuhan si Aj na ikinatutok muli ng mga baril ng mga tauhan ni AJ kay Hades.

"Hindi ako nagbibiro. May dugo iyong bedsheet pero nakuha ko si Elis na birhen kamakailan. So, kanino iyong dugong nasa kama mo?" galit na sabi ni Hades na halatang nagtitimpi ito sa galit.

Sumeryoso si Aj saka ito nagsalita.


"Sa mama niya."
sabi ni AJ na ikinakunot noo ni Hades sa pagtataka.


"Sa mama niya?"
naguguluhang sabi ni Hades.

"Tanungin mo si Elis dahil hindi sa akin manggagaling ang kuwento ng pamilya niya. Hindi ako tsismoso o reporter na katulad ni Eye na ngayon pinuputakte ang mga anak ko." sabi ni AJ.

"Si Airess nasa inyo ni Hestia." sabi ni Hades.


"Amin na siya, binigay ni Elis kaya walang bawian. Nasa pangalan na namin ni Hestia."
sabi ni AJ.

"Anak siya ng nanay ni Elis." sabi ni Hades.

"Hindi ko masasagot, si Elis ang tanungin mo." sabi ni Aj

"Dinala mo siya sa Stem kaya kasalanan mo at kung ano ang nangyari kargo mo." sabi ni Hades na ikinangiti ni AJ.


"Hindi porque nasa Stem siya kargo ko, malaki na si Elis at pumunta siya doon ng walang sapilitan. Tulad mo Hades hindi ako namimilit ng babae at alam mong si Elis ang nag-alok ng sarili niya sa akin at sabi ko nga pasalamat ka binigay ko sayo dahil makulit si Elis at tiyak gagawa siya ng paraan para maghiwalay kami ni Hestia." sabi ni AJ.

"Lugar mo iyon kaya lahat ng mangyayari roon kargo mo." sabi ni Hades.

"Hindi lahat puwede mong ipasan o ipapasan sa iba. Parang ganito iyan, nakipagsex ka sa pinsan mo sa kama ko, ginusto mo at nasarapan ka. Tapos kasalanan ko?

Huh! Unfair naman iyon, may isip na tayo alam na natin ang tama sa mali at kung kailan aayaw o tatanggi. Huwag mo akong sisihin sa bagay na ang kapalaran ang nagpasya at ang karma ang naningil.

Wala akong ginagawa na kahit na ano, tumutulong lang ako at hindi ko kasalanan kung ang pagtulong ay magiging mitsa ng pagsalubong nito sa kapalaran at karma ng tao." sabi ni Aj na ikinatitig ni Hades kay AJ.

"Karma? Tsss! Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko makita si Elis, kaya ikaw ang sumagot sa mga tanong ko." sabi ni Hades.


"Tinulungan na kita Hades, at oras naman na ikaw ang tumulong sa sarili mo. Kung hindi mo makita si Elis hanapin mo, kung hindi makita palabasin mo at kung hindi mo mapalabas kalampagin mo."
sabi ni AJ sabay hawak sa braso ni Hades.


"Alam ni Elis ang naganap, mali lang ako ng tantya kasi sabi ko nga ang kapalaran ang nagpasya. Ito lang ang katotohanan na sasabihin ko. Nang gabing iyon may gamot kayo ininom ni Elis kaso nauna ang trahedya bago pa maganap ang plano ko para sa inyong dalawa."sabi ni AJ.

"Karma? Gamot?" sabi ni Hades na bakas ang kalituhan.

Karma. Iyon ang naganap at kung ano iyon? Tanungin mo si Elis." sabi ni AJ saka nito binitawan si Hades.


"Asar! Pero si Hestia kamusta?"
sabi ni Hades ng makita sa mata ni Aj na tila wala na dito ang naganap kahit ang pananakit ng ama niya sa pinsan tila hindi nito iniinda o wala ngang bakas na galit si Aj sa Papa niya.

"Mabuti. Masaya kami ni Hestia. May kalaro na si Red big sister na siya ni Airess." sabi ni AJ.

"Ibalik niyo si Airess kay Elis dahil kapatid niya ito." sabi ni Hades.


"Hindi."
sabi ni Aj.

"Bakit?" sabi ni Hades.


"Ang totoo hindi pa alam ni Hestia na kapatid ni Elis ang sanggol."
sabi ni Aj.

"Bakit hindi mo sabihin?" sabi ni Hades.


"Hindi ako ang kailangan magsabi ng bagay na iyon kundi si Elis."
sabi ni AJ.

"Iniwan na niya ang bata sa inyo at mukhang wala na ngang siyang balak kunin dahil nagtatago na siya." sabi ni Hades

"Aakuin ko ang bata tutal tanggap naman siya ni Hestia." sabi ni AJ.

"Pinapasakitan mo ang kapatid ko." sabi ni Hades.


"Ikaw Hades, bakit hindi mo sabihin? Hindi ba ibinigay na sayo ni Alex ang DNA Result?"
sabi ni AJ na ikinangisi ni Hades.


"Siraulo iyon ang sabi hindi mo daw alam ang DNA Test na ginawa niya."
sabi ni Hades.


"Ang totoo tinanong na ako ni Alex bago ka pa magtanong sa akin tungkol sa kung anong nangyari sa Stem. Pero tulad ng sinabi ko sayo ang sinabi ko kay Alex. Kay Elis manggagaling ang naganap hindi sa akin, at kung anuman ang rason mo kung bakit ayaw mo rin sabihin sa pamilya mo ang DNA Result siguro pareho lang tayo ng dahilan."
sabi ni Aj.

"Hahanapin ko si Elis at kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagkamatay ng magulang niya at hindi ko nagustuhan ang naganap sa Stem ng gabing iyon idedemanda kita at sasabihin ko sa lahat kung sino ka." sabi ni Hades na ikinangiti ni AJ.

"Hindi ako natatakot, kasi malinis ako." sabi ni Aj.

"Malinis ka? Pero nakuha mong hawakan ang Stem na masahol pa sa Casa. Pilit mong tinatayo ang Green Island Jail kahit na pugad iyon ng mga halang ang bituka." sabi ni Hades.

"Hindi ako Diyos pero bakit ang Diyos nakuha niyang hawakan ang mundo kahit puno ng kasalanan ang mga tao dito.

Kung ang Diyos nga nakuha magtiwala sa mga taong paulit-ulit na nagkakasala bakit hindi ko gagawin sa mga taong tulad ko na nagkakasala. Maraming tanong pero mas maraming sagot." sabi ni Aj saka ito napangiti at napahingang malalim.


"Aalis na ako, hinihintay ako ng pamilya ko."
sabi ni Aj saka ito tumalikod para pumasok sa factory.

"Hindi habang panahon makakapagtago ka, at hindi lahat malilihim mo." sabi ni Hades na ikinahinto ni AJ sa pagpasok saka ito tumingin kay Hades.

"Tama ka, kaya naniniwala din ako mauunawaan niyo ako. Pero papayuhan kita sa salitang pagtatago, kasi lahat ng nagtatago may nakaimbak para hindi makita." napangiting sabi ni Aj saka ito tuluyang umalis na ikinasunod ng tingin ni Hades sa pinsan.

...............


para sa kaunting tulong at suporta.

Any amount po okay lang basta lubag sa kalooban ang tulong mula sa inyo.Tnx.

gcash # 09153205730 Jai-Kim Chua


..........

February 22, 2023 7.06pm

Fifth Street

..........

aabot tayo ng mga chap 55 to 60

pinapahaba ko na kada chapters...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top